1. Home
  2. Stories
  3. Kung Ako Na Lang Sana - Part 9
xTorya

Kung Ako Na Lang Sana - Part 9

By el_nunal ·

"Hello? Hello? El? Hello? Nyeta di ata ako naririnig"
Ang sabi ni Fae sa kabilang linya, hinde ko inasahan na tatawag siya nang ganung oras, marahil, kaya natahimik si Stella nang makita ito ay nakapangalan sa number ni Fae sa akin ay "Crush Angel Locsin", ilang sandali pa ay binaba din ni Fae ang tawag
"Angel Locsin? Sino naman yang Angel Locsin na yan?"
Ang natatawang tanong sa akin ni Stella sabay batok sa akin
"Ah, kamukha kasi niya si Angel Locsin kaya yan ang pinangalan ko sa kanya"
"Bakit daw tumatawag?"
"Ewan ko? Panay lang hello sabay binaba"
"Baka nagkami lang nang tawag"
"Baka nga"
Ang sabi ko at agad ko nang binura ang mga mensahe sa akin ni Eusha habang nagpapangap akong nagtetext lamang sandali. Nagulat ako nang humiga si Stella sa at umulo sa aking binti. Ilang sandal pa ay bigla siyang nagtanong
"El, pwede ba akong pumunta sa inyo?"
"huh?"
"I mean, gusto ko lang makita kung saan ka nakatira, wala lang, bawal ba? May anak ka at asawa sa inyo noh?"
Ang natatawang sabi ni Stella
"Adik! Wala noh! Ako lang magisa sa bahay, ano kase eh, paano ko ba sasabihin, erm... madumi, maliit at maiinit sa bahay ko, kaya nga mas gusto ko pa na nakikitulog sa mga kaibigan ko minsan kesa magstay sa bahay, isa pa, hinde ko din kasi na magstay nang matagal sa bahay na yun, medyo naiinis din kasi ako sa ugali nang asawa nang kuya ko, tapos nakakapagtaka pa na ang laki nang bill nang kuryente ko eh tv, radio bintelador at dvd player lang naman ang gamit ko, meron din akong rice cooker pero di naman madalas magamit"
"Eh magkano ba binabayaran mo sa bahay?"
"Sabihin na natin, teka tulad ngayong buwan, nasa 6 na libo"
"Ano?!"
Napaupo si Stella at kitang kita sa mukha niya na hinde siya makapaniwala sa laki nang binabayaran ko sa bahay, kahit man ako ay napapakamot na lang kung bakit baa ng laki masyado nang binabayaran ko, napagaralan ko naman sa electrical engineering na hinde naman kumukunsumo nang malaki ang mga gamit ko sa bahay, kung meron man suspek ay rice cooker lamang dahil ito lang ang gumagawa nang init na nangangailangan nang kuryente, hinde din naman ako madalas manuod, the fact na sa isang lingo ay halos dalawang beses lang ako magstay sa bahay, minsan tatlo, ay lubhang nakakapagtaka na, pero hinde ko naman pinapansin na dahil hinde naman ako namromroblema sa pera dahil nga sa malaki laki ang pinapadala sa akin nang aking ina, tulad nang nasabi ko noon, di alam nang nanay ko na di naman ako pumapasok sa eskwela kung hinde nagpapasok pasukan lamang, para sa akin, at hinde naman sa pagmamayabang ay kilti pa ang halaga na iyon, meron din kasi akong ipon kahit papaano sa nakaraan kong trabaho, may natira sa pa kahit papaano sa ginastos ko noon sa pagpapaasikaso nang papeles nang ate ko, at pinapadalhan niya naman ito nang pera.
"Alam mo may nagjujumper sa liya mo! Naku, dapat sinusumbong mo yan sa meralco, o kaya kinokompronta mo ang kumakabit"
"Ang masama nga niyan eh hinde ko naman kung sino ba ponsyo pilato na yun, di nga pumapasok sa isip nang asawa nang kapatid ko na, hay... sabagay, ano nga ba naman ang alam noon"
Ang natatawang sabi ko, matapos ay niyakap ako ni Stella at hinalikan sa pisnge
"Tara, gala tayo"
"Saan naman?"
"Ikaw, saan mo ba gusto?"
"Ewan ko lang, tska wala kaya akong damit na pamporma"
"Ok na yung suot mo nung dumating ka dito"
"Eh pinawisan na ako doon isa pa ang baho kaya nang damit ko na yun"
"Teka, sandali huh"
Pumasok si Stella at paglabas niya ay may dala na itong damit na pangalis para sa akin
"Sa dati mo bang kalive in yan?"
"Oo, bute pala di ko to sinunog, ito na lang isuot mo, gusto mo sa iyo na lang din yung iba niyang damit eh"
Ang nakangiteng sabi ni Stella, natawa lang ako sa kanya at napailing, kinuha ko ang suot damit na binibigay niya sa akin at sinuot na ito.
"Wala kabang pasok?"
Tanong ko sa kanya
"Kung meron edi sana kanina pa ako umalis di ba?"
"Sabagay, so saan tayo?"
"Sa mega na lang muna tayo, tapos, saan pa ba maganda magpunta? Ay alam ko na, palipas tayo nang gabi sa Mega, I mean magpaabot pala nang gabi tapos may pupuntahan tayo"
"Sige kaso ano naman gagawin natin sa mega?"
"Edi magliliwaliw, after that like I said may pupuntahan tayo"
Matapos magbihins ni Stella suot ang tube na asul na napapaibabawan nang nang blazer na itim, maong na pantalon at high heel sandal ay lumarga na kami papunta sa Mega. Tahimik siya na nakaulo sa aking balikat habang nakaupo kami sa harapan nang jeepney, and that time, natawa ako, may naalala ako bigla sa kanya, napangite ako at napailing, hinimas ko ang ulo niya, matapos ay hinawakan ang kamay habang tahimik akong nakamasid sa labas nang jeep at muling inisip ang nangyare nitong gabing lumipas. Nakauwi kaya nang maayos si Eusha? Ano kaya ang mangyayare sa mga susunod na araw na lilipas, magiging ok kaya kami ulet, kahit bilang magkaibigan lang ulet, masaya na ako. Tinignan ko si Stella, at kailangan siguro, panindigan ko na kung ano ang nasimulan na. Habang nakitigil ang sasakyan ay biglang nagring ang phone ni Stella, kinausap niya ito at base sa takbo nang usapan nila ay tungkol ito sa trabaho, marahil ay kasamahan niya ito.
"I can't I have something to do, tell them na hinde ako pwede today, they should have told me sooner, hinde ganitong oras, no, well it's their problem not mine, di ba pwede si Sandra or si Lea? Try calling them, give me news kung ano nangyari ok?"
Napabuntong hininga si Stella at muling tinago ang cellphone sa loob nang kanyang bag
"Oh, you seems problematic, nangyare?"
"May client daw and they are looking for someone to meet that guy, sana sinabi nila sa akin na meron pala silang kameeting today, edi sana iniyos ko schedule ko for the meeting, besides, day off ko today so it's not my concern atm, right now, all I want is to spend my day with you" www.xtorya.wapka.me
Matapos ay binigyan niya ako nang matamis na ngiti at muling umulo sa aking balikat. It was really a heart warming words mula sa kanya, pero, pakiramdam ko, I don't deserve this kind of treatment from her, muli, bumalik na naman ang guilt feeling na nawala na kanina, the fact that I think Eusha while im with Stella is really a very sick thing to do, kaya naman hanga talaga ako sa mga timer, di ko alam kung anong klaseng dugo ba ang nanalaytay sa kanila o lakas nang sikmura ba meron sila, ang hirap pala talaga na may tinatago ka, mabigay di lang sa isip, pati sa puso, pero ayaw kong mahalata iyon ni Stella, kaya naman kahit anong bigat nang iniisip ko ay pinilit kong ngumite, ayaw ko din sirain ang araw ni Stella. Nakarating din kami sa Mega, namasyal kami sandali sa mga mini amusement park doon, nakita ko ang isang laro doon na nakapagpaalala muli sa akin sa isang taong nawala sa akin, napangite lang ako at napailing, matapos ay nagtungo kami sa bilihan nang mga damit.
"Bagay ba?"
Tanong ni Stella sa akin habang sukat niya ang isang maroon colored na dress, dahil sa angking ganda ni Stella ay binbagayan siya nang kahit ano sigurong damit ang isuot niya, pero tila ba di siya masaya sa mga napipili niyang damit, at inabot kami nang halos ilang minuto sa damitan na iyon pero ayos lang naman dahil di naman siya nakakasawang tignan.
"Ok ka lang ba?"
Tanong ni Stella sa akin habang inaayos ang damit niya sa harapan nang salamin
"Ok lang naman"
"Sorry ha, kung gusto mo, punta ka muna sandali sa may videohan, alam ko naman na adik ka din sa paglalaro nang games eh"

Napangite lang ako sa sinabi niya, pero di ko nga din alam, bakit nga ba wala nang dating sa akin ang mga video games sa mall na iyon hinde katulad noon na adik na adik ako, marahil ay mas ok na sa akin ang graphics nang mga computer games kesa sa mga na sa videohan sa mall na iyon, pero di ko naman tinanggihan ang inalok sa akin ni Stella na magtungo muna doon, siya din kasi mismo ang nagsabi na medyo matatagalan siya kaya naman bumaba na muna ako sa ground floor at nanood sa mga binata't bata na naglalaro nang video games. Tahimik lang akong nanunuod sa mga aliw na aliw na naglalaro, habang panay din ang check ko sa aking cellphone sa oras, napansin ko din na may mga nagmessage sa akin. Nang tinignan ko ito ay mga GM lang pala at notification nang network, kaya naman tinago ko na lang ulet ang cellphone ko. Napalingon ako sa mga nasa Dance Dance Revo na laro, nakakaaliw silang panuorin kung paano sila maglaro, napangite ako bigla nang maalala ko bigla si Amanda, naalala ko pa nung mga panahon na nakikita ko din siya na naglalaro nito at ang galing niya kasama ang bakla niyang bespren, bigla kong naisip ang bakla na iyon, kumusta na kaya siya, galit din kaya siya dahil hinde ako nagpunta sa libing nang matalik niyang kaibigan? Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko at tila ba bigla na lamang hinanap nang labi ko ang sigarilyo. Agad akong nagtungo sa exit door nang mall upang magsigarilyo sa labas. Medyo nagmamadali ako sa paglabas at hinde nakatingin sa aking dinadaanan kaya naman di ko sadyang nabanga ang isang tao na nakasalubong ko Www

"Aray! Damn it!"
Sa tono nang boses niya, alam ko na agad na babae siya, at halatang nainis sa di ko sadyang pagkabanga sa kanya.
"Miss sorry"
Ang sabi ko sa kanya, napatingin ako sa aking nabanga. Sa itsura niya ay mukha siyang estudyante, putting blouse, green na paldang pencil cut ang itsura, medyo may kapusyawan ang kulay nang balat niya, nagaagaw ang kulay puti at kayumangi, at ang mga matang nang sandaling iyon ay tila ba inis akong makita.
"Are you blind?! Bwisit!"
Ang sabi niya muli sa akin na inis na inis at nagtungo na sa kung saan man siya papunta, kasunod noon ay may nakita din akong isang binatilyo na tila ba nagmamadali at tila may hinahanap, at ilang sandali pa ay madali na din tong umalis. Medyo nanatili muna ako sa kinatatayuan ko noon dahil baka makabanga na naman ako, napakibit balikat na lang ako at napailing, sabagay, kasalanan ko din naman kaya ako nakatangap nang ganung treatment sa babae na yun pero infairness, maganda siya. May hawig siya nang bahagya kay Ynes Veneracion. Pagsindi ko nang sigarilyo ay tahimik kong pinagmamasdan ang mga tao na pumapasok at lumalabas sa mall, may mga taong kakatapos lang sigurong maggala, yung iba naman ay kakatapos lang magtrabaho, ang iba naman ay papunta pa lang para makipagdate, kumain, o manood nang sine, napaisip ako, ano na nga ba ang mga bagong palabas sa sine, One More Chance lang kasi talaga ang tanging palabas na napanood ko sa sinehan kasama ang babaeng naging parte na nang buhay ko, napansin ko din ang kalangitan at sa itsura nito, mukhang uulan pa ata, napaisip ako bigla kung saan nga ba kami pupunta ni Stella, she looks so hyped and really looking forward on it, matapos kong magsigarilyo ay pinuntahan ko na si Stella sa bilihan nang damit subalit nang bumalik na ako doon ay wala na siya, marahil ay nagtungo siya sa sinabihan kong tatambayan ko habang namimili siya. Agad akong nagtungo doon at nagikot ikot subalit di ko siya makita, tinignan ko ang cellphone ko pero wala naman siyang kahit anong mensahe o miscall. Naupo na lang muna ako sa hagdan malapit sa palaruan na iyon. Nang mga sandaling iyon, iniisip ko, dapat pa ba akong makipagayos kay Eusha, will she ever speak to me again after that night, napangite ako bigla at nakaramdam din ang konting kilabot nang maalala ko na binayagan ako ni Eusha.
"Huy!"
Www.xtorya tk
Di ko namalayan si Stella na nasa tabi ko na siya, and she was a head turner sa suot niyang tank top na kulay grey, with her skinny jeans na may design na punit sa kanyang legs, binigyan niya ako nang matamis na ngite at pagkatapos ay bigla niyang piningot ang ilong ko sabay sabing
"Ano ba iniisip mo, kanina pa kita kinakawayan parang hinde mo ko nakikita ah? May sakit ka ba?"
"Wala naman, gutom lang siguro to"
"Well now that you mentioned it, tara, kain muna tayo"
Hinawakan niya ang kamay ko at nagtungo na kami sa food court, and I smiled when she choose that particular spot, I still remember the that day.

"So, ano gusto mo kainin?"
Tanong ko kay Stella
"Erm... di ko lang alam, what you think is better?"
Tanong ni Stella sa akin habang abala siyang nagaayos nang kanyang mga pinamili, habang abala siyang nagtetext.
"Wala din ako maisip eh, erm.... Ano bang ayaw mo?"
"Basta wag lang baboy huh, I hate it when some strings of the meat stuck on my teeth"
Medyo namroblema ako bigla, ano ng aba ang mabili para kainin, di naman talaga ako nagugutom, palusot ko lang naman iyon kay Stella because I don't want to make things awkward to her, kaya naman sinubukan isa isahin ang mga kainan sa food court. At habang naghahanap ako nang kainan ay di ko inasahan na may makikita akong kakilala kainan na iyon.
"Uy! EL!"
Bati sa akin ni Rika, it's been a while since I seen her, nor hang out with her since that time that me and that girl hook up, at medyo nagulat din ako sa bagong look nya, nagpagupit siya and her hair is short and colored, though, di malakas ang impact sa akin nang bago niyang style, im not into short hair girls kasi, di ko alam kung bakit pero, I don't find short haired girls attractive, I guess, my hair fetish might explain that, pero she still have those cute smiles that I adore specially those buloptious lips.
"Oh nasaan si boyfie mo?"
Tanong ko sa kanya habang sinisipat ang paligid.
"Ah wala na siya, sumakay na ulet nang barko"
Ang sabi ni Rika na bakas ang kalungkutan sa kanyang boses, subalit ayaw niya siguro ipahalata na malungkot siya kaya siguro kahit pilit ay nagpakita pa din siya nang ngite subalit alam ko ang totoong ngite sa isang ngiteng may kalungkutang pinagtatakpan, I know the feeling and sometimes I do some fake smiles as well.
"Anong ginagawa mo dito?"
Tanong ko sa kanya habang nakapila kami sa kaninan kung saan ko siya nakita.
"Nagparenew ako nang NBI, need ko na kasi ipasa to bukas since magsisimula na akong magwork sa hotel na inaplayan ko, ikaw ba? Anong ginagawa mo dito?"
"Nagpapalamig lang"
"Wow huh! Rich kid, nagpapalamig lang sa mall pa"
"Joke lang, well I have a date"
"Mukha mo! Di nga? Nasaan?"
Agad kong sinipat ang paligid at tinuro kung saan nakaupo si Stella.
"Weh?! Di nga?!"
Ang natatawang tanong ni Rika sa akin.
"Oo nga, naghahanap nga ako nang maoorder na kakainin naming dalawa eh, if you want, you can join us"
"Adik ka din eh noh? Date nga kayo tapos magaaya ka nang kasama? Adik lang? kung ako gf mo, magwawalk out ako pag ginawa mo sa akin yun"
"Huh? Arte naman, bakit naman?"
"Aning aning ka din eh noh? Malamang lalayasan kita, kaya nga kayo nagdate para masolo niyo ang isa't isa eh, quality time kung baga between you and her, tapos magaaya ka nang singet, sige nga, kung ikaw nasa kalagayan niya? Halimbawa seat for two lang yung feriswheel tapos may sisinget na isa, anong mararamdaman mo?"
"Edi sumingit siya tapos ihuhulog ko siya pagnasa taas na kami"
"Gagu! Seryoso, o sige, halimbawa na lang kasi, nanliligaw ka, tapos may ipapakilala siyang ibang lalake na manliligaw din pala sa kanya sa iyo, ano mararamdaman mo? Ganun!"
Natatawa ako sa esplika ni Rikka sa akin, nagets ko naman yung sample niya pero namiss ko lang siya kaya naman kahit papaano ay gusto ko siyang makasama kahit sandali at gusto ko din ipakilala sa kanya si Stella.
"Nga pala, alam mo ba na ikakasal na si Kim?"
Nagulat ako at napailing
"Kasal? Kanino?"

Well kanino pa ba? Edi sa BF niya, well no choice na din siya since nabuntis na siya nung lalake, and willing naman yung lalake na pakasalan siya, pero recently daw eh nagaaway sila, di naman sa nakikichismiss ako sa buhay niya, naikwento lang sa akin ni mama kaya nalaman ko, natawa nga ako eh, kala ko nung una eh engrandeng kasal kasi wagas si mama makakwento, yun pala civil wedding lang, di sa simbahan, pero infairness may gown pa siya huh, medyo ok naman at bagay sa kanya, but somehow, eh medyo happy na naman ako sa kanya at mukhang mananahimik na din siya at pipirme na sa bf niya"
Natuwa ako sa aking nalaman about Kim, bigla kong naalala na last time eh tila ba tinatawagan niya ako, pero hinde ko ito sinasagot, siguro may kinalaman ito sa nalaman ko lang ngayon na balita, napangite ako tinanong ko si Rikka
"Ikaw ba kelan ka ikakasal?"
Tanong ko nang pabiro sa kanya
"Gagu wala pa isip ko yang kasal kasal na yan, besides, may balak pa akong magabroad, tska na ako magpapakasal pagnakaipon na, di naman ako excited eh, kaw ba?"
"Anong ako?"
"Kelan ka ikakasal?"
Napangite lang ako at napabuntong hininga, sa tuwing nababangit kasi ang katanungan na iyon sa akin, eh may isang tao akong naalala, isang tao na dapat kasama ko na siguro ngayon, isang tao na ako mismo ang tumulak palayo. Napansin siguro ni Rikka na medyo nagging seryoso ako at bigla niyang pinitik ang ilong ko
"Adjaw seryoso naman agad to oh, wag ka ngang ganyan, nakabusangot ka na naman ang panget m na nga nagpapanget ka pa"
Napangite ako sa birong iyon ni Rikka pero di ko talaga maiwasan na isipin muli s Charice, muli na namang umandar sa aking utak ang isang malinaw na malinaw na dilusyon, na kaming dalawa ang kinasal nang araw na iyon at masayang nagsasama sa isang maliit na barong barong, kasama ang anak niya at ang isisilang pa lang niyang anak ko, but reality bites so hard, mas malakas talaga ang hatak sa akin nang reyalidad na malabong mangyare ang iniisip ko, or is it? Iniisip ko pa din kung ano nga ba ang nangyare kung, siya ang pinili ko kayse sa aking kapatid, naging ok kaya ang ate ko kung ginawa ko yun, o kung may Ate pa nga ba ako na tatawagin kung iniwan ko siya at pinili si Charice. Matapos naming omorder ay naghiwalay na kami nang tatahaking landas, sa ibang upuan kasi siya nagtungo at ako naman ay dinala na ang pagkain kay Stella. Tahimik kaming kumakain nang bigla siyang magtanong

Do you remember this place?"
Tumingin siya sa akin at ngumite, nagpanggap na hinde ko alam kung ano ang sinasabi niya
"Huh? Erm... oo, food court? Bakit?"
"Tangek! I mean this spot, this very seat we are sitting right now"
"Erm... hinde eh, bakit, ano bang meron?"
Www.xtory.tk
"Well, I guess di nga siguro ganun kasignificant sayo yung araw na yun, but well, somehow, it still reminds me of something I never thought na mangyayare"
Hinde ko nagets ang sinasabi ni Stella, tumingin siya sa akin at ngumite, kinutsara niya ang pagkaing kinakain niya at bigla niya akong sinubuan. Matapos naming kumain, ay kapwa kaming nagtungo sa exit nang mall at sa labas sa building B nang nasabing mall ay kapwa kami nagpababa nang kinain at nagsigarilyo. Habang nagyoyosi, napansin ko na tila may iniisip na malalim si Stella
"May problema ba?"
Tanong ko sa kanya sabay hithit nang hawak ko sigurilyo, tanging iling lang ang sinagot niya sa akin at tahimik lang siya na humithit din nang sigarilyo hanggang sa kapwa naming maubos ang stick na sinindihan namin, tumingin siya sa relo, magaalas sais kinse na nang mga sandaling iyon.
"El, tara"
Ang aya niya sa akin at tahimik lang ako na sumunod sa kanya. Hinawakan niya ang aking kamay at nagtungo kami sa may sakayan nang bus papuntang MoA. Hinde ko alam kung anong meron pero tahimik lang ako na sumama sa kanya, that time, tila ba tahimik siya at balisa, hinde ko maintindihan kung bakit ba may kakaiba akong nararamdaman sa kinikilos niya, hinimas ko ang ulo niya at hinalikan ito, siya din naman hawak niya nang aking kamay habang nasa biyahe kami patungo sa MoA. Ilang minute ang lumipas, matapos ang medyo mahaba habang biyahe dahil sa trapik, ay nakarating din kami. Nagtungo kami sa loob, at naglakad, hinde ko alam kung saan ba siya pupunta nang sandaling iyon at sumusunod lamang ako sa kanya, nagtungo kami sa may sea side at doon ay naupo sa may bakanteng bench
"Stella, anong meron dito?"
Tanong ko sa kanya, hinde ko alam kung bakit kami nagtungo doon, tahimik lang siya na sinandal ang ulo sa aking balikat, habang hawak ang aking kamay, kasunod ang isang malalim na buntong hininga na siyang tila ba may pinanggagalingan, at nang mga sandaling iyon, alam kong may dinidibdib siya, at sa isip isip ko, malamang, nalaman niya siguro na nagkita kami ni Eusha at nagawa kong itago ito sa kanya, alam ko na wala naman talagang lihim na hinde nabubunyag, dahan dahan niyang inalis ang pagkakahawak nang kamay niya sa aking kamay, matapos nito ay dahan dahan siyang tumayo, nagsindi siya nang sigarilyo at matapos niyang humithit, ay tumingin siya sa akin at isang katanungan ang sinambit niya sa akin.

"I know where you went, last time, is there any chance na sasabihin mo sa akin yun?"
Ang tanong sa akin ni Stella, at hinde ko naman na magawa pang magsinungaling pa, alam ko kung ano ang sinasabi ni Stella, hinde ako nakaimik, at tahimik lang na lumapit sa kanya
"Stella, kasi ano"
"Kasi ano? You know, I trusted you, pero di ko inakala na magsisinungaling ka din pala sa akin, akala mo ba hinde ko malalaman? Na nagkita kayo ni TamTam dito last time? Bakit ka ganyan? May ginawa ba ako masama sa iyo para pagsinungalingan mo ako nang ganito?"
Ang pagalit sa akin ni Stella, hinde ko alam kung ano bang idadahilan ko, I know for the fact na sa oras na sabihin ko na dahil gusto kong makita si Eusha at makipagusap sa kanya, she might get the wrong idea, pero, wrong idea nga ba? Maloko ko man ang mga tao sa paligid ko, hindeng hinde ko maloloko ang sarili ko, that time, wala akong ibang nabangit kay Stella kung hinde
"Sorry,sorry Stella"
Kitang kita ko sa mukha niya na pigil na pigil siya na maiyak, kahit kitang kita ko na nangingilid ang kanyang luha, umupo ako muli sa bench, at napabuntong hininga,kasunod ay ang aking pag amin sa kanya na

"Actually Stella, I know, I am such a dipshit saying this pero, gusto ko kasi talagang makita si Eusha that time, but I am not cheating on you, nakipagkita ako sa kanya para makipagusap lang, may mga bagay bagay kasi na gumugulo sa akin at may kinalaman ito sa kanya kaya gusto kong makipagkita sa kanya, hinde naman kita masisisi kung magalit ka sa akin right now, I lied and its something na di ko dapat ginawa pero I had my reasons"
"Ipaunawa mo sa akin El, ipaunawa mo kung bakit kailangan mong magsinungaling"
Ang wika ni Stella na nangangatal ang boses at pilit na pinipigilang umiyak, at nang makita ko siya na nagkakaganon, halos patayin na ata ako nang konsensya ko, this guilt feeling na tila ba sinasaksak nang isang daang beses ang dibdib ko at puso ko habang pinagmamasdan ko ang magandang dilag na ito na umiiyak sa aking harapan dahil sa aking pagiging makasarili. Hinde ko alam kung paano ko ba ipapaunawa sa kanya ang aking ginawa, hinde ko alam kung ano ang mga salitang dapat kong bigkasin dahil alam ko, dito nakasalalay ang naguumpisa pa lamag na relasyon namin, ngunit, wala talaga akong maisip na masabi sa kanya, theres no excuse sa aking ginawang pagsisinungaling sa kanya.
"El, iwan mo muna ako magisa, please"
"Stella"
"Please lang, El, wag ka munang magpakita sa akin, please"
At di na niya napigilan pa na maluha, matapos ay nito ay madali siyang umalis, hinde ko alam kung bakit ba kahit na gusto ko siyang sundan ay tila ba napako ang aking mga paa sa aking kinatatayuan, at mula doon ay pinanuod ko lang si Stella na tuluyan na makalayo sa akin. Napabuntong hininga ako, matapos ay muling umupo sa bench, at nagsindi nang sigarilyo, dito ko na lang dinaan ang nararamdaman kong inis sa aking sarili. Madilim na nang nagdesisyon akong umalis sa aking kinauupuan, nakatulala lang ako buong oras doon sa bench habang nakatingin sa karagatan at iniiisip kung ano ba talaga ang dapat kong gawin, ano ba talaga ang nararamdaman ko para kay Stella, kay Eusha. Minabuti ko na lamang na umuwi sa aking bahay, gusto ko pa sanang dumaan sa bahay ni Stella subalit ayaw ko munang palalain pa ang sitwasyon, mas ok na muna siguro na palamigin ko muna ang sitwasyon, hinde ko din talaga kasi siya masisisi kung bukas makalawa eh makipaghiwalay siya sa akin, ano pa bang pinagkaiba ko sa naging boyfriend niya. Mabigat ang dididb ko nang umuwi ako sa amin, kasabay pa nang malungkot na aurang sumalubong sa akin sa bahay na tinitirhan ko. Madilim at mainit pa, kaya naman binuksan ko na lang muna ang pintuan nang aking bahay at binuksan ang ilaw matapos ay tahimik na umupo sandali sa labas at muling nagsigarilyo. Maliwanag ang paligid kahit alas diyes na nang gabi nang mga oras na iyon, bilog at maliwanag ang buwan. Napatingala ako at naalala ang isang taong naging parte nang aking buhay, at siguro, kung nakikita niya ako ngayon ay marahil nalulungkot din siya dahil sa mga bagay bagay na pinaggagawa ko. Pinilit ko na munang kalimutan ang nangyari, muli akong umalis nang bahay at nagtungo sa computer shop na aking tinatambayan.

Pagdating ko doon ay agad kong nakita si JanJan at Mike na nakaupo sa labas, kapwa nagsisigarilyo at nang makita ako ay agad akong hinatak
"Oh kumpleto na kami!"
Nagulat ako nang sabihin iyon nang dalawa, at pinaupo na ako ni Mike sa tabi niya
"Oy pre Morphling ka huh"
Sabi niya sa akin, nagtaka ako at hinde ko inasahan na masasabak ako sa isang pustahan sa laro nang Dota, sakto at may paglalabasan ako nang sama nang loob. Matapos ang dalawang oras nang paglalaro ay nanalo kami sa pustahan.
"Taena ka, napakaseryoso mo ah, lamog tuloy kalaban"
Bati sa akin ni Mike at ni JanJan habang nagliligpit kami nang upuan, magsasara na kasi ang ang shop, at hinde doon matutulog si JanJan o ang kapatid nang may ari nang computer shop.

"Bute at nadaan ka dito, walangya kasi yung isang player naming di dumating ah, buset na yan, tara shot kayo"
Ang natatawang sabi ni JanJan
"Huh bat kami lang?"
"Eh may gagawin pa kasi ako eh"
"Tara, sama ka na"
Ang aya din ni Mike kay JanJan pero tumangi ito, at nauna na kaming dalawa ni Mike na magtungo sa tinatambayan naming na inuman. Habang naglalakad kami ay tahimik lang ako na nagiisip kung ano ba ang gagawin ko sa aming dalawa ni Stella, should I stop this, dapat ko pa bang panindigan yung mga salitang binitawan ko kung di ko naman kayang pangatawanan? Ano nga ba ang gagawin ko? Kasi kung iisipin, I think, Stella is giving me an escape route sa pinasok naming dalawa na relasyon, but, ganito din ba kaya ang iniisip niya? Wala pa naman siyang sinasabi sa akin na maghiwalay na kami, pero kailangan ko pa ba humingi nang go signal para lang malaman kung stay or go na ba ako sa buhay niya. Hinde ko namalayan na panay ang kwento noon ni Mike at sa tingin ko ay napansin niya na tulala na naman ako sa kawalan, nagulat ako nang bigla niya akong sabihan na
"Putang inang yan tulala na naman si gago, babae na naman yan no?"
Natawa ako at sabay tangi

"Hinde ah, kala mo naman porke ba tahimik lang ako at tulala eh babae na agad iniisip ko"
"Gagu! Parang di naman kita kilala"
Natawa lang ako at sinuntok ako ni Mike
"Tae na ka, puro ka babae, kaya ayan, puro problema binibigay sayo, chill lang kasi, nangyare ba?"
Napailing lang ako at natawa lang si Mike
"Ewan ko sayo nunal ka, maaga kang mamatay niyan, ay hinde pala, masamang damo ka pala kaya matagal ka pang mamatay"
Natawa lang ako at nang makarating kami sa iinuman namin ay tahimik lang kaming dalawa na naghintay na lumapit sa amin ang waiter at umorder kami nang Red Horse, at pulutan.
"wala ka bang pasok at nagiinum ka ngayon?"
Tanong ko kay Mike
"Wala naman, tska isa pa, kahit naman meron, tinatamad akong pumasok, nakakabwiset lang kasi mga kaklase ko eh, pati school ko"
Nagkwento si Mike sa mga problema niya sa eskwela at napaisip ako, namiss ko yung ganyang problema na iniisip ni Mike, at di ko ata siya naririnig na nagrereklamo tungkol sa relasyon niya kay Lyn. Kahit papaano, masaya na ako para sa aking kaibigan, pero deep inside, naiingit ako sa kanya, gusto ko din kasi na magkaroon nang babaeng katulad ni Lyn, pero, hinde kaya, meron na din akong katulad niya na sadyang bulag lang ako na makita? Hinde kaya, nasa harap ko na mismo ang kasagutang hinahanap ko, pero sa ibang direksyon lang ako tumitingin? Nang mga sandaling kasama ko si Mike, naisip ko ang mga bagay bagay na ginagawa niya sa ginagawa ko, masyado nga siguro akong nagiisip nang mga bagay bagay, kaya siguro kahit na wala yung problema, eh biglang nagkakaroon, at minsan, ako pa din mismo ang gumagawa nang problema. At habang nagkwekwentuhan kami ni Mike, may nabangit siya sa akin na isang insidente na kinahanga ko sa kanya
"Naalala ko nga pala pre, may klasmate din ako, cute naman siya, maganda, tapos may boobs"
"Mas malaki kay Lyn?"
"Gago!"
Ang natatawang sabi ni Mike sabay suntok sa akin matapos ay tinuloy niya ang kwento
"Hinde naman, sakto lang, pero yung alam mo yung panay ang yakap sa akin, tapos panay ang aya sa akin na inom daw kaming dalawa"
"Oh tapos tapos"
"Ayun, isang beses, nagulat nga ako, kasama ko yung mga kaklase ko, nagiinom kami sa malapit na inuman sa may kampus, sumulpot yung babae, kasama yung tropa niya tapos, ayun inabutan ako nang alak, tapos, may kasamang papel, nung tinignan ko, number niya, call her daw, return if not interested"
"Binalik mo naman?"
"Oo"
"Edi bading ka?"
Ang natatawang sabi ko kay Mike, sinuntok niya ako nang pabiro habang tumatawa pero pagkatapos ay di ko malilimutan ang sinabi niyang iyon na siyang tila ba pumompyang sa pagiisip ko tungko sa amin ni Stella
"Pre, di naman sa kabadingan, may girlfriend na ako, kahit na di naman makita ni Lyn yun, atleast alam ko sa sarili ko na hinde ako nagsisinungaling sa kanya at wala akong tinatago, itatapon ko pa ba yung minsan na lang na pagkakataon na makakita ako nang taong magmamahal sa akin nang ganun? Isa pa, malibog man ako, pero hinde ako kantutero katulad mo"
Natawa ako sa kanyang sinabi pero totoo ang sinabi niya, pero sa isip isip ko, nasasabi lang siguro to ni Mike dahil ok siya ngayon, or sadyang, magaling lang siyang magdala nang problema at relasyon, hinde katulad ko na tila nga ata, titi ko lang ang nagiisip minsan.
"Isa pa, ayaw ko nang gumawa nang problema, putang ina puro na nga ako problema sa eskwela at sa bahay eh, dadagdagan ko pa ba? Kaw kasi trip mo mamroblema eh, uu nga noh tang ina ka, bakit ba ang hilig mong gumawa nang problema?"
Ang natatawang tanong ni Mike sa akin, natawa lang din ako, pero, siguro nga, ako din ang gumagawa nang ikaproproblema ko, what the fuck naman kasi tong utak ko, di ko din kasi maintindihan ang sarili ko, minsan hinahayaan ko na madala ako nang nararamdaman ko, gumagawa ako nang mga desisyon sa tuwing masaya, malungkot, galit o naguguluhan ako, kaya minsan ang resulta eh mapapakamot na lang ako sa ulo. Matapos ang inuman session naming ni Mike, ay kapwa na kami naghiwalay nang landas, siya ay umuwi na at samantalang ako, hinde ko alam kung uuwi ba ako agad, o tatambay na muna kung saan. Tinignan ko ang oras, ala una y medya na pala, kapansin pansin din na halos wala na ding tao sa labas, madilim na ang paligid at sarado na halos lahat nang tindahan. Kinapa ko ang bulsa ko at kinuha ang barya at bumili nang sigarilyo, matapos ay nagtungo ako sa park at doon muna nagpalipas nang oras habang nagsisigarilyo. Mula doon ay may naririnig akong kumakanta, maganda ang boses niya, kaya lamang ay medyo sabog ang tunog nang drums pero ok naman, napatingin ako sa pinagmumulan nang boses na iyon, mga kabataan na kumakanta at tila rumaraket siguro, naalala ko bigla si Jam, kumusta na din kaya siya, naalala ko siya bigla dahil sa mga kumakantang banda na iyon. Lumabas ako nang bar na iyon at nagtungo na sa sakayan, medyo tinamaan na din kasi ako nang antok, napansin ko din na low bat na ako, kaya naman umuwi na lamang ako. Sa biyahe, habang tahimik kong pinagmamasdan ang tanawin sa labas nang jeep na aking nasakyan, muli kong inisip ang nagawa kong kagaguhan kay Stella. Wala naman siyang ginawa o pinakitang kahit ano sa akin kaya bakit ko siya nagawang pagsinungalingan, marahil, may mga mensahe siya o miscall sa akin, pwede din namang wala dahil nga sa asar siya sa akin, ginulo ako nang pagiisip ko na iyon kaya naman sinubukan kong buhayin ang cellphone ko at kahit papaano ay nag on naman ito, subalit wala akong natanggap na kahit anong mensahe mula sa kanya, puro quotes lang mula sa mga kaibigan ko at messages mula sa network, wala din phone icon na nagsasabing may nagmiscall sa number ko bago malobat ang cp ko, at nakaramdam ako nang kakaibang bigat sa dibdib, yung feeling na akala mo may bigla na lang dumiin sa dibdib mo, or yung nahulog ka nang patihaya, but who am I to complain, I deserve this feeling. Pagdating ko sa bahay ay chinarge ko ang cellphone ko, matapos ay naligo upang bahagyang gumaan ang pakiramdam ko. Matapos ay tahimik akong nagbihis at humiga sa sofa, nakatingin sa kisame at hinihintay na muling dalawin nang antok, pero kakaiba talaga ang bigat nang dibdib na nararamdaman ko, at malabo ata na antukin ako. Binuksan ko ang t.v at nanuod nang dvd, hinde ko nga matandaan kung ano ba ang pinanunuod ko, gusto ko lang makarinig nang ingay, habang panay ang dampot ko sa cellphone ko upang tignan kung magmemessage ba sa akin si Stella. Sinubukan ko din na mauna nang magmessage sa kanya, subalit hinde naman siya nagrereply sa akin. Makalipas ang isang oras, bandang alas kwatro y medya nang madaling araw, tumunog din ang aking cellphone, agad ko itong kinuha at tinignan kung sino iyon, and thank God its Stella. May halong kaba at tuwa akong naramdaman, hinde ko kasi alam kung ano ba ang mensahe niya sa akin, kaya ako biglang nakaramdam nang pangamba, subalit may tuwa din akong naramdaman dahil sa wakas ay nagmessage din siya

"El, can we meet later? Usap tayo, ayaw kong tumawag o patext ang usapan natin, lets talk face to face"
Hinde ko alam kung ano ang paguusapan naming dalawa, will it be, a break up talk, di ko alam, pero ang alam ko, mamaya, kailangan kong kausapin si Stella nang buong puso, and now, I will be truthful to her, whether it will hurt her or not.
"Saan tayo magkikita?"
Ang tanong ko sa kanya
"After my meeting with my client, kita tayo sa Mega, tawagan kita kung saan tayo doon, be there at 3pm"
"Sige. Ingat ka sa biyahe"
Matapos ay hinde na siya nagreply pa sa akin. Hinde ako mapakale, gusto ko siyang tawagan but I know doing that will just make matters worse, kaya naman, muli, ay sinubukan kong matulog at sa awa naman nang Diyos ay tinamaan din ako nang antok.
"Tao po! Tao po!"
Boses nang isang lalake ang narinig ko, napansin ko na maliwanag na, pagtingin ko sa aking cellphone ay ala una kwarenta y singko na nang hapon, dahan dahan akong tumayo upang tignan kung sino ang tumatawag na iyon.
"Ano po yun?"
Tanong ko sa lalake
"May yelo po kayo?"
"Ay hinde po ako nagbebenta nang yelo baka sa kabila"
At umalis agad ang lalaking iyon, at medyo natuwang naasar ako sa senaryo na iyon, well, siguro dapat ko din siyang pasalamatan sa paggising sa akin dahil magaalas dos na at kailangan kong magpunta nang Mega before 3pm kaya naman agad na akong naligo, at naghanda, matapos nito ay agad na akong nagabang nang FX papunta sa Mega, bukod kasi sa mainit, mas mabilis akong makakarating sa pupuntahan ko since sigurado, trapik. Sa loob nang FX, di ko inasahang may makakasabay ako sa biyahe.

"Oi san punta?"
Bati sa akin ni Bords, isa sa mga kaibigan ko noong highschool years ko, siya ang unang naging kaibigan ko sa eskwelahan na iyon, naalala ko pa nung una kaming naging magkaibigan, actually nagsimula siya sa angasan, hanggang sa nauwi sa inuman at ayun, naging kaibigan ko na siya. Its been a while simula nang magkita kami, matapos kasi ang 1st year ay nalipat na ako nang section at hinde kami naging magkakaklase.

"Mega pre, kaw ba saan?"
"Trabaho"
"Ahh, saan ka nagtratrabaho?"
"Sa may Pasay, doon din ako naglalagi"
"Ahh, so kumusta ka naman? Kayo pa din ba ni Marissa?"
"Tagal na kaming hiwalay"
Si Marissa ang kasintahan ni Bords mula 1st year high school hanggang 4th year, kahit kasi na hinde kami masyadong nagkakausap ni Bords ay nakikita ko siya na madalas kasama si Marissa na kumakain sa canteen tuwing recess, at napakasweet pa nga nilang dalawa, pero siguro, kahit anong tagal na nang magshota, pag di talaga sila, maghihiwalay pa din sila. Hinde ko na inungkat kung ano ang nangyare at iniba ang usapan. Buong biyahe, nagkwekwentuhan kami, mga kalokohan naming dalawa nung magkaklase pa kami at nung magkahiwalay kami nang landas, pag kaibigan mo talaga, kahit hinde na kau nagkakausap o nagkakasama ay sadyang may koneksyon pa din kayong dalawa kahit papaano. Makalipas ang halos isang oras na biyahe ay narating din namin ang Edsa Central.
"Oi pre, kita kits na lang, minsan daan ka sa pinapasukan ko, libre kita nang alak"
Ang sabi ni Bords sa akin at nagpaalam na siya at nagtungo na sa sakayan nang MRT at ako naman ay nagtungo na sa Mega. Madami akong nakitang mga nakauniform pa na pang school na pumapasok at lumalabas sa Mega, as if, this is their university, hinde ko alam kung ano meron, pero napakadami talagang studyante, hinde ko alam kung anong meron nang mga sandaling iyon, all I know is, di naman iyon ang pinunta ko doon sa Mega kung hinde si Stella. Habang naglalakad ako, muli kong tinignan ang cellphone ko upang tignan kung may mensahe na ba si Stella, gusto ko sana siyang tawagan nang bigla kong maalala na may meeting nga pala siyang inaatenan nang araw na iyon at baka nakapatay ang phone niya or silent so useless din ang gagawin ko kaya naman nagmessage na lang ako sa kanya pero habang nagtetext ako ay bigla na lang akong may nabanga na kung sino
"ay puta! shet naman oh!"
Isang malutong na mura ang aking narinig, nakita ko sa aking harapan ang isang nursing student na babae at kaya ito napamura ay nadumihan pala ang uniform niya nang magkabanggaan kami at tumalsik sa kanya ang iniinum niyang kape.
"Miss so"
"Bulag ka ba?! Ha?! Bwiset ka ah!"
Ang sabi niya sa akin na halatang galit na galit at di niya naiwasan siguro dahil sag alit na ibato sa akin ang paper cup na hawak niya, mabuti na lamang at nakailag ako
"Anong gagawin mo ngayon ha?! Wala na pa naman akong uniform! Putang ina naman kasi, text nang text di tinitignan ang dadaanan!"
Hinde ko alam kung anong sasabihin ko, kamot lang sa ulo ang aking nagawa at nakakaramdam na din ako nang konting hiya dahil pinagtitinginan na kami nang mga tao, wala naman akong magawa at masabi kung hinde
"Miss sorry talaga, di ko sadya"
At sa gitna nang panggagalaiti niya sa akin ay may isang babae din na kaparehas nang uniporme niya ang sumulpot sa mga nagtitipun nang tao nang sandaling iyon
"Bhe, naku tara na! pahiramin na lang kita nang uniform, baka malate pa tayo!"
Tinignan ako nang babaeng iyon sabay sabing
"Kuya next time kasi wag tatanga tanga sa paglalakad, kung di lang kami malalate nayari ka sa amin"
At bago umalis ang dalawa ay may pahabol na hataw sa braso ko ang babaeng nakabanggaan ko, napakamot na lang ako sa ulo at nagpatuloy sa pagpasok sa loob nang mall, di ko inakala na may maeencounter pa ako na ganun ngayong araw, pero nagkibit balikat na lang ako dahil kasalanan ko din naman eh, I just resumed texting Stella about my whereabouts, tumambay ako muli sa may videohan at nanuod na lang nang mga naglalaro nang games dito.
Isang oras din halos ang lumipas bago nagreply si Stella
"Let's meet somewhere else"
"Saan?"
"MoA, Gerry's Grill"
Natigilan ako bigla nang sandaling iyon at napangite, doon din kasi kami nagkita ni Eusha, and after remembering what just happened to me and Eusha sa lugar na iyon, malamang sa hinde ay may mga taong makakaalala sa akin, or maybe not, hopefully. Di ko alam kung sinadya ba ni Stella na doon kami magkita dahil nga sa nalaman niya na si Eusha ang kinatagpo ko sa lugar na iyon or it's just mere coincidence. Wala na akong gumawa at nagtungo na lamang sa lugar na sinabi ni Stella.
Pagdating ko sa aming tagpuan, agad kong sinipat ang paligid, medyo konti pa ang tao nang oras na iyon, maaga aga pa kasi at medyo maliwanag pa. Sa sa may bandang sulok ay nakita ko si Stella, suot ang binili niyang damit. Dahan dahan akong lumapit sa kanya at sinamahan siya doon. Tahimik lang siya habang panay ang silip sa kanyang cellphone. Gusto ko nang basagin ang katahimikan na bumalot sa aming dalawa nang pagdating ko doon, kasi halos sampung minute na din kaming walang imik sa isat isa
"Stella I just want to say "
Ngunit bago pa matapos ang gusto kong sabihin sa kanya, agad niya akong sinabihan na
"Let's cool off for a while"
Hinde ko inakala na maririnig ko na naman ang salitang iyon, at ang huling taong nagsabi sa akin na "Let's cool off" eh bigla na lamang naengage sa iba, pero, anong gagawin ko, hinde ko alam kung anong sasabihin ko, tila ba nalock ang panga ko at hinde ko maigalaw, hinde ako makapagsalita, gusto kong sabihin na "Please, wag Stella" pero hinde ko magawang sabihin, hinde kaya dahil ito din ang gusto ko deep inside, isang katotohanan na pilit kong tinatanggi sa aking sarili, at siguro, oras na para malaman ang halaga ni Stella sa akin, at kung sa paglayo ba namin sa isa't isa, ay may malalaman kami sa aming dalawa, at mas malaki ang problema sa side ko, dahil, aaminin ko, hinde pa ako nakakamove on sa mga nangyayare sa akin, and it so happened, that Stella, manage to make me feel at ease, so hinde ko talaga alam, kung mahal ko nga ba siya, o mahal ko yung pakiramdam na may kasama.
Tahimik siyang umalis matapos niya sabihin sa akin ang mga salitang iyon, ako naman ay nanatili lang na nakaupo, gusto ko man siya lingunin, pigilan, hinde ko na ginawa at sa tono at pinakita sa akin ni Stella, hinde siya magpapapigil, kaya naman ,pilit kong nilabanan na huwag gawin ang isa na namang bagay na maaring magpalala sa sitwasyon. Umorder na din ako nang isang bucket nang san Mig light, at tahimik na nagiinom, at nang maubos ko ito ay tahimik akong umalis at naglakad lakad, subalit nayamot lang ako nang makakita ako nang sandamukal na mga lovers na naglalakad, naglalambingan at sobrang sweet sa isa't isa, kaya naman nagdesisyon na lamang akong umuwi.
Two weeks din ang lumipas simula nang huli kaming magusap ni Stella, hinde din siya nagparamdam sa akin sa dalawang lingong nagdaan, ni miscall or text message ay wala. Aaminin ko, namiss ko siya, pero napaisip ako kung siya nga ba ang namiss ko, o yung pakiramdam na may nagaalala sa iyo at nagtetext, yung tao nga ba ang namimiss ko o yung mga bagay na ginagawa lang naming nang taong iyon, it's really hard and complicated to explain, pero sa mga nararamdaman at gumugulo sa isip ko, kahit papaano ay nagagawa ko naman na libangin ang sarili ko, morning jogging, linis bahay, laro nang dota at LoL at HoN, inom kasama ang mga kaibigan kahit papaano, nakatulong talaga ang mga ito, pero at the end of the day, balik ako sa bahay ko na magisa, malungkot, at mabigat ang dibdib sa tuwing matutulog ako. Isang umaga nang Biyernes, magiikatlong lingo na nang pagcocool off naming ni Stella, isang mensahe ang natanggap ko mula sa isang taong hinde ko inaasahang magpaparamdam sa akin, si Eusha.
"El"
Ang tanging mensahe niya sa akin, at hinde ko alam kung rereplyan ko ba siya, tatawagan ko ba siya, o wala akong dapat gawin at magkunwari na wala akong nakitang mensahe mula sa kanya. That time, para akong tangang nakatitig sa cellphone ko, iniisip kung ano ba ang gagawin ko, at isa pa, iniisip ko din kung Eusha ba talaga to, maari din kasi na si Glen ito, dahil iniisip ko na hinde na nga magpaparamdam pa sa akin si Eusha matapos ang huling pagkikita namin. Ilang sandali pa ay nagulat ako nang biglang magring ang telepono ko, hinde ko agad ito kinuha, hinde ko kasi alam kung sino iyon, hinde ko pa nakikita ang number at para bang ayaw kong kunin ang telepono, dahil alam ko, na pag si Eusha ang tumatawag, walang pagdadalawang isip na sasagutin ko ito, at hinde na ako nagpaligoy ligoy pa at kinuha ko na ang cellphone ko and to my relief and disappointment, hinde si Stella nor Eusha ang tumatawag, pero, isang number na hinde rehistrado sa phonebook ko, napaisip ako bigla, sino na naman kaya ang ungoy na to.

"Hello sino to?"
Ang tanong ko sa kabilang linya.
"Ako ang iyong konsensya, ay hinde pala ako si LenLen "
Natawa ako nang mabosesan ko kung sino ito, si Lyn
"Pakyu ka! Hahahaha oh, bat iba na naman ang number mo?"
"Hinde ko to number, kay Mike to, magkasama kami"
"Ahh, oh ano meron napatawag ka?"
"Punta kami diyan mamaya, wag kang aalis, wala ka naman pupuntahan eh"
"Wala naman"
"Shot daw tayo"
"Sino sino pa pupunta dito?"
"Ewan ko lang kung si Pauline pupunta diyan"
"Ahh, sige lang, punta lang kayo, pero mamaya pa naman gabi eh, langya ang aga aga pa eh, pero baka kasi may puntahin din ako mamaya, ewan ko lang"
"Saan ka naman pupunta? Aadig ka na man?"
Ang natatawang sabi ni Lyn
"Gagu! Edi kung aalis man ako, iwan ko na lang sa tambayan natin yung susi nang bahay ko if ever na aalis ako"
"Sige sige"
Binaba ko na ang tawag at napabuntong hininga, at nawirduhan ako sa aking sarili, bakit ako nakaramdam nang pagkadismaya nang di si Eusha o si Stella ang tumawag, at bakit silang dalawa ang inaasahan na tumawag, bakit hinde si Stella lang, or si Eusha lang? Bwisit na utak at puso talaga to, or maaring titi ko lang siguro ang nagiisip na naman kaya ako nagkakaganito. Nakakatawang nakakainis na nakakalungkot, hayahay pagibig, paking shet lang talaga ang nadarama ko, nagtatalo ang tama sa hinde, liwanag at dilim, yin and yang at kung ano pa mang pwede kong ireference sa nararamdaman ko at iniisip. I looked at Eusha's message, at pinindot ko ang option, at tanging sa dalawang pagpipilian lang ako nakatingin na alam kong maaring magbago nang takbo nang aking buhay nang sandaling iyon,
~Reply... Delete~
Tahimik akong nagiisip, ano ba ang maaring mangyare o maging scenario kung sakali man na ang pipiliin ko na magreply sa mensaheng iyon ni Eusha, what will happen? What would she say? And what would I say? Tanging pangalan ko lang naman ang kanyang binangit. Ano ang sasabihin ko? At isa pa, maaring hinde din siya yun, maaring si Glen iyon dahil di naman lingid sa aking kaalaman na minsan, may mga boyfriend na nagpapangap na sila yung gf nila sa mga contact nilang lalake para malaman kung sino ang kalandian nila.
Pwede ko din naman na idelete na lamang ang mensaheng iyon ni Eusha, magpanggap na wala akong nakita at hinde na lalala pa ang problemang meron kami ni Stella, besides, ito din naman ang dahilan kung bakit kinailangan niyang magdesisyon na magcool off na lang muna kami.

Mataimtim akong nagisip, hanggang sa abutin na ako nang hapon sa paggawa nang desisyon at kahit na alam kong malamang ay magsisimula na naman ito nang panibagong problema ay pinili ko na replyan ang text niya.
"Eusha, bakit? Sorry by the way kung ngayon lang ako nakapagreply, medyo busy lang kasi? Ano yun?"
At nang ipapadala ko na ito ay natawa lang ako bigla sa nangyare,
~message sending failed!~
Notification sinabi sa akin nang aking cellphone, kasunod nito ay ang pagdating nang mensahe mula sa network na wala na akong load. Iniisip ko na sanang magload nang sandaling iyon nang biglang
"Yow!"
Bati sa akin ni Lyn na siya namang kinagulat ko dahil di ko inaasahan na mapapaaga ang dating niya sa aking bahay.
"Oh, si Mike nasaan?"
Ang tanong ko sa kanya, napatingin din ako sa orasan nang aking cellphone at magaalasingko pa lang nang hapon.
"Bumili nang pagkain at alak, saan ka pupunta?"
"Papaload sana, kaso, tinatamad na ako, teka, sabihin mo kay Mike, paloadan din "
Subalit bago ko pa sabihin na paloadan ako ni Mike sana ay dumating na din siya ilang minuto lamang ang pagitan sa pagdating ni Lyn.
"Tara! Lets get it on!"
Natawa lang ako at nagsimula na akong magtimpla nang alak.
"Ang aga niyong dalawa ah? Kala ko ba mamayang gabi pa kayo pupunta?"
"Eh namiss ka namin eh"
Sagot ni Lyn
"Ayiiehh! Kinilig!"
Ang sabi din ni Mike at natawa lang ako. Pero kahit papaano ay natuwa naman ako dahil dinalaw nila ako.
"May lakad ka ba ngayon?"
Tanong sa akin ni Mike. Umiling lang ako dahil wala naman akong pupuntuhan. Matapos kong magtimpla nang aming iinumin ay naglabas si Lyn nang bala na panunuorin naming habang nagiinom.
"Ano yan porn?"
Ang pabiro kong tanong kay Lyn
"Gagu! Gaya nyo ko sa inyong magkaibigan na malibog"
Ang natatawang sagot ni Lyn sa akin habang sinasalang ang bala. Parehas kaming nagsindi nang sigarilyo ni Mike pero bago pa man siya makapagsinde ay sinaway na siya ni Lyn at pinagalitan
"Eh bakit si El?"
Ang parang batang pandadamay pa ni Mike
"Eh hayaan mo siya, gusto na niyang mamatay eh, hayaan mo siyang magkasakit, wala naman nagmamahal sa kanya eh"
Ang pabirong sabi ni Lyn at parehas kaming natawa ni Mike, pero sa kabila nang pagtawa ko, nasaktan ako sa birong iyon ni Lyn
"Uy joke lang huh! Baka magalit ka"
Ang natatawang sabi ni Lyn
"Samaaa!! Ang sama noh pre?!"
Ang panggagatong ni Mike at natawa ako nang biglang kagatin ni Lyn si Mike at bakat na bakat ang kagat niya sa braso nito.
"Ikaw pa nga para kang aso, I love you!"
Ang sabi ni Mike at natawa lang si Lyn at hinalikan ni Lyn si Mike sa labi, and paking shet, nakaramdam na naman ako nang putang inang inget at lungkot nang sandaling iyon. Napansin siguro ni Mike na biglang nagbago ang ekspresyon nang mukha ko at kinalabit ako
"Uy, nangyare sau?"
Umiling lang ako nang sandaling iyon, natawa ako nang bahagya nang biglang sabihin ni Lyn na
"uy nagtatampo ka ba sa sinabi ko? Sorry naman"
Natawa ako at sabay sabing
"Adik lang? Bakit naman ako magtatampo, may naalala lang kasi ako"
"Wooo magmamaala ala mo kaya na naman si Nunal!"
Ang pangaasar ni Mike at natawa lang ako, kasi totoo, pakiramdam ko nang sandaling iyon, gusto kong umiyak, pero, anong dahilan? Sinong dahilan? The fact na namimiss ko si Charice, ang company ni Eusha at ni Stella, or yung pakiramdam lang ba na yun ang namimiss ko, di ko talaga maintindihan ang pagiisip ko, sa kung ano ba ang gusto kong gawin sa buhay ko, nakakainis lang, hinde ko kasi alam kung ano ba ang gagawin ko, kung bakit ba lagi na lang ganito nang ganito ang nangyayare. Sa gitna nang pagiisip ko, may bisita pang dumating sa bahay ko nang sandaling iyon, at di ko inaasahan na pupunta sila
"Nageemote na naman yang nunal na yan?"
Ang bati ni Pauline sa akin kasama si Nikko.
"Oh nagdradrama ka dre? Nangyare?"
"Inasar kasi ni Lyn!"

Ang singit ni Mike at pinagsusuntok ni Lyn si Mike, natatawa ako sa nakikita kong scenario, kahit papaano, nandito ang mga barkada ko sa oras na kailangan ko nang kasama, pero, at the same time, naiinis ako dahil nandito silang mga lovers at ako naman ay nganga nang sandaling iyon, pero no one is to blame here but myself, ako din naman ang gumawa nang kalokohan kaya ito ako, mukhang magiisa na naman. Inalis ko muna ang pagiisip nang sandaling iyon sa ano mang may kinalaman sa pagibig at inenjoy na lang muna ang pagstay nila dito, pero, kahit papaano, may eksena pa din akong nakikita na alam ko, dir in ata nalalayo sa sitwasyon ko, alam ko, na ang mahal pa din ni Pauline ay si JanJan, at hinde si Nikko, pero, nakikita ko naman na pilit niyang iniibig kahit papaano si Nikko, at natawa ako bigla, magkaibigan nga kami ni Pauline, Birds with the same feathers flocks together nga. Makalipas ang dalawang oras ay umalis din sila Pauline at Nikko dahil may pupuntahan pa daw sila, samantala, si Mike naman ay muling bumili nang alak kasama si Lyn at naiwan ako magisa sa bahay at niligpit na ang ibang basura, bote at kalat sa bahay. Habang naglilinis ako ay may bisita akong dumating, ang may ari nang bahay na aking tinitirhan at nakita na makalat ang bahay
"Ikaw El ha, susumbong na kita sa kapatid mo?"
"Bakit?"
Ang tanong kong may halong asar
"Araw araw na lang kayong nagiinom dito tapos laging makalat, lagi pang nagddvd kaya ang taas nang binabayaran mo sa ilaw"
Gusto kong sagutin ang babaeng ito pero di ko na lang pinalala ang sitwasyon, gusto kong sabihin na bakit niya sinasabing araw araw eh halos din a nga ako nakatira sa bahay na iyon dahil lagi akong umaalis, at ang bill ko sa kuryente, alam ko nam ay nakajumper na sa akin at di ko malaman kung sino ang putapeteng iyon, pero wala naman akong reklamo. Umalis din ang babaeng iyon at siya din namang dating muli ni Mike
"Oh, ano yun?"
Tanong sa akin ni Mike
"Naku wala yun pre, hayaan mo yun"
Matapos naming inumin ang 2nd batch nang litro nang gin na binili nila ni Lyn ay kapwa silang bagsak na noon sa higaan, at ako naman ay muling naghugas at nagligpit sa bahay, matapos ay lumabas sandali at nagsigarilyo. Magaalas onse na pala, at nang gabing iyon, wala akong masilayang bituin sa kalangitan, at tila nagbabadya nang pagulan. Ilang sandali pa ay nakaramdam na ako nang ambon, at agad na akong pumasok sa bahay at sinabihan ang magkasintahan
"Uy pre, umuwi na kaya kayo, baka abutan kayo nang malakas na ulan"
Ang wika ko kay Mike habang tinatapik siya sa balikat. Agad naman siyang bumangon at maging si Lyn ay agad ding bumangon at nagayos.
"Oy! Wag ka magpapakamatay ha!"
Ang pabirong sabi ni Mike at sinuntok ako sa braso
"Ingat kayo ha"
Ang sabi ko sa kanila at tinanaw ko silang nagmamadaling tumawid at sumakay nang tricycle at ako naman ay umupo at tumingala sa kisame. At muli na namang umihip sa akin ang hangin nang pagiisa, malamig, malungkot na pakiramdam, at di ko namalayan na lumuha na pala ako, ang tanging maiinit na bagay na naramdaman ko nang sandaling iyon, na siyang dahang dahang bumabagsak mula sa aking mga mata, at kasunod nito ay sunod sunod ko nang naalala lahat nang malulungkot na bagay na dumaan sa aking buhay, mula sa mga pinagdaan ko sa aking pamilya, hanggang sa aking pinagdaanan sa buhay pagibig, hanggang sa kasalukuyan, nang gabing iyon, tahimik akong tumangis sa sakit.
~ Parked Car! This night sky! The city light shines like diamond! Our Song Plays on the Radio! O oho oho oooo!~
Ring tone nang aking cellphone, di ko namalayan na nakatulog na pala ako at muli, umaga na naman, lumipas ang isang araw nang ganun ganun na lang. Masakit ang aking leeg dahil sa posisyon nang aking pagkakatulog, dahan dahan kong inabot ang aking cellphone at halos mamilog ang aking mata nang makita ko kung sino ang tumatawag