1. Home
  2. Stories
  3. Kung Ako Na Lang Sana - Part 26
xTorya

Kung Ako Na Lang Sana - Part 26

By el_nunal ·

"Eusha?!" pagaala kong sinabi nang makita kong may dugong pumatak sa kanyang ilong, nagmamadali siyang nagtungo noon sa banyo, naitulak niya ako at madali siyang pumasok doon. Hinde ko alam kung ano ang nangyare sa kanya, medyo nataranta ako dahil putang ina, may nakakamatay din bang sakit ang taong ito, don't tell me daejavu ang mangyayare?
"El, paabot nga nang tissue sa kwarto ko!" ang sabi ni Eusha habang nasa may sink siyan ang banyo at patuloy na may dumadaloy na dugo palabas nang ilong niya.
"Eusha, gusto mo dalhin kita sa ospital?!" ang sabi ko sa kanya pero umiiling siya, marahil ay napansin niya na grabe ang pagaalala ko at di ko mawarian kung bakit ba bigla siyang natawa at napailing
"Ayos lang ako tanga! Wag ka nang mamutla diyan mukhang kang timang!" ang natatwang sabi niya habang pinupunasan ang kanyang ilong.
"Sigurado ka? Baka kung ano na yan?"
Bigla siyang humalakhak samantalang ako naman ay nainis sa nagiging reaksyon niya
"El, di ka pa ba nakakakita nang nagnonose bleed dahil sa init? Di ba galing ako sa initan kanina?"
Natigilan ako sandali at naalala ko na may nakita na nga akong ganun noong elementary ako, isa sa mga kaklase ko ang bigla na lang dinugo ang ilong.
"Sensitive kasi ilong ko, nanuyot kasi kaya siguro nagdugo na naman pero wala to tagal ko nang may ganito, nung nagswimming nga kami dinugo din ilong ko, sabi nga nila nireregla din pala ilong ko"
Natawa ako sa kwento niya, bigla ko siyang niyakap sabay sabing
"Sure kang wala kang sakit na malala huh?"
"Wala nga, pakawalan mo nga ako"
Ang sabi niya habang tinutulak ako nang bahagya pero hinde ko siya pinapakawalan
"Tangek! Dali baka may – "
Pero hinde na niya natuloy ang sinasabi niya dahil may lumabas na naman na konting dugo sa ilong niya at natuluan ako sa may braso, agad ko siyang binitiwan dahil nagmadali na naman siyang magtungo sa banyo. Makalipas ang ilang minuto ay tumigil na din ang pagdudugo nang ilong niya. Mayroon siyang nilagay na kung ano sa ilong niya habang pinipisil pisil niya ito.
"Bat andito ka pa pala?" ang tanong niya sa akin, hinde ako sumagot at napangite lang sa kanya
"Dahil nandito ka pa, tulungan mo nga ako magpalit nang pobrekama ko sa kwarto, dali dali!"
Ang sabi niya sa akin habang hawak hawak nang isa niyang kamay at pinipisil pisil pa din ang ilong niya. Natawa ako bigla nang makita ko ang itsura nang kwarto niya, parang may crime scene na naganap, medyo may naisip din akong kakaiba dahil para ding may na virginan sa kamang iyon ni Eusha. Agad kong inalis ang sapin sa kama ni Eusha, hinde naman inabot nang dugo ang pinaka foam nang kama ni Eusha, medyo may kakapalan din kasi ang kumot at pobrekama niya dito. Habang inaayos ko iyon ay may napansin akong isang litrato sa may ilalim nang kama ni Eusha. Kinuha ko ito at nakita ko sa larawan ang dalawang babaeng negrita, nakita ako ni Eusha at dali siyang lumapit sa akin
"Uy El wag mo nga tignan yan!" ang natatawang sabi niya, ako naman ay agad nang iniiwas ang kamay ko sa kamay niya at at pilit niyang inaabot ang larawan na iyon sa kamay ko, buti na lang at kahit papaano ay medyo may katangkaran pa din ako kay Eusha, napaatras ako sa may kama at napaupo, at napatumba naman siya sa akin at shet na malagket naman talaga dahil di ko inasahan na mararamdaman ko ang malambot niyang hinaharap sa buhay na dumiin din sa aking katawan, hinde niya yun alintana bagkus ay mas pokus pa talaga siya sa pagagaw sa litrato, wala na akong nagawa nang halos nakapaibabaw na siya sa akin at naabot na ang litratong pilit kong nilalayo sa kanya.
"Sino ba yan?" ang natatawang tanong ko sa kanya habang nakahiga pa ako sa kama at siya naman ay paalis na sa pagkakaibabaw sa akin
"Basta! Ikaw huh! Baka nakakalimutan mong may kasalanan ka pa sa akin" ang sabi niya bigla sa akin, napaupo agad ako at napakamot sa ulo
"Wag ka na kasi mainis doon"
"Naku din a naman ako naiinis, wala naman ako karapatan eh" ang sabi niya sa akin nang may halong pagtataray. Medyo napaisip ako bigla, bakit kaya hinde ko gawin sa kanya ang isang bagay na ginagawa ko noong highschool ako, tumayo ako at dahan dahang lumapit sa kanya, iniisip niya siguro na aagawin ko din sa kanya ang litrato kaya naman para bang tinago niya ito bigla sa kanyang likuran, subalit hinde iyon ang aking plano, kitang kita ko sa mukha niya ang pagkabigla nang bigla kong ilapat ang dalawa kong kamay sa magkabilang dulo nang kanyang balikat, nakalapt ito sa pader, at habang tahimik lang akong nakatingin sa kanya sa mata ay napapangite siyang naiilang
"E-El.. anong gagawin mo?" ang sabi ni Eusha sa akin,napansin ko na bigla niyang iniharang sa may dibdib niya at pinagdikit ang mga braso at bisig niya, marahil ay iniisip niya na may gagawin akong masama sa kanya, sa totoo lang, gusto ko lang na tuksuhin siya, pero naiba bigla ang plano nang mapansin ko na madali nang hablutin bigla ang litrato sa kanya, kaya naman nang akmang hahalikan ko na siya at napapikit siya ay bigla kong inagaw ang litrato sa kanya at agad na lumayo
"Sino ba kasi to?" ang tanong ko sa kanya at nagmadali siya bigla na lumapit sa akin at bigla akong sinipa sa aking binti, malakas ang pagkakasipa niya at napaika ika ako nang paglalakad sabay agaw ni Eusha sa akin nang litrato na iyon
"Aray ko Eusha masakit"
"Eh gago ka eh!" ang natatawang sabi ni Eusha, nilapitan niya ako at pinagmasdan ang sipa niya sa akin
"Masakit ba talaga?" ang tanong niya sa akin
"Paanong hinde sasakin eh sinipa mo ko tapos yung sakong nang alpombra mo ang tumama sa akin"
Ang paliwanag ko sa kanya, sa totoo lang masakit talaga ang sipa niya na iyon, pero hinde naman yun to the point na magtatagal ang sakit, umaarte lang ako dahil gusto kong lumapit sa akin si Eusha para maisagawa ko ang isa pang binabalak ko, ngumite ako bigla at tumingin kay Eusha, at bigla ko siyang inihiga sa kama
"El! Anong ginagawa mo?!" ang sabi bigla ni Eusha, agad kong kinapitan ang dalawan iyang kamay habang nakapaibabaw ako sa kanya
"El! Isa! Pakawalan mo ko!" ang naiinis na sabi ni Eusha sa akin, ako naman ay ngumite lang at bigla kong pinaghahalikan ang ilalim ng tenga ni Eusha at bigla siyang nagpupumiglas, at mayamaya pa ay nagsimula siyang tumawa, iyon kasi ang kiliti natatandaan kong kiliti ni Eusha
"Eeeel!!! Anoo baaa?!! Ahahahahaha!" ang saway niya sa akin, nararamdaman ko na gusto niya akong bayagan pero di niya magawa dahil sinimulan ko ulit na hipan hipan ang ilalim nang tenga niya
"Eeeel!!! Ahahahahahaha!!" matapos ay tinignan ko siya at ngumite
"Ano, patatawarin mo na ba ako?"
"Mukha mo!!" ang sabi ni Eusha
"Ah ganun ha!" at muli ko na naman siyang kinilita at para siyang kitikiting nagkukumawala sa pagkakakapit ko at muli ko siyang tinanong
"Ano? Bati na tayo?"
"Oo na! pakawalan mo na ako!" ang sabi niya, isang bagay na agad kong pinagsisihan dahil nang alisin ko ang pagkakapit ko sa dalawang kamay niya ay agad siyang umupo at bigla akong sinabunutan.

"Napakasama mong gago ka!!" ang natatawang nanggigil na sabi ni Eusha. Masakit man ang ginagawa niya, hinde ako makapalag dahil sa kakatawa, pumaibabasiya sa akin at pinagsasampal ako at nang masalag ko ang mga sampal niya ay agad konghinuli ang dalawa niyang kamay
"El! Bitawan mo ko!" ang sabi niya sa akin habang nakangite. Agad ko siyang hinila pahiga sa akin at inilabas ko nang bahagya ang dila ko nang malapit lapit na ang mukha niya sa akin
"Yaaaaak!!! Eeel!!! Gaguu kaa!! Kaddirriii!!!" ang sabi niya sa akin habang nagpupumiglas at di ko na mapigilan pa na tumawa nang tumawa, maging siya ay bigla siyang tumawa.
"Eusha, pwede bang maging girlfriend na kita?" ang bigla kong tanong sa kanya, she suddenly shuts up, matapos ay umalis siyang muli sa pagkakaibabaw sa akin
"Ipakita mo muna sa akin na dapat nga ba talaga kita sagutin" ang sabi niya sa akin, matapos ay tumingin siya sa akin at bigla akong dinibdiban
"Hayuup! Amoy sigarilyo ka tapos pinagkikiliti mo ko nang ganun! Gagu ka talaga!" ang natatawang sabi ni Eusha habang ako naman ay napapaikot sa kama niya dahil masakit talaga ang pagkakasuntok niya sa akin
Dahan dahan akong umupo at hinawakan ko bigla ang kamay niya,tinignan lang niya ito at seryoso kong sinabi sa kanya na
"Oo naman, promise, di ka magsisisi sa pagsagot mo sa akin, sorry na ha? Wag ka na mainis, kaibigan ko lang talaga yun"
"Oo na nga, hinde na, pero sabihan mo yan na umayos siya nagpagtetext ha? Di ako dense para di ko magets ang sinasabi niya, di naman ako insensitive na tao katulad mo noh!"
Hinalikan ko bigla ang kamay niya at bigla naman niya akong sinapok

"Eew! Wag mo nga ako ikiss, kadiri ka! Di ka pa nga ata nagtotoothbrush diba?"

Tumango ako habang nakangiti

"Eeewww!!! Kadirrriirriii!!!" ang sabi niya sa akin habang muli ay ginagawan iyang
praktisan nang pakikipagsabunutan ang buhok ko. Matapos ay tinanong ko sa kanya

"Sino ba yung dalawang babaeng bata na nakita ko na negrita?"

"Ang yabang mo! Kala mo kung sinong gwapo!" ang sabi niya sa akin natawa naman ako at napaisip bigla, napangite ako sabay sabi sa kanya

"Wag mong sabihin kayo ni Jules yun?!"

"Oo! Nakakahiya nga itsura namin noon eh! Bata pa naman kami noon noh!"

"Patingin naman nang maiigi, di ko kasi nakita nang maayos eh"

"Wag kang tatawa ha? Sasapakin kita!" ang sabi niya sa akin

Inabot niya sa akin at pinagmasdan ko ito at talagang nakakagulat ang pageevolve nang itsura nila, literal na ugly duckling, though sa mata, mula pala bata, maganda na ang mata ni Eusha, natawa din ako sa itsura ni Jules dahil ang layo layo nang itsura niya ngayon. Tinignan ko si Eusha, natawa ako sa naging reaksyon niya dahil bigla siyang napaatras sa kinauupuan niya

"Oi gago ka ano na naman gagawin mo?" ang tanong niya sa akin. Natawa lang ako sa sinabi niya, at tinanong ko siya bigla

"Eusha, tingin mo ba, magiging ok din kami ni Jules?"

"Ano?" ang tanong niya ulet sa akin, alam ko na narinig niya iyon, pero marhil,
gusto lang niya idouble check ang sinabi ko

"I mean, magkakaayos din kaya kami like before?"

"Alam mo El, mabait naman si Jules, hinde naman marunong magtanim nang sama nang loob yun sa tao, pero kapag ang tiwala niya, sinira mo, wala na talaga, hinde din siya basta basta nakikipagbati sa mga taong kinakainisan niya kung hinde naman sincere ang paghinge nang sorry nang tao, nagaway na din naman kami before, halos isang taon nga din kami di nagpansinan eh, same as Jules and Stella, pero in the end, nagkaayos din sila, pero, those were childish fued, right now, I can't say that much, since ibang tao ang involve di ba?"

"Gusto ko din kasi makipagbati kay Jules, I mean, I wanted to make things right for her as well, alam ko na malaki ang kasalanan ko sa kanya, at alam ko na mas nagalit pa siya now sa akin dahil alam niya na nilalagawan kita"

"Actually El, me and Jules talked about this, she was really irritated"

"Ha?" napaupo ako at muli siyang tinanong

"What do you mean? Sinabi mo na sa kanya na nagpapaligaw ka na sa akin?"

"Well, eventually she will find out so sinabi ko na sa kanya, I rather tell he the truth kesa naman malaman niya sa ibang tao di ba?"

"So ano ang sab niya?"

"Malamang she is against it, sabi niya nga sa akin eh susumbong na daw niya ako kay Tiya eh nadaan naman sa pakiusap, kilala niya kasi ako na matigas ang ulo at ipipilit ang gusto, so ayun, ang sabi niya lang sa akin, wag ka lang daw niya aabutan dito sa bahay kasi tatabasin niya daw yang pasas mo sa mukha" ang natatawang sabi niya.

"Paano ko ba makakasundo ulet si Jules?"

"Alam mo El, for now, wag mo na lang muna isipin kung paano mo mapapaamo si Jules, dahil habang inis yan sau, hinde ka talaga niya kakausapin nang maayos, isa pa, malutong magmura si Jules, nung bata pa kami madalas siyang mapakain nang sila ni Tiya dahil sa kakamura niya"

"Ganun ba, sabagay, ok lang naman kung hinde pa din kami magkasundo ni Jules ang
mahalaga..."

Inabot ko ang kanyang kamay at hinawakan at sabay sabing

"nandito ka at kinakausap mo na ako, magkasundo na tayo, at higit sa lahat eh , maparamdam ko sa iyo na seryoso ako sa mga sinasabi ko sayo"

"Utut mo!" ang nakangiteng sabi ni Eusha, nagkatawanan kami habang ako ay tumatayo na sa kinauupuan ko at muling inayos ang kama niya.

"Ok ka na ba Eusha?" ang tanong ko sa kanya habang nasa sala na kami at parehas naming nililinis ang ibang patak nang dugo sa sahig

"Oo, ok na ako, di ka pa ba uuwi?" ang tanong niya sa akin

"Pinapaalis mo na ba ako?"

"Oo, uwi uwi din aba" ang natatawang sabi niya, natawa ako pero tama siya, need ko
na din umuwi, wala pa naman ako karapatan na magstay doon nang matagal, thankful na nga ako at kahit papaano ako nakatulog ako sa kanila. Matapos naming maglinis ay naghanda na ako umuwi

"Eusha, alis na ako ha?" ang paalam ko sa kanya

"Ingat ka ha?" ang sabi niya sa akin habang nakatayo siya sa may pintuan. Paalis na ako nang marinig ko siya na sumitsit, lumingon ako at nakita ko siya na palapit sa akin, at di ko inakala na makakatangap ako nang isang magandang regalo sa kanya, she kissed me on the cheek at matapos ay nagmamadali siyang pumasok nang pintuan at sinara ang pinto. Tanging ngite lang ang nagawa ko habang naglalakad at hinihimas himas ang pisngeng hinalikan ni Eusha. Nasa cloud 9 ako that time at masayang bumababa sa hagdan. Kinuha ko ang aking cellphone at tinext siya

"Salamat" at nakangite akong sinend ang message na iyon sa kanya. Matapos ay naisipan ko din na itext si Strawberry, I need to do something about this matter, habang maaga, mabuting umiwas na, kaya naman I asked her
"Straweberry, nga pala, baka hinde na ako makapagtext sayo, block mo na lang tong number ko sayo, sorry ha? Medyo kailangan lang eh"

at wala pang limang minuto ang lumipas nang sinend ko ang message ko na iyon sa kanya ay nakatanggap na agad ako nang tawag mula sa kanya, hinde ko ito sinagot, ayaw ko naman talagang gawin yun pero kailangan, mabuti nang umiwas sa problema, even though pakiramdam ko ang sama sama ko, I need to do this, to show how serious I am for setting things right. Siguro nakailang tawag din si Strawberry bago siya tumigil sa pagtawag, after ay sunod sunod na messages mula sa kanya ang natanggap ko, as much as I wanted to read all of those messages, dinilete ko na lang sila lahat, alam ko kasi na maapektuhan ako sa mga sasabihin ni Strawberry, she's a sweet girl, wala naman siya ginawang masama sa akin pero kailangan ko talagang umiwas sa kanya. Matapos ay may nakita akong isang number pa na nagtext sa akin, hinde ito nakasave sa phonebook ko kaya naman binuksan ko ito at nagtaka ako bigla kung sino ang kumag na ito

0927---

~Putang ina ka gago magingat ingat ka sa mga nilalakaran mo baka bigla kang bumulagta~

Napangite ako dahil sa nabasa ko, iisang tao lang ang naisip kong pwedeng magtext sa akin nang ganito, iniisip ko tuloy kung mangaasar ba ako, or hinde ko na lang papansinin. Natatawa nga ako sa ginagawa ko dahil magtetext ako tapos buburahin ko tapos magtetext ulet tapos buburahin ko, gusto ko sanang mangasar kaya lang baka naman maging badin to at magsumbong kay Eusha sa mga sasabihin ko sa kanya kaya naman nagreply man ako, isang maikling

"OK"

At hinihintay ko ito na magreply pero hanggang sam akarating na lang ako sa Crossing ay wala pa din itong reply sa akin. Maging si Eusha ay di pa din nagpaparamdam, medyo nagaalala ako sa kanya kaya naman tinawagan ko siya, pero nakalimang tawag na ako sa kanya pero hinde niya ito sinasagot. Habang nakapila na ako sa may sakayan nang jeep ay naghihintay pa din ako na magparamdam siya, tahimik lang akong nagyoyosi habang naglalakad lakad, pampaalis pagaalala at stress. Hanggang sa makasakay na ako sa jeep ay hinde pa din siya nagpaparamdam. Nagtext na lamang ako at pinaalam ko sa kanya na pauwi na ako. Medyo nakaramdam ako nang antok pero pinilit ko na hinde makatulog dahil bukod sa punuan ang jeep ay na samay bandang gitna ako at mahirap makatulog sa pwesto na iyon, besides, medyo nakakailang din ang katabi ko na matanda at lalake na bukod sa amoy mandirigma ay tila ba akala mo nasa bahay lang niya kung makatulog at panay ang higa sa aking balikat, kaya naman napilitan din akong umatras nang bahagya. Halos dalawang oras din akong nagtiis sa ganun and thank God nakababa din ako. Pagdating ko sa bahay ay inabutan kong bukas ang ilaw nang aking bahay, almost 8 pm na kasi ako nakarating sa bahay, and to my surprise, Fae was there, and she was drinking alone

"Oi Men, san ka galing? May naghahanap sayo dito kagabi eh, Bords daw pangalan"

"Ah, diyan lang sa tabi tabi"

"Wushuu! Sabihin mo nambabae ka lang"

Natawa lang ako at nagtaka ako kung bakit magisa lang siyang shumashot kaya hinde ko napigilang tanungin si Fae

"Oh, ano namang drama yan at nagiisa ka?"

"Hay nakuu! Wag mo na lang itanong Men at maasar ka lang, siya nga pala pati yung mga kaibigan mo doon eh hinahanap ka, dumaan si James at si Mike dito kanina pero
nung inabutan na ako lang ang tao dito umalis din"

"Bakit daw?"

"Ewan ko wala naman sinabi eh, sinabi ko lang wala ka dito at kahapon ka pa hinde umuuwi"

"Kumain ka na ba?" tanong ko sa kanya

"Hinde pa nga eh, pagluto mo nga ako" ang sabi niya sa akin, gusto kong sabihan siya na

"Aba bakit hinde ka sa boypren mo magpaluto? Bakit hinde ka sa kanya huminge nang pagkain?"

Pero I just can't dahil alam ko naman sa sarili ko na wala namang alam gawin ang lalakeng iyon kung hinde ang manchixs, uminom at mambabae, or sadyang inis ako kaya yun na lang ang iniisip ko.

"Ano bang gusto mo?" tanong ko sa kanya

"Ikaw bahala ka kung anong mura ok na ako doon lahat naman nang lutuin mo masarap eh" ang sabi niya sa akin, ako naman eh nagpauto sa sinabi niya, nakakatuwa kasing marinig iyon na binobola ka kahit na hinde mo alam kung totoo or hinde, pero napaisip nga ako bigla, why the hell am I cooking for this woman? Para bang bigla ko na lang narealize na ginagawa ko din pala sa iba ngayon kung ano ang iniisip kong gagawin ko lang sa special someone ko, like cooking, pero walan ako choice, sinanay ko na din kasi tong babaita na ito na ipagluto ko. Nagpunta ako sa bilihan na malapit at habang namimili ako ay nasalubong ko bigla ang isang taong ayaw na ayaw kong makita, asawa nang aking kuya. Unang kita pa lang niya sa akin ay binigyan niya na ako nang masamang tingin, ako naman eh nagpatay malisya na lang hanggang sa tuluyan na kaming magkalapit at bigla akong sinabihan na

"Oi El, nadadalas ata mga bisita mo sa bahay? Si nanang nakita yung anak nung kagawad sa atin at yung gf niya na sa inyo tumutuloy? Ano yun ampon mo yung babae? Aba El, wag kang magpakatanga, ginagago ka lang nung babae na yun"

Nainis ako sa sinabi niya at di ko naiwasang sumagot nang pabalang sa kanya

"Naku, hayaan mo, ako naman nagbabayad nang bahay eh, di naman ako libre tira doon diba?"

"Kaya lumaki kuryente mo eh, kung sino sino ang nasa inyo at panay nood nang tv at dvd, aba El, napapadaan din ako sa harap nang bahay mo at nakikita ko na minsan alas dos alas tres na eh gising pa mga bisita mo tapos ikaw ata tulog na o wala ka sa bahay siguro, susumbong kita sa kuya mo sa kalokohan mo"

Mas nainis ako sa bwisit na babaeng to, kung pwede ko nga lang isuplex to ginawa ko na, kahit man lang ma "Shining Finger" ang mukha, hinde na lang ako nagsalita at nilampasan na lang siya,mahirap na kasi alam ko na kahit anong inis o galit na maramdaman ko eh asawa pa din siya ni Kuya, and I respect that, napakapakielamera lang talaga nang hayop na babaeng yun, narinig ko pa na sinabi niyang

"Bastos talaga tong gago na to"
Gusto ko sanang balikan siya at tanungin kung ano uli ang sinabi niya pero baka mawala na ang control ko sa sarili at baka magawa ko nga ang suplex na iniisip ko sa kanya. Pagbalik ko sa bahay ay napansin agad ni Fae na aburido ang mukha ko

"Oh bakit parang badtrip ka ata El?" tanong niya sa akin pero hinde ako kumibo, nagsindi lang nang sigarilyo at nagsimulang tadtarin ang sibuyas, bawang kamatis.
Iniisip ko that moment na mukha nang tang inang babaeng yun ang hinihiwa kong kamatis, at somehow epektib dahil unting unting nawala ang inis ko, muli akong nagsinde nang yosi at sinimulan nang isangag ang kanin, at matapos nito ay tska ko ginisa lahat nang tinadtad ko at sinimulan nang pagsamasamahin ito, at nang matapos ko nang lutuin iyon ay hinain ko na kay Fae pero nagtaka ako dahil before, bago ko pa man ihain ang pagkain sa kanya ay ramdam ko na excited siyang kumain kaya nga ginaganahan akong magluto pero that time, tahimik lang siya and she was looking at me with a sad pouty mouth at putang ina ang cute niya, nagulat ako at napatanong habang natatawa

"Oh bat ganyan ang itsura mo?"

"Bad trip ka na ba sa pagstay ko dito? Aalis naman ako eh, kasi sabi lang doon nila
kuya sa Tambayan may aayusin lang daw sila"

At doon ko nagets kung bakit siya biglang nagkaganun, natawa ako at tinanong siya

"Bakit akala mo ba sa iyo ako bad trip?"

"Oo, gago ka eh, di mo ko kinakausap pagdating mo tinanong kita men ok ka lang ba di ka naman namsin, oh di ba? Mamaya sumakit pa tiyan ko diyan kasi may halong sama nang loob ang luto mo"

Nagkatawanan kami at pinaliwanag ko sa kanya ang nangyare

"Kasi Fae, alam mo, pag ako kasi nababadtrip, ayaw ko na lang umusap or makipagusap
kasi baka sa iba ko pa mabaling ang galit ko or bad trip ko, alam mo ba one time, nabugbog ko si Mike nung sobrang badtrip ako sa asawa nung ate ko tapos bigla niya akong pinalo sa pwet, masakit, sabi ko sa iyo, pasa pasa si Mike eh, wala naman umaawat maliban doon sa crush niya kasi akala nila nagbibiruan lang kami pero yung mga suntok ko talaga puro at wagas, after noon naawa ako kay Mike kasi putang ina ang payat nung tao tapos ang taba taba ko noon hahahaha"

"Grabe, bully ka pala"

"Hinde naman sa ganun, medyo nataon lang talaga na siya ang nabalingan nang badtrip ko. Sige na kumain ka na"

"Pramis El hinde ka badtrip sa akin ha?"

"Hinde nga, kung bad trip ako edi sana hinde na kita pinatuloy dito"

Agad nang kumuha nang pagkain si Fae at sinaluhan ko na siyang kumain. Hinihintay ko pa din na magreply si Eusha, hinde pa din kasi siya nagpaparamdam, muli ay sinubukan kong tawagan siya pero sadyang hinde niya ito sinasagot, nagaalala ako at pinadalhan ko siya nang sunod sunod na text tulad nang

~Nasaan ka na Eusha?

~Eusha, galit ka ba?

~ Eusha, nandito na ako sa bahay, kumain ka na ba?

~ Eusha, mamansin aba

~ huy kanina pa ako tumatawag di ka nasagot? Ok ka lang ba ? 

At ang pinakahuling message ko sa kanya ay

~ Eusha, please po sagutin mo naman ang tawag ko oh

Samantala, habang nagaalala ako kay Eusha ay bigla namang may tumawag sa akin, hinde ko alam kung kaninong number ito, hinde naman ito si Glenn dahil lalabas naman sa sa phone ko na Kupaloids ang name niya, sinagot ko ito at doon ko na laman na si

"Oi! Bakit di mo ko pinapansin El? May nagawa ba akong masama sa iyo ha?"

Ang naiiyak na sabi ni Strawberry, nakunsesnya ako bigla at lumabas muna sa bahay bago makipagusap sa kanya

"Bakit ka umiiyak? Anong nangyare sa iyo? Nakainom ka noh?" ang usisa ko sa kanya

"Gagu ka kasi eh, bakit ba ganyan ka? AKala ko pa naman sabi ni Kuya Bords, iba ka sa kanila, pero di naman pala, pareparehas lang kayong mga paasa"

Hinde ko alam kung ano bang sasabihin ko, in the first place, paano ako naging paasa? Is it because that time, I started being polite and gentleman to her, even evaded something na alam kong mahirap man paniwalaan pero nagawa kong hinde tukain ang palay? Hinde ako umimik at pinakinggan lang siya na umiyak, naririnig ko pa na may mga lalake at babaeng naguusap usap

"Nasaan ka ba Straw?" tanong ko sa kanya

"Dito kina Bords" tapos narinig ko ang boses ni Bords na tila ba hinihingi ang cellphone na iyon

"Oi pre, saan ka? Shot tayo!" ang bigla niyang aya sa akin

"Pre nandito ako sa Binangonan ngayon eh"

"Uluul!!! Galing kaya ako diyan kanina"

"Gaguuu!!! Anong oras ka ba dumaan dito?"

"Woo! Oi pre may inabutan akong chixs diyan ah? Shota mo?"

Natawa lang ako sabay sabing

"Pre hinde ah"

"Ulluuul!!! Gaguuu!!! Utuin mo lelang mo! Di pa daw eh noh?"

Nagkatawanan kaming dalawa at bigla niyang siningit si Strawberry

"Oi pre, nagdradrama yung bunso namin dito ah, paasa ka daw? Niligawan mo ba to?"
"Pre hinde, nagkakatext lang kami pero hinde ko naman siya niligawan tanungin mo pa siya"

Narinig ko nga na sinigaw pa ni Bords ang tanong na iyon

"Umiling pre, hinde nga, kala ko kasi niligawan mo eh, kasi pre medyo mainit init
ulo nung tropa, gusto ka ata banatan eh sabi ko arbor ka na at kilala naman kita, pero bunso kasi namin to kaya alaga talaga, nakilala mo naman diba?"

"oo naman pre, sinabihan ko na naman siya na wag na akong itext kasi nga baka magalit sa akin yung pinopormahan ko, kailangan kasing magood shot ako doon sa babaeng yun eh"

"Saan diyan sa naabutan kong chixs mo sa bahay nyo?"

"Di nga pre, kaibigan ko lang yun, may boypren yun eh"

"Eh bat sa iyo nakatira?"

"Eh walang wenta bf eh, anong magagawa ko?"

"Ulul! Siguro gusto mo din tirahin yan noh?" ang natatawang sabi ni Bords sakin

"Hinde pre, medyo crush ko pero – "

"Pre, aminin mo man o hinde, sa isip mo ilang beses mo na tinira yan!" ang natatawang sabi ni Bords and well, to tell the truth, pinagnasaan ko nga si Fae, pero anong magagawa ko? Boys will always be boys, isa pa, sana ba kung pinsan or kapatid ko siya, masama yun, kakaiba, may tiwang ka na sa isip kung ganun ang iniisip mo, pinsan mo kapatid mo pagnanasaan mo? Eh kelan ko nga lang din nakilala ang babaeng to, at isa pa, respeto na lang din sa namumuong friendship namin at sa bf niya, and besides, alam ko naman na malabo pa sa sabaw nang Saba Squid in Can ang pagasa na patulan ako nitong babae na to dahil mataas ang standards niya when it comes to look, eh kahit na inis ako sa lalakeng yun, masasabi ko naman na pisnge lang ata ako nang pwet nung gago na yun, pero alam kong mas matino naman ako sa kanya, somehow, pero may similarities kasi kami kahit papaano, hinde sa look but rather the way we treated some girls, kaya nga wala din akong karapatan na sabihin na ganito siya, ganun kasi siya dahil ako din naman eh may kalait lait na parte, mukha pa lang waley na, katawan mapapakamot ka na, medyo naaout of shape na din kasi ako kahit papaano dahil sa madalas na paginom at pagkain nang wala sa oras, pero hinde naman ako halimaw sa taba to the point na may putok na ako at may double chin, muli ay tinanong ko si Bords

"Ano pre, ok na ba? Baka may problema pa ako diyan? Baka naman pag pinuntahan kita diyan eh may gulo bigla?"

"Ay wala pre, sabi ko naman sa iyo, ako bahala sa iyo, isa pa, kinausap mo naman ako nang maayos, nagkaintindihan naman tayo, at kilala naman kita, hayaan mo na, ako nang bahala sa tropa ko dito, takot lang nang mga yan pag may gumalaw sa iyo dito, baka naman hinde ka na magpunta dito ha?"

"Medyo, baka di muna sa ngayon pre, hinde naman dahil sa takot ako o dahil iniiwasan ko kayo ha? May iniiwasan akong tao muna diyan sa ngayon kasi pinagseselosan kasi nang pinopormahan ko, pag naging ok kami nito, papakilala ko sa inyo, baka sabihin mo nagdadahilan lang ako eh"

"Hinde sige sige, nagets naman kita, alam ko naman na lalake ka kausap eh, kaya nga kita kaibigan eh"

"Naman, don't me, sige na pre, tuloy niyo na muna inuman niyo diyan, tawagan ko lang yung sinasabi kong pinopormahan ko at kanina pa di nagpaparamdam eh"

"Baka naman may ibang lalake pre, wag kang pakatanga sa babae pre, baka matulad ka sa akin"

"Di yan pre, tiwala lang"

"Yan din sinasabi ko noon di ba? Di yan tiwala lang? Kakatiwala king ina, nagago lang, sige na nga tawagan mo na yang tatawagan mo, pati ako eh hinahatak mo sa kadramahan mo"

Natatawa akong binaba ang telepono, medyo nalungkot ako kahit papaano dahil a new found friend will be gone siguro dahil na din sa pagiwas ko, pero minsan kailangan talagang gawin ang mga bagay na masakit para sa ikakabuti mo. Muli ay sinubukan kong tawagan si Eusha at sa wakas ay sinagot niya din ito

"H-hello?"

"Hello Eusha, ok ka lang?"

"Oo, medyo ok na ako, medyo nahilo ako bigla kanina kaya natulog ako, sorry ha? Dami mo namang text walang hiya ka?"

"Siyempre, nagaalala ako sa iyo, mamaya eh may nanggulo sa iyo diyan kilala mo na naman di ba?"

"El, hinde naman ganun kagago si Glenn para gawin niya yun noh? Isa pa, takot lang
niya na gawin yun at isa pa, diba nagpalit na nga ako nang door knob para hinde na niya magamit yung duplicate niyang susi"

"Sorry, masama pa din ba pakiramdam mo?"

"Medyo, parang lalagnatin nga ako eh, pero nakainom na naman ako nang gamot"

"Sure ka bang kaya mo magisa diyan?"

"Oo naman, wag kang magalala naitext ko na naman si Jules na may sakit ako eh so baka mamaya maya pumunta yun dito"

"Ganun ba?"

"Langya ka kasi eh, baka nabalis mo ko"

"Huh? Di ba nalawayan naman kita kanina?" ang natatawang sabi ko

"Tado!" ang natatawa din niyang sagot

"Uy, baba ko na to ha? Wag ka nang magalala at ok lang ok? Message na lang kita
bukas ha?"

"Papasok ka pa bukas?"

"Kailangan eh, wala yung kasama ko sa work kaya ako ang need magcover nang shift niya"

"Di ba pwedeng sabihan mo yung amo mo na hinde ka makakapasok?"

"Naku, kung may kapalit ako ok lang, pero pag di ko kinaya, edi hinde ako pupunta,ganun lang naman kadali yun eh"

"Sige na po pahinga ka na"

"Sige, bye po"

Matapos ay binaba na niya ang tawag. Natuwa naman ako at kahit papaano ay nagparamdam na siya pero medyo nagalala ako lalo dahil may nararamdaman siya, pero tulad nga nang sinabi niya ay pinalaam na naman niya it okay Jules kaya naman di ko na kailangan pa na magalala, pero di ko talaga alam kung bakit ba parang sinusundot nang karayom ang pwet ko at di ako mapakale

"Huy El! Bakit ba parang natatae ka na ewan" ang natatwang sabi sa akin ni Fae, napansin niya kasi ako na panay ang lakad tayo upo lakad ko sa loob nang aking bahay.

"Medyo may inaalala lang kasi ako"

"Ano bang nangyare?"

"Yung loves ko kasi may sakit"

"Edi puntahan mo!" ang natatawang sabi ni Fae

"Eh yun na nga eh, gusto ko sana puntahan pero kasi baka may magalit"

"Baka naman may iba?"

"Hinde adik! Walang iba, pero kasi medyo kumplikado kasi basta"

"Alam mo El, kung mahal mo talaga siya, pupuntahan mo siya, kahit na may magalit
sabihin mo lang na nagaalala ka diba? Isa pa babae ako kaya alam ko na kapag ginawa sa akin nang lalake yan kikiligin ako"

May punto nga si Fae sa kanyang sinasabi

"So aalis ka na naman pala?" ang natatawang sabi niya sa akin

"Oo, kung nagkataon, kaso anong oras naman kaya ako makakarating nito, eh Marikina pa pupuntahan ko"

"Anong oras na ba?" tanong niya at sabay kaming napatingin sa aming cellphone

"Alas onse pa lang pala eh, ingat ka na lang sa pagpunta doon, pero wala na naman trapik mga isa o dalawang oras siguro makakarating ka na doon"
Nagisip akong mabuti, kung pupunta ba ako o hinde, iniisip ko kasi, baka naman pagpunta ko doon ay nandoon na si Jules at awayin lang ako noon at lalong sumama ang pakiramdam ni Eusha, ang isa naman scenario na pumapasok din sa isip ko eh paano kung hinde agad nabasa ni Jules ang text ni Eusha, paano kung naiwan niya ang cellphone niya at hinde niya napansin ang mga tawag ni Eusha sa kanya, edi kawawa naman ang loves ko na yun, pero inisip ko na lang din ang sinabi ni Fae, isang bagay na siyempre gusto kong gawin, kaya naman matapos naming kumain ay agad na akong nagligpit, naghanda, at kahit mag aalas onse y medya na ay naligo pa din ako dahil amoy araw ako, nagdala na din ako nang toothbrush at toothpaste kung nagkataon, maging ang charger nang aking cellphone at agad nang nagabang nang jeep, wala na kasi halos FX na bumiyabiyahe paluwas nang Maynila, karamihan ay pabalik na sa kanilang terminal. Magaalas dose na nang makasakay ako nang jeep patungong Crossing, kahit papaano ay may nakasabay akong mga pasahero nang oras na iyon, mga bagong ligo din halos ang mga nakasakay sa jeep na ito, at sa porma nila, mukhang mga call center agents sila, ang isa panga ay nakitaan ko nang id holder na may pangalan nang pinapasukan niyang kumapanya, nagabalik tuloy bigla sa akin ang mga araw bilang call center agent, iniisip ko nga what if subukan ko ulet magwork, pero, sadyang bitter lang talaga ako sa callcenter dahil sa nangyare sa amin ni Charice, binaling ko ang tingin ko sa labas nang bintana at pinagmasdan ang tanawin sa daan, at panay din ang tingin ko sa aking telepono dahil baka mayroong mensahe sa akin si Eusha pero so far ay wala nam an siyang paramdam, sana ay nagpapahinga nga siya, at bigla ko na lang naisip, paano ako makakapasok sa bahay niya kung wala naman akong susi? Paano pa magiging surprise yun kung gigisingin ko lang din siya? Ang masama pa nito ay yung part na gigisingin ko siya, paano kung imbes na kiligin eh mabwisit yun dahil nagpunta pa ako sa kanila nang ganung oras. Pero ano pa bang magagawa ko? Ayaw ko naman magsayang pa nang pamasahe, isa pa, malapit na din naman ako sa bababaan ko, napakamot na lang ako sa ulo at napailing, natanga na naman ako. Pagbaba ko ay nagtungo na muna ako sa may Green Field upang pag isipan kung ano ba ang gagawin ko at di ko inasahan na makikita ko siya dito.