1. Home
  2. Stories
  3. Kung Ako Na Lang Sana - Part 23
xTorya

Kung Ako Na Lang Sana - Part 23

By el_nunal ·

Nakita ko na tila ba si Glenn ang lalaking iyon, at may dala dala pa itong rose and chocolate, I was just there standing, observing, ano ang gagawin ni Eusha, will she accept the flowers? Will she come with that guy again? Who knows, all I know is, at the moment, wala akong karapatan na makialam o makiepal, and all I can do is stand and watch from a far, and the worse part of this is, kahit na gusto kong pigilan at umeksena ay wala akong magawa, wala pa akong karapatan para gawin ito, there are still a great border between me and her, and without her permission, wala akong karapatan para umentrada, and it's so heart breaking nang makita kong tinanggap niya ito, and looking sa dami nang chocolate na binigay din ni Glenn sa kanya, nanliit ako dahil kumpare sa dala ko, tang inang shet, pipitsugin. Wala na akong nagawa kung hinde tanggapin ang aking nakita, lalo pa na ngayong araw ay may kasalanan akong nagawa sa kanya, and I think, naiisip niya na all im up to is playing and fooling around, siguro, ito ang nagudyok sa kanya para pansinin ang ex niya na iyon, besides, wala pa naman isang buwan nang maghiwalay sila, if I'm not mistaken, wala naman kasi akong naalala na nasabi ni Eusha kung kelan sila naghiwalay, ang alam ko lang, hiwalay na sila. Halos pinagsukluban nang langit at lupa ang pakiramdam ko, tatalikod na sana ako nang makita ko na tinapon lang ni Eusha ang bulaklak at ang binigay na chocolate nito ay inabot lang din niya sa isang bata na napadaan sa kanila, and then she rode a tricycle leaving that guy behind, at shet, halos gustong magsayaw nang bogy at chacha sa nakita ko, I even saw Glenn kicking the ground, I feel so damn relieved, I guess, wala namang balikang mangyayare, and then napaisip ako kung saan naman pupunta si Eusha, kung uuwi siya, bakit hinde sa direksyon kung saan ako nanggaling iyon nagpunta? I tried to call her and still, no contact, wala din siyang reply sa akin, iniisip ko tuloy na maaring magpupunta siya sa isang inuman, café para uminom, pero saan naman siya pupunta? Or rather saan naman ako pupunta kung nagkataon, and I don't know kung magiinom nga ba talaga siya, ito kasi ang mahirap kapag wala kang alam, wala kang ideya kung saan ba pupunta ang taong gusto mong puntahan, pero bahala na si Batman, I tried asking every single person na madaanan ko kung saan ba mayroong bar na malapit dito or café at isa isa ko itong pinuntahan to no avail, it took me almost two hours of searching and yet, wala akong nakitang Eusha sa kahit anong bar na napuntahan ko, even the small restaurants and fast food chain na malapit eh wala siya, it's just like looking a needle in pile of haystack, and again, I tried calling her pero wala talaga, hinde ko siya makontak, madami kasing dahilan, pwedeng low bat siya, pwede ding wala siyang signal, or the worst of them is, nakablock na ang number ko sa kanya. Halos wala na talaga akong magawa pa kung hinde pumunta na lang sa bahay niya, at doon maghintay, besides, maaring nakauwi na nga siya because it's already quarter to ten, kaya naman maaring nandoon na siya sa bahay niya. Pagdating ko sa bahay niya, napansin ko na bukas na ang ilaw sa kwarto niya nang sipatin ko ito, and again, for the last time, I tried calling her pero sadyang hinde ko siya matawagan, I have no other choice but to go up, bahala na kung magalit siya, ang mahalaga, makita ko siya at makapagsorry sa kanya nang personal. I slowly walk papunta sa tinutuluyan niyang kwarto, may nakabalabal na kurtina sa may bintana pero tumatagos ang ilaw mula dito kaya naman alam ko na may tao na sa loob. Pagsilip ko ay di ko inasahan na may makikita akong hinde inaasahan, isang babae na topless habang nakapaibabaw sa isang lalake, nakatalikod ito at mahaba ang buhok, kaya naman alam ko na hinde si Eusha iyon, pero who could these people be?
Naalala ko ang gwapings na lalake at ang chubby na beauty noong nakaraan, I don't know the relationship between those two so maaring silang dalawa ito, pero, on further inspection, hinde ito ang babae dahil slim ito, at tila tinigasan ako after having a peek on her sexy body, lalo pa't may nakita akong tattoo sa may bandang bewang nya which really turns me on that time, pero bigla akong napaisip, para atang may mali, when I looked carefully sa pinto, napakamot ako sa ulo dahil mali pala ako nang bintanang nasilipan dahil sa susunod pa palang pintuan ang inuupahang kwarto ni Eusha, dahan dahan akong umatras nang di inaasahan ay may kung sino akong nabanga
"Sino ka? What are you doing peeping inside my boyfriend's apartment?" tanong sa akin nang aking nabangga, hinde pamilyar ang boses niya so I know that this person is a complete stranger, dahan dahan akong luminga at nakita ko na parang nakita ko na ang babaeng to, di ako nakaimik nang sabihin niyang boypren niya ang lalakeng iyon, sumilip siya at mukhang nakita niya din ang nakita ko, matapos nito ay inasahan ko na ang susunod niyang reaksyon
"Buksan mo tong pinto putang inang ka! Jojo! Buksan mo to! " ang nanggagalaiting sigaw nang babaeng iyon, at talagang nageskandalo siya, dahan dahan akong umaatras dahil ayaw kong madamay sa nangyayareng gulo, at dahil sa lakas nang sigaw nang babaeng iyon ay di na katakatakang magkaroon nang mga taong usisero, napalingon ako sa may pintuan ng apartment nang bahay ni Eusha dahil narinig ko na tila ba nagbukas ang lock nito, and napangite ako nang makita ko na si Eusha iyon, at halatang nagising siya sa nangyayareng kaguluhan, kita ko din na nagulat siya nandoon ako, agad akong lumapit sa kanya at agad siyang nag nagtali nang buhok niya
"Anong nangyare? Kanina ka pa ba dito?" ang tanong ni Eusha sa akin na curious at nagtataka, pinaliwanag ko sa kanya ang nangyayare habang kapwa kaming nanunuod na sinasampal at hinahataw nang babaeng iyon ang lalakeng nakaboxer short lang at tila wala atang balak lumabas ang babaeng kasama nang lalakeng iyon kanina. Mayamaya pa ay may dumating na din na isang matabang babae na medyo may edad na, kinalabit ako ni Eusha at pinapasok sa loob nang inuupahan niya
"Tara dito at baka masita ka din ni Aling Minerva" ang sabi niya sa akin, matapos ay sinara niya ang pinto habang ako naman ay tahimik lang na nakatingin sa kanya at pinagmamasdan ang itsura niya, nakasuot lang kasi siya nang itim na sando, maikling shorts at tila ba wala ata siyang bra na suot dahil sa kahit di ko man pansinin ay tila ba nagpapansin ang nakabakat niyang utong dito. Pumasok siya nang kwarto niya at paglabas niya ay medyo nalungkot ako nang bahagya dahil mayroon na siyang towel na nakasabit sa leeg niya at ang dalawang dulo nito ay kapwa nakatakip sa dibdib niya
"Anong ginagawa mo dito?" tanong niya sa akin habang kumukuha nang dalawang baso at pitchel na may lamang juice sa kanyang ref
"Sorry po, galit ka ba?" ang tanong ko sa kanya, tinignan niya ako na tila ba nagtataka
"Ha?"
"Sabi ko, sorry, di ba kanina, nagtext ka sa akin na tawagan kita pero di kita tinawagan"
"Ah, yun ba? Naku, bat naman ako magagalit ano naman karapatan ko magalit di ba?"
"Kasi, kanina pa kita tinatawagan at tinetext, hinde ka naman nagrereply, hinde din naman kita makontak"
"Eh paano mo ko makokontak eh nasimblock ako kanina! Kabwiset nga eh, kakabili ko lang nang bago kong sim, pero di ko pa naman ginagamit, sasabihan pa lang kita bukas, teka kaya ka ba napunta dito kasi – "
Hinawakan ko ang kamay niya at hinalikan ito, sa totoo lang, gusto ko siyang yakapin pero nagdalawang isip ako dahil mamaya ay magalit na naman siya, kaya naman hinawakan ko na lang ang malalambot niyang kamay at doon ko pinaramdam sa kanya ang sincere apology ko
"Adik ka El! Tumayo ka nga!" ang natatawang sabi niya sa akin, paano ba naman eh talagang lumuhod ako sa harapan niya habang nagsosorry, inalis niya ang kamay niya sa pagkakahawak ko at sinabunutan ako
"Baliw ka! Umayos ka nga! Naiinis lang ako sa iyo kanina pero di naman ako galit, OA mo ha? Talagang yun ang dahilan kaya ka nagpunta dito?" ang natatawang sabi niya sa akin, tumango lang ako at matapos ay inabot ko sa kanya ang dala kong chocolate, napangite siya at tinangap niya ito
"Sira ka talaga, baka naman kakarating mo lang?" ang sabi niya sa akin, napangite ako at napakamot sa ulo habang sinasabing
"Actually, nakita nga kita sa work mo, kanina pa akong 6 dito, gusto ko sana kasi nam kausap ka kaso wala ka dito kanina, so naisip ko na magpunta sa work mo pero naisip ko din bigla na baka magalit ka kapag ginawa ko yun, so hinintay na lang kitang makalabas tapos nakita ko ikaw at si Glenn then nakita kita na umalis sumakay sa tricycle"
Bigla siyang tumawa, marahil ay hinde siya makapaniwala sa mga sinabi ko at nakita niya din siguro na nagsasabi ako nang totoo, and then she asked me
"Eh bakit di mo ko pinuntahan?"
"Eh kasi, alangan naman na umepal ako sa inyong dalawa di ba? Isa pa wala pa akong karapatan na umasta na boyfriend mo na maggagalitgalitan na lapitan kayo tapos sawayin siya, isa pa, nakakahiya sa work place mo"
"Saan ka pa ba nagpunta? Bat ang tagal mo pumunta dito?" ang natatawang tanong ni Eusha
"Hinanap kita, iniisip ko kasi bakit hinde dumaan sa dinaanan ko yung tricycle na sinakyan mo inisip ko baka naginom ka or kumain kung saan"
"Ah hinde ah! Ano yun inom agad? Nagpunta ako sa patahian tapos umuwi na ako dito, pinaayos ko lang yung isa kong uniform, alam mo ang adik mo!" sabi niya sa akin habang napapailing na tumatawa ako naman ay napapangiteng ewan lang din sa kanya
"Kumain ka na ba?" tanong niya sa akin di pa ako nakakasagot ay pumunta na siya nang kusina at naghain nang isang plato
"Tara dito, kumain tayo" ang sabi niya sa akin, napaisip ako bigla kung bakit iisa lang ang plato, nakaramdam ako nang tuwa at kilig bigla dahil inakala ko na ang gusto niya eh magsasalo kami sa iisang plato pero nawala ang pagiilusyon ko na iyon nang makita kong meron na palang isang plato doon na mayroon nang kanina. Matapos ay may isa siyang topper ware na kinuha mula sa ref niya matapos ay sinalang ito sa loob nang microwave oven. Habang umiinit ito ay tila ba naamoy ko na kung ano ang niluluto niya, adobo, pero hinde ko alam kung manok ba ito o baboy dahil sa magkahalong amoy nito, pwede din namang both, at doon ko nga napagtanto na magkahalong manok at baboy nga ang adobong iyon
"Ubusin na natin to at baka mapanis na, kahapon pa to eh" ang sabi niya sa akin habang pinagsasalin niya ako nang ulam at kanina sa aking plato. I feel so happy, dahil pakiramdam ko that moment, Eusha and I were already in a relationship dahil sa ginagawa niyang iyon para sa akin. Isang bagay pa din ang di nagbago sa kanya, habang kumakain ay nakataas pa din ang kayang paa habang nagkakamay. Pademure akong kumain dahil nahihiya akong lumamon sa harapan ni Eusha, kaya naman pasosyal akong kumain using spoon and fork, pero sa huli, naisipan ko na lang din na magkamay, nailang kasi ako, langya naman kasi, ako lalake nagspoon and fork na parang babae tapos tong si Eusha na babae, parang barako kung makakain.
"Anong oras ka uuwi niyan?" tanong niya bigla sa akin bago isubo ang tinumpok niyang kanin
"Di ko pa alam, may bisita ka bang darating?" tanong ko sa kanya
"Sino naman? Bukas meron, si Jules kasama yung pamangkin niya, dito na nga lang sana kita patutulugin kaya lang baka pagnagpangabot kayong dalawa eh magkagulo na naman"
Tahimik lang ako na kumain, pero deep inside, gusto kong mainis, kung di pala may asungot na darating, pwede akong magstay dito sa kanya pero wala talaga eh, kasalanan ko din naman kaya iyak tawa na lang ang tanging magagawa ko, besides, nagpapagood shot ako kaya go with the flow na lang ang ginagawa ko, pag pwede pwede, pagbawal bawal, for now, wala akong karapatan sa lahat. I suddenly asked her, something na out of the blue, for no apparent reason, eh bigla kong tinanong sa kanya
"Eusha, may nangyare na ba sa inyo ni Glenn?"
At wala siyang abog na sinabing "Oo naman, hello? Bakit anong akala mo sa akin boring sa ganung bagay?" ang natatawang sabi niya sa akin. Tumawa din ako pero inside, hayup na yan, para akong ni-Laguna Blade na sinabayan nang Death Finger na may kasamang Requiem of Souls habang nasa ilalim ako nang Doom Spell na may Aganims at Rupture, tang ina kasing bibig to eh, imba sa tanungan, ayan, ako din tuloy ang nasaktan. Natatawa na lang nga ako dahil para akong timang na nagtaka pa, natural lang naman yun sa magshota, knowing that Eusha really changed on her outlook in life, isa pa, alam ko naman na minsan, may mga taong nagagawa ang mga bagay na imposible kapag sila ay lasing, nagmamahal, galit o nasasaktan, though di dalawa sa mga ito ang iniisip kong dahilan kung bakit sinuko ni Eusha ang Perlas nang Silanganan kay Glenn, either lasing siya or minahal niya talaga si Glenn, gusto kong isama ang isang bagay, which is nasaktan siya but ang kapal nang peslak ko para magassume nang ganun.
"Bakit mo naman natanong yan? Bakit kala mo flying V pa din ako? " tanong niya sa akin, hinde ako nakakibo, hinde ko alam kung ano ang isasagot ko, kung sabagay, logically speaking, tinanong ko sa kanya ang bagay na yun, so yun din ang rason di ba? But somehow, what I am thinking is different, di naman kasi yun ang iniisip ko, I've meet some girls in my younger years na maagang na Cherry Pop and the way they tell their stories, tila ba sa mga nakauna sila talaga totoong napapamahal, the following dude well, either talagang attracted lang sila or they just feel like it's their sould mate, medyo kakaiba man, pero naiisip niyo ba kung bakit nila nasabi na 1st love never dies? Kasi kung mapapansin niyo, talagang kapag ang isang tao, mostly babae, naisusuko nila ang isang bagay na hinde nila maibabalik for that certain someone dahil totoo silang nagmahal, pure innocent and passionate love, im not saying naman na porket hinde na virging gf natin or bf natin eh meaning di na talaga tayo ang mahal nang taong iyon, all im saying is, sa 1st love mo, iba talaga ang saya, ligaya, inspirasyon at lungkot na mararamdaman mo. I wanted to tell those things to Eusha, pero napangite na lang ako at sabay sabing
"Wala lang, natanong lang, sorry ha kung medyo sensitive na bagay tinanong ko pa"
Natawa siya sa akin sabay sabing
"Naku, before pa naman ikaw na si Mr. Insensitive di ba?"
I know she meant it as joke, but I know, behind every joke lies some truth, hinde niya naman kailangan iexplain sa akin ang sinabi niya dahil a long time ago, alam ko sa sarili ko na minahal niya ako pero I ignored her dahil kay Charice, but can you blame me for doing that? Ayaw ko lang naman na pagsabayin sila, siguro talagang kapag nagmahal ka, may nasasaktan, this is the harsh truth, something that no one can change, it's really how you could manage the pain lang ang tanging option na magagawa mo, right now, I was thinking, is this my Karma for hurting her? She loved me yet I don't love her back so in the end, iniwan din ako nang taong minahal ko nang sobra. Pero realizing that I am the one at fault, I guess, I am the one who cause that karma to myself. Napansin siguro ni Eusha that I am being serious so much sa pagiisip at may ginawa siyang isang bagay na hinde ko inakalang gagawin niya, she pinched my nose, the same way as before, and she gave me this cute smile, matapos ay may nagtext sa kanya, she looked at me and said
"Tara, sama ka sa akin, may puntahan tayo"
Tahimik lang akong naglalakad kasabay niya sa labas nang bahay niya, she told me that we will go somewhere, yung place daw kung saan sila madalas nang mga kasama niya sa work, she wanted to introduce me sa mga kasama niya sa work na at this time daw ay nandoon sa isang ktv bar na malapit, at habang naglalakad kami ay pinagmamasdan ko siya habang mayroon siyang katext na kung sino. She was smiling while texting and watching her makes me smile as well. Until now, I am really happy that now, here I am, walking beside her, going out somewhere with her, this is something that I am truly looking forward too before, kahit na for now, walang HHWW na nagganap, kuntento na ako, right now, if this is a dream, sana di na ako magising, gusto ko siyang akbayan, but I am controlling myself, gusto ko siyang halikan sa pisngi niyang may pagkachubby, pero pinipigilan ko, kanina nga lang sa kamay ko lang siya hinawakan at hinalikan eh iniwas na niya, what more pa kaya kung gagawin ko yun, sometimes, I am forgetting that rule she set, mahirap pero kakayanin, isa pa, right now, I am ok being mesmerize by the way she looks, her hair bounce while walking, her smile, grabe talaga, I don't even care sa mga nababanga ko at nababanga ako kasi kay Eusha lang ako nakatingin, she caught me looking at binatukan ako bigla
"Ano ka ba? Wag mo nga ako titigan nang masyado, baka matunaw ako niyan ikaw din" ang pabirong sabi niya
"Ang cute mo kasi eh"
"Ulul! Mambobola ka pa sipain kita eh, sandali ha" ang sabi niya sa akin at medyo lumayo siya sa akin at may tinawagan. Hinde muna ako naglakad at hinayaan na lang muna na dumistansya siya sa akin, at nang medyo malayo layo na siya ay nagsimula na akong maglakad. Nagsasalita siya nang lengwahe nila, I don't know kung sino ang kausap niya, iniisip ko naman na malabong si Jules ang kausap niya dahil alam ko na raratratin siya nito nang sermon. Marahil ay isa sa mga kasamahan niya sa work ang kausap niya, di ko alam kung babae ba or lalake, pero kung sino man yun, for now, wala muna akong pake, ayaw ko na munang makialam dahil kahit na ganito kami ngayon, wala pa din akong karapatan na manghimasok sa ginagawa niya. Medyo matagal tagal din silang naguusap nang kung sino mang Pontio Pilato na iyon, kaya naman sinubukan ko na lang muna libangin ang aking sarili, kinuha ko ang cellphone ko at naglaro na lang muna nang kung anong available na games dito, at habang naglalaro ako ay bigla akong nakatanggap nang mensahe mula kay Straberry. Medyo naconscious ako bigla dahil baka isipin ni Eusha eh may katext akong ibang babae, well true na babae naman si Strawberry but what I mean is, baka isipin niya na may nilalandi akong iba habang kasama siya, which will surely shifts her mood, mahirap na kaya naman to play safe, binura ko na lang ang message ni Strawberry without reading any of her messages, isa pa, baka hinde naman importante iyon, pwede quotes, group messages or walang kwentang tanong lang ulet, kailangan nang umiwas sa pagaawayan, mabute na kasing alam ko ang dapat iwasan sa ngayon dahil like I said, kailangan magpagood shot. Matapos ang halos ilang minutong lakaran ay nakarating na kami sa sinasabi niyang tamabayan nila nang kasama niya sa work, pagpasok naming doon ay agad siyang binati nang dalawang waiter sa loob and the way they greet her eh halatang kilala na siya dito, marahil ay suki sila nang bar na ito para makilala siya.
Pagupo namin dalawa ay lumapit ang isa sa mga waiter na iyon at napansin ko na panay ang hawak niya sa balikat ni Eusha. Hinde ko alam kung bakit ba inis na inis ako sa aking nakikita, medyo nainsulto din ako nang bahagya dahil bakit ganun, ako parang umiiwas siya pag nagiging touchy ako tapos tong kumag na to di niya sinasaway, she was even laughing while they are talking at naguusap about doon sa Cara or Kera or Kiyera, pero ang alam ko, pag hinde nito inalis ang pagkakawahak sa balikan ni Eusha eh magkakagiyera talaga. Hinde naman kasi mukhang bading tong kolokoy na to, astigin nga ang dating, mukhang rock star kung tutuusin, and then I realized one thing, isang bagay na na nasabi niya that day, and alam nyo yung apoy na biglang binuhusan nang isang drum na tubig para mamatay di lang apoy pati baga? Ganun kabilis nawala ang saya na nararamdaman ko, nagoverwhelm din ito sa inis na nararamdaman ko sa lalake na iyon, I started to envy him, tanginang pormahan yan kasi, this man is Euesha's kryptonite, iniisip ko tuloy is this the reason why she and her colleagues we're always here in this KTV Bar. I try to breathe in and out para kumalma ang brain cells ko, sasabog na kasi ito sa magkakahalong emosyong nararamdaman ko, kaya lang talagang para akong tinamaan ni Date nang killer blow niyang Heart Break Punch nang marinig ko si Eusha na
"Uy, Kanta ka naman, yung kinakanta mo lage"
I was really really really shocked, hinde ko inasahan ang mga pangyayareng ito, gusto ko na lang nga sanang umuwi dahil sa sama nang loob, but I know, again, this might be part of my Karma, I then realized something, ito pala ang nararamdaman ni Eusha way back before, yun feeling na pinipilit mong ngumite kahit na alam mong masakit, pinipilit mong isipin na wala lang yan kahit sa totoo, para nang ginagarote ang puso mo sa nakikita mo, sa naririnig mo, and there's nothing you can do but to endure it. Halos panghinaan pa ako nang loob nang marinig ko ang putang inang boses nang hayop na yun, I may be jealous on that son of gun, but damn, his voice will blow you away, pang rakista talaga, when he sang one Bon jovi's hit na You Give Love A Bad Name , tapos sinunod pa niya yung kanta na "Tamis Nang Unang Tikim", damn, I concede, hinde ko ata kayang makipagkumpitensya sa lalakeng to, may looks na tang ina may talent pa, rare find kung baga, at knowing that this is her weakness, di ako magtataka na baka nga nanliligaw tong lalake na ito sa kanya.
"Ikaw nga kanta ka El" ang biglang sabi sa akin ni Eusha, napailing ako sabay sabing
"Ano ka ba, ipapasunod mo ko sa magaling kumanta, mamaya batuhin pa tayo nang bote sa table natin" ang biro ko sa kanya at natawa naman siya
"Di ka ba nahilig sa banda?" ang tanong niya sa akin habang tinitignan ang menu na inabot sa kanya nang lalakeng iyon kanina
"Medyo nahilig naman kaya lang kasi – " di pa man ako tapos magkwento ay bigla naman lumapit sa table naming ang lalakeng iyon, matapos ay may binulong si Eusha dito at nakita ko kung paano magreact ang lalake at binatukan pa siya nito, and putang ina lang talaga, kung di ako nagpapagood shot sa babae na to, baka sa selos ko, inumbagan ko na tong lalake na ito, ang hirap talaga kapag may barrier ka pang di mo pwede basagin o lampasan dahil alam mo na ang mga consequences nito, I feel like a fool, I feel like being ignored that time, sa tanong pa niyang iyon, as if she was comparing me to him, grabe talaga ang bigat nang nararamdaman ko, pero wala akong magawa kung hinde magngiteng aso na lang. Binigay na ni Eusha ang menu sa lalake at tila ba bigla niyang naalala na wala pa akong naoorder at agad niyang pinigilan ang lalakeng iyon
"Wait, di pa pala nakakaorder kasama ko, El ano gusto mo?" tanong niya sa akin. That time, parang gusto ko na lang magwalkout, kasi, parang nakakainsulto na kasama niya ako then makakalimutan niya ako bigla, ganun ba talaga kalakas ang dating nang lalake na to sa kanya, I try not to explode, I really try to suppress this fucking emotion that slowly consumes me, tang ina lang talaga kasi, kung girlfriend ko lang tong si Eusha baka nahambalos ko na nang upuan tong kumag na to, but no, right now, it feels like im on the rock bottom
"Huy El, anong pulutan ang gusto mo? Dali, sagot naman niya eh" ang sabi ni Eusha sa akin habang nakangite while pointing that guy, kahit na ayaw ko eh sinabi ko na lang na
"Sisig na lang"
Pagalis nang lalake ay hinawakan muli ni Eusha ang phone niya at nakipagtext, medyo naiinis na ako sa nangyayare, pero kailangan kong kumalma, kailangan kong tiisin to, tahimik lang din akong naglaro sa cellphone ko, pinilit libangin ang sarili, then she suddenly ask
"Uy, natahimik ka? Ano nga ulet yung kinukwento mo kanina? Di ba natanong kita about sa band?"
Gusto ko sana siyang barahin at sabihan na
"Naku wala yun kalimutan mo na" but I didnt instead I continued where I left
"kasi, agawan kami sa part nang drummer, di kasi ako marunong maggitara kaya ayun, hinde na ako ginanahan, hinayaan ko na lang sila magenjoy"
"Nye? Ano daw kaya yun? Madali lang naman maggitara eh, tska alam mo ba na mas nakakainlove ang lalakeng marunong maggitara"
Those lines she just said really added insult to the injury, dahil ewan ko ba, gustong gusto ko talagang matutong maggitara, pero yung gitara ata ang may ayaw sa akin, i successfully played a guitar once, when I was in my Third year dahil project naming ito, sa totoo nga lang pasang awa ako, marahil talagang naawa ang teacher naming nay un dahil nakita niya kung ano ang naging itsura nang daliri ko. Kasi naman, bakit ba ang kinahiligan kong patugtugin eh Piano at Violin, kahit na hinde man ako ganun kagaling sa mga instrumentong yun, alam kong gamitin pero tong napakacommon na gitara langya ayaw sa akin, that time, durog na durog na ako, pinupulbos pa ata ang pagkatao ko nang pinong pino. It was really a very very very irritating night, at tila ba ang bagal bagal nang oras, gusto ko na nga sanang matapos ang araw na ito, gusto ko na lang munang umuwi, makarecover sa nakita ko pero even time was my enemy, dahil pinaparamdam niya sa akin ang kabagalan nang oras, siguro ganito talaga kapag aside sa naboring ka bigla, nasasaktan ka pa.
"Wait ha, CR lang ako" ang paalam niya sa akin, tumango lang ako at matapos nito ay nagyosi na muna ako sandali habang wala siya, ito lang kasi ang naisip kong paraan para kumalma ako, naiinis talaga ako dahil alam mo yung para kang batang binubully at wala kang magawa kung hinde tanggapin mo na lang dahil kapag pumalag ka masasaktan ka lang, bawat buntong hininga ko ay may kasabay na hithit sa yosi, kaya naman ambilis maupos nito, naka anim or pitong stick nga ako bago makabalik si Eusha. When she saw me smoking, she asked for one and putang ina lang, para lang magic na napangite niya sa lungkot kong yun nang pagsindi niya ay bigla siyang naggoffy face sabay pinalabas ang usok sa ilong habang nakaduck lips.
"Kala ko di na tatawa eh, bat ba bigla kang naging seryoso? Ano nangyare sa iyo? Natatae ka ba?" ang natatawang taong ni Eusha. Dahil sa tanong niyang iyon, nagkaroon ako nang escape goat para sabihin sa kanya ang nararamdaman ko, in two words, lahat nang nadarama ko, nasabi ko sa kanya, buong inis at asar kong sinabi sa kanya na...