1. Home
  2. Stories
  3. Kung Ako Na Lang Sana - Part 6
xTorya

Kung Ako Na Lang Sana - Part 6

By el_nunal ·

"Ok lang Roma, wow ganda ganda mo ata ngayon ah"
"Ganda ganda ka diyan! Saan ka galing?"
Tanong niya sa akin, medyo matagal tagal na din nang huli kong makita si Roma, ang kaunaunahang babaeng niligawan ko't binusted ako noong nasa highschool pa lamang ako. Hinde man siya kagandahan, ay may kakaibang tamis ang ngite niya na talaga naman nagpapatibok noon sa puso ko, maganda at akala mo laging rebond ang buhok niya noong highschool kami, at may pagkacute siya kung iisipin, medyo isip bata nga lang siya noon pero kahit papaano, nabighani ako sa kanya, pero nung naligawan ko siya eh, di ako pumasa sa standards niya, naalala ko pa din ang todo bigay, sabay sablay na pangyayari sa akin noon, pero siguro ganun talaga, pero kahit papaano, hinde naman ako nagging bitter sa nangyare, at kahit papaano ay nagging magkaibigan din naman kami. Pinagmasdan ko siya nang mabuti at tila ba, nagmature ang itsura niya, and when I say mature, nagmukha siyang matanda, humpak ang mga mata niya, yung malalim na eyebags, at tila ba namayat siya nang husto, pero kahit papaano ay di pa din talaga nawawala ang pagkacute ng mukha niya. Kapansin pansin din ang kalungkutan sa mga mata niya, na tila ba sa likod nang mga ngite niya eh may kinukubli siyang lungkot.
"Single?"
Tanong niya sa akin, hinde ko agad nagets ang sinabi niya at binatukan niya ako nang pabiro
"Sabi ko ikaw single ka ba?"
"Hinde, eh double ako"
"Tado ka talaga!"
Sabay tawa ni Roma, hinde pa din talaga siya nagbabago, bungisngis pa din siya, pero alam ko na kahit papaano, pinipilit lang niya na maging masaya, pero hinde din naman ako sigurado, maaring puyat lang din siya dahil sa unipormeng suot niya na pang nurse, marahil ay nagoojt siya sa isang ospital dito sa Kamaynilaan.
"Saan ka nga pala nakatira ngayon? Doon pa din ba sa dati?"
Tanong niya sa akin habang may tinetext nang mga sandaling iyon
"Hinde, sa asawa nang kuya ko na ako nakatira now, pero magisa lang ako sa bahay"
"Nagwowork ka ba? Saan ka ba galing?"
Tanong niya sa akin
"Sa girlfriend ko"
Ang bulalas nang aking bibig, hinde ko alam kung bakit bigla ko na lang nasabi iyon, pero, kami na naman ni Stella, kaya wala naman siguro masama sa sinabi ko.
"Eh ikaw ba saan ka galing?"
Tanong ko kay Roma
"Sa OJT, grabe pahirap talaga sa mga nursing students, alam mo ba yung tipong, ikaw na nagtratrabaho, ikaw pa magbabayad sa pinag OJT-han mo na hospital"
Ang inis niyang kwento sa akin, na siya din naman kinagulat ko, hinde ko kasi inakala na ganun pala ang kalakaran kapag magoojt ka sa isang ospital kung nursing student ka, ang pagkakaalam ko pa noon, sila ang binabayaran, wala lang silang makukuhang pera o sahod kapag sa mga mission mission na sinasagawa nang mga NGO's at pagnagvovolunteer ka sa isang ospital. Ang taas na nga nang tuition fee, ang mahal na nang mga kinakailangang chechebureche, tapos may ganito pa palang siste ang kursong minsan ay pinangarap ko ding kunin. Ang masama kasi nito, madami dami na din kasing kumukuha nang nursing sa pagaakala na ang nursing pa nang mga panahon na iyon ay indemand pa, kung sabagay, sino ba naman ang hinde magnanais na kumita nang mahigit sa one hundred fifty thousand pesos o higit pa sa oras na makapagtrabaho ka sa ibang bansa.
"Teka, wag mong sabihing uuwi ka palang?"
Ang tanong to kay Roma
"Oo, duty ko kasi eh 2am to 10am, pero matatapos ko na din naman eh, tapos balik na ulit sa school"
"Ahh ganun ba? Ano naman balita sa love life mo?"
Natahimik si Roma sandali, at binigyan ako nang isang ngite, subalit isang pekeng ngite ito sabay sabing
"Ok lang naman, kahit papaano, si Nog, siya ang boyfriend ko ngayon"
"Ahh nice, di ko alam yun ah, kala ko kayo pa ni Freddy eh"
Si Nog at si Freddy ay mga kaklase ko noong nasa highschool pa ako, pero hinde ko naman kinakitaan si Nog nang pagkagusto kay Roma dahil tahimik lang na tao ito at ang tanging alam ko lang na kasintahan ni Roma ay si Freddy. Natawa ako bigla sa naisip ko, nabalitaan ko kasi na kung anong ginagawa ko noon para sa kanya nung nililigawan ko siya ay siya naman ginagawa niya noon para kay Freddy, sadyang mapagbiro nga naman ang tadhana, hinde ko alam pero sadyang totoo siguro talaga ang KARMA na sinasabi nila, biglang pumasok sa isip ko, kung ako na lang sana ang minahal niya noon, hinde niya mararanasan ang naranasan niya kay Freddy, pero hinde ko alam, na sila pala ngayon ni Nog, hinde ko talaga inasahan, kung sabagay, maging ako din naman eh napapaisip kung paano din ako nagkakaroon nang girlfriend, na kung iisipin ay out of my league, I guess we just managed to fall on their standards, or miracle, actually, I really don"t know, pero ang alam ko lang, im out of this girls standards kaya hinde ako nakapasok sa puso niya noon, pero ganun talaga siguro, kung hinde naman kasi ganun ang ginawa niya, I would never have meet those people in my life. Napansin ko na tila ba hinde katulad nang ibang babae na kapag may boyfriend ay blooming, tila ba nagmukhang matanda siya nang mga sandaling iyon, hinde kaya maganda ang nagiging relasyon nila ni Nog noon? Gusto ko man tanungin ay hinde ko na ginawa, mahirap na, isa pa, having that kind of history with her might lead to misunderstanding, on both side, or pwedeng sa side ko lang din, or side lang din niya, it's better to be safe than sorry.
"So kelan pa kayo? Di ko alam yan ah"
"Paano mo naman malalaman eh hinde naman tayo nagkakakita sa atin, isa pa, balita ko call boy ka na daw ngayon, kinakamusta kaya kita minsan sa mga classmates natin noon"
Natawa lang ako sa sinabi niya at kahit papaano, napaisip, di ko kasi inasahan na aalamin niya pa kung kumusta na ang lagay ko, bahagya akong nakaramdam nang konting saya nang marinig ko ito.
"Siya nga pala, may gagawin ka ba bukas?"
Tanong niya sa akin, at tono nang pananalita niya ay tila ba gusto niya akong ayain sa kung saan, date? malabo naman, siguro may ipapadrawing siya, or may ipapagawa sa akin na hinde niya magawa, naalala ko kasi na ganun siya sa akin noon, kapag may kailangan siya, ganun ang boses niya sa akin, pero maaring hinde din naman yun ang kailangan niya, siguro, just to catch up, since naging magkaibigan din naman kami noon, pero may naalala ko na sinabi ko kay Stella na may gagawin ako kaya naman sinabi ko na lamang kay Roma na
"Oo eh, kasi pupunta ako bukas sa bahay nang gf ko, may gagalaan kasi kami"
"Ay, ganun ba, ang sweet nyo naman, teka, kelan pa ba kay nang gf mo?"
"Bago lang"
"I see, no wonder"
Matapos nakita ko siyang ngumiwi, natawa ako dahil alam ko na sa tuwing napapangiwi si Roma, ibig sabihin nito ay hinde siya masaya o disappointed siya sa isang bagay, hinde ko naiwasan na itanong ka sa kanya
"Bakit ka napangiwi"
"Wala! Ano ba number mo?"
Tanong ni Roma sa akin, agad ko naman binigay sa kanya ito.
"Baka magalit naman si Nog niyan ha? Ok lang ba sa boyfie mo na may ibang lalake ka na kausap?"
"Sus, di yun, isa pa wala naman akong ginagawang masama eh, gaya niya pa ako sa kanya"
At sa linyang binitawan na iyon ni Roma, mukhang alam ko na ang problemang napansin ko agad sa kanyang mga mata. Muli naming binalikan ang mga kung ano anong mga bagay na kalokohan na pinaggagawa ko noong nililigawan ko siya at mga bagay bagay na nangyare sa school naming hanggang sa mapansin ko na malapit na ako sa babaan ko
"Oi sige, dito na lang ako"
Ang paalam ko sa kanya, ngumite lang siya noon at agad na akong bumaba. Bago umandar ang jeep ay narinig kong sumisitsit si Roma at agad ko naman siyang nilingon
"Oist! Text kita mamaya ha!"
Ang sabi niya at tumango lang ako matapos ay tumawid na at agad nang nagtungo sa aking bahay. Pagdating ko sa bahay ay muli na naman akong sinalubong nang kakaibang katahimikan sa bahay ko na iyon. Ayaw ko na talagang magstay sa bahay na ito, bukod sa may kainitan sa tuwing tanghali dahil sa walang kisame ang bahay na iyon, hinde ko ba alam kung bakit ba may kakaibang kalungkutang bumabalot sa akin sa tuwing nandoon ako. Natawa ako nang maalala ko na wala nga pala sa akin ang cellphone ko,maaring na kay Stella nga ito, at bigla akong napaisip
"Shet baka kung anong isipin ni Stella kapag may nagtext sa number ko"
Napakamot ako sa ulo, what a great start for me, malamang sa hinde ay pagdudahan ako nang babaeng iyon, iniisip ko naman na hinde naman siguro agad magtetext si Roma sa akin, nagkibit balikat na lamang ako at nagsimula nang maglaba. Medyo madami madami na pala ang labahin ko, di ko napansin na medyo bulto na pala ito, agad ko nang sinimulang labahan ito mula sa puti papunta sa mga dekolor na damit. Habang naglalaba ay di ko inasahan na magkakaroon ako nang bisita
"Oi men! Adjaw?! Bakit ka naglalaba?!"
Ang natatawang sabi ni Pauline. Nagulat naman ako sa pagsulpot niya dahil pagkakaalam ko ay may pasok siya nang araw na iyon.
"Oi bruha ka, may pasok ka diba?"
"Tinatamad ako eh!"
"Naku men, nagsisimula ka naman!"
"Shot tayo!"
"Ha?! Anong oras pa lang men shot ka diyan!"
"Sige na men! Pupunta din dito si Lyn!"
"Ano?! Walangya talaga kayo talo niyo pa may ari nang bahay ah"
"Ganun talaga! Wag kang magalala, may dala kayang alak si Lyn, galing sa tito niya"
"Naku kahit saang galing planeta pa yan, wag ngayon, di ako makakasali sa inuman nyo"
"Bahala ka! Bibili na ako nang alak ha!"
"Akala ko ba may dala si Lyn?"
"Mamaya pang alas dos yun makakapunta dito"
"Luh?! Seryoso ka ba na bibili ka nang alak?!"
"Oo, tska pagkain na din, magkakantunan tayo!"
Natawa lang ako at napailing, at pinagpatuloy na lamang ang paglalaba ko. Ilang minuto ang lumipas at bumalik na si Pauline na may dalang anim na pancit canton chilimansi at dalawang gin, isang sachet nang tang pineapple at dalawang yelo.
"Men, nasaan na yung pitsel mo?"
Tinuro ko lang sa kanya ang lagayan dahil abala ako sa paglalaba ko noon.
"May problema ba?"
Ang tanong ko sa kanya habang nagbabanlaw ako nang natapos ko nang labahan sa washing machine.
"Wala! Ikaw pa nga"
"Men, hinde ka pa nga magiinom nang wala kang dinidibdib, parang hinde pa kita kilala ah"
"Hinde mo pa naman talaga ako kilala men"
Natahimik ako nang sandaling iyon, sa tono kasi nang boses ni Pauline, sersyoso siya sa sinabi niya, kung sabagay, hinde ko pa naman talaga siya kilala, the only thing I know about her is, well katulad ko, she belonged to a broken family, may pagkaboyish siya kaya naman minsan ay nahulog din ang loob ko sa kanya, pero nafriendzone ako, na kahit papaano naman ay naging ok na din naman, pero, deep inside, hinde ko ba alam kung bakit pero may special thing siya sa puso ko. I consider her as well special someone, my little sister, brother to another, and my lady bestfriend, kung meron mang nakakaalam nang deepest darkest secret ko, si Pauline na iyon, pero hinde siya ganun sa akin, si MikMik, isa sa mga barkada ko, ang kinokonsider niya talagang bestfriend, I guess im the second bestfriend, so I guess, tama nga siya, maaring hinde ko pa talaga siya kilala.

Hinde na ako umimik noon, medyo may tama na si Lyn, sa lakas ba naman nang iniinom naming na alak samahan pa nang chaser na may alak, sino ba naman ang hinde tatamaan, pero hinde naman ako slow para hinde agad magets ang gustong sabihin ni Lyn. Hinde din naman kasi lingid sa aking kaalaman na may lihim na gusto din si Pauline kay Mac at alam ko na medyo may mga mahihiwagang himas wagas na ginagawa ang isang iyon. Hinde na lamang ako kumibo at nanahimik, napailing ako at napaisip, siguro sadyang lumaking rebeldeng bata lang talaga tong si Pauline dahil nga sa sitwasyong niya sa kanilang pamilya. Matapos kong magsampay ay sinaluhan ko na si Lyn sa pagiinom.
"balita nga pala? Lilipat ka na ba nang work?"
Tanong ko sa kanya sabay shot nang alak.
"oo, maghahanap na ako, malapit na din naman akong umalis eh"
"Ah ganun ba"
"Nga pala, balita ko, may something daw kayo ni Fae?"
"Ha? Something?"
"Naku, ewan ko sau, kaw talagang nunal ka, may nakapagsabi lang sa akin"
"Ha sino naman?"
Di ko inakala na ang taong yun ang nagsabi, hinde ako nakaimik at napaisip, bakit naman kaya nila naisip yun? Kung sabagay, may crush naman talaga ako kay Fae, pero malabong malabo akong magkaroon nang chance sa babae nay un, isa pa, may Stella na ako, at tama na yun.
"Well siguro, kaya nila naisip yun sa mga pinaggagawa ko para sa babae nay un nung nasa tambayan siya"
"Sus! Mukha mo nunal! Kilala na kaya kita pagdating sa babae, parang hinde mo naman ginawa kay Pauline yang mga yan, kaso mas matinde ka naman kay Fae"
Natawa lang ako noon, witness din kasi si Lyn sa ginawa kong courting kay Pauline na wala naman kaepek epek sa babae na yun, sadyang kaibigan lang ang tingin sa akin ni Pauline, natawa lang ako nang bigla pa niyang sabihin
"Tska naalala mo nung high school, may cake cake ka pang nalalaman para kay LenLen, diba?"
Napayuko ako at natawa sa kanyang sinabi, yun na ata kasi ang pinaka deal breaker na ginawa ko para sa babae na yun, si LenLen, ang kaunaunahang babaeng natipuhan ko nang tumungtong ako nang first year. Hinde din lingid sa kaalaman nang mga kaibigan ko ang labis na kagustuhan ko sa babae na yun, pero nang mga panahon na yun, wala pa akong lakas nang loob para sabihin talaga sa kanya ang nararamdaman ko, ni ayain manlang sa simpleng pagkain sa labas or sa canteen ay di ko magawa, kaya nga sila nahihiwagaan kung bakit sa ibang babae ay parang wala lang sa akin subalit pagdating sa babae na iyon ay sadyang sinusukluban ako nang hiya.
"Kaya wag mo kong papaandaran nang mga ganyan mo Nunal at di ka lulusot sa akin"
Natawa lang ako sa sinabi ni Lyn,naginom kam habang nanunuod, at nang tila ba nasa climax na kami nang pelikula ay may bigla na lamang kumatok sa pinto.
"Men!"
Sigaw ni Pauline, at napansin ko agad na tila ba may tao pa sa likod niya, nakita ko ang isa sa mga kaklase ko nung elemntarya pa lang ako at si Mac, at sa itsura at pagsasalita nila, halatang lango na sila sa alak. Hinde kumibo si Lyn at agad naman siyang nilapitan ni Pauline at niyakap, samantalang si Mac naman ay panay lang ang taas kilay sa amin, labag man sa damdamin ko ay inaya ko siya na pumasok sa loob nang bahay ko, ayaw ko naman kasi mangupal nang sandaling iyon, isa pa, ayaw ko din gumawa nang kung anong kumosyon nang sandaling iyon.
"Oi Lyn, pst"
Ang tawag ni Mac na nakatayo lamang sa may gilid, ako naman ay tahimik lang na pinapanuod ang mga susunod na mangyayari. Kita ko sa mukha ni Lyn ang inis, hinde rin niya pinapansin si Pauline na noon ay nangungulit sa kanya.
"Tara na nga Mac, punta na tayo sa tambayan, oi Men, alis na muna kami"
"Sa Tambayan ha?!"
Ang biglang tanong ni Lyn
"Nagagalit eh, dito ka na lang"
Tumingin sa akin si Pauline at napailing lang ako
"Sige na dito na lang ako lumayas ka na"
Ang sabi ni Pauline at umalis naman si Mac. Pagkasara ko nang pinto ay narinig ko na napaaray si Pauline, pagbalik ko sa loob ay nakita ko na sinasabunutan ni Lyn ang dulo nang buhok ni Pauline
"Bwiset ka talaga, may problema ka na nga sa isa, gagawa ka pa nang panibago"
Natatawang naiiyak lang si Pauline. Pagupo ko ay tumabi sa akin si Pauline at nagulat na lang ako nang kinagat ako ni Pauline, hinde na ako nagtaka nang gawin niya iyon, madalas naman kasi ay ganun siya kapag lasing, nangangagat na parang aso. Napapikit na lang ako sa sakit at ilang sandali pa ay bumitaw na din siya at umiyak
"Men,ano bang gagawin ko"
Wala akong masabi nang mga sandaling iyon, at alam ko naman na kahit anong sabihin ko, malamang sa hinde ay makalimutan din nang babaeng ito dahil nga masyado siyang lasing
"Hay naku, kasi naman, makikipagbreak, di naman pala kaya"
At sa linyang iyon ni Lyn, alam ko na agad kung ano ang tinutukoy niya, ang pakikipagkalas niya sa dating kasintahan niyang si JanJan. Ngunit, napaisip din ako, hinde naman kaya hiwalay na din sila ni Nico, at iyon ang dahlia nang pagkakaganito niya. Natatawa lang ako nang mga sandaling iyon sa mga naiisip kong eksena sa mga nangyayari sa kanila, iba na talaga ang halos walang alam sa mga kaibigan kapag abala ka sa ibang bagay.
"Sino ba?"
"Naku, sino pa ba? Edi yung una, kaso di niya din masabi doon sa isa kasi nga mahal na niya"
Hinde ako nakaimik, hinde nga ako nagkamali nang hinala, mukhang maiipit nga ako sa sitwasyong iyon. Hinayaan ko lang magiiyak si Pauline hanggang sa makatulog. Matapos ay kinausap ko si Lyn
"Paano yan?"
"Anong paano?"
"Paano niyo sasabihin sa isa yung problema na to, mahal pa din ni Pauline si JanJan noh?"
"Oo naman"
"Eh si Nico"
"Oo daw"
"Ano ba yan ang gulo ah"
"Eh kelan ba hinde gumulo utak nang babae na yan?"
Ang natatawang sabi ni Lyn at natawa lang din ako dahil sa sinabi niya, magulo nga kasi ang isip nang babaeng ito, at natawa din ako, parang ako din pala tong si Pauline, kaya nga siguro kami magkaibigan.
"Problema to Lyn, sigurado"
"Alam ko, kaya nga kahit papaano, naguguilty ako sa ginawa naming eh"
"Oo, dapat lang talaga, bwisit naman kasi, sa dami nang lalake si Nico pa talaga ang napagtripan nyo"
"Yun nga eh, trip lang, eh malay ba naman naming na magseseryoso siya, eh yung isa din naman gago, sineryoso din yung lalake, eto na na naging resulta"
"Wag kasi ganyan Lyn, di naman kasi laro yang ginawa nyo sa isa"
"Oo nga sorry na nga diba?"
"Wag ka sa akin magsorry doon sa isa, alam na ba ni Nico to?"
"Di pa?"
"Kelan nyo balak sabihin?"
"Ewan k o sa kanya, isa pa, hinde na ako makikialam sa mga yan, bahala na sila"
Ang sabi ni Lyn, mayamaya pa ay nagulat ako nang may kumatok sa pintuan at nang marinig ko na tawagin niya ang pangalan ko ay agad ko itong nabosesan, si Mike.
"Oi pre, bute naman at napunta ka dito?"
"Anong meron?"
"Nandito si Lyn"
Nagulat si Mike sa sinabi ko at agad ko naman siyang pinapasok sa loob nang bahay, isang ngite lang ang ginawa ni Mike kay Lyn, at ngumuso lang si Lyn at niyakap si Mike. Ako naman noon ay lumabas sandali nang bahay at nagyosi, mayamaya narinig ko na lang na nagsalita si Pauline, at nagaya nang umuwi.
"Oi tara ihatid na natin tong lasing na baboy na to"
Ang sabi ni Mike at kinurot siya ni Lyn. Natawa kami dahil hinde naman si Lyn ang sinasabihang baboy ni Mike kung hinde si Pauline. Sinamahan ko na sila noon na umuwi. Pagdating malapit sa bahay na nila Pauline ay nagsalita si Pauline at sinabing
"Sige na, hated niyo na yang weak na yan, kaya ko nang maglakad dito, baka kasi pagalitan ka pa ni Mama pag nakita ka na kasama kita at lasing"
At naglakad na si Pauline, hinde ko na naman siya pinigilan dahil alam kong malapit na naman ito sa kanila, kaya naman sinamahan ko na lamang si Lyn at si Mike. Habang naglalakad, iniisip ko kung kumusta na kaya si Stella, ano na kaya ang ginagawa niya, nakauwi na kaya siya, subalit sa pagiisip ko na iyon, hinde ko alam kung bakit ba bigla na lamang lumabas ang imahe ni Eusha sa aking isipan.
"Huy! Tulala ka"
Ang sabi ni Mike sa akin at napangite
"Alam mo na ba?"
"yung alin?"
"Alam na niya"
Ang sabad ni Lyn. Mukhang ang sinasabi ni Mike ay ang bagay tungkol kay Nico at kay Pauline. Napangite lang ako at napatango, mukhang isa din sa sinasabi ni Mike ay ang involvement ni Lyn sa nangyare.
"Hay naku, Mike, sige na gudnyt na"
At dali daling pumasok sa loob nang bahay nila si Lyn. Kami naman ni Mike ay naglakad na pauwi
"Anong oras pa nandoon sa inyo si Lyn?"
"Kanina pang mga hapon around 1 ata or 2"
"Ah, teka, saan ka ba nagpupunta? Pinuntahan ka naming ni James wala ka sa inyo nung isang araw tska kahapon, nambabae na naman amputa"
Napangite lang ako sa sinabi ni Mike, napaisip ako bigla kung kumusta na ba si Nico kaya tinanong ko siya
"Ayun, muntanga pa din sa baboy na yun, sabagay kaw din naging muntanga dun, ano bang nakita nyo doon sa babae na yun? Pinaguusapan kaya naming yan ni James"
Ang natatawang tanong sa akin ni Mike, hinde naman ako nakasagot dahil hinde ko din alam, siguro dahil sa mabait, sweet at medyo boyish kasi si Pauline, palabiro at kalog, pero hinde ko naman masabi kay Mike ito dahil alam ko na hinde niya naman magegets dahil ibang iba ang alam ni Mike sa standard ko sa babae, mahaba ang buhok, medyo bilugan ang mata, medyo slim at hinde kalakihan ang dibdib, parang si LenLen, ang kamukha ni Tiffa Lockheart, hinde ako katulad niya na naaliw sa mga size D na suso, though, masarap naman lamasin ang mga ganung size nang suso, yun nga ang pinangaasar naming sa kanya noong nililigawan pa lang niya si Lyn, nainlove siya sa suso nang babaeng iyon.
"Siguro nahuhumaling kayo sa mga taba ni Pauline"
Nagkatinginan kami at nagkatawanan dahil naalala bigla naming ang isang pangyayari kung saan, ako, si James, si Mike, si Adrian si Aniki ay minsang sumubok na magpunta at manuod nang live show sa isang bar kung saan may nagsasayaw na babae at nagaalis nang damit, at merong isang dancer doon na sadya namang kay lakas nang loob, na kahit layers ang bilbil sa katawan ay nagagawa pa din niyang magperform sa stage, maputi naman kasi ito at makinis at kahit papaano ay maganda naman kaya siguro patok pa din siya sa mga parokyano nang nasabing bar na iyon. Hinde kami nautugan bagkos ay natawa at medyo nandiri nang makita na naming ang hubad na katawan nang babaeng iyon. Di ko naiwasang suntukin si Mike nang pabiro sa balikat niya
"Bwiset ka! Pinaalala mo pa sa akin yung imahe na yun!"
"Sus! Kunwari ka pa! eh siguro nang mga panahon na yun si Pauline ang iniisip mo, ano?! Diba?!"
At pinagsusuntok ko ulit siya dahil kinilabutan ako nang bigla ko ngang naisip na si Pauline ang sumasayaw na may ganung katawan. Hinde naman kasi talaga mataba si Pauline noong nagkaroon ako nang unang pagtingin sa kanya, payat siya, makinis, maganda, lalo pa sa tuwing makikita ko siya noon sa uniporme niyang pencil cut ang style, medyo napabayaan lang talaga nang husto si Pauline sa kusina kaya naman nanaba nang husto ang babaeng iyon.
"Uy, dota tayo?"
Ang aya niya sa akin
"Wala akong pera"
"Putang inang yan, sa alak meron?!"
"Gago! Si Pauline kaya at si Lyn ang may dala nang ininum naming kanina, isa pa, may pera ako pero naiwan ko sa bahay pera ko"
"Tara! Libre kita, tapos utang ka na lang sa laruan natin"
"IH! Wala pati ako sa mood magdota dota, may pasok ka pa bukas nang maaga diba?"
"Medyo tinatamad na nga ako magaral eh"
"Edi wag ka na pumasok"
"Hinde na nga ako halos pumapasok, lagi lang kaya ako nagdodota kasama si Aniki"
"Weh?! Pati si Aniki?"
"Hinde, hinihintay ko lang siya, gago alam mo ba, ang yayabang nang mga tao doon, mga weak naman, saya ko nga eh, nanalo kaya kami kanina sa pustahan doon"
"Oh?"
"Yes! Ako pa! Ang lakas lakas ko kaya"
"Mukha mo malakas"
"Ah itanong mo pa kay Aniki, GOD LIKE! OWNING! TRI TRI TRI TRIPLE KILL!!!"
Ang sabi ni Mike sa akin habang kinukwento ito. Natawa ako bigla, at napaisip, mabuti pa so Mike, parang easy come happy go lucky lang siya, meron siyang sariling computer, sariling kwarto, sariling internet at aircon, at higit sa lahat, isang stable na relasyon sa isang babae, nakaramdam ako nang ingit sa kanya, pero, kung hinde ko naman siguro ginagastos ang pera ko sa walang kapaparakang bagay , baka meron na din ako nang mga bagay na meron siya, isa pa, nageenjoy naman ako sa mga ginagastusan ko kahit papaano
-the money spent on something you enjoy is not money wasted
Isang kasabihan yan na pinaniniwalaan ko, hinde nga kayang bilhin nang pera ang kaligayahan pero kaya mong mapasaya ang sarili mo kapag may pera ka.
"Ikaw ba, wala ka bang balak magaral?"
Tanong ni Mike sa akin
"tinatamad pa ako eh, isa pa, ok na naman ako sa kung anong natutunan ko, wala naman ako balak mangibang bansa eh"
"Eh diba, may natangap ka nang offer letter ata yun para sa work sa ibang bansa"
"Oo, pero OO GUSTO!"
Ang sabi ko kay Mike at natawa lang siya
"Gagi, ayaw mo nun, sa ibang bansa makakajerjer ka nang ibang lahi"
"Gago! Ang babaho naman nang mga tao doon kahit babae eh?"
"Sabagay, sa Japan ka na lang magpunta, o kaya Korea, di ba yun ang mga trip mong babae?"
"Naku, tska na yang ibang bansa bansa na yan, ang saya saya ko dito sa Pilipinas papaalisin mo ko?"
"Pre, ako kaya balak kong magJapan, tapos Mag UK"
"Ukay ukay?"
Sinuntok ako ni Mike nang pabiro nang sinabi ko iyon
"Gago, tumatanda na kasi tayo, pagbigyan lang ako nang mama ko sa gusto kong kurso magtitino ako"
"Eh kung ikaw na kaya eh nagtitino na sayang pera"
"Putang ina mo naman, sasabihan mo ko sa pera eh ikaw nga nauubos pera mo sa kakababae mo tska kakalaro"
Natawa lang ako sa sinabi ni Mike pero alam ko na totoo ang sinasabi ni Mike, paano, may kakaibang kurot sa dibdib akong naramdaman nang sabihin iyon sa akin ni Mike, medyo napaisip nga ako, halos lahat kasi nang mga binibitawang biro ni Mike ay may katotohanan, ganun kasi siya, minsan, ang di niya masabi nang harapan at seryoso, dinadaan lang niya sa biro, ayaw kasi ni Mike nang mga madramang eksena, tulad nang sinabi ko din sa kanya noon, parehas naming ayaw nang may mga drama pa sa buhay, madrama na nga ang buhay naming, hahaluan pa naming nang drama.
"Tara, laro na tayo, libre kita, isang oras"
"Tatlo na!"
"Gagu! Mamasahe pa ako bukas, dali, dotang dota na ako eh"
At pinagbigyan ko na si Mike at naglaro nagtungo na kami sa pinaglalaruan naming dalawa para magdota. Pagdating sa shop ay hinde naming inasahan ang isang eksena.