1. Home
  2. Stories
  3. Kusina Chronicles 3: Appetizer
Filipino Sex Stories

Kusina Chronicles 3: Appetizer

By AdobongLamok ·
Kumaway din ako sa kanya at ngumiti. Sumensyas sya na lumabas na ako para sabay na kami pumunta ng hotel.

Habang naglalakad ay nagkamustahan lang kami. Nagpasalamat ulit sya sa paghatid ko sa kanya kagabi at balik na ulit kami sa usapang trabaho.

*

Isa lang ang event namin nung araw na yun. Lunch and merienda na buffet-style for 25 pax kaya medyo petiks lang.
After mailabas ang merienda ay tinuruan ako ni Anton kung paano mag-check ng back-ups namin. Kung kailan kailangan mag-production at kung paano mag-inventory.
Dumaan din ako sa area ni Charlotte pero mukhang di nya naman kailangan ng tulong ko dahil andun yung kasama nya na si Chef Trish.

Natapos yung duty namin na relaxed lang kami. Sakto lang yung flow ng orders at wala namang complaints.

At gaya nung nagdaang gabi ay sabay ulit kami ni Charlotte. Walang masyadong kwentuhan nun. Nauna akong bumaba sa kanya dahil wala naman dahilan para sabayan ko pa sya hanggang sa kanila.

Habang naglalakad ako papunta samin ay tumunog ang phone ko. May text si Charlotte.

-Hey, ingat ka ha.-

Nag-reply agad ako sa kanya.

-Thanks. Ikaw din. Ingat ka.-

-Thanks din. Kita na lang bukas.-

-Yes. Kita kits bukas.-

Pagkatapos nun ay di na sya nag-reply.

Pagdating ko sa bahay ay naligo agad ako. Pagkatapos magbihis ay humiga sa kama at dinampot ang phone ko.

Walang text.

Ilang minuto ko rin tinitigan yung phone ko. Pagkatapos ng isang napakalalim na buntong-hininga ay pinindot ang call button sa number ni Charlotte.

Bahala na!

Isang ring. Dalawang ring. Tatlong ring. Apat. Lima. Anim. Pito. Walong ring. Siyam. Nang biglang..

Beep!

"Hello?" Boses ni Charlotte.

Medyo nataranta pa ako pero nakasagot naman agad.

"Ah. Hello?" Sagot ko.

"Yes, Ares? Bakit napatawag ka?" Tanong nya.

"Ah. Gusto ko lang din malaman kung nakauwi ka na."

"Yes. Kakadating-dating ko lang."

"Ah. Buti naman. Akala ko wala ka pa sa inyo kaya antagal mo sumagot."

"Ay sorry. Naghahanda kasi ako ng pampaligo ko kaya di kita agad nasagot."

~Wow! Maliligo sya. Ang sarap sigurong sumama sa kanya sa banyo.~ Sa isip-isip ko.

"Ay, ganun ba? Pasensya na. Naabala pala kita."

"Hindi naman. Okay lang. Bukas na nga pala yung painom mo di ba?"

"Oo nga noh. Sasama ka ba?"

"Yes. Wala naman akong pasok after nun kaya okay lang sakin. Haha!"

"Wow. Andaya. Haha!"

"Haha. Uy, malalakas mag-inom yung mga yun. Lalo na si Chef Joel. Yari ka dun. Hahaha!"

"Ganun ba? Haha. Di ko na lang sila sasabayan. Alalay lang ako."

"Oo. Ganun nga gawin mo."

Konting usap pa at nagpaalaman na sya na maliligo na.
Di ko talaga maiwasang isipin yung hubad na katawan nya habang naliligo.
Wala daw syang boyfriend ngayon pero malabo naman siguro na NBSB sya. At kung nagkaroon na nga sya ng boyfriend dati ay malabo din na palampasin yung kagaya nya ng di man lang natitikman.
Napakaswerte naman ng lalakeng yun. At napakabobo dahil pinakawalan pa yung katulad ni Charlotte.

*

Kinabukasan ay mas petiks pa ang trabaho namin dahil wala kaming event.
Puro orders lang ang inasikaso namin. Linis dito, linis doon. Organize ng chillers and freezers, linis ng ovens, stoves at iba pang mga gamit.
Ganun ang buhay sa kusina. Kapag walang orders ay linis ng linis hanggang kumintab yung mga gamit nyo.

Kagaya ng nagdaang gabi ay natapos ulit ang duty namin na di kami halos napagod.

Pagka-out namin ng hotel ay sinabihan kami ni Chef Joel na hintayin sya sa labas. May kotse kasi sya at sa kanila kami pupwesto kaya sumabay na daw kaming mga di naka-motor.

Si Chef Joel sa driver seat, at si Charlotte sa katabi nyang passenger seat. Habang ako, si Mark at si Rico naman sa likod. Si Anton ay umangkas sa motor ng isa naming kasamahan.

Dahil nakasunod lang sa kotse nya yung mga nakamotor ay sabay-sabay lang kaming nakarating sa bahay ni Chef Joel.

Nakabili na rin kami ng inumin bago makarating sa kanila. Akala ko talaga ay sasagutin ko yung inumin namin pero nagulat ako dahil lahat sila ay nag-ambag.

Bungalow-type lang yung apartment nya na may sariling garahe. Di nya na pinasok yung sasakyan nya dahil dun kami pupwesto sa garahe.
Naikwento sakin ni Anton dati na mag-isa lang si Chef Joel na nakatira dun. Hiwalay daw sya sa asawa nya na ngayon ay nasa Canada na kasama ang dalawang anak. May girlfriend sya ngayon na nurse naman sa Saudi.

Bukod sa mga inumin at chichirya ay may inilabas din si Chef Joel mula sa sasakyan nya na isang brown bag na binalot ng cling wrap. Inihagis nya yun kay Mark na agad naman nitong sinalo.

"Alam nyo na gagawin nyo jan. Di nyo na kailangan turuan. Mi casa es su casa."

"Kami na bahala Chef." Sagot ni Mark.
"Tara Jo, tulungan mo 'ko dito."

"Sige, tara." Sagot ni Jo.

"Samahan ko kayo." Si Philip.

"Nagsama-sama nanaman yung tatlong itlog." Si Anton.

"Chef, kuha na 'ko ng upuan sa loob." Si Rico.

"Sige. Yung lamesa, Anton nasa gilid. Pagtulungan nyo na lang dahil medyo mabigat yun. Magbibihis lang ako saglit." Si Chef Joel.

Pagkatapos namin makapag-set-up ay sinimulan na namin ang inuman.
Red Horse ang inumin namin lahat pati si Charlotte. Nung nasa tindahan kami ay tinanong ko sya kung gusto nya ba ng San Mig Light o kaya ibang light drinks pero kung ano daw yung iinumin namin ay yun din ang sa kanya.

Maya-maya ay lumabas na ang tatlong itlog. May dala silang mga tinidor, platito at dalawang malaking plato na umuusok-usok pa.

"Enjoy! Mainit-init pa!" Sabi ni Mark.

"Ayos yan ah!" Agad dumampot ng tinidor si Anton at tumikim.

"Panalo! Anong tirada nyo dito?" Tanong ni Rico na katatapos lang din tumikim.

"Sizzling salpicao yan." Sagot ni Philip.

Yun pala yung naipon ni Anton na scrap ng pork at beef. Mga taba na may halong laman na pinagtabasan ng mga karne. Ganun ang diskarte sa kusina tuwing may magbi-birthday o kaya ay mag-iinuman.
Di naman na ginagamit ang mga yun at considered na scrap o basura na kaya pwede namin lutuin at kainin basta sa loob lang ng hotel. Pero bawal na bawal yun ilabas. Pero dahil malakas si Chef Joel at tropa nya lahat ng gwardya dun kaya walang problema sa kanya na magpuslit ng ganun.

Usap ulit ng tungkol sa kung anu-ano habang nag-iinuman.
Tawanan, asaran.
Napaka-cool lang ni Chef Joel. Kahit 43 na ang edad nya ay parang kaedaran lang namin sya dahil napakagaan nyang kausap. Di ka maiilang. Kung di mo kami kilala ay di mo rin iisipin na under nya kaming lahat sa trabaho dahil maski kami ay nagagawa syang biruin at asarin.

Nung kinuwento nya na yung nangyari sa opisina nung pinatawag nya ako ay naghagalpakan lahat ng tawa. Pati si Charlotte ay tawa rin nang tawa. Magkatabi lang kami kaya halos manakit yung balikat ko sa kapapalo nya tuwing humahagalpak sya ng tawa.

"Puta talaga! Kung alam ko lang na magiging ganun yung reaksyon nya nun dapat nag-set ako ng camera. Hahaha! Akala nya tatanggalin na sya! Bwahahaha!" Namumula na rin si Chef Joel habang nagkukwento at tumatawa.

Nakatatlong kahon na kami ng Mucho kaya may mga tama na lahat.
Pagkatapos nun ay nakabili pa kami ng dalawang kahon.
May naiwan pang tatlong bote nang magpasya kaming tumigil na at baka di na kami makapasok bukas. Dahil nag-alalay lang ako sa inom ay hindi ako masyadong nalasing. Ako na ang tumulong kay Chef Joel na magligpit ng mga kalat namin.
Si Jo ay nauna nang umuwi bago pa man maubos yung pangalawang kahon dahil inaaway na daw sya ng asawa nya.
Si Philip at EJ naman ay humiga muna sa sala para magpababa ng tama. Ayaw kasi sila payagan ni Chef Joel na magmotor ng ganung kondisyon.
Si Rico ay nauna na rin mahiga sa sala bago pa man maubos yung pangatlong kahon.

Ang naiwan na lang ay ako, si Chef Joel, si Mark, si Anton at si Charlotte.
Katulad ko ay di rin gaanong sumabay si Charlotte pero nalasing pa rin ito.
Inalok sya ni Chef Joel na matulog na lang sa bakanteng kwarto pero tumanggi ito dahil may naghihintay daw sa kanya at maaga daw syang uuwi sa probinsya nila kinabukasan.
Dahil di naman ako mukhang nalasing ay sa akin na lang sya ibinilin ni Chef Joel na ihatid hanggang sa bahay nila.

Gamit ang kanyang sasakyan ay hinatid nya kaming apat hanggang sa sakayan ng jeep. Di nya na daw kami maihahatid isa-isa dahil lasing na din sya.

Kagaya ng dati ay magkahiwalay ang ruta namin ni Charlotte kina Mark at Anton.

Habang nasa byahe ay di maiwasang makatulog ni Charlotte. Kaya naman ipinatong ko yung ulo nya sa balikat ko para di sya mauntog.

Nang makababa kami ay inalalayan ko sya papunta sa hintayan ng tricycle. Ako na rin ang nagbitbit ng bag nya. Sakto naman na andun yung manong na nasakyan nya nung nakaraan.

"Naku! Mukhang nasobrahan si Madam ah! Lika, sakay na kayo." Alok ng tricycle driver.

"Salamat po, Kuya!" Sabi ko kay manong. Inalalayan ko si Charlotte na makapasok sa tricycle at sumakay na rin ako.

"Dun po samin Manong." Si Charlotte na ang nagsabi sa driver.

"Sige Madam." Sagot ng driver.

Pagkahinto ng tricycle sa tapat ng bahay nila Charlotte ay inabutan ko ng isang daan si manong at inalalayan kong makababa si Charlotte.

"Sayo na sukli Kuya." Sabi ko.

"Naku, salamat boss. Wala yatang tao jan ngayon. Naisakay ko rin palabas kanina yung kasama nyan sa bahay. Uuwi yata ng probinsya." Sabi sakin ni manong.

"Ganun po ba?" Si Charlotte.

"Sige, una na ko." Sabi ni manong.

"Sige po. Salamat po." Sagot ko.

"Okay ka na ba?" Tanong ko kay Charlotte.

"Pucha naman! Iniwan na pala ako ni Nadine. Ang usapan bukas pa kami aalis." Inis na sabi nya.

Hinalungkat nya yung bag nya na hawak ko pa rin pagkatapos ay may inabot sakin na susi.

"Ikaw na . Nahihilo pa' ko." Sabi nya sakin.

Binuksan ko yung gate nila at nang makapasok na kami sinabihan nya ako na ikandado ulit.

Napansin ko na bukas yung ilaw sa loob ng bahay.

"Walang tao jan. Automatic yang ilaw na yan. Namamatay yan pag umaga na." Paliwanag nya kahit di ako nagtatanong.

Gamit ang susi ay binuksan ko ang pinto ng bahay nila at pumasok sya. Ako naman ay naiwan lang sa labas.

"Pasok ka na. Tapos i-lock mo yung pinto." Anyaya nya sakin.

"Mukhang okay ka naman na. Uwi na 'ko." Sabi ko sa kanya.

"Gagu. Wag mo ko iwan dito. May nagpaparamdam dito." Hinawakan nya ko sa kamay at hinila papasok. Tapos ay isinara at ini-lock ang pinto.
Dumirecho sya sa sofa at umupo. Isinandal ang ulo at pumikit.

"Tangina kasi nung babaeng yun eh. Ang ayos-ayos ng usapan namin tapos biglang umuwi mag-isa." Lasing pa rin sya kaya may pagka-vulgar magsalita. Ewan ko pero mas naseseksihan ako sa kanya.

"Baka natakot kasi mag-isa sya dito." Sabi ko naman.

"Siguro nga. Mas matatakutin sakin yun eh. Paabot ng bag ko."

Inabot ko ang bag nya at naupo ako sa kabilang dulo ng sofa. Hinagilap nya mula sa bag ang phone nya at binuksan.

"Tingnan mo, wala man lang text ang bruha." Sabi nya.

"So pano yan?" Tanong ko sa kanya.

"Dito ka na lang matulog. Samahan mo 'ko. Mga 6AM ka na umalis. Sabay na tayo kasi uuwi din ako bukas samin." Sabi nito.

"Ha? Sure ka?" Tanong ko.

"Please. Ayoko mag-isa dito. Kung ayaw mo, ngayon na lang ako uuwi samin."

Delikadong bumyahe sya mag-isa ng ganung oras sa ganung kundisyon kaya wala na akong choice.

"Sige. Dito na lang ako sa sofa." Sabi ko.

"Hmm. Dun ka na lang din sa kwarto. May aircon dun. Saka baka lamukin ka dito."

"Okay lang ako dito. May electric fan naman."

"Natatakot nga ako mag-isa. Dun ka na. Sa sahig ka. May comforter naman." Medyo lumambot yung tono nya. Nakikiusap. Parang di na lasing magsalita.

"Okay lang sayo?" Tanong ko.

"Mabait ka naman. Saka wala ka naman gagawin sakin, di ba?"

"Wala naman." Sagot ko.

"Sige. Wait ka muna dito."

Tumayo sya at pumasok sa kwarto para ayusin yung hihigaan ko. Habang nag-aayos sya sa loob ng kwarto ay narinig ko syang tumawag sakin.

"Ares, kung gusto mo magkape meron jan sa kitchen."

"Thanks na lang. Baka di ako makatulog eh."Sagot ko sa kanya.

Maya-maya ay narinig ko ulit sya na nagsalita at sinabing ready na yung higaan ko.
Paglingon ko sa kanya ay naka-shorts at spaghetti blouse na lang sya at may tuwalyang nakasampay sa balikat. May hawak din syang maliit na basket na may lamang sabon, shampoo, at iba lang toiletries.

"Pasok ka na lang pag matutulog ka na. Nakabukas na yung aircon. Maliligo lang muna ako." Pagkatapos ay pumasok na ito ng banyo na katabi lang ng kwarto nya.

Di ko alam kung anong kabutihang nagawa ko para swertehin ng ganito. Kinurot ko ang pisngi ko at kinagat ang dila para siguraduhin kung di ba ako nananaginip. Sinampal korin ng ilang beses ang sarili ko.
Masakit!
Totoo nga ito.

Mga kalahating oras din siguro si Charlotte sa banyo. Nakapikit na ako at nasa kababawang tulog na nang marinig ko ang boses nya.

"O, bakit anjan ka pa?" Tanong nya sakin nang makita nya na nasa sofa pa rin ako pagkalabas nya ng banyo.

Bigla akong napadilat at napatingin sa kanya.

"Ha? Eh, nahihiya kasi akong pumasok sa kwarto mo." Paliwanag ko.

Nakasuot na sya ng malaking t-shirt at maiksing shorts. May tuwalya din na nakabalabal sa ulo nya at hawak nya ulit ang basket na bukod sa toiletries ay andun din ang blouse na suot nya nang pumasok.

"Ganun? Gusto mo ba maligo muna? Pahiramin kita ng tuwalya. Wala ka naman sigurong buni di ba? Haha." Mukhang nahulasan na sya dahil direcho na sya magsalita di kagaya kanina na lasing ang tono.

"Uy, biro lang ha." Bawi nito.

Napangiti lang ako.

"Maghihilamos at magsisipilyo na lang ako. Wala akong dalang pamalit eh." Sabi ko naman.

"Sige. Kunin ko lang yung towel."

Pagkaabot nya sakin ng tuwalya ay pumasok na ako ng banyo. Dala ko na rin yung pouch bag na lagi kong dala sa trabaho na may lamang tooth brush, tooth paste at facial wash.

Isinara ko ang pinto at ini-lock. Pagtalikod ko sa pinto ay agad na bumulaga sakin ang nakasampay na panty at bra ni Charlotte na tumutulo-tulo pa.
Wala pa sigurong sampung segundo ako sa loob ng banyo nang biglang...

Tok! Tok! Tok!
Katok mula sa labas.

"Pabukas muna saglit." Si Charlotte.

Binuksan ko naman agad yung pinto.

"Excuse me lang ha." Nakayuko syang pumasok ng banyo at kinuha yung nakasampay nyang panty at bra.

"Sorry. Nakalimutan ko yung banderitas ko." Hawak ang mga underwear nya na pilit itinatago sa maliliit nyang palad ay nakayuko ulit syang lumabas ng banyo.

Napailing na lang ako at muling isinara yung pinto.
Di ko maiwasang langhapin yung naiwan nyang amoy sa banyo nya. Napakabango. Pinaghalong amoy ng shampoo, mild na sabon at yung halimuyak ng babae. Di rin maiwasang mabuhay ng alaga ko.

Nagsipilyo ako at naghilamos. Pagkatapos ay ibinalik sa bag ang mga gamit ko at kumatok na sa kwarto ni Charlotte.

"Bukas yan." Sagot nito mula sa loob.

Dahan-dahan ko binuksan ang pinto at sumilip sa loob.

"Sure ka ba talaga na dito ako matutulog?" Paninigurado ko sa kanya.

"Oo nga. Pasok ka na. Ready na yung higaan mo. Saka pakipatay na yung ilaw." Nakahiga na sya sa kama at may pinapanood sa phone nya.

Nahihiya man ay pumasok na ako. Pinatay ang switch ng ilaw at naupo sa inihanda nyang higaan.
Nilibot ko ang tingin ko sa kwarto nya.
Maliwanag ang lamp shade kaya kita ang kabuuan nito. Wala halos gamit doon. Isang queen sized bed, maliit na lamesa, whole body mirror, plastic na cabinet drawer, ilang kahon at ilang malalaking bag. May sampayan din na nakakabit sa magkabilang dingding na may mga nakabit na mga damit na maayos na naka-hanger.
Aircon, maliit na electric fan, hair dryer sa ibabaw ng mesa at yung lamp shade lang ang nakita kong appliances.

Napakasimple lang pero maayos at mabango. Halatang babae ang may-ari ng kwartong yun.

"Dalawa lang ba kayo dito?" Tanong ko sa kanya.

"Oo. Kababata at kaklase ko si Nadine sa Pampanga." Sagot nya.

"Ah. San sya nagtatrabaho?" Tanong ko ulit.

"Sa mall. Sabay kami umuuwi lagi nun sa Pampanga. Sabay din kami bumabalik dito. Sinadya namin na isabay yung off namin para walang naiiwan dito kasi nga pareho kaming matatakutin." Paliwanag nya.

"Magkano naman upa nyo dito?"

"Maliit lang. Sa Tita nya kasi to na sa Pampanga nakatira. Ayaw na nga dapat kami pagbayarin kaso nahihiya naman ako."

Humiga na ako at pumikit. Di pa naman ako inaantok pero gusto ko lang ipahinga yung mata ko.

"Matutulog ka ng nakaganyan?"
Napadilat ako nang marinig ulit ng boses ni Charlotte.

"Ha? Bakit?" Tanong ko sa kanya.

"Nakamaong ka pa. Kumportable ka ba nyan?" Tanong nya.

"Nakakahiya naman kasi na mag-boxers lang ako dito." Sagot ko.

Hinagis nya sakin ang isang kumot.

"Ayan. Para di ka mahiya." Tapos ay nilagay nya sa dim ang lamp shade at humiga na patalikod sakin.

Hinubad ko ang maong pants ko at inilagay sa gilid ng higaan ko. Tapos ay nagkumot at humiga na rin patalikod kay Charlotte.

Di ko alam kung gaano katagal na akong nakapikit pero alam ko na di pa ako nakakatulog. Gising na gising pa rin ang diwa ko. Kung anu-anong naglalaro sa isip ko.
Sinubukan kong mag-iba ng posisyon. Baka sakaling antukin ako. Humarap ako sa direksyon ni Charlotte.

Makalipas ang ilang minuto ay di pa rin ako makatulog. Kaya dinilat ko ang mga mata ko. Huling-huli ko na nakadungaw mula sa kama si Charlotte at nakatingin sakin. Pero nang makita nyang dumilat ako ay bigla syang pumikit at bumalik sa pagkakahiga.

Maya-maya ay sumilip ulit sya.

"Bakit di ka pa natutulog?" Tanong nya sakin.

"Namamahay siguro ako." Sagot ko. Pumwesto ako ng paupo at minasahe ang mga mata ko.

"Ikaw, bakit gising ka pa rin?" Balik kong tanong sa kanya.

"Di rin ako makatulog." Sagot nya. Umayos na sya ng higa.

Nilingon ko sya at tinanong, "Gusto mo paantok tayo?" Biro ko sa kanya.

"Gagu!" Napatingin din sya sa akin.

Nagkatitigan kami. Halos pantay lang ang mga mukha namin na nasa tatlong dangkal lang siguro ang pagitan.

Di ko alam kung anong naisipan ko at unti-unti kong nilapit ang mukha ko sa mukha nya. At mula sa mga mata nya ay lumipat ang tingin ko sa labi nya. Sa gilid naman ng paningin ko ay nakita ko ang paggalaw ng lalamunan nya tanda ng paglunok ng laway. Ipinikit ko ang mga mata ko at naramdaman ang pagdikit ng labi ko sa labi nya.
Dampi lang iyon.
Marahan lang.

Dalawang segundo. Tatlong segundo. Apat. Lima. Anim.

Ginalaw ko ang labi ko pakiskis sa labi nya. Paikot-ikot na ikiniskis ang labi ko sa labi nya.
Tapos ay bahagyang ibinuka at inipit ang ibaba nyang labi. Sinipsip.

Narinig ko ang paghinga nya ng malalim.

Muli kong ginalaw ang mga labi ko.
Naramdaman ko rin na gumalaw din ang mga labi nya. Bahagyang bumuka.
Inilabas ko ang dila ko at marahang kiniskis sa ibabang labi nya.
Muli syang huminga ng malalim.

Mas naging mapangahas na 'ko. Marahan kong kinagat-kagat ang pang-ibabang labi nya. Maanuksong hinila-hila.

Isang mahinang ungol ang narinig ko mula sa kanya. At tuluyan na ngang bumuka ang kanyang bibig na agad kong sinamantala.
Ipinasok ko ang mapangahas kong dila sa bibig nya at isa-isang kinapa ang mga ngipin nya. Tila ba inuudyukan ang bibig nya na lalo pang bumuka.
Dumiin na rin ang labi ko sa labi nya. Pati ang ulo nya ay gumagalaw na rin para mas lalong magkiskisan ang aming mga labi. Naramdaman ko rin ang dila nya na humaplos sa dila ko. Na tila ba nag-iimbita dito na makipaglaro.
Di ko naman sya tinanggihan. Nagkiskisan, nag-espadahan, at halos magkabuhol na ang mga dila namin sa loob ng bibig nya.

Pareho na kaming umuungol. Di ko alam kung kelan nya pa nailagay ang kamay nya sa likod ng ulo ko. Basta naramdaman ko na lang yung pagsabunot nya sa buhok ko at ang paghila nya sa ulo ko palapit sa kanya para mas ipagdiinan pa ang mga labi namin.

Yumakap ang kaliwang kamay ko sa bewang nya habang ang kanan ko naman ay tumukod sa sahig. Sinubukan kong tumayo pero di sya bumibitiw sakin. Nakaakyat ako ng kama nya nang di naghihiwalay ang mga labi namin.
Kasalukuyan na akong nakaibabaw sa kanya. Nagsisipsipan na kami ng dila. Nagpapalitan ng laway.

Pareho kaming tumigil sa paghahalikan.
Dinilat ko ang mga mata ko at unti-unti kong inilayo ang mukha ko sa kanya. Unti-unti din syang dumilat at nagkatitigan ulit kami. Parehong hinihingal. Parehong mabilis ang pintig ng dibdib.

"So pano na?" Nakangiti kong tanong sa kanya.

"Anong pano na?" Tanong nya rin. Napakalambing na ng boses nya.

"Magpapaantok na ba tayo?" Tanong ko ulit.

"Gagu!"
Yun lang ang sinagot nya tapos ay ngumiti at tinitigan ako ng may pagnanasa. Umangat ang ulo nya. Inabot ang labi ko at binigyan ito ng banayad na halik...

*

Itutuloy...