1. Home
  2. Stories
  3. Kwadro Alas Book 1 Ch. 14 - Trust
Lagablab

Kwadro Alas Book 1 Ch. 14 - Trust

By supertoyantz ·

Chapter 14 - Trust

Umaga..

Sa ikalawang pagkakataon..

Naunahan ni Hannah ang alarm clock nya..

Tila napakagaan ng kanyang pakiramdam..

"Miss na agad kita Pot.." ngiting ngiti si Hannah..

Binuksan nya ang bintana at agad na pumasok ang sikat ng araw..

Nakangiti syang tumuloy sa banyo..

Paglipag ng halos isang oras ay nakangiting bumaba ang dalaga..Nasalubong nya ang yaya nya na kagigising pa lamang..

Nagulat ito pagkakita kay Hannah..

"Dyos Miyo Hannah.. Alas singko?.." sigaw ng yaya..

Natawa ang dalaga pero di na inintindi ang sinabi nito..

"Tara luto tayo Yaya.." nakangiting sabi ni Hannah.

"Anoo?.. Magluluto ka?.." gulat na tanong ng yaya..

Napangiti si Hannah..

"Opo. Paturo po.." sagot ng dalaga..

Napanganga ang yaya at di makapaniwala..

"Si Hannah ka pa ba?.." biro nito..

"Yaya tlaga.. Kengkoy.." ganti ni Hannah..

Nagtawanan sila at nagtungo na sa kusina..

Umaga..

Nag fle-flex na si Aldrin sa tapat ng kama nya..Di pa nakuntento ay nagpush ups pa ang binata..

"H- A - N - N - A - H !... Hooohah !.." sigaw ni Aldrin..

Ngiting aso na naman sya.. Kita ang galigid na nagtuloy ng banyo dahil kanina pa sya natatae..

Pagtapos ng halos kalahating oras na pagkokombulsyon ng tyan..

Lumabas si Aldrin ng kwarto.. Eksaktong pagbukas ng pinto ng kwarto ng mga magulang..

NAgkagulatan pa sila ng nanay nya..

"Aba naman talaga.. " tukso ni Alona sa anak..

Napakamot ng ulo si Aldrin sabay inakbayan ang ina..

"Ano na naman ang nakain mo at ang aga mong nagising ha?.." sinuntok ng mahina ni Alona ang tyan ng anak..

Tumawa lang ang binata..

"Wala pa nga po eh.. Tara na .." aya ni Aldrin sa ina..

Bumaba sila at dumiretso sa kusina..

"Anong breakfast Mom?.." tanong ni Aldrin sabay halungkat sa ref..

Napangiti si Alona..

"Bahala ka na.. Sige nga aber.." sabi ni Alona at nagtimpla ng kape.

Nagsimula ng kumilos si Aldrin sa kusina..

Namana nya sa mga magulang ang hilig sa pagluluto.. Ito ang isa sa mga dahilan kaya nagbusiness sila ng restaurants..

After 1 hour ay pupungas pungas na pumasok si Alyssa .. Yakap ang Teddy Bear...

Nagulat pa sya sa pagkakaayos ng mesa..

"Wow.. Anung meron?.." takang tanong ng bunso..

Napangit ang nanay pero abala pa rin si Aldrin sa paghahanda..

"Kuya?.. Nauntog ka?.." tukso ng bunso sa kuya..

Ngumiti lang si Aldrin at naghugas na ng kamay..

"Game.." sabi ng binata..

Biglang pumasok ang Tatay..

"Whooaaaa..Ano to?.. Fine Dining?.. I mean Fine Breakfast?.." biro ni Nestor..

Tumawa lang si Alona at nginuso ang anak..

Napakamot naman ng batok si Aldrin..

"Ano yan anak?.. Baka naman nauntog ka?.." biro ng ama..

"Yan nga po sabi ko Daddy.." tukso ng bunso..

Ngumiti lang si Aldrin..

"Inspired ata ang anak ko.." puna ni Alona..

Tila namula pati buhok sa kili kili ni Aldrin sa sinabi ng ina..

Napayuko lang sya at nagsalin na ng sinangag sa plato..

"Uuuyyy... Rinig ko yon !.." sigaw ni Nestor at kinurot sya ng asawa..

Tawa ng tawa ang Tatay at biglang natawa na din si Aldrin..

"Narinig nyo?.. " tanong ng binata..

"Di ah.." tanggi ni Nestor sabay tingin sa asawa..

Napangiti naman si Alona ..

"Rinig mo Labs?.." .. tukso ng nanay..

Umungol si Aldrin..

"Waaaaaa... " ungol ni Aldrin..

Nagtawanan ang mag asawa..

"Korni mo anak.." asar ni Nestor..

Napayuko si Aldrin.. Pero di maiwasan ang mapangiti..

"Ano po yun Dad?.." tanong ng bunso..

Ngumiti lang si Nestor..

"Mom ano yon.?.." pangungulit ni Alyssa..

Pero nakangiti pa rin ang Ina..

Napasimangot si Alyssa at kinulit ang kuya nya..

"Kuya.. Ano yon?.." tanong nya..

Pero tulala lang si Aldrin at nakangiti sa plato nya..

"Aysus.. Mga crazy..Tsk tsk.." asar na sabi ng bunso..

Sa school..

Break time..

Agad na tumakbo si Aldrin patungo sa silid ni Hannah.. Tinawag sya ni Jasmine kaya napalingon ang binata..

"Hey..!.. P.E. pa natin.." paalala ni Jasmine..

NApatapik sa noo ang binata..

"Oo nga pala.. Shet. !.." muling bumalik si Aldrin at kinalkal ang bag..

"Wala akong extra shirt !.." sigaw ng binata.

Dyahe kapag humarap sya kay Hannah na mabaho sya..

"Ok na yan.. Parang quiz lang ata.." sabi ni Jasmine..

Naalala ni Aldrin na magkakasabay nga pala sila ng mga kaibigan nya .. Dahil parehong schedule ang kinuha nilang P.E. at NSTP..

Nagliwanag ang mukha ng binata at nakaramdam ng kapanatagan..

"Sige.. Sa Gym di ba?.." sabi ng binata..

"Yup.. Sabay na tayo?." tanong ni Jasmine.

Umiling ang binata..

"Puntahan ko pa mga tropa ko.. Una ka na.." sabi ni Aldrin at tumalikod na..

Napasimangot si Jasmine..

"Manhid !.." bulong ng dalaga..

Napadaan si Aldrin sa pinto ng classroom nila Hannah.. NAgkagulatan pa sila ng dalaga..

"Oy .!" biglang sabi ni Hannah..

Napangiti si Aldrin at napakamot sa batok..

"Uwi ka na?.." tanong ng binata..

"Yup !.. Pero di ba hahatid mo ko?.." tanong ng dalaga..

Tila nahiya ang binata..

"Oo naman.. Pero may isang subject pa ako.." sabi ng binata..

"Ha?.. Ano?." tanong ni Hannah..

"P.E." maiksing sagot ni Aldrin.

"Sige.. Tara.." sabi ng dalaga..

Napangiti si Aldrin ..

Naglakad na sila papuntang Gym..

On the way sa Gym ay nakita nila si Romeo na nakatambay sa puno sa di kalayuan..

Sinitsitan ni Aldrin ang kaibigan at napansin agad sya nito..

Kumaway si Romeo at tila nagsabi na saglit lang pero biglang parang nagtaka ito...

Biglang tumakbo si Romeo papunta sa kanila..

"What the Fuck !.." sigaw ni Romeo..

Hinihingal ang kaibigan nila at tila may kinatatakutan..

"Hoy .. Ano yon?.." tanong ni Aldrin..

Nanlalaki ang mga mata ni Romeo at muling napatingin sa puno..

"Putsa.. You wont believe me.. May kausap ako don !.." turo ni Romeo sa puno..

Nagtaka naman sila Hannah at Aldrin..

"Gago.. Kanina ka pa namin nakita.. Ikaw lang mag isa don!.." inalog ni Aldrin ang kaibigan..

Tila nahimasmasan naman ito pero bakas pa rin ang takot sa mukha..

"I can't believe it talaga.. Di yon imagination lang friends.. MAy kausap ako over there.. He even told me na magkakatuluyan kayo ng childhood friend mo!." sigaw ni Romeo..

Nanigas si Aldrin at napatingin kay Hannah..

Napanganga naman si Hannah.. Pero bigla syang kinilig ..

"Gago ka talaga pre.. Wag mo naman banggitin sa harap ni Hannah.. Baka magtampo yan eh.. !.." bulong ni Aldrin kay Romeo..

"You know maloko ako.. I admit.. Pero no joke ito pre.. I was talking to this guy... Grabe.. Tapos all of a sudden.. Narinig ko yung pag sitsit mo.. Then paglingon ko ulit.. Wala na yung guy.. Fuck !..Di ako puyat !.. Di ako nag dadrugs.. I dont even smoke .. Alam mo yan.. !." giit ni Romeo..

Napailing si Aldrin.

"Oh sige nga.. Anung itsura?.. Whats his name daw?.. Sinabi ba?.." pagsakay ni Aldrin.

"Yes yes.. His name is Totoy daw.. Gwapo..Magkasing taas kame.. Medyo moreno.. Maamo ang mukha.. Funny thing is, parang ang gaan gaan ng pakiramdam ko nung kausap ko sya.. Kinikilabutan ako !.." sigaw ni Romeo..

Nagtawanan sina Aldrin at Hannah..

"Totoy?.. Ang panget ng name pare.. Putsa ka !.. Nantitrip ka na naman eh.. Hayaan mo na nga yon .. Papasok ka ba sa PE?.." tanong ni Aldrin sa kaibigan..

Tila takot pa rin ang kaibigan nila..

"Hoy !.. " untag ni Aldrin sa kaibigan..

"Oo !.. Kesa maturete ako kapag nag cutting lang ako.. Sige.. Tara. " aya ni Romeo at hinatak sina Aldrin at Hannah..

Tawa naman ng tawa si Aldrin pero di maiwasan ni Hannah ang balutin ng kilig..

Pagdating sa gym ay maraming tao..

Naabutan nila ang ibang kaibigan nila...

"Hi hi !.. " bati ni Aldrin..

"Hi hi.!.." sabay na sagot nina Rhoi at Darius.

Nagbeso naman sina Krissia at Hannah..

"Oy ungas.. Himala at tahimik ka?.." sita ni Darius kay Romeo..

Tila nuon lang napansin ni Romeo kung nasaan sila.

"Anung ginagawa natin dito?.. " takang tanong ng binata..

Nagtawanan sina Rhoi at Darius..

Napailing naman si Aldrin..

"Anong ginawa nyo dito?.." tanong ni Krissia kay Hannah..

"May kausap daw sya sa puno kanina pagpunta namin dito.. Pero wala naman kami nakita ni Aldrin.." paliwanag ni Hannah.

Nagtawanan yung tatlong alas..

Nagalit si Romeo at nagdabog..

"Meron talaga !.. " giit ni Romeo..

Inakbayan sya ni Darius..

"Baka multo pre.?.. Di kaya nabuksan na third eye mo?.." pang aasar ni Darius sa kaibigan..

Tila lalong binalot ng takot si Romeo.. Nagkanda iling ito at hinawi ang kamay ni Darius..

"Gago !..Nevah !.. Dalawa lang ang mata ko.. Masaya na ako sa dalawa.." sabi ni Romeo sabay tawa..

Nagkatawanan naman silang lahat sa sinabi ng kaibigan nila..

Biglang sumipol ang PE Teacher nila..

"Dito muna kame.. Galingan nyo guys." sabi ni Krissia..

Nagflying kiss pa ito kay Rhoi..

Pabirong sinalo naman ito ni Rhoi sabay kain..

Kinilig si Hannah sa ginawa ng magbestfriend..

Naupo ang dalawang dalaga sa bleachers at tinanaw ang mga boys..

"Anu bang meron?.." takang tanong ni Darius.

"Quiz lang daw eh.." sagot ni Rhoi..

"Hala tapusin na yan !.. Wag nyo kong tatabihan .. Mangongopya na naman kayo eh.." pagyayabang ni Romeo..

"Gago.. If I know.. Kinopya mo lang din yung mga sagot mo.. Share share din.." sabi ni Darius..

NAgtawanan sila pero nagsalita na ang guro..

"Hello guys. Nice Meeting you all.. I am Teacher Spolstra.. Derik Spolstra.. " pakilala ng guro..

Nagbungisngisan ang apat na mokong..

"Yes?" asar na tanong ni Spolstra..

"Congratz sir.. " tukso ni Rhoi..

"Come again?.." tanong ng guro..

"We are the champions my friends.." kanta ni Darius..

"Can you beat the HEAT? !!.." sigaw ni Aldrin..

Tila na gets ng mga kaklase nila ang sinasabi ng apat .. Sumabog sila sa kakatawa.. Pati ang guro natawa na rin..

"Okay.. Nadale nyo ko don ah.. Anyway.. Be serious na.. Gusto ko lang ipaalam ang coverage ng 1st Semester PE nyo.. It is all about Basketball and Volleyball.. Anung gusto nyong unahin?." tanong ng guro..

"Basketball.. !.." sagot ng kalalakihan..

"Volleyball sir !.." sagot naman ng kababaihan..

"Golf !.." sigaw ni Rhoi..

"Soccer !.." sabi ni Darius..

"Hockey!..ay wag na lang.. Football.. " biro ni Aldrin..

"Tangkilikin ang sariling atin.. Patintero.. or kaya Tagu-taguan.." sambit ni Romeo.

Naghigh five ang mga mokong..

Nagtawanan ang mga kaklase nila..

Napatingin sa langit ang guro..

"Mas malala sa last year... Kaawaan ako ng Diyos.." bulong ni Spolstra..

Napagdesisyunan ng nakararami na Basketball na lang ang unahing pagaralan..

"Since wala naman tayong lecture pa.. Laro muna kayo dyan.. NExt meeting na yung lectures then quiz.. Okay lang ba?.." sabi ng guro..

"KDOT !.." sabay sabay na sambit ng apat na mokong..

Nagtawanan na naman ang crowd..

After 10 minutes ay aliw na aliw na sina Hannah at Krissia sa kapapanuod sa mga kaibigan nila..

"Salo Mommy D.. !.." sigaw ni Romeo sabay bato ng bola kay Darius..

Nasalo naman ito ni Darius pero kunwari napaupo sya..

"Araaaayyy... Ang bad mo !.. I hate you !." landi ni Darius..

"Pass to me .. !.. Pass to me ... !!." tili ni Rhoi..

"Whooaaa... Go Sister Aldrina !.. " sigaw ni Romeo..

Pabaklang tumakbo si Aldrin papunta sa ring sabay talon ng malandi.

"Ahahayy ! !!.. Ang sakit pala sa balls.. " sigaw ni Aldrin..

Di na makaconcentrate ang iba nilang kaklase .. Tawa na lang sila ng tawa..

"Dito dito .. " tili ni Aldrin...

"Go !.." pinagulong ni Darius ang bola..

Nagunahan sina Romeo at Aldrin sa paghabol.. Malapit na sana nila itong maabutan ng bigla silang huminto..

"Bakit ka ba humahabol?.. Ball ko yon eh !.." taray ni Aldrin.

"Heller. !!.. Ball ko sya... Akin !.. Um !.." sinampal ni Romeo si Aldrin ng mahina sa pisngi.

"Ouch !.. Etong sayo !.. Um !." gumanti ng sampal si Aldrin..

"Araaaayy... Mommy D. Oh.. Ang mean mo !.. Um !.." kinurot ni Romeo si Aldrin sa singit..

Nagsisigaw si Hannah at Krissia..

Halos malaglag na sila sa bench sa katatawa..

"Ayoko na.. Hahaha.. Tama na ...Hahaha.h...." tawa ng tawa si Hannah..

"Putris talaga.. Akala ko sanay na ako sa kanila.. Bwisit.. Nasisira poise ko !.." angal ni Krissia pero tawa pa rin ng tawa..

Sa kabilang court..

Asar na asar na ang mga nagpapractice na varsity..

"Sino ba yang mga malalanding yan?.." asar na tanong nung isa..

"Yan yung mga nakaaway mo di ba pare John?.." tinuro nung isa sina Aldrin..

Napatingin si John..Napasimangot.. Nagningas ang kanyang mga mata at nakaramdam ng galit.

"Sila nga.. Yung medyo mataba yung sumapak sa akin.. Pero kasama nila yan .. Yung apat na yang yung nagpatayo ng kubo sa gitna ng Oval.. Saksakan ng yayabang yan.." halos magdugo na ang palad ni John dahil sa kakakuyom ng kamao nya..

"Nagbabasketball ba yan?.." tanong nung maliit..

"Halata namang di marurunong eh.. Puro angas lang. " asar na sabi ni John..

"Tara hamunin natin.. Kung matataas pride nyan.. Lalaban yan.. Mapapahiya sila.." nakaisip ng pangontra yung isa sa apat na alas..

Napangisi si John..

"Tara.." nakangiting sabi nya..

Natigil ang tawanan nila Hannah ng makitang lumapit ang grupo ng kalalakihan kina Aldrin..

"Sis." kumapit si Hannah sa braso ni Krissia..

"I know.. Pero let's watch.." bulong ni Krissia..

Nagkukurutan pa rin sina Aldrin at Romeo..

"Mga pre.." bungad ni John..

Napatingin sina Romeo at nanlaki ang mga mata nya..

Bigla syang nagtago sa likod ni Aldrin at akmang iiyak..

"Huhu...Sorry po.. " banat ni Romeo..

Lalong naasar si John..

"Sorry daw.. Anyway.. Do you play basketball?.." tanong nya..

Nagkatinginan sina Romeo at Aldrin...

Sa di kalayuan.. Napalapit na rin sina Darius at Rhoi..

"Baket pre?.." tanong ni Darius sabay tingin ng masama kay John..

"Wala.. Sabi nila anu daw ba ang secret namin ni Mareng Aldrina at always looking fresh kame.." biro ni Romeo..

Lalong nabwisit ang mga varsity..

"Ah.. Isang tasang laway ni Toga.." biro ni Rhoi..

"Toga?.." tanong ni John..

"Wala.. Friend ni Darius.. Anyway.. Anu po yon mga manong?.." tukso ni Aldrin..

Napangisi sina John at inaya ang apat na alas na maglaro ng basketball..

"Ay.. Di ko keri yan.. Masisira ang beauty ko.. " landi ni Darius..

"Tomo ka sister.. Sayang ang lotion ko." ganti ni Rhoi..

NAgtilian ang apat.. Lalo lang nabwisit sina John..

"So di nyo kame kaya?.." pang aasar ni John.

"Saan?.. Sa papangitan?..Olats kame koya.." biro ni Aldrin.

"Aba putsa.. Mayayabang talaga to.." sigaw nung matangkad sa likod..

Napatingin sa kanila ang halos karamihan sa mga estudyante at mga guro..

"So takot kayo sa amin?.. Haha.. Kala ko tigasin eh.. Pwe !.." sabi ni John at akmang tatalikod na..

"Game.." biglang sabi ni Aldrin.

Napahawak si Rhoi sa braso ni Aldrin.

"Pare.. Baka madiscover tayo.." biro ni Rhoi..

"Wala naman sigurong paparrazzi dito.. " sagot ni Aldrin..

Muli silang nagtawanang apat..

"GAme?.." tanong ni John..

"Game.." sagot ni Aldrin..

Ngumiti si John at sumigaw..

"Hey Guys !.. I want you to hear me for a while.." sigaw ni John..

Napatingin lahat ng tao sa kanya.. Pati yung mga may ginagawa..

"We will have a match.. Our school varsity vesus.. What's your teams name?.." tanong ni John..

"Mga dyosa." sabi ni Aldrin..

"Tangek.. Mga sariwang Dyosa.." landi ni Rhoi..

"Lagyan nyo ng konting landi pa...Mga Sariwa at Malalanding Dyosa ... Ahihihi.." landi ni DArius..

"Ay ang harot mo sister.." kinurot ni Romeo ang utong ni Darius..

"Ahahay.. May kiliti ako dyan eh.. Um ." binawian ni Darius ng kurot si Romeo ..

NAgkurutan na lang silang apat..

"Anyway.. Our Team Versus This Punkz.. Can we make a request?.. Pwede po bang paramihin natin ang crowd?.." nakangising sigaw ni John..

Nagkatinginan ang apat na alas..

Mabilis na kumalat ang balita..

Eksaktong alas kwatro ng hapon.. Punong puno na ang Gym.. Sikat ang Team ng unibersidad dahil sa lakas nito pagdating sa Basketball .. Pero batid nilang maraming mayayabang na players ang team..

Nakapagpalit na din ng uniform ang apat na alas .. Ginamit nila ang lumang uniform ng university.. Pero problemado sila .. Kulang sila ng isa.

Biglang may lumapit sa kanila matangkad na lalake..

"Kwadro Alas?.." tanong ng lalake..

Napatingin sina Aldrin at nagliwanag ang mukha nila.

"Sister Dan !.." tili nila Romeo..

Dinamba nila si Danilo at tawa ito ng tawa..

"Walanghiya.. Di pa rin kayo nagbabago.. Ang haharot niyo pa rin !.." sigaw ni Danilo..

"Of course.. We missed you Danilo." lambing ni Rhoi at humilig sa dibdib ni Danilo..

Tawa ng tawa si Danilo at umiwas..

"Mga ogag.. Magagalit girlfriend ko.. Di na ako pwedeng mag ganyan eh.. " sabi ni Danilo..

Tila nalungkot naman ang apat..

"Pinagpalit mo kame?.." malungkot na sabi ni Darius.

Tumawa lang si Danilo at may tinawag sa crowd..

May lumapit na magandang babae sa kanila..

"Guys.. Fiancee ko.. Si Jade.. Jade.. Mga utol ko.. Mga bunso ko yan... Sina Aldrin, Rhoi, Darius at Romeo.. Teka .. Nasan sina Ekang at Krissing?.." tanong ni Danilo..

"Si Ekang nasa States na kuya Dan.. Tapos si Krissia bumili ng drinks kasama ni Hannah.." sabi ni Aldrin.

"Hannah?.." takang tanong ni Danilo..

"Syota ni Aldrin.. Pati sya nagtaksil na din." kwento ni Romeo..

Kinilig naman si Aldrin at kinurot ang kaibigan..

"Ang ingay mo.. Kaw talaga.." landi ni Aldrin..

NAtawa naman sina Jade at Danilo.

Eksaktong dumating sina Hannah.

Nanlaki ang mga mata ni Krissia..

"Kuuyaaaa Daaaaannn !!" tili ni Krissia na halos umabot sa kabilang distrito..

Tawa ng tawa si Danilo at niyakap si Krissia..

"Sus.. Ang laki mo na.. Dalagang dalaga ka na.. O nagkatuluyan ba kayo ni Rhoi?.." tukso ni Danilo..

NAgblush naman sina Rhoi at Krissia..

Pinalo ng dalaga ang braso ni Danilo.

"Kuya eh.. Sino yan?." nakangiting tanong ni Krissia..

"Ah.. Si JAde.. Girlfriend ko.. Babes si Krissia.. " pakilala ni Danilo.

NAgbeso ang dalawang babae..

Nakangiti lang si Hannah na lumapit.

"Oy.. Si Hannah Kuya Dan.. " sabi ni Aldrin..

Napangiti din si Danilo at niyakap si Hannah..

"Hmm.. Maganda to ha.. Kanino to?." biro ni Danilo..

Nagkaisa ang tatlong alas at tinuro si Aldrin..

Namilipit naman sa kilig ang binata .. Pati si Hannah halos magtatalon na..

"Haha.. Nagbago na nga kayo.. Anyway.. Bakit kayo nakauniform?.." tanong ni Danilo..

Nagkatinginan ang apat na alas at napangiti sila sa kaibigan nila..

"May laro kame.." sabi ni Rhoi..

"Ha?.. Kanino?.. Oh fuck !.. Don't tell me sa school varsity?.." biglang tanong ni Danilo..

"Yes.. Why?.. " tanong ni Aldrin..

"Damn !.. Ako ang Center ng team !.. Tapos kayo ang lalabanan namin?.. Oh hell..." nanlulumong sabi ni Danilo.

Nagtawanan naman ang apat na alas..

"Di nga ata matutuloy kuya eh.. Kulang kami ng isa.." sabi ni Aldrin..

Biglang lumapit ang coach ng basketball team..

"Teacher Spolstra?.." tanong ng apat na alas.

"Yes guys.. Di ko akalain na aabot dito ang paghaharutan nyo.." napapailing na sabi ng coach..

"Eh sila po eh.." sabi ni Rhoi..

"Tsk.. Anyway.. Danilo.. Since mukhang kulang sila.. Pwede mo silang samahan.." sabi ng guro..

Nagliwanag ang mukha ni Danilo..

"Sure kayo Coach?.." tanong nya..

"Yes.. Sadly.. I think we will wrap you up guys.. Kilala mo ang team.. Masyado silang brutal.. Baka di kayo makaabot ng 20 points.. " sabi ng coach..

Napangiti na lang si Danilo..

Tumingin ang coach sa paligid..

"You create a scene here.. For the second time.. Napuno ang gym.. Nuong huling napuno ito.. Nung naglaro ang team nila Pipoy.. Nakakalungkot na natalo tayo pero at least we had a chance to experience high level of basketball..Napakagaling na bata.. " sabi ng coach..

Nagtaka naman ang apat na alas.

"Pipoy?.." tanong nila kay Dan..

"Magaling na player yon.. Halimaw.. Pero graduate na sya.. Buti nga di ko naabutan eh.." sabi ni Dan..

"Ah okay.. So pang lima ka namin?.." tanong ni Aldrin..

"Yeah.." natutuwang sabi ni Dan.

"Jade babes.. Dito ka na muna kasama nila Krissing ah?.." sabi ni Dan..

"Kuya !.. Its Kris !.." angal ni Krissia..

Pero tumawa lang si Dan..

Umalis na ang coach..

Naupo naman sa tabi sina Krissia , Hannah at Jade..

Kabado si Hannah.. Baka matalo sila Aldrin at ang mga kaibigan nya..

Napansin ito ni Krissia ..

"Hey sis.. Don't worry about them.." sabi ni Krissia..

"Bakit hinde?.. Eh di ata sila marunong mag basketball.." kinakabahang sabi ni Hannah..

Tumawa naman si Hannah..

"Yan ang akala mo.." tanging sabi ni Krissia...

Sa court..

Naglapitan na ang mga players..Napangisi si John ng makita na nagpalit ng uniform si Danilo at gumaya sa Apat na mayayabang..

"So Dan.. Kumakampi ka sa kanila?.." sabi ni John..

"Yeah.. Kawawa naman sila.. Kulang sila ng isa.. Baket .. Di nyo kaya na wala ako dyan?.." tanong ni Danilo..

Nagtawanan naman ang mga varsity sa likod ni John.

"Hell.. This will be a massacre.. Kasalanan mo yan Dan.. Kumampi ka sa mga walang muwang.." pagyayabang ni John..

"Hmm.. What if we put a bet?." biglang sabi ni Danilo.

Nagkatinginan naman sina Aldrin at napangisi sila..

"Wow.. That confident huh?.. Okay okay.. Guys !.. Listen ... This Punks.. Ang kakapal ng mukha.. Hinamon pa kami ng pustahan?.. How pathetic...." sigaw ni John.

Naghiyawan ang crowd..

"So.. How much?.." tanong ni Danilo..

Nagtinginan ang mga varsity at isa isang naglabasan ng pera..

"Sinong pupusta sa amin?.." sigaw ni John..

Dinumog sila ng mga tao at umulan ng pera bigla..

"Haha... Look oh... I can buy a new cellphone here na.. Magkano ba to.. Teka.... Damn.. 19, 700?.. ganun kalaki ang tiwala nyo sa amin?.." pagmamalaki ni John..

Nalula naman si Danilo at napatingin sa apat..

Nagkibit balikat lang sila at isa isa na ding naglabasan ng pera..

"Putsa.. 500 lang pera ko.." angal ni Romeo..

"2000 saken .. Sayo pre?.." tanong ni Rhoi kay Aldrin..

"Oh.. 2000 lang din pera ko.." sabi ni Aldrin..

Napatingin sila kay Danilo..

"Kasalanan ko ata.. Oh eto.. Pang date sana namin yan ni Jade eh.. 3500.." binigay ni Danilo ang lahat ng perang dala nya..

Biniliang nila..

"8000 pa lang.. Darius oh.. " sabi ni Romeo sabay abot ng pera kay Darius..

Kinapa ni Darius ang lahat ng kasulok sulukan ng wallet nya..

"7000 lang pera ko.. So 15,000 lang lahat.. Kulang pa ng 4,700.." nanlumo sila..

Sa panig naman nila Hannah..

Naglabas na rin ng pera ang dalaga.. Pero inawat sya ni Krissia.

"Don't.. Di rin nila tatanggapin yan.. Kahit anong rason mo.. Hayaan mo silang gumawa ng paraan.." sabi ni Krissia..

"Your right sis.. Ganyan din si Dan eh.. Ayaw na ayaw nyang gumagastos ako." sabi ni Jade..

Napasimangot na lang si Hannah..

Biglang tumayo ang nasa likod nila at dumaan sa harap nila..

Di nila ito pinansin pero may dalawang bagong dating ang naupo at pumalit sa likod nila..

"Sige.. Sagot ko yung kulang .. " biglang sabi ng nasa likod nila..

Agad na napalingon sa kanya ang tatlong babae..Sa likod nila ay may nakaupong lalake at babae..

Mukhang magsyota .. Base sa pagkakahawak ng mga kamay nila..

"Ay.. Wag po kayo magtiwala agad.." sabi ni Krissia..

Biglang sumingit yung magandang babae sa tabi ng lalakeng nagsalita.

"Don't worry sis.. We trust your friends.." nakangiting sabi ng babae..

Napangiti na din sina Hannah at tinawag sina Aldrin..

Lumapit sa kanila ang mga binata ..

"Guys.. Sagot na daw nya if may kulang .." sabi ni Krissia..

Napatingin sa tinuro ni Krissia sina Aldrin..

"Magkano ba?.." tanong ng lalake..

Nagkatinginan sina Aldrin at Danilo..

"4,700 pa pre.." sabi ni Aldrin..

Naglabas ng wallet ang lalake at nagabot ng limang libo..

"Ayan.." sabi ng lalake..

"Sure ka?.." tanong ni Aldrin..

"Baket papatalo nyo?.." tanong naman ng lalake.

Nagkangitian sina Aldrin at yung lalake...

"Umasa kang madodoble na to.." pagyayabang ni Aldrin..

Natawa naman ang lalake at nagthumbs up sign ..

"So sino hahawak.?.." tanong ni Romeo..

Napapatingin pa rin sila sa magsyota ..

"Si Coach na lang.. " sabi ni Danilo..

Lahat sila nagkasundong ibigay ang pusta sa Coach..

Humanda na ang lahat sa pagsisimula ng laban..

Sumipol ang referee..

Naghiyawan ang mga tao..

Jump ball.

Nagtawanan ang crowd dahil si Aldrin na syang pinakamaliit sa lahat ang pumwesto para maki jumpball sa pinalit na sentro sa kabila..

"Anu yan joke?.." asar na tanong ng matangkad na lalake..

Hanggang dibdib lang nya si Aldrin..

"Di no.. " landi ni Aldrin..

Sumipol na ang ref..

Hinagis ang bola.. Tumalon ng pagkataas taas ang sentro ng kabila..

Nagtawanan ang crowd dahil hinawak nila Romeo at Rhoi ang shorts ni Aldrin.

"Ay !.. " tili ni Aldrin at pinagkukurot ang mga kaibigan nya..

Naipasa agad ang bola kay John.. Lay up.. Easy two points..

"Tsk tsk.." pang aasar ni John..

Pero sya ang naasar dahil wala palang pumapansin sa kanya..

Nagkukurutan pa rin ang apat kasama ni Danilo.

Lumipas ang first half...

15 points lang ang nagawa ng Team nila Aldrin.. Wala kasi silang ginawa kundi magharutan..

50-15 ang score..Tambak na tambak na sila..

Nagpuntahan na sila sa bench para magpahinga..

"Turuan mo ko nyan.. Turu-turuan mo ko nyan.." kanta ni Romeo.

"Dun ka sa likod .. Dun dun ka sa likod.. " sabay ni Darius..

"Dun ka sa likod at wag kang malikot.. " biglang sabat nung lalakeng pumusta sa kanila.

Tumawa naman ang mga babae.. Aliw na aliw ang mga nakakarinig sa kanila..

After 10 minutes..

Nagwarm up na ang mga boys..

Kinakabahan na si Hannah..

Kinalabit nya si Krissia..

"Sis.. Matatalo sila.." sabi ni Hannah..

"Haha.. Magsisimula na sila.." tanging sabi ni Krissia..

Napalingon si Hannah sa magsyota sa likod nila..

"Bakit ka pumusta?.." tanong ni Hannah sa lalake.

"Hmm.. Baket nga ba?.. Kasi ang cucute nila?.." biro ng lalake..

NAtawa naman ang babae sa tabi nya..

"Trust me.. Alam nya ang ginagawa nya.." sabi ng babae..

Pero di mapakali si Hannah.

"Alam mo.. You should trust your boyfriend.." sabi ng lalake..

Kinilig si Hannah..

"May tiwala ako sa kanya.." sabi ni Hannah..

Di na nya tinama ang akala ng lalake..

"Yun naman pala eh.." sabi ng lalake.

"Pero anong nakita mo sa kanila?.." biglang singit ni Krissia..

Napaisip ang lalake..

"Maybe... I can see myself from them.. I know na may gagawin silang kakaiba.. " sabi ng lalake..

"Like what?.." paniniguro ni Krissia.

"Haha.. Ewan ko.. I just can sense it.. May gagawin silang pasabog.. Look oh.. Ganyan ba ang itsura ng di marunong?.." sabi ng lalake..

Napatingin naman sina Hannah kina Aldrin..

Seryoso na ang mga mukha nito..

"See?.. Nagbabaga na ang mga nila. Kita nyo naman ang lamang.. Normally.. Magpapanic ka na.. Pero sila.. Cool na cool pa rin.. Basta.. Sa amin na lang mga boys yan.." sabi ng lalake.

Napangiti naman sina Krissia at Hannah..

"I trust him.." bulong ni Hannah..

Sumipol na ang ref..

Inbound..Bola nila John..

Pinasa nya sa poitguard nila pero nagulat sya ng biglang may tumapik sa gilid nito.. Gumulong ang bola at bigla itong dinamba ni Rhoi.. Patalikod nitong pinasa kay Darius .. Hinabol nila ang bola pero huli na.. Naipasa na ang bola kay Aldrin.. Si Aldrin nasa 3 point area..

Pinukol nito ang bola sabay walang tingin tingin na tumakbo pababa..

Bumaba na din sina Rhoi ng di na tinitignan ang bola...

Napatingin si John..

Shoot !..

Naghiyawan ang crowd..

Nagdabog si John at napamura..

"Chamba !.." bulong nya..

Sinigurado na nyang wala ng makakasteal .. Pinasa nya sa pointguard nila.

PAgtawid ng halfcourt ay hiningi nyang muli ang bola at binigay naman sa kanya..

Napatingin sya sa mga kalaban pero bigla ay para syang binalot ng takot..

Ibang iba na ang itsura ng lima..

Wala ng nakangiti..

Di tulad kanina na walang ginawa ang lima kundi magharutan at maglandian..

Nakaramdam ng kakaiba si John pero di sya nagpatalo.. Sumalaksak sya pero nagtaka sya dahil wala na syang dalang bola..

PAgtingin nya ay tumatakbo na si Aldrin kasama ang bola..

Hinabol ito ng mga kasama nya pero nagtaka sya dahil di kumikilos ang apat nakakampi ni Aldrin..

Takbo si Aldrin papunta sa court ng kalaban pero huminto ito pagdating sa 3 points.. Biglang binato ni Aldrin ang bola.. Di pa ito sumasayad sa ring ay umalis na si Aldrin at bumalik sa mga kasama nya..

Pasok ang bola.

Natulala si John at ang mga kasama nya..

Pati ang coach walang nasabi.

"Chamba !.." muling bulong ni John..

This time.. Sineryoso na nila ang laban.. Malaki pa ang lamang nila..

Mahigit bente pa..

Nakita nyang libre ang isa nyang kasama sa gilid..

Sumalaksak sya .. Binantayan sya ni Rhoi pero bigla nyang binato ang bola sa kakampi nya na libre..

Pero huli na.. May kamay na biglang lumitaw..

Kay Aldrin na naman..

Takbo si Romeo at Darius bigla.

Binato ni Aldrin ang bola paitaas..

Humabol ang apat na kakampi ni John ..

Tinalon ni Romeo ang bola at sinalo..

Apat ang bumantay agad sa kanya pero bigla nya itong binato sa ere..

NAgulat ang lahat pagkat tumalon si Darius at dinakdak ang bola.

Alley -hoop !..

Tulala ang crowd..

Average lang ang taas ni Darius pero naabot nito ang ring..

Bumalik na sina Romeo at Darius sa zone defense nila..

Seryoso pa rin.

Walang nag uusap..

Pati si Danilo ay tila gamay na gamay na ang apat na alas..

Naka pwesto ito sa gitna.. Pero batid nyang di na sila makakarating pa sa gitna dahil apat na alas ang dadaanan nya..

Nuon lang tila nakaramdam ng malamig na bagay si John..

Kung kanina ay mga tila batang isip ang kalaban nila.. Ngayon ay mga demonyo na.

Biglang tumawag ng time out yung coach..

Naghihiyawan sina Krissia Hannah at JAde..

Sinalubong nila ang mga boys ng towel..

"Grabe.. Ang hirap palang magpoker face.." sabi ni Aldrin..

"Ay sinabi mo pa.. " landi ni Romeo..

Namamangha si Hannah..

Napatingin sya sa lalakeng nakaupo sa likod nila.

Nakangiti din ito at nag thumbs up sa kanya..

Nagthank you si Hannah..

Muling pumito ang ref..

"Langya naman.. Naiihi na ako !.." sigaw ni Rhoi..

"Tiis lang best..." lambing ni Krissia..

Napangiti ang babaeng katabi ng lalakeng pumusta sa kanila..

Kinalabit nya ang katabi nya at napangiti din yung lalake.

"Remember that?.." turo ng babae kina Rhoi..

"I won't forget that.." sagot ng lalake at hinigit nya ng yakap ang babaeng katabi nya.

Umuungol na nagbalik ang apat..

Hinalikan muna ni Jade si Danilo..

"Yeaaaaa.. I feel refreshed !.." sigaw ni Dan.

Nagtawanan sina Rhoi at Aldrin at napatingin kina Hannah at Krissia..

Pero napakamot sila sa batok ng ambahan sila ng kamao ng dalawang dalaga..

Holding hands na pumunta ang lima sa court..

Tahimik pa rin yung crowd..

Tila di matanggap ang nalalapit nilang pagkatalo.

..

"Tambakan yan !!!!.." sigaw bigla ni Hannah..

"100 points !!!.." sabay ni Krissia.

"Pag nakaiskor yan babes.. Di ka makakaiskor !.." sigaw ni JAde,,

Tila naging dyablo si Dan sa sinabi ng girlfriend nya..

"PAg nakalusot ang bantay nyo.. Babaliin ko mga braso nyo.." banta ni Dan,,

Nagtawanan sila pero ng pumito muli ang ref ay nagpoker na naman sila.

Halos nawalan ng energy sila John at yung mga kasama nya..

30 seconds na lang at napatingin sya sa score..

112- 50..

"Fuck.. This must me a dream !.." bulong ni John..

Sumugod sya at sa katuwaan nya ay walang sumalubong sa kanya..

Nahawi ang apat at pati si Dan ay biglang tumabi..

Di na nag-aksaya ng panahon pa si John at agad ni lay-up ang bola..

Masaya na sya kahit makaiskor lang sila ng isang tira.. Pero biglang naglaho ang kasiyahan nya ng biglang bumalik ang bola..

May kamay na sumupalpal sa tira nya.

Pagtingin nya ay si Aldrin ang nakangiti at hawak ang kanang kamay..

"Sakit non ah.." sabi ni Aldrin.

Lumong lumo si John pati ng buong team..

Umugong na ang buzzer..

Tapos na ang laro..

Sigawan sila Hannah Krissia at Jade.

Tumayo ang lalake at biglang tumakbo sa coach..

Susunod na sana ang babae pero hinarang sya ni Hannah.

"Thanks .." sabi ni Hannah..

Ngumiti ang babae..

"Hannah.." pakilala ni Hannah..

"Annika.." sabi nung babae..

NAgbeso sila ..

"HAve to go.. Baka makilala yung kasama ko.. " sabi ni Annika..

Nagtaka si Hannah..

"Sure.. Salamat ulit ha.." sabi ng dalaga..

"No prob.. Asan na ba yon.. Ayun !.. Pipoy !.." sigaw ni Annika..

Tumakbo na ang babae papunta sa lalaking pumusta sa kanila..

Nagtataka sya dahil biglang nagsuot ng cap si Pipoy sabay inakbayan si Annika..

Pasimple silang umalis bigla..

Lumapit na sila Aldrin..

Nagyakap naman sina Rhoi at Krissia.. Pati sina Dan at Jade.. Sina Romeo at Darius ay nagkatinginan ..bigla silang nagyakapan din..

Tawa ng tawa ang nakakita sa kanila..

Sina Hannah at Aldrin naman ay magkatabi.. Tumatama ang kamay ni Aldrin sa kamay ni Hannah at kanina pa ito napapansin ng dalaga..

"Congratz.." sabi ng dalaga.

"Thanks.. " sagot ng binata..

Magkatabi lang silang dalawa at masayang pinapanood ang mga kaibigan nila.

Tulalang lumapit ang coach..

"Grabe .. San mo napulot yang mga yan Dan?." tanong ng coach.

"Haha.. Mga kapitbahay ko sila dati Coach.. Lumipat lang kame.. Mga utol ko yan.." sabi ni Dan..

"Grabe.. Anyway.. Eto na.. Libre naman dyan.." sabi ng coach.

Binilang ni Darius ang pera..

"Kulang ah.." sabi ni Darius.

"Ay.. Kinuha na nung lalakeng nakacap.. Nagtataka nga ako dahil di sya tumitingin man lang sa akin eh... Teka .. Kasama ba yon sa pumusta sa inyo..?.." tanong ni Spolstra.

"Ay opo.. Ok lang.. " sabi ni Rhoi..

"Si Pipoy po yon.." sabi ni Hannah..

Nanlaki ang mga mata ni Dan at ng Coach..

"We..?.." tanong nila.

"Opo.. " sabi ni Hannah.

Nanlaki ang mga nung coach sabay hinabol si Pipoy..

Nagkatinginan na lang sila at nagkibit balikat na lang..

"Tara na.. Masama na tingin nila sa atin.. Baka manghingi ng balato yan.." sabi ni Romeo at nagpauna na syang lumabas ng gym..

Sumunod naman ang iba..

Sa likod ay magkasabay na naglalakad sina Aldrin at Hannah..

Nagdidikit ang likod ng mga kamay nila at napapangiti si Aldrin..

"Manyak ka pre.." sigaw ni Darius sabay tinaya si Romeo..

Nagtawanan na lang sila..

"Galing mo.." sabi ni Hannah..

"Salamat at nagtiwala kayo.." sabi ni Aldrin..

"Of course.. I trust you..." sabi ni Hannah..

Nagkatitigan sila at nagngitian..

Biglang sumigaw si Rhoi..

Pagtingin nila ay malayo na pala ang mga kaibigan nila at naiwan na sila.

"Tara?.." aya ng binata..

"Tara." sabi ng dalaga.

Muli silang nagtawanan at nagsimula ng sumunod sa mga kaibigan nila.

ITUTULOY !!!