1. Home
  2. Stories
  3. Kung Ako Na Lang Sana - Part 18
xTorya

Kung Ako Na Lang Sana - Part 18

By el_nunal ·

Kinabukasan, maaga ako nang isang oras sa pinagusapan namin, wala naman problema sa akin ang paghihintay, iniisip ko kasi na baka dumating siya nang maaga sa usapan kaya inagahan ko na din, at hinde nga ako nagkamali dahil quarter to 1 pa lang ay nakita ko na si Stella, and she never fails to wow me with her looks, kaya lang, di ko alam kung bakit ba hinde ko nagawang mahalin siya o magawang maramdaman sa kanya ang nararamdaman ko kay Eusha.
"Hi, kumain ka na ba?" tanong niya sa akin
"Hinde naman ako gutom, ikaw? Gusto mo ba kumain?" ang tanong ko sa kanya
"No, Im full, anyway... salamat sa pagdating"
"Ano ka ba, dapat nga ako ang magpasalamat dahil... kinakausap mo pa ako after what happened"
Napabuntong hininga siya at bakas sa mukha niya ang pagkalungkot, di na ako nakausap nang makita ko yun, I feel guilty, di naman ako manhid para makaramdam nang guilt feeling after using her, she looked at me and said
"Honestly, as much as possible nga sana, ayaw kitang kausapin, ayaw kitang makita, but... I know... I need to use this to have a peace of mind, besides, meron din akong ipagtatapat sa iyo, something that I should have said to you before, and I don't want you to say anything, just listen ok?"
Ang sabi niya sa akin, tahimik lang ako na nagabang sa sabihin niya, nagkainteres ako nang sobra sa sinasabi niya sa akin na ipagtatapat niya.
"Actually, did you ever wonder, why did I wanted to have a relationship with you? To be honest, I don't want to, I don't have any plans at all, but noong mga panahon na magkita tayo nang araw na yun, I am still feeling bitchy and trying to get even with Tam"
Nagulat ako sa sinabi niya, medyo nakaramdam ako nang konting inis pero hinde ko ito pinahalata at nakinig lang ako sa mga sasabihin pa niya
"Me and Glenn had a relationship before, I meet him before finding out that he was an affair to TamTam, but nasaktan talaga ako knowing after finding out to Jules by accident na alam na pala ni TamTam na ako ang GF ni Glenn before, and when he totally broke up with me, hinde ko na napigilan na mainis sa kanya, mainsicure, and then there was you, my perfect way to get even with her dahil alam ko naman na mula noon, until now, mahal ka ni TamTam, and so I planned this relationship thing to you"
Ngayon, naalala ko na kung bakit parang may ibig sabihin ang mga sinabi ni Glenn nang magkita kaming tatlo noon, and the way Eusha acted as well, pinakinggan ko pa ang iba niyang sasabihin
"But, when I see in your eyes na talagang gusto mo si Eusha, and finding out what kind of man Glenn is anyway, lalo pa nang malaman ko that, what I found out to Jules was a misunderstanding, I understand now why Jules was so mad about what I did, I talked to TamTam already, and explained everything, and now, the last person I wanted to talk to is you, naiinis lang din ako, and I really feel insulted dahil, I have the looks, I have the moves naman siguro sa kama, pero di ko alam, kung bakit kahit yung taong gusto kong mahalin, ayaw sa akin, true, if you think I used you, oo, I did, but I was about to fuck to you, alam mo iniisip ko nga, kung ako na lang sana ang minahal mo, baka hinde ito nangyare, but I know we can't control our heart, I feel bad as well when I found out, that you really are dead serious to make a move to her, kaya naman kahit na masakit, which is my fault as well, I let you go. Pero may kasalanan ka din sa akin dahil nagsinungaling ka sa akin, pero I guess it's my karma, your karma as well, but I wanted to settle things here, before I go back to our province in Aklan this Wednesday, wala na din kasi ako balak na bumalik dito, so I don't want to leave anything unsettled business here"
Ang sabi niya habang nagpapahid siya nang luhang pinipigilan niya kanina habang nagsasalita siya nang nngangatal.
"I'm sorry Stella... wala akong ibang masasabi kung hinde sorry" ang sabi ko sa kanya
"Can we have last one drink?" ang sabi ko pa sa kanya,
"Wag na, we better not, we might do stupid things again, I know I will" ang natatawang sabi niya sa akin. Natawa din ako sa sinabi niya kaya naman nagisip na lang ako nang ibang bagay na maari naming gawin, for the last time
"How about last dinner with me?" ang tanong kong muli sa kanya
"That sounds better, but maaga pa, where can we spend our last time together then?" ang sabi niya habang nakangite
"I don't really know Stella, any idea?"
"Wala naman kasing magandang movie ngayon, well, why not do this dinner thing tomorrow night, I will message you about the place, is it ok?"
"Sure, ikaw ang bahala" ang sabi ko sa kanya. She held her hands and smiles, inabot ko ito and shook hands with her
"Sorry again for everything" ang sabi kong muli sa kanya
"El, we both should be sorry, di lang ikaw, anyway, if ever or whatever happen to you and Tam, good luck, and by the way"
Bigla niya akong sinuntok sa braso, malakas iyon at napaatras ako
"I really wanted to do that so much before, now I am completely relieved" ang natatawang sabi niya sa akin
"Para ka talagang lalakeng manuntok" ang sabi ko sa kanya
"Bute nga di kita sinipa eh, pasalamat ka nakapalda ako" ang natatawang sabi niya, matapos ay tumalikod na siya sabay sabing
"El, please don't change, be the same man we used to know" at umalis na siya, napaisip ako sa sinabi ni Stella bigla, I guess I really do changed para sa kanila, ramdam ko nga na may nagbago sa akin, pero hinde ko makita kung ano, pinagmasdan ko si Stella, isa na naman taong aalis sa buhay ko, dahil na din sa kagaguhan ko, this can be avoided, kung hinde lang isa kong ulo ang pinagana ko, pero, knowing what she did, I did not feel so much guilt like before, akala ko, ako lang ang nanggamit, it seems ako din pala eh ginamit lang, since this is now settle, I can put away this matter in the past, and now, I am preparing to face a new step, isang tanong din na masasagot ko na siguro, kung si Eusha na lang kaya ang minahal ko noon, magiisa pa din ba ako, luluha pa din pa kaya ako tulad nang nangyare sa akin nang minahal ko si Cha, I guess I am about to find out soon. For now, inisip ko na lang muna na magrelax at naisapan na lang muna na maglibot libot sa mall na iyon pero sa totoo lang, I stayed most of my time sa panunuod sa mga naglalaro sa mga arcade games sa may ground floor. Naaliw kasi ako napanuorin kung paano magcheer ang mga lalakeng iyon sa mga naglalaro nang isa sa mga bagong labas na tekken series, isang uri nang game sa arcade, pero, di ko alam, di na ako katulad noon na talagang nageenjoy sa panunuod, oo naaliw ako pero hinde to the point na magiistay ako nang matagal or maglalaro din ako nang arcade, after two hours of staying in that place, I decided to talk a walk again around the mall before deciding to go home. Pagdating ko sa pilahan nang jeep, medyo napailing ako dahil sobrang haba nang pila, napatingin ako sa pila nang FX at di ito ganun kahaba, kaya naman doon na lang ako nakipila, at pagpunta ko doon ay may nakita akong isang pamilyar na mukha, kung hinde ako nagkakamali, ang pangalan nang babaeng ito ay Grace, babaeng madalas magpunta sa Tambayan namin ng lasing, madalas ay kasama ang ibang mga lalake at panay ang beso beso niya sa may ari nang tambayan sa tuwing dumadating siya. Tinitigan ko siya at alam kong nakita niya akong nakatingin sa kanya at inirapan niya ako, natawa lang ako, and I do remember some of the rumors I heard about this girl, and yeah I think, one of them is true, she is kinda bitchy, di ko na lang siya pinansin at nagtungo na sa dulo nang pila.

Medyo nakakainis ang pagdaloy nang pila, ang bagal nang usad dahil na din sa halos bente hangang trenta minutos ang pagitan nang pagdating nang FX, kahit na maikli ito, mas mabilis pang umuusad ang pila sa jeep. Medyo nainip ako at nang makita ko ang kainan nang kwek kwek na malapit sa pilahan ay nagtungo na lang din muna ako doon para kumain, medyo tinamaan ako bigla nang gutom. Matapos kung kumain ay muli akong bumalik sa pila kahit na napunta ako ulet sa dulo, hinde naman ganoon kadami ang nadagdag, at sa wakas, matapos ang mahaba habang paghihintay ay may dumating na din na FX subalit nainis ako dahil di ako umabot sa magkakasya sa FX, the worst part is, mukhang makakasabay ko pa ata sa paguwi itong babae na to, di ko alam kung bakit ba inis na inis ako sa kanya, nawala lang ang inis ko nang ilang minuto lang ay may dumatin na agad na FX, gusto ko sanang kunin ang upuan sa harapan nang bigla siyang magtungo doon
"Manong bayaran ko na dalawa" ang sabi nito, natawa lang ako dahil iniisip niya siguro na tatabi ako sa kanya, pero sa ginawa niyang yun, talagang nainis ako, di ko alam kung bakit pero somehow, she managed to annoy me, nagtungo na lang ako sa may likuran nang FX at doon na lang sumakay. Medyo inaantok ako kaya naman minabuti ko na lang muna na itulog na lang ang nararamdaman kong inis sa tao na iyon, besides, hinde ko naman siya kilala, hinde din naman niya ako kilala, so there is no point of being irritated to her. Mabilis ang biyahe or sadyang napahimbing lang ang tulog ko dahil pakiramdam ko ay kakapikit ko pa lang and yet bigla na lang sinabi nang driver na
"Nandito na tayo boy"
Agad akong bumaba nang fx at naginat, matapo ay nagtungo na muna ako sa computer shop na madalas kong tambayan para magpatay nang oras, magaalasingko pa lang kasi nang hapon iyon, maaga pa para umuwi nang bahay, isa pa ay wala din naman akong gagawin sa bahay, gusto ko din munang maglaro sandali nang makapaglibang. Pagdating ko doon ay inabutan ko si JanJan sa labas nang shop na nagyoyosi, kausap si James at ang iba pang manlalaro nang Dota sa shop na iyon. Binati ko sila pero hinde na kinausap, wala ako sa mood makipagkwentuhan at gusto ko lang maglaro. Pagupo ko sa computer ay inaya ako ni JanJan na sumali sa laro nila at sumali naman ako, at habang naghihintay na magsimula ang game namin, naisipan ko na icheck ang emai ko, at napansin ko ang isang message mula sa isang tao na madalas ding pumasok sa isip ko nitong nagdaang araw, si Charice. Isang lingo na nakalipas ang mensahe niyang iyon, agad ko itong binasa
Message:
Hey Benny, kumusta na? It's been a while , I think we might go back to the country by November or October, hopefully, October sana, I wanted to meet you on your birthday, anyway, I know this is a bit far pa now, but I am looking forward meeting you, by the way, she got your eyes, and your eye brows as well, if ever I could bring her with me, I will let you hold onto our bundle of joy, she's quite a charm as well sa house hold namin here, good thing nagmana sa akin kahit papaano, though I still see some resemblance, kung sabagay, you're her father, by the way you I attached some picture, I just wanted to show the product of your labor hihihi, I miss you El"
I looked at the pictures attached on the email and somehow, nakita ko nga, na medyo makapal ang baby na ito, I don't understand why I smiled, is this what it feels like to see your child? At the same time, nakaramdam din ako nang lungkot, dahil alam ko, hinde ako mabibigyan nang chance to be a father on that child, kung sabagay, sa stado ko ngayon, ano ba naman ang karapatan ko para maging ama, I guess it is really much better na hinde na lang ako kilalanin nang batang ito bilang ama niya, kung sasabihin nang mga tao sa akin na I am irisponsible father, I guess I am, di ko itatangi at ipagkakaila iyon, dahil, wala naman akong kapasidad para maging isang ama, hinde naman sa hinde ako handa and hinde ko kakayanin, it's just, for me, mas maganda ang future na maibibigay nang current husband ni Charice kesa sa akin, it's kinda insulting in my part, but what can I do, that's the truth, the sad and awful truth. But looking on that picture, on that little angel wrap on a white sheet of cotton habang nasa tabi niya ang kanyang magandang ina, gives me really a mixed emotion, if only... things were different, if only, during that time, I wasn't having a very problem, what if, I choose her over my sister, what could have happen, what if, I did what she wanted me to do before, na itakas ko siya kahit na wala kaming alam na pupuntahan, what if... what if.
"Pre game na!" ang sigaw ni JanJan sa akin, nawala ako sa pagiisip dahil dito at agad akong sumali sa game nila. Matapos ang halos tatlong oras nang paglalaro ay nagdesisyon na akong tumigil at tumambay na lang sandali sa labas nang shop at magyosi
"Oi pre, shot tayo?" aya ni JanJan, isang bagay na hinde ako sanay, di naman kasi palainom ang mokong na ito pero recently, he kept on drinking, sabagay, medyo mabigat nga naman kasi ang pinapasan na suliranin nito, pero, hanga ako sa lalakeng ito, and he was way younger than me and yet he handle his problem just by drinking sometime and playing games all the way, he was even going out with some other peeps, parang hinde nga nagkakalayo ang ginagawa naming, but the difference between me and him, what he's doing is showing results while me, di ko alam, meron nga ba? I guess im just taking things too serious, unlike him, he was taking it easy, nice and slow, I really envy this guy, he manage to smile as well, isang bagay na noon, kayang kung gawin, pero, siguro, magkaiba lang talaga kami siguro nang bigat nang cross na pinapasan, at siguro, tulad nga nang sinasabi ni James sa akin, at marahil, sinasabi na nga din nang iba kong kaibigan, I am making problems which just add up more weight in the heavy load that I am already carrying. Sinamahan ko siya at nagtungo kami sa malapit na tindahan
"Saan naman tayo magshoshot?" tanong ko sa kanya
"Akong bahala, may pwestuhan ako, ako pa? don't me" ang natatawang sabi niya, natawa lang ako at sumama sa kanya, I could use some drink as well, I need some at the moment, at nang makuha na niya ang binili niyang isang litro nang emperador ay nagtungo kami sa isang bahay, at nagulat ako nang makita ko na mayroon doong mga lalakeng nagiinom na din at nang makita kami ay agad nila kaming sinalubong
"Happy birthday pre" ang sabi ni JanJan sa lalakeng may suot nang bonet, at kinamayan siya nito, sa itsura nang lalakeng iyon ay mukhang napapabilang ito sa isang gang, sa pustura, dating at tindig nito, ganun din ang kainuman nito na bisita niya, natawa nga ako dahil kumpara sa kanila, mukha kaming totoy ni JanJan na naligaw sa kanto at naaya lang nang mga sanggano na makipagshot sa kanila
"Pre kaibigan ko nga pala si El, El pinsan ko" ang pakilala ni JanJan sa akin at nakipagkamay sa akin ang lalaking iyon at shete, ang laki nang kamao, tila pag nakipagaway ata ako dito eh di ako tatagal nang limang minuto, halatang naggygym din siya dahil sa firm at laki nang biceps niya at hubog nang katawan niya na kitang kita dahil naka sando lang ito na itim. Inabutan nila kami nang upuan at nakitagay sa kanila. Tahimik lang ako na nakikinig at nakikitawa sa mga kwentuhan nila, mula sa mga nagulpe nila, sa mga gumulpe sa kanila, mga babaeng naikama nila, mga babaeng naging shota nila na tagaroon sa amin, maging ang kapatid nang may ari nang computer shop na tinatambayan naming noon, nagulat ako dahil kasundo pala nila ang kumag na yun, angas na angas talaga ako sa kapatid nang may ari nang computershop na tinatambayan ko, and I was really pissed off him, lalo na kapag umeepal siya sa tuwing naglalaro kami, mabuti na nga lang at hinde na ito nagpupunta doon di tulad nang dati, which is nice. Iba talaga ang buhay gangster, madaming adventure, madaming gulo, madaming saya, pero, liliit lang talaga ang mundo mo kapag may gang o fraternity kang kinabibilangan, at minsan, nasa isang hukay ang paa mo, tulad nang isa sa kakwentuhan namin na nagpakit nang tama nang bala sa kanyang binti at balikat, tatlong marka nang naghilom nang saksak na ayon sa kanya ay mula sa balisong nang minsan siyang mapatrouble nang matambangan daw siya nang kalaban nilang gang sa tinutuluyan niya noon sa Tondo.

I miss the time na napapatrouble din ako, pero hinde naman kami dumating noon sa point na sa tuwing may away kami ay may saksakan, most of the time, nang minsan akong nasali sa isang gang noong bata bata pa ako, when I was in my grade 6, we settle things by fists, nang minsan akong may nakaaway na kabilang sa isang gang, we settle the matter by fist fighting, which somehow I manage to nail, batak pa kasi ako noon sa pagiging kargador, reason why I have the kicks to release a punch capable of shaking someone's world apart, hinde naman sa pagbubuhat nang bangko, nang minsan akong nakipagbunong braso sa mas matanda sa akin sa palengke ay natalo ko siya, naasar pa nga itong ampaw nang mga kasama niya sa bukuhan. Nang maubos na namin ang alak ay nagpaalam na kami ni JanJan, tumakas na si JanJan at siyempre sumabit na ako, sinabi lang niya kasi na hinahanap na siya nang tatay niya, at tila ba pati ang gangster na pinsan ni JanJan ay takot sa tatay ni JanJan dahil sa reaksyon nito. Di ko pa nakikita in person ang tatay ni JanJan but the way he describe his dad at kung paano ikwento nang pinsan niya ang mga adventure din nang tatay ni JanJan ay tila ba tulad nang sinabi nang isa naming kainuman eh mala Asiong Salonga daw ito noon. Nagpaalam na din ako kay JanJan at nagtungo na pauwi sa aking bahay, medyo tinamaan ako sa inuman na iyon, paano ba naman, ang chaser naming eh red horse, tapos ang tinatagay ay hard, inuman daw nang tunay na lalake yun, at ang tanging pulutan lang na kinakain nila doon ay puro taba nang baboy, isang bagay na hinde ko ata kaya na gawing pulutan.
As I was heading home, I looked at my phone, bukod sa network messages, wala ni isa ang nagtetext sa akin, binuksan kong muli ang mensaheng iyon ni Eusha and I almost do one stupid thing, to text her, agad ko naman binura ang itetext ko sa kanya at tinadtad ang back button nang cellphone ko, ayaw kong suwayin o sirain ang pakiusap niya sa akin, konting tiis, mabilis naman ang isang buwan, kahit na di ko nga alam kung si Eusha nga ba talaga iyon, but remembering what Stella said earlier, I guess I should not doubt this text. When I reach my house, I went in and after closing the door I went directly to my sofa and call it a day but I think it was not over yet, dahil nang mga ilang oras na din siguro akong natutulog ay may narinig na lang akong nagbukas nang pintuan nang aking bahay, nagulat ako dahil hinde ko pala ito nalock.