1. Home
  2. Stories
  3. Kwadro Alas Book 1 Ch. 17 - One Step Forward
Lagablab

Kwadro Alas Book 1 Ch. 17 - One Step Forward

By supertoyantz ·

Chapter 17 - One Step Forward

Naglalakad sina Aldrin at Hannah papasok sa subdivision ng dalaga..

Tahimik lang sila pero bakas ang ngiti sa mukha ni Aldrin

Nanlalaki ang mga butas ng ilong nya..

Biglang lumingon si Hannah at napasimangot sya ng makita ang ngiti sa mukha ng binata..

"Anung ngini ngiti mo?.." maangas na tanong ng dalaga..

"Nothing.." ngiti pa rin si Aldrin..

Bigla siyang siniko ni Hannah..

"Ano nga?.." taray nya..

Biglang natawa ang binata.

"Ang sweet mo." banat ni Aldrin..

Napasimangot lalo si Hannah pero namula ng bahagya ang mga pisngi nya..

"Hah !.. Ginawa ko lang yon kasi asar ako sa babaeng yon.. !.." palusot nya.

Pero lalo lang ngumiti si Aldrin..

"Okaaaayy.." landi ni Aldrin

Nagbaling ng tingin si Hannah at binilisan ang paglakad..

Natawa ng mahina si Aldrin at humabol sa dalaga..

"Oy.. " untag ng binata..

"Baket bA?.." taray ng dalaga..

Napahagikgik si Aldrin at bigla syang sinakal ni Hannah

Lalong tumawa ang binata..

"Kakainis ka !.." sigaw ng dalaga..

Pulang pula ang mukha ng dalaga pero di nya maiwasan ang matawa..

"Salamat.. " bulong ni Aldrin..

Napangiti ang dalaga..

"Wala yon.. Dapat lang yon.." maangas na sabi nya..

Napangisi si Aldrin..

"Para kang aso.." sabi ng binata..

NAgtaka ang dalaga..

"You just marked your territory.." mahinang sabi ng binata..

Namula ang dalaga at kinurot ang binata..

"BACK OFF BITCH !.. Or I'll swear I'ill leave a scratch on your face !.." nag boses babae si Aldrin..

Pinagpapalo ni Hannah ang binata pero nahuli ni Aldrin ang mga kamay nya..

Nagngitian sila at pinagpatuloy ang paglalakad..

"He's MINE !.." biglang sigaw ng binata..

Lalo lang syang pinagkukurot ni Hannah..

Malapit na sila ng huminto si Hannah.

"Is it really my territory?.." mahinang tanong ng dalaga..

Nagharap silang dalawa..

"Yes.." madiin na sabi ni Aldrin..

Kinilig ang dalaga at nagbaling ng tingin..

"Salamat sa paghatid .." bulong nya..

"Painom naman.." biro ni Aldrin.

Pero ang totoo ayaw nya pang mahiwalay sa dalaga.

NAtawa ng marahan ang dalaga at binuksan ang gate..

Nagulat pa si Manong Bert ng makita ang dalaga na may kasamang lalake..

Agad nya itong sinalubong ng salubong ang kilay.

"Ahem.." astang tatay ang matandang driver..

Napangiti si Hannah at na touch ..

Kinabahan ng konti si Aldrin pero all smiles pa rin..

"Gandang afternoon po.." bati ng binata..

Tinitigan ni Mang Bert si Aldrin at sinukat ng tingin..

Natawa ng lihim si Hannah at pinagmasdan ang reaksyon ng binata..

"Magandang hapon din iho..Anong aten?.." tanong ni Mang Bert..

"Mangangaroling po sana ako.." biro ng binata..

Napasimangot si Mang Bert pero .. Si Hannah natulala..

Biglang sumabog sa tawa ang dalaga at sinabayan sya ng matandang driver..

"Ayos ka bata.." biglang sabi ni Mang Bert..

Ngumiti si Aldrin at sinulyapan ng mayabang si Hannah..

Umismid ang dalaga pero di nya maiwasan ang mapangiti..

Pumasok sila sa loob ..

Napahanga ang binata sa ganda at elegance ng interior ng bahay..

Dinala ni Hannah sa salas si Aldrin at pinaupo..

"Grabe.. Prinsesa Hannah?.." biro ni Aldrin..

Napangiti ang dalaga at nag excuse..

"Bihis lang ako.." sabi nya..

Ngumisi si Aldrin..

"Baket?.." taray ng dalaga.

"I remembered something lang.." landi ni Aldrin..

Nagtaka si Hannah.

"Ano yon?." tanong nya..

"Wala.." sabi ng binata..

Biglang piningot ni Hannah ang tenga ni Aldrin..

Tawa ng tawa ang binata..

"Di mo sasabihin?.." nakasimangot na tanong ni Hannah..

"Wala naman.. Basta color black.." sabi ng binata..

Nagsalubong ang kilay ng dalaga at pilit na tinatandaan ang bagay na itim..

Maya maya ay tila umakyat na lahat ng dugo nya sa ulo at nag init ang kanyang mga pisngi..

Pinagpapalo nya ang binata at sumimangot..

Tawa naman ng tawa si Aldrin..

"Naiwan ko nga pala !.." sigaw ni Hannah..

Pulang pula ang pisngi nya.

Nuon nya lang ulit naalala na naiwan nya nga pala ang undies nya sa bahay ng binata...

"Nasan na yon?.." tanong ng dalaga..

"Remembrance.." biro ni Aldrin..

Pinagkukurot ni Hannah si Aldrin at tawa sila ng tawa..

"Dyan ka na nga.. Magbibihis ako.." padabog na umalis ang dalaga..

Ngiting ngiti si Aldrin..

"Dalian mo baby !.." biro nya..

Nanigas si Hannah at napangiti ng lihim..

"Saglit lang babes.." bulong nya at napangiti na naman..

Halos di mapakali si Hannah .. For the first time binuklat nya ang halos kalahati ng mga bagong damit nya..

Di sya makapili ng tamang isusuot..

Dumampot sya ng isa at sinukat..

Napasimangot sya ..

"Overdressed.. Baka pagtawanan ako ni Potpot.." bulong nya dahil bestidang pula ang nakuha nya..

Humugot pa sya ng isa..

Sinukat..

Sumimangot ulit..

"Baka sabihin nya masyado akong desperada .. " muli nyang hinubad ang nakuha nyang mini shorts..

Kinalkal ulit ang closet..

Lahat bago pero kataka takang wala syang maisuot..

Sa salas..

Tila sinisilihan na ang pwet ni Aldrin..

Napapatingin sya sa relos..

"45 minutes na pagbibihis?... Nakatulog na ata.." bulong ng binata..

Biglang may naglapag ng juice sa tapat nya..

Pagtingin nya ay nakangiting mukha ang nasilayan nya..

"Kamusta ka iho?.." sabi ng yaya..

Agad na tumayo si Aldrin at nakipagkamay sa matanda..

"Naku .. Gwapo pa rin po ako.. Mula nuon hanggang ngayon.." biro ng binata at inabot ang palad sa matanda..

Napasimangot ang yaya pero bumungisngis na din..

"Wala kang angas ah.." tukso ng yaya sa binata..

Napangiti si Aldrin..

"Pwede po mag request?.." malambing na sabi ng binata..

Napakunot noo ang matanda..

"Sige ano yon?.." tanong ng yaya..

Napakamot si Aldrin sa batok at tumingin sa parteng itaas ng bahay..

"Si Hannah.. Baka nakatulog na po.. Paki gising naman at paki sabi na andito pa po ako.." biro ng binata..

Natawa ang yaya at napailing..

"Sows yung batang yon talaga.. Masyadong excited siguro.. Teka nga at aakyatin ko.." sabi ng yaya..

Napangiti ng maluwang si Aldrin at humigop ng juice..

Nataranta si Hannah ng makarinig ng katok..

"Saglit lang !.." sigaw nya..

NAka bra at panty pa sya at nagkalat ang mga damit nya..

"Ano ka bang bata ka.. Namumuti na yung mata nung bisita mo !.." sigaw ng yaya at dinabog ang pinto..

Binuksan ng dalaga ang pinto at napasimangot..

Hinatak nya ang yaya nya at muling sinara..

Ibig matawa ng matandang yaya ng makita ang gulo ng silid ng dalaga.

"Dyaske kang bata ka.. Anung dumaan dito?.. Ipu-ipo?.." biro ng yaya..

Napabungisngis si Hannah at niyakap ang yaya nya..

"Ya..Anu pong magandang isuot?.." lambing ng dalaga..

NApailing ang matanda at tinapik ang kamay ng dalaga..

"Kahit alin dyan iha.. Maganda ka kahit anong isuot mo.. Nagtataka lang ako bakit tila naging concious ka sa itsura mo?.. Dati naman kahit punit punit na damit sinusuot mo.." tukso ng yaya..

Namula si Hannah at napangiti ng mahinhin..

Natawa ang yaya at hinaplos ang pisngi ng alaga..

"Ang alaga ko.. Enlab.." biro nya..

Natawa naman ang dalaga at impit na napatili..

"Ang gwapo nya no?.." tili ni Hannah..

Pati ang matandang yaya kinilig na din..

"Oo nga.. Dali na at halos isang oras na syang naka upo don.. Mamaya mainip yon at biglang umalis .. Sige ka.." pananakot ng yaya..

NAtaranta si Hannah at tumingin sa relos..

"Hala. !... 50 minutes na akong nandito?.." nagulat ang dalaga..

Natawa naman ang yaya..

"Hala sige na.. Eto na lang.. " dumampot ang yaya ng maiksing palda at blouse.

Napangiti si Hannah at agad na tumakbo sa banyo..

Naubos na ni Aldrin ang juice nya.. Nilabas nya ang cellphone nya at naglaro na lang..

Biglang may tumabi sa kanya..

Paglingon nya at natulala si Aldrin..

Ngiting ngiti si Hannah sa harap nya..

"Am I dreaming?.." biro ng binata..

Natawa ang dalaga at naupo sa harap na sofa ng binata..

Agad na sinuksok ni Aldrin ang cellphone sa bulsa at tinitigan ang dalaga..

Nais naman maconcious ng dalaga..

"Wag kasi.." angal ng dalaga..

Natawa si Aldrin..

"Baket?.." tanong nya..

"Wag kang tumitig.." reklamo ni Hannah..

"Eh sa ang sarap mong titigan eh.." biro ni Aldrin..

Nagblush si Hannah..

"San ka pupunta?.. Sa binyag?.." inalaska ni Aldrin si Hannah..

Napasimangot si Hannah at akmang aalis pero inawat sya ng binata.

"Ito naman.. Joke lang hoy.." tatawa tawang sabi ng binata.

Muling naupo ang dalaga at sumimangot..

"Your so pretty.." bulong ni Aldrin..

Nanigas ang dalaga at sumimangot ulit.

"Sus." sabi ni Hannah..

Biglang sumulpot ang yaya nya at si Mang Bert..

"Miryenda pa iho.. " banat ni Mang Bert..

Nakiupo sila at pinagitnaan ang dalaga..

Napakamot si Aldrin...

Natawa naman ng lihim ang dalaga..

"Anung name mo nga pala?.." tanong ng yaya..

Tumayo si Aldrin at niliyad ang dibdib..

"Aldrin Villarama po !.." tinig sundalo sya..

Nagtawanan sila pero napakunot noo ang matandang yaya..

Napatingin sya kay Hannah at maging si Hannah ay napatingin sa kanya..

Nagtatanong ang mga mata ng Yaya..

Tumango ng lihim si Hannah at napangiti ng maluwang ang yaya nya..

"Sya yan?.." bulong ng yaya nya..

"Opo Ya.. Nakita ko na sya.." gustong tumili ni Hannah..

Nagsalubong ang kilay ni Mang Bert dahil Out of Place sya..

"Pwede kang umupo iho.." biro ni Mang Bert..

Tuwid na umupo si Aldrin at nag tiger look..

"Ilang taon ka na ?.." tanong ni Mang Bert..

17 years , 2 months and 14 days po sir !.." banat ni Aldrin..

Nagtawanan ulit sila..

"Korni mo !.." ingos ni Hannah pero kinikilig sya ..

"Bakit mo naman hinatid itong alaga namin?.." nakangiting tanong ng yaya..

Tumitig si Aldrin kay Hannah pagkatapos sa yaya..

"Napansin ko po kasi na medyo nahihirapan si Hannah na malaman kung alin ang kaliwa at kanan.. Kaya nagpasya po ako na ihatid na sya dito dahil baka po maligaw sya.." seryosong sabi ni Aldrin..

Napasimangot si Hannah at binato ng unan ang binata..

Tawa naman ng tawa ang dalawang katiwala..

"Baka naman saktan mo lang itong alaga namin?.." banta ni Mang Bert..

Napahawak si Hannah sa braso ni Mang Bert.

Huminga ng malalim si Aldrin at muling tumitig ng matiim sa matandang driver...

"Kahit lamok o langgam ay mahihirapan pong makalapit kay Hannah..Gagawin ko po ang lahat wag lamang syang magasgasan..Mas gugustuhin ko pa pong ako ang masaktan at masugatan wag lang magalusan ang tila mala porselanang kutis ng aking irog..." madamdaming wika ni Aldrin..

Nanigas si Hannah at kinilig ng todo.

Napanganga pa sya at pakiramdam nya ay pulang pula na ang kanyang mukha..

Nagkatinginan ang dalawang katiwala at napangiti ng maluwang sa binata..

"Ang sweet.." kinilig ang yaya..

"Wala akong masabi iho.. Napakaromantiko mo pala.." puri ni Mang Bert..

"Actually po binasa ko lang po ito sa notebook ko.. Assignment ko po kasi...." biro ni Aldrin..

Biglang sumimangot si Hannah at muling binato ng unan ang binata..

Tawa naman ng tawa ang yaya nya at ang driver nila..

"Dyan na nga kayo at magluluto pa ako ng hapunan.. Dito ka na kumain iho.." aya ng yaya nya..

"Ay opo.. Balita ko masarap daw kayong magluto... Pwedeng tumulong?.." sabi ng binata..

Nagtaka ang yaya at napatingin kay Hannah..

"May restaurant business sila .." imporma ng dalaga at inirapan ang binata..

Napatango ang yaya at nginitian ang si Aldrin..

"Sige nga daw.. Pakitaan mo daw kame.." nakangiting sabi nya..

Tumayo si Aldrin at kinindatan si Hannah .. Pero inirapan lang ulit sya ng dalaga..

"Ayos to.. Mukhang busog na naman ako ah.. Kung may kailangan kayo nasa garahe lang ako .." paalam ng driver at umexit na..

Sumunod si Aldrin sa yaya ni Hannah at iniwan ang dalaga sa salas..

Nakasimangot ang dalaga pero di nya maiwasan ang kiligin..

Sumunod na din sya at nanuod sa dalawa..

Ekspertong pinakita ni Aldrin ang natutunan nya sa mga magulang..

Habang naghihiwa ay pakanta kanta pa sya at di maiwasang kiligin ni Hannah..

"Boses palaka .." pang aasar nya sa binata..

Kumindat lang si Aldrin at binuhos na sa kaldero ang lahat ng hiniwa nya..

Lalong kinilig si Hannah dahil lagi syang sinusulyapan ng binata..

Ang yaya naman nya ay halos nanumbalik sa pagiging teenager dahil sa sweetness na nakikita sa dalawa..

Matapos ang pagluluto ay naghilamos si Aldrin at tinawag na nila ang matandang driver..

Sama sama silang kumain ng hapunan..

"Ako na.. " inagaw ng binata ang serving spoon sa dalaga at sinandukan ng kanin ..

Ngiting ngiti ang yaya at si Mang Bert pero di na lang pinansin ang dalawa..

"Dapat lagi kang kumakain ng gulay.. Kita mo ang payat mo.." sermon ni Aldrin..

Bigla syang piningot ng dalaga..

"Payat ako?.." maangas na tanong nya..

"Sinong nagsabi?.. Aray teka.. " angal ni Aldrin at hinimas ang tenga nya..

Nakasimangot si Hannah at nagsimulang sumubo..

Napapangiti naman ang dalawang katiwala sa dalawa..

"Kanin pa?.." tanong ni Aldrin..

"Dapat ako ang mag asikaso sayo kasi ikaw ang nagluto at bisita ka.." sabi ng dalaga.

"Saan naman nakasulat yon?.. Ako ang nagluto kasi gusto kong patikimin ka ng mga nalalaman ko.. At kahit ako ang bisita ako pa rin ang magsisilbi sayo.." sabi ng binata at nagsalin ng tubig sa baso ng dalaga..

Gusto ng magdabog ng dalaga dahil sa sobra sobrang kilig na nararamdaman nya..

Panay lang ang sulyapan nila sa isa't isa habang kumakain.

Wala ng magawa ang dalawang katiwala kundi magngitian na lang at panuorin ang dalawang lovebirds..

MAtapos ang hapunan ay nag prisinta si Aldrin na maghugas ng plato pero tinaboy na sya ng yaya..

"Dun na kayo at baka mawalan naman ako ng trabaho sa ginagawa mo iho.." natatawang sabi ng yaya..

"Ok lang po yon.. Pahinga na kayo tapos ako naman mag alaga kay Hannah.." bulong ni Aldrin at sinulyapan ang dalaga na nagpupunas ng mesa..

Parang dalagang kilinig ang yaya at pinalo sa braso ang binata..

"Naku.. Kung ako ang sinabihan mo nyan nung dalaga pa ako.. Siguradong sasagutin na agad kita.." nakangiting sabi ng yaya..

Napatingin sa kanila si Hannah at kumunot ang noo..

"Anu yon Ya?.." tanong ng dalaga..

Agad na sumabat si Aldrin..

"Nothing my queen... " biro ng binata..

Kinilig lalo ang dalaga pero inangasan ang binata at inirapan..

Napangiti na lang si Aldrin at ang yaya..

Inaya ni Hannah na maglakad lakad sa paligid ng subdivision ang binata..

Nagpunta sila sa isang mini park at naupo sa isang bench.

Parehong nakangiti at masaya..

"Busog much." biro ng dalaga..

Ngumiti si Aldrin at tumingala..

"Ang ganda ng sky..Daming stars.." sabi nya..

Tumingala din si Hannah pero sumimangot sya..

"Ngek.. Wala nga eh.. Uulan pa ata.." sabi ng dalaga..

NAgtawanan silang dalawa at natahimik..

"Thank you for the wonderful evening." mahinang sabi ng dalaga..

"Rinig ko yon." biro ng binata..

Kinurot ng dalaga ang braso ng binata at ngumiti.

"Ang sarap mong magluto.." puri ng dalaga..

"Kaw ang sarap mong sumubo.." banat ni Aldrin..

Napahindik si Hannah at napasimangot..

"Ng pagkain.." patuloy ni Aldrin..

Biglang sumabog ng tawa ang dalaga at pinagpapalo ang binata..

"Napaka naughty mo.." sigaw nya.

Tawa ng tawa si Aldrin..Ngumiti naman si Hannah at tinitigan ang binata..

"One step forward.." ngiti ng dalaga..

Nagets naman agad ni Aldrin..

"One step lang?.. " hirit nya..

Natawa ang dalaga at pinalo ang braso ng binata..

Pumatak ang tubig ulan sa ilong ni Hannah..

"Sakto ah.." biro ni Aldrin..

Nagtawanan ulit sila..

Nagkatitigan ..

Nanlaki ang mga mata ni Hannah ng umangat ang isang kamay ni Aldrin at biglang hinawakan ang ilong nya..

"Anu to sipon?.." biro ng binata.

Napahalakhak ang dalaga at pinagpapalo ang binata..

"Hannah.." bulong ni Aldrin..

"Aldrin.." ganting bulong ni Hannah..

Nagkatitigan sila.

Muling tila nanigas ang katawan ni Hannah ng magsimulang umangat ang kamay ni Aldrin at haplusin ang pisngi nya..

"A-aldrin.." bulong ni Hannah..

Ngumiti lang si Aldrin at naging mapungay ang mga mata..

"Your so beautiful..." bulong ng binata..

Unti unting lumalapit ang mukha ng binata..

Halos maduling na si Hannah sa pagtitig sa mga labi ni Aldrin..

Nais nyang pumikit at namnamin ang kilig pero di nya magawa..

Gusto nya ding makita na lumapat sa mga labi nya ang labi ng binata..

"Konti pa.." bulong ng dalaga..

Natawa si Aldrin at patuloy na lumapit ang mukha sa mukha ng dalaga..

Di na alintana na unti unti ng pumapatak ang ulan..

Konting lapit pa at halos magdikit na ang mga ilong nila..

Napapikit na si Aldrin pero titig na titig pa din ang dalaga..

Biglang may tumamang ilaw sa kanila ..

May dumaan na kotse..

Taranta silang naghiwalay at tumingin sa ibang direksyon..

Katahimikan..

Natawa ng marahan si Aldrin.

Nakasimangot si Hannah..

Ang bilis bilis ng tibok ng puso nilang dalawa..

"Sayang. " sa isip isip ni Aldrin..

Hinarap nya ang dalaga at natawa sya dahil nakasimangot pala ito..

"Bwisit.. Konti na lang eh.." bulong ng dalaga..

"Rinig ko yon.." biro ni Aldrin .

Nagtawanan silang dalawa pero napatili si Hannah ng biglang bumuhos ang ulan..

ITUTULOY !!!