1. Home
  2. Stories
  3. Kinang At Lilim - Chapter 42: Against All Odds
Filipino Sex Stories

Kinang At Lilim - Chapter 42: Against All Odds

By Stalker_Eyes ·
NOTE: This is the penultimate chapter of the series. Please don't rush and don't skip. Thank you.

****

Chapter 42

Ang karugtong...

Nakarating na ang sasakyan lulan ang magkasintahang Angela at Lance sa bahay ng dalaga. Naabutan sila ng ulan sa daan nila pauwi. Mabuti na lang at may nakahanda nang payong para sa kanila.

Naninirahan ang pamilya ni Angela sa isang malaking mansiyon. Sinalubong ang magkasintahan ng isa sa mga yaya ng pamilya ng dalaga.

"Welcome home po, Miss Angela, sir." bati nito sa kanila. Ngumiti naman si Angela sa yaya at pumasok na ang magkasintahan sa loob. Nakasalubong nila si Amanda, ang ina ng dalaga.

"O anak, nakauwi ka na pala." sabi ni Amanda. "Kamusta ang event?"

"Masaya naman po, ma." sagot ni Angela. "By the way, si Lance nga po pala, boyfriend ko."

"Magandang gabi po." bati ni Lance sabay mano sa ina ni Angela.

"Magandang gabi rin sa'yo, iho. So ikaw pala ang nobyo ng anak ko." wika ni Amanda. "Kumain ka na ba?"

"Hindi pa po."

"Ganun ba? Eh dito ka na lang kumain, iho. Make yourself at home. By the way, ako nga pala ang Tita Amanda mo."

"Sige po, salamat po." Pagkatapos ay bumalik saglit si Lance sa sala at nanonood ng mga palabas sa telebisyon. Sumabay naman si Angela sa nobyo at pinag-usapan nila ang kabaitan ng ina ng dalaga.

"Ang bait pala ng mama mo." wika ni Lance. "Saan na pala yung dad mo?"

"Ayoko sanang umiyak, Lance. Pero sige na nga, I'll tell you where he is right now." sagot ni Angela. Matiyaga namang naghihintay si Lance na pakinggan ang kuwento ng kasintahan.

"Well you see, my dad passed away when I was just fourteen years old. Na-diagnose kasi siya ng Stage 4 prostate cancer, and naka-confine siya sa ICU. My dad is a fighter, lalo na sa kanyang trabaho bilang corporate president ng isang kumpanya. At kahit malayo man si papa sa amin, hinding-hindi niya kami pinabayaan." kuwento ng dalaga.

"Your father is a nice guy, indeed." putol ni Lance. "How I wish he's still alive para bigyan ko siya ng pagsaludo mula sa akin."

Maya-maya pa'y itinuloy ni Angela ang kuwento.

"At nang malaman namin ni mama na na-ospital si papa, siyempre nag-alala kami. Ako naman, lagi ko siyang sinasabihan na magpakatatag siya para sa pamilya namin, lalo na't ako lang ang kaisa-isang anak dito. He always gives me advice about life, until his death weeks later. Nang malaman kong wala na si papa, siyempre umiyak ako nang umiyak. But then, I learned to accept everything that happened. Ultimately, sinabihan ko ang papa ko sa burol niya, 'Dad, you can rest now. Nagawa niyo na po ang misyon niyo dito sa lupa. Sana sa pagbabalik niyo sa langit ay maging masaya pa rin kayo.'"

Na-touch naman si Lance sa kuwento. "Ang bait pala ng dad mo. Nakikita ko naman kung bakit bihira lang sila nag-aaway ni Tita Amanda..."

Naudlot naman ang usapan ng magkasintahan dahil tinatawag na sila ni Amanda sa kusina.

"Angela anak. Nakahanda na ang hapunan natin. Kumain na tayo."

Tumayo na ang dalawa at nagtungo na sila sa kusina. Tinolang manok ang ulam nila; paborito ni Lance. Maya-maya pa, sabay nang kumain ang tatlo, at naghari ang katahimikan sa loob ng mansiyon.

*****

Nakarating na sa isang branch ng Starbucks si Catriona. Ang suot niya ngayon ay ang pangkaraniwang denim mini-skirt at puting sleeveless na top. Nakasalubong niya si Kylie sa isang mesa. Nakahanda na ang mga pagkaing inorder ni Kylie kanina lang.

"Hi Cat!" bati nito. "It's good to see you. Nalaman ko na kung saan yung sasakyang sinabi mo kanina."

"Siyanga? Saan?" puna ni Catriona.

"Malapit lang dito. Montero na kulay yellow. Hindi lang ako sigurado, pero nakapark siya sa mansiyon na malapit lang dito sa Starbucks."

"Teka lang ha, lalabas lang ako. I just want to prove to myself na totoo nga yung mga sinasabi mo sa akin." bigkas ni Catriona sabay tayo mula sa kinauupuan.

"Bahala ka na nga, baka mapahamak ka pa sa kalsada. Mag-iingat ka."

Hindi na pinansin ni Catriona ang sinabi ng kaibigan at lumabas saglit ng Starbucks. Napansin rin niya agad ang sasakyang nabanggit ni Kylie kanina lang. Isa ngang Montero na kulay yellow na ang plaka ay ACR 3704. Hindi nga nagsisinungaling si Kylie sa kanya.

"Totoo nga. Sasakyan nga ni Lance yun." ang nasambit ni Catriona. "I'm coming for you, Lance. You'll be mine tonight, definitely!"

Pinagmasdan muna ni Catriona ang kotse sa huling pagkakataon bago ito lumayo na may ngiti sa mukha. Nagmamadali siyang pumasok ng Starbucks at ibinalita kay Kylie ang nasaksihan niya. Napansin naman nito ang kakaibang ngiti sa mukha ng kaibigan.

"O Cat. What's with that smile on your face?" tanong ni Kylie nang mapansin nito ang ngiti ni Catriona na abot hanggang sa pisngi.

"Totoo nga, nasa malapit lang si Lance. For sure ay magiging masaya na ulit ako!" sagot naman sa kanya.

"Girl, leave him in peace na lang. You don't understand, alam naman natin kung gaano kasaya si Lance sa piling ng kanyang girlfriend, di ba?" si Kylie. "Please naman Cat... Hayaan mo na si Lance na maging masaya..."

Umiling agad si Catriona. "No. Ako, at ako lang ang deserving para sa kanya! That girl doesn't deserve his love. I'll do everything I can to get what I want. Because he is only mine and you know it!"

"Cat. Please. For the love of all things bright and beautiful, leave Lance alone. You might get into trouble for doing that. Please stop it na..." pagsusumamo ni Kylie. Ngunit hindi pa rin nakikinig si Catriona; tumayo na ito at kinuha na niya ang isang baso ng iced coffee na inorder ng kanyang kaibigan kanina.

"Thanks for the advice. But no." bigkas ni Catriona. "I going to make sure that Lance comes back to me, and that girl won't see the light of day ever again." Pagkatapos ay tuluyan na siyang lumabas ng Starbucks.

Hindi na alam ni Kylie kung ano ang gagawin. Nakikita niya na talagang determinado si Catriona na maibalik si Lance sa kanya sa kabila ng katotohanan na may minamahal itong iba.

"Is she out of her mind? May girlfriend na nga si Lance, eh. I've got to do something about this." ang nasambit ni Kylie sa sarili at ipinagpatuloy na niya ang pagkain sa mga inorder niya kanina.

*****

"Mabait naman si Arthur sa akin. Bihira lang naman kami nag-aaway, at kung nag-away man kami, siya ang unang humihingi ng tawad sa akin." kuwento ni Amanda nang pinag-usapan nilang tatlo ang tungkol sa asawa niya.

"Bilib na talaga ako sa kanya, Tita." pangiting sagot ni Lance. "Ang bait naman pala talaga ni Tito Arthur. And now I'm learning from his example, ngayong nakapiling ko na ang anak niyo."

Ngumiti naman si Amanda. "Wow, that's good to hear! Hopefully lalo pang tumibay ang pagmamahalan niyong dalawa, katulad ng pagmamahal ng asawa ko sa akin. Anyway, kailan niyo balak magpakasal, anak?"

"Siguro po after naming grumaduate." sagot ni Angela.

"Hm, I see. Malapit-lapit na rin, ano? It's only ten months away. I'm really excited for that, my dear." Pagkatapos ay hinalikan ni Amanda ang noo ng kanyang anak.

"After naming grumaduate ng college." paglilinaw ni Angela.

"Oh. I get it. But it doesn't matter at all, anak." wika ni Amanda. "Kung kailan niyo gustong magpakasal, it's your decision after all. Anyways, you're still young adults pa naman; and there's still much for you to learn. I'm still here to support you, dear."

"Thank you ma. You're the best mother ever." sagot ni Angela sabay yakap nang mahigpit sa ina. Pagkatapos ay nagsalita si Lance.

"Tita Amanda, may itatanong lang sana ako sa inyo."

"Sure. What is it, dear?" puna ni Amanda.

"Okay lang po ba sa inyo na magpakasal muna kami sa judge bago sa simbahan?" tanong ni Lance. "Expected na kasi na magkakaroon kami ng anak ni Angela in the coming months. We had sex weeks ago without protection..."

Marahang tinapik ni Amanda ang likod ni Lance. "It's just fine to me. Do whatever suits you best. Basta ang mahalaga, hindi niyo pababayaan ang isa't isa. At pagtibayin niyo lang ang inyong pagmamahalan. Maaasahan ko ba yan?"

"Opo, Tita. I won't ever let you down." sagot ni Lance.

"That's I've been waiting to hear. So matutulog na ako, ha? Maaga pa naman ang trabaho ko bukas. Enjoy the night here in this house." Pagkatapos ay umalis na si Amanda sa sala at naiwan ang magkasintahan dito. Muling nagtanong si Lance kung anong trabaho ng ina ng nobya.

Kaagad namang isinagot ni Angela ang tanong. "My mom works at a business firm as associate vice president. At malaki rin naman ang kinikita niya."

"Wow... Ngayon ko lang nalaman, ah. Kaya naman pala ang bait niya..." sambit ni Lance. Maya-maya pa'y nagdesisyon ang dalawa na manood ng ilang palabas sa Netflix. At nag-offer naman si Lance na siya na ang bibili ng pagkain.

"Love, ako na ang bibili ng food natin. Para naman, eh may maiaambag rin ako sa inyo..."

"Hindi, ako na." sabi ni Angela. "Para makabawi ako sa'yo. Ako naman ang maglilibre."

Nagpaubaya naman si Lance. "Okay. If you insist. Mag-iingat ka sa daan, love. Baka mapahamak ka pa, lalo na't lumalalim na ang gabi."

"Oo naman, Lance. Mahal kasi kita eh." Pagkatapos ay lumabas na ng bahay si Angela at naglakad na ito patungo sa Starbucks para bumili ng kanilang pagkain.

Samantala sa bahay, palihim niyang sinilip ang cellphone ni Angela na naiwan nito. May password ito, pero alam naman niya. Pagbukas ng phone ay kaagad siyang nagtungo sa photo gallery at iniisa-isa niya ang pag-scan ng mga pictures na naka-imbak doon. Natigilan siya nang may nahanap siyang litrato dito na kung saan magkahawak ang kamay nilang dalawa.

Tinitigan ni Lance ang litratong iyon. Bumulong siya na animo'y nag-uusap lang sa nobya.

"Please be safe out there my love. I just want to be with you for the rest of my life..."

*****

"Thank you babe sa time. Hanggang sa uulitin." bigkas ni Jillian nang nakarating na ang sasakyan nila sa bahay ng dalaga. Inihatid kasi siya ni Rhys dahil may dala naman itong kotse, at hindi na nila kailangang mag-commute pauwi.

"Love you so much babe." sabi ni Rhys habang hinalikan niya ang noo ng nobya.

"I love you too." ang huling nasambit ni Jillian bago ito pumasok ng bahay. Nakangiti naman ang binata dahil natupad rin ang kanyang matagal na hiling. Para sa kanya, naging enjoyable naman ang ball nila kanina dahil nakasayaw niya si Jillian sa cotillion, at nagawa pa nilang maglambing sa loob ng CR.

Pinaandar na niya ang sasakyan at pinaharurot na niya ito. Nagutom rin si Rhys habang nagmamaneho, kaya naisipan niyang dumaan muna sa isang sangay ng Starbucks na nasa Tomas Morato.

Humupa na ang ulan, at maliwanag ang buwan sa langit. Bumaba si Rhys ng sasakyan at pumasok na ito sa loob para bumili ng pagkain. Sa di kalayuan naman, mag-isa namang naglalakad si Angela habang papalapit na siya sa Starbucks.

Alam pala ni Angela na naiwan pala niya ang cellphone. Nag-alala naman siya at gusto na niyang umuwi agad. Pero kailangan niyang bumili muna dahil nag-aantay na marahil ang kasintahan niya.

"Naiwan ko pa ang cellphone ko. Paano na lang kaya ito..." ang nasambit ni Angela sa sarili. Ngunit bago pa man nakapasok ang dalaga sa kainan ay may biglang naglagay ng isang itim na supot mula sa kanyang likuran. Puwersahan siyang tinangay ng dalawang babae na nakabalot ang mukha.

"Bitawan niyo ako! Anong kailangan niyo sa akin!..." bulalas ni Angela. Ngunit hinampas naman siya ng isang babae sa batok ng dalaga.

"Tumahimik ka! Gusto mo bang malagutan ng hininga nang maaga?" anang babae.

"Pakawalan niyo ako... May nag-aantay sa akin sa bahay..." pagmamakaawa ni Angela. Ngunit nagmatigas pa rin ang babaeng tumangay sa kanya.

"Wala kaming pakialam. Basta kung gusto mo pang mabuhay, sumama ka na lang sa akin, at dapat sundin mo ang mga gusto namin. Naintindihan mo?!" matalim na sabi ng babae.

"Parang awa niyo na po... Let me go please..."

"O sige, ipasok niyo na. Nag-aantay na ang boss natin." utos ng babae.

"Oo nga. I wonder what will happen later." sagot naman ng kasama nito.

Maya-maya pa'y puwersahang hinila ng mga babae si Angela sa loob ng isang malaking van. Isa itong Grandia na kulay maroon. Bago nila ipinasok ang dalaga ay ipinadapa nila ito sa sahig at itinali ang mga kamay at bibig.

Samantala, nakalabas na si Rhys ng Starbucks at inihanda na niya ang sasakyan sa pag-uwi nang makarinig siya ng sigaw mula sa labas.

Ngunit nakaalis na ang kulay maroon na Grandia. Masuwerte naman siya dahil kabisado niya ang plaka ng sasakyang yun. Sa tinig pa lang ay alam na niyang may panganib na nangyayari.

"May tumangay kay Angela. I need to tell Lance about this." Kaya nagdesisyon na siyang tumawag sa boyfriend ni Angela para sabihin ang nangyari. Kaagad niyang idinayal ang numero ni Lance, at sumagot naman agad ang kabilang linya.

"Hello, Lance? Si Rhys ito, yung kasama ni Angela sa cotillion."

"Oh Rhys. Napatawag ka. Anong meron?" sagot ni Lance sa kabilang linya.

"Bad news ito, tol. May kumidnap sa girlfriend mo." si Rhys.

"ANO?!" malakas na sagot ng kabilang linya. "Ano bang kailangan nila sa girlfriend ko? Siguro kagagawan na naman ito ni Catriona."

"Yun ang hindi natin alam. Pero huwag kang mag-alala, tol. Nakuha ko ang plaka ng sasakyan na ginamit sa pagtangay sa girlfriend mo." wika ni Rhys.

"Saan ka ngayon? Pupuntahan kita diyan."

"Nasa Starbucks ako, tol. Dito sa may Tomas Morato."

"Okay. Malapit lang pala dito. Sige, papunta na ako." At naging dead air na ang kabilang linya.

Hindi naman umabot ng matagal bago dumating si Lance sa Starbucks gaya ng kanilang napagkasunduan.

"All right. So where was I... Okay." bigkas ni Rhys. "Kabisado ko yung plate number ng van na itinukoy ko kanina."

"Sabihin mo na, tol. Alalang-alala na ako para kay Angela." sabi ni Lance.

"Alpha-Bravo-Whiskey One Seven Nine Nine. So ano na ang plano mo ngayon? Should we rescue her?"

Tumango si Lance. "Yes, as in immediately. I don't want something bad to befall my girlfriend. Mahal na mahal ko siya, and I really cannot lose her again."

"Have no fear, Lance. May sasakyan naman akong dala, at nagpatawag na rin ako sa pulis. All we need to do is search for that van. Together, we can save your girlfriend. What do you say?"

"It's going to be a big yes. We must go and save her as soon as we can. Kailangan kong patunayan sa kung sino man ang tumangay sa kanya na ako lang ang karapat-dapat na mahalin. Diyos na lang ang bahala sa kanya. I need to see her before something worse will happen."

"You got it, Lance. Tara na, let's go. We've got no time to lose. And together, you and Angela will be together again, no matter the odds." Pagkatapos ay sumakay na ang dalawang binata sa kotse ni Rhys at pinaharurot na nito ang sasakyan.

Habang tahimik na nagmamaneho si Rhys ay halos hindi na makapagrelax si Lance dahil sa labis na pag-alala. Maya-maya pa'y tahimik niyang ipinikit ang mga mata at nagsimulang magdasal para sa buhay ni Angela.

"Panginoon, ako po'y humihingi sa Inyo ng tulong upang iligtas ang aking iniibig na si Angela mula sa panganib. Sana po ay mabigyan Niyo siya ng lakas ng loob para mabuhay pa nang matagal sa mundong ito. Nagdarasal po ako para sa kanyang kaligtasan at buhay niya, na sana'y hindi humantong sa trahedya ang muli naming pagkikita. Amen."

*****

Sa isang abandonadong building idinala ng mga babae si Angela. Nakatakip pa rin ang mukha nito ng itim na supot at nakatali pa rin ang mga kamay niya sa likod. Iniupo nila ang dalaga sa isang silid na halos sirang-sira na dahil sa kalumaan. Dito ay nakasalubong ng mga babae si Catriona.

"Tanggalin niyo na ang supot." utos ni Catriona sa kanyang mga tauhan. Nakatulog na si Angela dahil sa kakaiyak kanina habang nasa van ito. Pagkatapos ay muli siyang nag-utos sa mga tauhan.

"Dito lang muna kayo. I just want to see this woman get the comeuppance she deserved for stealing Lance away from me. I'm the only woman deserving of his love and you know it!" bigkas ni Catriona. "And don't you dare stop me or call the police. Because justice is mine. Only. Mine!"

Tahimik lang ang mga babae habang pinagmasdan nila ang mga maaaring gawin nito kay Angela.

Luminaw na sa wakas ang paningin ni Angela at nakagising na ito. Nagulantang na lang siya dahil si Catriona ang nasa harapan niya ngayon.

"A-anong nangyari..." ang bigkas ni Angela. Puwersahan namang hinagkan ni Catriona ang leeg ng dalaga at inilapit ang mukha nito sa kanya.

"You! Ikaw ang dahilan kung bakit naging miserable ang buhay ko ngayon!" pagalit na sigaw ni Catriona. "Ako lang ang tanging babae na karapat-dapat mahalin ni Lance at hindi ikaw!"

"T-tama na... N-nakakasakit k-ka n-na..." mahinang bulong ni Angela sa beauty queen.

Binigyan naman siya ng isang malakas na hampas sa labi.

"For your information, ikaw ang nakakasakit sa akin! You don't deserve him, Angela. Never!" Pagkatapos ay malakas niyang sinuntok si Angela at napasandal ito sa dingding. Dumugo na ang likuran ng ulo ng dalaga, ngunit hindi pa rin tumitigil itong si Catriona.

"Hindi pa ako tapos sa'yo, Angela. I'm going to make sure that you'll rot in hell!"

Paulit-ulit na sinasapak at hinahampas ni Catriona ang kaawa-awang Angela. Halos hindi na makapaglaban pa ang dalaga dahil hinang-hina na ito. Hindi nila akalain na malakas rin palang sumuntok ni Catriona; epekto ito marahil ng workout.

Hindi pa rin kuntento si Cat. Inilabas na niya ang kanyang baril mula sa bulsa at nilagyan niya ito ng mga bala. Maya-maya pa'y itinutok niya ito malapit sa puso ni Angela.

Samantala, nahanap na nina Lance at Rhys ang maroon na van sa kalsada. Nagmamadali silang pumasok sa loob ng lumang bahay upang hanapin si Angela. Kasama na nila ang ilang mga kapulisan. Umaasa pa rin si Lance na makikita pa rin niya ang kasintahan na buhay. Nang biglang...

*BLAM!*

Tunog ito ng baril. Dali-daling tumakbo si Lance at makalipas pa ng ilang sandali ay nakita na niya ang kasintahan. Lumapit siya agad kay Angela na nakahandusay sa sahig.

"Angela. Angela?" bigkas ni Lance. "Angela baby. Please, answer me. You just can't leave me like this. Gumising ka..."

Si Catriona nama'y napapalibutan na ng mga pulis. Hindi niya alam kung ano ang gagawin.

"Miss! Ibaba niyo ang baril!" sigaw ng isang pulis. Ngunit nakahawak pa rin ang beauty queen sa baril at nakatutok pa rin ito sa kanila.

"Miss!" sigaw ulit ng pulis. "Sumuko na kayo! Ibaba niyo na ang baril!"

Ayaw pa ring bumitaw ni Catriona sa baril. Ngayon ay nababaliw na siya, at ilang saglit pa'y nagpakawala siya ng isang malakas na sigaw.

"Waaaaaaaaaaaaaahhhhhhh!" bulalas ni Catriona habang pinapaputukan ang mga pulis na nakapalibot sa kanya. Pagkatapos ay tumakbo ito palayo.

Gumanti naman ng putok ang mga pulis, at agad nilang hinabol si Catriona.

Samantala...

"Angela baby. Gumising ka please. Parang awa mo na... Angela!!" pakiusap ni Lance habang pilit pa ring ginigising ang walang malay na nobya. Dumating naman ang mga medical personnel at maya-maya pa'y inihatid na nila si Angela sa ospital.

Dito bumubuhos ang matinding emosiyon ni Lance nang nasaksihan niya ang nangyari sa kasintahan niya. Parang nawalan na siya ng pag-asa na makakasama pa niya si Angela.

Malungkot na itong lumabas sa abandonadong lugar na pinagyarihan ng krimen at sumakay na ito sa sasakyan ni Rhys. Hindi na niya isinagot ang mga tanong sa kanya ng mga kasama. Maya-maya pa'y pinaharurot na lang ni Rhys ang sasakyan at sinundan na nila ang ambulansya na kung saan naroon si Angela.

*****

TATAPUSIN...

AUTHOR'S NOTE: Maraming salamat sa inyong matiyagang pag-aantay. Only one more chapter and this series is finally ending. Sana'y patuloy pa rin ang suporta ninyo sa Kinang at Lilim, at maging sa iba kong mga akda. Maraming salamat.
May pag-asa pa bang mabubuhay si Angela? Ano na kaya ang magiging kapalaran ni Lance? Ang mga kasagutan ay sabay-sabay nating malalaman sa huling kabanata. Abangan! ^^

P.S.
Please leave your comments and reactions; this will inspire me to continue and write more. Your efforts aren't required when giving your likes and hearts; only do this if my story deserves one. Thank you!

Copyright (c)2020 Stalker_Eyes. All rights reserved.
This story may not be reproduced in any manner, without the expressed permission of the author by any means available.