1. Home
  2. Stories
  3. Kwadro Alas Book 1 Ch. 16 - Back Off !!
Lagablab

Kwadro Alas Book 1 Ch. 16 - Back Off !!

By supertoyantz ·

Chapter 16 - BACK OFF !!

Lunes..

Excited na pumasok si Aldrin..

Parusa sa kanya ang weekends na nagdaan..

Miss na miss nya na si Hannah..

Halos talunin nya ang mga baitang papuntang 3rd floor..

Pagdating sa dulo ay pasimpleng nag ayos ng buhok ang binata..

Nagpraktis na din sya ng ngiti..

Pagliko nya dito sa hallway ay kwarto na ng dalaga..

Pangatlo ang kanya..

Dala ang praktis na kahit ang close up company ay mahihiyang tanggihan..

Lumiko si Aldrin upang magpapansin sa pinto ng classroom nila Hannah..

Para lang mapahiya..

Nabunggo nya ang professor na babae na eksaktong palabas din pala..

Naghagikgikan ang mga estudyante sa loob..

Pati si Hannah natulala sa nakita..

Nahindik sya dahil halos maghalikan na ang matandang guro at si Aldrin..

Biglang sumabog ng tawa ang dalaga..

Si Aldrin naman ay tulala at di makagalaw..

Magkadikit ang ilong nila ng matandang guro.

Tila nagtayuan lahat ng balahibo nya sa katawan..

Muntik na ang first kiss nya..

Tarantang kumalas si Aldrin..

Hiyang hiya sya sa guro maging sa mga estudyanteng nasa loob..

Tulala ang matandang guro..

"Ahm.. Sorry po Ma'am.." paghingi ng paumanhin ni Aldrin..

Ngumiti ang guro..

Lalong kinilabutan ang binata..

"Sa susunod mag ingat ka pogi.." pasimple pang inayos ng guro ang buhos sa tenga nito.

Gustong magmura ng binata dahil nag bungisngisan ang mga estudyante sa klase..

Lumayo na ang guro at palingon lingon pa ito sa binata..

Tinitigan ni Aldrin si Hannah at kumaway..

"Morning my queen.." sigaw ni Aldrin.

Umulan ng tukso sa classroom..

Pulang pula si Hannah pero gumanti sya ng kaway sa binata..

"Sayang at di nagdikit.." tukso ni Hannah..

Nagtawanan ang mga kaklase nya..

"Di pwede.. Nakalaan ang first kiss ko.." biro ng binata.

Lalong naghiyawan sa kwarto..

Nakurot tuloy ni Hannah katabi nyang bakla.

"Aray sis.." angal ni Marla..

Biglang lumingon si Aldrin sa gawing likuran nya..

Bumadha ang takot sa mga mata..

"See yah later my queen.. " tumakbo ang binata..

Nagtaka naman ang dalaga pero naunawaan nya na dahil bumalik na pala ang prof nilang matanda..

Ngiting ngiti si Hannah at tila nabuhay ang dugo nya..

"Class, recitation.." nakangiting sabi ng guro.

Sa isip isip ay sayang at di nagdikit ang mga labi nila ng binata..

Sumigaw si Hannah..

"Let's get it on Ma'am !.." sigaw ni Hannah at nagtawanan ang mga kaklase nya..

Sa classroom nila Aldrin ay tulala ang binata at pangiti ngiti..

Ang ngiti nya ay naging simangot ng maalala ang aksidente na muntik ng maging sanhi para kitilin ang sariling buhay..

Biglang bumango ang paligid..

Paglingon nya ay ang kahali halinang ngiti ni Jasmine ang bumungad sa kanya..

Naka shades pa ito at ng alisin ay lalong nabighani ang binata..

"Morning .. " paos ang tinig ni Jasmine..

Nalibugan ang binata..

"Morning.." ganti nya..

Nagngitian sila..

Pero bumawi si Aldrin at inisip na naman si Hannah..

Napasimangot si Jasmine..

"Ganun lang?.." bulong nya..

"What?.." tanong ng binata..

Sumimangot na talaga si Jasmine.

"Wala .." taray nya..

Natawa si Aldrin at muling nag daydream..

Bubulong bulong si Jasmine..

Pero wapakels si Aldrin.

Kinalabit sya ng dalaga..

"May gagawin ka mamayang lunch?.." tanong ng dalaga..

Nagtaka ang binata..

"Syempre kakain.." biro nya.

Natawa naman ang dalaga at pinalo ang braso ng binata..

"Funny.. I mean.. May kasama ka bang mag lunch?.." tanong pa rin ng dalaga..

Ngumiti si Aldrin..

Bumilis ang tibok ng puso ni Jasmine..

"Meron.." sabi nya..

Tila nawala ang enerhiya bigla ni Jasmine at nalungkot ang mukha..

"Sya na naman?.." tanong ng dalaga.

"Of course.." ngiti pa rin si Aldrin..

Manhid talaga.

"Baket?." tanong ng binata..

"Papasama sana ako .. Saglit lang.." nag beautiful eyes ang dalaga..

Ngumiti ulit ang binata..

"Saan?.." tanong nya..

Nabuhayan ng loob ang dalaga..

"Sa mall.." sabi ni Jasmine..

Napaisip ang binata..

"Magtatagal ba tayo?.." tanong nya.

Ngumiti ang dalaga..

"Saglit lang.." sabi nya.

Napaisip ulit si Aldrin..

"Sige.. Pero 30 minutes lang.." sabi ni Aldrin..

Nagbunyi ang loob ng dalaga..

"Pramis !.." tinaas nya pa ang kaliwang kamay para manumpa..

Natawa ang binata at muling nag daydream.

Napasimangot na naman si Jasmine pero batid nyang nagsisimula na ang plano nya..

Lunch..

Nagmamadali si Aldrin..

Halos patakbo na sya sa pinto ng sitsitan sya ni Jasmine..

Paglingon nya ay nakasimangot ang dalaga..

Napakunot noo naman si ALdrin ..

"You promised me.." malungkot na sabi ng dalaga..

Napahiya ang binata at natawa.

"Oo nga pala.. Tara na." sabi ng binata..

Lumiwanag ang mukha ng dalaga at dali daling nag make up..

Napailing naman si Aldrin..

"Ayaw ko sa make up.." bulong nya sa sarili.

Lumapit ang dalaga na nag pa-pout ng lips dahil sa kakalipstick lang nya.

"Let's go.." umangkla pa sya sa braso ng binata..

Napailing na lang si Aldrin at nagsimula na silang bumaba ng building..

Patungo sana sila sa kubo pero umangal ang dalaga..

"Wag na.. Baka di tayo agad makabalik eh.." sabi ni Jasmine.

Napaisip ang binata..

"Sige.. Text ko na lang sya." nagsimula ng ilabas ng binata ang phone pero napamura din sya bigla.

Napalingon sya sa dalaga..

"Lowbat.." sabi ng binata..

Nagbunyi ang loob ng dalaga..

"Tara na.." sabi ni Jasmine..

"Patext.." pakiusap ng binata..

Sumimangot si Jasmine..

"Wala akong load.." biglang sabi nya..

Natawa ang binata..

"Ikaw walang load?.." tanong nya..

Lumabi si Jasmine at tila pinangalandakan ang mapupulang nguso..

"Naubos ko last night.. Nagusap kami ng friend ko.." palusot ng dalaga pero ang totoo naka plan sya..

Nanlumo naman ang binata ..

Hinatak na sya ng dalaga palabas ng gate.. Sa di kalayuan ay may nakapark na itim na van..

"Sakay.. " utos ng dalaga.

Sumakay naman ang binata..

Sa kubo..

Tuliro si Hannah.

Sya na lang mag isa sa kubo dahil kanina pa kumain ang mga barkada nya..

Nagpaiwan sya at hinintay si Aldrin..

Napatingin sya sa relos.

"12:42 na. Nasan ka ba Potpot.." naiinip na sabi ni Hannah..

Inis na sya..

Nakarinig sya ng tawanan..

"Putsa.. Sino nga ulit ang kumanta nung Valiente?.. Yung sa TV5 dati?." tanong ni Darius..

Nagtawanan na naman sila.

"Si Jose Manalo nga.." biro ni Rhoi..

Nagtawanan na naman sila..

Pumasok sila sa kubo at naawa sila sa itsura ng dalaga..

Napangiti ng malungkot si Hannah..

"Sis di ka pa kumakain.." sabi ni Krissia at tinabihan si Hannah..

Umiling si Hannah.

"Busog pa ako sis.." tanggi nya..

Pero ang totoo kanina pa nagrereklamo ang sikmura nya.

Naawa naman si Krissia at nilingon si Rhoi na tumitipa sa gitara..

"Itext nyo nga !.." utos ni Krissia..

Agad na naglabas ng cellphone si Rhoi at tinawagan si Aldrin..

Pero maya maya ay umiling ito..

"Unattended.. Malamang nakapatay o kaya lowbat.." sabi ni Rhoi..

Binato ni Krissia ng unan si Darius..

"Baket?.." angal ni Darius..

"Nasan si Aldrin?.." tanong ng dalaga.

Kinapa ni Darius ang bulsa..

"Wala dito.." biro nya..

Nagtawanan sila..

Napangiti ng malungkot si Hannah..

Biglang may kumatok..

"Pasok ako ah.." paalam ni Marla..

Nagtayuan sina Rhoi , Romeo at Darius at pasimpleng nagtago sa likod ng mga babae..

Napahagikgik sina Hannah at Krissia.

"Pare.. Kapag nagdilim ang paningin ko at nakagawa ako ng di maganda sa baklang yan.. Kaya mo ba akong ilabas sa kulungan?.." tanong ni Darius kay Romeo.

Umungol si Romeo.

"Pare.. Di ko sure.. Baka maging classmates tayo sa bilibid kung sakaling may gawing maling hakbang yan si chervalu..Putsa lumalapit !!!!." bulong ni Romeo ..

Lumapit si Marla at sabay sabay ang tatlong alas na umikot sa kabilang panig..

Tumawa na parang demonyo si Marla..

"Sis.. Time na.." sabi ng bakla at pasimpleng dinilaan ang mga labi nya..

Nanghilakbot ang tatlong alas..

Tumayo na ang dalaga..

Tumayo din si Krissia.

"Sis.. Di ka pa naglulunch !.." pigil ni Krissia..

Ngumiti ng malungkot ang dalaga..

"Late na ako eh.. " sabi nya.

Lumingon si Krissia sa tatlong alas..

"Do something !.." sigaw nya..

Nagkatinginan ang tatlong alas at nginuso si Marla..

Natawa bigla si Hannah..

"It's okay.. Mamaya na lang ako kakain.." sabi ng dalaga..

Sumabat si Rhoi..

"It's okay.. Kumain ka muna.." sabi ni Rhoi.

Tumingin sya sa mga kapwa alas..

"I agree.." sabi ni Darius..

Sinulyapan nila si Romeo na nakatitig ng masama sa bakla.

Tila konting galaw ni Marla ay aatake na si Romeo at wawakasan ang buhay nito..

Inalog nila ang kaibigan..

Parang galing sa masamang bangungot si Romeo at nagulat pa..

"Where Am I?." biro ni Romeo..

Nagtawanan sila..

"Si Hannah.. Di pa kumakain.." sabi ni Rhoi..

"Eh di pakainin.. Sus.." sabi ni Romeo at muling tiningnan ng masama si Marla...

Nag flying kiss ang bakla at biglang umamba si Romeo na susugod na pero napigilan sya nina Darius at Rhoi..

Tawa sila ng tawa..

"Paano? eh time na nga oh.. May klase na kame.." pagtataray ng bakla..

Napatingin sila lahat kay Hannah..

"What do you want to eat?.." tanong nilang tatlo sa dalaga..

Napangiti si Hannah..

"Joweebeee....." biro ng dalaga..

Natawa naman ang tatlong alas at naglabas ng phone si Darius..

"Go.. Pasok ka na ..." sabi ni Darius kay Hannah..

Nagpasalamat ang dalaga at nagbeso sila ni Krissia..

Ngumiti si Hannah sa tatlo at lumabas na kasabay ng bakla..

Tarantang umikot ulit sina Rhoi sa kabilang panig ng kwarto..

Tawa ng tawa si Krissia..

Sa classroom nila Hannah.. Tulala lang sya na nakikinig sa guro.. Gutom na talaga sya...

Mamaya pang 2PM ang break nya at di nya alam kung matitiis nya pa ang ilang oras na di pagkain..

Sa kalagitnaan ng leture ng guro ay biglang lumitaw sina Romeo sa pinto..

"Delivery !.." sigaw ni Romeo..

Natigil ang klase at nagalit ang guro..

"What the.. Sino ka at nang iistorbo sa klase ko?.." galit na sigaw ng lalaking guro..

Ngumiti si Romeo at sinitsitan ang mga kasama nya..

Biglang pumasok ang tatlong lalake na nakasuot ng uniform ng jollibee..

"Ayun.. Yung magandang babae katabi ng mahaderang nilalang.." sabi ni Romeo..

Nagtawanan ang buong klase at galit na galit ang guro..

"What the hell is happening?.." sigaw nito..

"Special delivery sis..From the dean himself." sabi ni Romeo..

Nanlaki ang mga mata ng guro ..

Natawa naman ng palihim si Hannah at nilantakan na agad ang pagkain.. Natakam naman ang ibang kaklase nya kaya pinasa nya ang mga pagkain sa iba..

"Share share.." biro ng dalaga..

Di umaalis si Romeo hangga't di natatapos ang pagkain ng dalaga..

Pati mga jollibee crew nakapalibot sa dalaga na kumakain..

Pagtapos ay ngumiti si Hannah kay Romeo..

Nagthumbs up si Romeo sabay inaya na ang mga crew palabas.

"Go go go.. Baka mabuking tayo na walang inutos si Dean.." biglang banat ni Romeo..

NAhindik ang guro at akmang hahabulin ang binata pero mabilis na itong nakatalilis palayo..

Nagtawanan ang buong klase..

Lahat sila busog maliban sa guro..

Gigil naman ang professor sa pangahas na binata..

Alas dos na nakabalik sina Aldrin..

Di nya mapahindian ang dalaga dahil nag aya pa ito na mamasyal..

Kanina pa sya tuliro at nag aalala kay Hannah..

Dumiretso na sya sa kubo..

Sya lang ang tao dahil batid nyang mamaya pang alas tres ang labas ng mga barkada nya..

Napagod sya..

Mentally dahil kakaisip kay Hannah..

Inis sya kay Jasmine pero mas inis sya sa sarili nya dahil di nya natanggihan ang dalaga.

Napapikit ang binata at hinimlay ang sarili sa trono nya.

Maagang natapos ang klase ni Hannah..

Nagpasa lang sila ng project ..

Agad syang bumaba kasama ang baklang kaibigan at tinungo ang kubo..

Natulala sya ng makita si Aldrin na nakapikit at nakaupo sa trono nito..

Tila pagod na pagod..

Hinaplos ng awa ang puso ng dalaga pero mas pinangibabaw nya ang inis..

Agad syang lumapit at piningot ang ilong nito..

Balikwas ng bangon si Aldrin at mumurahin sana ang nagbiro sa kanya pero nanlaki ang mga mata nya ng masilayan ang magandang mukha ni Hannah..

Nakasimangot ito sa kanya..

Napangiwi ang binata at tumayo..

Inalok ang sariling trono..

Padabog namang umupo si Hannah at nagdekwatro pa..

Naupo naman ang bakla sa upuan na malapit sa computer..

Nagkatitigan ang dalawa..

"San ka galing?.." pagtataray ng dalaga.

Napaubo ang binata..

"Dyan lang.." palusot nya..

Umismid ang dalaga at sinipa ang tuhod ni Aldrin..

"Sinungaling !.. Kasama mo yung malanding yon !.." sigaw nya..

Natakot si Aldrin at tarantang lumuhod..

"I admit , kasama ko sya.. Pero di ako nakatanggi .. SAbi nya uuwi din kami bago mag 12:30.. Nakiusap sya.. Gusto mo bang tumanggi ako?.. She needs my help.." paliwanag ni Aldrin..

Napasimangot si Hannah.

"Malandi yon !.." sigaw nya..

Natawa si Aldrin pero sinipa ulit sya ni Hannah..

"Aray naman eh.." angal nya..

"Sus.. Tapik lang yon eh.." bubulong bulong si Hannah..

"Sorry na.." makaawa ni Hannah..

"Alam mo bang di ako naglunch kakahintay sayo?.." taray ng dalaga.

Napahindik si Aldrin at lalong na guilty..

"Sorry.. Sorry.." sigaw nya..

Natawa ang bakla at nainggit..

"Sis.. Sige na..Patawarin mo na.." sabi ng bakla at kinindatan si Aldrin..

Ngumiti naman ang binata pero napaaray sya ng biglang pingutin ni Hannah ang tenga nya.

"Shut up !.. May kasalanan pa to ..Dapat dito tadtarin !.." taray ni Hannah..

Natawa si Aldrin..

"Sorry na my queen.." lambing nya..

Nanigas si Hannah .. Muntik na syang ngumiti pero pinigilan nya..

"Aba !.. Nang uuto ka pa ha !." sabi ni Hannah..

"Sorry na kase.. Di ko naman kasalanan eh.." pakiusap ni Aldrin..

Sumimangot ang dalaga..

Kinilig ang bakla..

"Hay nakow.. Kiss mo papa Aldrin.." tukso ng bakla..

Inumang ni Aldrin ang nguso nya..

Nanigas si Hannah at bumilis ang tibok ng puso..

"Kiss daw.." biro ni Aldrin..

Sinabunutan ni Hannah ng mahina ang binata at bigla syang tumawa..

"Uuyyy.. Ganun lang bati na kayo?.." tukso ng bakla..

Nagtawanan sina Aldrin at Hannah at nagtitigan..

"Sa susunod magsabi ka.." sabi ng dalaga.

"Lowbat..Sorry.." lambing ng binata..

Muli silang nagtitigan at nagngitian..

"Aysus.. Kanina away.. Ngayon bati.. Kaloka.." biro ng bakla..

Binata nila ito ng unan at tumawa sila ng sabay..

Pauwi na sila..

Nagtataka sila Krissia at ang tatlong alas kung bakit sweet na ulit sina Aldrin at Hannah..

"Guys.. Bakit ganon?.." tanong ni Darius.

"Malay ko.. Kanina umuusok na ilong ni Hannah eh.." biro ni Romeo.

Nagtawanan sila..

"Kanina muntik na silang mag kiss.." biglang singit ng bakla.

Nagulat sila Romeo at Darius dahil nasa likod na pala nila ang mahaderang nilalang..

Napatili ang dalawang alas.

"Dyosko.. Wag kang mangugulat .. Baka majombag kita !.." tili ni Romeo..

Tawa ng tawa ang bakla..

"Sister.. Kill na natin yan.." bulong ni Darius.

"Wag.. Kailangan natin ng punching bag.." biro ni Rhoi..

Nagtawanan silang tatlo pero biglang lumapit ang bakla..

Nabaklas ang barikada ng tatlong alas.

Nagyabang ang bakla..

"Akala ko siga kayo?.." pag aangas nito.

"Sinong siga?.." tanong ni Romeo..

"Tama.. Di lang nila kami naiintindihan.. May puso din kaming marunong magmahal.." landi ni Rhoi..

Nag apir sila nina Darius.

Palabas na sila ng gate ng may sumitsit sa likod.

Sabay sabay silang lumingon..

May grupo ng kababaihan ang nasa likod nila..

Pawang magaganda at biglang nakaramdam ng inis si Hannah dahil isa dito ay si Jasmine..

Malandi itong nakangiti kay Aldrin sabay bumaling kay Hannah..

Lumapit ito sa kanila at bumulong..

"Thanks kanina.." bulong ni JAsmine kay Aldrin.

Umangal si Hannah pero hinawakan sya ni Krissia.

Nanlaki ang mga mata ni Aldrin..

"Wala tayong ginawa kanina.. Sinamahan lang kitang mamili.." sabi nya..

Tumawa ng malandi si Jasmine at tiningnan si Hannah..

"Yun ba ang sinabi mo sa kanya?.." sabi ni Jasmine..

Nahindik si Hannah at tinitigan ng masama si Aldrin.

Umiling ang binata..

"Maniwala ka sis.. Di yan magsisinungaling sayo.." bulong ni Krissia..

Huminga ng malalim si Hannah at pumwesto sa harap ni Aldrin..

Napangisi si Jasmine at sinalubong ng titig si Hannah..

"You !.." dinuro ni Hannah si Jasmine...

Nagsilapitan ang mga kasama nitong babae ..

Tumaas ang kilay ni Jasmine at nilabanan ng titig ang dalaga..

"What?.." mataray na tanong ni Jasmine..

"Back off !.. He's mine !.." madiing sabi ni Hannah sabay kapit sa braso ni Aldrin..

Nabwisit si Jasmine at akmang gaganti pa pero lumapit na din si Krissia at tinabihan si Hannah..

"You heard her.. Back off bitch !.." sigaw ni Krissia..

Tumalikod na sila..

Tulala si Jasmine pati barkada nya..

Kinilig si Aldrin at napangiti ng maluwang dahil sa mga braso ni Hannah na nakaangkla sa braso nya..

Susunod pa sana si Jasmine pero nilingon ulit sya ni Hannah at muling dinuro..

"He's mine !.. Back off or I swear I'll leave a scratch to your face. !" galit na sabi ni Hannah..

Nanigas si Jasmine bigla..

Maangas na tinitigan ni Hannah mula ulo pababa si Jasmine sabay inirapan at tumalikod..

Natahimik ang buong kwadro alas at biglang binalot ng takot sa dalawang babae..

Nag holding hands sina Darius at Romeo sabay tiningnan nila sina Rhoi at Aldrin na tulala din..

"Putol titi mga pre.. " pananakot ng dalawa ..

Pero natahimik sila ng lumapit na yung dalawang babae at inakbayan sa braso ang mga kaibigan nila..

Walang kumontra..

ITUTULOY !!!