1. Home
  2. Stories
  3. Kung Ako Na Lang Sana - Part 24
xTorya

Kung Ako Na Lang Sana - Part 24

By el_nunal ·

"Nagseselos ako...." I told her these words while looking at her eyes, and somehow, I can say na she was happy when she heard I uttered those words, at matapos kong masabi ito ay para akong biglang kinain nang hiya, bakit? Una sa lahat, wala naman akong karapatan para magselos nang ganun dahil wala pa naman kaming relasyon pero dapat ba talaga na magseselos ka lang kapag meron ka nang relasyon sa isang tao? Life really is somehow unfair on somethings, like this in particular, nakakinis isipin pero alam mo sa sarili mo na wala kang karapatang magselos, pero hinde mo talaga kayang pigilan ang nararamdaman mo, hinde naman kasi natratrain ang puso na maging manhid, di nga ako naniniwala sa mga taong nagsasabing hinde naman sila tinatablan dahil deep inside, alam natin na mayroon pa din, kahit konte, atleast, tinablan pa din at di mo masasabi na manhid ang taong iyon, it's like when someone is teasing you fat, panget o kaya naman bobo, kahit mo sa sarili mo na hinde naman totoo yun, still, somehow, there's a part of you na mararamdaman mo ang kurot at sakit, ganun lang din ito sa selos, kaya nating takpan nang ngite, pagtangi ang nararamdaman nating ito, at kaya pa natin maloko ang mga tao sa paligid natin pero never natin maloloko ang sarili natin when it comes to this one. Di nagsalita si Eusha, though she was smiling, right now, di ko alam kung bakit ba siya nakangite, is it because, tulad nang iniisip ko, na masaya siyang marinig na nagseselos ako, or di naman kaya natatawa siya because I'm so pathetic being jealous kahit na wala akong karapatan? Or maybe, just maybe, iniisip niya din na
"Ano gago? Sarap ba sa pakiramdam na magselos ka? Na yung feeling na kahit gusto mo ang isang tao wala kang magawa?
I started thinking that because I recall what happened in the past, I was in her shoes now, ako na na ang naghahabol, the hunter becomes the hunted, and this feeling really sucks, but what can I do, gusto talaga siya eh, at bilang pampakalma na lang talaga sa sarili ko ay iniisip ko na lang na Karma ko ito dahil sa ginawa ko sa kanya before. Pagdating nang inorder naming alak ay agad siyang kumuha nang isang bote at sinalin ito sa kanyang baso, matapos ay sinalinan niya din ang baso ko and while she was pouring that beer, she suddenly asked me
"Seryoso ka ba sinabi mong nagseselos ka?"
Kinuha ko ang basong sinalinan niya nang alak at pagkatapos kong shotin ito, agad kong sinabi sa kanya na
"Oo... nagseselos ako, pasensya na... alam ko naman na wala akong karapatan na sabihin yun pero... yun kasi ang nararamdaman ko kanina pa, nanliligaw ba sa yung guy na yun?"
I saw her smile habang napapailing, I dunno why I feel so annoyed when she does that, gusto ko na talagang magwalk out pero I was trying to get hold of myself, ayaw kong sukuan ang laban na to, kahit na critical hit ang tama sa akin, susugod pa din ako sa laban. After she finish up her drink, she looked at me and said
"Wag mong pagselosan yun dahil bading yun!"
And after hearing those words... that one particular word, I feel very very very ashamed, putang ina, bading? Yun ganung pormahan? Oh common, you got to be kidding me?! No way jose na ang pormahan na yun, ang datingan na yun, bading?! Wtf?! Talagang napapaisip ako, is she toying with me? Pinagtritripan ba ako nang babaeng to? Kung di ko lang to mahal baka sinipa ko tong babae na to, pero kung iisipin mo nga naman, way back in my call center days, madaming gwapo cute dimples na lalake and yet, lahat sila, almost 75% sa kanila, lalake din ang hanap. Wala akong nagawa kung hinde mapangite at mapailing na lang din sabay sinde nang sigarilyo, ayaw ko man maniwala, since sinabi niya na bading ang lalake na yun, paniniwalaan ko na lang ang sinabi niya. I saw her still smiling habang tinitignan ako at napapailing
"What?" ang tanong ko sa kanya na may halong inis at hiya, after telling her that, malamang sa hinde, eh mahihiya talaga ako.
"I just find it funny na ikaw? Si Mr. Insensitive eh tinablan nang selos? Sa bakla pa?"
"Eusha, kasi nga gusto kita"
I saw her smile then looked at the corner, di ko alam kung ayaw niyang ipakita na masaya siya or may nililingat siya or what, kumuha ulet siya nang isa pang bote at sinalin sa baso niya, ako naman ay din a muna nagsalita at pinagmasdan lang siya
"Wag ka nga!" ang sabi ni Eusha bigla, nakita niya kasi akong nakatingin and I don't know why she said that all of a sudden
"Bakit? Anong wag?" ang tanong ko sa kanya na natatawa
"Wag mo muna ako tignan gago ka" ang natatawang sabi niya sa akin
"Eh ikaw lang naman ang magandang tignan dito eh" ang sabi ko sa kanya
"Echos mo! Ikaw bolero ka na din ha?" ang sabi niya sa akin habang hinahawi sa kanyang tenga ang buhok niyang iyon, at kung hinde ako nagkakamali, that body language means something, natuwa ako bigla and said
"Well di naman kita binobola eh, totoo naman na maganda ka na, cute ka pa"
Napangiwi siya sabay sabing
"What ever! Nagbago ka na ha? Dati di ka naman bolero eh"
"Di naman kita binobola Eusha, you're cute and beautiful and I'm just telling the truth"
"Eh bakit hinde ako ang pinili mo dati?" isang out of the blue question, or maybe, hinde ito out of the blue question, she was really waiting for the right time to ask this question, at putang ina talaga, kakacooldown lang nang linken sphere ko, kaya naman di ko nablock ang bigla niyang pagbato sa akin nang tanong na iyon, yung feeling na akala mo buhay ka pa tapos may Dagon lvl 5 pala yung humahabol sa iyo, yung ganung feeling, yun ang bigla kong naramdaman and this is one question na dapat hinde ako magkamali nang sagot, it's like a chess na kapag nahawakan mo na, ito na ang igagalaw mo, at isang maling galaw lang, mag GGG ako for sure. I saw her looking at me eagerly, putang ina naghihintay talaga siya nang isasagot sa akin, gustong isipin na nagbibiro lang siya sa tanong niyang yun pero hinde eh, she's not smiling though she's not mad or annoyed, poker face, looking blankly at me, yung tipong sa tingin niya sinasabi niya na
"Huy ano na? Sumagot ka aba? Ano maghihintay na lang ba ako dito nang sagot mo? Ano? Dali?!"
I was caught off guard, and without thinking the words na sasabihin ko sa kanya, maaring magtapos ang lahat sa gabing ito, bwisit na yan kasi, sana pala, nung sinabi niyang binobola ko siya, tinanggap ko na lang, makulit din kasi ako eh, eto tuloy, naipit na naman ako sitwasyong hinde ko alam kung ano ang gagawin, honestly, alam ko naman talaga ang dapat sabihin, pero logic na lang siguro, malamang sa hinde na magalit o mainis siya kapag sinabi ko na hinde naman kasi kita mahal noon tulad nang pagmamahal ko kay Charice, na I see you as a friend and a friend I don't want to lose that time. Gustong gusto kong iexplain sa kanya ang bagay na iyon pero mahirap din kasi sabihin iyon dahil siguro naman, kahit sa inyo sabihin ito, mapapaisip ka nang hinde maganda, I was really really pissed at myself that time, pero wala akong magagawa, eto na, di ko na siya pwedeng atrasan, isang bagay na lang ang pumasok sa isip ko, BAHALA NA SI BATMAN! I gather up all my strength, yung tipong para akong si Son Gokou na humingi nang enerhiya sa lahat nang nabubuhay na nilalang sa mundo para mabuo ang lakas nang loob ko na magsalita, I know after throwing these words, either I make it or break everything in it, the hopes of fixing things with her, the opportunity to be with her,nakakapanghina man nang itlog pero sinubukan ko talagang gawin, I closed my eyes kasunod nito ay isang malalim na buntong hininga at nang magsasalita na ako ay
"Oy giirrl!!! Sorry ha? Ngayon lang ako nakabalik! Kasi naman si nanay eh, ang dami pang pinabili!"
Isang babae ang biglang dumating, she looks normal, but the way she dress, gives a sexy impact, magaling siyang magdala nang damit, she looks sexy kahit na hinde man siya ganun kagandahan, aside from that, sadyang iba talaga ang dating nang babae kapag maputi, sa tingin ko nga, kung di siguro to mapute, hinde siya pagtitinginan nang mga lalakeng nandoon sa KTV na iyon. She looked at me and looked at Eusha
"Jow mo?" tanong nito sa kanya, I was waiting for her reply sa babaeng iyon, she did not said anything about what kind of relationship we have, instead she just introduced me
"Si El Nunal nga pala, El, si Danna nga pala kasama ko sa work"
Tumango lang kami sa isa't isa, matapos nito ay may isa pang dumating na babae na halos kasunuran lang din nitong Danna
"Oh sinetch itey?" tanong nito sa dalawa habang nakatingin sa akin
"Cristy si El, El si Cristy" ang pakilala ni Eusha sa babaeng ito, nakipagkamay sa akin ang babaeng iyon at umupo sa tabi ko
"Jowa mo Eusha?" tanong nito, I was waiting for her to reply but to no avail, she just smiled, pero ano pa bang aasahan ko, she was just doing the right thing, masyado akong umaasa sa wala, I just smiled and just resume drinking, masyado ata akong nagaasume na ipapakilala niya ako bilang jowa niya, bilang boyfriend niya, again, this Cristy asked Eusha again, and finally she answered,
"Kaibigan ko"
At yung feeling na bigla mong narinig sa isip mo yung kanta nung singer na Lilet na ang title KAIBIGAN LANG PALA, diyahe, yun ang biglang tumugtog sa isip ko, habang dinadama ang manakanakang kirot sa dibdib ko, it hurts, marinig mong sabihin yun nang taong gusto mo sa iba, kaibigan lang

"Kaibigan o Ka – ibigan?" ang tanong muli nitong babaeng to, and again she said
"Kaibigan ko nga lang Cristy" and again, aray, nasaktan na naman ako, tang ina talaga, the truth hurts nga naman, at haup tong katabi kong babae na to, sarap konyatan eh, paulet ulet nang tanong, sinabi na ngang kaibigan lang, kaibigan niya lang ako! Pero bakit ba ako nagrereact nang ganito, wala naman mali sa sinabi niya, for now, we're just friends, pero, mabago pa kaya ang katayuan ko sa buhay nya? Habang iniisip ko ang mga bagay bagay na ito, suddenly this girl beside me poke me and asked
"Di talaga kayo ni Eusha kuya?" sa totoo lang gusto ko nang sarguhin tong babae na to, kung di lang to cute, at kung pwede lang talaga gawin sa babae yun, baka tumilapon na tong babae na to, ewan ko ba kung hinde niya maramdaman na naiilang na naiinis na ako or talagang inaasar lang talaga ako nitong katabi ko na to.
"Tigasan ka? Ngayon lang kasi may pinakilala sa amin tong si Eusha na guy friend niya, ang kilala lang namin eh yung aroganteng ex nitong babae na to, kala mo kung sinong gwapo eh" ang biglang sabi ni Danna sa akin. Napansin ko na kiniliti ni Eusha ang katabi, marahil ay sign ito na itigil ang topic na gusto nitong umpisahan pagusapan, maari ding ayaw lang ni Eusha na pagusapan iyon.
"El tigasan ka?" ang tanong muli nang babaeng ito sa akin, di ko nagets kung bakit biglang natawa ang katabi kong babae, kinalabit niya ako at ngumite
"Kuya, tigasan ka ba?" ang tanong niya ulet habang natatawa, nakita si Eusha na napapailing at napakapit sa noo habang tila natatawa din, sa totoo lang, I feel out of place sa sinasabi nila, muli, tinanong ako nang babaeng katabi ko, but this time, it was in a soft seductive manner habang mapang akit niya akong tinitignan at doon ko lang nagets kung bakit sila tumatawa
"Kuya... Tigasssaan ka..."
At nang nakita nila siguro ang reaksyon nang mukha ko ay bigla silang nagtawanan, nahiya ako bigla sa akin sarili, putang ina, ang slow ko sa bagay na yun ah, and damn, I did not know, that Eusha is hanging out with these green minded girls, no wonder she really changed the way she was before.
"Si kuya naman ang slow" ang sabi ni Danna
"Ang cute nga eh, lalo na yung mole niya" ang singit pa ni Cristy, and she was being flirty with me, something na ikakasaya ko sana, if I don't have this resolve of wanting to be with Eusha, and looking at this girl, palong palo naman siya, unlike Danna, this Cristy eh masasabi mong maganda talaga, medyo cute at matangos ang ilong, may pagkachinita and her whole face is a master piece, even though may mapapansin kang isang bagay sa kanya kapag ngumite, may pagkasungki ang iba niyang ngipin even though, mukhang sinusulusyonan niya na ito because of her braces, isang bagay na medyo nagpaturnoff sa akin. Di ko alam kung bakit I don't find it attractive sa babae, siguro, inis lang ako sa babaeng kilala ko na may brace sa din sa ngipin na gandang ganda sa sarili, that is ang asawa nang aking kuya at sa kung katawan naman, hinde man siya ganun kapayat, she still got that curve, though mapapansin na medyo malaki ang puson niya, medyo napaisip nga ako eh, either talagang pusunin ang babaeng ito or maybe she's a single mom who just recently gave birth. Medyo pasimple akong lumingat kay Eusha but that time, she was busy holding her phone, texting someone or reading someone's text. Sa isip ko kasi, in this scenario, lalapit siya sa akin, papaalisin sa tabi ko ang babaeng yun because she was getting jealous, but I guess, hinde ata totoo ang nakikita ko sa movies or telenobela, or sadyang wala lang talaga siyang pake, but it's a real mystery for me kung bakit ganun siya, when she told me that she is willing ulet na magago, kahit na medyo iba ang term, para sa akin, it means she is ready to love me again, or ako lang ba ang nagiisip nang mga bagay na yun. Naiistress na naman ang utak ko kaya naman napakuha ako nang yosi sa bulsa ko
"Ay kuya, menthol ka din pala?" ang biglang sabi nitong katabi ko, tumango lang ako and when I offered her some tumangi siya instead, when I light my cigarette, she took it at doon pumuff, tumingin siya sa akin and smiled. Ayaw ko naman magassume sana but, what the hell? Is this girl, a friend of Eusha, trying to flirt with me? Kumuha ako nang panibagong stick but she said
"Naku kuya, eto na lang, nakipuff lang ako sa iyo wag ka magalala di naman ako basa magyosi eh" ang sabi niya sa akin
"Palibasa iba ang namamasa sayo!!" ang singit ni Danna, nagkatawanan ang dalawa at kita ko sa mukha ni Eusha ang pilit na ngite
"Wait... does that mean... ohohoy!" ang bigla kong sabi sa akig sarili, if di ako nagkakamali nang conclusion, nagseselos siya, pero di lang niya pinapahalata, pero again, agad ko nang inalis ang assumption na ito, mahirap nang umasa sa wala, kaibigan lang eh, saklap talaga. After a while, they decided singing, and when I said they, si Danna at si Cristy, ako at si Eusha eh tagapakinig lang, habang umiinom at hinahayaan silang magkakanta, and I admit na magaganda ang boses nang dalawang to, pero may mga kinakanta din silang sablay, and then I was wondering why Eusha is not singing, kung di naman pala siya kakanta, bakit pa kami natambay sa KTV bar na ito, ngayon, di ko na alam kung maniniwala ako sa sinabi niya na bakla ang mukhang rakista na lalake na yun, kasi naman, why would you go on a place na hinde mo naman pala trip puntahan? Again, I try to rebut these thoughts, maybe the ambiance, since maganda nga naman ang ambiance, and maybe, just maybe, dahil nga sa mahilg magkakanta ang dalawang kasama niya sa work na mukhang kaibigan na din niya kaya siya natatambay dito. Nakatulong makarelax sa akin ang pagyoyosi ko while drinking, and I notice something, bakit nga ba hinde kami naguusap ni Eusha, gusto ko sanang magopen nang topic sa kanya or makipagkwentuhan or kamustahin siya ngayon kung ok lang ba siya but seeing her not taking a single glimpse sa akin, parang may mali. Alas dos na nang magdesisyon na kaming umalis sa KTV bar. Nauna nang umalis ang dalawa at kami naman ni Eusha ay naglakad pauwi sa kanila. Di ko alam kung masasabi ko bang masaya ang gabing iyon or what, madaming nangyareng di ko inasahan, and as we walk, she suddenly stopped walking, nagtaka ako and turn around
"Bakit ka tumigil sa paglalakad Eusha?"
Di siya nagsalita, she was not even looking at me, and di ko alam bakit ba pakiramdam ko, may mali akong nagawa, I was going to hold her hand but before even I even reached it, iniwas na niya agad ito
"Eusha .." ang mahina kong sabi, without looking at me, she said
"B..bakit... bakit hinde ako... bakit hinde ako ang pinili mo noon?" she was stuttering while asking this, sa boses niyang iyon, halatang pinipigilan niyang maiyak. I don't think she's drunk enough to be like this, compare sa ininum naming last time, this was nothing, so I know, she was asking this question not because she was drunk, it's because she really wanted to know, gets ko ang gusto niyang ipahiwatig, pero kahit ako sa sarili ko, hinde ko alam ang kasagutan sa tanong niyang iyon, bakit nga ba hinde na lang si Eusha, before I have Amanda, and then she left and somehow faith let us meet up again but only this time, I fuck inlove with another woman, and again, she was left behind, physically masasabi ko na maganda siya, kalog, someone who you would fuck inlove with right away, but before, why the blind eye for her? Wala talaga akong masabi kung hinde
"Sorry... sorry talaga Eusha"
"Alam mo, till now, hinde ko magawang alisin sa isip ko yun, na di mo ko nagawang mahalin despite of everything I showed you, despite of everything I did para maramdaman mo na mahal kita, pero hinde, you choose someone else, and I was able to accept that, pero bakit ganito, akala ko nakalimutan na kita pero putang ina El, bakit hanggang ngayon ganito pa din ang nararamdaman ko sa iyo"
Hinde man siya umiiyak, her tears did not stop themselves pouring out on those eyes, and looking at her really breaks my heart, lalo pa't alam ko na ako ang dahilan nang pagiyak niyang iyon.
"El, kung ikaw ba nasa kalagayan ko, kung ako ikaw,papayag ka pa ba na bumalik ako sa buhay mo? Tell me?"
Wala akong maisagot sa kanya, nanlalamig na naman nga ang pakiramdam ko, wala akong maisagot sa kanya, at meron man akong maisip I don't have the balls to say it, dahil alam ko, if I said something really really bad, something really really stupid, this dream of mine being with her will be gone, for good. Kahit na alam ko na magagalit siya, kahit na alam ko na maiinis siya, wala na akong nagawa pa kung hinde yakapin siya, I wrapped my arms around her so tight, at paulit ulit kong sinasabi na
"Sorry... please for give me"
And as expected she was struggling para makawala sa pagkakayakap ko, but I did not bulge nor try to let her go, kahit na nararamdaman ko na kinukurot, sinusuntok niya ako, tinitiis ko, these were mere physical pain na mawawala din mamaya maya, but the pain she is feeling is something that can last for a very long time, I know how she feels that's why I understand. She was crying, while struggling, but slowly, she stop struggling, and I feel her embrace me as well. Hinalik halikan ko ang ulo niya habang inaalo ko siya and telling her
"Sorry Eusha... I'm really really sorry... kalimutan mo na ang nangyare, right now... I'm here... right now... I will try to fix things, this time, pangako, hinde na kita sasaktan... so please... stop crying"
"Gago ka kasing hayop ka, tang ina mo, napaka insensitive mo"
"I know, gago nga talaga ako, sorry na, I know it's my fault... di ko alam kung ano ang gagawin pero I will try to make things right again... sorry Eusha... truly I am"
Dahan dahan ko na siyang pinakawalan sa aking pagkakayakap at maging siya ay kumalas na din, pinahiran ko ang luha niya at pasimpleng hinalikan ko siya sa labi, nagulat siya at kasunod nito ay mabilis na nagkita ang aking pisnge at ang kanyang palad, hinde naman ito malakas at mukhang pabiro lang ito, pero nanigurado muna ako and I confirmed that she was joking about that slap, she was smiling at matapos ay sinabunutan niya ako
"Tado ka talaga bat mo ko hinalikan? Ikaw ha! Di pa kita boypren kaya wala ka pang karapatan para gawin yun"
Ang sabin iya sa akin habang nakangite, and damn, she was so cute looking at her, yung babaeng kakatapos lang umiyak tapos mamumula mula pa yung cheeks then mugto ang mata, yung parang bagong gising lang na lasing makulet, that's how she looks.
"El, seryoso ka na ba talaga sa akin?" ang tanong niya sa akin
"Well Eusha, nasa saiyo naman yan kung maniniwala ka, hinde naman kita pipilitin na maniwala, ipapakita ko sa iyo kung gaano ako kaseryoso"
"Seryoso mo mukha mo! Kanina nga lang eh mukhang tuwang tuwa ka na sa pagflirt sayo nang isa sa mga kasamahan ko sa work eh"
Ang sabi niya sa akin habang kinukurot kurot ako, I just keep smiling, I guess this will be a good day after all. Somehow, I managed to make her doubts go away, though deep inside alam ko, 80% pa lang or maybe lower, sabihin na nating 60 % pa lang siguro nang tiwala niya sa akin ang nakukuha ko, but atleast, nagtitiwala na siya, and that makes me closer to my goal, isa pa, nakanakaw ako nang halik sa kanya which is really nice, on my part that is, di ko kasi alam kung natuwa ba siya or what, all I know, somehow, I feel ok now. Nagsimula na kami ulet maglakad habang panay na ang kwento niya sa akin sa mga kasamahan niya, madalas pa niyang banggitin si Cristy na type ko daw. Ngisi lang ang nagagawa ko and just keep on listening hanggang sa makarating na kami sa bahay niya. Hinatid ko siya hanggang sa third floor nang inuupahan niyang kwarto
"El, dito ka na lang kaya matulog, gisingin na lang kita nang maaga bukas? Anong oras na oh baka mapahamak ka pa niyan?"
"Wag na, maaga pa naman, magtataxi naman ako eh, besides, gigising ka pa nang maaga niyang kung nagkataon, anong oras na oh?"
"Yun na nga eh, anong oras na tapos uuwi ka pa? Sige na, dito ka na lang matulog, gigising na lang kita, besides, I need to wake up early at may lakad pa kami ni Jules bukas"
"Sure ka ba?"
"Ayaw mo ate eh edi sige na umalis ka na" ang naiinis na sabi ni Eusha at agad na akong pumasok sa loob nang bahay niya.
Pagkalock niya nang pinto ay nagtungo siya sa kusina at kumuha nang isang baso at isang pitchel na may tubig, sumenyas siya kung gusto ko din bang uminom at lumapit naman agad ako sa kanya dahil medyo nakaramdam na din ako nang uhaw. After noon ay nagtungo siya sa banya, narinig ko ang buhos nang shower, mukhang ugali na talaga niyang magshower kahit gabi, napaamoy ako sa aking sarili, napaisip ako kung may amoy ba ako kanina nung niyakap ko siya, luckily, naman. Nagtungo ako sa may kusina at nakita ang isang maliit na pinto, nacurious ako na buksan ito and I find out na meron palang maliit na space para sa biranda ang bahay na inuupahan ni Eusha, at nakita ko ang iba't ibang kulay nang bra at panty ni Eusha, and damn, most of them looks really nice, gumana ang kalibugan ko bigla at inimagine ko si Eusha na nakasuot nang bra at panty na kulay pula, kulay itim, violet, at fusha pink, and damn, she looks hot on those, napaisip nga ako eh, kelan ko kaya siya makikita nang nakaganun? Or even better, before niya alisin ang mga ito, natawa ako sa aking sarili at napailing, magisip daw ba bigla nang ganun, nagyosi na lang ako doon and kita sa side na ito ang magagandang ilaw sa may kabilang ibayo. Habang nagmumuni muni ako doon ay may narinig akong kumakatok, napaisip ako bigla, sino naman kaya ang ang bisita ni Eusha at this time of the day, medyo kinabahan ako nang maisip ko na baka si Jules ito, and shet na malagket, ayaw kong masira ang araw ko, muli ay may narinig akong kumatok, medyo nagiba din ang isip ko dahil sa dating nang katok nito ay parang galit na hinde ko maintindihan. Nagulat ako nang marinig kong tila bumukas ang pintuan nang bahay ni Eusha, at nanlaki ang mata nang makita ko kung sino ito
"Anong ginagawa mo dito?! " ang sabi niya sa akin at bigla akong natigilan dahil hinde ko alam kung ano ang sasabihin sa kanya