1. Home
  2. Stories
  3. KAMUNDUHAN 9
PSErotica

KAMUNDUHAN 9

By Mundoko ·

9

At nangyari nga, sa biyahe ng binatang si Gary ay sabik ito sapagka't ito ang kauna-unahang pagkakataon na makararating ito ng maynila at dito na din naman siya maninirahan kasama ang mag-inang Gina at Katlyn. At sa loob naman ng bahay na kinaroroonan ng mag-ina, abala at nagdudumali sa pagbibihis si Mrs. Gina upang sunduin nito ang pamangkin. Sa paglabas nito ay ang siyang paglabas din naman ng anak nito na bagong gising at nabungadan nito ang ina na nakaayos.

Katlyn: oh mommy, sa'n ho punta niyo? (ang may pagtataka nitong tanong nito sa ina)

Mrs. Gina: nalimutan mo na ba? na ngayon na ang dating ng pinsan mo at susunduin ko siya sa terminal at ikaw na munang bahala dito ha?! (tugon naman nito at lumabas ito at agad na nagtungo sa grahe)

Naiwan naman ang dalagang nakatanaw sa ina, hanggang sa tuluyan ng makaalis ang ginang. Isinara naman ni Katlyn ang kanilang gate na iyon.

At hindi nagtagal, mula sa terminal ng bus ay tahimik na nakatayo ang binatang si Gary na dala-dala ang dalawang bag nito at palinga-linga sa kaniyang paligid. At buhat sa kaniyang kinatatayuan sa bahagi niyang kaliwa ay may tumawag sa kaniyang babae. At nang lingunin niya ito ay namangha pa ito sapagka't ang babaing iyon na tumawag sa kaniyang pangalan at naglalakad papalapit sa kaniya't nakangiti ay may hawig sa artistang si Melissa de Leon. Subalit nang tuluyan na itong makalapit ay dito na niya lang ito nakilala ng lubusan.

Gary: t'yang, kayo ho po pala...(ang nakangiti nitong bungad sa ginang)

Mrs. Gina: bakit sino ba sa akala mo? (nakangiti din naman nitong sagot sa binata)

Gary: akala ko ho kasi si Melissa de Leon e! (at napansin nito ang isang butones ng long sleeves na suot ng t'yahin sa bandang taas na nakabukas at litaw ang maputing dibdib nito (cleavage)

Mrs. Gina: aba, marunong ka ng mambola ngayon ha? ikaw nga muntik ko ng hindi makilala, ang laki-laki mo na kasi mataas ka pa sa kin e! (pagkaraan niyon ay dito na pinansin ng binata ang butones na iyon)

Gary: e t'yang...'yung butones niyo po hindi niyo po ata naitasok! (at bahagya pang nagulat ang ginang)

Mrs. Gina: naku pasensya na nakalimutan ko na pagmamadali; (at itinasok niya iyon) ang mabuti pa e, tumuloy na tayo lika na! (at magkasamang nagtungo ang dalawa sa sasakyan ng ginang)

Subalit bago dumiretso ang mga ito sa bahay ay namalagi pa muna ang mga ito sa botique ni Mrs. Gina sa loob ng isang mall. At dito'y mangha ang binata sa magagandang tanawing kaniyang nakikita maging silang mga naggagandahang babae subalit higit itong namangha sa bago niyang paligid. Saglit pa itong nagpaalam sa t'yahin at naglakad-lakad muna ito sa loob ng mall na iyon ngunit hindi naman ito gaanong lumalayo. Hanggang sa ayain na ito ng t'yahin para sa isang pananghalian at dito na sila nagkakuwentohan.

Mrs. Gina: kumusta ka naman sa inyo? (pasimula nito sa pamangkin)

Gary: ayos naman ho, mababait naman ho sina t'yang Tessie at t'yo Danding! (sagot naman nito sa tiyahin)

Mrs. Gina: baka may naiwan kang nobya do'n? (ang nakangiti nitong tinuran sa binata)

Saglit na natahimik si Gary sa tanong na iyon ng t'yahin ngunit di nagtagal ay sumagot din naman ito.

Gary: wala naman ho t'yang...baka ho dito magkaro'n ako...! (biro nito sa huli sa t'yahin, napangiti naman si Mrs. Gina sunod ang pagpuna nito sa tinatawag sa kaniya ng pamangkin)

Mrs. Gina: hay naku Gary, iwasan mo ng tawagin akong t'yang; tita na lang, tita Gina na lang ang itawag mo sa kin!

Gary: pasensya na ho, nasanay ho kasi pero susubukan ko rin ho, tita Gina! (at nagkangitian ang dalawa)

At maya-maya pa'y kinuha ng ginang ang cellphone nito upang tawagan ang anak upang ipaalam dito na kasama na niya ang pinsan nito at nasa sa botique ang mga ito.

Mrs. Gina: o siya sige na, tawag na lang ulit ako pagpapauwi na kami ng pinsan mo at huwag ka munang aalis ngayon ng bahay ok?! (wika nito sa kabilyang linya sa kaniyang anak)

Katlyn: okey mommy, mag-iingat ho kayo pag-uwi mamaya! (sagot naman nito sa ina habang naglilinis ito ng kaniyang silid)

Pagkaraang mag-usap ng mag-ina ay dito na binanggit ng ginang kay Gary ang pinsan nitong si Katlyn.

Mrs. Gina: si Katlyn pinsan mo, alam ko hindi pa kayo nagkikita't nagkakakilala at ngayon na ang pagkakataon para magkakilanlan kayong magkamag-anak! (masaya nitong inusal sa pamangkin)

Gary: ayos nga ho 'yun tita Gina e, ang totoo ho kasi sabik din ho ako sa kamag-anak e! (ang masaya din naman nitong itinugon sa t'yahin)

Lumipas ang buong maghapon na hindi magkandasawa-sawa ang binata sa pagtanaw-tanaw sa kaniyang paligid maging pagsulyap-sulyap sa mga naggagandahang babae. Hanggang sa dumating ang oras ng pag-uwi, habang nasa biyahe ang mga ito'y nasabik bigla ang binata na makilala nito ang pinsan niyang si Katlyn. At tulad ng nasabi nito sa kaniyang t'yahin, sabik sa kamag-anakan ang binata. Ngunit iniisip din nito kung makakasundo ba niya ito o magiging masungit sa kaniya lalo pa't lumaki itong may marangyang pamumuhay at ganon din naman ay laking lungsod.

itutuloy -