1. Home
  2. Stories
  3. Kathlea's Sexcapades: Unfaithful - Part 9
Pinoy Tambay

Kathlea's Sexcapades: Unfaithful - Part 9

By unknown ·

TAKOT NA TAKOT na si Sofia. Matindi ang pangangatog ng kanyang buong katawan. Siya na ba ang isusunod?

Nagkandaiyak na si Sofia sa sobrang takot. Hindi pa rin siya makawala sa mahigpit na pagkakagapos sa kanya.

"H-hu... waaaaggg! Maa... wa ka kay So... fiaaaa."

"Huwag! Huwag po! Huwag po!" Nagkakandaiyak na pakiusap ni Sofia sa taong papatay sa kanya.

Napahiyaw na rin si Sofia nang hablutin ang kanyang mahabang buhok. Hanggang sa may itinutok sa kanyang sintido. Ang baril. Nanangis na si Sofia.

"H'wag po, maawa ka sa akin. H'wag, ayoko pang mamatay."

Nanangis pa ulit si Sofia dahil sa papariin nang papariin ang pagkakasabunot sa kanyang buhok ng taong papatay sa kanya. Ang siste pa ay itinutok naman ang dulo ng baril sa kanyang bibig. Nanlalamig na siya sa sobrang takot.

Basang-basa ng luha ang mukha ni Sofia. Hanggang sa biglang kalasin na lamang ang piring sa kanyang mga mata.

Ang katotohanan.

"Nasopresa ba kita?!"

"I-ikaw Dave... ang taong gustong pumatay sa akin?!"

"Nakapagtataka ba?"

Napaiyak na naman si Sofia. Hindi kasi niya maubos maisip na ang lalaking kanyang pinagkatiwalaan nang lubos ay ang taong papatay sa kanya.

"Pinaniwala mo ako sa mga salita mo! Kinuha mo ang tiwala ko at nagpaloko naman ako sa 'yo!"

"Mahina rin kasi ang ulo mo, tanga!" Sabay tutok naman ng baril sa leeg ni Sofia.

"Napakawalanghiya mo talaga! Kinasangkapan mo ako para lamang sa sarili mo! Sana ay hindi ako nagtiwala sa'yo! Sana ay hindi ko nagawang magtaksil sa asawa ko!"

"Bravo!" Saka sinabayan ng palakpak ni Dave.

"Pagbabayaran mo ito sa batas!" Sigaw ni Sofia kay Dave.

"Kung mabubuhay ka pa at pati na rin ang kasama mo," makahulugan nitong sambit sa kanya.

Tatawa kay Sofia si Dave bago nito itinihaya ang sugatang lalaking iyon.

Nanlaki ang mga mata ni Sofia nang makilala na ang lalaking tinutukoy sa kanya ni Dave.

"A-ALREX?!"

Buhay si Alrex.

"Hindi ka ba natutuwa Sofia at buhay ang asawang pinagtaksiklan mo. Nagtataka ka siguro kung paano nangyari iyon?"

Hindi kaagad nakaimik si Sofia. Gimbal. Gimbal na gimbal.

Nagpatuloy sa pagkukuwento si Dave.

"Hindi ba't itinapon natin ang katawan ni Alrex sa may pampang. Pero binalikan ko siya dahil gusto kong makasigurado. Kinunsensiya naman ako at dinala ang asawa mo sa lugar na hindi mo alam."

Nagkuwento pa si Dave.

"Nakuha ko na ang gusto ko sa asawa mo. Nailipat na ni Alrex ang lahat ng mga kayamanan niya sa pangalan ko. Hindi na kita kailangan pa Sofia."

May magagawa pa ba si Sofia?

"Wala kang kasingsama Dave! Demonyo kaaa!!!" Gigil na gigil na sumbat ni Sofia sa pinagkatiwalaang kasabwat.

Sunud-sunod na malulutong na halakhak ang iginanti naman sa kanya ni Dave. Saka sinalit-salit itutok ang hawak-hawak nitong baril sa kanilang dalawa ni Alrex.

Si Alrex ay matindi ang tama ng baril sa kanang balikat. Nakagapos din ito katulad ni Sofia.

"Magkabagay nga kayong dalawa. Pare-pareho kayong madaling utuin. Isang babaeng kulang na kulang sa dilig. At isa namang lalaking inutil!" (Itutuloy)