Kinang At Lilim - Chapter 35: Serendipity In The Dark

Filipino Sex Stories
16 minutes
NOTE: Kindly read this chapter from top to bottom. Please don't rush and don't skip. Thank you. ^^

*****

Chapter 35

Ang karugtong...

Pangalawang araw na ng rehearsals ng mga kalahok para sa darating na Senior High Ball. Umaga at hapon ang oras ng pagpa-practice ng mga kandidato, kung kaya't halos hindi na sila naka-attend sa kani-kanilang mga klase. Ngunit sa kabutihang palad naman ay excused naman sila.

Bukod dito ay may rehearsals din ang paaralan para sa cotillion de honor. Sampung pares ang naroon sa practice, at kasali na dito ang barkada nina Jillian.

Sa puntong ito ay magkakasama sina Ashley, Lance, Tan at Yen at kasalukuyang nagpapahinga dahil kanina pa sila nagpa-practice para sa kanilang production number.

"Alam niyo guys, sobrang saya ko dahil nakilala ko kayong dalawa nina Yen." sabi ni Lance. "Ang saya niyo palang kasama."

"Bakit naman? Naaartehan ka ba sa akin?" puna ni Yen.

"Uh... Hindi naman." pangiting sagot ng binata.

"Ano ba yung first impression mo sa akin, bro?" tanong naman ni Tan.

"First impression ko? One word. Astig."

"Nice one, bro!" sagot ni Tan at nag-apir silang dalawa. Maya-maya pa'y tinawag na sila ni Catriona. Ang iba nama'y nagtitipon-tipon sa entablado.

"That will be all for today. Our next practice will be at three in the afternoon. You may go now, and we'll see you later." sabi ni Catriona. Ilang saglit pa'y nagsialisan na ang ibang mga kandidato sa gym.

Aalis na rin sana ang magkaibigan nang tinawagan ni Catriona ang pangalan ni Lance.

"Mr. Lance Carr, will you please stay here for a while? I just want to ask you something."

Nagkatinginan ang apat, at si Lance nama'y napakamot sa ulo.

"Guys, hahabol lang ako mamaya para sa lunch natin." Ilang saglit pa'y lumapit siya kay Ashley at nagbilin dito. "Ashley, kung magtatanong si Angela kung nasaan ako, pakisabi na lang sa kanya na ipinatawag ako ng instructor natin."

"Sure thing, Lance. Kita kits na lang tayo mamaya." sabi ni Ashley at naglakad na ang dalaga palayo kasama sina Tan at Yen.

Nang naiwan si Lance sa gymnasium ay muli siyang tinawag ni Catriona. Lumapit ang binata sa beauty queen at hindi niya maiwasang tingnan ang ibang klaseng pananamit nito ngayon. Kasama ngayon ni Catriona si Kylie.

Napansin ni Lance na halos revealing na ang kamiseta ni Catriona at naka-short shorts lang ito. Si Kylie nama'y naka-suot ng normal na t-shirt at maong na pantalon.

Maya-maya pa'y kinausap ni Catriona si Lance.

"So they're your friends, am I right?" tanong ng dalaga. "Kylie and I were just talking about you while we're practicing. Ang galing mo palang rumampa."

Napangiti naman si Lance. "Ah... Hindi naman. This is only my first time na makasali ako sa ganitong patimpalak."

"You may be a novice, Lance. Pero I tell you, you really nailed it kanina." sabad naman ni Kylie.

"Ehehe... Thanks Miss Kylie..." ang nasambit ng binata habang namumula ang pisngi nito.

"Call me Kylie na lang. Hindi naman ako ganung katanda, ano?"

"Ah... S-sige po. Kylie." wika ng binata pagkatapos ay ibinaling ang atensiyon kay Catriona. "By the way, ano nga pala ang gusto mong sabihin, Miss Cat?"

Diretso ang tingin ni Catriona sa mga mata ni Lance. Dito ay nag-umpisang mag-init ang pakiramdam ng beauty queen at pakiramdam niya'y bumabalik ang libido niya. Hinawakan niya ang kamay ng binata.

"We'll talk about it somewhere else. Come and follow me."

"Hinahanap na ako ng girlfriend ko, Miss Cat. Nagtatampo na yun sa akin. May date pa naman kami ngayon..." si Lance.

"Lance. Please have a moment with me. I'm a desperate woman who's fresh from a bad breakup. I need your love and your warmth. Ikaw lang ang lalaking nagbibigay ng sigla sa akin. And please just call me Catriona when we're off practice." ani Catriona.

"Catriona..."

"She's right, Lance. Pagbigyan mo naman siya. She just wants to experience being in love with another guy." sabad ni Kylie. "Sinabi niya sa akin na you're a good kisser daw."

Gusto pa ring tumutol ni Lance. Si Angela lang talaga ang mahal niya. Kahit nagawa niyang ilihim ito sa kasintahan ay nakaramdam siya ng pagsisisi sa sarili. Hindi niya ginusto ang pangyayaring yun. Nadarang lang siya sa tukso nung araw na naglalambingan sila.

Ang hindi lang alam ni Lance, kakagaling lang si Catriona mula sa breakup ng kanyang ex-boyfriend na si Clint. Inaamin naman ng binata na nagandahan naman siya sa beauty queen at handa naman siyang pasayahin si Catriona. Ngunit natatakot naman siya kapag malaman ni Angela ito.

Nagpaubaya na rin si Lance sa bandang huli. Wala rin naman si Angela sa tabi niya dahil kasali ito sa cotillion de honor, at magkaibigan naman sila ng kapares nito.

"Fine. I'll go with you. But please keep our affair a secret to everyone." sagot ni Lance.

"As promised, my dear. So come on, let's get out of here."

Ilang saglit pa'y tuluyan nang nilisan nina Catriona, Lance at Kylie ang gymnasium. Ang kutob ni Lance, kaya nagyaya ang beauty queen na sa ibang lugar sila mag-uusap dahil marami palang estudyante ang nagtatambay dito.

*****

Nagpapractice na rin ang mga kasali sa cotillion de honor bilang paghahanda sa Senior High Ball. Kapartner ni Jillian si Rhys. Si Althea naman ang kapareha ni Migo, at ang magkasintahang Sofia at Will.

Kasali rin sa cotillion si Angela kasama si Tom, ang matalik na kaibigan ni Lance. Nagkataon na hindi pala puwedeng sumali dito si Lance dahil kasali siya sa pageant. Alam naman ni Tom ang relasyon nina Lance at Angela at sinikap niyang hindi siya ma-fall sa dalaga.

Seryoso ang lahat ng magkakapareha sa pagpa-practice ng sayaw. Kitang-kita ang linis ng kanilang choreography at halos sabay-sabay silang lahat. Sa kalagitnaan ng pagtugtog ng musika ay pinapakiramdaman ng mga kapareha ang mensahe ng awitin.

Matapos ang ilang minuto ay nagpatawag ng break ang kanilang instructor. Nagsilabasan ang ibang mga kapares maliban kina Angela at Tom na naisipang magpaiwan sa loob ng silid.

"So Angela. Kamusta naman kayo ni Lance?" tanong ni Tom.

"Okay lang naman kami." sagot ni Angela. "Sinusuportahan ko naman siya sa pageant niya."

"Same here. Alam kong kakayanin ni Lance ito. After all, he's got the coolness and the brains."

"Lance is very supportive towards me. Kahit halos hindi na kami magkakasama lately, hindi naman nawawala ang spark namin." si Angela.

Hinawakan ni Tom ang kamay ni Angela. Nakaramdam siya ng kakaibang kuryente sa kanyang katawan nang hawakan niya ito. Pakiramdam ni Tom, kinikilig siya at parang naka-jackpot na siya dahil ang magandang dilag ang kasama niya ngayon. Hindi naman ito nahalata ni Angela.

"Ang suwerte naman talaga ni Lance. Naka-bingwit rin siya ng isang magandang babae na tulad niya..." ang wika ni Tom sa isip niya. Ilang saglit pa'y muli siyang nagsalita at humarap sa dalaga.

"You know what Angela, ang suwerte mo. Dahil sa dinami-dami ng mga babaeng nagkakandarapa kay Lance, ikaw lang ang pinili niya. At pakiramdam ko, nag-alala siya na mawala ka sa buhay niya. Hindi talaga siya nagpapadala sa tukso ng ibang mga babae dito sa school."

"Talaga ba?"

Tumango si Tom. "Yes. At sinabi pa nga niya sa akin na balak ka daw niyang pakasalan. Gusto niyang ikaw lang ang makakasama niya habang buhay, at pangarap talaga niyang magkaroon ng sariling pamilya."

Napatahimik si Angela sa sinabi ni Tom. Dito ay nalaman niya kung gaano ka-sweet si Lance sa kanya. Halos namumula ang pisngi niya at halos pagpawisan na.

"A-angela? Okay ka lang ba?" puna ni Tom.

"Okay lang naman. By the way, nasaan na ba siya?" wika ni Angela. "Nagkasundo pa naman kami na sabay kaming mag-lunch sa canteen..."

"Wait lang. Ako na ang tatawag."

Lumabas saglit si Tom ng silid upang tawagan ang kaibigang si Lance. Nagri-ring lang ito; walang sumasagot.

Sinubukan niya ulit na i-dial ang numero ng kaibigan. Hindi pa rin sumasagot si Lance. Kaya minabuti na lang niyang pumasok ulit sa loob ng silid at ipaalam kay Angela ang tungkol dito.

"Hindi sumasagot. Busy pa siguro yun sa rehearsals nila." sabi ni Tom.

"Di bale na. Tayo na lang muna ang mag-lunch. Gutom na kasi ako, eh." sabi ni Angela.

"O, eh akala ko ba, sasabay tayo kina Ashley?"

"Ay, oo nga pala. Tara na sa cafeteria, baka inaantay na tayo."

Nang nagkasundo na ang dalawa ay sabay nang lumabas ng silid sina Tom at Angela. Alalang-alala na ang dalaga sa kanyang nobyo. Ilang araw na rin silang hindi magkakasama buhat nang magsimula ang rehearsals nila. Ngunit naniniwala naman si Angela na hindi magkakaroon si Lance ng ibang karelasyon habang nagre-rehearse ito sa pageant.

"Lance. Ipinangako mo na sa akin na hindi mo ako iiwan. Sana hindi mo pa rin ako kakalimutan kahit hindi mo ako kasama." ang mensahe ni Angela sa isip niya.

*****

Sa cafeteria naman ay magkakasama sina Ashley, Tan at Yen at inaantay nila ang pagdating ni Angela. Kanina lamang ay pinag-usapan ng tropa sina Lance at Catriona. Napapansin nila na tila nag-iiba na ang pagtingin nila sa kanilang instructor dahil nakikita nilang pumoporma siya kay Lance.

"Tama nga talaga ang hinala ko. Nagbibigay talaga ng motibo si Miss Catriona, eh. Tutok na tutok siya kay Lance kanina habang nagpa-practice, oh!" sabi ni Yen.

"Oo nga. Kulang na lang, eh halos tumutulo na ang laway niya sa kakatitig kay Lance." wika naman ni Tan.

"Ano ba naman kayo, ang advance niyo naman mag-isip..." awat ni Ashley sa dalawa. "Alam ko ang ugali ni Lance. Hinding-hindi siya magpapadala sa tukso ng ibang mga babae diyan. Kasi nga, girlfriend na niya si Angela ngayon."

Naudlot ang usapan ng tatlo dahil dumating na si Angela kasama si Tom.

"Hi guys!" bati ni Angela. "Nakapag-order na ba kayo ng pagkain?"

Napatahimik sila sa kanilang nakita. Si Tom ang kasama niya at hindi ang nobyo. Hindi na mapigilan ni Yen ang magpuna tungkol sa kanilang dalawa.

"Angela. Sino yan?" tanong ni Yen.

"Ah, ito? Siya si Tom. Partner ko lang siya sa cotillion. At isa pa, bestfriend siya ni Lance. Wala naman kaming relationship or anything, okay?"

"Tama si Angela. Anyways, it's nice to meet you." bati ni Tom at nakikipagkamayan naman ang tatlo sa binata.

"Saan na pala si Lance?" si Angela. "Nagsabi pa naman siya na sasabay siya sa atin."

"Ah... Pinatawag lang kasi siya sa school publication office." sagot ni Ashley. "Malamang eh may inaasikaso pa yun. Pero sabi naman niya, hahabol lang siya."

"Mabuti naman kung ganoon. So tara, order na tayo ng pagkain." yaya ni Angela.

Agad naman sumunod ang iba at pumila na ang tropa sa may counter. Dahil sa sobrang lawak ng cafeteria ng paaralan ay patok ito kapag oras ng tanghalian at meryenda. 500 na katao ang kasya sa loob. At upang masigurong hindi sila maghihiwalay sa isa't isa, kanya-kanya silang hawak ng kamay dahil sa sobrang dami ng mga estudyanteng bumibili.

*****

"Lance... Kailangan ko ng pagmamahal mo... Para naman kahit papaano, eh makakalimutan ko ang nakaraan namin ng ex ko..." sambit ni Catriona habang humahalik siya sa binata. Nasa loob sila ng bodega ng mga sirang gamit at halos madilim ang loob ng silid na ito maliban sa isang bintana na kung saan nagawang pumasok ang sikat ng araw.

Nagpupumiglas pa rin si Lance sa paglalambing ni Catriona. Takot siyang mawala si Angela sa kanya at ginawa na niya ang lahat upang labanan ang tawag ng kalibugan ng dalaga.

"I'm sorry Cat... Hindi ko kayang mawala sa akin ang girlfriend ko..." si Lance. "Hindi ako ang lalaking sasagot sa mga kagustuhan mo..."

Hindi pa rin bumibitiw si Catriona at nakakandong na ito sa binata. Patuloy niyang hinaplos ang magkabilang pisngi ni Lance habang pinapakiramdaman niya ang init ng kanyang katawan. Agad niyang hinubaran ang kamiseta niyang suot at tumambad sa binata ang malaking suso niya na nakatakip pa sa itim na bra.

Tumayo saglit si Catriona at inilapat ang isang kamay ni Lance sa suso niya. Ilang saglit pa'y muling nagsalita ang beauty queen.

"Masarap ba ang boobs ko?" tanong nito. "Alam kong ito ang hinahanap-hanap mo..."

Hindi makasagot si Lance. Pinapakiramdaman naman ni Catriona ang paglamas ng binata sa malaking suso niya. Dahil dito ay nagpakawala siya ng isang malakas na ungol.

"Uhhhhhhhh..."

Nilalabanan pa rin ni Lance ang panunukso ni Catriona. Isinara niya ang kanyang mga mata at iniisip pa rin si Angela. Takot na takot siyang mawala ang nobya sa buhay niya. Ito lang kasi ang mahal niya, at mahal na mahal niya ang nobya hindi dahil sa simpleng libog lamang.

Maya-maya pa'y naramdaman ni Lance na hinahatak na pababa ni Catriona ang suot niyang slacks. Hinaplos-haplos na ng beauty queen ang namumukol sa boxers ng binata. Dito ay tuluyan nang sumuko si Lance sa tawag ng kalibugan at sa halip ay nagpakawala na rin siya ng ungol.

"Uhhhhhhh.... Ahhhhh..."

Hindi na nag-atubili pa si Catriona at ibinaba na niya ang brief ni Lance. Bumulaga sa beauty queen ang naghuhumindig na sandata ng binata. Lumalagkit na ang paningin ni Catriona dito, at sinimulan na niyang jakulin ang matigas na alaga ni Lance.

"Hmmmm... Your cock is so big and warm..." wika ni Catriona habang nagtataas-baba ang kamay niya.

"Ohhhhhh... Sige lang..." ungol ng binata.

Lalong naglalagablab ang init sa katawan ni Catriona at di nagtagal ay sinubo rin niya ito nang buo. Deepthroat ang ginawa ng beauty queen at nagawa naman niyang pasukin ang burat sa bibig nang hindi nabubulunan. Lumalakas pa ang mga ungol ni Lance dulot ng ibayong sarap na naramdaman.

*Uhhhmmpph! Gluuk! Sluurrp!*

"Aaaaaah fuck! Ang sarap!.." ungol ni Lance.

Habang tuloy lang sa pagblowjob si Catriona ay tinanggal naman ni Lance ang itim na bra ng kalaguyo mula sa pagkakalabit. Hinihimas-himas ng binata ang malaking suso ng beauty queen at nilaro-laro ang matigas na utong nito.

Bumibilis ang pagtaas-baba ng bibig ni Catriona sa pagsubo sa matigas na burat ni Lance at dahil dito ay naramdaman ng binata na malapit na siyang labasan.

"Uhhhhh... I'm about to cum na..." si Lance.

Narinig ito ni Catriona at tumigil ito sa pagsubo. Hinubaran na ng dalaga ang short shorts at panty na suot niya at ipinasok na niya ang mahabang sandata ni Lance sa puke niya. Naramdaman ni Lance kung gaano kainit at kabasa ang lagusan ng kalaguyo.

Mabilis namang nakapasok ang alaga ng binata sa pagkababae ng beauty queen dahil napakadulas nito. Ilang saglit pa'y nagsimula nang gumiling si Catriona habang nilalasap niya ang pagbaon ng titi ng binata sa kanyang puke.

Matindi naman ang bawat alindog ni Catriona habang nagka-cowgirl siya sa ibabaw ni Lance. Dinaig pa niya ang isang dancer sa bar pagdating sa paggiling.

Damang-dama ng dalaga ang lalim ng naabutan ng burat ni Lance sa puke niya. Nagtitirik na ang mga mata nito, palatandaan na nasarapan siya nang husto. Si Lance nama'y napapikit na lang at tinanggap na lang niya ang pangyayari. Tumutulo na ang luha sa kanyang mata.

"Angela... I'm sorry..."

*****

"See you later, guys! Magsa-start na ang practice namin."

"O sige. Tawagan niyo na lang ako mamaya, ha?"

Nagpaalam saglit ang tropa sa isa't isa. Sa puntong ito ay sina Angela at Tom na lang ang naiwan. Hindi pa rin mawawala ang pag-alala ng dalaga sa nobyong si Lance. Hindi kasi siya nagpapakita sa kanya hanggang ngayon.

Dinamayan naman siya ni Tom.

"Angela. I see that you're really worried about Lance." sabi nito. "Normal lang naman yan, lalo na't ilang araw na kayong hindi nagkikita. Pero maniwala ka sa akin, Angela. Hindi naman siya magkakaroon ng ibang kalaguyo. Alam kong hindi siya basta-bastang magpapadala sa panunukso ng ibang babae."

"Sana nga." ang nasambit ni Angela. "Miss na miss ko na kasi siya..."

"O siya, tama na muna ang drama na yan. Tara na't bumalik na tayo doon sa dance studio. Baka pinaghahanap na nila tayo."

Sabay na silang lumakad pabalik ng silid at siyempre, magkahawak naman ang kanilang kamay. Pero wala namang pagnanasa ang bumubuo sa kanilang dalawa.

Sa kanilang paglalakad patungo sa dance room ay may nakarinig na kakaiba si Angela. Napatigil naman si Tom nang tumigil din si Angela sa paglalakad. Agad namang ipinaalam ng dalaga ang kanyang natuklasan sa kasama.

"Tom, parang may nakarinig akong ungol. Parang galing yun sa silid na yun, ah." turo ni Angela sabay hatak sa kasama. Agad naman siyang pinigilan ni Tom.

"Angela. Wala naman akong narinig, eh." si Tom. "Let's go."

"Hindi talaga, parang ungol talaga yun ng babae, eh."

Napakamot na lang ng ulo si Tom. "Sige na. Mauuna na ako. Sabihin mo lang sa akin ang nadiskubre mo mamaya kapag nandoon ka na. Okay?"

Tumango naman si Angela at itinuloy na ni Tom ang paglalakad pabalik ng dance studio. Samantala, dumiretso naman ang dalaga sa isang silid. "Stock Room" ang nakapaskil sa itaas.

Itinapat ni Angela ang isa niyang tainga sa may pintuan. Totoo nga talaga ang narinig niya; ungol nga yun ng isang babae!

Dito ay naging suspicious na ang dalaga. Ngunit sa kabila nito'y naniniwala siya na wala dito sa loob si Lance.

"Sana hindi si Lance ang kalaguyo ng babaeng yan..." ang nasambit ng dalaga sa sarili.

Ilang saglit pa'y nakakita siya ng isang bintana na bahagyang nakabukas. Sumilip siya dito at halos wala siyang makita dahil madilim sa loob. Ngunit nang bahagyang lumiwanag ang loob ng silid na iyon ay nakaramdam siya ng pagkamangha ng buhay niya.

Isang nakahubong babae na gumigiling sa ibabaw ni Lance!

Nung una ay hindi siya naniniwala na si Lance iyon. Kinusot niya ang kanyang mga mata at muli siyang sumilip sa loob. Sa ikalawa niyang pagsulyap ay nadurog ang puso niya nang malaman ang katotohanan.

Si Lance nga iyon.

Dito ay naging emosiyonal si Angela. Nangyari rin ang hindi niya inaasahang mangyari. Hindi niya akalain na magkakaroon si Lance ng ibang kalaguyo. Bigla niyang naaalala ang sinabi ni Yen habang nasa cafeteria sila.

"Pakiramdam ko, pinopormahan siya ng instructor namin. At maniwala ka o hindi, siya lang naman ang ikaapat na Miss Universe ng bansa natin!"

Nagsimula nang tumulo ang luha ni Angela dahil nasaksihan niya ang buong pangyayari. Nakita niya kasi na nakapatong ang babae sa ibabaw ng nobyo at sarap na sarap naman ito. Nakita rin niyang nakapikit si Lance habang kumikendeng ang babae sa ibabaw nito.

Malungkot na lumakad palayo si Angela at umupo siya sa hagdanan ng building. Dito ay namumugto na ang mga mata niya sa kakaiyak. Napako lang pala ni Lance ang ipinangako niya sa kanya.

"Lance... Naniwala ako sa'yo... Pero bakit mo ginawa sa akin ito?..." ang nasambit ni Angela habang humihikbi. Matapos ang ilang minuto ay malungkot na itong nagtungo sa dance studio upang sabihin kay Tom ang kanyang nasaksihan.

*****

ITUTULOY...



AUTHOR'S NOTE: Maraming salamat sa inyong matiyagang pag-aantay. Nais ko lang humingi ng paumanhin sa inyong lahat kung natagalan man ang pag-update ko sa series na ito. Nagkaroon kasi ng hiatus ang inyong lingkod at nawalan ako ng ganang sumulat. But now I'm fine again at naging motivated na ulit ako. ^^
Sana ay hindi pa rin kayo titigil sa pagsuporta sa series kong ito. Bagama't medyo malayo pa tayo sa ending, I'll definitely try my best to update on a regular basis. Hope you enjoyed this latest update! :)


P.S. Please leave your comments and reactions, this will inspire me to continue and write more. Your efforts aren't required when giving your likes and hearts; only do this if my story deserves one. Thank you!

Copyright (c)2020 Stalker_Eyes. This story may not be reproduced in any manner, without the expressed permission of the author by any means available.
All rights reserved. FSS.

About Stalker_Eyes

u/Stalker_Eyes
Stalker_Eyes has nothing to say.

More from Stalker_Eyes


    Related Stories