1. Home
  2. Stories
  3. Kwadro Alas Book 1 Ch. 27 - Sakit
Lagablab

Kwadro Alas Book 1 Ch. 27 - Sakit

By supertoyantz ·

Chapter 27 - Sakit

( Droga mula Kay TOYANTZ..)

Lunes ng umaga..

Kasalukuyang nag eexam sina Aldrin..

Di sya makafocus at patingin tingin sya sa katabing si Jasmine..

As usual, maganda pa rin ang dalaga..

Lamang ay batid nya ang pakay nito sa kanya kaya medyo dumidistansya sya..

Pero kailangan nya ng tulong nito..

Kung hindi ay ang kasintahan ang malalagay sa alanganing sitwasyon..

Biglang nagsalita ang guro..

"Okay.. Pass your papers..Copy what is written on the board. If you're done , you can go.." sabi ng guro..

Nataranta si Aldrin dahil halos kalahati pa lang ang nasasagutan nya..

Napansin naman ito ni Jasmine..

"Oh.." di tumitingin inabot ni Jasmine ang sariling papel..

Wala ng hiya hiya..

Parang computer na cinopy paster ni Aldrin ang mga sagot ng dalaga sabay salin sa sariling papel..

Bago pa mahuli ng guro ay agad nya na itong inabot sa kaklaseng nasa harap para ipasa..

Nakahinga ng maluwang ang binata..

Nahihiyang tumingin sya sa dalaga..

"Thank you .." taos pusong pasasalamat ni Aldrin..

Ngumiti ng maluwang ang dalaga..

"Sure sure.. No problem.." nakangiting sabi nito..

Aligaga pa rin si Aldrin..

Pinanunuod niyang magsulat ang dalaga..

Ilang saglit ay natawa ito bigla at hinampas sya sa braso..

"Wag kasi.." pacute na saway ni Jasmine..

Napangiti din ang binata..

"Ganda mo today.." pang uuto pa nya..

Napalabi ang dalaga..

"Wag kang ganyan.. Baka nakakalimutan mong may syota ka na.." nakasimangot na sabi ni Jasmine.

Napatango si Aldrin..

"Ikaw ba single?.." tanong nya..

Huminto sa pagsusulat ang dalaga at tumitig din sa kanya..

"Why?.." takang tanong nito.

Napatingin sa guro ang binata..

Di nya masabi ang pakay...

Kinalabit sya ng dalaga..

"Hey.. Bakit mo natanong .?.." untag ni Jasmine..

Natawa ng mahina si Aldrin..

"K-kasi ano.." di nya matuloy.

Kinurot ng mahina ni Jasmine ang braso ni Aldrin...

"Don't be shy.. It's ok..Tell me.." lambing ng dalaga..

Napangiti si Aldrin..

"Single ka ba?.." ulit na tanong nya..

Napangiti ang dalaga sabay tango..

Lalong nagdiwang ang kalooban ni Aldrin..

"Why?.. Break na ba kayo tapos mag aapply ka saken?.. Tanggap ka na." biro ng dalaga..

Natawa ang binata at umiling..

Pabiro nyang kinurot sa ilong si Jasmine..

"Nope.. I have a friend.. Lonely sya e.." panimula nya.

Napakunot noo si Jasmine..

"So?.. Eh di mamasyal sya.." sabi ng dalaga.

"Wala syang ka date.. Gusto mo?.." alok ni Aldrin..

Napabitaw si Jasmine sa binata..

"Akala ko ikaw. " bulong nito..

Ngumiti ng matipid si Aldrin..

"I am sorry for what happened last time.. Ako na ang humihingi ng pasensya sayo.." sabi ng binata..

Pinagpatuloy ni Jasmine ang pagsusulat.

"Wala yon.. Kung ako ang nasa lugar nya.. Malamang masabunutan ko na agad ang mang aagaw sayo.. It's okay.." ngumiti pa si Jasmine..

Nangalumbaba ang binata..

Pinagmasdan ang dalaga..

Napapangiti si Jasmine at ilang saglit ay muli itong natawa..

Hinampas ng ballpen ang noo ni Aldrin..

Tawa naman ng tawa ang binata..

"Hoy magsulat ka.." bilin ni Jasmine..

"Copy paste na lang ulit ako sayo.." nakangiting umiling ang binata..

Napangiti ang dalaga..

"Single ka ba?.." pangungulit ni Aldrin.

Natawa na naman si Jasmine at binaba na ang ballpen..

Tumitig na din sya sa binata..

"Oo nga po.. Kulit.." pa cute nasabi ni Jasmine..

Napangiti si Aldrin..

Nilapit ang mukha sa dalaga..

"I have a friend.. Single din.. Gusto mo bang makidouble?.." biro nya..

Natawa si Jasmine..

"Pogi ba?.." banat ng dalaga..

"Yup.." maiksing sabi nito..

"Mas pogi sayo?.." tanong ng dalaga..

Kunwaring nag isip ang binata..

Natawa naman ang dalaga..

"Mas pogi ako syempre.. Pero I assure you na di sya pangit.. And take note.. Hasyendero.." landi ni Aldrin..

Napasimangot si Jasmine..

"Parang sinasabi mo naman na mahilig ako sa mapera.." banat ng dalaga..

Natawa naman ang binata at umiling..

"Ito naman.. Di no.. So ready ka ba sa blind date?.." tanong ni Aldrin..

Napaisip ang dalaga..

"Harmless ba yan?.." nakataas ang isang kilay ni Jasmine na nagtanong..

Napaisip naman si Aldrin..

"Yeah.. Yeah.. Ako bahala if ever may gawin syang di maganda sayo.." wika nya..

Kinilig si Jasmine..

"Eh ikaw na lang kasi date ko.." banat ng dalaga..

Kinurot ni Aldrin ang pisngi ni Jasmine..

"Taken na ako.. Pero if ever na wala akong girlfriend.. Ikaw ang talagang niligawan ko.. Remember yung mga friend ko na sina Romeo at Darius?." sabi ng binata..

Tumango si Jasmine..

"Mataas ang standards ng dalawang yon pagdating sa chix.. And take note nung una ka nilang makita.. Prospect ka daw.. Meaning .. Pasado ka sa panlasa nila. Bale kumbaga sa ratings from 1 to 10 and 10 ang pinakamataas.. Kadalasan na rank 9 lang ang napapansin nila at sinasabihan ng prospect.. And 9 is almost perpect na... Meaning.. Almost perpect ka sa paningin nila.." ginamit na ni Aldrin ang estilong pang uuto na natutunan nya sa Spade..

Nagblush ang dalaga..

Nagbaling sya ng tingin para itago ang pamumula ng mukha..

"So okay na?.." tanong ni Aldrin..

Muling tumitig sa kanya ang dalaga..

Ngumuso pa ito..

"S-sige.. Set mo na yung date.. Bukas ng gabi na lang para if ever na palpak.. Diretso tayo sa bar after.." sabi ni Jasmine..

Napangiti si Aldrin at nag thumbs up..

Maya maya ay tumunog ang bell.

"Ay.. Number mo pala... Para mas madali ang contact.." sabi ni Aldrin..

Nakangiting sinabi ng dalaga ang numero nya..

Nagpaalam na sila sa isa't isa..

Sa kubo..

Naghaharutan ang mga alas..

Biglang pumasok si Aldrin na nakangiti na kita ang tonsil..

"Guys.. Where's my queen?.." tanong nya.

Di sya pinansin ng mga kaibigan.

Umupo sya sa sariling trono at tinanong si Krissia na abala sa paglalaro sa cellphone..

"Psst.. Krissing.. Si Lelay?.." tanong ni Aldrin..

Umiling si Krissia..

"Ay na dead.. Ang epal mo talaga e..Nakita ko kanina sa gate.. May kausap na guy.. Akala ko ikaw kasi parehas kayo ng gupit pero since na tinatanong mo kung nasan sya.. Malamang na iba ang kasap nya kanina.." muling nag concentrate si Krissia sa nilalaro..

Sumipol si Romeo..

Nag hum ng kanta si Rhoi habang hinawakan ni Darius ang puso nito..

"Araaaaayyy... Araaay.. Nakuuu.. Oooohhh.." biglang kanta ni Romeo..

"Oh kay sakit naman ng.. Ginawa moooooooo.." pag gatong ni Rhoi..

"Araaaaaayyy... Where art thou my queen?.. " banat ni Darius..

Nagsimulang magtawanan ang tatlo..

Umusok ang ilong ni Aldrin at pinaghahampas ng unan ang mga kaibigan..

"Mga tarantado.. Not affected.. Malamang na si Marla yon.." pang uuto ni Aldrin sa sarili..

Nagtawanan ang mga kaibigan nya at sabay sabay na nagturo sa labas..

Napalingon si Aldrin at pati bigla syang napasimangot ng maaninag si Marla na may nakayakap na lalake sa tagong bahagi ng hardin..

"Pare.. Ganyan talaga sa isang relasyon.. Minsan nagkakaproblema.. Pero sabi nga ni Gat Jose Rizal.. Pag may tyaga , may nilaga.." biro ni Rhoi..

Nagtawanan sina Romeo at Darius.

Napaupo ulit si Aldrin..

Pati si Krissia natawa din kaya parang lalo lang nagatungan ang selos na unti unting nabubuhay sa pagkatao ng binata..

"Engot ampota.. Kailan kaya sinabi ni Rizal yung pickup lines na yan..Tsaka anong connect?.." tanong ni Darius..

"And take note.. As if nagkarelasyon sya..Eh daig nya pa may tanikalang bakal sa mga paa at braso.." banat ni Romeo..

Split seconds lang at may dalawang unang tumama sa mukha nya..

Galing kina Rhoi at Krissia..

Tawa lang ng tawa ang binata..

Kahit paano nabawasan ang nararamdamang pagseselos ni Aldrin..

Biglang nag ring ang cellphone ni Darius..

Agad itong sinagot ng binata..

"Yo Daddy Yo !.." biro ng binata..

Nag hiyawan ang mga alas.

"Titooo.. Si Taba di po pumasok ng second subject.. !." sigaw ni Romeo..

Kinotongan sya ni Darius sabay layo..

"Ooohhh.. Dariussss.. AAaaahhh... Ooooohhhh..." malakas na ungol ni Rhoi..

"Pare pahits ng shabu.." sigaw ni Aldrin..

Tawa ng tawa ang tatay ni Darius na si Denzel sa mga naririnig..

"Mga monggoloid talaga kayo eh no?.." niloud speaker ni Darius ang phone nya..

"Bakit po Dad?.." tanong ng anak..

"Ay oo nga pala.. Eh kasi kanina nag text si Tito Zack mo.. Nakikisuyo na sunduin nyo na kung pwede si Zab from school then ihatid nyo sa hospital .. May singaw kasi yung bata kaya pakihatid na lang.. Alam nyo namang in demand ang Tito nyo don kaya di sya makaalis kahit saglit lang.. So anak , pasama ka na lang sa tropa mo .. Ok lang ba?.." tanong ng ama.

Tumingin si Darius kay Romeo..

"Okay lang pare. Paalam ka na lang kay Dean Panot.." sabi ni Romeo..

Napabungisngis si Krissia.

"Okay Dad.. Bale 2PM pa yung last subject ko then vacant na.. Tapos isang subject na lang.. Pero papaalam na lang ako ni Rom.." sabi ng binata..

"Sige sige.. Uwi ka daw ng maaga sabi ng Mom mo kasi wala kaming food taster dito.." biro ng Tatay..

Nagtawanan ang mga alas.

"Sige Dad.. Love love.. Muah muah.." biro ni Darius..

Natawa ang tatay ..

Ilang saglit pa ay nagpaalam na sila sa isa't isa.

Binalik ni Darius sa bulsa ang phone nya sabay upong muli sa trono..

"So .. Samahan nyo ko.." sabi ni Darius.

Tumango si Romeo..

"Sama ko.. " maasim na sabi ni Aldrin..

"Paano si Lelay?.." tanong ni Krissia..

Napasimangot si Aldrin..

"Aalis alis sya ng wala man lang pasabi .. Tsk.." nagtatampong sabi ng binata..

"Baka naman nag text sayo.. O kaya nag miscall. Di mo lang nakita?.. " tanong ni Rhoi.

Umiling si Aldrin at nilabas ang sariling cellphone..

"Wala o.. Come to think of it.. Wala syang text kahit isa ngayong araw... Wow.." malungkot na sabi ng binata..

Parang nabahiran ng malungkot na mood ang kubo.

"Baka busy pre.. O kaya lowbat.. Wag ka munang mag isip ng kung anong masama.. Tara lets.. Kitakits na lang tayo dito ng 2PM .. Anong oras ba labas ni Zab kulit?.." tanong ni Romeo.

Napatingin si Darius sa relos..

"Gago pare.. Ngayon na pala.. Shet..Tara na.. Punta na tayo kay Dean.." tumayo na si Darius..

"Sama kayo?.." tanong ni Romeo kina Krissia at Rhoi..

Umiling ang mag bestfriend..

"I have a quiz sa major ko ng 1PM.. Kayo na lang.. " tanggi ni Krissia.

"Oy ikaw Rhoi..Wag kang magpanggap na pumapasok ka.. If I know diretso ka lang sa library para matulog.." pang aasar ni Darius..

Nagtawanan ang tatlong alas maliban kay Aldrin..

"Gago.. Sige na.. " taboy ni Rhoi..

Nagtaka si Romeo..

"Pare ayaw mo?.. Balikan na lang natin si Krissing mamaya.. " sabi ni Romeo..

Nagkatitigan sila ni Rhoi..

"Pare yung dati..Remember?.." biglang banat ni Darius..

Napatango tango si Romeo..

"Ay oo nga no?.. 1 month na lang.. Well.. Sige pare.. Goodluck.. Oi Pot ano?.." yaya ni Romeo kay Aldrin..

Parang zombie na tumayo ang binata at nagpauna na ng lumabas..

Napailing na lang ang iba..

"See yah.. Wag kayong gagawa ng milagro dyan huh?.." biro ni Romeo..

Natawa ang mag bestfriend..

Diretso ang tatlong alas sa office ng Dean..

Kumatok lang ng tatlong beses si Romeo sabay pihit ng doorknob..

"Huli kayo !.." biro ni Romeo..

Kasalukuyang nag uusap na parang masinsinan ang sekretarya at si Dean mismo..

Parang nagulat pa ang dalawa at tarantang nag hiwalay..

Kahit malungkot ay di napigilan ni Aldrin ang matawa..

"Sayang pare.. Siguro konting delay natin may gagawin na itong mga ito.." biro ni Darius..

Nagtawanan ang tatlong alas..

"Hoy hoy.. Ano na naman ginagawa nyo dito?.." asar na tanong ng Dean..

Lalong nag bungisngisan sila..

"Eh Sir.. Mag papaexcuse po sana kame.." bungad ni Darius..

Napakunot noo ang Dean..

"Na naman?.. Sige na sige na.. Shoo.." taboy ng Dean..

Napangisi ang tatlong alas sabay tingin sa sekretaryang kapansin pansin ang legs dahil sa iksi ng skirt..

"Bago ito sir ah.." biro ni Romeo..

Napangiti ang Dean..

"Talaga?.. Maganda ba?.." bulong nito..

Tumango ang tatlong alas..

"Kaso maliit ang boobs.." banat ni Aldrin..

Biglang napasimangot ang babae ..

Natawa naman ang Dean at pilit na tinaboy ang tatlong alas..

"Kamusta mo ko sa tatay mo Romeo.. Shoo.." pag tataboy ng Dean..

Tawa ng tawa ang tatlong alas ng lumabas sa opisina.

Naglakad sila palabas..

"Grabe talaga si Dean Panot e..Ang hilig sa bata.." sabi ni Aldrin..

"Gago. Natural.. Kadalasan na ang mga binata or dalaga nahihilig sa mas may edad.. Tapos ang mga gurangers nahihilig sa mas bata.. Nature na yon.. Anyway.. Tara lets .." sabi ni Romeo..

Sama sama silang naglakad papuntang gate..

Biglang may nahagip ang mga mata ni Aldrin..

"Pare.. Teka.. Parang nakita ko si Hannah.." sabi ng binata..

Nagtago pa sya sa likod ng isang van.

Sumunod sina Romeo at Darius..

"San pre?.." tanong ni Darius..

"Sssh.. Yung kulay puting kotse. Look.." sabi ni Aldrin..

May puting kotse na nakapark pa halang sa daanan sa gate..

Ilang saglit pa ay may bumabang lalake..

Umikot ito sa passengers seat sabay bukas ng pinto..

Natulala ang tatlong alas ng makilala si Hannah..

"P-pare.. Don't tell me na si Hannah yan .. " napalunok pa si Darius..

"Di pre.. Ilussion yan.. Nakapulot si Hannah ng ilussion tapos pinadala sya boylet na yan.. Pero nasan ang totoong Hannah?.." banat ni Romeo..

Tulala si Aldrin..

Parang may malaking kamay na dumakot sa puso nya..

"Kaya pala di ko sya nakita over lunch.. May nag treat pala sa kanya.. Pero sana nag paalam man lang.." sabi ni Aldrin..

Natahimik ang dalawang alas..

Sinundan nila ng tingin ang dalawang nilalang na sabay pumasok muli ng university..

"Ano pare.. Susundan mo ba?.." tanong ni Romeo kay Aldrin..

Umiling ang binata..

Pasimple itong nagpahid ng luha..

"Di na pre.." pumiyok ang tinig ni Aldrin..

Inakbayan sya ng dalawa nyang kaibigan..

"Pare.. Don't think bad nga di ba?.. Malay mo may reason sya.. I know na kailan pa lang natin nakikilala si Hannah pero I can say na mabait sya at di nya magagawang lokohin ka .. Malamang may reason pare..There's always reason behind that.. Come on.. Cheer up.. Sasama ka pa ba?.." wika ni Romeo..

Tumango si Aldrin..

"Sama ako pre. " mahinang sabi nya..

Nagkatinginan sina Romeo at Darius... Nagkibit balikat at nag abang na lang ng jeep..

Nakasimangot na bata ang nadatnan nila Aldrin..

Nakasalampak ito ng upo sa bench..

Kumakain ng lemon square..Habang palingon lingon sa paligid..

Ng mahagip ng mata ang pamilyar na mga binata ay lalo itong napasimangot..

Lumapit sa kanya ang tatlong binata..

"San Papa?..Bakit ngayon lang kayo?.." nakasimangot na tanong ni Zab..

Napakamot ng ulo si Darius..

"Busy Papa mo.. Hatid kita Hospital." pang gagaya ni Darius sa bulol na pagsasalita ni Zab..

Lalong napasimangot ang bata..

"Ayaw .. Panget kayo.." banat nito..

Umakmang kakasa si Romeo..

Nalulungkot man ay natatawa si Aldrin na pinigilan ang kaibigan...

"Putsa pare.. Pigilan mo ko at gugulpuhin ko yan.." banat ni Romeo.

Nagtawanan ang tatlong alas.

"Come na Zab.. It's getting dark na.. Baka abutan tayo ng rain.." sabi ni Darius..

Hinagis ng bata ang backpack sa kinakapatid nya.. Sabay bato ng lunch box kina Romeo at Aldrin..

Muling umangal si Romeo pero pinigilan sya ni Aldrin..

Nagtawag sila ng taxi sabay nagpahatid sa Hospital kung saan nag tatrabaho ang Tito Zack nila na Tatay ni Zab bilang doktor sa mga puso..

Pagdating sa malaking ospital, diretso sila sa information..

"Ahm miss .".. untag ni Darius..

Napatingin ang receptionist na nurse..

"Yes sir?.. What can I do for you?..Ay ...." nakangiting tanong ng nurse.

Nagkatinginan ang tatlong alas..

"Can you ease the pain in the heart of our dear friend?.." banat ni Darius. sabay turo kay Aldrin..

Natawa ang nurse..

"Ay mga bolero.. " pa cute na sabi nito..

Kinilig ang tatlong alas.

"Anyway..Miss Byutipul.. San ang room ng Tatay ng malditang to?.." tanong ni Romeo..

Natawa ang nurse at niyuko ang cute na batang nakakapit sa damit ni Darius..

Nakasimangot ito..

"Ay.. Si Zab pala.. Nandun si Doctor Hidalgo sa isang patient nya.. Sa third floor..Left wing.. Kanina pa nya kayo hinihintay.." nakangiting sabi ng nurse..

Kinakalikot ni Romeo ang logbook ng nurse..

Natawa naman ang babae at tinulungan ang binata na pumirma..

"Ay pipirma ba?.. Na cute-an lang ako kasi ang baboy eh.." biro ni Romeo..

Natawa lalo ang nurse..

"Syempre logbook yan.. Iba ibang pirma ng mga visitors at guest ang nakasulat dyan kaya parang kinahig na ng manok.." sabi ng nurse..

"Ah ok..Thank you miss byutipul.. Single ka ba?.." bulong ni Romeo..

Napangiti ang nurse..

"Nope.. Ayun yung boyfriend ko.. Actually we were about to get married na..." sabi nito..

Napatingin ang tatlong alas sa tinuro ng nurse..

Wala naman silang nakita na pwedeng maging boyfriend ng nurse..

"San?.." tanong ni Darius..

Ngumiti ang nurse at sumitsit..

"Psst.. Babes.. " sitsit nito..

Lumingon ang isang gwapong lalake..

Nagulat at nagkatinginan ang tatlong alas.

"Ismael?.." tanong ni Romeo..

Nakangiting lumapit si Ismael..

"Oy.. Long time no see.." natatawang bati ni Ismael..

"Pare.. Mayaman kayo ah?..bakit naka pang janitor ka tapos naglalampaso ka ng sahig?.." nakanganga pa si Aldrin..

Natawa si Ismael..

"And so?..Di naman porke mayaman kame di ko na kaya ang mga ganitong bagay.." sabi ni Ismael..

Tulala pa rin sila..

"Kamusta si Hannah pare?.." bati ni Ismael.

Natahimik muli ang tatlong alas..

"Syangapala pare.. Anung trip yan?." pag iiba ni Romeo.

Natawa ang Nurse..

"Ganyan talaga yan.. Babes .. Paki hatid naman sila sa room 305 .. Dun kay Doc Zack.." lambing ng nurse..

Kinindatan pa ni Ismael ang babae..

"Sure babes.. Tara lets.." sabi ni Ismael..

Tulalang nagpaalam ang tatlong alas sa magandang nurse..

Sinundan nila si Ismael..

"Pare.. Syota mo yon?.. Hanep ah.." humahangang sabi ni Darius..

Natawa si Ismael..

"Yeah.. Kailan lang ako ng nag propose kay Joy.." nakangiting sabi nito.

Kinilig ang tatlong alas..

"Buti ka pa.." malungkot na sabi ni Aldrin..

Binatukan sya ni Darius..

"Sinabi na nga na don't think negative ampota.." sabi nito..

Napakunot noo si Ismael..

Pinindot ang button ng elevator..Pagbukas ay sumakay sila at muling pinindot ni Ismael ang button para sa 3rd floor..

"Care to share?.." tanong ni Ismael.

Napabuntong hininga si Aldrin..

"Wala pare.. Si Hannah nakita kasi namin kanina na may kasamang ibang lalake.. Eh syangapala.. Sila na ni Hannah.." pag iimporma ni Darius..

Biglang umatungal si Zab..

"Wiwi ako kuya.." reklamo nito..

Napaungol ang tatlong alas..

Natawa naman si Ismael..

"Malapit na baby.. Konting tiis.. We're almost there.." sabi ni Ismael.

Napasimangot ang bata..

"Anyway pare.. Tama friends mo.. I barely know Hannah pero I can say na she's not the type of girl na magtataksil.. There must be a reason.. " sabi ni Ismael.

Eksaktong tumunog ang elevator para sa 2nd floor..

Wala namang pumasok..

Muling sumara ang elevator ..

Natahimik lang silang tatlo..

Pag bukas ng elevator para sa 3rd floor ay tinuro ni Ismael ang direksyon..

"Don pare.. Room 305.. Marunong naman siguro kayong tumingin ng numero?.." tatawa tawang biro ni Ismael..

Nagtawanan naman ang tatlong alas..

Nagdabog si Zab..

"Wiwi na ko.." banta nito..

Naiinis man ay natawa nalang sila.

"Thanks pare.. San ka?.." tanong ni Romeo..

Inangat ni Ismael ang map na dala..

"Mag tatrabaho..See yah.." biro ni Ismael at nagsimula ng maglampaso kahit tuyo na ang map na dala.

Napangiti ang tatlong alas..

Isa isa nilang tiningnan ang mga numero na nakalagay sa itaas ng bawat kwarto..

"Eto na.. VIP section ata to.. buksan mo Pot.." utos ni Romeo..

Matamlay na binuksan ni Aldrin ang pinto..

Umalingawngaw sa kanila ang malakas na tili..

"I don't want that Ate.. I don't need that.." boses babae..

Malaki ang kwarto.. At halatang may kaya ang umookupa..

Lumapit ang tatlong alas at sinundan ang pinanggagalingan ng usapan.

Napatingin sa kanila ang mga tao sa loob..

"Who are you?.." tanong ng magandang babae sa tabi ng pasyente.

Automatic ang pag ngiti ng matamis ng tatlong alas.

Tumikhim ang doctor..

"Papa.." bati ni Zab..

"Hello baby.. Seat ka muna there.. Tapusin lang ni Papa itong pagpapainom ng medicine.." nakangiting utos ng ama sa anak..

Kinalabit nya si Darius..

"Kuya wiwi sabi.." nakangusong utos nito..

Napakamot si Darius sa batok..

"Ninong.. Tindi talaga pagkabossy nitong anak nyo.. San po ba CR?.." tanong ni Darius sa Ninong Zack nya.

.

Tatawa tawang tinuro ni Zack ang banyo..

Naunang tumakbo ang bata..Sumunod naman si Darius..

Naiwan sina Aldrin at Romeo..

"Upo muna kayo guys.." turo ni Zack sa bakanteng sofa..

Naupo naman ang dalawang alas..

Pinagmasdan nila ang magandang babae sa tabi ng pasyente na malamang dahilang ng narinig nilang tili kanina..

"Khrystell.. Please naman ... Inumin mo na yung gamot.." pakiusap ng magandang babae..

"It's okay Mhei.. Wag natin syang pilitin.." masuyong sabi ni Zack ..

Napaiyak si Mheii at sumalampak ng upo sa tabi ni Aldrin..

"Hey.. Don't cry.." pang aalo ni Aldrin..

Humikbi ang dalaga..

"Eh kasi.. Ang hirap nya talagang painumin ng meds eh.. She needs it to ease the pain she feels.. Naaawa ako sa cousin ko.. " sabi ni Mheii..

Nalungkot sina Aldrin at Romeo..

Pinagmasdan nila ang pasyente habang masuyong pinapakiusapan ng Tito Zack nila na inumin ang gamot..

Nilapit ni Zack ang dropper sa bibig ng pasyente..Pero nagulat sila ng tabigin nito ang kamay ng doctor dahilan para tumilapon ang dropper na may lamang gamot..

Napangiti ng malungkot si Zack..

"Mamaya na lang if you want Khrystelle.. " nakakaunawang sabi nito..

Nagsimula ng iligpit muli ang mga dalang gamot..

"Ate Mheii.. Ilang taon na yang si Khrystelle?.." tanong ni Romeo..

"17 .. " maiksing sagot nito..

"Maganda din ba syang tulad mo?.." bulong ni Romeo..

Naluluha man ay biglang natawa si Mheii..

"Syempre.. " sabi nito..

Napaisip si Romeo..

Bigla syang lumapit sa Tito Zack nya..

"Tito.. Penge nga po ulit ng dropper na may meds ni Pretty Khrystelle.." sabi ni Romeo..

Nagtataka man ay muling nagbukas ng bagong dropper si Zack sabay naglagay muli ng gamot..

Inabot ito sa binata..

Nagulat ang lahat ng walang sabi sabing sipsipin ni Romeo ang dropper sabay halik sa nakaawang na labi ni Khrystelle..

Napasigaw si Aldrin..

"Tangna mo Rom.. Wala kang pinaliligtas." sigaw nito..

Napalabas ng banyo sina Darius..

Pati sya nagulat sa nadatnan..

"Wow.. Libog nito amp.. Pati yung inosenteng nakahiga dyan mamanyakin mo?.." sigaw ni Darius..

Nabigla man ay natawa si Zack ..

Nanlalaki ang mga mata ni Khrystelle.. Nakatitig sya sa nakapikit na mukha ng gwapong binata na sakop sakop ang bibig nyang nakaawang..

Nalunok nya ng di sinasadya ang gamot na naisalin sa pamamagitan ng bibig ng binata..

Kahit na may iniindang sakit..

Di mapigilan ng dalaga na mag init ang mga pisngi..

Wala syang magawa dahil di sya makagalaw..

Pero di nya maitanggi sa sarili na nagulat man ay kinilig sya sa ginawa nito..

Ilang saglit pa ay nakangiting tumayo si Romeo.

Hinaplos ang pisngi ng tulalang dalaga..

Naglabas ng panyo sa bulsa sabay punas sa bibig nito..

"Tito kelangan pa ba ng tubig nyan?.." tanong ni Romeo..

Natatarantang nagsalin ng tubig sa dropper si Zack sabay abot kay Romeo..

Pero imbes na sa dropper.. Tumungga ng tubig si Romeo galing sa strelized bottled water sabay muling hinalikan ang tulalang si Khrystelle..

Walang nakapagsalita..

Kahit ang dalawang alas ay tulala..

Biglang lumabas si Zab..

"Ay Papa.. Anu po yan?.." takang tanong nito..

Natatawang niyakap ni Zack ang anak at tinakpan ang mga mata..

"Wag kang tingin baby.. Censored.." biro nito..

Humagikgik ang bata at niyakap ang ama..

Ilang saglit pa ay kumalas na si Romeo..

Muli nyang pinunasan ang nakaawang na mapupulang labi ng dalaga..

"Gusto mo pa ng water?.." malambing na tanong ni Romeo kay Khrystelle..

Umiling ang dalaga..

Nag iinit ang kanyang mga pisngi.

Ito ang kanyang unang halik at nasundan agad ng pangalawa sa di kilalang binata.

Bumukas ang pinto..

May pumasok na dalawang matanda at isang magandang babae..

Nagtaka ito dahil sa mga di kilalang panauhin..

"Good afternoon Doctor Hidalgo.." bati ng matandang babae..

"Good PM misis.. Good news po.." bati ni Zack..

Napangiti at agad na nagsilapitan ang mga bagong dating..

"Anong good news doc?.." tanong ng matandang lalake..

Excited na niyakap ni Mheii ang matandang babae.

"Tita.. Uminom na ng meds si Khrys.. " tili ni Mheii..

Napaluha ang matandang babae sabay yakap sa pamangkin nya..

"Oh my God.. Thank you .. Thank you Doc.." naluluhang sabi ng Mommy ni Khrystelle..

Umiling si Zack sabay turo kay Romeo na masuyong pinupunasan ang mga labi ng dalaga..

Nagtaka naman ang Tatay..

"Tito.. Sya po ang nagpainom.." imporma ni Mheii..

Nagulat man ay napangiti na lang ang mga bagong dating.

Lalo silang nagulat ng dampian muli ni Romeo ng halik ang nakabukang labi ni Khrystelle..

"We're going na.. Natatae na ako eh.. I will visit you here tomorrow afternoon.. Be good and always take your medicine.. I am looking forward sa date natin paglabas mo dito.. Wag kang tatanggi kasi minolestya mo na ang labi ko.. " biro ni Romeo.

Biglang natawa si Khrystelle pero napangiwi din ito..

Natakot si Romeo..

"No it's okay.. Magkakabisa na ang gamot in just a few minutes.. Kung noon ka pa sana dumating dito.. Di sana magaling na sya.. Pero mukhang di na ako mahihirapang magpainom sa kanya.. Thank you iho.." sabi ni Zack.

Ngumiti lang si Romeo at walang sabi sabing nilamukos ng halik si Khrystelle..

Napahiyaw ang mga tao sa loob kasama na si Zab..

Tatawa tawang nagpaalam sina Darius at hinila si Romeo..

"Tangna mo pre.. Manyak ka.." biro ni Darius..

Natawa si Romeo..

"Halatang maganda pare.. Kahit lips at mata lang ang kita.. " sabi ni Romeo..

Pati si Aldrin natawa..

Pasakay na sila ng elevator ng may tumawag sa kanila..

Paglingon nila ay si Zack pala karga si Zab..

"Galing mo Rom ah.. Biruin mo may nagagawa din pala kamanyakan mo.." biro ni Zack..

Tinapik pa sa balikat ang binata..

Nagtawanan na lang sila at sabay sabay na sumakay sa elevator..

Bago pa ito magsara ay nahagip ng mata nila si Ismael na abala sa pagpupunas naman ng mga upuan..

Natawa ang mga alas.

"Tito.. Friend namin yon.." turo ni Darius kay Ismael..

Nahagip din ng mata ni Zack si Ismael at di nya naitago ang pagkagulat..

"Talaga?.. Friend nyo si Ismael Galvez?.." takang tanong nito..

Tumango ang tatlong alas.

Bumukas na ang elevator sa second floor..

"Dito na ako.. Papacheck ko singaw ni Zab.. Kaya laging mataray kasi may sakit eh.. " biro ni Zack.

Natawa ang tatlong alas.

"Ninong.. Kahit walang sakit yan.. Saksakan ng taray yan." pang aasar ni Darius..

Binelatan sya ng bata..

Natawa na lang sila..

"Anyway.. Yung si Ismael.. Sila ang may ari nitong hospital.. Ingat sa pag uwi.." pahabol ni Zack..

Walang nakapagsalita sa kanila sa gulat at tuwa..

Sumara na ang elevator..

"Tangna.. Kaya pala nangunguyakoy lang dito.. Sila pala may ari.." tatawa tawang sabi ni Aldrin..

"Oo nga.. Pero duda akong nang chichix lang yon.." sabi ni Darius..

Nagtawanan sila.

Bumukas na ang elevator at muli silang lumabas para daanan si Nurse Joy pero bigo sila..

Wala na ito sa pwesto nito.

Holding hands silang tatlo na lumabas sa ospital para bumalik sa university..

Dismissal..

Di na pumasok sina Aldrin sa room at tumambay na lang sa kubo..

Inaabangan nya ang nobya pero talagang bigo sya..

Alas kwatro na ng hapon ng magpasya syang daanan na ito sa kwarto nito..

Nagpaalam sya kina Romeo at Darius na nakapikit at mukhang inaantok na.

Diretso sya sa canteen para bumili ng makakain para sa nobya..

Hawak ang cheeseburger at coke .. Nakangiti syang pumunta sa room ni Hannah..

Bago pa man sya makarating ay nasalubong na nya ang dalaga.

Nagulat si Hannah..

Pati si Aldrin .. Agad na nag init ang mga mata nya ng makilala ang kasama ng dalaga.

"A-ahm.. Pot.. May lakad kami ni Estong.. Text na lang kita after naming makauwi.." sabi ni Hannah..

Tumango si Aldrin..

Sinulyapan nya si Estong na ngising ngisi.

Lumapit si Hannah at hinalikan sa labi ng nobyo.

Nagpapaunawang tumingin si Hannah..

"Hatid mo ko sa gate heart.." lambing ni Hannah.

Tumango si Aldrin..

Inabot ang dalang miryenda sa dalaga pero nagulat sya ng tanggihan nito.

"Kakatapos lang namin heart.. Sorry.." sabi ni Hannah..

Pinigilan ni Aldrin ang magalit..

Naalala nya ang bilin ni Romeo na wag mag padalos dalos.

Ngumiti sya..

"A-ah.. Ganon ba.?.. S-sige.. Tara.." sabi ni Aldrin..

May nasalubong silang lalake at inabot dito ng binata ang dala nyang pagkain..

Nagulat man ay nagpasalamat din ito..

Inakbayan ni Aldrin ang nobya sabay hatid sa gate ng university..

Huminto sila sa magarang kotse ..

"Dito na lang heart.. Gusto mo bang sumama?.." tanong ni Hannah..

Tumikhim si Estong.

"Di na kasya.. Two seater lang ang kotse ko.." banat ni Estong..

Nagpuyos ang loob ni Aldrin..

"Eh di sa kotse ko .." sabi nya..

Natawa si Hannah.

"May kotse ka heart?.." biro ni Hannah.

.

Kung normal na biruan ay matatawa si Aldrin pero iba ang dating sa kanya ng sinabi ng nobya..

Parang panlalait.

"Oops.. Pare wala ka naman palang kotse eh.. " pang aasar ni Estong..

Nag apoy ang mga mata ni Aldrin..

Natakot si Hannah at niyakap ang nobyo..

"Joke lang heart.." lambing ni Hannah.

Huminga ng malalim ang binata at kinalas ang pagkakayakap ng nobya..

"It's okay heart.. Wala naman talaga akong kotse.. Poor lang kase kame.. Ingats kayo ah.. Hoy Estonggoloid.. Kapag napahamak itong reyna ko.. Kahit anong yaman mo.. Hahatiin kita sa dalawa.." banta ni Aldrin..

Sumimangot si Estong ..

"Heart sorry.." lambing ni Hannah..

Nag poker face si Aldrin..

"It's nothing heart.. Text ka na lang pag nakauwi ka na.. Or kahit wag na.. Wag mo ng abalahin ang sarili mo .. Ingats kayo.." tumalikod na si Aldrin.

"Pot.. !.." tawag ni Hannah..

Pero di na lumingon si Aldrin.

Tinahak nya na ang papuntang kubo..

Pero bago pa sya makarating ay may nabunggo syang lalaki.

Automatikong naging palaban ang aura ni Aldrin pero kataka takang kumalma sya ng makita ang binata..

Nakangiti ito...

Ngumiti din si Aldrin at nagpatuloy sa paglalakad..

Ng makalayo ay muling nanumbalik ang masakit na nararamdaman nya ..

Masakit na masakit..

Pumasok sya sa kubo..

Nanlumo ng walang madatnan..

Malamang nag miryenda ang mga kaibigan nya..

Sumalampak sya ng upo sa trono ..

Pinikit ang mga mata..

Pilit na winaksi ang maaring maganap sa pagitan nina Hananh at Estong.

Pero talagang nag susumiksik sa utak nya ang masasamang pangitain.

Di na nagpigil pa si Aldrin..

Walang tao kaya malaya syang humagulgol at binuhos ang sama ng loob sa nobya..

Luhaan syang nakatulog sa trono nya.

ITUTULOY !!!

This Chapter is dedicated to Khrystelle and family..

Khrystelle, lahat ng tao may problema.. Bagamat alam ko na di ko naman nararamdaman ang sakit na nararanasan mo.. Always remember na be thankful for you have your family with you.. Ayaw kong mag marunong.. Fight fight fight ka lang.. Katawan mo lang ang kayang igupo ng karamdaman pero hindi ang isip at katatagan mo.. Alam kong malalampasan mo ang mga pinagdadaanan mo.. Nawa'y makatulong ang chapter na ito para kahit paano ay mabawasan ang bagot mo habang nakahiga ka dyan..

Bagamat batid ko na may pinagdadaanan ka.. Wag mo lang pong iaalis sa iyong isipan na laging nandyan ang pamilya mo para sumuporta sayo.. Hindi kita kilala, alam kong di mo rin ako kilala ng personal.. Pero hayaan mong samahan ka ng Kwadro Alas kahit sa kwento lamang.. Lumaban ka po.. Walang sakit na kayang magpatumba sa taong may matibay na paniniwala at paninindigan..

Wala akong kayang ibigay sayo.. Di ako mayaman at lalong di ako doktor para tulungan ka.. Sabi ng pinsan mo na si Mheii ay napapangiti ka daw sa tuwing nagbabasa ka ng Kwadro Alas.. Salamat naman at sumusubaybay ka .. Isa ka po sa mga inspirasyon ko..

Wag na wag kang susuko.. Pasensya ka na kung namanyak kita ah.. Wahihi..

Teka.. Baka masobrahan ka sa tawa tapos mapautot ka ha?.. ahaha.. Joke lang ..

Wag na wag na wag kang susuko sa pinagdadaanan mo.. Sasamahan ka po namin sa laban mo.. Lagi ka pong titingin sa itaas .. May laging nakangiti dyan at nagbabantay sayo..

Di ka nyan pababayaan kahit na sa mga oras na sa tingin mo tinalikuran ka nya.. Pagsubok lang po yan.. At batid natin na di ka Nya bibigyan ng pagsubok na hindi mo kakayanin.. Kung mabigat man sa tingin mo ang binigay Nya.. Ibig sabihin lang nyan ay malaki ang tiwala nya sayo na malalampasan mo yan..

Go !..

Fight Khrystelle..

Muaah !!!..