1. Home
  2. Stories
  3. Jen Dela Cruz part 96
PSErotica

Jen Dela Cruz part 96

By miniskirt ·

8am, nasa loob ng bahay nila ang Mama ni Daniel at kanina pang naghinintay sa kanyang anak na dumating. Dahil dito ay nagtext agad ito sa girlfriend ng anak nya na si Jen.

"Jen, nandyan pa ba si Daniel? Sabi kanina malapit na raw sya pero wala pa rin dito sa bahay eh."

Nagulat naman si Jen pagkabasa sa text na iyon, "Huh? Nakaalis na po Tita kanina pa eh."

Nag-alala naman si Jen sa kanyang boyfriend kaya agad nya itong tinawagan pero di makontak.

Napaupo ang dalagita sa kanyang kama sa kakaisip kay Daniel. Maya-maya ay pumasok sa loob si Mia at napansin ang pinsan nya.

"Oh Ate Jen, may problema ba?" agad tinabihan ni Mia ang pinsan.

"Si Daniel kasi di pa raw nakakauwi sa kanila sabi ng Mama nya. Nag-aalala ako."

Samantala, nadala na ni Karel ang binatilyong si Daniel sa kanilang mansyon. Tinalian nya mga kamay at binusalan pa ang bibig ng lalaki.

"Baby, lahat binigay ko sayo, pati katawan ko. Tapos ayaw mo na agad? Di ka na mapupunta pa kay Jen. Akin ka lang! Hahaha!"

Di naman makapagsalita si Daniel sa kanyang ayos ngayon. Lumapit naman si Karel sa lalaki at napansin ang nakabukol sa bulsa sa pantalon na cellphone at kinuha ito.

Binuhay ni Karel ang hawak at dinayal ang number ni Jen. Napansin naman ni Mia na tumitunog ang cellphone ng pinsan nya at binigay sa kanya, "Ate, natawag si Kuya Daniel."

"Hello babes! Nakauwi ka na ba sa inyo?" wika ni Jen.

"Hahaha! Bihag ko ngayon ang boyfriend mo Jen. At di ako makapaniwalang buhay ka pa."

"Hayop ka Karel! Nasaan si Daniel? Bakit mo sya dinadamay?"

"Kung gusto mo puntahan mo sya dito sa bahay namin. Yun ay kung maaabutan mo pa syang buhay! Hahaha!" agad pinatay ni Karel ang tawag.

"Mia, nabihag ni Karel si Daniel. Sabi nya puntahan ko raw sya ngayon."

"Ate Jen, baka mapahamak ka lang. Saka wala na sayo ang bakal na dick mo, di mo sila matatalo." wika ni Mia.

"Kailangan ko pa rin subukan. Nasa panganib ang boyfriend ko. Sabihin mo kay Kuya Enrique na aalis tayo."

"Cge Ate." agad na umalis si Mia at nagtungo sa kwarto ng kanyang boyfriend na ngayon si Enrique.

After 5 minutes ay nakasakay na silang tatlo sa kotse at aalis na ng bigla silang nakita ni Maria.

"Jen, san kayo pupunta?"

"Ah Mommy, may pupuntahan lang po kami. Pero babalik din po agad kami, dont worry Mommy!" agad na umandar ang kotse at umalis.

Nakarating na agad sila Jen sa bahay nila Karel matapos ng kalahating oras na byahe. Agad itong bumaba sa kotse at nagbilin, "Mia, Kuya Enrique, dito muna kayo ha? Pasok lang ako sa loob. Hintayin nyo nalang ako."

Dahan-dahang pumasok sa malaking mansyon nila Karel ang ating bida. Sa loob ng bahay ay medyo may kadiliman ng konti pero maingat pa rin ito sa paghakbang.

"Cz Jen, welcome to our hauz!" sabi ni Karel at bitbit nito ang bihag na si Daniel.

"Hayop ka Karel, pakawalan mo na si babes ko!"

Maya-maya ay dumating naman ang mag-asawang Hari at Reynang aswang at nakita ang kanilang bisita.

"Sino yang dalagita na yan Karel? Bakit nag-iiskandalo? At bakit mo bihag ang binatilyong yan?" wika ng Reyna.

"Mommy, di mo ba sya kilala? Sya ang superhero na si Super J. Pero di nya iyon magagawa kasi wala sa kanya ito." nilabas ni Karel ang bakal na dick at nakita iyon ni Jen.

"Ibalik nyo ang bakal na dick sken."

"Di ko ito ibibigay sau. Pati si babes mo. Akin lang sya! Di ba baby?"

Nagulat si Jen sa narinig. Pailing-iling naman si Daniel kay Jen na wag maniwala kay Karel.

"Ganun ba anak? Pwes, dapat tapusin mo na yan ngayon!" utos ng Haring aswang.

Dahil nakatingin silang tatlo kay Jen ay nagkaroon ng pagkakataon si Daniel na bungguin si Karel ng katawan nya. Natumba si Karel at nabitawan ang bakal na dick. Mabilis namang nasipa ni Daniel ang bakal palayo at napunta sa paanan ni Jen.

Biglang dinampot ni Jen ang bakal at tinaas. Nasilaw ang lahat ng biglang nagliwanag ang katawan ng dalagita at nagtransform.

"Si Super J!" sigaw ng Haring aswang. Inis na inis naman si Karel sa ginawang iyon ni Daniel at mabilis din itong nagbago ng anyo at naging aswang ganun din ang mga magulang nya. Nakapagtago naman si Daniel sa isang sulok at nakasilip sa mangyayari.

"Tatapusin ko na kayong lahat mga aswang!" sigaw ni Super J.

Lalong lumakas ang kapangyarihan ng superhero mula nung dati. Mabilis itong nagteleport at biglang lumitaw sa harapan ng Hari at Reyna at tinaga parehas sa leeg.

"Mommy! Daddy!" sigaw ng anak ng dilim. Natumba agad ang mag-asawang aswang at namatay.

"Hayop ka Super J! Ikaw ang papatayin ko!" pinagtitiranan ni Karel ng mga kuryente si Super J pero sa sobrang bilis ay di ito natatamaan.

"Pagod ka na ba?" wika ni Jen. Ngayon ay sya naman ang aatake. Nagulat sya ng naging isang sibat ang kanyang armas at tinutok agad nito sa anak ng dilim.

"Katapusan mo na!" hinagis ni Super J ang sibat kay Karel at tumama iyon sa pinakasentro ng dibdib nito hanggang sa namatay.

Agad na lumapit si Daniel sa superhero at kinalagan sya ng mga tali at gapos.

"Babes, kailangan pa nating mahanap ung mahiwagang rebulto dito sa bahay."

Itutuloy