1. Home
  2. Stories
  3. Kwadro Alas Book 1 Ch. 26 - Proposal
Lagablab

Kwadro Alas Book 1 Ch. 26 - Proposal

By supertoyantz ·

Chapter 26 - Proposal

Nakangiting bumaba si Hannah sa kotse..

"Thanks Tatay Bart.." pasasalamat nya sa driver na sumundo sa kanya..

Nag text lang sya sa nobyo na nakauwi na sya..

Masaya nyang binuksan ang pinto..

Kahit pa sabihing kagagaling lang nyang probinsya para makita ang abuelo ay kamangha manghang parang isang taon na ang lumipas.. Miss na nya ang Lolo at Lola nya..

Agad nyang tinungo ang sala..

Pero di nag iisa ang lolo nya..

May kasama itong gwapong binata..

Pero hanggang duon na lang.. Dahil committted na sya kay Potpot..

Nakangiting lumapit ang dalaga sa likod ng Lolo nya sabay halik sa pisngi nito..

"Hi Lolo.." bati ng dalaga..

Nagulat man ay natawa na din ang Lolo ni Hannah..

"Sus.. Nandyan ka na pala.." tatawa tawang sabi ng Lolo ni Hannah..

Nilundag ng dalaga ang sofa..

Niyakap ang abuelo sabay tingin sa binatang nasa harap nila..

Nakangiti ito sa kanya..

Parang namumukhaan nya ito..

Napataas ang kilay ni Hannah..

"Ah... Apo.. Di mo na ba sya natatandaan?.." tanong ng Lolo ni Hannah.

Napatingala si Hannah sa Lolo nya sabay iling..

Natawa naman ang binata..

"Lea.. It's me Stefen.." pakilala ng binata..

Agad napabaling ang tingin ng dalaga sa kaharap..

Napatayo pa sya..

Nanlalaki ang mga mata at nakaawang ang maliit na labi..

"We?.. Estong?.." tanong ng dalaga.

Natawa na naman ang binata sabay kamot sa tenga..

"Geez.. Up to now Estong pa rin ang name ko sayo?.. Ang layo naman ng Stefen sa Estong.. Anyway.. Your so pretty.. " puri ni Stefen..

Napaupo ulit ang dalaga..

Nag blush sya .. Niyakap nya ang Lolo nya na tatawa tawa..

"Ahm.. Anung ginagawa nyo dito?.." mahinang tanong ni Hannah.

Inakbayan ng matandang lalake ang apo..

"Apo.. Si Stefen ay anak ng isang kaibigan.. Alam mo na naman yun di ba?.. " bungad ng Lolo.

Napatango si Hannah.. Nakakunot pa rin ang noo..

Nagtataka sya sa tila di mapakaling abuelo..

"Lo ano po yon?.." tanong ni Hannah..

Natawa ng mahina ang Lolo..

Parang pinagpapawisan pa ito..

"Lo.." untag ni Hannah..

Tumikhim ang Lolo ..

"Apo.. I want you to do me a favor.." sabi ng Lolo..

Kinabahan ang dalaga..

Napabaling ang tingin nya kay Stefen na ngiting ngiti..

Unti unti ng di mapalagay ang loob ng dalaga..

Muli nyang tiningala ang Lolo na nakatitig din pala sa kanya..

"Ano po yon Lo?.." mahinang tanong ng dalaga.

Huminga ng malalim ang Lolo ni Hannah..

Napalunok pa ito..

"I want you to marry Stefen.." buo at determinadong sabi ng Lolo ni Hannah.

Katahimikan..

Parang nagkamali ng dinig ang dalaga..

Natawa pa sya ng mahina..

"Lo?... Anu yan pick up line?.. Joker ka Lolo ha.. Di na kelangan ng Kwadro Alas ng joker.." natatawa si Hannah..

Mabilis na mabilis na ang tibok ng puso nya.

Muli syang napatingin sa binata sa harap nya..

Kampante itong sumandal sa sofa at nagdekwatro..

Parang nanalo sa isang laban kahit na di pa nagsisimula..

"Estong?.. Ano ba to?.. Trip nyo ko?.." nagtaray na si Hannah.

Tumawa ng malakas si Stefen..

"No Honey. Its true.. My Lolo told me na friend nya pala ang Lolo mo.. Nalaman ng Lolo mo na tumira kayo sa paligid ng hasyenda namin dati nung bata pa nga tayo.. Sabi ko close na close tayo.. Di ba tama naman?.." nakangiting paliwanag ni Stefen..

Walang masabi ang dalaga..

Tama naman ang lahat..

Pero may mali pa rin syang nakikita..

"Lo.. Tell me that is just a joke.. Please Lolo.. Alam nyong kami na po ni Potpot.." nakiusap na ang dalaga..

Napakunot noo si Stefen..

"Potpot?.. Who the hell is he?.. " maasim na tanong ng binata..

Napabaling ang tingin ni Hannah kay Stefen..

Nagsalubong ang kilay..

Parang nagbago na ang sweet na kababata nya..

Muli nyang inalala ang mga nakaraan nila..

Tama..

Wala silang espesyal na nakaraan bukod sa talagang magkalaro sila nung mga bata pa lang sila..

Di tulad ni Potpot..

Ramdam nya pa ang sakit nung iwan sya nito..

Napataas ang isang kilay ng dalaga..

"Potpot is my boyfriend.." matigas nyang sabi..

Napamura ng lihim ang binata..Pero napangisi din ito.. Tumingin sa matanda..

"Lolo.. Eh may boyfriend pala si Lea.. " sabi ni Stefen..

Tumango ng marahan ang Lolo ni Hannah..

Nahindik ang dalaga..

"Lo?.. You mean itutuloy nyo ?.. Baket po?.." tarantang tanong ni Hannah..

Napalunok muli ang Lolo sabay baling ng tingin sa ibang direksyon..

Ayaw nyang salubungin ng tingin ang pinakamamahal na apo..

Alam nyang nag aakusa ang tingin nito..

Pero kaylangan nyang subukan alang alang sa kaibigan..

"Apo.. Patay na ang kaibigan ko.. Ang Lolo nga ni Stefen.. Dalawang araw pagtapos nyong umalis.. Dumating ang balitang namayapa na nga ang aking butihing kaibigan.." naluluha na ang Lolo ni Hannah..

Mukhang mahal nito ang kaibigan..

"Pero Lo.." mahinang pag angal ni Hannah..

Sumingit si Stefen..

"Honey.. You will benefit from this marriage naman e.. Our hacienda's will merge.. Properties and assets na nakapangalan sayo at sa akin.. " nakangiting paliwanag ni Stefen..

Umirap si Hannah.

"I don't care about you anymore.." maangas na sabi ni Hannah..

Napaismid si Stefen..

"Lo.. " ang Lolo ni Hannah ang binalingan ng binata..

Parang nanghihingi ng saklolo..

Muling huminga ng malalim ang Lolo ni Hannah..

Bumaling ang tingin nito sa pinakamamahal na apo..

"Apo..Can you just try?.. " mahinang sabi ng Lolo..

Napahindik na si Hannah..

Tumayo sya at lumuhod sa harap ng abuelo..

"No Lolo.. I love you.. Pero please.. I love Potpot so much.. Please Lolo.. Don't do this.." nagsimula ng tumulo ang luha ni Hannah..

Tarantang pinahid ito ng Lolo nya.. Nagsimula na ring mamuo ang luha sa mga mata nito..

"Apo.. I know.. Mabait si Potpot.. Pero.. Just try.. For me.. If ever na di nag work.. Ako na ang kakalas sa proposal.." naiiyak na bulong ng Lolo ni Hannah..

Napatayo si Stefen ..

"Ahem.. Sorry for interfering.. Pero no back outs na po ito sir..." sabi ni Stefen..

Nagdilim ang mga mata ng Lolo ni Hannah..

"I don't want to be rude to you iho.. Pero just to make it clear.. Wala akong pinangako sayo o kahit sa Lolo mo pa.. Gusto ko lang tulungan ka sa sitwasyon mo alang alang sa kaibigan ko.." matigas na sagot ng Lolo ni Hannah..

Napakunot noo ang dalaga..

"Anong sitwasyon Lolo?." naiiyak nyang tanong..

Napailing ang Lolo..

"Sorry Apo.. Patawarin mo ang Lolo.. Ito kasing isang ito.. May tinakbuhang babae dito sa Maynila.. " maasim na paliwanag ng Lolo..

Nagpahid ng luha si Hannah..

Madilim ang mukhang tiningnan ang binata ..

"Pero bakit ako Lolo?.. Maraming babae dyan.. And, bakit mo nya tinakbuhan?.. " tanong ng dalaga..

Napangisi si Stefen..

Pero nagbago ang ekspresyon...

Naging kaawa awa..

"Balak nya akong pikutin honey e.. Actually nagulat ako kasi may anak pala sya.. Ayun ipapaako sa akin ang bata.. Syempre di naman ako papayag non.. Di ba Lolo..?.." nakakaawang tanong ng binata sa Lolo...

Napasimangot ang mag lolo..

"Baka ikaw naman talaga ang ama?.." tanong ng dalaga..

Nagkanda iling iling si Stefen..

"No.. Never.. No way.. Masyadong bitch ang babaeng yon e.." malakas na sabi nito..

Nagalit ang Lolo..

"Iho.. Dont you dare talk like that in front of my granddaughter.. " matigas at galit na sabi ng Lolo..

Tumiklop naman agad ang binata..

"Sorry Lolo..Sorry din hon.." sabi nito..

Napaismid si Hannah.. Parang kinilabutan..

"And for the record.. Don't you dare call me honey.." sabi ng dalaga..

Natawa si Stefen..

"Ito naman.. Sinasanay ko na lang ang sarili ko.." sabi ng binata..

Lalong naasar ang dalaga..

"Lolo.. Bakit kasi ako pa po?.." lambing ni Hannah..

Nagsisimula na namang syang maiyak..

Ngumiti ng malungkot ang Lolo..

"Just try apo.." sabi nito..

Malungkot na tumango ang dalaga..

"Pero alam na po ba ito ni Mom?.." tanong ng dalaga..

Tumango ang Lolo..

"Sinabi ko na apo.. Nakiusap na ako.. Sabi nya its up to you daw.. Kaya nga sinadya na kita dito sa Maynila.. I hope na pagbigyan mo ang Lolo.." lambing ng Lolo ni Hannah..

Napangiti ng malungkot ang dalaga..

"Para sayo po Lo.. Pero di nangangahulugan na pumayag na ako.. Si Potpot, tatanungin ko pa.. Pag di sya pumayag back out ako then hanapan na lang natin sya ng girl.. " sabi ng dalaga sabay mataray na binalingan ng tingin si Stefen..

Napatayo ang binata..

"No no no.. I want you.. " sabi nito..

Nagsalubong ang kilay ng mag lolo.

Napaatras ang binata..

"I mean.. Kesa sa iba na baka samantalahin ang yaman ng pamilya namin.. Sayo na lang .. At least malaki ang tiwala ng Lolo ko sa Lolo mo.. Di ba Lolo?.." pinagdidiinan nito ang pagkakaibigan ng dalawang Lolo..

Lalong nagpuyos ang damdamin ng dalaga..

Ibang iba na ang kababata nya..

Malayong malayo ito sa pinagmamalaki pa naman nya kay Potpot..

Niyakap nya ang Lolo..

"Sige po Lo.. Pero wait natin ang pagpayag ni Potpot.." sabi ng dalaga..

Ngumiti ang Lolo..

"Ok apo.. Call him.. I will wait.." sabi ng Lolo..

Napangiti ang dalaga..

Agad na hinalungkat ang bag sabay dial sa nobyo..

Ang pag ring ng cellphone ang nagpatigil sa pag dadrama ni Aldrin..

Masakit na ang kanyang mga mata sa dami ng luhang mabibilis na dumadaloy pababa sa pisngi nya..

Agad nyang dinamba ang phone..

Napangiti ng malungkot sabay punas sa luha..

Suminghot muna sya bago sagutin ang tawag..

"Hello my Ace.." bati ng dalaga..

Napangiti ng maluwang si Aldrin..

Kailangan nyang paglabanan ang pag iyak kundi malalaman ng nobya ang kanyang sitwasyon..

"Yes my heart?.." tanong ng binata..

Kinilig si Hannah..

"Ayeee.. Heart ko.. Punta ka daw dito sabi Lolo.. May sabihin daw sya.. Please heart.. Punta ka agad please?.." makaawa ng dalaga..

Napakunot noo si Aldrin..

Mabilis na pinunasan ang luha..

"Why heart?.." tanong nya..

Napabungisngis ang dalaga..

"Heart.. Dito na lang po.." lambing ni Hannah..

Tumango si Aldrin kahit di nakikita ng dalaga..

"Yes.. As you wish my queen.. Oh sige bihis lang ako.. Dyan na ako mag dinner.." sabi ng binata..

"Yes Heart.. Bilisan mo .. May kiss ka.." landi ni Hannah..

Nataranta si Aldrin.

"Give me 10 minutes.. muah muah.." sabi nya.

Mabilis na kumilos ..

"Moommmmm... !!.." sigaw ni Aldrin..

Natataranta syang nagsusuot ng bagong T-Shirt..

Dumungaw ang ulo ng ina ni Aldrin buhat sa kusina..

"O?.. San ang sunog?.." biro ni Alona..

Natawa si Aldrin.

"Anak?.. Umiyak ka?.." biglang tanong ng Ina..

Natawa ang binata..

"Wala to Mom.. Dun na po ako mag dinner kina Lelay..." mabilis na hinalikan ni Aldrin ang pisngi ng ina...

Di na nahintay ang pagpayag..

Takbo agad palabas ng pinto...

"Anak.. T-teka.. Lelay?.. Si Lelay ba na anak ni Elena?.." sigaw ng ina..

Pero bigo sya..

Wala na ang anak ..

Daig pa nito si Lydia De Vega na bumarurot palabas..

Imbes na matawa ay napaisip ang ina..

Kinuha nya ang cellphone sa ibabaw ng ref sabay dial sa kaibigan..

Halos inabot lang ng dose minutos ..

Humahangos na nagdoorbell si Aldrin..

Pinagbuksan sya ni Mang Bert..

Napangiti pa ang matanda ng makita ang binata..

"San ka galing boy?.. Para kang hinabol ng aso ah.." biro ni Mang Bert..

Nahiya naman si Aldrin..

Pawisan sya dahil sa pagtakbo..

Taranta syang tumakbo papasok sa kwarto ni Mang Bert sa gilid ng garahe..

Naghagilap ng suklay sa paligid ng maliit na salamin..

Natawa pa ang binata ng makakita ng pulbos..

"May gel ako dun.. Baka gusto mo?.." alok ni Mang Bert..

Lalong natawa ang binata..

"Kaw Tatay Bert.. Pumoporma ka siguro.." biro ng binata...

Natawa na din si Mang Bert..

"Syempre.. Ito naman.. Hala at kanina ka pa hinihintay ng mga bisita.." imporma ni Mang Bert..

Napakunot noo si Aldrin.

"Mga bisita?.. Akala ko Lolo lang po ni Hannah ang nandyan?.." tanong ng binata..

Napakunot noo naman si Mang Bert...

"Ha?.. Di mo alam na nandyan yung kababata ni Hannah na si Stefen?.. Balita ko kaibigan daw ng Señor ang Lolo nung Stefen eh.. Bale magkasama ata sila sa gyera.. Pero ikaw na ang tumuklas.. Hala..Dun ka na.. Pogi ka na boy.." tatawa tawang sabi ni Mang Bert..

Natahimik ang binata.

Naalala nya ang lumang liham ng Lola nya ..

Ipinagkasundo na si Hannah sa apo ng kaibigan ng Lolo ng dalaga..

Di kaya yung Stefen ang nasabing magiging asawa ng kanyang pinakamamahal?..

Parang bateryang nadrain ang pakiramdam ni Aldrin..

Napansin naman ito ni Mang Bert..

"Hoy.. Ano na?.. Wag mong paghintayin si Señor.. Loko ka.." tatawa tawang tinaboy ni Mang Bert ang binata..

Napangiti naman ng malungkot si Aldrin..

Huminga ng malalim..

Sa backdoor na sya nagdaan..

Mula sa kusina.. Dahan dahan nyang sinilip ang salas..

Parang dinurog ang puso nya ng makita ang nasabing bisita..

Gwapo..

Mukhang Matangkad..

Malas ay mas matangkad pa ata sa kanya..

"Mas pogi ako dyan.." pang uuto ni Aldrin sa sarili..

Huminga ng malalim sabay dahan dahang tinungo ang salas..

Napakunot noo si Stefen ng makita ang papalapit na binata mula sa kung saan..

Nag katitigan sila..

"Who the hell are you?.. " maangas na sabi ni Stefen.

Napatingin ang mag lolo sa binata..

Bumakas ang tuwa sa mukha ng mag lolo..

Napansin ito ni Stefen..

"My Ace !.." sigaw ni Hannah..

Tumalon sya mula sa sofa at dinamba ang nobyo..

Pinaghahalikan nya ito sa pisngi..

Sabay dampi ng halik sa labi..

Nawala na ang kalungkutan ni Aldrin ng salubungin sya ng kasintahan..

Pinalibot nya ang braso sa maliit na bewang nito..

"I missed you my heart.." bulong ni Aldrin..

Napangiti ng matamis si Hannah..

"Lalo na ako Heart.." sagot ng dalaga..

Napangiti sila sa isa't isa..

Madilim na ang mukha ni Stefen..

Agad na masama ang timpla nya sa bagong dating..

Ito na marahil ang nobyo ni Lea..

Tumikhim sya para guluhin ang sweet moment ng dalawa..

"Ay.. Oo nga pala.. Heart.. Si Estong.. Kababata ko.. Estong si Aldrin.. BOYFRIEND ko.. " pinagdiinan ni Hannah ang salitang boyfriend para isampal sa binata..

Natawa ng lihim si Aldrin ng makita ang ekspresyon sa mukha ng ungas..

"Nice meeting you pare.." inabot ni Potpot ang isang palad sa binata..

Ang kabilang kamay nya ay nananatiling nakapalibot sa bewang ng dalaga..

Tinapik lang ni Stefen ang palad nya..

"Upo muna kayo .. Potpot upo ka.." sabi ng Lolo..

Napangiti si Aldrin..

"Yo Lolo.. !.." nag high five ang Lolo at si Aldrin.

Nagtawanan pa silang tatlo..

Lalong naasar si Stefen..

Naupo si Aldrin sa kaliwa ng dalaga..

Pinagitnaan nila si Hannah..

Sa kanan ang Lolo..

Sabay sabay nilang tinitigan si Stefen..

"Anung dahilan ng biglaang meeting Lolo?.." biro ni Aldrin..

Natawa ang matanda..

"Ipapaalam lang naman namin sayo na ikakasal na si Lea.." biglang singit ni Stefen..

Napakunot noo si Aldrin sabay baling ng tingin sa nobya..

Agad niyakap ni Hannah ang binata..

Nagpapaawa ang tingin..

"Heart.. I don't want this.." makaawa ni Hannah..

Nangangamba sya na baka di maintindihan ni Aldrin ang sitwasyon..

"Explain my Heart.." sabi ng binata..

Tumikhim ang Lolo..

"Ako na apo.. " sabi nito..

Napatango si Aldrin at nakinig..

Huminga ng malalim ang Lolo..

Nagsimulang mag kwento..

"Nuong panahon ng gyera.. Kasama kong nakipaglaban ang Lolo nitong si Stefen.. Tatlo kaming magkakaibigan... Si Isidor , Si Ufo, at ako.. Si Isidor ang Lolo nitong si Estong daw.. Pero sa dalawa.. Ang bestfriend ko talaga ay si.. " naputol ang kwento ng Lolo dahil kinurot sya ni Hannah..

"Lolo !.. Skip the jurassic era.. " taray ni Hannah..

Nalungkot ang Lolo..

"Apo naman.. Gusto ko lang malaman nyo ang hirap ko nuong panahon ng gyera.." tampo ng Lolo..

Natawa ang magkasintahan..

"Heart kasi.. Nag rereminisce ang Lolo. Umeepal agad.." biro ni Aldrin..

Nilambing ni Hannah ang Lolo..

"Kasi naman Lo.. Pag tayo tayo na lang po .. Pero sabihin nyo na agad yung proposal tapos pauwiin na natin yan si Estong kasi asar na ako e.." bulong ng dalaga..

Narinig ito ni Aldrin kaya napabungisngis din sya..

Naasar lalo si Stefen.

"So ayun na nga.. Balak kong ipakasal itong si Hannah kay Stefen.. Okay lang ba sayo iho?.." banat ng Lolo..

Nanlaki ang mga mata ni Aldrin..

Kahit alam na nya ang kwento ay di pa rin nya mapigilan ang mapaluha..

Mabilis nyang pinilig ang ulo sabay pasimpleng nagpunas ng mga mata..

"W-what do you mean Lolo?.." mahinang tanong ng binata..

Napangisi si Stefen..

"Loko.." bulong nya sa sarili..

Niyakap ng dalaga ang kasintahan..

"Heart.. Proposal lang yan kasi may nangyari dito kay Estong.. He needs our help.." sabi ng dalaga..

Napangiwi si Aldrin..

"Pero bakit kailangang umabot sa kasal?.." sabi ng binata..

Napaisip ang Lolo..

"Kasi nga kailangan kong takasan ang girlfriend ko.. Kasi pipikutin ako.." singit ni Stefen..

Binigyan sya ng dirty finger ni Aldrin..

Natawa ang mag lolo..

Nagalit si Stefen..

"Kanina nagasabi ako ng harsh word, sinaway nyo po ako.. Bakit itong mokong na ito.?.." galit na sabi ni Stefen..

Natahimik ang Lolo..

Nagtaray si Hannah..

"Baket?.." taray ng dalaga..

Tiklop si Stefen..

Nagsintir at tiningnan na lang ng masama si Aldrin..

Tatawa tawa naman ang binata..

"Pero Lo.. Marami pa pong solusyon.." sabi ng ni Aldrin..

Napatingin ang Lolo sa binata..

"Ano sa tingin mo apo?." biglang tanong ng Lolo..

Muling umepal si Stefen..

"Apo na agad?.. Di ba pwedeng iho na lang din muna parang pagtawag nyo saken?.." nagtatampong tanong ni Stefen..

Umirap ang Lolo..

"Wag ka nga epal.. Usapang tao muna pwede?.." pang aasar ni Aldrin..

Nagalit na naman si Stefen..

"Ang yabang mo ah.. Anong gusto mo?.." napatayo pa si Stefen..

Tiningnan lang sya ng binata..

"Talaga?.. Eh mabait naman pala ito Lo eh.. Heart sabi mo asar ka dito eh mabait naman pala.. Well pare.. Salamat.. Kuha mo nga kami ng juice .. Tapos may Cake akong binili kahapon.. Nilagay ko sa ref.. Paki slice na lang for four.. Kumakain ka ba ng strawberry cake?.." pang aasar ni Aldrin..

Natawa ang maglolo..

Lalong nag puyos ang damdamin ni Stefen..

NAgsisimula na syang mamuhi sa binata..

Pero wapakels si Aldrin at muling hinapit ng yakap ang dalaga..

"Anyway.. May naisip ka bang solusyon pa?.." tanong ng Lolo..

Muling umepal si Stefen..

"Anung pakielam nya Lolo sa sitwasyon natin?.." maasim na tanong ni Stefen..

Si Hannah ang sumagot..

"Malaki ang pakielam nya dahil boyfriend ko sya.. " taray ni Hannah..

"Pero tayo ang sangkot dito.." pangangatwiran ni Stefen..

Umirap si Hannah..

Niyakap ang nobyo..

"Kapag ako ang nasangkot.. Kasama ang Ace of Hearts ko.." lambing ni Hannah..

Napangiti si Aldrin at hinaplos ang pisngi ng nobya..

Umangal si Stefen..

"Ayaw ko.." sabi nito..

Nagtaas ng kilay si Hannah..

"Good.. Ayaw ko din.." sabi nya..

Nagbago ang ekspresyon ng mukha ni Stefen..

Naging mabait..

"J-joke lang.." biglang sabi nito..

Napangisi si Aldrin..

Bumaling sya sa Lolo..

"Lo.. Marami po akong kilalang chix.." sabi nya..

Nagdilim ang mukha ng maglolo..

Natawa naman ang binata..

"Hephep.. Kilala ko lang.. Wala akong koneksyon sa kanila.. Ito namang dalawang to.. Parang mangangain na.." biro ni Aldrin..

Natawa na ang maglolo..

"Liwanagin mo kase.." taray ni Hannah sabay pingot sa tenga ni Aldrin..

Nagtawanan silang tatlo..

Di na talaga natutuwa si Stefen..

Masisira ang balak nya..

"Anyway apo.. Anong tingin mo?.." tanong ng Lolo..

Napangiti si Stefen..

"I know a girl na bagay na bagay kay Estongoloid.. " biro ni Aldrin..

Nagtawanan na naman silang tatlo..

Nabwisit lalo si Stefen pero di na lang sya nagsalita..

"Tell us..What's her name?.. " sabi ng Lolo..

"Jasmine.." agad na sabi ni Aldrin sabay yakap sa nobya..

Umangal si Hannah..

"I told you not to talk to her.." nagselos agad si Hannah..

Natawa naman sina Aldrin at ang Lolo..

"Heart naman.. Ngayon ko na lang kakausapin.. Natakot sayo yung pobre kasi pinagbantaan mong lalagyan ng peklat ang mukha nya.." natatawang sabi ni Aldrin..

Pati ang Lolo di mapigilan ang mapatawa..

Napaismid si Hannah..

"Dapat lang.. If ever na malaman kong dumidikit ka sa kanya.. Magtago ka na. !.." mataray na sabi ni Hannah..

Napahawak si Aldrin sa puso nya..

"Takot ko lang kay kumander.. Lolo ganito po ba si Lola?.." tanong ng binata..

Tumigas ang mukha ng Lolo.. Niliyad ang dibdib sabay kinabog..

"Im a lion !.. Rwaaarrrr !!.." biro ng Lolo..

Tumingin si Hannah sa abuelo.

"Mamarkahan ko yang sinabi nyo Lolo.. Itetext ko po kay Lola.. " pananakot ni Hannah..

Tiklop ang Lolo..

"Pero mabait na lion ako.. Apo naman.." biglang banat ng Lolo..

Tawanan na naman silang tatlo..

Napatayo si Stefen..

Napatingin sa kanya ang lahat..

"Aalis ka na..?.. Dun yung main door pare.. Konting lakad lang palabas makakakita ka na ng sakayan.. Tapos sabihin mo sa driver ihatid ka sa rehab.." biro ni Aldrin..

Napalo ni Hannah ang nobyo sa biglang pagtawa nya..

Ang lolo kailangan pang tumingin sa ibang direksyon para itago ang pagtawa..

Nabwisit lang lalo si Stefen..

"San ang CR nyo honey?.." tanong ni Stefen..

Nagtaray si Hannah..

"Isa pang tawag mo ng Honey at makakatikim ka talaga ng totong honey.. " banta ng dalaga..

"Pero may kasamang bees.. Sweet no?.." habol ni Aldrin..

Nagtawanan ulit sila..

Napaismid na lang si Stefen..

"Left side ng kitchen.." sabi ni Aldrin..

Gusto nyang ipamukha na kabisado nya ang bahay ng mga Montefalco..

Padabog na nagpunta ang binata sa kusina para magbanyo..

Nilabas na ng tatlo ang tinatago nilang tawa..

"Anyway apo.. Kakagat kaya ang plano mo?.." tanong ng Lolo..

Tumango si Aldrin..

"Try ko po Lo.. Pero sorry .. Di po ako papayag na gamitin nyo si Hannah sa balak ni Estong.." matigas at determinadong sabi ni Aldrin..

Humanga naman ng lihim ang Lolo..

"Well said then.. Hintayin ko na lang ang timbre mo.. So paano mga apo.. Siesta muna ang Lolo.. " sabi ng Lolo..

Hinatid nila sa guest room ang Lolo..

Magkahawak kamay na bumaba ang dalaga..

Nagpunta sila sa kusina..

Hinanap si Stefen..

Nasalubong nila ang Yaya na may hawak na tray ng juice..

"Ay.. Dadalhin ko pa nga lang don e.." sabi ng Yaya..

Natawa ang magkasintahan..

"Yaya si Estong?.." tanong ni Hannah..

Napakunot noo ang Yaya..

"Ay yung kaninang naki ihi?.. Umalis na.. Sabi mag tetext na lang daw.. Eto ang number nya.." naglabas ng kapirasong papel ang yaya..

Nilamukos lang ito ni Hannah.. Napangiti naman si Aldrin..

"Ya .. Yaw ko nyang cookies.. Gusto ko strawberry cake... Meron pa po di ba?.." tanong ni Hannah..

Tumango ang Yaya..

"Si Señor?.. " tanong nito..

Napahagikgik ang dalawa..

"Bagsak.. Knock out si Lolo e.. Mahina pala.." biro ni Aldrin..

Natawa din ang Yaya..

"Hala at tayo na lang ang mag miryenda nito.." alok nito..

Tumango ang dalawa..

Nagsiupo na sa mesa..

Muling tumayo si Aldrin sabay walang sabi sabing lumabas..

Nagtaka si Hannah..

Pero saglit lang nawala ang nobyo ..

Pagbalik nito ay hatak hatak na nito si Mang Bert.

"Tatay Bert miryenda muna.. Mamaya na yung paglilinis ng kotse.." sabi ni Aldrin..

Napangiti naman ang Yaya at si Hannah..

Proud si Hannah sa nobyo..

"Cake?.. Masakit sa ipin yan boy.. Kape na lang ako.. Psst.. Kape nga.." pabirong utos ni Mang Bert sa Yaya..

"Wapakels.." biglang banat ng yaya..

Nagtawanan silang lahat at masayang nag miryenda..

Sakay ng taxi..

Galit na galit si Stefen..

First time nyang nakita ang nobyo ni Hannah Lea pero asar na agad ang nararamdaman nya..

Matagal nya ng sinubaybayan ang dalaga..

Teenager sya ng malaman na magkaibigan pala ang mga Lolo nila..

Umungot sya sa abuelo na paglapitin sila ng dalaga pero tinawanan lang sya nito..

Umasa syang magkakalapit din sila..

Bago mamatay ang Lolo nya ay nasabi na nito ang last will and testament..

Kailangang makasal sya kay Lea..

Pabor sa kanya..

Kaya nga gumawa na sya ng hakbang agad agad..

Pero hassle ang ex-girlfriend nya..

Bigla itong nagpakita dala ang balitang nabuntis nya daw ito..

Isang taon nyang halos pinagtaguan ang dalaga..

Di pwedeng makita ito ng Lolo nya kaya lumayo sya sa hasyenda at nagpunta sa ibang bansa..

Bumalik lang sya ng pauwiin ng Lolo para nga basahin ang huling habilin nito..

Tuwang tuwa sya ng malaman na nais nitong ipakasal sya sa apo ng kaibigan nito na wala ngang iba kundi si Lea..

Buo na ang plano nya.. Makukuha na ang dalaga kasama ang mana ng Ama nya pati na ng Mana nya..

Mapapasakanya ang hasyenda kasama ang halos 70 percent ng kayaman ng Lolo..

20 percent lang talaga ang kanya.. Pero kung makakasal sila ng dalaga ay plus 50 percent sya plus 20 percent sa ama..

Ang natitirang 10 percent ay pinamahagi na sa mga tauhan ng hasyend bagay na ikinagalit nya..

Pero nagmatigas ang lolo nya ... Kailangan daw makinabang ng mga tauhan nya..

Ayos lang.. maliit na halaga... kulang kulang 12 milyon na binahagi sa mga tauhan nila..

Malaki pa ang natitira..

Kailangang matuloy ang kasal..

Akala nya smooth na ang plano..

Pero may Potpot pa pala..

Pero di nya ito maaring payagan na humarang sa mga plano nya..

Di sya papayag..

ITUTULOY !!!