1. Home
  2. Stories
  3. Kung Ako Na Lang Sana - Part 25
xTorya

Kung Ako Na Lang Sana - Part 25

By el_nunal ·

Di ko inakala na si magkikita kami ni Glenn face to face nang oras na iyon, di ko din lubos maisip na meron din siyang susi nang apartment ni Eusha, does this mean, he is still coming here? Dahil sa pagiispace out ko sa pagiisip, hinde ko namalayan na palapit na sa akin si Glenn at bigla akong sinapak, at putang ina masakit, nasargo ako nang solid sa may labi, at walang sabi sabi ay tila matic na din ang kamao ko na lumipad patungo sa mukha niya at alam kong nasaktan ko siya dahil napaatras siya

"Putang ina mo kang gago ka ha!" ang sabi niya sa akin a galit nag alit at muli itong sumugod sa akin. Amoy alak siya so alam kong lasing siya pero putang ina, ito siguro ang kaibihan nang taong tambay sa taong naggygym, kahit na nakainom siya ay ang lakas nang putang inang to, halos tumilapon nga ako sa kinatatayuan ko nang bigla niya akong balyahin sabay suntok ule sa akin sa pisnge, di naman ako nagpatalo at agad naman akong nakabawi nang sapak sa ilong, kasunod nito ay narinig ko na lang si Eusha na sumisigaw nang

"El! Glenn!!! Tama na yaan!"

Pero kapwa kaming hinde tumigil sa pagaaway, at patuloy kaming nagpapalitan nang suntok hanggang sa pumagitna na sa amin si Eusha

"Glenn ano bang ginagawa mo dito?!"

"Anong ginagawa nang putang inang lalakeng yan dito Bhebs?! Nagkakangkangan ba kayo?! Tang ina naman Bhebs wala pa tayong isang buwan na hiwalay ah! Ano to?! Bhebs naman oh!"

"Wag mo nga ako ma bhebs bhebs diyang gago ka!!!"

"Oy tang ina mo pre, ganyan ka ba desperado para manulot ka pa nang shota nang iba?! Ha?!" ang sabi ni Glenn sa akin habang dinuduro ako

"Glenn, please! Umalis ka na! Lasing ka na! Wag ka nang manggulo dito! Wag kang magsalita na parang ikaw pa ang biktima dito gago ka! Alis!!" ang sigaw ni Eusha habang tinutulak palabas si Glenn

"Wag mo na akong pagtabuyan palabas, may paa ako, at ikaw gago kang nunal ka, di pa tayo tapos gago!" ang pagbabanta ni Glenn.

"Umalis ka na!" ang muling sabi ni Eusha habang tinutulak ito, matapos ay nilock niya na ang pinto at ngayon, pati ang lock sa itaas ay nilagay na niya, tapos ay agad siyang lumapit sa akin medyo namamanhid ang kalahati nang mukha ko nang mga sandaling iyon, iwas not prepared of that, I feel exhausted as well, putang ina, siguro nga kung nagtuloy tuloy ang away naming dalawa malamang sa hinde eh durog na durog ako, grabe, it's been a while since I fist fight with someone. Kitang kita ko s mukha ni Eusha ang pagaalala at dali dali siyang nagpunta sa kanyang kwarto at may kinuha na isang box nang sky flakes, matapos niyang buksan ito ay nakita ko na may lamang bulak, bandage, alchohol, mga iba't ibang gamot. Hinde nagsasalita si Eusha habang pinupunasan ang dugo sa labi ko at sa may kilay ko, hinde ko alam na may putok din pala ako doon, hayop na Glenn yun, tila naka God's strength ah, or sadyang napakahina ko lang.
Nakaupo lang ako habang inaasikaso ako ni Eusha, she then holds my hands at putcha, para atang bakal ang sinuntok ko dahil nakita ko na may tuklap na balat sa may buto nang aking kamao, marahil yun eh nung nakikipagpalitan ako nang suntok na bahala na kung saan tumama. Pinunansan niya din ito nang alcohol at dahil sa biglang kirot ay bigla ko itong inalis sa pagkakapit niya, nagulat ako nang pitikin niya ang ilong ko
"Tsk, wag kang malikot"
"Masakit eh!" ang sabi ko sa kanya, mayamaya pa ay may muling kumatok sa pinto, agad akong naalerto at hinanda ang sarili, iniisip ko kasi na baka si Glenn na naman ito, pero nang marinig ko ang boses nito ay di na ako kinabahan, mukhang matandang babae kasi ang tumatawag kay Eusha sa labas, agad na binuksan ni Eusha nang bahagya ang pinto habang nakasabit pa ang lock nang pintuan. Mayamaya pa ay bumalik na siya na tila ba inis na inis

"Bakit daw? Sino yun?"

"Siya yung bantay sa compound na to, tinanong kung anong nangyare, tapos pinagalitan ako wag na daw mauulit na may manggugulo dito at baka daw palayasin din niya ako tulad nitong sa kabila, nakakainis talaga yung putang inang yun"

"Eusha, nagpupunta pa ba siya dito lage?" tanong ko bigla sa kanya

"Hinde na, simula nung maghiwalay kami, hinde ko na siya pinapapunta dito"

"Nagsasama ba kayo dati?"

"El bakit ba tinatanong mo pa?"

"Kasi nakapasok siya dito... Eusha, bakit may susi pa siya nang apartment mo?"

"Hinde niya kasi binigay sa akin nung kinukuha ko sa kanya, akala ko nga nakuha ko na yun eh kasi alam ko may kinuha akong susi sa pitaka niya, siguro duplicate niya yun, pasensya ka na at nasaktan ka pa"

"Papalitan mo na lang yung lock bukas, gusto mo bumili din ako bukas agad, hinde pwede yun, paano kung wala ako dito, lasing pa siya, mamaya kung ano gawin niya sayo"

Paliwanag ko sa kanya habang naiinis ako, napansin ko na nakangisi siya habang nilalagyan nang band aid ang sugat ko sa kamy

"Eusha, hinde nakakatuwa huh?"

"Opooo magpapalit na bukas" ang sabi niya at sa tono nang pananalita niya ay tila ba natutuwa siya, hinde ko na lang iyon pinansin dahil ayaw ko pang maiinis lalo, mahirap na, naiinis ako kasi nagmukha akong talunan kanina, nakakainis, hinde ko talaga inasahan ang suntukan na yun.

Nagulat ako nang bigla niyang hawakan ang baba ko at gamit ang isang bulak ay dahan dahan niyang dinampi dampian ang putok sa aking labi. I was looking at her habang seryosong seryoso siya sa pagaasikaso sa akin, bigla ko ngang naisip, putang ina, ano kaya kung halikan ko to ngayon? Kaya lang imbes na maging ok na ok ang moment ko na to eh biglang madisgrasya pa, kaya naman binaling ko na lang ang atensyon ko sa iba. Matapos niya na akong maasikaso ay tinulungan ko siya sa pagaayos nang mga nagulong gamit niya sa bahay. Natapos kaming maglinis nang 4 na halos nang umaga.
"Eusha, uwi na ako" ang sabi ko sa kanya

"Uuwi ka pa?"

"Eusha anong oras na oh, diba sabi mo may lakad kayo ni Jules mamaya? Isa pa"

"Ay hinde! Dito ka lang, matulog ka dito, mamaya kung ano pa mangyare sayo sa labas eh, mamaya nandyan pa yung gago na yun nagaabang lang, dito ka na magpaumaga, ok?"

"Eh paano pagnakita ako ni Jules dito bukas?"

"Eh bahala na, basta, dito ka lang"

Hinde na ako nakipagtalo pa kay Eusha, medyo masakit din kasi ang ulo ko, but somehow, I think, this night is really something, I managed to kiss Eusha, I managed to make her feel good, she took care of me, and the best part, damn, this is the 2nd time I am sleeping in this house. Matapos niya akong bigyan nang unan ay pumasok na siya nang kwarto niya habang ako naman ay pinipilit na makatulog. Suddenly, I remembered something me and my friends bago ko makilala ang mga kaibigan ko now about girls, this one guy who named Jose is popular sa mga kaklase naming babae, gwapo naman kasi siya, ,maputi at higit sa lahat, kasali siya sa isang gang sa amin, napaisip nga ako bigla, kumusta na ba ang kumag nay un? Siya ang kauna unahang nakasuntukan ko nang matransfer ako sa school na iyon and right after that, medyo naging ok na siya makipagusap sa akin, we're not that close pero we do respect each other, I remembered something he said to me before noong graduation naming noong grade 6 ako, the reason why I did it to my very first GF
"Pre, pa gang babae, inaya ka na sa bahay nila or sumama na sa iyo sa bahay, tanga ka na lang kapag wala pang nangyare sa inyo"
Which in the past few years before I started working eh napatunayan ko naman, there's a lot of things that happened before, and whenever I am thinking of it, somehow, it was the same situation as this, even though, those we're no just for fun, out of curiousity. I was thinking now what he said before
"Bakla na lang pre ang lalakeng di tutuka sa lumalapit na palay"
I suddenly punched myself to the face, putang ina, ano ba tong pinagiisip ko,alam ko na there is a chance na maging kami, medyo nagkaroon ako nang gleaming light of hope after what happened tonight, and the way she reacted earlier, but, it doesn't mean that all of a sudden, pwede na agad ako magconclude na pag ginusto ko na may mangyare sa amin, mangyayare, there's a very slim chance that she wanted to have sex with me, but remembering that she's the one who said she's not a flying V no more, makes me wonder, hinahanap hanap kaya niya yung unang tikim niya? As a guy, who knows that she was a virgin before, it would be kinda insulting kung babalikan ko pa siya na nakuha na nang iba, if I were that close minded, baka isipin ko na malanding babae si Eusha, hinde ba ganun naman kadalasan ang perspective nang mga tao especially sa mga taong mapangmata, and I will admit, before all of these things happened to me, I was also only looking on the one side of the story, I still remember yung mentality na kapag may tattoo ka, criminal ka, pagnakasuot ka nang maikling short, malande ka, pokpok kang babae, kapag umuuwi ka nang gabi, nagaadik ka, pero I was wrong when I started opening my eyes to the other side of the field, knowing the other side of the story will surely makes you think twice of judging someone, and ofcourse, if you find out that a certain girl gave up something that can never be returned, it means that she really loves that person so much, but, hinde naman lagi ganun ang istorya, there's always different reason behind these, pero in general, they love and trust a certain individual. Kaya naman alam ko sa sarili ko, hinde pwede na ganun lang kadali yun, besides, I am now happy on what's happening to me with her, darating din ang araw na yun, right now, I don't want to have sex with Eusha, rather, I want to make love with her. Bumangon ako at nagyosi na lang ulet sandali, hinde na kasi talaga ako tamaan nang antok dahil sa nangyare, now, I am really worried about Eusha, naisipan kong silipin siya sa kanyang kwarto, nakasara ang pintuan nang kwarto niya and I was thinking maybe it was locked, ofcourse, bakit hinde, may kasama siyang lalake ngayon sa bahay , safety precaution kumbaga, but when I tried opening the door, nagulat ako dahil hinde ito nakalock, I can twist the door brass at dahan dahan kong nabuksan ang pinto, and slowly take a look inside Eusha's room and putang ina, I saw her, nakatlikod man siya, I can se her not wearing but her undies, and when I say her undies, panty lang niya, and she was naked from the top, at di ko ipagkakaila, as a man, my blood suddenly woke up, naginit ako, because this is the first time, I saw her half naked, and putang ina, pinagpawisan ako, I was pinned where I was standing as I was starring at her, in this case, peeping at her, and for the first time, di ko maintindihan ang sarili ko, bakit tila ata ang bilis bilis nang pagtibok nang puso ko, ultimong paglunok ko sa sarili kong laway ay hirap na hirap ako, I was shaking so bad, di ko alam kung bakit, putang ina, para bang ngayon lang ako nakakita nang hubad na katawan nang babae sa nangyayare sa akin, ever had this feeling na para kang nanginginig at nanghihina dahil sa nakita mo, let's say ghost? A very terrible accident? Basta di ko maintindihan ang sarili ko, maybe, this is somehow, a warning? Dahil ba alam na alam ko, na kapag ginawa ko ang iniisip ko, di lang mawawala ang lahat nang pagasa ko sa kanya, maaari din akong makasuhan at makulong kapag nagreklamo siya, something which is not funny nor to be ignored, or maari din naman na, deep inside of me is telling me something, DON'T FUCK THIS ONE UP EL NUNAL!!!! I slowly closed the door, as silent as possible, at dahan dahan din akong naglakad palayo nang pintuang iyon, muli ay nagsindi ako nang yosi, putang ina, hati ang pagiisip ko that time, am I chickening out? Or am I just really respecting her? Or am I just too damn afraid to do it to her? If so? Why?!

Putangang Glenn kasi yan, mukhang naalog ang utak ko sa pagkakasapak niya sa akin kanina, I know, what I did just now, is something not every guy whom I will talk to will believe, but who cares, ayaw ko na lang isipin ito, matapos kung magyosi ay humiga na ako sa sofa, at matapos nito ay pinilit ko na lang matulog, eventually, I fell asleep.
Nagising ako sa naramdaman kong pananakit bigla nang aking kilay, labi at kaliwang pisngi nang sabay sabay, kasunod pa nito ang pananakit din nang aking balakang at tuhod, marahil ay ngayon ko lang nararamdaman ang mga strain sa muscles ko na aking natanggap mula sa pakikipagaway kagabi sa lalake na yun. Napansin ko na may kumot na nakabalabal sa akin, and I feel happy all of a sudden, dahil alam ko naman kung sino lang naman ang gagawa noon para sa akin, but then, I noticed the sun shines brightly mula sa bintana, at agad akong napabangon, I looked at the clock and it was 11am already, nagtataka naman ako kung bakit hinde ako ginising ni Eusha, and wala ata akong narinig na bangayan sesyon dahil ang alam ko nga eh pupunta si Jules dito. I stand up at bubuksan ko sana ang pintuan nang kwarto niya pero bigla kong naalala kung ano ang itsura niya kagabi, mahirap na, baka mamaya eh magalit pa siya kapag bigla na lang ako pumasok sa kwarto niya, I decide to knock at her door habang tinatawag siya

"Eusha... Eusha... Gising ka na ba Eusha?"

Pero ilang ulet na ata ako kumakatok ay walang sumasagot, so I was wondering kung mahimbing ba ang tulog niya or what, and I am so damn scared to open the door. Umupo na lang ako ulet sa may sofa at nagsinde nang yosi, matapos ay nagtungo sandali sa may biranda sa may kusina at doon na muna nagmuni muni at nang makaubos na ako nang dalawang stick ay muli akong kumatok sa pintuan nang kwarto ni Eusha pero wala talagang sumasagot, medyo malakas na ang katok ko, di bale nang magalit siya sa lakad nang katok ko kesa magalit siya dahil pumasok ako nang walang permiso sa kwarto niya, pero nagtaka na ako dahil sa lakas nang katok ko eh wala pa ding sumasagot, medyo nagtaka na ako and that time, nilakasan ko na lang ang loob ko na buksan ang pinto nang kwarto niya, bahala na si Batman, isa pa, hinde ko naman kung anong magiging reaksyon na, pero nabalewala ang pagaalala ko nang pagbukas ko nang pinto ay walang tao sa loob nang kwarto niya, she left already, napaisip ako bigla, umalis ba siya at pumunta na kina Jules instead of Jules, coming here, iyon siguro ang rason kung bakit wala akong narinig na bangayan kanina. I checked my phone but it was low batt, napakamot ako sa ulo dahil wala naman akong charger na dala that time. Hinde ko tuloy alam kung may messages ba siya sa akin, kung may tumawag ba sa akin or what. Napansin ko din ang isang plato sa may lamesa na hinde ko agad napuna kanina, inangat ko ito at may luto nang itlog na sunny sideup at corned beef at may isang papel na nakasabit sa may ref na dinikit gamit ang isang magnet
"El, pasensya na kagabi, kumain ka na diyan, pakihintay naman ako na umuwi, thanks"
Napangite ako, simple message yet may kakaibang saya itong naidulot sa akin, call this weird but I after reading what's written on that piece of paper eh kinuha ko ito at tinago sa aking wallet. Matapos ay nagsimula na akong kumain, and even though these were just simple food, somehow, for me, it really tastes good, mula sa kanin, hanggang sa itlog na kahit medyo sunog pa nga ay nasarapan pa din ako, siguro, iba lang talaga ang lasa nang pagkain kapag ang taong gusto mo ang naghanda para sa iyo, kumbaga, kahit simpleng pagkain, nagiging espesyal kapag nilalagyan nang puso.Naisipan ko tuloy biglang magpakitang gilas sa kanya, lumabas ako nang bahay at agad na nagtungo sa nakita kong malapit na palengke sa lugar niya. Matapos kong mamili ay agad din akong bumalik sa bahay at nagsimula nang magluto. Habang abala ako sa pagluluto ay mayroon biglang kumatok sa pintuan, napaisip ako kung sino iyon, isang tao agad ang pumasok sa isip ko, si Glenn. That time, I was not in the mood for brawling, pero di naman ako papayag na maulit pa ang nangyare kagabi,pero ayaw ko naman na gumawa nang eksena sa lugar na ito, naalala ko bigla ang sinabi ni Eusha sa akin kagabi na mapapalayas na siya sa apartment na to kapag may ganung klaseng pangyayare pang mauulet.

"Tao po?! May tao ba diyan?"

Isang boses nang lalake ang aking narinig, at sigurado naman akong hinde si Glenn iyon, nakahinga ako nang maluwag pero for safety measures, isinabit ko muna ang kadena nang lock nang pinto ni Eusha bago ko buksan ito nang bahagya

"Kuya, good morning, ako po yung magaayos nang pintuan, pinapapalitan nyo daw po kasi yung door knob?"

Natuwa ako nang marinig ko iyon at agad kong pinatuloy ang binatang iyon at pinagpatuloy ang pagluluto habang siya ay abala naman sa pagaayos. Nang matapos na niyang gawin iyon ay tinanong ko siya kung libre ba iyon o bayad na
"Ay hinde kuya, sabi sa akin dito eh kayo daw ang magbabayad"

"Ganun ba? Magkano?"

"350 po lahat kasama labor"

Hinde ko alam kung over price bay un o hinde, pero maliit na halaga naman ito para sa kaligtasan ni Eusha kaya naman wala na lang akong imik na binayaran ang binatang iyon. Pagalis niya ay muli kong sinilip ang kaban nang cash nang wallet ko, malapit lapit na palang maubos ang pondo ko, pero di naman ako nababahala dahil limang araw na lang naman ay malapit nang magpadala ulet sa akin ang mama ko. Matapos na maluto ang pagkaing nilaan ko para kay Eusha ay nagyosi na lang muna ako sandali sa may kusina habang iniisip kung nasaan na kaya si Eusha, anong oras kaya siya babalik? Siguro hinde naman siya aabutin nang gabi dahil sabi niya sa sulat na iniwan niya sa akin ay hintayin ko siya, knowing na natutulog pa ako, so malamang sa hinde ay mga hapon or baka nga maya maya lang ay nandito na siya. Medyo nakaramdam ako nang boredom sa pagtayo tayo lang kaya naglinis linis na lang din muna ako sa bahay ni Eusha. Dito ko napansin ang mga binabasa niyang mga pocket books, mga magazine for fashion, at sa pagaayos ko nang mga gamit niyang iyon, may nakita ako isang notebook, nacurious ako kung ano ang mga nakasulat dito. Sa mga unang pahina ay mga scribbles, mga drawing nang stickman lang ang nakikita ko subalit nang muli kong ilipat ang ibang pahina nang notebook na ito ay mayroon ata akong isang bagay na hinde pakielaman, isa itong pagsisimula nang isang sulat sa Diary. Alam ko na di ko dapat pa na basahin iyon pero I wanted to know something more about Eusha, luckily, she is not using her native language when writing these notes kaya naman naiintindihan ko, may mga nakasulat pang date at araw. May mga dates na mula pa noong highschool siguro siya at college, I read some stuffs na medyo nakakatawa, kung paano silang tatlo ni Jules at ni Stella eh pinagtripan ang isa nilang kaklaseng lalake, I even laughed when I found out that ang unang halik ni Eusha eh si Jules dahil daw sa nagprapraktis sila kung paano humalik nang lalake. And then I also read something about her first experience being kissed by someone, her very first BF. Hind ko na tinuloy ang pagbabasa sa part na iyon, and then I try looking a certain event na maaring sinulat niya. Medyo may kakapalan ang note book na iyon, and finally, nakita ko na ang hinahanap ko, ang unang araw na magwork si Eusha sa callcenter
~Dear Diary,
I was really surprised how amazing it is too meet some peeps here sa Manila, I was always being followed by this guy pero di ko naman siya type pero hinde ata siya makaintindi nang tagalong, sana pala Inaklanon ko siya baka sakali. The interview in this work is very different compare sa mga una kong inapplyan. Sa totoo lang, this day eh naka limang call center company ata akong inapplyan pero sa naunang tatlo bumagsak ako, but somehow I manage to got a final interview sa last two na sinubukan kong pasukan. It was really strange how people see me cute, nakakatuwa man pero I don't see myself that way, may iba pang nagsasabi na maganda daw ako pero gusto ko silang sipain lahat dahil wala naman talaga akong makitang ganda sa sarili ko, ok pa sana kung sasabihan nila ay si Jules at si Stella, sayang, if only Stella doesn't have that stupid guy around, sana magkasama kaming nagapply today. For now ito na lang muna, sana maging ok ang final interview ko, kung nandito lang siguro si Ace, magkakaroon ako nang kumpyansa sa sarili, I miss him diary... sana magparamdam din siya sa akin~

Napaisip ako bigla kung sino ba yung Ace na iyon, yun ba ang first bf niya? Hinde ko kasi binasaha lahat nang mga nakasulat sa notebook niyang iyon, nagkibit balikat nal ang ako at muling binasa ang kasunod na pahina

~Dear Diary
I failed sa unang company na pinuntahan ko for the final interview, grabe, napakastrict at nakakanose bleed pala ang mga tanong sa huling part nang interview na yun pero no wonder, it is a big company naman kasi with good incentives tulad nang sabi nang kakilala ko, but somehow, masaya ako at pumasa ako sa pangalawa, akala ko parehas akong babagsak, starting tomorrow magtratraining na kami, but I don't know kung kelan nila ako tatawagan, sana, maging ok ang unang experience ko as call center agent. I texted Ace but he did not replied to my messages, ano na kaya ang nangyare sa kanya, it's been two mionths now since umalis siya, siguro busy lang siya and besides, alam ko na magkaiba oras naming, pero diba, kung gusto naman may paraan? Pupuntahan ko na lang muna siguro si Stella, she needs advice na naman kasi, ewan ko ba kung bakit hinde pa niya hiwalayan ang lalake na yun? Oh well, need to go, sasusunod ulet~


~Dear Diary,
~ Nakakapagod na araw, hinde ko inasahan na magiging ganun pala kahirap ang unang araw nang training namin. I saw someone interesting today, hinde naman siya kagwapuhan, pero di ko alam bakit ba ako parang nagkainteres sa kanya. He seems to be popular with the other guys, he seems nice naman, may naalala ako sa kanya, siguro, I'm just missing Ace so much, kumusta na kaya siya, bakit parang hinde siya excited kahapon nung nagkausap kami? Is he tired? Medyo napansin ko na masungit na siya sa akin, siguro nakulitan lang siya sa dami nang messages ko sa kanya. Nakakainis siya, kasi di man lang niya naisip na kaya lang naman ako ganun eh namimiss ko siya, good thing this new guy keeps me entertained, sana maging close kaming dalawa nang lalake na yun, I don't know why but somehow I feel comfortable at him, bukas na lang ulet  ~

~Dear Diary,
Nakakainis, hinde ko maintindihan ang sarili ko, bakit ba pakiramdam ko ay nagseselos ako, hinde ko dapat maramdam to sa kanya dahil una sa lahat, may boyfriend na ako, pangalawa, may girlfriend na din siya, parehas kaming merong commitment. Hinde ko maintindihan ang sarili ko, hinde kaya dahil pakiramdam ko ay balewala na lang ako kay Ace? Hinde ko alam kung bakit ba parang hinde man lang niya ako namimiss? Ganun ba talaga kabusy ang trabaho niya sa Dubai? Sana naman hinde totoo ang hinala ni Stella at ni Jules na may babae na nga si Ace sa Dubai kaya niya ako ginaganito ngayon. Nakakainis talaga, pero naniniwala ako na hinde totoo ang mga sinasabi nila, besides, hinala lang naman nila iyon. Last one week na lang at matatapos na ang training namin, susubukan kong makipaginuman sa kanila para naman makalimot ako kahit papaano, I really miss that guy.

~Dear Diary,
Hinde ko alam kung bakit bigla na lang nawala ang lalake na yun, alam ko naman na pumasa kami sa training, hinde kaya nakahanap na siya nang mas magandang trabaho? Sayang, gusto ko pa naman sana siyang itreat ngayong araw, he was kind to me this whole training.Nasaan na kaya siya?

Si Ace naman, hinde ko alam kung bakit hinde niya sinasagot ang mga tawag ko, hinde rin niya sinasagot mga messages ko, hinde ko alam kung dapat na ba ako kabahan or what, I saw him tagged with a girl sa facebook ko, and he liked that picture, pero bakit hinde manlang niya nakita ang messages ko? Hinde kaya totoo ang sinasabi nila Stella at Jules sa akin? I don't want to believe on them, pero di lang sila ngayon ang nagsasabi, sana naman hinde totoo ang mga yun, natatakot ako, ayaw kong matapos kaming dalawa nang ganun na lang kadali.

Napahinto ako sa pagbabasa sa part na iyon, and I never realized that behind those cute smiles before, may ganito pala siyang pinagdadaanan, im not certain kung sino ba minemention niyang lalake, I don't want to assume na ako yun pero mukhang ako ata ang sinasabi niya sa diary niya, pero I am not sure dahil wala naman sinusulat na date or araw, siguro ito lang talaga ang way kung paano niya ilabas ang sama nang loob niya, in that way, she can express her pain para sa susunod na araw ay muli siyang makakangite. Pinagpatuloy ko ang pagbabasa nang iba pang nakasulat dito, at isang note ang nakakuha nang husto nang aking atensyon, this happened a long time ago, and until now wala pa din akong idea kung ano ba nangyare that night and I guess I am about to find out

~ Dear Diary,
This is something that suddenly happened, medyo napadami ata ang inom ko, together with this guy, El Nunal, and for the first time, I am dragged to something na hinde ko pa nagawa on my entire life, we do silly things, me, him and Jules. We got so drunk dahil kay Stella and Jules, and out of dare, I did something stupid, I know that I am not that drunk, but, hinde ko alam kung bakit ba, kahit alam ko na mali, I still did it, is it because I wanted to forget things at that moment? Is it because I am fucken in this guy? Or is he just managed to make me feel so good, so important, kahit na alam ko, he was interested with someone else, pero kahit only this night, I wanted to be someone important to someone, I wanted to be with him, kahit na alam kong lasing siya, and I know, he might not remember anything, sinabi ko sa kanya na gusto ko siya and kissed him, the 2nd time I kissed someone dahil gusto ko siya, but the night after that, tulad nga nang iniisip ko, wala nga siyang matandaan but it's ok, I wanted to forget that night as well, for my own sake, if I don't want to cry anymore, I need to forget what happened last night.
Hinde ko alam ang mararamdaman ko that time, matutuwa ba ako or maguguilty, I still remember that day, na ang huling natatandaan ko nga ay uminom kami nang sobra, and then sudden black out, and then 1st thing in the morning, ang naalala ko na lang ay medyo masakit ang aking braso noon, and I do remember Stella and Jules asked me something, if may natatandaan ba ako sa nangyare sa gabing nagdaan. Babasahin ko pa sana ang ibang nakasulat dito nang may marinig akong naglalakad sa labas, I was thinking na baka si Eusha ito kaya naman agad ko nang binalik kung saan ko nakuha ang notebook na iyon. Since pinalitan ang door knob nang kanyang apartment ay malamang wala siyang duplicate nang susi nito so I opened the door and to my surprise, it wasn't her, but some other lady who looks surprised as well. Looking at her, she's quite a cutie, hinde siya maganda pero cute siya, but damn her body will rock your world especially those bumpers of her na may kalusugan and she seems looking for someone, and then she suddenly asked
"Kuya, saan na po yung nakatira dito? Sa kabilang apartment?" tanong nito sa akin

"Miss hinde ko lang alam, bago lang kasi ako dito eh, natanong mo ba yung may ari nang apartment"

"Umalis daw eh, mamaya pa babalik"

"Ganun ba? Hinde ko kasi alam kung..."

"Kuya, di ba ikaw yung kaibigan ni Shiella?"

"Shiela? Sinong Shiela?"

Natahimik ang babaeng ito at napailing

"Sorry, I guess, I was not thinking right that time kung sabagay, I am always not thinking right, anyway..."

Kumuha siya nang papel at ball pen sa dala niyang purse bag at may kung ano siyang sinulat mayamaya pa ay inabot niya sa akin ang pinunit niyang papel

"If ever na dumating ang may ari nang apartment na to kindly text me naman or even a miscall, by the way, ano bang pangalan mo kuya?"

"El nunal miss...?"

"Ellaine"

Matapos ay nagpaalam na siya, before I close the door ay muli itong bumukas, and it was Eusha

"Sino yun?" tanong ni Eusha sa akin, marahil ay tinatanong niya ang babaeng kakaalis lang. Di ako agad nakapagsalita agad after seeing her, damn, she was so damn hot wearing that black tight sando along wth that skinny white jeans at hulmadong hulmado ang katawan niya, and she was carrying this stripped polo, ito marahil ang suot niya kanina at inalis lang niya ito along the way here.

"Huy! Sino yun?!" ang natatawang sabi niya sa akin habang natatawa at pabiro niya akong sinuntok sa sikmura

"Ah, sorry sorry, ang ganda mo kasi sorry ha?"

"Ulul! Mukha mo! Mambobola ka pa" ang natatawang sabi niya, she suddenly snatched the paper that girl gave and looked at me

"Aba, kinuha mo pa pala number niya huh? Sana hinatid mo na din palabas"

Ang tila ba naiinis na sabi niya at binangga niya ako nang malakas, natawa ako bigla and I suddenly hold her hands

"Ellaine daw ang name niya and she was looking for the guy sa kabilang apartment, she told me na itext ko siya kapag nandito na ang may ari nang apartment, wag ka na mainis, im not interested in her"

She pulled her hand out of my hand and then punched me

"Ewan ko sau!" she was annoyed and I don't know why, isa lang naman ang naisip ko,
is she jealous? Habang nakatalikod siya ay agad ko siyang hinabol at niyakap

"Uy! Ano bang – "

"Wag ka na mainis Eusha, sorry na"

"Ito parang timang, wag ka nga, pakawalan mo nga ako El" ang sinasabi ni Eusha pero hinde naman siya pumapalag sa pagkakayakap ko, hinde naman siya kumakawala, and I started kissing her head, her neck at tila ba nakikilita at napapatawa

"Eeell anoh baah, nakikiliti ako" ang sabi niya sa akin at medyo nagligalig na siya at dahil dito ay natumba kami sa sofa at kasunod nito ay nahulog din kami sa sahig, mabuti na lang ay hinde siya ang unang nahulog sa sahig kung hinde ako, nauntog nga lang ang ulo ko sa sahig at medyo nasaktan ako

"Ayan! Kasi eh! Ang kulit kulit mo, ano ok ka lang ba?" ang sabi niya at dali dali siyang tumayo sa pagkakaibabaw sa akin. Tinulungan niya ako na dahan dahang umupo habang panay ang hagod ko sa aking batok. I saw her so worried kaya naman kahit na medyo kumikirot pa ay sinabi ko na lang na

"Naku, ok lang, sorry na ha? Wag ka na mainis"

"Ewan ko sayo che!" ang sabi niya muli sa akin, I smiled and then hold her face, and
I should have kissed her on her lips but instead, I kissed her on her forehead

"Like I said, I want to make things right, at kung kailangan ko na iwasan lahat nang babae na pwedeng pagselosan mo, gagawin ko, so please, sana wag ka nang magisip nang kung ano sa nakita mo kanina"

Pinitik niya ang ilong ko at ngumite

"Ang gwapo mo ha? Sino naman nagsabi sa iyo na nagseselos ako aber?"
Napangite lang ako at napailing, tumayo na kami noon at pumasok siya nang kanyang kwarto, agad naman akong nagtungo sa kusina at pinaghain siya nang makakain. Paglabas niya ay tanging short pangbaba lang ang pinalitan niya, she was wearing a short short and she seems surprised

"Oh? Nagluto ka?" ang tanong niya sa akin

"Kain na po mam" ang pabiro kong sabi sa kanya

"Ikaw? Sabayan mo ko alangan namang ako lang ang kakain"

"Kakakain ko lang eh"

"Eh bahala ka hinde ako kakain kapag hinde ka sumabay sa akin" ang sabi niya sa akin, and wala na ako choice kung hinde kumain na din.

"What time ka pala uuwi?" tanong niya sa akin habang kumakain kaming dalawa.

"Mayamaya siguro, wala pa akong ligo at tooth brush eh " ang natatawang sabi ko sa kanya

"Tska Eusha, may charger k aba para ganitong phone?"

Tanong ko sa kanya at pinakita ko ang aking cellphone

"Ah meron, sandali"

Muli siyang pumasok nang kwarto niya at inabot sa akin ang charger, agad kong sinaksak ito sa may bakanteng plug sa may kusina hinintay ko muna na magbukas ang cellphone ko bago ko ito iwan doon at muling nakipagusap kay Eusha.

"So kumusta naman ang lakad mo?"

Tanong ko sa kanya habang abala siyang nagtetext kung kanina nang sandaling iyon

"Ok naman, medyo malayo layo lang ang pinuntahan namin ni Jules kanina, actually kanina nga gusto kitang tawagan paalisin n asana kita kasi akala ko pupunta si Jules dito nung pauwi na kami, good thing may nagpunta daw sa bahay nila na bisita kaya ayun, nagpunta na lang siya sa bahay, dapat nga sasama ako pero I remembered you, ano nga pala pumasok sa isip mo at nagluto ka bigla?"
"Kasi pinagluto mo din ako kanina diba? So naisip ko na ipagluto din kita and besides, ito lang ang naiisip kong way para magpasalamat sa iyo"

I saw her smile and then napansin ko din na tila ba sinisipat ang mukha ko sabay sabing

"Kumusta na pala yang mga tama mo kagabi? Hinde ba siya nanggulo ulet dito kanina?"

"Hinde naman, at medyo masakit sakit pa din nang konti pero kaya naman, namiss ko din na mapaaway nang ganun"

"Sira ka talaga, siya nga pala libre ka ba this coming Sunday?"

"Anong meron?"

"May pupuntahan kasi ako, birthday kasi nang isa naming kasama, she said sa may Rizal area daw nila gaganapin yung birthday party, Cogeo ata yun"

"Ahh, sige sige, basta message mo lang ako kung anong oras, gusto mo sunduin pa kita dito?"

"Alam mo ba yung place na yun? Malapit lang ba yun senyo?"

"Hinde naman masyado, bale dalawang biyahe pa ang gagawin ko mula sa amin, pero ang alam ko naman, yung Cogeo nay an sa may Antipolo area lang yan, kung hinde ako nagkakamali, pwede naman tayo magtanong tanong doon kung nagkataon"

"Sabi nga nang kasama ko sa work, kahit daw doon na lang ako sa may Antipolo Church maghintay at susunduin na lang daw ako nang kuya niya"

"Ganun ba, edi mas ok, atleast may sundo na, tska isa pa, alam mo Eusha maganda ang simbahan na yun, umaatend ka ba nang Alay Lakad?"

"Hinde eh"

"Yun yung pinupuntahan nang mga nagaalay lakad, malayo layo na lakaran ang gagawin kung nagkataon, nung highschool kami, siguro 3 beses kaming sumama sa Alay Lakad na yan"

"Eh ano naman bang napapala nyo doon? Maglalakad ka lang nang malayo, papagurin mo lang sarili mo diba?"

"Well, sa totoo lang, sabi nila mga deboto daw nang ganun eh may natatangap na blessing, ako naman, natripan ko lang sumama, tinignan ko lang naman kung talaga bang masaya magalay lakad, nakakatuwa kasi naalala ko ang dami ata naming nasalubong na wirdong grupo na naglalakad, madami din kaming chicks na nakikita"

At habang nagkwekwento ako ay sunod sunod ang dating nang messages sa akin.

"Daming messages ah?" ang sita ni Eusha sa akin habang nakangite pero ang ngite niya eh alam ko nang may pagkainis. Tahimik lang akong tinignan ang mga messages na natanggap ko.

"Oh, sino yung Strawberry Shortcake nay an?" ang biglang tanong ni Eusha, hinde ko namalayan na nasa likuran ko na pala siya.

"Ano kaibigan ko lang to"

"Patingen ngaaa!" ang sabi ni Eusha. That time, nagtatalo ang isip ko kung ibibigay ko ba ang cellphone ko sa kanya or hinde, ayaw ko dahil well, I need my privacy as well, kahit na gusto ko siya, hinde naman ibig sabihin na I need to give up even my privacy, but then, kung gagawin ko iyon, baka naman isipin niya na may iba na naman akong katext na babae, so upon weighing this kind of things, alam ko na kung ano ang gagawin, I hand over my phone and just stand there while she was standing in front of me reading the texts. Tahimik lang siya na binabasa isa isa ang mga messages sa cellphone ko, she looked at me and suddenly asked

"Sure ka bang kaibigan ka lang nang babaeng to?"

"Sino?"

"Yung Strawberry Shortcake mo"

Natawa ako bigla sa sinabi niya at nagtaka

"Bakit mo naman natanong? Kaibigan ko lang yan, di pa naman kami ganun kaclose kasi nakilala ko lang yan doon sa birthday nang kaibigan ko"

"Wala lang, I find it a bit annoying the way she was texting you, basahin mo and you judge" ang sabi niya sa akin, kita kong napangiwi siya habang binibigay ang phone ko, at nang nabasa ko ang text niya ay halos gusto ko matunaw sa kinatatayuan ko

Message 1

"El... nasaan ka ba? Nandito na si Kuya Bords, hinahanap kita sa kanya, miss na kita makausap eh, shot tayo bukas?"

Message 2

"El Nunal, magparamdam po, wag magpamiss, tinatablan po ako hahahaha"

Message 3

"Grabe pala ikaw El, dami naikwento sa akin ni Kuya Bords tungkol sau, astigin ka din pala dati? Gusto tuloy kita makilala lalo, punta ka naman dito, birthday nang friend ko, shot tayo"

Di ko alam kung anong paliwanag ang ibibigay ko kay Eusha, in normal circumstances, di ko na kailangan pang I explain ang sarili ko dahil this is just a friend text, pero, iba nga ang dating nang text na ito, especially na si Eusha pa ang nakabasa. She was just silent habang inuubos na ang kinakain niya. Muli ay tumabi ako sa kanya she was looking at me at napailing

"Bakit?" ang tanong ko sa kanya na medyo nahihiya, alam ko naman kung bakit siya ganun makatingin, wala siyang imik and I tried to talk to her about things pero hinde siya kumikibo at patuloy lang na kumakain. After niyang kumain ay padabog niyang nilagay sa lababo ang kinainan niya at mabilis siyang pumasok nang kwarto niya at pabagsak niyang sinara ang pintuan nang kanyang kwarto. Napakamot lang ako sa ulo ko, nakakainis talaga, lagi na lang may mga nangyayaring pasira sa tuwing nagiging ok na ang diskarte ko kay Eusha. Hinugusan ko ang kinainan namin, matapos nito ay nagtungo na lang muna ako sa may labas nang apartment Eusha at doon muna nagyosi, matapos ay chineck ko kung may load pa ba ako, mayamaya pa ay biglang nagring ang aking phone, tumatawag si Strawberry, and I don't know kung sasagutin ko ba ito or hinde, dalawa kasi pumapasok sa isip ko, kung sasagutin ko ito, baka isipin naman ni Eusha eh gusto ko talagang kausapin ang babaeng ito, pero kung hinde ko naman sasagutin, malamang sa hinde, magdududa pa din siya dahil iisipin niya na kaya hinde ko naman kinakausap ito dahil nandoon ako at nahuli na niya ako na may nilalanding babae, and so sad no matter what I do, mukhang talo pa din ako, isang malalim na buntong hininga lang ang nagawa ko, at sinagot na lamang ang tawag na iyon ni Strawberry

"Hello! Finally sumagot din! Nasaan ka na? Anong nangyare sau?"

"Eto, medyo masama ang pakiramdam"

"May sakit ka ba?"

"W-wala naman, medyo nagkaroon lang di pagkakaintindihan between me and the girl of my dream"

"Ganun?! Bakit anong nangyare?"

"Well... nabasa niya kasi ang message mo sa akin, ang dami nga eh, kaya eto, medyo nagkaroon nang tampuhan"

"Ay... ganun ba? So ako pala may kasalanan? Sorry po, hinde na nga kita kukulitin bye na"

At agad niya nang binaba ang tawag niya sa akin, and I don't know bakit I feel like I did something wrong again, wala akong magawa kung hinde magyosi na lang ulet. Tinignan ko kung anong oras na ba, mag aalas tres y medya na pala. Sinilip ko ang loob nang apartment ni Eusha pero it seems hinde pa din siya lumalabas sa kanyang kwarto, di ko alam kung uuwi ba ako or not. Ayaw ko naman na umalis na masama ang loob niya sa akin, pero hinde ko alam kung dapat ko siyang kulitin or hinde. Pumasok ako sa loob at umupo dahan dahan sa may harap nang pinto nang kwarto ni Eusha, at para akong asong hinihintay na buksan niya ang pinto, at hayup na yan, halos kalahating oras akong nakaupo doon bago ko marinig na binubuksan niya ang pintuan niya, at nang buksan niya ang pinto ay agad akong tumayo, at di ko inasahan ang aking makikita.