1. Home
  2. Stories
  3. Kung Ako Na Lang Sana - Part 17
xTorya

Kung Ako Na Lang Sana - Part 17

By el_nunal ·

"Wala atang tao eh" isang boses ang narinig ko habang nakahiga ako sa may sofa, kasunod nito ay mga boses pa na parang pamilyar sa akin, ilang sandali pa ay biglang nagring ang cellphone ko
"Tangek nandyan siya" ang sabi pa nang isang boses, at nang tinignan ko ang cellphone ko, si JanJan ang nagmiscol, at nang bumangon ako ay nakita ko nga si Mike, kasama si James at isang lalakeng hinde ko kilala
"Oi pre nadaan kayo?" ang tanong ko sa kanila habang binubuksan ang pintuan at kasunod nito ay agad ko nang binuksan ang ilaw
"Taena ka pre may kajerjeran ka diyan noh?" ang sabi ni James at sinuntok ko siya nang pabiro sa braso
"Gagu! Ano meron nadaan kayo dito?" tanong ko sa kanila
"Shot pre" ang sabi ni JanJan sa akin, nagulat ako dahil naglabas ito nang pera, sa unang pagkakataon, para sa alak, dahil alam ko na hinde naman siya gumagastos sa alak pwera na lang kung talagang ambagan, pero hinde siya mismo ang bumibili nang alak, agad ko nang naisip ang dahilan kung bakit siya nagkakaganun.
"Oy pre kaibigan ko nga pala" pakilala pa ni JanJan sa akin sa kasama nila ni James"
"Kami na bibili pre" sabi ni James at sinama niya ang lalakeng iyon
"Sino yun?" tanong ko kay JanJan habang naghuhubad nang pantaloon niya
"Kaklase ko nung highschool ako, sa Manila yun nagaaral ngayon lang nadalaw sa amin nagaya nang shot, kaya dito kami nagpunta, ayaw ko sa Tambayan eh, may mga bwisit" ang sabi niya sa akin, hinde ko na kailangang itanong kung sino ang sinasabi niya dahil may idea na ako kung sino iyon.
"Saan ka ba naglalagi at wala ka lagi dito?" tanong ni JanJan sa akin habang naglalaro siya nang kanyang PSP.
"Kung saan saan"
"Langya wooo namumuke ka lang eh, ikaw nga si Puke Puke man" ang natatawang sabi ni JanJan at tumawa na lang ako. Binuksan ko ang t.v at dvd at nanuod na lang ako movies habang hinihintay na dumating sina James at ang kasama nito na kaibigan ni JanJan.
"Anong panunuorin mo pre? May bala pala ako ditong dala" ang sabi bigla ni JanJan, kinuha niya ang dala niyang bag at nilabas ang iba't ibang movies, karamihan ay aksyon movies.
"Ayos ah, buti may dala ka" ang sabi ko sa kanya
"Ano ba yang panunuorin mo?" ang natatwang sabi niya at nang makita niya ito pinagtawanan ako
"Once more chance na naman ampotek hahahaha kaya ka madrama pre eh, dapat maaksyon naman pinapanuod po para di ka emo pag nalalasing ka" ang natatawang sabi ni JanJan, natawa lang ako sa sinabi niya, pero totoo ngang pagnalalasing ako nang sobra, nagiging madrama ako, at naalala ko bigla, ang mga sinabi ni Strawberry sa akin, marahil, di ako nalalayo sa kanya, marahil, ganun na din siguro ang mga kaibigan ko, sawa na sa parang sirang plakang paulit ulit na lang sa tuwing nakakainom ako ay nagdradramarama ako, kaya siguro minsan, pakiramdam ko, sa tuwing magsasabi o maglalabas ako nang sama nang loob sa kanila tungkol sa mga nangyayare sa akin, hinde na nila ako pinapakingan, hinde na nila ako pinapansin, hinde na sila interesado, and I know how it feel, na parang nakikinig na lang sila pero hinde nila ako iniintindi.
"Huy biro lang, seryoso ka bigla" ang bati ni JanJan sa akin, napangite lang ako sinalang na ang balang gusto niya panoorin. Nang dumating na sila James at ang kasama nila ay nagsimula na akong magtimpla nang iinom namin
"Oi El di ka ba nila tinawagan na magpunta kina Pauline?" tanong ni James sa akin habang inaabot ko sa kanya ang tagay
"Tumawag kaso tinatamad ako umalis nang bahay eh, isa pa, wala talaga ako balak maginom kanina, nakita nyo naman tulog na sana ako kung di kayo nanggulo eh"
Natawa si James at ang kasama nila habang si JanJan naman ay seryoso sa kanyang paglalaro.
"Kumusta ka na ba?" tanong ni James sa akin, hinde ko na lang sinabi kung ano ang pinagdadaanan ko ngayon at malamang sa hinde ay baka hinde lang din niya ako pakinggan, katulad nang iba kong mga kaibigan, hinde ko naman sila masisisi dahil nga nakakasawa na din na pakinggan ang pageemote ko, sinabi ko na lang na
"Ok lang pre, medyo nagliliwaliw lang madalas"
Nagkakwentuhan na lang kami nang mga kung ano anong mga bagay bagay habang umiinom, habang abala sila sa pagkwekwentuhan ay ako naman ay iniisip kung, ano na ba ang susunod na hakbang na gagawin ko para malapitan at makausap si Eusha, dahil ang tanging paraan lang na meron ako ay mukhang di ko na magagawa pa dahil sa bwaka nang inang lalake na yun. Lumabas ako sandali upang magyosi at sumama sa akin si James
"Pre, lalim nang iniisip mo ah, ano bang problema mo? Babae na naman yan malamang"
Napangite lang ako, sadyang pangkaraniwan na lang talaga sa kanya at sa kanila siguro ang problema ko na ito, sa tingin nila siguro, maliit na bagay lang ito para sa akin, sabagay, hinde naman talaga siguro nila ako maiintindihan basta basta hanggat di nila nararanasan na maiwan, masaktan at maging magisa sa buhay, subalit dahil nga may alak na ako sa katawan, isang bagay sana na ayaw kong mangyare nang araw na iyon, ay napakwento na naman ako sa kanya, subalit hindek o binuo ang istorya bagkus ay tinanong ko siya
"Pre, may tatanong ako sa iyo, gusto ko lang nang opinion mo, baka sakaling may masabi kang di ko pa din talaga alam"
"Ano yun pre? Magkano kortal? Saan nakakabili nang pampalaglag?" ang tatawa tawang sabi ni James sa akin
"Gagu di yun, wala pa sa ganun, pre, halimbawa, may gusto kang babae, pero may shota na siya pero alam mong hinde naman talaga niya mahal yung lalake, ikaw ba papasok ka pa sa ganung bagay? I mean, aagawin mo ba sa kanya or rather ililigtas mo ba siya sa kinakalagyan niya?"
Tahimik na tumingin sa akin si James at napailing
"Sino ba tinutukoy mo? Si ano ba?" ang natatawang tanong niya sa akin, napaisip ako kung sino naman kayang iniisip ni James hanggang sa magets ko na ang nais niyang ipahiwatig ay si Pauline, sinuntok ko siya habang natatawa
"Gagu hinde yun! Buset ka" ang natatawa kong sabi sa kanya habang sinusuntok siya nang pabiro sa balikat
"Kala ko yun eh, taena di ko talaga alam kung ano ang nakita nyo doon sa babae na yun" ang natatawang sabi ni James sa akin, minsan na kasi akong nainlove sa kaibigan ko na iyon, actually hinde ko nga alam kung patay na ba ang feelings ko para kay Pauline, kasi kahit papaano ay hinahanap hanap ko pa din siya, maaring hinde na pagmamahal ang nararamdaman k okay Pauline ngayon kung hinde infatuation, lahat kasi nang trip ko sa babae ay nakikita ko noon kay Pauline, pero shota na siya ni Nico at ex pa ni JanJan, kaya siguro nawala ang nararamdaman ko para sa kanya, natawa ako bigla kay James dahil bakit nga ba hinde ko nakita ang similarity nang nang nangyayare sa akin sa nangyayare sa tatlo kong kaibigan, ang pinagkaiba nga lang, sila may magandang storyang kinakahantungan, ako wala, natawa ako nang naisip ko iyon at muli, tinanong kay James kung ano ba ang masasabi niya sa sitwasyon na kinakaharap ko
"Alam mo El, gago ka lang kasi, logic na lang naman na kung may shota na, layuan mo na, kahit na malungkot pa siya sa kasama niya or nasasakal na siya, hinde solusyon na aagawin mo siya, magisip ka nga? Bakit naman siya maghihintay na agawin mo pa siya? Or bakit mo pa siya aagawin? Kung talagang di na siya masaya doon sa lalake niya, hihiwalayan niya yun, tapos doon ka umentrada, hinde yung sisingit ka sa magulong relasyon nila, dahil ikaw pa ang lalabas na masama, magisip ka nga, langya ikaw ang matanda sa atin dapat alam mo na yang ganyang bagay, isa pa, wag ka na kaya gumawa nang problema, ikaw, alam mo El, pinaguusapan ka kaya namin minsan ni Mike, bakit ang hilig mong gumawa nang problema o pumasok sa problema? Di mo naman din kailangan problemahin yung isang bagay, ginagawa mong problema, tapos ikaw din nahihirapan, alam mo naawa na din kami sa iyo pero ka ding si Lyn na panay ang payo namin pero wala din, di rin nakikinig, tapos ngangawa sa amin ni Mike, minsan doon pa kina Mikael tatambay kasama sina Pauline magiinom, kaya nga minsan hinahayaan ka na lang naming na magiiyak o magdradrama, kasi parang ang panget eh, tignan mo, ikaw matanda, dapat alam mo na ang gagawin mo, dapat alam mo ang magiging desisyon mo sa mga ganyang bagay, nakakainis lang kasi na isipin na ikaw ang tinuturing naming taicho (Captain/Leader sa Japan) pero gumaganyan ka"
Natahimik ako sa sinabi ni James, mali siya sa sitwasyon ko pagdating sa babae, subalit laking tama niya sa mga sunod na sinabi niya, siguro nga, ganun ako, laking bulas ko na, laking tanda ko pa sa kanila, pero ako yung tipo na gumagawa at gumagawa pa din nang problema, or pinapasok ang problemang hinde ko naman dapat problemahin pa.
"Pero ikaw pre, tungkol doon sa babae kung sino man siya, kung mahal mo, suportahan ka na lang name, pero kung alam mong mahhirapan ka lang, tumigil ka na lang sa iniisip mo, manahimik ka na lang at magdota na lang tayo" ang dugtong pa niya habang tumatawa. Alam ko, lahat nang pinunto ni James sa akin ay tama, pero parang di ko alam kung bakit pakiramdam ko, I am betrayed, is it because di ko narinig ang mga bagay na gustong marinig mula sa kanya? Di ko alam kung bakit ba pakiramdam ko, mali ang sinasabi niya kahit na logicaly speaking, walang dispalinghado sa mga pinagsasabi niya. Nagdesisyon na kaming pumasok at ituloy ang inuman. Nang maubos na naming ang alak, nagpaalam na sa amin si James at ang kaibigan ni JanJan samantalang si JanJan naman ay doon ko na sa bahay nagstay at natulog.
"Ano baa ng gagawin ko... ano ng aba ang dapat kong gawin, laban o bawi, go or stop, in or out" ito ang mga bagay na iniisip ko habang nakahilata ako sa sopa habang malakas na naghihilik si JanJan. Di ko alam kung bakit ba nagkaroon ako nang agam agam sa bagay na gusto kong gawin, sa bagay na nais kong mangyare, is James is right after all? Bakit ko ba dinadoubt ang isang bagay na kahit sino naman siguro ay masasabing tama lahat nang sinabi nang tao na iyon, pero pakiramdam ko, I should do the other thing, why? Di ko alam, I guess Im just being stubborn, di ko alam kung bakit ba kahit na parang mali, o mali talaga, na bumalik pa sa buhay ni Eusha, tila ba gusto ko pa din gawin, hinde kaya totoo sinasabi nila, na nagbago na ako? Did I really become someone who is not worthy of second chance? Sa ginawa ko sa kanila, should I stop? Gulong gulo ang isip ko, hinde ako makatulog nang maayos. Pinagmadan ko ang cellphone ko, di ko napansin na may mensahe pala ako, iba dito ay mula kina Lyn at Pauline, ang iba naman ay mula sa network, at tatlo, tatlong mensahe mula sa dalawang magkaibang numero, binuksan ko muna ang numero na may dalawang mensahe sa akin, at halos manlaki ang mata ko sa akin nabasa.

Message 1: El, this is Eusha, Glenn got my phone, I'm using Jule's cellphone now, El, alam mo, di ko alam kung bakit ba bigla ka na lang bumalik, bakit bigla ka na lang nagparamdam matapos ang mahabang panahon na naging alaala ka lang, sa totoo lang, magkahalong galit tuwa at lungkot ang naramdaman ko nang makita kita, at malaman na shinota mo si Stella na kaibigan naming magpinsan, di ko alam kung totoo ang sinabi ni Stella sa akin, she said something that swayed my thinking about you, di ko alam kung maniniwala ako sa sinabi niya sa akin, pero nakakainsulto pa din talaga ang ginawa mo
Message 2: Pwede bang wag mo na lang muna ako guluhin, for a month, I will save your number, and maniwala ka, once na maayos ko ang isip ko, ang sarili, pati na ikaw, kung magiging maayos ka na din kausap, kung matino kang babalik at magpapakita sa akin, I will think about it, this will be my last message for now and sana, sana, making ka sa pakiusap ko sa iyo, hayaan mo muna ako, wag ka na lang muna magparamdam sa akin, sa amin, I wanted to tell you this yesterday, nagaway pa nga kami ni Jules regarding this, but somehow, I know, I think, I will do something I don't know if I will regret or no, basta, isang buwan lang ang hinihingi ko sa iyo, sana wag mo na lang muna ako tangkaing kausapin, puntahan, I just need to get away from all of this for a while, sana naman pakingan mo ko
Sa nabasa ko, di ko alam kung matutuwa ba ako, malulungkot, o maniniwala. Di ko alam kung si Eusha ba ito, kung totoo ba ang nababasa ko, napaupo ako at napayosi dahil sa mensaheng yun, di ko alam kung ano ba ang gagawin ko, maniniwala ba ako? Maghihintay nga ba ako? Ano ba ang gagawin kong hakbang, napatayo ako at napalakad bigla sa labas nang bahay ko, again, this is so good to be true, di ko alam kung tama ang pagkakaintindi ko, is she, really giving me a shot? Tama ba ang pagkakaintindi ko sa sinasabi niyang, I will think about it, nagtatalo ang isip ko kung paniniwalaan ko ba na siya iyon, o it was a prank, isang biro, a cruel joke to be made to me by her boyfriend, pero, somehow, the stupidity in me is overwhelming kaya naman nagdeisyon ako, na sundin siya, na maghihintay ako, di ako magpaparamdam o manggugulo sa kanila, for a month.
Chineck ko din ang pangalawang message na hinde ko din alam kung sino, nang binasa ko ito ay muli, nagtaka ako, at nagulat,dahil di ko inasahan na magtetext pa siya sa akin
Message: Musta na El? It's Stella, ok lang ban a magkita tayo next week? Monday or Tuesday, kung ok lang, I just wanted to talk, pero kung ayaw mo it's fine, ill wait for your reply
Again, I am really, really bewildered about what's happening, first Eusha, at ngayon, pati si Stella, I don't know what's going on, but all I know, I guess, fortune smiles upon me sa nangyayare sa akin, I replied to her text and said
"Ok, sabihin mo lang sa akin kung saan, sorry sa late reply at ngayon ko lang nabasa messages mo"
Matapos nito ay bumalik na sa loob nang bahay at nakisabay na din sa pagtulog ni JanJan.
Lumipas ang ilang araw, madalas lang akong matambay sa computer shop, panay lang ang laro ko nang dota at HoN, panay lang din noon ang tambay ko sa bahay ko matapos kong maglaro habang inaantay ang pagdating nang Lunes, Linggo nang gabi na, pero hinde pa din nagrereply sa akin si Stella, napaisip ako kung makikipagkita pa ba siya, o napaisip siya na wag na lang ituloy ang pakikipagkita sa akin, hinde ko naman siya masisisi, kahit naman siguro ako sa pwesto niya ay ganun din ang gagawin ko, pero bandang alas onse nang gabi ay nakatanggap na din ako nang message sa kanya
"El, kita tayo sa may Mega, sa food court, same place, you still remember right? I'll be there around 2 or 3 o clock, ok? Thanks"
Agad naman akong nagreply sa kanya matapos ay hinanda ko na ang mga isusuot ko bukas sa pakikipagkita sa kanya, natuwa ako dahil kahit papaano ay makikipagkita pa din pala si Stella sa akin.