1. Home
  2. Stories
  3. Kwadro Alas Book 1 Ch. 13 - Rinig ko yon..
Lagablab

Kwadro Alas Book 1 Ch. 13 - Rinig ko yon..

By supertoyantz ·

Chapter 13 - Rinig ko yon..

Dismissal

Dali daling nagligpit ng gamit si Aldrin..

Nagtaka si Jasmine..

"May lakad ka ata?.." tanong ng dalaga..

Ngumiti lang ang binata..

Nilampasan nya na agad ang guro...

Nagtungo sya sa pangatlong kwarto kung saan ang klase ni Hannah.

Pero nakaramdam ang binata ng pagkaasar ng makilala ang binatang nag aabang na sa tapat ng kwarto ni Hannah..

"Ang aga amf.." asar na bulong ni Aldrin..

Inis na lumapit si Aldrin sa tapat ng room ni Hannah at sumandal sa wall..

"Aga brad ah.." puna ni Aldrin..

Lumingon si Ismael at ngumiti sa binata..

"May lakad kasi kami ni Hannah eh.." sagot ng binata ..

Lalong tila nagwala si Aldrin sa narinig..

"Saan naman?." tanong ni Aldrin..

"Ah dyan lang.. Kakain lang then nuod ng theatre.." sagot ni Ismael..

Napaismid si Aldrin..

"Theatre amf.. Boring.." bulong nya.

"What ?.." tanong ni Ismael..

"Wag mo kong mawhat what baka balasahin kita.." bulong nyang muli..

Napailing na lang si Ismael at binalingan na ang classroom..

Tila nagulat pa si Hannah ng makita si Ismael pero mas nagulat ito ng makita si Aldrin..

"Hi.. Tara?.." aya ni Ismael..

Napatingin ang dalaga kay Aldrin..

Ngumiti lang ang binata sa kanya..

"Ahm.. Sama ka?.." aya ng dalaga..

Napangisi ang binata..

"Pwede?.." tanong ni Aldrin..

"Pwede ba?.." tinanong ni Hannah si Ismael..

Kumunot ang noo ng binata pero ngumiti na rin.

"Sure.. Tara pre.." aya ni Ismael..

Napangiti si Aldrin.. Pagdaan nila ng room nya ay nakasalubong nya pa si Jasmine na nagtetext..

Paglingon ng dalaga ay napasimangot ito..

"Akala ko aalis ka na?.." tanong ni Jasmine..

"Paalis na nga..Teka.. Sama ka?.." tanong ni Aldrin sabay lingon kay Ismael..

Napasimangot naman si Hannah...

Nagliwanag ang mukha ni Jasmine at agad kumapit sa braso ni Aldrin..

"Game!.." nakangiting sabi ng dalaga..

Nagtext lang si Aldrin sa mga kaibigan nya na didiretso na sa pag uwi...

PAgdating sa parking lot ay nalula sila sa gamit na sasakyan ni Ismael..

"Sayo yan?.." nanlalaki ang mga mata ni Hannah sa paghanga..

Parang nanliit ang pakiramdam ni Aldrin..Sa unang pagkakataon ay nakaramdam sya ng pagkatalo sa aspeto ng pera..

"Di no.. Kay Dad yan.." palusot ni Ismael..

Binuksan nya na ang pinto ng driver seat pero pumasok si Aldrin at naupo agad..

Nagulat si Ismael.

"Ahm.. Pare.. Si Hannah dyan.." sabi ni Ismael..

"Ay.. Ako na lang pards.. Ang sarap dito eh.. Sige na..." dinama pa ni Aldrin ang lambot ng upuan..

Napakamot si Ismael sa ulo at binalingan si Hannah..

"Okay lang ako sa likod.." sabi ng dalaga..

Nauna na syang pumasok kasunod ni Jasmine..

Sumakay na rin si Ismael at inistart ang makina..

"So.. San nyo gustong kumain guys?.." tanong ni Ismael.

Nagkatinginan ang dalawang dalaga..

"Sa Chinese Resto na lang Ismael.." sagot ni Jasmine..

Napaismid ng lihim si Hannah..

"Ang arte.." bulong nya..

Napaisip si Aldrin..

"Pre sa turo turo na lang.." sagot ni Aldrin.

NApangiti si Hannah..

"Game ako.. " sagot ni Ismael..

"Ako rin.." sambit ni Hannah..

Napasimangot si Jasmine..

"Wala namang masarap na pagkain don eh.." angal ni Jasmine..

"Pwede namang ihatid ka namin sa Chinese Resto .. Tapos babalik kami sa turo turo.." pang aasar ni Hannah..

Nagtawanan ang dalawang binata.. Lalong nagdabog si Jasmine at tumingin na lang sa bintana...

"Sige na nga.. Basta kung nasan si Aldrin don ako.." sabi ni Jasmine..

Napasimangot si Hannah.. Tila balak ng sikuhin ang katabi..

"Tara !." sabi ni Ismael at pinaandar na ang sasakyan..

Pagabi na ng nakauwi si Aldrin.. Medyo badtrip sya dahil di nasunod ang balak nyang sya ang huling ihatid..

Nagpumilit si Ismael na si Hannah na lang ang huling ihahatid nya..

Galit na galit ang binata.. Di nya mailabas ang sama ng loob dahil magmumukha lang syang tanga.. Sya ang may kasalanan.. Sya ang nakaisip na pagselosin ang dalaga at sa di inaasahang pangyayari.. Bumalik sa kanya ang ginawa nya..

Inis na pumasok ang binata sa bahay nila..

Naabutan nya ang ina na naghahanda ng hapunan..Agad syang lumapit at humalik sa pisngi nito..

"Oh anak.. Ginabi ka.. Hala at magbihis ka na para makakain na tayo.." taboy ni Alona sa anak..

"Tapos na ako Mom.. Nag early dinner na kami ni Hannah.." pagyayabang ni Aldrin..

Napangiti at kinilig si Alona..

"Naks.. Angas ng anak ko ah.." nakangiting sabi ni Alona..

Pero unti unting napalitan ng simangot ang ngiti ni Aldrin..

Napansin ito ng ina.

"Oh baket?.." tanong ni Alona..

"May kasama kame.." nakangiwing sagot ni Aldrin..

Natawa ang nanay nya..

"Wawa naman.. Yaan mo may next time pa.." sagot ng ina..

Napangiti si Aldrin at muling hinalikan sa pisngi ang ina..

Nadaanan nya sa sala ang bunsong kapatid na abala sa panonood ng TV..

Piningot nya ang tenga nito dahilan para magulat si Alyssa...

"Ay..!.. Kuyaaa!.." sigaw ni Alyssa..

"Ikaw.. Imbes na tumulong ka kay Mom.. Nanunuod ka pa.." sita ni Aldrin sa kapatid..

Napanguso si Alyssa at pinatay ang TV..

Bubulong bulong itong nagpunta sa kusina.

Natawa naman ng bahagya si Aldrin at nagpunta na sa kwarto nya..

Sumalampak agad sya sa kama at nagmuni muni..

Isang oras ata syang nakatitig sa kisame..

"Hayz... " di na mabilang ni Aldrin kung pang ilang buntong hininga na ang nabitawan nya..

Nag ring bigla ang cellphone nya..

Agad nya itong sinagot kahit di pa nakikita kung sino ang tumatawag..

"Hello !.." maangas na sagot ni Aldrin..

"Hi." boses babae..

"Sino to?.." tanong ng binata..

"Eh kung pingutin ko tenga mo?.." mataray na sagot sa kabilang linya..

Napatingin si Aldrin sa screen ng cellphone nya at bigla syang natawa..

"Hi Hannah.." malambing na sagot ni Aldrin..

"Hi Hannah your face.." maangas na sagot ni Hannah sa kabila..

Natawa ang binata at nagpagulong gulong..

"Buti naman nakauwi ka agad.?.." tanong ng binata..

"Syempre.." sabi lang ni Hannah..

"Gawa mo?.." tanong ng binata..

"Kausap ka.." sagot ng dalaga..

Nagkatawanan sila bigla..

"Kumain ka na?.." tanong ni Aldrin pero maging sya ay nakornihan..

"Tapos na tayong kumain remember?.." tumatawang sabi ni Hannah..

"Ay oo nga.. Sorry.. Nawawala kasi ako sa sarili pag kausap kita.." banat ni Aldrin..

Sa kabilang linya..

Natakpan ni Hannah ang phone nya at binaon ang mukha sa unan..Duon nya binuhos ang buong tili nya..

Ilang saglit pa ay kinalma ng dalaga ang sarili ..

"Korni mo." tanging nasabi nya..

"That's true.. " sabi ng binata..

Napangiti ng maluwang ang dalaga..

"Huuusss.. Si Jasmine?.. Namimiss mo?.." tanong ng dalaga..

Sa pagkakabanggit ng pangalan ng babae ay di maiwasang umahon ng inis sa katawan nya..

Sa kabilang linya..

Ngiting ngiti si Aldrin na halos mahati na ang mukha nya..

Abot na ata sa batok nya ang pagngiti nya..

"Wow.. Wala yon no.." nakangiting sagot ng binata..

"Huuuusss.. Bakit mo sinama?.." tanong ng dalaga..

"Syempre.. Kesa ma out of place ako sa inyo ni Papa Ismael mo.. " asar na sabi ni Aldrin..

Sa kabilang linya..

Muling inatake ng kiliti si Hannah.. Tila sya bulateng nabudburan ng asin at nagpagulong gulong sa kama..

"Bakit ka ma o-out of place?.. Eh di naman date yon eh.." sagot ng dalaga..

"At ano ang tawag mo don?.." tanong ni Aldrin..

"Uhmm.. Pasyal lang.. Kasi busy ka sa chix mo.." biglang banat ni Hannah..

Huli na para pigilan nya ang sarili.. Nasabi nya na ang matagal nya ng kinaiinisan....

Sa kabilang linya..

Napasuntok sa hangin si Aldrin..

"Yes !.." sigaw nya ..

"Anong yes?.." mataray na tanong ni Hannah..

"Ah wala.. Si Aly kasi nagtatanong kung busog pa daw ako.. Sabi ko yes.." palusot ng binata..

"Ah.. Paki kamusta mo na lang ako kila Tita at Tito.. Pati na rin kay Sis.." sabi ng dalaga..

Ngiting ngiti na parang aso si Aldrin..

"Sis talaga?.." tanong ng binata..

"Baket?.. " taray ni Hannah.

"Wala.." nakangiting sagot ng binata..

Matagal na katahimikan.. Nagpapakiramdaman lang sila..

"Ahmm.." sabay nilang sabi..

Nagkatawanan sila..

"Sige go ahead.." pauna ni Aldrin..

"No ikaw muna.." sabi ng dalaga..

Muli silang natahimik..

"Aldrin.." sabi ng dalaga..

"Hannah.." bulong ni Aldrin..

Katahimikan..

"Hatid kita bukas.." bulong ng binata..

Sa kabilang linya..

Halos masira ni Hannah ang unan.. Pinagpalo nya ito ng malakas dahil sa tindi ng kilig sa simpleng sinabi ni Aldrin..

Muli nyang kinalma ang sarili..

"Baket?.." tanong ng dalaga..

"Gusto ko lang.." sagot ng binata..

"Ayoko.." biglang sabi ng dalaga..

Sa kabilang linya..

Nagulat si Aldrin sa sinabi ni Hannah..

"Ha?... Baket?.." tarantang tanong ni Aldrin..

"Baket muna.." tanong ng dalaga..

Napakamot si Aldrin at humiga..

"Eh kasi....Kasi.." walang maisip na dahilan si Aldrin..

Iisa lang ang nasa isip nya..

"Kasi ano?.." sigaw ni Hannah sa telepono.

"Gusto kita.." mahinang mahina ang pagkakasabi ni Aldrin..

Katahimikan..

Sa kabilang linya..

Nalaglag si Hannah sa kama.. Naibato nya ang cellphone nya dahil sa pagragasa ng sobra sobrang kilig sa katawan nya..

Sa kabilang linya..

Nagulat si Aldrin ng makarinig ng kalabog..

"Hey.. Hannah. What happened?." sigaw ni Aldrin..

Sa kabilang linya..

Iinot inot na tumayo ang dalaga at muling dinampot ang cellphone..

Di nya alintana ang sakit ng pagkakabagsak..

"Oh nothing.. Nalaglag lang ang phone.." sagot ng dalaga..

"Thank God.." sabi ng binata..

"Pakiulit.." sabi ng dalaga..

Natawa ang binata sa kabila..

"Ang alen?.." palusot nya..

"Yung sinabi mo.." sabi ng dalaga..

"Alin nga?.." pag iwas ni Aldrin..

"Isa !.. Ibababa ko to.." banta ng dalaga..

Katahimikan..

"Oh ano?.." untag ng dalaga..

Sa kabilang linya..

Pinawisan bigla si Aldrin ng malamig.. Huminga sya ng malalim..

"Gusto kita.." lalong humina ang pagkakasabi ni Aldrin..

Katahimikan..

Akala ni Aldrin walang narinig si Hannah kaya medyo nakahinga sya ng maluwag...

"Rinig ko yon.." biglang sabi ng dalaga..

Napatayo bigla si Aldrin at napangiti ng maluwang..

Katahimikan..

"Sige.." mahinang sabi ng dalaga..

Natawa si Aldrin at nakaisip ng pambawi..

"Baket?.." tanong ng binata..

Napangiti din si Hannah.

"Anong baket?.." tanong ng dalaga..

"Baket ka pumayag?.." tanong ng binata..

Natawa ang dalaga..

"Haha.. Bumabawi ka !.." sumbat ng dalaga..

Nagtawanan silang dalawa..

"Baket nga?.." pangungulit ni Aldrin..

"Kasi ano.." pambibitin ng dalaga..

"Ano?.." tanong ng binata..

Sa kabilang linya..

Di na talaga maalis ang ngiti sa mukha ni Hannah.. Parehas ng binata.. Sumasakit na din ang panga nya sa kangingiti..

"Gusto din kita." nilayo ni Hannah ang phone at mahinang nagsalita..

Katahimikan..

Akala ni Hannah nakalusot na sya..

"Rinig ko yon.." banat ni Aldrin..

Katahimikan..

"So.. Bukas?.." tanong ng binata..

"Sure !.." sagot ng dalaga..

Katahimikan..

"Namimiss na kita.." bulong ng binata..

"Ako rin.." mahinang sabi ng dalaga..

Katahimikan..

"Rinig ko yon.." sabi ng binata.

Tumawa silang pareho at sabay na nagpagulong gulong sa kama..

"Bukas.." banat ng dalaga..

"Bukas.." sagot ni Aldrin..

Katahimikan..

"Namimiss na din kita.." mahinang sabi ni Hannah..

"Rinig ko yon.." banat ni Aldrin..

Nagtawanan sila at nagpaikot ikot sa kama..

Patindi ng patindi ang nararamdamang kilig habang papaunti ng papaunti ang pinaguusapan nila..

"Si Ismael.." biglang banat ni Aldrin..

Natahimik ang dalaga..Napangiti..

"Selos ka?.." tanong ni Hannah..

Natawa ng mahina ang binata at umungol..

"Rinig ko yon.." sabi ni Hannah..

Muli silang nagtawanan....

"Wala yon.. Friends lang kame.. MAbait siya sobra..Pero hanggang don lang.." paliwanag ng dalaga...

Natawa si Aldrin..

"Bakit ka nagpapaliwanag?.." tumatawang tanong nya..

Natawa din si Hannah at napanguso..

"Kasi ikaw eh.." angal ni Hannah.

Muli silang nagtawanan..

"Si Jasmine baby mo.." asar na sabi ni Hannah..

Kinilig si Aldrin at sa sobrang pag ikot nya ay bumagsak sya sa kama...

Narinig ni Hannah ang paglagabog at di nya napigilan ang matawa dahil sa parehong kaganapan na nangyari sa kanila ng binata..

"Selos ka?.." nakangiti na tanong ni Aldrin...

Napanguso si Hannah.

"Oo.. !." diretsong sabi nya..

Katahimikan..

"Rinig mo?.." mataray na sabi ng dalaga..

"Nabingi nga ako.." sabi ni Aldrin..

Nagtawanan sila.

"Pero wala yon.. Malambing lang talaga sya and take note.. May BF na sya.." paliwanag ni Aldrin..

"Weeee..." sagot ni Hannah..

"Promise.. At isa pa.. Iisa lang ang gusto ko.." nakangiting sabi ni Hannah..

Sa kabilang linya..

Nais ng magwala ni Hannah at parang gusto ng sirain ang damit at gayahin si Incredible Hulk sa sobrang kilig na nararamdaman..

"Sino?.." tanong nya..

"Si Queen of Hearts.." sagot ng binata..

Natawa ang dalawa.

"Ako yon?.." tanong ng dalaga..

"Hindi.." banat ni Aldrin.

"Sino?.. " maangas na tanong ng dalaga..

"Si Hannah.." sabat ni Aldrin at muli silang natahimik dalawa..

Sa kabilang linya..

"Hannah.." mahinang sabi ni Aldrin..

"Po??.." tanong ng dalaga..

"I really like you.." mahinang sabi ng dalaga..

Kinagat ni Hannah ang daliri upang pigilan ang impit na pagtili..

"Rinig mo?." tanong ni Aldrin..

"Loud and Clear.." sagot ng dalaga..

"Eh ikaw?.." tanong ni Aldrin..

"Secret.." landi ni Hannah..

Nagtawanan silang dalawa..

Biglang nagwarning ang cellphone ng dalaga..

"Ay shet.. Lowbat na!.." sigaw ni Hannah..

Natawa si Aldrin at napatingin sa relos..

"Biruin mo.. Kumain tayo ng dalawang oras sa kakarampot na pag uusap?.." tanong ni Aldrin..

Nagtawanan ulit sila..

"So.. Tomorrow?..Wag ka na magpasundo kay Ismael.." makaawa ni Aldrin..

"Okaaayyy..." landi ni Hannah..

Katahimikan..

Muling nagwarning ang phone ni Hannah..

"Sige na... Good night.." malambing na sabi ni Hannah..

"Goodnight.. My love.." bulong ni Aldrin..

Sasagot sana si Hannah pero namatay na ang phone nya..

Napangiti sya at niyakap ang unan at pinanggigilan..

"Rinig ko yon Pot.." sigaw ni Hannah at nagpagulong gulong na naman sa kama..

Sa kabilang linya..

Ngiting ngiti si Aldrin na binaba ang telepono sa side table nya at nahiga sa kama..

Napakalawak ng pagngiti nya at tumitig sa kisame..

"I love you Hannah.." sigaw ni Aldrin ..

Pumikit na sya .. Umaasang si Hannah ang mapanaginipan nya..

Sa tapat ng pinto ng kwarto ni Aldrin.

Halos mamilipit sa kilig sina Alona at Nestor..

Dinig nila ang usapan ng anak at ni Hannah..

Kanina pa sila duon dahil tinatawag nga nila si Aldrin upang ayain na manuod ng DVD pero narinig nga nila na may kausap ito sa telepono.. Si Hannah nga..

Dahan dahan silang tumalilis palayo sa kwarto ng anak..

Pagbaba ng hagdan ay di na nila pinigilan ang kilig na nararamdaman..

"Anak ng patis.. Akala ko mamamatay ako sa kilig eh.." sabi ni Nestor..

"Mana sayo ang anak mo labs.." lambing na sabi ni Alona..

Niyakap ni Nestor ang kabiyak at dinampian ng halik sa labi..

"Tulog na tayo?.." aya ni Nestor sa asawa..

Natawa si Alona at dinampian din ng halik ang kabiyak..

"Tara?.." sang ayon nya..

Nagkatitigan sila at tumawa ng mahina..

"Tulog lang?.." landi ni Nestor..

"Ofcourse not !.." mahinang sabi ni Alona..

"Rinig ko yon!.." banat ni Nestor....

Nagtawanan sila at dahan dahan muling umakyat sa kwarto nilang mag asawa..

Sa salas ..

Inis na si Alyssa..

"Nasan na ba mga tao dito?.." asar na sabi nya..

Hawak nya ang DVD na dapat panonoorin nila at nakahanda na rin ang snacks nilang cookies..

Lumipas ang halos sampung minuto ay walang bumababa kaya nagpasya na syang ubusin ang cookies at matulog na lang..

Walang ideya kung bakit wala ang mga kasama nya sa bahay..

"Grrrr...!.. " asar na sabi ng dalagita..

ITUTULOY !!!