1. Home
  2. Stories
  3. Kinang At Lilim - Final Chapter: The Light Of Day
Filipino Sex Stories

Kinang At Lilim - Final Chapter: The Light Of Day

By Stalker_Eyes ·
NOTE: Please don't spoil yourself about the ending. You'll get there soon enough. A million thanks.

*****

FINAL Chapter

Nagawang makatakas ni Catriona mula sa mga pulis nang una siyang nagpaputok ng baril sa kanila. Malayo-layo na rin ang natakbuhan niya at gusto na niyang pumunta sa bahay nila Kylie. Mabuti na lang at malapit na siya sa kanyang paroroonan. At nang nakarating na ang beauty queen sa bahay ng kaibigan ay paulit-ulit niyang pinipindot ang doorbell.

"Kylie... Open the gate please..."

Sa loob naman ng bahay ni Kylie ay masayang nanonood ng Netflix ang dalaga kasama ang kanyang fiance na si Jake. Hahalikan na sana ni Jake ang kanyang fiance nang marinig ni Kylie ang paulit-ulit na tunog ng doorbell na mula sa labas.

"Putris naman... Kung kailan ready na tayong maglambingan, saka pa may gatecrasher sa labas..." inis na tugon ni Kylie.

"Ba't di mo silipin, mahal?" tugon ni Jake. "Baka naman, eh kaibigan mo yun."

Matamlay na lumabas si Kylie at binuksan ang gate. Nakasalubong niya ang kaibigang si Catriona na kanina pa humihingal dahil sa kakatakbo.

"Cat naman oh... Why do you have to show up now?" si Kylie.

"Makinig ka sa akin Kylie." mahinang sabi ni Catriona na halos malagutan na ng hininga. "Hinahabol ako ng mga pulis, at kailangan kong magtago dito. I don't want to get arrested. Please, Kylie. Let me in..."

Ayaw sana niyang papasukin ang kaibigan, ngunit nakaramdam rin siya ng awa dito. Kaya nagpaubaya na si Kylie.

"Sige na nga, pumasok ka na. Nagmumukha ka nang taong grasa sa itsura mo." sabi ni Kylie at pinatuloy na niya ang kaibigan.

Pinaupo niya si Catriona sa sala at nagtungo sa kusina para ipaghandaan ito ng tubig. Mabilis namang nakabalik si Kylie at dala na niya ang baso.

"O, heto. Inumin mo muna to. Tapos mag-uusap tayo pagkatapos nito." bigkas ni Kylie at nagtungo ito saglit sa banyo. Dahil naudlot ang panonood nila at nagdesisyon si Jake na umakyat muna sa kuwarto at maglaro ng Mobile Legends, at hindi na niya pinansin si Catriona.

Makalipas ang ilang minuto ay bumalik si Kylie sa sala at kinausap ang kaibigan.

"Cat. Ano ba kasing nangyari sa'yo't nagkaganyan ka? Tapatin mo nga ako." wika ni Kylie. Ngunit tahimik lang si Catriona at hindi umiimik. Muli siyang tinanong ng kaibigan.

"Tell me, Cat. Nang dahil na naman ba ito kay Lance?"

Tahimik na tumango si Catriona. Nakaramdam naman ng pagkadismaya si Kylie.

"Sinasabi ko na nga ba, eh." pagalit nitong sabi. "Di ba sinabi ko na sa iyo, leave Lance alone! Alam mo na ngang may girlfriend na siya, hindi ba? Wag mong sabihing pinatay mo siya o ang girlfriend niya!"

"Kylie... Please let me explain---"

Hindi na nagawang tapusin ang sasabihin sana ni Catriona nang bigla siyang sinampal ni Kylie sa mukha, dahilan upang mapahaplos si Cat sa pisngi niya.

"You really are an asshole, Catriona. You promised me that you'll let Lance go and you'll leave him in peace!" ang pagalit na sigaw ni Kylie.

Nakatingin lang si Catriona sa kaibigan, at nag-umpisang tumulo ang luha sa kanyang mga mata.

"I'm really sorry Kylie... It's just... that I still love him so much... Hindi pa kasi ako maka-move on sa kanya... I never intended to harm him or his girlfriend."

"Never intended?! Huwag mo nga akong pinagloloko, Catriona. Alam ko na kung anong tunay na dahilan kung bakit naaatract kay Lance. Dahil hindi ka naniniwalang may girlfriend na siya!" bigkas ni Kylie. "Hindi porket hindi nila kasama ang girlfriend ng isang lalaki kahit sinabi niyang may mahal na siyang iba, hindi ibig sabihin nun na break na sila! Nakuha mo ba yung point ko?"

"Matagal ko nang alam yun..."

"O, alam mo pala yun, eh. Bakit ba kasi lapit ka pa rin ng lapit sa kanya? Akala ko ba you learned your lesson after you met Angela in person. But I was wrong, Catriona. You really are insane. Kung nakinig ka lang sana sa akin, hindi sana mangyayari ang trahedyang ito!" ang galit at pagkadismaya ay naroon pa rin sa tinig ni Kylie, hindi mapayapa ang naging damdamin niya dahil sa nangyari.

Kumapit si Catriona sa balakang ni Kylie. "Please Kylie... Nangyari na yun, at tinanggap ko naman na nagkamali ako. Just let it slide for now, okay? We're still best friends, after all."

"Just let it slide? Sa tingin mo, ganun na lang kadali yun para sabihin yan?" si Kylie. "Do you think Lance will come back to you because of what you did? Never, Cat. Never in a million years. He deserves to live a peaceful life with his girlfriend, and I agree with it. Now get out of my house, and surrender yourself to the authorities. Now!" Pagkatapos ay hinila niya si Catriona at pinalabas na ito ng bahay.

May dumating naman na police mobile sa paglabas ni Catriona. Bumaba ang mga sakay nito at muli nilang pinapalibutan ang beauty queen.

"Miss Catriona! Sumuko na po kayo! Samahan niyo na kami sa presinto!"

Hindi na nanlaban pa si Catriona at isinuko na niya ang kanyang sarili. Maya-maya pa'y ipinasok na nila ang dalaga sa auto at tumakbo na ito palayo. Habang nagmamaneho ang mga pulis patungo sa presinto, iniisip ni Catriona ang mga sinasabi ni Kylie sa kanya. Totoo nga ang kanyang mga sinasabi nito, at bigla siyang natauhan. Inilagay ni Catriona ang mga salita ng kaibigan sa isip niya, at nangako sa sarili na magbabago na siya simula sa araw na ito.

*****

Kasalukuyang nag-aantay si Lance sa lobby ng ospital kasama si Rhys. Hindi pa rin nawawala ang nararamdamang pagkalungkot niya kay Angela. Hindi niya inaasahan na mangyayari ang trahedyang ito.

Umaasa pa rin siyang magkikita ulit sila ng kasintahan. Kanina pa namumugto ang mga mata ni Lance sa kakaiyak dahil sa pag-aalala at pagkalungkot. Dinamayan naman siya ni Rhys.

"Lance. Calm down, tol. Mabubuhay rin si Angela. Trust me." si Rhys habang hinahaplos-haplos niya ang likod nito.

"It's really unthinkable na mangyayari ito sa kanya..." hikbi ni Lance. "How I wish I was there to be able to save her sooner... I guess it's my fault, somehow..."

"Wala kang kasalanan dito, Lance. Shhhh... It's alright Lance. It's alright. There, there. Everything's going to be alright, I promise. Magiging okay rin ang lahat. Maniwala ka sa akin, God will take care of everything."

Nagyakap nang mahigpit si Lance kay Rhys. Naramdaman naman ni Rhys ang hirap at hinagpis na pinagdadaanan ni Lance ngayon. Naniniwala naman siya na magiging masaya ulit si Lance sa oras na makagising na ulit ang nobya niya.

*****

Nagawi sa isang malaparaisong dagat si Angela na tila naliligaw. Halos walang tao ang makikita sa paligid, at maaliwalas ang panahon.

"Nasaan na ako? Langit na ba ito?" sambit ni Angela. Nagpatuloy ang dalaga sa pagmamasid nang may lumapit sa kanya na isang lalaki. May katangkaran ang lalaki, mga 5'7" ang height. Nakasuot ito ng puting barong. Agad namang nakilala ni Angela ang lalaking yun.

"Pa? Papa!" bigkas ni Angela sabay yakap dito. Nagkataon na nakasalubong niya ang minamahal niyang ama.

"Hi sweetheart. I missed you." masayang bati ni Arthur. "Look how big you've grown. Dalagang-dalaga na ang anak ko."

"Namiss din kita, pa." sabi ni Angela. Kasabay ng pagsalubong ng dalaga sa kanyang ama ay tumutulo na ang luha sa kanyang mga mata. "It's really nice to see you again."

"Same here, iha."

Pagkatapos ay umupo ang mag-ama sa buhangin habang pinagmamasdan ang dagat sa kanilang harapan. Maya-maya pa'y kinausap ni Arthur ang anak.

"Anak, kamusta naman ang buhay mo ngayon?" tanong ni Arthur.

"Maayos lang naman po ako, pa." sagot ni Angela. "Malapit na akong gagraduate ng senior high."

"Wow, that's good to hear! Ang laki na talaga ng pinagbago mo, anak. Maayos ba ang samahan niyo ng mama mo?"

"Opo. Bihira lang kami nag-aaway, pa. At kung may nagkamali man sa akin, nagkapatawaran naman kami."

Naghari sandali ang katahimikan sa kanilang dalawa, at ang tanging maririnig dito ay ang paghampas ng maliliit na alon ng tubig-dagat sa dalampasigan. Hinawakan ni Arthur ang kanang kamay ni Angela at muli siyang nagsalita.

"Alam mo anak, naging mabait ka naman sa iyong ina, at maging sa mga kaibigan mo. You still have a bright future ahead, iha. Hindi pa dito nagtatapos ang mga pagsubok ng buhay mo. Marami ka pa palang misyon na hindi mo pa nagawang tapusin..."

"Pa, gusto ko na po kayong makasama dito. I want to spend every moment with you..."

Napatahimik saglit ang ama ni Angela sa sinabi nito.

*****

Nasa loob na ng operating room sina Lance at Rhys, at nandoon na rin sina Ashley at Tan sa loob. Naging maayos naman ang lagay ni Angela, kaya napabuntong-hininga naman si Lance.

"Talaga po ba, doc? Ibig sabihin, mabubuhay pa siya?"

"Sure na ako na mabubuhay pa ang pasyente natin." anang doktor. "Kailangan lang natin ng konting pasensya para makapahinga siya nang maayos."

"Salamat po, doc. Salamat."

Ilang saglit pa'y naghari ang katahimikan sa loob ng operating room. Patuloy lang sila sa pagbabantay kay Angela. Ngunit kinabahan ang lahat nang magsusunod-sunod na ang tunog ng life support machine, at makikita sa screen na halos wala nang pulso ang dalaga. Bumabalik ang pag-alala ni Lance para sa kasintahan.

"No! Angela, please. Magpakatatag ka. Huwag mo kaming iwanan nang ganito..." pagsusumamo ni Lance. "No baby. Please don't..."

Ngunit huli na ang lahat. Static na ang tunog ng makina, at tuluyan nang nalagutan ng hininga si Angela. Dito bumuhos ang matinding emosiyon ni Lance dahil alam na niyang wala na ang kanyang kasintahan. Bumibigat ang kanyang puso dahil dito.

"Angela!!!" ang sigaw ni Lance. Itinabi naman siya ng mga nurse at inihanda na ang defibrillator para subukang buhayin ang dalaga. Dito dumurog ang puso ni Lance habang pinagmamasdan ang ginagawa ng mga nurse sa nobya.

"Angela baby. Please don't leave me... Huhu..."

"200 volts. And clear!" sigaw ng nurse. Hindi rumeresponde si Angela sa kuryente. Nagsubok ulit sila, at itinaas ang voltage ng defibrillator.

"300 volts. Ready? And clear!"

Wala pa rin. Wala nang nagawa si Lance kundi tanggapin na lang ang katotohanang wala na ang kanyang minamahal. Nagyakap na lang siya sa kanyang mga kaibigan.

*****

"Pa. Gusto na po kitang makasama dito. Namimiss na kasi kita..." tugon ni Angela. Inakbayan naman ni Arthur ang anak sabay halik sa noo nito.

"Anak. Pati ako ay gusto na rin kitang makasama dito. But remember this, my child. You still have a bright future ahead of you. Marami ka pang misyong kailangang tapusin. And rest assured; kahit wala na ang papa mo sa iyong tabi, nandito lang ako para suportahan ka, anak. At pangako, hinding-hindi ako mawawala."

"Papa... Papa..." ang nasambit ni Angela at nagyakap siya nang mahigpit sa kanyang ama. Kasabay nito ay ang sabayang pagtubo ng mga bulaklak sa kanilang paligid.

"Pa. Nais lang po kitang pasalamatan sa inyong mga payo." wika ni Angela. "Alam kong masakit man sa akin na hindi na tayo ulit magkikita pagkatapos nito..."

"Magkikita pa rin tayo, anak. Hindi pa nga lang natapos ang iyong misyon sa lupa." sabi ni Arthur. "At sana, kapag nakabalik ka na sa lupa, lagi kang magpakabait sa mama mo. Support your friends at times when they need your advice. At sana ay makakahanap ka rin ng taong mamahalin ka sa habang panahon."

Magkasabay na tumayo ang mag-ama, at hinawakan ni Arthur ang mga kamay ni Angela.

"Hanggang dito na lang ako, anak. Lagi mong tatandaan ang aking mga payo. Until we meet again, sweetheart." wakas ni Arthur sabay halik sa noo ng anak. Pagkatapos ay naglakad na ito palayo.

Nang naiwang mag-isa si Angela ay isinasapuso niya ang mga sinasabi ng kanyang ama. Ngayon ay nakahanda na siya sa kanyang pagbabalik sa lupa. Marahil ay nag-alala na ang pamilya at mga kaibigan niya para sa kanya.

*****

Kinabukasan, isang normal na umaga ang sumalubong kay Lance. Hindi pa rin siya makapaniwala na wala na ang kanyang iniibig na si Angela. Ilang araw na rin siyang hindi kumakain dahil nagbabakasakali pa rin siyang magkikita ulit sila ng magkasintahan.

Kasama na niya ngayon ang kanyang ama't ina. Hinikayat ni Carmela na kumain na ang binata, ngunit hindi ito kumikibo.

"Lance anak. Kumain ka na." sabi ni Carmela. "Ilang araw ka nang hindi kumakain; baka nagugutom ka na."

"Mom... When will I see her again? It's really inevitable na bigla na lang siyang maglalaho na parang bula..."

Lumapit naman ang ama ni Lance na si Felix at inakbayan niya ang anak. "Naiintindihan namin ang nararamdaman mo, anak. Masakit ang mawalan ng taong minahal mo nang lubusan. Tama lang na ilabas mo ang iyong emosiyon at hinagpis. Pero believe me, iho. Makaka-move on ka rin."

Pagkatapos ay nagbigay si Felix ng isang kahon ng rice-in-a-box na siyang tinanggap naman ni Lance. "O heto. Kumain ka muna, anak. Alam kong paborito mo yan."

Tahimik na kumain si Lance habang naghihintay pa rin sa muli nilang pagkikita ni Angela. Sa loob naman ng operating room, bumabalik na sa normal ang pulso ng dalaga, palatandaan na stable na ulit ang buhay niya. Nagulantang ang mga nurse dito at agad ipinaalala ang magandang balita sa mga nag-aantay sa labas.

"Ma'am, sir. Stable na ulit ang kundisyon ng pasyente natin." wika ng isang nurse. Natigilan naman si Lance sa pagkain nang marinig ang balitang ito.

"Talaga po! Please po, I want to see her right now..." tugon ni Lance.

"Sure po." pangiting sagot ng nurse at muli na itong pumasok ng operating room. Nang akmang papasok na ang binata sa loob ay pinigilan naman siya ni Felix.

"Take it easy, my son. You finish eating that first. Then we'll be able to see your girl again."

*****

Ilang oras pa ang nakalipas ay nasa loob na ang pamilya ni Lance, at kasapakat nila ang barkada nila at ang ina ni Angela. Inaantay na lang nila na magising ang dalaga.

Nang bumukas na ang mga mata nito ay naging masaya naman ang lahat. Lalo na si Lance na labis ang nararamdamang tuwa para sa kasintahan na nagawang makatakas sa bingit ng kamatayan.

"Oh Angela baby... Thank goodness you're alive..." wika ni Lance sabay akap sa dalaga.

Nagtama ang tingin ng dalawa at nagsalita ang dalaga.

"Lance..."

"Angela baby. We missed you a lot..."

Sumunod namang lumapit ang ina ng dalaga, na halos hindi maipipinta ang nararamdamang saya at emosyon sa muling pagkabuhay ng kanyang anak. "Anak ko... Salamat sa Diyos at nabuhay ka... Alam mo anak, alalang-alala na kami sa iyo..." wika ni Amanda.

"Mama..." ang tanging nasambit ng dalaga.

Pati ang mga kabarkada ni Angela ay masaya rin sa muling pagkabuhay ng kaibigan. Maging ang magkasintahang Jillian at Rhys ay natutuwa para sa kanilang kasama. Ganoon rin ang sayang nararamdaman nila Tan at Ashley.

Masaya rin si Angela na naroon ang kanyang barkada sa kanyang tabi.

"Guys... Salamat sa inyo, dahil hindi niyo ako pinabayaan..." mahinang tugon ni Angela. "Kayo talaga ang nagsilbing motivation para mabuhay pa ako..."

"Masaya rin kami para sa'yo, ate." tugon ni Jillian. "Akala ko pa nga, eh hindi na matutuloy ang double date natin. But now you're back and alive, it's for sure na magtutuloy-tuloy na ang ating nightout..."

"Thank you Jillian..."

Pagkatapos ay muling kinausap ni Lance ang kasintahan.

"Angela. Now that you're back, I'm more than happy. Promise me that we'll be together, always and forever. My life would be a world of gray without you, baby. Promise?"

Hinawakan naman ni Angela ang kamay ni Lance. "I promise."

"I love you Angela..." si Lance.

"I love you too Lance..." si Angela. Pagkatapos ay naglapat ang kanilang mga labi, kahit na sandali lamang ang kanilang halikan. Nagpalakpakan naman ang mga kasama nila sa loob, ngayong nakabalik na ulit sa lupa ang kanilang kaibigan. Pati ang ina ni Angela ay halos hindi makapagpigil sa pag-iyak dahil sa nararamdamang saya na makakapiling niya muli ang kanyang kaisa-isang anak.

*****

Three weeks later...

"Miss Catriona, may bisita ka." sambit ng warden nang itinawag nito ang pangalan ni Catriona na sa kasalukuyan ay nakapiit sa loob ng selda. Pinosasan nila ang beauty queen na ngayo'y nakasuot ng dilaw na t-shirt at may nakalagay na "detainee" sa likod.

Sa visiting area ay nakaabang si Lance. Inihatid ng mga guwardiya si Catriona at pinaupo ito sa tapat ng binata.

Tahimik lang ang dalawa at nakatingin lang sila sa isa't isa. Hindi na makapagpigil si Catriona at siya na ang unang nagsalita.

"Lance. Gusto ko lang sanang humingi ng tawad sa'yo sa lahat ng mga pagkakamali ko..." sabi ni Catriona na mangiyak-iyak na. "Ngayon ay pinagsisihan ko na ang ginawa ko. Sana ay mapatawad mo ako..."

Hinawakan naman ni Lance ang mga kamay ni Catriona.

"Handa naman akong magpatawad, Cat." tugon ng binata. "Ngunit kailangan mo munang pagdusahan ang nagawa mo sa akin at sa girlfriend ko. Mangako ka muna sa akin na sa paglabas mo ng selda ay magbabago ka na, at makakahanap ka na ng deserving na lalaki para sa'yo."

Tumatak sa puso ni Catriona ang mga salitang iyon ni Lance. "You have my word, Lance. I promise na sa paglabas ko dito ay magbabago na ako, at magiging masaya ako para sa inyo ng girlfriend mo. Sana ay matanggap mo pa rin ako."

"Tinatanggap ko na ang paghingi mo sa akin ng tawad. Sana rin ay matupad mo ang iyong ibinigay na pangako."

Hindi na nagsalita pa si Catriona bagkus yumakap na lang ito nang mahigpit kay Lance. Handa siyang magbago para sa ikakabuti ng buhay niya. Mula ngayon ay nangako na siyang magpapakabait na at magbago na upang hindi na maulit ang trahedyang nangyari.

*****

Sa paglipas ng mga buwan ay lalo pang tumibay ang pag-iibigan ng magkasintahang Lance at Angela. Ngayon ay kasama na nila sina Jillian at Rhys para sa "double date" nila gaya ng kanilang napagkasunduan.

Nasa loob sila ng isang malawak na hotel room at kasalukuyang naglalambingan sa kani-kanilang mga kapares. Nakapatong si Jillian sa ibabaw ni Rhys at walang pakundang na gumiling ang dalaga sa ibabaw ng nobyo.

Kung sina Jillian at Rhys ay mainit agad ang kanilang lambingan, sina Angela at Lance naman ay subtle muna ang lambingan. Nagsimula muna sa simpleng hawakan at haplusan, hanggang humantong sa mainit at malalim na halikan.

Kumalas saglit si Angela at bumulong sa kasintahan.

"Lance my love. Malapit nang darating ang graduation natin. Do you have any plans so far para sa future natin?" puna ni Angela sabay haplos sa pisngi ng nobyo.

"Let's see..." sambit ni Lance. "Maybe I just want to spend the rest of my life with you. Just as I've said a long time ago, we still have a bright future ahead of us. After nating grumaduate ng college, we'll get married for real."

"Ohh... That's so sweet... And because of that, I'm going to give you a sweet kiss."

"Hit it, please..." mahinang tugon ni Lance at sumunod naman ang dalaga. Muling rumaragasa ang init ng kanilang halikan. Damang-dama nila ang pagmamahal na ibinigay nila sa isa't isa. Maya-maya pa'y napansin ito ni Jillian at nagyaya sa kanila na samahan sila sa tutnakan.

"Ate Angela, kuya Lance..." tawag ng dalaga sa magkasintahan. "Samahan niyo naman kami dito."

"Oo nga. Para naman maging memorable ang gabing ito." dagdag ni Rhys.

Muli silang kumalas at nagpaubaya naman ang magkasintahan. Pumuwesto na sila sa tabi nila Jillian at Rhys.

"Kayo talaga, sige na nga." si Angela. "Basta pahiram muna sandali kay Rhys, okay?"

"Sure thing, ate. Magsu-swap tayo ng partners tonight. Para mas masaya." tugon naman ni Jillian.

"Sige. Game kami diyan!" pagsang-ayon ni Rhys. Maya-maya pa'y nagsimula na ang lambingan ng apat sa loob ng malawak na hotel room. Pakiwari nila'y nasa loob sila ng microwave oven dahil sa init ng lambingan nila. Talagang sinulit na nila ang gabing ito habang nakikipagpalitan sila ng pares ngayong gabi. Ito ang paraan nila upang ipagdiwang ang paglalim ng kanilang samahan, at ang paghahanda para sa hinaharap.

*****

-WAKAS-

AUTHOR'S NOTE: Ako'y taus-pusong nagpapasalamat sa inyong lahat sa mga nakasama ko sa mahigit apat na buwan ng paglathala ko sa series na ito. Sana ang bawat isa sa inyo ay nabigyan ko ng mga masasayang sandali habang binabasa niyo ito. Kayong lahat ng mga mambabasa, at maging ang mga tagasuporta, ay bahagi na ng series na ito. Muli po; maraming, maraming salamat sa inyong lahat.

P.S. Please leave your comments and reactions; this will inspire me to continue and write more. Your efforts aren't required when giving your likes and hearts; only do this if my story deserves one. Thank you!

Copyright (c)2020 Stalker_Eyes. All rights reserved.
This story may not be reproduced in any manner, without the expressed permission of the author by any means available.