1. Home
  2. Stories
  3. Karma Ng Pagnanasa - Kabanata 4 - 6
Filipino Sex Stories

Karma Ng Pagnanasa - Kabanata 4 - 6

By watchingoverme ·
Kabanata 4

THIRD PERSON POV


Sa mansyon ng Mondragon...

Maagang nagising si Cecilia dahil sa sinag ng araw na tumatama sa kanyang mukha mula sa bintana ng kwarto. Buwisit na buwisit siya dahil hindi na naman niya nakuha ang gusto sa asawa kahapon. Lagi na lang siyang nabibitin sa asawang wala na sa kanyang tabi ng umagang iyon. Palaging ang kanyang palad ang kaulayaw sa gabi.

Cecilia: Binigyan ka nga ng asawa, pero daig ko pa ang madre sa pagkatigang. Kainis!

----------

Sa kwarto ni Lavinia ay makikitang pinipisil-pisil ng pilyang si Lavinia ang pwet ng kasintahang si Justin para magising ito. Gustung-gusto ni Lavinia ang performance ng binata pagdating sa kama. Wala siyang reklamo rito. Ang problema lang nila ay kapag nalaman ng Daddy niya na may nangyayari na sa kanila ni Justin sa kanilang murang edad.

Gwapo ang binata. Maraming babae ang naghahabol dito. Pinagkakaguluhan ito sa buong campus. Kalat ang balitang talented ito pagdating sa kama dahil na rin sa mga naging girlfriends nito. Walang hindi nakakaalam sa campus kung gaano kagaling magpaungol ang isang Justin Soriano sa kama.

Sa tuwing dumadaan ito sa canteen ay halos napapatigil ang mga babae at bading sa pagkain. Sa isip ng mga ito ay siya ang pinakamasarap na putahe sa loob ng canteen ng campus. Sa tuwing nakikita ng mga ito si Justin ay parang wala itong saplot sa katawan. Kulang na lang ay pagtulung-tulungan nilang hubaran si Justin sa publiko.

Isang beses ay narinig ni Lavinia ang tatlo niyang kaibigan na pinag-uusapan si Justin habang gumagawa ito ng mga assignments. Nahuli si Lavinia sa usapan ng magkakaibigan na magkita sa tambayan. Palapit na siya sa bukana ng tambayan nang marinig niya ang pangalan niya at ni Justin. Napatigil siya sa paglalakad at nagtago sa likod ng pader.

Kaibigan 1: Hay naku! Late na naman si Lavinia. Malamang kasama na naman ang jowang si Justin.

Kaibigan 2: Ano naman? Kung ako din naman si Lavinia, mas gugutuhin ko nang makasama si Justin ng magdamag...sa kama.

Nagtawanan na parang kinikilig ang tatlong kaibigan ni Lavinia.

Kaibigan 3: Ang sarap ni Justin, ano? Ngiti pa lang, ulam na. Isang beses na nakasalubong ko siya sa hallway, tapos nginitian ako, OMG! Feeling ko kumalat likido ko sa suot kong panty.

Kaibigan 2: Haha! Ang landi mo. Pero, sabagay, Justin na 'yon, eh. Atin-atin lang ito, ha? T-in-ry kong makipag-flirt kay Justin noong isang araw. Pero hindi nakikipag-flirt back. Loyal sa girlfriend niya. Bwisit, 'di ba?

Kaibigan 3: Ay! Nakaka-disappoint naman si Justin. Sa gwapo niyang 'yon, dapat lahat ng babae pagsawaan niya muna. Hindi pa naman siya kasal. Hello! Lahat ng lalaki maiinggit sa posisyon niya. Tapos ganoon lang gagawin niya sa 'yo.

Kaibigan 2: Inis na inis talaga ko. Pero mas inis ako sa kaibigan nating hilaw na si Lavinia. Dapat ang mga tulad ni Justin ay hindi niya bino-boyfriend. Dapat shini-share niya sa mga friends niya.

Kaibigan 3: Agree. Sa totoo lang, sa inyo ko lang aaminin ito. Kaya lang naman ako nakikipag-close kay Lavinia ay dahil kay Justin. Tumityempo kasi ako kung saan ako pwede makasingit sa relasyon nila. Malamang hindi perpekto ang relasyon nila. May butas 'yan. Doon ko balak pumasok para mapasaakin si Justin.

Kaibigan 2: Evil ka, girl. Pero sa iyo ang suporta ko. Kasi alam kong ishi-share mo sa akin si Justin kapag nagtagumpay ka. Haha!

Nagtawanan ang tatlong kaibigan ni Lavinia.

Kaibigan 1: Tumahimik nga kayo diyan. Mamaya dumating 'yong..."kaibigan" natin at marinig pa tayo. Alam niyo namang nakiki-free ride tayo sa mga luhong natatamasa natin sa kanya.

Kaibigan 2: Basta ako, kung masisira ang relasyon ko kay Lavinia, wala akong pakialam. Basta si Justin ang kapalit. Gosh! Kahit isang gabi lang sa kama. Matikman ko lang 'yong alam niyo na. Haha!

Kaibigan 1: Loka-loka!

Mula nang marinig 'yon ni Lavinia ay umiwas na siya sa tatlong kaibigan. Sinabi niya sa mga ito na marami siyang iniisip. Hindi naman nag-usisa pa ang mga ito. Mga walang kwentang kaibigan. Mga user. 'Yan ang nasa isip ni Lavinia. Kaya pala tumatamlay ang mga ito kapag hindi niya sinasama si Justin sa mga group studies nila. May mga motibo pala ang mga ito.

Naramdaman ni Lavinia na umungol si Justin. Nagigising na ang boyfriend niya. Ang gwapo nito kahit magulo ang buhok at mukhang pilyo ang gwapong mukha. Bumulong malapit sa tainga ni Justin si Lavinia.

Lavinia: I hope you don't walk away from me, Justin.

----------

Sa labas ng mansyon ng mga Mondragon ay makikitang nagpu-push up sa garden ang mas batang security guard na si Jacob at kausap nito ang binatang hardinero na si Fabio na kumakain ng tinapay at umiinom ng kape. Nagkukwentuhan ang mga ito habang hindi pa oras ng kanilang trabaho.

Napatingin sa tapat ng bintana ng kwarto ng mag-asawang Emilio at Sandra Ysabelle Mondragon si Fabio.

Fabio: Pare, mukhang sumusulyap na naman sa makisig mong katawan ang matandang tigang.

Jacob: Hayaan mo siyang maglaway. Tigang, eh.

Fabio: Tigang ang puta. Palibhasa baldado na asawa, eh.

Jacob: Hindi na tatayuan 'yon si tanda. Kaya sa akin na tumatayo utong ni Ma'am Ysabelle.

Fabio: Siguro sa gabi ikaw ang pinapantasya niyang tigang na 'yan kapag pinaglalaruan pekpek niya.

Jacob: Malamang 'yan. Akalain mo pinuntahan ako isang beses sa guard house para lang tulungan siyang ayusin ang zipper sa likod ng damit niya. Alam ko namang nang-aakit lang 'yan. Walang pakialam kahit may asawa na ko.

Fabio: Subukan mo kayang lambingin, pare. Baka taasan sahod mo?

Jacob: Ulol! Mamaya sisantehin ako ni Sir Emilio kapag nalaman niya. Saka isa pa, may asawa na ko.

Fabio: Sus! Kunwari ka pa, binobosohan mo nga si Lavinia.

Napatigil sa pagpu-push-up si Jacob at binalaan si Fabio.

Jacob: Hinaan mo boses mo, gago. Baka may makarinig sa 'yo? Boso lang naman 'yon. Walang masama. Saka, pare, para namang hindi mo napapansin na nagpapa-cute din sa akin si Lavinia.

Fabio: Swerte mo, pare. Lapitin ka ng chicks.

Jacob: Gwapo ka naman. Kulang ka lang sa confidence. Medyo mahiyain ka. Ikaw ba walang tipo sa mga babaeng Mondragon?

Fabio: Syempre meron. Si Ma'am Adriana. Pero laging nakataas ang kilay. Malamang hindi ako papansinin niyon. Napakaganda niya, pare.

Jacob: Oo nga. Kaso masungit 'yon. Si Lavinia na lang pormahan mo. Huwag ka lang papahuli kay Justin. Haha!

----------

RAUL's POV

Totoo na ito. Makakasama ko na sa araw-araw ang pamilya Mondragon. Maisasakatuparan ko na ang matagal kong plano na paghihiganti sa pamilya na sumira sa buhay ng mga magulang ko. Unti-unti ko silang pahihirapan hanggang mabaliw sila. Hinding-hindi nila makakalimutan ang pangalang Raul Natividad.

Nagri-ring ang cellphone ko. May message pala.

"Bad ka, Raul. Iniwan mong basa puke ko kagabi. May utang ka na sa akin ngayon. Kung nakalusot ka kay Tita Ludy, pwes sa akin kailangan mong magbayad."

Hay! Mukhang ang araw ng Linggo na day off ko ay hindi magiging family day dahil kay Trixie. Makulit itong isang ito.

Mukhang "Kabit Day" na! Lintik! Ayokong magtaksil pero sinasamahan ako ng blackmail.

----------

Kabanata 5

THIRD PERSON POV

Sa dining room ng mansyon ng mga Mondragon...

Emilio: Tawagin niyo na ang Seora Ysabelle niyo, Yaya Luna.

Yaya Luna: Masusunod ho, Seor.

Emilio: Cecilia, bakit ka nakasimangot?

Nag-angat ng paningin sa kanyang ama si Cecilia.

Cecilia: Wala ho ito, Papa. May kaunting hindi pagkakaintindihan lang kami ni Rigo, pero mababaw lang naman.

Tumango si Don Emilio.

Emilio: Kung anuman iyon ay sana maayos niyo agad.

Tiningnan ni Don Emilio si Rigo.

Rigo: Huwag ho kayong mag-alala, Papa. Magiging okay na po si Cecilia mamaya.

Palihim na tiningnan ng masama ni Cecilia ang asawa.

Emilio: Ikaw, Lavinia? Anong oras ang pasok niyo ni Justin?

Lavinia: Wala pong klase si Justin ngayon, Papa. Alas otso po ang klase ko.

Emilio: Ganoon ba? So, kumusta naman ang project mo, hija, na pinagtulungan niyo ni Justin kagabi?

Biglang namula ang mukha nina Lavinia at Justin.

Lavinia: Ahm... O-okay naman po, Papa. Mukhang mataas naman po ang makukuha kong marka.

Emilio: Mabuti naman kung ganoon.

Tiningnan ni Don Emilio si Justin na nanatiling nakayuko.

Emilio: Adriana, hija, papasok ka ba sa shop mo ngayon?

Adriana: Opo, Papa. Nag-leave ang dalawa kong assistant. Walang tatao sa shop.

Emilio: Sige. Sumabay ka na sa paghatid ko kina Lavinia at Justin sa campus.

Adriana: Hindi ba at ngayon ang unang araw ng duty ng bago nating driver, Papa?

Emilio: Oo, Adriana. Pero orientation lamang ang agenda namin ngayon. Ayokong isabak siya agad sa trabaho. Sinabihan ko rin siyang pwede siyang pumasok ng alas otso. Pero simula bukas ay gigising na siya ng alas sais.

Adriana: Sa tingin niyo ba ay okay talaga itong bagong driver natin, Papa? I mean, wala ba siyang criminal records?

Emilio: Kumpleto ang mga pinasa niyang requirements kahapon. Wala siyang criminal record kung 'yan ang ikinatatakot mo.

Ilang sandali lang ay nakababa na si Doa Ysabelle.

Ysabelle: Good morning everyone.

Lavinia: Mukhang maganda ang gising mo ngayon, Mama.

Tumawa ng mabini si Doa Ysabelle.

Ysabelle: Maganda lamang ang view na nakita ko ngayong umaga. Nakakaganda ng araw, hija.

Emilio: Kumain na tayo.

----------

Sa loob ng servant's quarter para sa driver, security guard, at hardinero...

Jacob: Bakit mo ko hinila rito, Marta?

Biglang hinila pababa ni Marta ang boxer shorts na suot ni Jacob. Bumulaga ang malaking ari nito. Napatakip ng kanyang bibig si Marta.

Marta: Oh my... Grabe naman ang laki ng titi mo, Jacob.

Inis na hinila pataas ni Jacob ang kanyang boxer shorts. Muling natakpan ang malaking burat ng binatang security guard.

Jacob: Anong ginagawa mo, Marta?

Marta: Jacob, pagbigyan mo na ko. Talagang kating-kati na ang puke ko. Kailangan ko na ng kantot.

Jacob: Naloloka ka na ba? May asawa na ko, Marta. Kung gusto mo, kay Mang Bert ka magpakantot.

Marta: Ang arte mo. Palay na nga ang lumalapit sa iyo ay choosy ka pa.

Jacob: May. Asawa. Na. Ako.

Lumabas na ng servant's quarter si Jacob at iniwan sa loob si Marta na nakanganga sa mga nangyari.

Marta: Argh! Bwisit!

----------

RAUL's POV

Hay naku! Nasiraan pa 'tong jeep na sinasakyan ko. Bwisit! Lakarin ko na lang hanggang sa subdivision ng Mondragon. Malapit na rin naman.

Beep! Beep!

Ako ba ang binubusinaan niyon. Hindi naman siguro. Makapaglakad na nga ulit.

Beep! Beep!

Ako nga. Sandali. Sino ba 'tong driver ng kotse na 'to? Hmmm... Babae. Lapitan ko nga.

Binaba naman agad ng babae ang bintana malapit sa driver's seat nang katukin ko ito.

Ooh-la-la... Ang ganda niya. Ang pupula ng mga labi na kaysarap halikan. Mapang-akit ang mga mata.

Hindi naman ako manyak pero dumiretso sa dibdib niya ang paningin ko. Ang laki kasi. Ito lang ang masasabi ko. Kainan na!

Pero hanggang tingin lang naman ako. May asawa na ko.

Raul: Miss, ako bang binubusinaan mo?

Tumango siya na kagat-kagat ang ibabang labi. Nagpakilala siyang Judy.

Judy: Sinundan kita noong mapansin kong tinatahak mo ang daan papuntang Sommerville subdivision. Doon din ang punta ko. Gusto sana kitang isabay na para hindi naman ako ma-bore rito sa sasakyan. Don't worry. Hindi ako masamang tao.

Raul: Ah. Huwag na, Miss. Kaya ko namang lakarin.

Judy: I insist. Please.

Nag-puppy eyes pa ang babaeng ito. Malambot talaga ang puso ko sa mga babae kaya pagbibigyan ko siya. Sabagay mas okay nang nakasakay ako sa sasakyan para hindi ako mapagod. Mainit pa naman. Malamang pagpapawisan ako.

Raul: Okay. Buksan mo ang pinto.

Judy: Yay!

Umikot ako sa passenger's seat at sumakay matapos niyang i-open ang lock ng pinto. Malamig sa loob ng sasakyan niya. Pagkaupo ko ay kitang-kita ko ang pekpek shorts niya na halos kita na ang buong puwitan niya at tanging pekpek na lang niya ang natatakpan. Kitang-kita ko ang maputi at makinis niyang singit. Wala siyang bulbol. Malamang nag-aahit.

Judy: Ang hot mo pala sa malapitan.

Tumawa ako at itinaas ang kaliwang kamay.

Raul: Married.

Tumawa rin siya.

Judy: Oops!

Nagsimula na siyang paandarin ang kotse. Ilang minuto kaming nagkwentuhan tungkol sa pamilya. Ulila na pala siya at tinulungan lamang ng mga kamag-anak sa side ng father niya. Dito rin daw nakatira sa Sommerville subdivision ang mga kamag-anak niya.

Nang makarating kami sa tapat ng mansyon ng mga Mondragon ay hindi niya binuksan agad ang lock ng kotse.

Raul: Miss, sabi ko ay dito na ko bababa.

Judy: Not that fast, Raul. Souvenir muna kung gusto mong makababa agad.

Raul: Anong souvenir?

Judy: Ikaw ang mag-isip? Mas gusto ko sana kung halik. Kaso...may asawa ka na, 'di ba?

Nang-aasar ang tono niya. Hindi ko gusto ang nangyayari. Siya itong pinilit akong isabay sa kotse niya, pero parang ako ang nanghihingi ng pabor.

Ano kaya ang pwede kong gawin sa kanya?

Aha! Alam ko na.

Hinubad ko ang aking suot na T-shirt. Kitang-kita ko ang panlalaki ng kanyang mga mata. Sunod kong hinubad ay ang aking maong pants. Kitang-kita ko ang paglunok niya ng laway. Tanging manipis na black brief na lang ang suot ko.

Kinuha ko ang tuwalya ko sa dala kong malaking duffel bag. Itinapis ko ito sa aking baywang. Kitang-kita ko ang pagsunod niya sa bawat galaw ko. Hinubad ko ang aking black brief ng dahan-dahan. Iwinagayway sa kanyang harap at inihagis sa kanyang mukha. Sapul sa kanyang ilong.

Raul: Magsawa ka sa amoy. Ngayon, buksan mo na ang kotse!

Kitang-kita ko ang gigil sa kanyang mga mata. Pero binuksan din naman niya ang lock ng kotse.

Judy: Baba!

Pinulot ko ang aking T-shirt, pantalon, at duffel bag. Bumaba ako ng kotse na nakatapis ng tuwalya. Pagkababa ko ay kumaripas ng takbo ang kotse.

Bitbit ko sa aking kanang kamay ang duffel bag at sa kaliwang kamay ang aking T-shirt at pantalon habang naglalakad patungo sa gate ng mga Mondragon.

Ibinaba ko sa semento ang duffel bag, T-shirt, at pantalon ko. Kumuha ako mula sa bag ng isang manipis na black brief.

Dahan-dahan kong isinuot ang masikip na brief habang nakatapis ang tuwalya sa baywang ko. Nang maisuot ko ang manipis na tela ay tinanggal ko ang tuwalya sa pagkakatapis sa aking katawan. Akmang isusuot ko na ang pantalon nang bumukas ang gate ng mga Mondragon.

Sakto! Kitang-kita nila ang bagong driver nila na nasa tapat ng mansyon nila na tanging manipis na brief lamang ang suot. Bakat na bakat ang malaking ari at kitang-kita ang singit na napapalibutan ng maninipis na buhok.

Matutuwa ba sila nito o sisante agad ako?

Buti na lang talaga at pagtingin ko sa palabas na van ay hindi sila sa kalsada nakatingin kundi sa ipinagmamalaki kong malaking kargada.

----------

Kabanata 6

THIRD PERSON POV

Napabuntung-hininga na lang si Raul. Pinulot ang pantalon at isinuot. Sunod na isinuot ang T-shirt. Pinulot ang duffel bag at isinukbit sa balikat.

Bumaba si Don Emilio ng papalabas na van. Kasama ng don sa van ang anak na si Adriana at Lavinia, pati ang kasintahan ni Lavinia na si Justin. Lumapit si Don Emilio kay Raul.

Raul: Magandang umaga ho, Don Emilio.

Emilio: Magandang umaga. Ano ang nangyari, Raul?

Napakamot ng ulo si Raul. Tumingala sa langit at malakas na napabuga ng hangin. Muling humarap kay Don Emilio.

Raul: Maniwala kayo o sa hindi, mahabang istorya ho, Don Emilio. Kung pwede sana, baka ho sabihin ko na lang mamayang orientation niyo sa 'kin. Medyo nakakahiya ho, eh.

Nakapamulsa na si Raul at nagmamakaawa ang tingin sa don. Magaling talagang aktor itong si Raul.

Don Emilio: O siya. Tulad ng sinabi ko sa 'yo kahapon. Hindi ka muna magtatrabaho ngayon. Pagbalik ko ay io-orient kita sa mga bagay na dapat mong malaman sa pasikot-sikot ng bahay ko. Bilang isang driver, kailangan mong malaman ang mga bagay na dapat at hindi dapat sa aking pamamahay. Maging sa labas ng aking mansyon. Maliwanag?

Tumango si Raul ng dahan-dahan. Wari ay masusing iniisip ang lahat ng sinabi ng don.

Raul: Naiintindihan ko po, Don Emilio.

Matagal pa ba 'yan, Papa?

Napalingon sa nagsalita sina Raul at Don Emilio. Bumaba pala ng van ang anak ng don na si Adriana. Napaka-sexy nito sa suot na mahabang dress na may mahabang slit sa kaliwang gilid. Sexy at maganda talaga ito. Nagmumukha lamang mataray dahil laging nakataas ang kilay at bihirang ngumiti. Dagdagan pa ng eyeglass na lagi nitong suot. Ngunit bagay naman dito.

Emilio: Sandali na lang ito, hija.

Napatingin si Raul sa mahabang slit ng dress ni Adriana. Napabulong siya.

Raul: Sexy...

Napansin ni Adriana ang malagkit na tingin ni Raul sa hita nito. Lalong tumaas ang kilay ng dalaga.

Emilio: May sinasabi ka, Raul?

Biglang napalingon si Raul kay Don Emilio.

Raul: Ho? Ah. Wala po. Wala po.

Todo ang pag-iling ni Raul at nakapaskil ang pilit na ngiti sa mukha.

Adriana: Mamaya niyo na ho kausapin ang manyak na 'yan, Papa. Baka ma-late na ho si Lavinia sa klase niya?

Natawa si Don Emilio sa sinabi ni Adriana. Napalingon naman si Raul kay Adriana.

Raul: Ako? Manyak? Miss, hinding-hindi kita mamanyakin. May asawa na ko.

Itinaas pa ni Raul ang kaliwang kamay para ipakita ang wedding ring niya.

Adriana: Wala akong pakialam. Tigilan mo ang pagtingin mo sa akin ng malagkit. Sana karmahin ka sa kamanyakan mo. Naku, Papa, baka nagkamali ka talaga sa pag-hire sa lalaking 'yan? Gwapo lang 'yan. Pero manyak.

Tumalikod na si Adriana at muling sumakay ng van. Tuloy lang ang pagtawa ni Don Emilio.

Emilio: Pagpasensyahan mo na ang anak ko, Raul. Sobrang sungit talaga niyan. Wala pa ngang nagiging boyfriend 'yan dahil sa kasungitan niya. Natatakot ako at baka tumandang dalaga ang isa kong prinsesa.

Raul: Wala ho 'yon, Don Emilio. May mga babae talagang katulad ni Ma'am Adriana.

Emilio: O, siya. Magkita na lang tayo mamaya kapag bumalik na ko. Sasamahan ka ni Yaya Luna sa magiging kwarto mo.

Raul: Salamat ho, Don Emilio.

Tinapik ni Don Emilio sa balikat si Raul. Tumalikod na ito at inokupa ang driver seat ng van. Ilang sandali lang ay nakalayo na ang van.

Sinamahan si Raul ni Yaya Luna sa servants' quarter.

Kasalukuyan niyang inaayos ang mga gamit niya sa servant's quarter nang pumasok si Mang Baldo.

Mang Baldo: Ikaw marahil 'yong bagong driver, ano? Ako si Baldo.

Raul: Ah, opo. Kayo po 'yong nagbukas ng gate sa akin kahapon. Raul po.

Nakipagkamay si Raul kay Mang Baldo.

Mang Baldo: Mabuti naman at naaalala mo pa. Ako ang isang security guard dito. 'Yong nakita mong nagbukas ng gate kanina kasama ni Luna ay si Jacob. 'Yong isa pang security guard ng mansyon at kapalitan ko. Bata pa 'yon kung ikukumpara sa akin. Pero may asawa na 'yon. May asawa ka na ba?

Raul: Meron na ho. Joy po pangalan niya. Kayo po?

Mang Baldo: Ako ay tumanda ng mag-isa. Wala na kong pamilya. Iniwan na nila kong lahat matapos akong matanggal sa pinapasukan kong trabaho rati.

Naawa naman si Raul dito.

Raul: Ikinalulungkot ko hong marinig, Mang Baldo. Ibig sabihin ba ay mag-isa na lang kayo sa buhay?

Mang Baldo: Oo. Hindi na ko umuuwi sa bahay namin. Wala rin naman akong uuwian. Tinuring ko ng pamilya ang mga amo ko. Mababait ang pamilya Mondragon.

Tumiim-bagang si Raul sa narinig. Hindi makapaniwalang may pupuri sa pamilyang iniisip niyang kampon ng kadiliman.

Nakalipas ang halos buong maghapon ni Raul sa loob ng study room ni Don Emilio. Alam na niya ang pasikot-sikot ng bahay at ang daily routine ng bawat miyembro ng pamilya Mondragon. Alam na niya ang mga bawal sa loob at labas ng mansyon. Nakilala na rin niya ang ibang mga tauhan ng pamilya. Tumatak sa kanya si Marta dahil nagpapa-cute ito sa kanya. Walang pakialam sa wedding ring na suot niya.

Ngayon ay papunta siya sa boutique ni Adriana. Ito ang unang beses na masusubukan ang pagiging driver niya ng mga Mondragon. Ilang minuto lang ay nasa harap na siya ng "Adriana's Haven" boutique shop. Dahil magsasarado na ang shop ay wala ng tao sa loob. Nag-aayos na ng mga gamit si Adriana. Kahit pagod sa buong araw ay napakaganda pa rin nito.

Pumasok sa loob ng shop si Raul ng walang kaabog-abog. Biglang napalingon sa entrance ng shop si Adriana na siyang nasa likod ng counter nang marinig ang wind chime. Hudyat na may nagbukas ng pinto. Nakataas ang kanang kilay nitong tinitigan ang lalaking pumasok sa loob ng shop.

Adriana: At anong ginagawa mo rito?

Nakangiti ng nakakaloko si Raul.

Raul: Bibili ng dress?

Lalong tumaas ang kilay ni Adriana sa narinig. Pero halatang nagpipigil mapangiti.

Adriana: Wala akong panahong makipaglokohan sa 'yo.

Raul: Ang sungit mo naman, Miss. Sige ka. Mabilis kang tatanda niyan.

Blag!

Raul: Ano bang problema mo?! Bakit nambabato ka ng libro?!

Adriana: You should treat me like a boss! Don't talk to me as if we are friends.

Raul: English. Wow!

Akmang hahawakan ni Adriana ang vase sa tabi niya nang itaas ni Raul ang dalawang kamay.

Raul: Okay! Awat na! Huwag ka nang magalit. Bilang bago niyong driver, nandito ko para sunduin ka. Gabi na, oh. Malamang pagod ka na.

Bumaba ang kilay ni Adriana nang mahimigan ang concern sa boses ni Raul.

Adriana: Upo ka muna sa couch. May aayusin lang ako sandali.

Pumasok ng powder room si Adriana dala ang kanyang hand bag. Mga ilang minuto ay muling lumabas ito. Nakalugay na ang kaninang naka-ponytail na buhok. Namumula rin ng bahagya ang pisngi nito. Umikot sa counter at lumapit kay Raul.

Adriana: Let's go?

Napatayo nang dahan-dahan si Raul habang nakatingin kay Adriana.

Adriana: Bilisan mo. At saka isara mo nga 'yang bibig mo. Baka mapasukan ng langaw?

Nakatulala pa rin si Raul kay Adriana kahit tumalikod na ito. Nang sumara ang pinto ay saka lang siya parang nagising. Binuksan niya ang pinto ng shop, pinindot ang lock, saka siya lumabas at isinara ang pinto. Nasa loob na ng van si Adriana. Sa passenger seat pa mismo. Napailing si Raul.

Raul: Focus on the plan, Raul...

----------

itutuloy...