1. Home
  2. Stories
  3. Huling Regalo - Part 1
Filipino Sex Stories

Huling Regalo - Part 1

By Bebeko ·
Isang gabi na habang hinahanap ko ang resthouse ng kaibigan kong si Eddie ay may kakatwang nangyari sa akin.

Ikadalawampu't apat na taong kaarawan ko noon at sa resthouse nga namin napagdesisyunan na mag-celebrate. May ireregalo daw siya sa akin na hindi ko makakalimutan.

Nangako siya na isasama niya ang bago niyang syota na si Angie at yung isang kaibigan nito. Apat kami na mag-iinuman kaya humanda raw ako dahil tyak na may mangyayari sa kanila ni Angie at bahala na raw ako sa kasamang babae.

Habang naiisip ko ito ay lalo akong nasasabik dahil alam ni Eddie na wala pa nga akong karanasan sa babae.

"Ayos talaga si Eddie." Sa isip ko.

Anak mayaman at kababata ko si Eddie. Alam kong kaya niyang tuparin ang pangako niyang regalo sakin dahil bukod sa maykaya siya ay magaling makisama at mabait.

Bumaba ako sa jeep doon sa kanto na sinabi niya. Medyo madilim pala dahil maraming puno at layu-layo pa ang mga bahay. Gusto ko ng tigasan sa kasabikan habang hinahanap ang lugar.

"Easy junior at sandali na lang ay makakatikim ka na hehe," ngisi ko sa sarili.

Di ko naman matandaan ang instructions ni Eddie kung saan ang exact place kaya minabuti kong tawagan.

"Busy na naman ang phone ng loko tsk tsk," nasabi ko sa sarili.

Dahil hindi ko makontak ay pilit kong inalala na lang yung direksyon. Ang pagkatanda ko ay sinabi nyang magtraysikel ako kaso wala namang dumadaan kaya nilakad ko na lang.

Naiinis ako sa sarili ko dahil di ko natantya ang oras. Dapat inagahan ko talaga ang alis sa bahay. Nakadagdag pa yung mabagal na jeep na nasakyan ko kaya takipsilim ko na narating ang lugar.

Excited pa rin ako kahit na may kadiliman sa nilalakaran. May ilang ilaw na nanggagaling sa mga bahay na madadaanan pero bukod doon ay tanging ang liwanag lamang ng buwan ang guide ko sa paglalakad.

"Nasaan na ba kasi yon?"

Mabuti naman na may paparating na matandang lalake kaya nagtanong ako.

"Tatang, alam po ba ninyo ang resthouse nila Eddie Santa Maria?"

"Iho, sa kabilang kanto pa. Bumalik ka tapos kumanan. Yung susunod na kanto ay kumanan ka ulit. Ika-apat na bahay ay yun na yon." Sagot ng matanda. "Mag-iingat ka iho at medyo madilim sa gawi na yon."

"Salamat ho." Sabi ko.

Bumalik nga ako. Medyo pawisan na ngunit hindi naglaon ay natagpuan ko rin ang resthouse. Parang medyo kinilabutan naman ako na di ko maintindihan. Madilim kasi ang bahay at parang walang tao.

Kahit atubili ay pumasok na ako dahil bukas naman ang gate kagaya ng bilin ni Eddie. May isang ilaw lamang sa labas ng pinto kaya napansin ko na medyo di na naaasikaso ang lugar dahil makalat.

"Eddie?" Tawag ko sabay mahinang katok.

Hindi nakalock ang pintuan kaya dumiretso na ako. Madilim sa loob ng bahay ngunit may ilaw sa may bandang kusina. Di ko naman napansin ang kotse ni Eddie sa labas kaya di ko alam kung may tao nga o wala.

"Nasaan na kaya sila?" Pagtataka ko.

(Itutuloy)

© bebeko 09192014.This story may not be reproduced in any manner, without the expressed permission of the author.