1. Home
  2. Stories
  3. Kinang At Lilim - Chapter 40: A Memory To Remember
Filipino Sex Stories

Kinang At Lilim - Chapter 40: A Memory To Remember

By Stalker_Eyes ·
NOTE: Please read this chapter from top to bottom. Don't spoil yourself and don't rush things if you want to know the details. Thank you.

*****

Chapter 40


Ang karugtong...

"Tom, ikaw na ang bahala kay Lance. I'll take care of this." sabi ni Angela kay Tom. Umiiyak na si Lance at nagyakap siya nang mahigpit sa kaibigan.

"Okay, Angela. Aantayin ka na lang namin sa labas." sabi ni Tom at lumabas na ang dalawa. Umupo ang dalawang binata sa isang bench na nasa tapat lamang ng venue ng kanilang event. Pagkaupo ni Tom ay agad naman niyang kinamusta ang kaibigan.

Marahang tinapik ni Tom ang likod ni Lance at pinakalma ito. Humihikbi pa rin ito at halos ayaw nitong tumigil sa pag-iyak.

"Shhhh... It's alright, Lance. It's alright. There there." si Tom. "Kinausap na ni Angela si Miss Cat. Magiging okay rin kayo. Promise."

"Pare... Baka mag-aaway kami ulit ni Angela dahil sa kanya..." wika ni Lance.

"Hindi naman siguro, pare. Alam naman siguro niyang hindi mo gusto si Miss Catriona, ano? Ugh, I really can't stand her. Alam na nga niyang may girlfriend na yung tao, nilalandi pa rin niya!" wika ni Tom na may halong pagkainis.

"You know pare, ang taas ng respeto ko kay Miss Cat kasi siya lang naman ang ikaapat na Miss Universe ng bansa natin." patuloy ni Tom. "Pero nawala ang lahat nang malaman ko ang totoo sa kanya."

"Ang alin?" puna ni Lance.

"Na ganun pala siya kalandi. Pasensiya na sa word ko na yun, but I just really can't stand her, sa totoo lang."

Naghari ang katahimikan sa dalawang binata. Malapit nang mag-tanghali at baka nagla-lunch na ang sa loob. Kailangan nang maghanda ni Lance sa ikalawang bahagi ng event na ito. Ngunit kailangan nilang antayin si Angela dahil kausap nito si Catriona sa loob.

*****

"Miss Catriona?! Ano bang pakay mo sa boyfriend ko?" tanong ni Angela nang malaman niya ang babaeng lumandi sa nobyong si Lance. "Alam mo namang may syota na yung tao, tapos nilalandi mo pa rin?"

"Oh, so we've finally met." bigkas ni Catriona habang nakangisi. "You know what, Lance is so good in bed. I guess hindi mo naranasan na nag-sex kayo, hindi ba? Oh, you poor little thing. Kaya nilalayuan ka ng nobyo mo kasi you don't give him the experience of his life."

Pumalag naman si Angela sa pagmamaliit ni Catriona sa kanya. "What did you say?!"

"Tanggapin mo na lang kasi na kailanman ay hindi mapapasaiyo si Lance. Because starting today, ako na ang kasintahan niya!"

Nainsulto si Angela at malakas niyang sinampal ang beauty queen. "How dare you say that thing to me!" bigkas ng dalaga. Napahawak naman si Catriona sa parte na kung saan siya nasampal.

"Ako ang totoong mahal ni Lance, at hindi ikaw! You just forced him to have sex with you. Hindi ka ba nahihiya sa sarili mo, miss Cat? Mataas pa naman ang respeto ng mga tao sa'yo bilang isang public figure. Pero ano na lang ang mangyayari sa'yo kapag nalaman ng mga tao na isa ka palang higad na lumalandi sa mga lalaking may jowa na?"

Napatahimik si Catriona. Gusto pa sana niyang bumanat ngunit nagsalita ulit ang dalaga.

"You're indeed a shameless, spiteful, and a desperate woman; as Lance told me about you." patuloy ni Angela. "At kahit ano pang gagawin mo, hinding-hindi mo siya makukuha sa akin. Kasi ako at ako lang ang mahal niya."

"You dare oppose a beauty queen like me?!" bigkas ni Catriona. "Mahal ko siya! At hindi ako papayag na basta-basta niya akong iwan sa ere! At tanong ko lang: kung mahal mo talaga si Lance; eh bakit hindi kayo magkakasama palagi?"

Mabilis at kalmado namang isinagot ni Angela ang tanong ni Catriona. "Oh, miss Cat... Hindi mo lang kasi alam. Kahit hindi man kami magkakasama ay mahal pa rin namin ang isa't isa. At nangako na siya sa akin na ako ang pakakasalan niya in the near future. Sana, naisipan mo nang maigi. Ayan tuloy, napahamak ka."

Hindi matanggap ni Catriona ang totoo, at sumugod siya kay Angela upang sampalin siya sa mukha.

"How dare you!"

Ngunit sa isang iglap, napigilan naman ito ni Angela. Pagkatapos ay nagsalita ulit ito.

"Don't even think about opposing me, miss Cat." sabi ni Angela habang tinitingnan niya nang matalim ang beauty queen. "You don't want me to get mad, right? Kasi kapag nagawa mo ito, baka hindi mo magugustuhan ang alter ego ko. And before I go, may sasabihin lang ako sa'yo."

Matalim pa rin ang tingin ni Angela, at gayundin si Catriona. Mariing hinawakan ng dalaga ang mukha ng beauty queen at inilapit ito sa ulo niya.

"Stay. The hell. Away. From my. Boyfriend. Got it?" bigkas ni Angela. "Ito na ang last warning mo. Huwag mo nang landiin ulit si Lance. Kasi kapag nilandi mo ulit siya, ako na mismo ang magtatapos sa kakatihan ng puke mo. Tandaan mo yan; isaksak mo yan sa utak mo!"

Itinulak ni Angela palayo si Catriona at napasandal ang beauty queen sa dingding ng CR bago ito umalis.

Nang naiwang mag-isa ang beauty queen sa loob ng CR ay napasigaw ito nang malakas. Paulit-ulit niyang sinipa ang dingding at nagkaroon ng crack dito. Hindi pa rin niya tanggap ang katotohanan na hindi siya mahal ni Lance. Lumalabas rin ang katotohanan: sex lang talaga ang habol ng beauty queen sa binata.

Nang naka-recover na siya mula sa pagkabaliw ay humarap siya sa salamin at kinausap ang sarili.

"No. Hindi ito maaari. Hindi puwedeng mangyari sa akin ito! Lance is MINE and you know it! I'll get my revenge someday, Angela. Kasi darating din ang araw na mapapasakin ulit ang boyfriend mo. Hell hath no fury against a woman scorned!"

Ngumiti siya nang masama sa harap ng salamin. Nagsalita ulit siya pagkatapos.

"I'll do everything I can to let Lance be my husband. Because I'm his ONLY queen and you know it!"

*****

Nakalabas na si Angela sa CR na kung saan niya kinumprontahan si Catriona. Kaagad nagtanong si Tom kung anong nangyari.

"Kamusta? Nagsampalan ba kayong dalawa?" tanong ni Tom.

"Hindi naman. Nag-usap lang naman kami nang masinsinan. At nagbilin na ako sa kanya na layuan na niya si Lance." sagot ng dalaga.

"Ah... Mabuti naman kung ganoon. Tara na, pasok na tayo sa loob. Baka nagse-serve na sila ng lunch natin."

"Good idea. Kailangan pang maghanda ni Lance para mamaya. Tsaka bago ang lunch natin, magpe-perform pa tayo." Pagkatapos ay sabay nang pumasok sina Tom, Angela at Lance sa convention center. Sa kabutihang palad ay nagsasalita pa ang huling guest speaker. At may panahon pa sila para makapaghanda.

Bago sila naghiwalay nang pansamantala ay kinausap muna ni Lance ang kasintahan.

"Love, puwede ba tayo mag-usap after lunch? Hindi ko na kasi kayang dibdibin pa ang mga nararamdaman ko ngayon..." bigkas ni Lance.

Marahang hinaplos ni Angela ang likod ng kasintahan. "Sure, mamaya na tayo mag-usap. Magpe-perform na kasi kami."

"Sige. I love you Angela..."

"I love you too Lance... Muaaaa." wika ng dalaga sabay flying kiss sa nobyo.

Nakabalik na sila sa kani-kanilang table. Pagkaupo nina Tom at Angela sa kanilang upuan ay nagtanong si Jillian patungkol sa nangyari.

"Ate Angela. Anong nangyari kanina? Nag-alala na kami sa inyo..."

"May nangyari kasi sa boyfriend ko. Pero don't worry, naayos ko na yung gusot." sagot ni Angela.

"Okay po Ate." si Jillian. Maya-maya pa'y ipinatawag na ng emcee ang mga cotillion dancers sa harapan. Kanya-kanya na sila ng posisyon sa malaking entablado. Isang dosena ng pares ang bilang ng mga mananayaw, at kasya naman silang lahat doon.

Bago nagsimulang tumugtog ang awitin ay kinamusta nina Angela at Tom ang isa't isa.

"Tom. Natatandaan mo pa ba yung sinabi ni Lance sa atin?" puna ng dalaga.

"Oo naman. Nakatatak na yan sa utak ko. Enjoy lang natin yung moment. And it's all for show."

Samantala, sa likod naman ay dagling nag-uusap ang magkasintahang Jillian at Rhys. Nakalapat ang isang kamay ni Jillian sa dibdib ni Rhys habang yung isang kamay naman ng binata ay nakalapat malapit sa bewang ng dalaga.

"Babe. Are you ready for this?" tanong ni Jillian sabay ngiti nang matamis.

"Yeah. Let's enjoy this moment while we're dancing together." nakangiting sagot ni Rhys sabay halik sa noo ng nobya.

Ilang saglit pa'y nagsimula na ang tugtog ng musika. Inumpisahan na rin ng mga magkakapareha ang pag-execute ng kanilang mga steps. Sabay-sabay lahat ng mga dancers sa pagsasayaw at maaliwalas naman ang kanilang choreography.

Take my hand, take a breath
Pull me close and take one step
Keep your eyes locked to mine
And let the music be your guide

Won't you promise me?
(Now won't you promise me?)
That you'll never forget
(We'll keep dancing)
To keep dancing wherever we go next

It's like catching lightning
The chances of finding someone like you
It's one in a million, the chances to feeling
The way we do

And with every step together
We just keep on getting better
So can I have this dance?
(Can I have this dance?)
Can I have this dance?

Ang lahat ng mga mata ay nakatingin sa mga cotillion dancers. Talagang ineenjoy nila ang bawat segundo ng kanilang pagsasayaw. Lalo na sina Jillian at Rhys na kanina pa nag-uusap habang sila'y nagpe-perform.

"Did you have fun dancing with me?" sabi ni Jillian.

Tumango naman si Rhys.

Ngayon naman ay oras na para magpalitan ng partners. Bumuo ng dalawang circle ang mga dancers sa entablado. Nasa inner circle ang mga kalalakihan habang ang mga babae naman ay nasa outer circle. Katulad kanina ay maaliwalas pa rin ang choreography nila habang dahan-dahang nagpapalit ng posisyon ang mga babae, at nagpalakpakan naman ang ibang manonood.

Take my hand, I'll take the lead
In every turn, you'll be safe with me
Don't be afraid, afraid to fall
You know I'll catch you through it all

And you can't keep us apart
(Even a thousand miles can't keep us apart)
'Cause my heart is wherever you are

It's like catching lightning

The chances of finding someone like you
It's one in a million, the chances to feeling
The way we do

And with every step together
We just keep on getting better
So can I have this dance?
(Can I have this dance?)
Can I have this dance?

Mula sa simula hanggang sa katapusan, malinis at maaliwalas ang choreography ng mga cotillion dancers. Lahat ng mga mata ay nakatingin sa kanila. At nang matapos na ang tugtog ng musika ay nagkaroon ng isang masigabong palakpakan sa loob ng venue. Ilang saglit pa'y bumalik na sa kanilang mesa ang mga kasali sa cotillion.

Pinuri ng isa't isa ang naging performance nila. Makikita sa kanilang mukha na nag-eenjoy silang lahat.

"We did it, guys! Naging maayos naman ang performance natin." anang isa.

"Right. Nag-enjoy naman tayong lahat, so that's that." sagot naman ng isa pa.

Samantala, naglalambingan naman ang magkasintahang Jillian at Rhys dahil natapos na ang sayaw nilang dalawa. Kinonfess naman nila ang kanilang naramdaman sa isa't isa habang dinadamdam nila ang musikang tumugtog kanina.

"That was the best moment I ever had." sambit ni Rhys. "A memory to remember talaga for days to come."

Ngumiti naman si Jillian at hinalikan ang labi ni Rhys. "I enjoyed it, too. I've decided, I'm going to introduce you to my parents after this event."

"Really? Sana hindi sila strict..."

"Hindi naman." sagot ni Jillian. "Ang totoo kasi, alam na nila ang tungkol sa relasyon natin. And guess what? Boto sila sa'yo."

"Talaga? That's great... I'd really love to see them." sabi ni Rhys na may halong pagkasabik.

"Then it's settled. Mag-oovernight tayo sa bahay ko after this. This is my way to end the day in style." si Jillian. Maya-maya pa'y oras na ng lunchtime, at kasalukuyan nang sine-serve na ang mga pagkain para sa mga tao.

Sa table naman ng mga kandidato, tahimik na kumain si Lance ng tanghalian na isinerve sa kanila. Napansin ni Ashley na tila matamlay ang pakiramdam ng binata ngayon. Naiintindihan naman ng dalaga kung ano ang nararamdaman nito, kaya hindi na muna siya nagtanong kung anong nangyari sa binata habang wala ito sa tabi niya kanina.

Habang kumakain si Ashley ay nakita niyang napadaan si Catriona sa mesa nila. Kahit hindi siya napansin ng beauty queen ay matalim ang tingin niya dito. Dito inilabas ni Ashley ang kanyang nararamdaman.

"I can't forgive her for what she did to Lance. Alam na nga niyang may girlfriend na siya, nilalandi pa rin niya. It's unforgivable!" ang isip ni Ashley.

Maya-maya pa'y kausap ni Lance ang partner niyang si Ashley.

"Lance. You seem to be quiet today. Ano ba kasing nangyari?" tanong ng dalaga kay Lance.

"Ah, wala. Okay lang ako." casual na sagot ni Lance at itinuloy niya ang pagkain. Ngunit makikita sa mukha ng binata ang hingapis at poot ng sinapit nito nung puwersahan siyang inalok ni Catriona na makipagtalik sa kanya kanina lang.

"Tapatin mo nga ako, Lance. Dahil ba yan kay Catriona?"

Napalingon ang binata kay Ashley na tila natauhan. Nagtama ang kanilang tingin at walang kumurap sa kanila. Maya-maya pa'y bahagyang tumulo ang luha sa mata ng binata.

"Tama ka, Ashley. Sapilitan niya akong hinila palabas ng convention center para mag-sex kami. And I hated it!"

"Naku... Don't tell me na nag-away na naman kayo ni Angela?" bigkas ni Ashley. Magsasalita sana si Lance nang biglang lumapit si Angela sa table nila.

"Hindi kami nag-away ni Lance. Kinausap ko lang si Catriona kanina." sagot nito. Napanganga naman si Ashley sa naging sagot ni Angela.

"You did? Anong sabi mo?"

"Nag-usap lang naman kami nang masinsinan. Binalaan ko naman siya na layuan na niya si Lance. Ngayong alam na niya ang katotohanan ay baka hindi na siya lalapit pa kay Lance. Pinapakiramdaman ko sa kanya na ako lang ang totoong mahal ni Lance at wala nang iba."

"Angela..." ang nasambit ni Lance nang marinig niya ang boses ng kasintahan.

"Oh Lance, mahal. Tapos ka na bang kumain? May preparations pa tayong gagawin para mamaya." puna ni Angela.

"Kumakain pa ako. Puwede bang dito ka sa tabi ko umupo? Natatakot kasi ako..."

Lumapit si Angela sa nobyo at tinabihan niya ito sa pag-upo. "Sure. Akong bahala. I'll personally make sure na hindi ka na lalapitan pa ulit ng Catrionang yan."

"Thank you talaga, love. You're my life saver talaga." bigkas ni Lance saka ipinagpatuloy na niya ang pagkain.

*****

Habang busy sa lunch ang ilan sa mga estudyante, nasa isang tabi naman si Catriona kasama sina Kaori at Kylie. Pinag-usapan nila ang nangyari kay Cat kanina sa labas.

"Sabi ko na nga ba sa'yo eh, hindi ka kasi nakikinig sa amin kanina..." dismayadong sagot ni Kylie. "Di ba we already told you to stay away from Lance? Ayan tuloy, nagharap tuloy kayo ng girlfriend niya..."

Namumugto naman ang mga mata ni Catriona. "Alam niyo naman siguro kung bakit ko yun ginawa, di ba? Because he spurned me of my love! I did everything that I can para mapasaakin siya, and I would have done it, if he only didn't met that bitch."

"Ate, please stop it na. Wala ka nang magagawa tungkol diyan; he loves his girlfriend, after all." si Kaori. "Ako nga, gusto ko ngang kausapin si Rhys. Pero hindi ko na yun nagawa dahil nalaman kong may iba na pala siya. At binalewala ko naman yun, eh."

"Cat. You can't force someone to love you." payo ni Kylie. "Tanggapin mo na lang na hindi mo na siya mapapasakanya. His heart belongs to someone else already, at wala na tayong magagawa kundi galangin na lang ang relasyon nila."

"No! This is not possible!" pagmamatigas pa rin ni Catriona. "I deserve his love and his heart and his ASS and his DICK!"

"Catriona naman... Makinig ka na kasi sa amin. At ayusin mo ang trabaho mo mamaya bilang judge, ha? Malaki pa naman ang respeto ng mga tao sa'yo. Just be professional, at walang issue na malalaganap. Trust me, girl. It will do wonders talaga."

"Tama si Ate Kylie. Siguro naman ayaw mong masira ang reputasyon mo, hindi ba?" dagdag ni Kaori. "What if malalaman ng mga tao na lumalandi ka pala sa mga lalaking may girlfriend o kaya may asawa na? Ano na lang ang sasabihin sa iyo ng mga tao?"

Tumigil na sa paghihikbi si Catriona at kinusot ang mga mata niya. Maya-maya pa'y nagsalita ito.

"I guess you two are right, after all. Nais ko lang humingi ng tawad sa inyo kung sumuway man ako sa mga sinasabi niyo sa akin. Mahal ko kasi si Lance, at nadala lang ako sa emosyon. Pangako, aayusin ko ang trabaho ko bilang judge mamaya." si Catriona.

"Aasahan namin yan. Tara na tayo sa backstage, baka pinapatawag na tayo ng mga organizers doon." yaya ni Kylie at sumunod naman ang dalawa sa kanya. Kasalukuyang naghahanda na ang mga event organizers para sa ikalawang bahagi ng programa na magsisimula mamayang ala-una ng hapon.

*****

Tatlumpung minuto bago mag-ala una. Nasa hotel lobby sina Angela at Lance, at pinag-usapan nilang dalawa ang tungkol sa nangyari kanina.

"Love. Galit ka ba sa akin?" casual na tanong ni Lance kay Angela.

"Hindi naman. Bakit?"

"Akala ko kasi, maghihiwalay tayo dahil nalaman mong may iba pala ako..."

Marahang hinaplos ng dalaga ang likod ng kasintahan. "Lance, sinabi mo naman sa akin na hindi mo siya gusto, hindi ba? Ginawa mo naman ang lahat para hindi ka bumigay sa tukso. Ginawa mo naman ang part mo sa pagpapatatag ng relasyon natin."

"Angela..."

"Lagi mo itong tatandaan: kahit ano pang sabihin ng iba, mananatili tayong matatag." patuloy ni Angela. "We'll stay strong, no matter what happens. Ikaw lang kasi ang mahal ko, Lance. At ayoko nang lumaki ang isyung ito."

"Patawarin mo ako kung nagkamali man ako sa'yo..." ang pagsumamo ni Lance. "Please stay with me..."

"Wala kang kasalanan, Lance. After all, hindi mo man gusto si Miss Cat. Kung nagkaroon ka man ng karelasyon na iba at gusto mo siya, ibang usapan na yan. Pero since sinabi mo ang totoo, handa akong magpatawad." si Angela. "Hindi ako nagagalit kung nangyari man ito, Lance."

"Thank you Angela. Thank you..." bigkas ni Lance sabay yakap nang mahigpit sa kasintahan. Bumulong ang binata kay Angela pagkatapos.

"I love you Angela, mahal ko..." si Lance.

"I love you too Lance. I really, really love you." si Angela. Ilang saglit pa'y naghinang ang kanilang mga labi. Kahit walang namumuong libog ay puno naman ng pagmamahal ang kanilang halikan.

Pinatunayan nila sa isa't isa na mahal nila ang isa't isa, kahit ano pa mang mangyari. Tumagal ng ilang minuto ang kanilang masarap na halikan bago kumalas si Lance at nagyaya sa nobya na bumalik na sa loob ng venue para makapaghanda na siya sa pageant.

*****

ITUTULOY...

AUTHOR'S NOTE: Maraming salamat sa inyong matiyagang pag-aantay. There are only three chapters before this series comes to an end. Sana'y patuloy pa rin ang suporta ninyo sa Kinang at Lilim, at maging sa iba kong mga akda. Maraming salamat.

P.S. Please leave your comments and reactions, this will inspire me to continue and write more. Your efforts aren't required when giving your likes and hearts; only do this if my story deserves one. Thank you!

Copyright (c)2020 Stalker_Eyes. All rights reserved.
This story may not be reproduced in any manner, without the expressed permission of the author by any means available.