1. Home
  2. Stories
  3. Kwadro Alas Book 1 Ch. 29 - Ms. Communication
Lagablab

Kwadro Alas Book 1 Ch. 29 - Ms. Communication

By supertoyantz ·

Chapter 29 - Ms.Communication

( Droga )

Masayang nagising si Hannah..

Agad nyang dinampot ang cellphone para itext ang nobyo..

Simpleng "Good Morning" lang naman ang sasabihin nya sabay may pahabol na "I love you my ace" sa dulo..

Napapangiti pa sya habang hinihintay na mag send..

Pero ang ngiti ay agad napalitan ng inis ng makitang ayaw mag send..

Chineck nya agad ang balance nya .. Napakunot noo ..

"Madami pa naman akong load ah?.." bulong ng dalaga..

Napapadyak pa sya sa inis..

"Asar naman.. Sabihin ko na nga lang ng personal.." sabi ni Hannah..

Ayaw nyang masira ang magandang gising nya..

Maganda kasi ang napanaginipan nya..

Nasa simbahan daw sya habang may hawak na isang bata..

Sa ayos ng mga nasa paligid nya sa panaginip nya.. Mukhang may nagaganap na binyagan..

At ang nakakakilig pa nito.. Mukhang anak nila ni Aldrin ang binibinyagan..

Napabungisngis pa si Hannah..

Bagamat malabo ang mukha ng katabi nyang lalake sa panaginip.. Sigurado naman syang si Aldrin yon..

At ang batang binibinyagan ng pari ay walang iba kungdi ang anak nila..

Agad pumasok si Hannah sa banyo para maligo na.

Parang lumulutang si Hannah sa alapaap habang nakikinig sa guro..

Biglang tumunog ang cellphone nya..

Napataas ang kilay ng professor..

"Kanino naman yan?.. " mataray nitong tanong.

Nahihiyang tumaas ng kamay si Hannah..

"Ahm.. Ma'am.. Excuse po.. Sagutin ko lang po.." pag excuse ni Hannah.

Winasiwas lang ng guro ang kamay nito..

Naglakad palabas si Hannah..

Pumwesto sya sa bandang hagdan..

"Hello Lo.." magiliw na sagot ni Hannah..

"Apo.. Marami ka bang ginagawa dyan sa eskwela?.." tanong ng Lolo..

Napailing si Hannah..

"Uhm.. Lecture lang po Lo.. Kakatapos lang naming mag exam eh..." sagot ng dalaga..

"Ah ganon ba?.. Pwede ka bang mautusan sandali?.." tanong ng Lolo..

"Opo naman.. Ano po yon?.." ani Hannah..

Tila nagisip pa ang Lolo bago nagsalita..

"Ahm.. Apo.. Gusto ko lang kasing makita ang family history ni Aldrin.. Ayos lang ba iha?.." tanong ng Lolo..

Napakunot noo si Hannah..

"Baket po?.." tanong nya..

"Mas maganda siguro kung sa personal natin pag usapan ito apo.. Hintayin mo kame ako dyan.. Paluwas na ako.." sabi ng Lolo..

Nagtaka si Hannah..

Kakauwi lang ng Lolo nya sa probinsya tapos luluwas na naman?..

"Eh Lo.. Di po ba kakauwi nyo lang po?.." tanong ng dalaga..

NAtawa ng bahagya ang Lolo..

"Medyo nagustuhan ko ata sa Maynila apo.. Sige na at nasa malapit na kami ni Jack kung saan mo ako pinasyal nuon.." sabi ng Lolo..

Natawa si Hannah..

"Sa Cirle Lo?.. Talagang nagustuhan nyo dyan ano ?.." natatawang tanong ng dalaga..

Natawa din ang Lolo sa kabilang linya.

"Sige na apo..Punta ka na at may paguusapan tayo.." sabi ng Lolo.

"Sige po Lo.. Wait lang po.. Patapos na po itong subject ko.. Then punta na ako dyan.." sabi ni Hannah..

Nagpaalam na sila sa isa't isa..

Muling pumasok si Hannah para tapusin ang lecture ng guro..

Ilang sandali pa ay nagbell.

Dali dali syang lumabas..

Di na nya pinansin ang pagtawag ng kaibigang si Marla.

Tinahak nya ang daan papuntang room ni Aldrin.

Dumungaw sya sa pinto..

Nakita nya ang nobyo na abala sa pagsusulat ng kung ano.. Napataas ang kilay nya ng makitang nakatitig si Jasmine kay Aldrin..

Sinitsitan nya ang dalaga..

Nanlaki ang mga mata nito at agad na dumistansya..

Kinalabit nya ang estudyanteng abala din na nagsusulat sa harap..

"Psst.. Anung ginagawa nun?." tanong ni Hannah ..

Napalingon ang kinalabit nya..

Napangiti ito..

"Ah.. Si Boss Aldrin ba?.. Nangongopya ng assignment for next subject.. Marami rami kasi eh.." sabi ng kinalabit ni Hannah..

Napabungisngis si Hannah..

"Pakisabi dumaan ako.. Paki sabi aalis muna yung queen nya.. Okay?.." bilin ni Hannah..

Nagflying kiss pa si Hannah kay Aldrin.. Naisip nya na kung sasabihin nyang may lakad sya , malamang samahan sya nito.

Ayaw nyang masira ang pag aaral ng nobyo dahil sa kanya..

Nakangiting umalis si Hannah..

Parang naguluhan ang kausap nya..

"Queen?.. Ano daw?.." sabi ng kinalabit ni Hannah..

Nagkibit balikat na lang ito at ipinagpatuloy ang pangongopya din..

Palabas na si Hannah ng gate ng may humintong sasakyan sa harap nya..

Bumaba ang binata nito at automatikong napangiti si Hannah.

"Lolo.. Excited?.." sabi ni Hannah.

Natawa ang Lolo.

"Pasok na iha.. At marami akong itatanong sayo.." sabi ng Lolo..

Agad na pumasok si Hannah..

"Hi Tatay Jack.." bati ng dalaga..

"Kamusta iha?.. Gumaganda ka lalo ah.. Si Potpot?.." tanong ng matandang katiwala ng Lolo nya.

Napangiti si Hannah..

"Oo nga iha.. Si Potpot?.." tanong ng Lolo..

"Ayun... Busying busy sa pag aaral.." napabungisngis pa si Hannah ng maalala na nangongopya lang ang nobyo ng assignment.

Proud naman na ngumiti ang Lolo..

"Aba.. Responsable naman pala ang magiging apo ko rin eh.. " nakangiting sabi ng Lolo..

Niyakap ni Hannah ang abuelo..

"Syempre naman Lo.. Kain muna po tayo.." ungot ni Hannah..

Nagtawanan ang tatlo..

Sa isang sikat na restaurant tumigil ang kotse nila..

Agad na pumwesto ang maglolo sa tabi ng salamin na dingding..

May lumapit na waiter sa kanila..

"Sirs and Ma'am.." sabi nito sabay abot ng menu..

Umiling ang Lolo..

"Later iho.. We will just call you na lang." utos ng Lolo..

Agad na nagpasintabi ng waiter..

"Baket po ba Lo.?.." tanong ni Hannah..

Tumikhim ang Lolo sabay hinawakan ang kamay ng dalaga..

Napatingin sa labas ng salamin na dingding si Mang Jack.. Alam nyang di sya itinuturing na iba ng butihing Don pero nahihiya pa rin syang makinig sa usapang personal ng magLolo..

Kusa ng lumayo si Mang Jack at lumipat sa bakanteng mesa kasunod ng mesa nila..

Napangiti at lihim na nagpasalamat ang Lolo kay Mang Jack..Muli nitong binalingan ang apo..

"Apo.. May itatanong lang sana ako sayo.. Pero gusto kong wag ka munang magtanong pwede ba?.." tanong ng Lolo..

Naguguluhan man.. Tumango na lang si Hannah..

"Una, si Potpot ba ay may Lolo at Lola pa?.. I mean.. Buhay pa ba sila?.." tanong ng Lolo..

Napaisip si Hannah..

Tama .. Buhay pa nga ang mga Lolo at Lola ni Aldrin..

"Opo Lo.. Sa katunayan.. Magkasunod lang ang hasyenda natin at hasyenda nila.. I know kilala mo sila.." sabi ni Hannah..

Tumango tango ang Lolo..

Pilit nyang pinipigilan ang pagngiti ..

Unti unti ng nabubuo ang tila puzzle na pagkatao ni Aldrin sa kanya..

"Ah ganun ba.. Eh yung magulang ni Aldrin.. Kasama ba nya sa bahay?.. I mean.. Kumpleto ba ang pamilya nya?.." tanong ulit ng Lolo..

Tumango tango na naman si Hannah.

Di nya maiwasan ang mapangiti at maging proud sa pamilya ng nobyo..

"Tama po Lo.. Intact po ang family ni Potpot.. Actually.. They are one happy family.. Nakakainggit nga po minsan eh.. " sabi ni Hannah..

Lalong napangiti ng lihim ang Lolo..

"Ano naman name ng Lolo ni Potpot.?.. Alam mo ba?.." tanong ng Lolo..

Napahawak si Hannah sa baba..

Di nya pa nakikilala ng personal ang abule ni Potpot..

Pero kung susumahin nya..

"Hmm... Actually Lolo, we have'nt met pa po.. Well, Kung iisipin natin.. Ang buhay na lang sa mga Lolo ni Aldrin ay yung sa father side.. Meaning.. Kung pagbabasehan natin ang surname ni Potpot.. Di ko po alam ang whole name eh.." napasimangot si Hannah..

Natawa ang Lolo..

"Eh di kung anong full name ni Potpot.. Yun malamang ang surname ng Lolo nya.. Right apo>?.." parang naging excited na ang Lolo..

Napansin ito ng dalaga..

"Parang interesado ka po Lo?.." tanong ni Hannah..

Napailing ang Lolo.

"Sabing mamaya na ang tanong eh.. Ano na apo?.. Ano bang fullname ni Potpot?.." tanong ng Lolo...

Natawa si Hannah..

"Aldrin Villarama.." agad na sagot ng dalaga..

Nagulat ang dalaga ng biglang napatayo ang Lolo..

Sumigaw ito bigla..

"Yun !.." biglang sigaw ng Lolo..

Natawa si Hannah pati si Mang Jack..

Nahiya naman ang Lolo at pasimple itong naupong muli..

"Lo.. Nagdadrugs ka?.." biro ni Hannah..

NAtawa ang Lolo.. Di maitago ang kislap sa mga mata..

"Tama nga ako.. Sorry iha.. Wala munang tanong .." biglang sabi ng Lolo..

Napaungol si Hannah..

"Ang daya !.. Lolo !.." angal nya..

Natawa naman ang Lolo..

"AHaha.. I know medyo KJ ang dating ko iha.. Pero you have to trust Lolo this time.. Matutuwa ka for sure.." banat ng Lolo..

Napangiti ng maluwang si Hannah..

Tinawagan na nila ang waiter..

Muling bumalik si Mang Jack sa dati nitong pwesto..

Nasa kalagitnaan sila ng pagkain ng may di inaasahang bisita ang dumating..

"Sorry to interrupt.. " biglang singit ng bagong dating..

Napatingin lahat sila..

Automatikong napasimangot ang mag lolo pero di nila ito pinahalata..

"Kamusta iho?.." bati ng Lolo..

Kahit di iniimbitahan.. Humatak ng isa pang upuan si Estong at naupo sa tabi ni Hannah..

Napalayo naman bigla si Hannah na ikinatawa lang ni Estong..

"Im fine Lolo.. Im fine.. Ay.. Waiter !..One carbonara nga din then apple juice.. Bilisan mo!.." utos ni Estong..

Natahimik na lang sila.

Si Estong ang bumangka ng usapan..

Madaliang inubos ni Hannah ang inorder na pagkain sabay lagok ng pineapple juice nya..

"Tapos ka na?.. T-teka.." nagmadali si Estong na mahabol ang dalaga..

After nilang kumain, tinawag ni Estong ang waiter para hingin ang bill..

Di pa ito dumarating ay nag iwan na ang binata ng limang libo sa mesa..

Napatingin si Hannah.

Oo nga , mayaman sila.. Pero di naman sila ganito kahambog..

Lalo lang nagsintir ang dalaga..

Pati ang Lolo di na lang pinansin ang pagiging waldas sa pera ni Stefen..

Di pa dumarating ang waiter ay nag pauna na sya sa paglabas kasunod si Hannah at Mang Jack..

Nasa labas na sila ng magsalita si Estong.

"Ngapala Lolo.. Remember yung pinag usapan po natin?.. Kailan po ba itutuloy?.." untag ni Estong..

Napasimangot ang Lolo.

"Tatawagan na lang kita iho.. Sige na .. Iha papasok ka pa ba?.." tanong ng matanda..

Tumango si Hannah..

Gusto nyang makasama ang nobyo..

"Opo Lo.. Baka magtaka na si Potpot kung bakit wala pa ako.." sabi ng dalaga..

Umepal si Estong..

"Ako na po ang maghahatid Lolo.. May kakilala po ako sa school nila eh.." palusot ni Estong..

Napatingin ang Lolo sa dalaga..

May naisip na kung ano..

"Sige .. Mag iingat kayo .. Ingat sa pagmamaneho iho.. " bilin ng Lolo..

Napasimangot si Hannah.. Humalik sya sa pisngi ng Lolo sabay sakay sa magarang kotse ni Stefen..

Nagmamadali naman sumakay si Estong .. Kumaway silang dalawa sa Lolo sabay pinasibad na ang kotse..

Napangiti ang Lolo sa naisip..

Nagtaka si Mang Jack.

Naglakas loob na magtanong..

"Manong.. Alam nyo namang ayaw ni Hannah don.. Bakit di na lang tayo ang naghatid..?.." tanong ni Mang Jack..

Ngumiti ang Lolo sabay sumakay sa kotse.. Dali dali namang pumwesto si Mang Jack sa drivers seat..

Binuksan ang makina pero di pa nya ito pinaandar..

"Jack.. " untag ng Lolo..

"Ano ho?.." tanong ng driver..

Ngumiti ng pagkaluwang luwang ang Lolo..

"Anong masasabi mo kay Potpot?.." biglang tanong ng Lolo..

Napaisip ang matandang driver..

"Base sa mga nakita ko nuon sa probinsya.. Masasabi kong mabait na bata sya.. Mukhang responsable dahil nga sa kwento ni Hannah na gumagawa daw ng mga aralin nya, hmm.. Maasahang kaibigan.. at higit sa lahat.. Mukhang mahal na mahal nya ang apo nyo.." sagot nito.

Napangiti ng maluwang ang Lolo..

"Sa Circle tayo Jack.. Pababa tayo ng kinain tapos mag ice cream tayo.. O kaya mag bisekleta.. " nakangiting utos ng Lolo..

Natawa si Mang Jack.. Sinimulan ng patakbuhin ang kotse..

"Katulad sya ng Lolo nya.." bulong ng Lolo..

Pinikit nya ang mga mata ..

Tahimik lang sa kotse si Hannah.. Aware na aware sya .. Di sya nagsasalita kahit panay ang kwento ni Estong..

Nagpasalamat ang dalaga ng marating na nila ang gate ng university.. Nagdadasal na sana maabutan nya si Potpot..Kahit busog pa sya ay sasamahan nyang mananghalian ang nobyo..

Inabot ni Hannah ang pinto ng magarang kotse ni Estong pero pinigilan sya ng binata..

"Let me... " sabi nito..

Nagkibit balikat na lang si Hannah at pinabayaan na ito sa gusto nito..

Umikot si Estong sa kabila sabay bukas sa pinto nya..

Agad bumaba si Hannah.. Di na nya nakita ang nobyo na nakating lang pala sa kanya at nagtatago sa van..

Dirediretso sya sa kubo..

Pero walang tao..

Nanlumo si Hannah..

Tutal sampung minuto na lang bago ang susunod na subject.. Diretso na sya sa silid nya.. Di nya na napansin na nakasunod lang pala si Estong..

Wala syang pakelam..

Makikitext na lang sya sa room..

Pagdating sa room ay nagulat pa ang dalaga ng makita ang mga kaklaseng natataranta ..

"Baket?.." tanong ni Hannah kay Marla.

Natataranta din si Marla na nagbabasa..

"TAngek !.. Biglaang nagsabi si Sir na magpapalong quiz daw kasi di ata sya papasok bukas.. Dali sis !.. Mag review ka !.." tili ni Marla..

Nataranta na din si Hannah..

Ayaw nyang madissapoint sa kanya ang nobyo kapag nakakuha sya ng mababang marka sa pagsusulit..

Nataranta syang nakigulo sa mga classmates sa pagrereview.. Ten minutes na lang ..

Nalimutan na nya ang nobyo sa taranta..

Sunod sunod ang naging quiz ni Hannah..

Pagod na ang isip nya..

Eksaktong patapos na ang last subject nya ng magring ang phone nya..

Sumandal lang sya sa upuan sabay sinagot ang tawag..

"Lo !.." pilit pinasigla ni Hannah ang boses..

"Apo.. Umuwi ka na.. May pag uusapan ulit tayo..Isama mo si Estong" sabi ng Lolo..

Nagtataka man ay napapayag na rin si Hannah ..

San nya naman hahagilapin ang Estong na yon..

Matamlay nyang niligpit ang mga gamit sabay labas..

Nagulat pa sya ng mabungaran si Estong ..

"Hanep ah.. Hinintay mo talaga ako?.." asar na sabi ni Hannah..

Ngumiti lang si Estong..

Sumabay na sa paglakad ng dalaga..

Pababa sila ng hagdan ng makita ni Hannah si Aldrin.

Nagulat ang dalaga ng makita ang binata..

"A-hm Pot.. May lakad kami ni Estong.." nataranta si Hannah.

Sobrang miss na nya si Potpot kaya agad nya itong nilapitan sabay hinalikan ng madiin sa labi..

"Hatid mo ko sa gate Heart.." lambing ni Hannah..

Tumango si Potpot..

Inabot nya ang dalang pagkain sa dalaga..

Kinapa ni Hannah ang sarili.. Busog pa sya.. Matamlay ang katawan nya kaya parang wala syang ganang kumain..

"Kakatapos lang namin Heart. Sorry.." nahihiyang sabi ni Hannah..

Nagsalubong ang mga kilay ni Aldrin..

Pero nagkibit balikat lang ito..Ngumiti ang binata.

"Ah ganon ba?.. Sige.. Tara.." sabi na lang ng binata..

Inakbayan ni Aldrin ang dalaga sabay inakay na pababa..

May nasalubong silang lalake at dito inabot ng nobyo ang mga pagkain..

Parang nagulat pa ito..

Hinatid si Hannah ng nobyo sa gate .. Tinahak nila ang nakapark na kotse ni Estong..

"Dito na lang Heart.. Gusto mo bang sumama?.." tanong ni Hannah..

Biglang umepal si Estong..

"Di na kasya.. Two seater lang ang kotse ko.." angal nito..

"Eh di sa kotse ko.." banat ni Aldrin..

Natawa si Hannah..

Niyakap nya ang nobyo..

"May kotse ka heart?.." biro ni Hannah..

Natawa ang dalaga pero di natawa ang nobyo nya..

Si Estong naman ay tumawa ng malakas..

"Eh wala ka naman palang kotse pare eh.." pang aasar ni Estong..

Nahinto ang pagtawa ni Hannah at pinagmasdan ang nobyo..

Parang nainsulto ito sa biro nya..

Muli nya itong niyakap..

"Joke lang heart.." nahihiyang sabi ni Hannah..

Nagulat ang dalaga ng dahan dahang kalasin ni Aldrin ang pagkakayakap nya..

"It's okay heart.. Wala naman talaga akong kotse.. Poor lang kase kame.. Ingats kayo ah.. Hoy Estonggoloid.. Kapag napahamak itong reyna ko.. Kahit anong yaman mo.. Hahatiin kita sa dalawa.." banta ni Aldrin..

Lalong kinabahan ang dalaga..

"Sorry talaga heart.. Nagbibiro lang ako.." naiiyak na sabi ni Hannah..

Pero nawalan na ng reaksyon ang mukha ni Aldrin..

"It's nothing heart.. Text ka na lang pag nakauwi ka na.. Or kahit wag na.. Wag mo ng abalahin ang sarili mo .. Ingats kayo.." tumalikod na si Aldrin.

"Pot.. !.." tawag ni Hannah..

Pero di na lumingon si Aldrin...

Gustong habulin ni Hannah ang nobyo..

Pero pinigilan sya ni Estong..

"Naghihintay na si Lolo.." paalala nito..

Nais ng umiyak ni Hannah.

Nagpasya syang di na lang salubungin ang galit ni Aldrin..

Papahupain nya lang ito ..

Agad syang sumakay sa kotse at tahimik na naupo..

Dali dali namang pumasok si Estong at pinaandar ang sasakyan..

Pagdating sa bahay..

Di pa nakakapark si Estong ay nauna ng bumaba si Hannah..

Agad binuksan ang gate sabay tinahak ang pinto.

Pagbukas nya ay nagulat sya ng makita ang kaibigang si Cynthia..

"S-sis.." naiiyak na bati ni Cynthia..

Poker face si Hannah.. Nakakaramdam sya ng galit sa kaibigan pero di nya maiwasan ang magtaka sa ayos nito.

"Sit iha.." sabi ng Lolo..

Nagtataka man.. Naupo si Hannah sa tabi ng Lolo..

Pumasok naman si Estong at naupo din sa katapat na upuan..

Tinitigan ni Hannah ang kaibigan..Talagang nagtataka sya sa itsura nito..

Parang pumayat at bumagsak ang katawan.. Bagamat di maitatangging maganda pa rin ang kaibigan..

"What happened?.." tanong ni Hannah.

Nagkibit balikat lang ang Lolo..

Binalingan ni Hannah ang kaibigan..

"Anong nangyari sayo Cynthia?.." tanong ng dalaga..

Humikbi si Cynthia.

Si Estong ang umepal.

"Mukhang may problema sya.." singit ni Stefen..

Umirap si Hannah at tinabihan ang kaibigan..

"What happened?.." masuyong tanong nya..

Yumakap si Cynthia.. Di na tinago ang sama ng loob.

"They used me.. I am sorry sis.. " sabi ni Cynthia..

Nagtaka si Hannah..

Nabaling ang tingin nya sa lolo.

"PAgpahingahin mo na muna ang kaibigan mo Hannah..Estong halika muna iho.." sabi ng Lolo.

Agad na inakay ni Hannah ang kaibigan at dinala sa isa sa mga guest rooms nila..

Pinahiga nya ito at kinumutan..

"Sorry talaga sa mga nangyari sis.." naiiyak na sabi ni Cynthia..

Umiling si Hannah.. Ngumiti na marahan.. Napawi na ang galit nya sa nakikitang paghihirap ng kaibigan.. Bagamat di nya alam ang dahilan.. Parang wala na syang pakialam pa duon..

Hinalikan nya ang pisngi nito..

"Don't mind it na sis.. Sleep then kwentuhan mo ko mamaya.. Sige na.. " lambing ni Hannah..

Agad na nakatulog ang kaibigan..

Nagtaka si Hannah .. Parang hapung hapo ang itsura nito..

Kinumutan ni Hannah ang kaibigan sabay dahan dahang lumabas ng kwarto..

Naabutan nya ang lolo na nanunuod ng TV sa sala.

Nilapitan nya ito at tinabihan.. Sumandal sya sa dibdib ng Lolo..

Masuyo namang inakbayan ng matanda ang apo .. Inabot ang remote sabay patay sa TV..

"Lo.. Ano pong nangyari kay Cynthia.. " malungkot na tanong ni Hannah..

Bumuntong hininga ang Lolo..

"Nagulat ako ng makita ko sya kanina dito sa Gate.. Medyo nalibang kami ni Jack kaya alas tres na ata kami nakauwi..Ayun nga.. Pag uwi namin.. Nasa Gate sya nakaupo at mukang pagod na pagod.. Parang tumakas sa kung saan.. Sabi nya kaibigan ka daw nya.. Madami syang alam tungkol sayo kaya ko napatunayan na kaibigan ka nga nya.. Pinapasok ko sya at pinakain apo.." kwento ng Lolo..

Naiiyak si Hannah sa itsura ng kaibigan.. Parang galing sa kung saan ito..

"Pagkatapos nyang kumain. Pinaligo ko muna sya.. Pinagamit ko na ang ibang damit mo.. Ayos lang naman di ba apo?.." tanong ng Lolo..

Tumango si Hannah..

"It's nothing Lo.. Ano pong nangyari sa kanya..?.." tanong ng dalaga..

Maging ang Lolo ay parang nalungkot..

"Sa paputol putol na pagkwento nya ng mga pangyayari.. Mukhang nakatagpo sya ng siraulong nobyo.. Miyembro ng isang fraternity daw.. Halinhinan ata syang ginamit ng mga miyembro ng samahan.. Base sa itsura nya.. Mukhang tumakas sya.. " kwento pa ng Lolo..

Nabigla si Hannah..Tumulo na ang mga luha nya.. Eto na nga ba ang sinasabi nya nuon pa sa kaibigan.. Mamili ng lalaking sasamahan..

Pero huli na .. Mukhang sa nangyaring ito kay Cynthia.. Matututo na ito..Awang awa si Hannah sa kaibigan..

"Alam na ng mga magulang nya ang nangyari.. Pero sad to say iha.. Nagalit sila at mukhang pinabayaan lang nila ang anak nila.. Tinawagan ko sila kanina.. Pero mukhang walang gustong kumausap sa aken.." galit na ang Lolo.

Pati si Hannah nakaramdam ng galit..

"Ano ba namang magulang yan.. Parang di nila anak.. " galit na sabi ni Hannah..

"Yan ang isa sa mga dahilan kung bakit kita pinatawag apo.. Ang pamilya ni Cynthia ay may malaking pagkakautang sa akin.. Mahigit dalawampung milyon.." biglang sabi ng Lolo..

Nanlaki ang mga mata ni Hannah.. Di sya makapaniwala na magkakilala ang mga magulang ni Cynthia at ang Lolo nya.

"Actually .. Di lang saken.. Pati kay Ufo na matalik kong kaibigan.. Tag sampung milyon kami.. Wala na akong balak singilin ang perang yon.. Ewan ko lang kay Ufo.. " nag kibit balikat ang Lolo..

Napaisip si Hannah..

"Lo.. Kailangang tanggapin nila ang anak nila.. Kung ganitong may utang sila sa inyo.. Di na sila makakatanggi.." matigas na sabi ni Hannah..

Tumango ang Lolo..

"Eto ang isa sa ipinagtataka ko iha.. Nuong nangutang ang mag asawang yan .. Panimula lang daw ng negosyo.. Pero syempre nagpaimbestiga ako.. Nalaman ko ang isang bagay..Wala silang kapasidad na magkaanak kaya nagtataka ako kung bakit may Cynthia.." sabi ng Lolo..

Parang nanlaki ang ulo ni Hannah..

Sunod sunod na rebelasyon ang nagaganap ..

"A-ampon si Cynthia?.." mahinang tanong ni Hannah..

Nagkibit balikat ang Lolo..

"Tanging sila lang ang makakapagsabi.. Anyway.. If ever naman.. Handa akong ampunin ang dalaga.. Di ba kaibigan mo sya?..Magkakaroon ka na ng tunay na kapatid.." nakangiting sabi ng Lolo.

Nagliwanag ang mukha ni Hannah.. Dinamba nya ang Lolo at pinaghahalikan ang pisngi nito..

Tawa ng tawa ang Lolo..

"Thank you thank you Lolo.. Your so the best ! !!.." sigaw ni Hannah..

Napailing lang ang Lolo sabay tinapik ang pisngi ng dalaga..

"Para sa paborito kong apo.. Anyway.. Samahan mo ang kaibigan mo.. Pagpahingahin mo sya ..Then pupuntahan natin ang mga parents nya.. If they dont want Cynthia back.. Sa atin na sya titira.. We will treat her like true family.. " nakangiting paliwanag ng Lolo..

Tuwang tuwang pinaghahalikan muli ni Hannah ang Lolo nya..

"Pero Lo.. Nasan po si Estong?.." tanong ni Hannah..

"Si Estonggoloid?.." biro ng Lolo..

Nagtawanan silang dalawa..

"Opo.." sagot ni Hannah..

"Ah.. Inutusan ko.. Isa pa yan sa problema.. Mukhang natunton na sya ng tinatakbuhan nyang babae.. Gusto kong makaharap ang babaeng yon pero lagi na lang nagdadahilan yang Estong na yan.. Kesyo wag na daw kasi magugulo lang daw lao.. Haaay... Naiinis na ako.. Kung di nga lang apo yan ng kaibigan ko .. Malamang na ako pa mismo ang magpahuli dyan dun sa babae.." inis na sabi ng Lolo..

Napangiti si Hannah.

"Lo.. Pauwiin nyo na kasi si Naynay.." ungot ni Hannah..

Ngumiti ang Lolo..

"Para ano?.. Para kumpleto tayo pag namanhinkan na sila Potpot?.." biro ng Lolo..

Buking si Hannah..

Hating gabi na ng makauwi si Hannah sa bahay nila..

Pagod na pagod pero masayang masaya ang nararamdaman nya..

Hinatid nya ang bagong kapatid na si Cynthia sa kwarto nito katabi ng kwarto nya..

Masayang masaya talaga sya para sa kaibigan.. Muling pinaimbestagahan ng Lolo ang background ng pamilya ni Cynthia.. Bukas pa malalaman ang resulta kaya kailangang ihanda nya ang loob ng kaibigan para sa mga maaari nitong malaman..

Agad nyang tinext ang nobyo..

Gusto nyang tawagan ito pero baka mahimbing na itong natutulog.. Ayaw naman nyang istorbohin..

Pagkasend ng text .. Hinubad ni Hannah ang kwintas ni Potpot.. Ingat na ingat na nilagay nya ito sa jewelry box sa tabi ..

Isusuot nya itong muli kaya dapat nasa tabi lang nya para madaling makita..

Nakangiting nakatulog si HAnnah..

Kinabukasan..

Dismissal.

Palabas na si Hannah ng halos mabangga sya ng nobyo..

Agad napangiti ang dalaga ng makita si Aldrin..

"Hi Heart.. Miss na kita.." bati nya..

Pero imbes na sumagot .. Halik ang ginawa ni Aldrin.. Nagulat man ay agad nya naman itong tinugon ng katumbas na init..

Miss na miss nya na ang labi ng kasintahan..

Nahihiyang kumalas si Hannah..

Nagkangitian silang dalawa..

Inabot ni Aldrin ang braso ..

"Tara.. " aya ng binata..

Ngumiti si Hannah sabay kawit ng braso nya..

Agad nilang tinahak ang daan papuntang kubo..

Wala pang tao pagdating nila.

Naupo agad si Hannah sa trono ni Aldrin..Tumabi naman ang binata sa kanya..

"San ka galing kahapon?.." tanong ng nobyo..

Ngumiti si Hannah..

"Pinapunta kasi ako sa NSO ni Lolo.. Pinakuha yung birth certificate ko.. " sabi ni Hannah.

Napakunot noo naman ang binata.

"Ha?.. Anong gagawin mo naman don?.. At bakit gabi ka na nakauwi?.." tanong ni Aldrin..

Ngumiti si Hannah..

"Eh namasyal pa kasi kami ni Lolo.. Ito naman.. Anyway .. Ikaw anung ginawa mo yesterday?.." tanong ng dalaga..

Ayaw ni Hannah na magkwento pa .. Gusto nyang sorpresahin ang nobyo tungkol kay Cynthia..

Nagkwento naman si Aldrin..

Tawa sya ng tawa habang kinukwento nito ang mga kamanyakan ni Romeo ..

Ilang saglit pa ay nagsidatingan na rin ang ibang alas.. Pero wala si Rhoi..

Nakasimangot na sumalampak ng upo si Krissia sa trono ng Ace of Clubs..

Pinagduduro nito sina Romeo at Darius..

Nagtaka si Hannah..

"Bakit sis?.." tanong ni Hannah..

"Etong dalawang to.. Ayaw ituro kung nasan yung magaling na kaibigan nila.. Hoy ikaw Aldrin.. Nasan si Rhoi?.." mataray na tanong ni Krissia..

Napaisip si Aldrin..

"Di ko alam.. Bakit di mo itext or tawagan?.." tanong ni Potpot..

Lalong napasimangot si Krissia..

"Eto phone nya.. Nasa kanya ang phone ko.. Pero duda ko nakapatay e.. Kanina ko pa tinext.. Kanina lang nakita ko..Ang alam ko last subject nya yon for today pero nung pinuntahan ko sa room nya.. Wala na daw sabi ng klasmeyt nya.. Hmm.." inis na sabi ni Krissia..

Bigla nyang binato si Romeo na tumatawa ng lihim..

"OY baket?.." angal ni Romeo..

Pinandilatan sya ni Krissia..

"Nasan ba kasi?.. Lagi na lang ganito.. Last year.. Nawala din sya.. Every year na lang !.. " asar na wika ni Krissing..

"Yaan mo na sis.. Baka naman may ginawa lang ." sabi ni Hannah..

Napayapa naman si Krissia..

"Baka may nililigawan.." pang aasar ni Romeo..

NAg high five sila ni Darius pero biglang may lumipad na mga unan galing sa dalawang babae..

Tawanan lang ang mga lalake..

Habang magkayakap sila ng nobyo. Tumunog ang cellphone ni Hannah..

Nanlaki ang mga mata nya ng mabasang si Cynthia ang nasa kabilang linya..

Dali dali syang lumabas .. Ayaw nyang marinig ng mga alas na kausap nya si Cynthia dahil balak nya nyang sorpresahin ito...Gumilid sya sa kubo at sinagot ang tawag..

"Sis.. Tawag ka ni Lolo .. May tao dito.. Parang detective eh.." sabi ni Cynthia..

Napangiti si Hannah..

Mukhang lumabas na ang resulta..

"Sige sis.. Sunod na ako.. Wait lang.." sabi na lang ni Hannah..

Agad syang nagpaalam sa mga alas..

Pati sa nobyo..

Ayaw nyang bigyan ito ng clue para magulat ito..

Nagtataka man ay tumango na lang si Aldrin..

Dali daling umalis si Hannah..

Nagtaxi na lang sya..

Pagdating sa bahay ay agad syang pumasok..

Tama si Cynthia.

May bisita nga..

Agad lumapit si Hannah sa lolo..

"Ahm.. This is my grand daughter .. Hannah iha.. This is Detective Jack Valentine.. Sya ang kinuha kong detective.." pakilala ng Lolo..

Napangiti si Hannah... Tinanggap nya ang kamay ng Detective.. Tumabi sya sa lolo at pasimple itong pinagmasdan..

Parang di naman magaling.. Parang babaero ito dahil sa gwapong itsura..

"Lo.. Si Cynthia?.." tanong ni Hannah..

Ngumiti ang Lolo..

"Ah.. Pinag shopping ko muna .. Ayaw kong marinig nya ito.. Anyway.. Proceed Mister Valentine." sabi ng Lolo..

Tumango si Jack Valentine..

"As I was saying Sir.. Tama po ang hinala nyo.. Pero meron pa akong nakuhang information.. Mr and Mrs. Chan was not just doing business with the Mister William So.. They were smuggling drugs.. " diretsong sabi ng Detective..

Nanlaki ang mga mata ni Hannah.. Napatango tango naman ang Lolo..

"Okay.. I will leave it to you.. Nakuha ko na naman ang gusto kong makuha.. I want to transfer Cynthia to my name.. Para di na matrauma ang bata.. Wag na nating sabihin sa kanya ang gagawing paghuli sa parents nya.. Thank you Detective Jack Valentine.." inabot ng Lolo ang palad nito sa gwapong detektib..

Pati si Hannah ay humanga dito..

"I will refer you to my cousin sir.. He's a laywer.." sabi ni Jack Valentine..

Tumango ang Lolo..

"Tell him to meet me first thing in the morning... Thank you again Mister Valentine.." sabi ng Lolo..

Nag miryenda sila..

Nagbihis lang si Hannah at muling bumaba..

"Lo.. Sundan ko si Cynthia.." paalam nya..

Tumango ang Lolo..

Paglabas ni Hannah at napasimangot na agad sya...

"Hi hon.." bati ni Estong..

Bwisit agad si HAnnah..

"San ka punta?.." tanong nito..

Umirap si Hannah..

"Wapakels.. " taray nya..

"Teka sasama ako.. Bibigay ko lang ito kay Lolo.." nagmamadaling pumasok si Estong..

Napaisip si Hannah.. Libre pamasahe..

Napabungisngis sya at hinintay na ang binata..

Napangiti ito ng maluwang ng makita ang dalaga na naghihintay..

"Tara?.." aya ni Estong..

Tumango si Hannah..

Di na nya hinintay na pagbuksan sya ng pinto.. Sya na ang nagkusa..

Pinuntahan nila ang kaibigan na si Cynthia..

Pero nagtaka sya ng magpark si Estong sa jollibee..

"Oy.. Baka naghihintay na si Cynthia.." reklamo ni Hannah..

Ngumiti si Estong..

"Saglit lang.. Namiss ko food dito.." sabi ng binata..

Napaingos si Hannah..

Nagpaagos na lang sya sa gusto ng binata.. Para tantanan na sya..

Agad na umorder ito.. Inokupa ng dalaga ang mesa sa tabi ng salamin na dingding..

Maraming na order si Estong.. Tuwang tuwa naman si Hannah dahil libreng tanghalian na naman..

Agad nyang nilantakan ang mga pagkain..

Di nya inintindi ang mga pinagsasabi ni Estong..

Matapos ang lahat ng kinakain.. Dumighay pa ang dalaga..

"Oops.. Excuse me.." natatawang sabi ng dalaga..

Tumawa din si Estong..

"It's okay.. Anyway.. May isashare ako sayo.." nakangiting sabi nito..

Pinaikot ni Hannah ang eyeballs..

"Sige lang.." walang ganang sabi nya..

NAgsimulang magkwento si Estong..

"I saw the baby.. Mukhang matatanggap ko na ang bata kahit di ko pa sure na ako ang ama.. " kwento ni Estong..

Napangiti si Hannah..

"Good.. Dapat lang kasi na tanggapin mo.. Biyaya ang turing ko sa bata.. Dapat di mo sya tinatakbuhan.. Kahit pa sabihing di ikaw ang ama.. MAgbago ka na Estonggoloid.." biro ni Hannah..

Napasimangot si Estong..

Tumawa lang si Hannah..

Matapos nito ay inalalayan nyang lumabas ang dalaga sa fastfood resto..

Winaksi ni Hannah ang kamay ni Estong pero nagmakaawa ang binata..

"Eto naman.. Im just trying to be gentleman.. Syempre naiisip ko yung baby ko.." nakangiting paliwanag ni Estong..

Napangiti na din si Hannah at hinayaan ang pag akay ng binata sa braso nya..

Hinayaan nya na ding pagbuksan sya nito ng pinto ..

Pasakay na sana sya ng may marinig syang sigaw..

"Enjoy ba?.." sigaw ng isang boses.

Nanigas si Hannah..

Kilalang kilala nya ang boses na iyon..

Agad nyang nilingon ang paligid ..

Lalo syang natulala ng makita ang galit sa mukha ng tatlong alas na kasalukuyang nakadungaw sa bintana ng isang jeep..Pero mas inaalala nya ang galit sa mukha ng Ace of Hearts..

Winaksi ni Hannah ang kamay ni Estong...

Tinakbo nya ang distansya ng jeep pero umandar na ito..

Di napigilan ni Hannah ang mapaiyak..

.

Di maikakailang tumatak sa isip nya ang galit na mukha ni Aldrin..

ITUTULOY !!!