1. Home
  2. Stories
  3. Kung Ako Na Lang Sana - Part 16
xTorya

Kung Ako Na Lang Sana - Part 16

By el_nunal ·

Medyo excited ako na tignan ang mensaheng pinadala niya subalit nakaramdam ako nang inis nang blankong mensahe lang ang pinadala niya. Iniisip ko kung naisend lang ba niya iyon nang di sadya o yun na ba talaga ang mensahe niya sa akin. Naghintay ako, inabot na nga ako nang gabi sa paghihintay sa reply niya subalit walang Eushang nagreply pa sa akin, and I feel really bad about it, pero sa tuwing iniisip ko na kasalanan ko din naman kung bakit nangyayari to, isang buntong hininga lang at puff sa yosi ang nakakatulong upang mapagaan ang loob ko. Napansin kong ala syete na nang gabi, nakaramdam na din ako nang gutom kaya nagdesisyon na akong lumabas at kumain sa malapit na karenderya. Habang namimili ako nang kakainin ay bigla naman nagring ang telepono ko, may tumatawag, isa sa mga kaibigan ko, si Mike
"Oy nunal saan ka?" tanong niya sa akin, naririnig ko na tila ba nagkakantahan sila sa kung saan
"Sa bahay bakit?"
"Tara punta ka dito kina Pauline, may handaan, hinahanap ka nila eh" sabi niya sa akin
"Anong meron?" tanong k okay Mike, hinde pa siya nakakapagsalita nang marinig ko na hinihingi ni Lyn ang telepono kay Mike
"Hoy! Asan ka?! Punta ka dito dali! May reunion ang section naming at section nyo" sabi niya sa akin, nagtaka naman ako dahil hinde ko naman alam na may ganun pa palang ganap na nangyayare sa batch naming, sa totoo lang kasi, hinde ko naramdaman na nagfourth year kami, mas naenjoy ko pa nung 1st at 3rd ako, dahil naging masasaya ang alaala ko bilang buhay estudyante sa baiting na iyon, napaisip ako kung sino sino ba ang tinutukoy ni Lyn na classmate ko, ang natatandaan ko lang naman nakabatch ko nung 4th year ako ay si Vin at si Morel, na alam ko, bihirang sumulpot sa mga ganitong klaseng pagtitipon.
"Punta ka na dito dala ka na din alak" ang sabi pa ni Lyn
"Sususbukan ko, medyo busy kasi ako eh" ang dahilan ko sa kanya
"Ayan na naman sa busy busy na yan eh, ewan ko sa iyo, ganyan ka na, mamumuke ka lang daw sabi ni Mike eh"
Natawa lang ako sa sinabi ni Lyn matapos ay muli ko na naman narinig na may humihingi nang telepono ni Mike, si Pauline
"Oi men saan ka na?" tanong niya sa akin
"Asa bahay bakit?"
"Pak yu ka lasing na ako punta ka na dito" ang paglalambing niya sa akin
"Haup na yan porket lasing eh pupunta na ako diyan? Gago ka talaga, eh BF mo nasaan ba?"
"Sinong bf?" ang sabi niya sa akin, napakamot ako at napailing, hiwalay na ba sila ni Nico? Napatanong ako bigla sa aking sarili pero mukhang masyado lang akong nagiisip dahil narinig ko din ang boses ni Nico nandoon, natawa na lang ako at sabay sabing
"Sira ka talaga men, susubukan ko"
"Gawin mo, pumunta ka anong susubukan buset ka mamumuke ka lang eh" ang sabi din ni Pauline sa akin. Natawa lang ako at napailing
"Gagow! Medyo busy lang talaga ako men"
"Ganyan ka naman eh, sige na nga kung ayaw mo di wag" ang sabi niya at pinatay na niya ang tawag. Sa totoo lang gusto ko talaga magpunta, kaya lang, ayaw ko muna malagyan nang alak ang katawan ko dahil umaasa ako na makausap si Eusha ngayong araw, ngayon na walang alak na iimpluwensya sa pagdedesisyon ko, pero habang hinihintay ko ang inorder ko na pagkain ay nagiisip din ako, may hinihintay nga ba ako, hinde naman ako tanga pero pinipilit ko na magpakatanga na nagkamali lang nang send si Eusha, na talagang blanko lang ang gusto niyang sabihin, kinalma ko ang sarili ko sa pagiisip at napabuntong hininga, kailangan kong maging kalmado at hinde mainip, ako ang nanunuyo kaya kailangan ko talagang maghintay, ako ang nakikiusap nang pansin mula sa kanya, inisiip ko tuloy, nung mga panahon siya ang ganito, marahil ay parehas lang kami nang nararamdaman, naiinis, naiinip, at umaasa na magpaparamdam ang taong gusto nila. It really sucks when you're waiting for something na hinde mo alam kung darating ba o hinde at isa pa, wala din ako sa mood para makipagparty party sa kanila. Matapos kong kumain ay umuwi na ako at nanuod na lamang nang movie sa dvd habang hinihintay pa din ang reply ni Eusha, iniiip ko na nga natawagan kaya lang, hinde ko alam kung sasagutin ba niya ang tawag ko. Alas nwebe y medya na subalit wala pa din talagang paramdam sa akin si Eusha, nangangati na ang mga daliri ko na itext ulit siya, na tawagan siya, pero pilit ko pa din itong nilalabanan, ayaw kong lumabas na desperado sa mata niya, kahit na sa totoo, kahit siguro sabihin niya na lumuhod ako at tumakbo nang nakahubad sa labas, gagawin ko para lang kausapin niya, patawarin niya. Nange tumunog ang aking cellphone ay excited akong tinignan ito, at halos di ako makapaniwala, sa wakas, matapos kong maghintay ay nagreply din si Eusha
"El? Ikaw ba yan?"
Ang mensaheng nabasa ko, agad ko siyang sinagot
"Oo, Eusha, pwede ba tayong magusap? Pwede ba kitang tawagan?"
Medyo matagal ang sagot niya pero ilang minute pa ang lumipas ay sumagot din siya sa aking text
"When? Where?" hinde ko inasahan na ito ang sasabihin niya, ang gusto ko lang naman sana makausap siya sa telepono but I guess when it rains, it pours nga naman. Masyado ako kinain nang excitement ko kaya naman tinanong ko agad siya kung
"Kung ok lang, gusto mo mamaya? Ok lang ba?"
Excited ako sa isasagot niya, hinde ako mapirmi sa isang sulok, lakad dito, lakad doon, habang nagsisigarilyo't panay hintay sa kanyang sasabihin. Nagiisip na nga din ako kung ano ba ang isusuot ko, saan ko siya aayain kung nagkataon, sigurado naman na ganitong oras ay kumain na siya, pero pwede din naman na hinde pa siya kumain, kung hinde pa, ano naman ang papakain ko sa kanya, bahala na si Batman, isa pa, wala pa din naman siyang reply. Naisipan ko nang maligo upang magising din ang katawang lupa, medyo inaantok na din kasi ako. Matapos kong maligo, ay agad kong tinignan ang aking cellphone subalit wala pa ding reply si Eusha sa akin. Habang naghihintay sa kanyang reply ay nagyosi na din muna ako at habang binabasa ko ang text message na pinadala niya, tila ba parang may bigla akong napansing mali, all of a sudden, it's seems so good to be true, and that moment I realized something, paano kung hinde si Eusha ang katext ko kung hinde si Glenn, ang boyfriend niya. I suddenly feel suspicious, napaisip pa ako na siguro, kaya nito gusto na makipagkita sa akin ay para banatan ako, kornerin sa isang lugar at doon pagtulung tulungan. Sinubukan kong alisin sa isip ko ang posibiladad na iyon, pero hinde ko din malaman kung bakit ba bigla akong kinutuban sa gagawin kong pakikipagkita kay Eusha, kung Eusha nga ang katext ko. Nakaisip ako nang isang solusyon sa aking agam agam ay naisipan kong itanong sa kanya ang isang bagay na tanging si Eusha lang ang makakasagot
"By the way, naalalam o pa ba yung panahon na naguusap usap tayo nila Sir Ricky, ikaw at ako tapos nawalan ka nang malay and I need to bring you home? Bigla ko lang naalala eh"
At nakumpirma ang hinala ko na hinde nga si Eusha ang kausap ko nang magreply na ito nang
"Oo naman paano ko makakalimutan yun?"
Napangite ako at napailing, iniisip ko kung sino kaya ang nasa kabilang linya at nakikipaggaguhan sa akin. Napalitan nang asar at yamot ang kaninag excitement at saya na naramdaman ko kanina at sinakyan ko kung sino ang nasa kabilang linya sa panguulol sa akin
"Naala ko pa din nung sinabi mo sa akin na gusto mo ko hinde ba? Lalo pa nung mga panahon na naghalikan daw tayo di ba? Namimiss ko na halikan ulet ang mga labi mo na yan, I really am longing for those luscious lips and the way you play your toungue inside mine"
Sinned ko ang mga to habang nakangite, dahil kung sakaling si Glenn man ito ay siguradong maasar sa sinasabi ko. At hinde nagtagal ang hinala ko dahil nang basahin ko ang reply sa akin ay di ko maiwasang mailing na may halong saya at inis
"Tang ina mo pre, wag kang magpapakita sa akin gago ka at tatangalin ko yang putang inang nunal mo sa mukha Pak yuk a gago! Tigilin mo na ang GF ko gago ka"
Pinagiisipan ko ang isasagot ko sa lalakeng ito, subalit inisip ko na lang na hayaan na lang ito at wag na lang patulan, subalit makalipas lang siguro ang ilang minuto ay tumawag na ang numerong iyon ni Eusha. Pinagiisipan ko kung sasagutin ko ba ito o hinde, nang makailang tawag na ito ay di ko na napigilan pa na sagutin ang tumatawag subalit hinde ako nagsasalita at pinakinggan lamang kung ano ang sasabihin nang nasa kabilang linya.
"Hello? Oy gago magsalita ka, ano nabahag na ba ang buntot mo? Taena kang nunal ka gago ka wag kang magpapakita talaga sa akin at paiitimin ko mukha mo na sing itim nang nunal mo, ano? Nasaan ka na? Ano putang ina mo ka, bat di ka sumagot?"
Natatawa lang ako sa mga sinasabi nang lalake na iyon sa kabilang linya, hinayaan ko lang na nakabukas ang telepono at naririnig ko pa na tila may kausap pa ito na ibang lalake, dalawa o tatlo ata ang kausap niya, marahil ito ang mga isasama sana niya sa binabalak niya sa akin kung hinde ko siya nahuli. Binaba na din nito ang tawag nang mahalata niya siguro na hinahayaan lang ko lang ito matapos kong sagutin. Nadismaya ako at nakaramdam nang sobrang bwisit, lumabas ako upang bumili pa nang isang kahang yosi dahil naubos ko na pala ang isang paketeng binili ko nang di ko namamalayan. Habang naghihintay ako sa tindahan, muli na naman tumunog ang cellphone ko, iniisip ko noong una na yung lalake na naman yun ang tumatawag kaya naman hinde ko na lang sinasagot, subalit nang medyo nakulitan na ako sa pagtunog nang aking cellphone ay kinuha ko na ito sa bulsa ko at naisipan nang sagutin subalit di ko alam na ibang numero pala ito and again, hinde ito registered sa aking contact info, no harm on answering kaya naman sinagot ko ito, iniisip ko nang si Glenn iyon na gumamit nang ibang number but this time I was wrong
"H-hello? El? Hello?" tanong nito sa kabilang linya at sa tono nang boses nang taong iyon ay masasabi kong babae ito, pinakinggan kong mabuti kung sino iyon, at out of the blue bigla kong tinanong na
"Eusha, ikaw ba yan?" hinde ito agad nakasagot, maya maya pa ay bigla itong tumawa
"Sino naman yun? GF mo? Si Strawberry to tangek"

"Ahh... sorry sorry kala ko kasi si Eusha, di ko yun GF, yun yung kinuwento ko sa iyo kanina, napatawag ka anong meron?"
"Weeh? Talaga lang huh, wala lang naman, bakit bawal ba?"
"Hinde naman, kaya lang kasi may hinihintay ako na tawag, pero mukhang malabo na ata dumating yung tawag na yun, sino nagbigay nang number ko sa iyo?"
"Ay lasing ka? Di ba kanina ginamit natin yung cellphone ko sa paghahanap nang cellphone mo? Saan si Bords nga pala?"
"Ay oo nga pala noh? Si Bords eh nasa kanila pagbaba ko kasi nang fx kanina naghiwalay na kami nang landas eh, natry mo na ba tawagan?"
"Oo kaso out of coverage area daw eh, di mo ba siya kalapit bahay?"
"Naku malayo layo ang bahay ko sa bahay niya eh, bakit? May papasabi ka ba or papadala pabalik diyan?"
"Wala naman, namiss ko lang bigla kulitin si Kuya eh, ikaw ba kelan ka ulit madadalaw dito?"
"Di ko lang alam Straw, depende siguro kung matripan ko ulet"
"Ay ganun? Sabagay ang layo nga nang tirahan nyo ni Bords eh noh? Bat di ka na lang dito tumira? Nakwento sa akin ni Bords na magisa ka lang naman diyan diba?"
"Oo pero, titignan ko pa, masaya naman ako dito kahit magisa eh"
"Kasi madami ka atang chicks diyan kaya gusto mong magstay diyan? Tama noh?"
Natawa lang ako sa sinabi ni Strawberry at napailing
"Adik madami ka diyan, wala nga ako kasama dito eh, tska di ba nga sinabi ko na sa iyo, legal and certified na single ako kaya lang, physically man akong single, taken na ang heart ko"
"Wow huh umiinglish, ikaw na talaga kuya"
"Wag mo na akong kuyahin, medyo naiilang ako pag sinasabi mong kuya eh"
"Eh mas matanda ka naman sa akin kuya El eh"
"Ok na yung El na lang wag na yung may kuya" natatawa ako dahil paginiisip ko yung muntikan nang mangyare sa amin, parang ang sagwa nang isipin na tinatawag niya pa akong kuya.
"Kumain ka na ba?" tanong niya sa akin
"Oo kanina pa, ikaw ba kumain na din?"
"Di pa nga eh, diet ako, sapilitan" ang natatawang sabi niya
"Bakit? Adik ka di ka naman mataba bat ka magdiediet?"
"Nanaba na kaya ako, naiinis na nga ako at lumalaki na ata tiyan ko eh"
Inalala ko ang nasilayan kong katawan niya at hinde naman malaki ang tiyan niya, medyo umbok ang bandang parte nang kanyang puson pero hinde naman malaki ito, natawa na lang ako kapag naiimagine ko ang nangyare kanina lang.
"Alam mo tingin ko naman kanina hinde eh" ang medyo natatawa kong sabi sa kanya
"Sira!" ang natatawang sabi niya din, marahil, naalala niya din ang nangyare sa amin kanina
"Siya nga pala, salamat kanina huh" dugtong pa niya
"Saan naman?"
"Sa pakikinig kanina, medyo talagang mabigat na yung nararamdaman ko, si Kuya Bords kasi kapag kinakausap ko about diyan kung ano anong kalokohan ang sinasabi, kailangan ko lang naman kasi minsan nang makikinig sa akin eh"
"Baka naman kasi panay ang sabi sa iyo nang payo ni Bords tapos di mo rin naman pala ginagawa, mawawalan talaga nang gana yung tao na makinig sa iyo"
"Alam mo kasi Kuya ay alam mo kasi El, minsan, kailangan lang nang taong makikinig lang, hinde magcocoment, hinde siya pangangaralan, we girls just need someone to stand by and listen to what we are going to say, tulad nang ginawa mo kanina"
Napangite lang ako sa sinabi niya, matapos ay nagpatuloy ang pagkwekwentuhan namin tungkol sa mga kung ano anong bagay pauwi nang bahay ko habang nagyoyosi, salamat kay Strawberry at nawala kahit papaano ang inis na naramdaman ko kanina, natapos ang usapan naming dalawa nang magdesisyon na siyang matulog, halos dalawang oras din namanhid ang tenga ko sa pakikipagusap sa kanya sa telepono, kahit na hinde ko alam na dalawang oras na din pala halos ang lumipas. Nakatangap pa ako nang text message mula sa kanya
"Good night sweet dreams, thanks sa time"
Isang ngite lang muli ang aking nagawa, subalit muling umihip sa akin ang hangin nang pagiisa, napatingin ako sa kalangitan at bilog na bilog ang buwan, isang tao ang muli kong naalala dahil sa buwan na iyon
"Am I doing the right thing?" ang sabi ko habang nakatingala at pinagmamasdan ang liwanag nang buwan. Nang makatatlong stick na ako nang sigarilyo ay nagdesisyon na akong pumasok nang bahay at matulog.