1. Home
  2. Stories
  3. Kwadro Alas Book 1 Ch. 35 - Apat Na Pader
Lagablab

Kwadro Alas Book 1 Ch. 35 - Apat Na Pader

By supertoyantz ·

Chapter 35 - Apat na Pader

Tahimik ang buong kwarto kung saan nakaconfine si Hannah.

Magkatabi lamang sila ng pinakamamahal na kasintahan..

Hawak nila ang kamay ng isa't isa upang maipadama ang wagas at tapat na pagmamahal.

Sa parte ni Hannah.. Nais nyang itatak sa isip ang pakiramdam ng hawak ng nobyo..

Sa parte naman ni Aldrin.. Nais nyang maipadama ang di masukat na pagmamahal sa kasintahan. Sa kabila ng sitwasyon, ito pa rin ang kanyang nag iisa at bukod tanging reyna..

May kumatok sa pinto..

Si Rhoi na ang nagbukas..

"Tito.. Kayo pala.. " bati ng binata.

Agad syang nagmano kay Zack..

Nakangiting pumasok ang doktor pero di ito nag iisa.

"Nasan ang apo ko?." ma-autoridad na tanong ng Lolo ni Hannah..

Napangiti si Rhoi at niluwagan ang daanan para makapasok ang dalawa..

Sinara nya ang pinto at sumunod sa mga ito..

Kasalukuyang magkatabi sa kama sina Aldrin at Hannah..

Napatayo ang binata ng makita ang abuelo ng dalaga..

Agad nya itong sinalubong at masuyong nagmano sa dalawang bagong dating..

"Sige po sir.. Oh boys.. Kayo na bahala kay Lolo.. At mag ro-rounds lang ako..Kung may kailangan kayo.. Dun nyo na lang ako puntahan sa office.. " paalam ni Doctor Zack.

Napatango ang lahat..

"Lolo.." bungad ni Aldrin..

Seryosong nakatingin ang matanda sa binata..

Napayuko ng ulo si Aldrin at hinatak ang isang upuan..

Inalok nya ito sa matanda na tinanggap naman nito..

Tumabi ito sa tabi ng apo na nakangiti..

"Di ko akalain na makikita kita dito apo.. Sa lahat ng lugar.. Ito ang pinakaayaw kong puntahan.." reklamo ng Lolo..

Napabungisngis si Hannah.

"Alam ko po Lolo... Sinabi sa akin ni Lola ang kahinaan nyo.." biro ng dalaga..

Napaismid ang Lolo at tinitigan si Aldrin na nakayuko sa paanan ng nobya..

"Ikaw lalake, anong ginawa mo sa apo ko?.." tanong nya..

Lalong nahiya si Aldrin..

Agad na pumagitna sa usapan ang dalaga..

"Lolo..Sino pong kasama nyo?.." malambing na tanong nya..

Bumaling ang tingin ng matanda sa dalaga..

"Si Jack.. Nandun sya sa ibaba.. Duon na lamang daw sya.." paliwanag ng Lolo..

Tumango si Hannah..

Hinawakan nya ang kamay ng abuelo para di na nito sitahin pa ang nobyo..

Tumabi naman si Aldrin sa mga kaibigan nya..

"Pare.. Kahit kelan talaga yang Lolo ni Hannah.. Ang KJ.." biro ni Darius..

Bungisngis si Krissia at si Cynthia..

"Oo nga pare.. Hassle.. Pero lagot ka.. " pananakot ni Rhoi..

Tahimik si Aldrin..

Batid nya ang sitwasyon..

Oras na malaman ng matanda ang tungkol kay Bea at sa sanggol.. Malamang na maghurementado ito..

Kinakabahan ang binata hindi para sa kanya.. Kundi ang konsepto na baka ilayo na ang pinakamamahal nyang kasintahan sa kanya.

Dahil sa kaba..Nginatngat ni Aldrin ang sariling mga kuko.

Biglang inabot nina Rhoi at Darius ang kanilang mga kamay..

"Oh pare.. Baka kulangin yang kuko mo.. Eto .. Pagdamutan mo na .." biro ni Rhoi..

"Eto din tol.." pagsakay ni Darius..

Bungisngis lalo ang dalawang babae..

"Wag yang kay Darius at kung saan saan humahawak yan.." banat ni Rhoi..

Nagtawanan sila.

Nagpapasalamat si Aldrin sa mga kaibigan nya.. Sa pagdamay nito..

Naalala nya si Romeo..

Muli syang nakaramdam ng pag kainis sa itinuturing pa naman nyang idolo..

Sa mga ganitong pag kakataon.. Kung kelangan na kailangan nya ng suporta ng mga ito.. Saka naman ito wala.. Di nya alam kung saang lupalop ng Pilipinas ito nagpunta..

Ang alam nya kay Romeo ay saksakan ng kuripot.. Pero di nya akalain na nang iiwan pala ito sa ere...

Sa sama ng loob.. Di nya napigilan ang maibulalas ang nararamdaman..

"Akala ko Kwadro Alas tayo.. " maasim na bungad ni Aldrin..

Napahinto sa pagtawa ang mga kaibigan nya at napatingin sa kanya..

"What you mean?.." tanong ni Rhoi..

Sumimangot si Aldrin at binalingan ng tingin ang nobya na kausap ng Lolo nito..

"Buti pa kayo.. Nandito.. " pahaging nya..

Natahimik sina Rhoi at Darius. Pati sina Cynthia at Krissia.

Alam nilang ang tinutukoy ni Aldrin ay walang iba kundi si Romeo..

Kahit ang dalawang dalaga ay nakaramdam ng inis sa binata..

Nagkatinginan sina Rhoi at Darius..

"Baka naman may dahilan sya.. Alam mo naman ang isang yon.. Masyadong masikreto.. Naalala nyo ba nung highschool tayo ?..Nung Halloween?..Kung bakit sya late?.." pag tatanggol ni Rhoi..

Tumango si Aldrin at Darius..

Kahit si Krissia ay naalala ang mga pangyayari..

Bagamat di nya alam ang pinag ugatan ng lahat.. Marahil ito na ang magandang pagkakataon para malaman nya ang dahilan kung bakit halos patapos na ang party nung dumating si Romeo..

"Yeah.. Masyadong malihim yan pagdating sa mga ginagawa nya.. Nakakasama ng loob minsan.. Pero talagang ugali nya na ang pagsolo sa mga problema.." mahinang kwento ni Darius..

Nacurious naman si Cynthia..

Naglakas loob syang magtanong sa mga binata..

"Why?.. Bakit sya na late?.." tanong nya..

NAgkatinginan ang tatlong alas..

"Napaaway sya.. Pero di nya kami tinawag.. Nalaman na lang namin yon kinabukasan.. Kung di pa dahil sa kaibigan ni Ekang na nakakita sa mga pangyayari.." kwento ni Rhoi..

Lalong naguluhan si Cynthia..

"Who's Ekang by the way?.." tanong nya..

Napangiti si Darius ng lihim.. Pero agad din nya itong inalis dahil baka mahalata ng mga kaibigan nya..

Napatingin sa kanya ang mga ito .. Buti na lang di nila nakita ang pagngiti nya..Pilit nyang pinaseryoso ang mukha..

"Si Ekang ang isa pa naming barkada.. Actually.. After ng highshool..Lumipat na sila sa Texas... May Farm ang family nila don.." paliwanag ni Krissia..

Napatango tango naman si Cynthia..

"Ah.. Okay.." sabi ng dalaga..

Napangisi si Krissia..

"At sya ang Queen of Diamonds.." banat ng dalaga..

Nanlaki ang mga mata ni Darius..

"Holy mother cow.. How dare you !.." angal ng binata pero nagtawanan lang ang mga kaibigan nya..

Nacurious si Cynthia lalo..

"Wow.. So May Queen na pala ang Diamonds.. Anong itsura nya?.. I bet she's really pretty.. Yun ata yung isa sa mga standards nyo eh..Look at Hannah .. And you sis.." biro ni Cynthia..

Napangiti si Krissia sa sinabi ng dalaga..

Pero nagkandailing iling si Darius..

"Bakit ba ako ang pinag uusapan nyo.. Di ko pa naman kwento ito ah.. Book 1 pa lang ito so dapay kay Aldrin at Hannah ang focus.. Out of topic yan eh.." reklamo ng binata..

NApabungisngis pati si Aldrin at Rhoi .. Inakbayan ni Rhoi si Darius..

"Pare.. Tanggapin mo na.. Next ka na eh.. Dapat maghanda ka na.. Kasi papara-" pinigil ni Krissia ang pagsasalita ni Rhoi..

Pinandilatan nya ang binata sa pagdaldal nito..

Agad namang nakahalata ang binata..

Napakunot noo si Darius.. Inalog nya sina Rhoi at Aldrin..

"Ano yon?." untag ni Darius pero bungisngis lang ang mga kaibigan nya..

"Oh .. Akala ko ba di mo pa book eto? .." biro ni Rhoi..

Napasimangot si Taba..

Nagtawanan sila .. Tumikhim ang Lolo ni Hannah.. Agad napalapit si Aldrin sa mag lolo..

"Heart.. Pakihatid naman si Lolo kay Tito Zack..May sasabihin daw sya.." lambing ni Hannah..

Agad kumilos ang binata at inalalayan ang matanda..

Tumayo na din sina Rhoi at Darius..

"Sama kami tol.. Tapos sunduin natin si Tita...Di ba nagpapasundo yon?.." sabi ni Rhoi..

Napatango si Aldrin..

"Sinong Tita?.." tanong ng Lolo..

"Si Mom po Lolo.. Nasa spa po sya sa malapit.. Kanina po kasama namin syang nagbabantay kay Hannah.." sabi ng binata..

Napangiti ang Lolo..

"Si Alona." bulong ng matanda..

"Lo?.. " tanong ni Aldrin..

Pero umiling ang matanda at nakangiting nagpauna na sa paglalakad..

Kunot noo ang tatlong alas.

"Baliw ata yan pre.." biro ni Darius.

Nagbungisngisan silang tatlo..

Nasa second floor ang opisina ng Tito Zack nila..

Gamit ang elevator.. Tinahak nila ang papunta dito..

Pinagbuksan sila ni Nurse Joy.. Napangiti ang tatlong alas.

"Hi hi !.." masigla nilang bati ng sabay sabay..

"Hi hi !.." ganting bati ni Joy..


Napahagikgik ang dalaga at niluwagan ang daan para makapasok ang mga bisita..

"Lo..Balikan ko lang po si Hannah.." sabi ni Aldrin..

Napatango ang matanda ..

Muli silang nagtungo sa elevator..

Hinintay itong magbukas..

Ilang saglit lang ay nagbukas nga ito.. Pero may laman itong pasahero na ikinagulat nilang tatlo..

Napanganga ang tatlong alas..

Pati ang pasahero ng elevator..

Walang nakagalaw sa kanila..

Tumunog ang elevator.. Tanda na magsasara na ito.. Pero hinarang ni Darius ang pinto.. Muli itong nagbukas at tahimik na sumakay ang tatlo..

Walang ikiman sa loob..

Ramdam nila ang tensyon..

Lalo na kay Aldrin ..

Ilang saglit pa ay bumukas ang pinto..

Mabilis na lumabas si Aldrin at walang lingon lingon na naglakad palayo..

Tahimik din na sumunod sina Rhoi at Darius..

Di nila pinansin ang kasabay nila..

Ni hindi na nila ito muling nilingon..

Umagapay sila sa kaibigan nila..

"Pare.. Anong ginagawa nya dito?.." tanong ni Darius.

NAgkibit balikat si Rhoi..

Tahimik lang si Aldrin..

Pumasok na sila sa kwarto kung saan naruon si Hannah..

Sinara agad ni Rhoi ang pinto pero nagulat sya ng may humarang na kamay..

Pagbukas ni Rhoi..Ang seryosong mukha ni Romeo ang tumambad sa kanya..

Nasa likod nito ang kasabay nila sa elevator na walang iba kundi si Bea..

Nagtatanong na tiningnan ni Rhoi si Romeo pero pumasok ang binata..

Nakaramdam ng tensyon ang lahat ng makita nila si Romeo na pumasok..

Nanlaki ang mga mata ni Aldrin at Hannah..

Di nag iisa si Romeo.. May karga itong sanggol..

Lalo silang nagulat ng itabi ni Romeo ang sanggol sa higaan ni Hannah..

Umahon ang galit sa dibdib ni Aldrin at kinompronta ang kaibigan..

"Anong kalokohan to Rom?.." sigaw nya..

Nakaramdam ng tensyon ang buong kwarto..

"Pasok ka Bea.." pagtawag ni Romeo..

Kinuwelyuhan ni Aldrin ang kaibigan..Inuga nya ito.

Si Hannah naman di malaman ang gagawin..

May katabi syang sanggol at kung di sya nagkakamali..Ito ang itinuturong anak ni Aldrin kay Bea..

Nakaramdam ng di maipaliwanag na sakit si Hannah at galit na din kay Romeo..

Huminga ng malalim si Romeo at marahang inalis ang mga braso ng kaibigan..

Pumunta sya sa mga nakahilerang pagkain at umabot ng mansanas..

Pinunasan nya ito gamit ang damit at kumagat.

Naupo sya sa sofa at pinatong ang mga paa sa lamesita..

Galit na nilapitan ni Aldrin ang kaibigan pero nahawakan sya ng mga kaibigan na sina Rhoi at Darius..

Napatayo sina Krissia at Cynthia mula sa pagkakaupo sa sofa..

Nilayuan nila si Romeo na parang may nakakahawang sakit..

Si Bea ay tahimik na nakatayo sa malapit sa pinto..

Nagsisimula na syang makaramdam ng takot at awa sa sarili..

Walang ekspresyon sa mukha ni Romeo habang kumakain ng mansanas..

"R-rom.. Anu to.?.. mahinang tanong ni Hannah..

Utang nya sa binata ang pagkakapasok sa Kwadro Alas pero mukhang ito rin ang magiging dahilan ng pag alis nya sa grupo..

Tumingin si Romeo sa dalaga..Pagkatapos ay kay Aldrin na pigil pigil ng dalawang alas..

"Pumasok ka Bea.." utos ng Ace of Spades.

Tahimik na sumunod si Bea at naupo sa tabi ni Romeo..

Napangiti ang binata ..

"Gutom ka?.. Ayun o.. Fruits.." turo ni Romeo sa nakahilerang prutas sa tabi ni Hannah..

Pero umiling si Bea..

Lalong nanggalaiti si Aldrin sa galit..Pilit syang kumakawala sa dalawang kaibigan..

"Di ko alam kung anong plano mo Rom..Pero di na ito nakakatuwa.." sabi ni Rhoi..

Tumango si Darius..

"Tama si Rhoi pare..Alam mong may tensyon sa pagitan nila pero bakit dinala mo pa dito ang mag ina?..Sorry Bea ha.." dugtong ni Darius..

Napayuko si Bea pero hinawakan ni Romeo ang baba nya at pilit na inangat..

"Masyado na atang umabot sa tuktok ang kaangasan mo pare..Pati kaming mga kapatid mo tinatalo mo na..Nang iwan ka na nga tapos ito pa ang gagawin mo.." maanghang na sabi ni Aldrin.

Sukat duon ay napatayo si Romeo at binato ang mansanas..

Galit na nilapitan nya ang tatlong alas at tumayo sa harap ng mga ito..

"Tarantado..Kahit kelan.. Di ako tumatalo..Lalo na kayong mga kapatid ko.. " sigaw ng binata..

Napalapit ang mga babae sa kanilang apat..

Pero sinulyapan lang sila ni Romeo..

"Sa tanang ng buhay ko.. Ni hindi sumagi sa isip ko ang iwanan kayo.." diin ni Romeo..

Nagsukatan ng tingin ang apat na alas..

Walang makaawat kahit sino kina Krissia at Cynthia..Maging si Hannah ay natameme na lang..

Nawala ang mataray na ugali ni Krissia.. Sa ganitong mga pagkakataon.. Ayaw nyang mamagitan.. Natatakot sya..

Matagal silang nagtitigan..Walang bumababa ng tingin sa isa't isa..Pare parehong matatapang..

Napatiim ang bagang ni Romeo at hinawakan nya ang mga braso nina Rhoi at Darius na pumipigil kay Aldrin..

"Bitawan nyo sya.." utos ni Romeo..

Marahang binitawan nina Rhoi at Darius ang binata..

Nagulat ang lahat ng biglang suntukin ni Aldrin si Romeo..

Napahiyaw si Hannah at Bea..

Napaupo si Romeo sa sahig..

Pero mabilis syang tumayo at muling lumapit sa kaibigan..

"Tapos ka na?.." mahinang sabi ni Romeo..

Galit pa rin ang nararamdaman ni Aldrin pero unti unti na itong nawawala..

Dumugo ang labi ni Romeo..

Napalapit si Bea sa binata at masuyo nitong pinunasan ang dugong gumagapang pababa..

Muli silang natahimik..

Ilang saglit lang ay binasag ni Romeo ang katahimikan..

"Now.. It's my turn.." biglang sabi ni Romeo..

Nagulat ang lahat..Hinanda ni Aldrin ang sarili sa pagganti ng kaibigan pero nagtaka sya ng hindi ito gumanti ng suntok sa kanya..


Bagkus.. Lumapit ito kay Hannah at muling kumuha ng isa pang mansanas..

Naupong muli si Romeo sa sofa at pinatong ang mga paa sa lamesita..

Nagtataka man...

Napasunod sina Rhoi at Darius sa binata..

"You can now talk Bea.." utos ni Romeo..

Natahimik ang lahat at napatingin sa dalagang nagsisimula ng manginig at lumuha..

"Hoy.. Di ko tiniis ang suntok na yon para lamang umiyak ka dyan..Bilisan mo na.. Wala ng padrama effect at padedehin mo na si Veronica.." tatawa tawang sabi ni Romeo..

Naiiyak man..Di maiwasang mapangiti ni Bea.. Hinarap nya si Aldrin..

"Al..First of all... I want to say sorry for all the mess that I have done to you. Not only you but also for Hannah..Sorry talaga Hannah." hinging paumanhin ni Bea..

Napaungol si Romeo..

"Uuuhh..Daming pasakalye nito..Bruha..Hoy Ipot !.. Di mo totoong anak yung bata..Tapos ang kapatid ni Estong ang nakabuntis sa Ate naman ni Bea na syang totoong ina ng batang yan sa tabi ni Lelay..Ganun lang kadali..Sus ginoo.." paliwanag ni Romeo..

Napanganga ang lahat..

Maging si Bea ay natameme..

Biglang sumigaw sina Romeo at Rhoi..

"Putangna..Smoke Grenade na naman !.." angal ni Rhoi at lumayo sila kay Darius..

Napangisi na lang si Taba..

"Baboy talaga ampota.." reklamo ni Romeo at inubos na nya ang mansanas na kinakain..

Lumapit sya sa mga pagkain ..

"Wala ng coke?.." reklamo na naman nya..

Nagtawanan ang lahat at tinuro si Darius.

Pinaikot ni Romeo ang mga eyeballs nya..

"Nagtaka pa daw ako.." sabi na lang ng binata..

Nahihiyang lumapit si Aldrin sa kaibigan..

"Pare.." bungad ni Aldrin..Pero nagulat sya ng pitikin ni Romeo ang ilong nya..

"Wag kang maarte..Tapos na yon...Ang pakiusap ko na lang sayo pati na kay Hannah..Patawarin nyo si Bea.. Dahil biktima din sya tulad ninyo..Iisang tao ang may pakana ng lahat ng ito..Kahiya hiyang lahat kayo napaglakuan nya..Syempre labas ako don..Bwahahaha !.." banat ng binata..

Inakbayan ni Romeo si Aldrin..

Nakangiti silang nagtitigan ..

"Sige nga..Halikan nga kayo.." biro ni Darius..

"Pakyu ka..Mag isa ka dyan..Ututero.." banat ni Potpot..

Napangiti si Hannah at niyakap nya ang bata sa tabi nya..

Nagulat si Bea pero di nya maiwasan ang mapaluha..

Tiningnan ni Hannah ang dalaga at pinalapit..

Naiiyak na lumapit si Bea kay Hannah at mahigpit itong niyakap..

"Sorry talaga..Sorry.." umiiyak na sabi ni Bea.


Napangiti si Aldrin sa kasintahan..

"T-teka Bea.. Yung baby.." angal ni Hannah..

Tarantang kumalas si Bea ng yakap at nagtawanan sila..

"It's okay sis..Biktima ka din..I understand.." sabi lang ni Hannah..

Napangiti sila sa isa't isa..

Masayang masaya ang pakiramdam ni Aldrin..

Pakiramdam nya tapos na ang unos..

Pero muling umepal si Romeo..

"Di pa to tapos mga unggoy.." banat ng binata..

Napatingin sa kanya ang lahat..

"Kailangang bawian si Estong.." seryosong sabi ni Rhoi..

"Balasahin ang Monggoloid na yon.." dugtong ni Darius..

"Kornerin ang Putapete.." wika ni Aldrin..

Naglapit lapit ang apat na alas..

Nagtitigan silang lahat..

"Di uso ang Par Alas.." sabi ni Rhoi..

"Taob ang Trio Alas.." banat ni Aldrin..

"Kwadro Alas.." wika ni Darius..

Napatingin sila kay Romeo..

Nakangisi ang binata..

"Kwadro Pader..I miss you guys.." pabaklang sabi ni Romeo..

Nagyakapan silang apat at nagbeso beso..

Laglag ang panga ni Cynthia..

Bungisngis naman sina Hannah, Krissia at Bea..

Napatingin ang apat kay Bea..

"Nasan si Estong..?.." seryosong tanong ni Romeo..

Nanlaki ang mga mata ng dalaga..

Napailing ito ..

"Natatakot ako..Gaganti ba kayo?.." biglang sabi ng dalaga..

Napangisi sina Rhoi..

"Di pwedeng palampasin ito.." banat nya..

Nagdalawang isip ang dalaga kung sasabihin nya ba ang kinaroroonan ni Estong..

Pero hinawakan sya sa balikat ni Krissia..

"Alam mong kahit anong gawin mo.. Di ka makakatanggi sa apat na yan..Sabihin mo na.." bulong ng dalaga..

Napabuntong hininga si Bea ..

"Nasa school yon malamang.. " sabi nya..

Napatingin sila kay Hannah..Tumango si Hannah at sinabi ang eskwelahan na pinapasukan ni Estong..

Lumapit si Krissia kay Rhoi..

"Baka masktan kayo..Di nyo balwarte ang papasukin nyo.." nag aalalang sabi ni Krissia..

Napangiti ang binata at sinulyapan ang mga kaibigan nya..

"Wala ng mas matatag pa na balwarte kesa sa amin .. Alam mo yan..Kung sakit ng katawan lamang naman..Mas tanggap na namin yon..Kesa Pride ang masaktan..Di naman ata kami papayag na basta nya na lamang kaming napaikot ng ganun.." nagbabaga na ang mga mata ni Rhoi..

Napatango si Krissia at hinalikan sa pisngi ang bestfriend nya..

Pati na ang tatlo pang alas..

Lumapit si Aldrin sa kasintahan at masuyo itong dinampian ng halik sa mga labi..Nakaramdam ng inggit si Bea pero batid nya ang limitasyon nya..Napangiti na lamang sya..Masaya sya para sa dalawa..

Tiningnan ni Romeo si Darius..

"Getaway car natin.." sabi ni Romeo..

Tumango si Darius..Nilabas ang cellphone..

Tinawagan ang tatay nya..

Ilang saglit pa..Nakangisi na ang binata na nag thumbs up kay Romeo..

"In about a minute pare..Sa wakas..Exercise !..Matagal na ding walang praktis tong kamao ko.." nakangiting sabi ni Darius..

Napangiti na din ang tatlong alas ..

Nag warm up na sila..

Kinakabahan man.. Di mapigilang matawa ng mga babae dahil nag exercise nga ang mga alas sa harap nila..

"Go sisters.. 1, 2,.. 1, 2..Okay Jumping Jacks..Give me 20.. Moooveeee..Ahihi.." landi ni Romeo..

Sabay sabay silang nag exercise..

Ilang saglit pa ay tumunog ang cellphone ni Darius..

Agad nya itong sinagot..

Napangisi sya at nagpasalamat sa ama..

"Okay na Rom.. Nandyan na si Joker sa baba.." sabi ni Darius na ang tinutukoy ay ang kotse nilang apat na alas..

Ngumisi din si Romeo..

Sabay sabay silang lumabas..

Di na lumingon si Aldrin sa nobya dahil baka magbago ang isip nya..

Pagdating sa baba ay nakita nila ang ama ni Darius sa harap ng kotse..

Nakangisi din ito..

"Away na naman?.." tanong ni Denzel..

Ngumisi ang mga alas at isa isang sumakay..

"Oy anak..Wag mo daw masyadong banatin ang katawan mo..Nagagalit na sakin ang nanay mo kapag nakakapeklat ka..At ikaw Romeo..Yung tatay mo..Sabi nya wag mo daw dumihan yung damit mo kasi di naman daw ikaw ang naglalaba kundi sya.." tatawa tawang bilin ni Denzel..

Napakamot sa batok si Romeo..

"Bye guys..Ingat ha..Text text na lang.." sabi ni Denzel..

Nagtawanan ang mga alas at nagsimula na silang umalis..

Naglalandian pa sila habang nasa daan..

"Pare..Pang mayaman yung school na yon di ba?.." tanong ni Rhoi..

"Oo.. Pero andito na tayo eh..Enjoy na lang..Walang iwanan.." sabi ni Romeo..

Tahimik lang si Darius at parang may problema..Napansin sya ni Aldrin..

"Pre baket.?.." tanong ng binata..

Malungkot na ngumiti si Darius..

Nagtaka ang tatlo..

"Oy.." untag ni Romeo..

Napangisi bigla ang binata at nginuso ang paa nya..

Nanlaki ang mga mata ng tatlong alas.

"Wag mong sabihing dating gawi?.." sigaw ni Rhoi..

Tumango si Darius..

Nanlaki ang mga mata lalo ng tatlong alas ..

Napaupo sila ng maayos..

Pero saglit lang..Bigla silang nagsisisigaw ..

"Wala tayong breaaaakkkk! ...Waaaaaa...!.." sigaw nilang apat..

Sa di kalayuan..Sa isang sikat at mamahaling unibersidad...Tahimik ang paligid..Halatang matiwasay at tahimik ang aura ng eskwelahan..

Kasalukuyang papalabas mula sa loob ang isang kotse..

Sumaludo pa ang security guard sa driver nito..

Nagmamadaling umalis ang mamahaling kotse..

Pasipol sipol pa ang matandang gwardya..

Akmang isasara na nya ang malaking gate ng may marinig na langitngit ng gulong..

Sunod sunod na busina ang narinig nya at pagtingin nya ay halos tumalon ang puso nya ng makita ang isang rumaragasang kulay rainbow na kotse..

Nagsisigaw ang apat na binatang laman nito sa loob..

"Tabi Manoooonngggg !..." sigaw ng apat na binatang sakay nito..

Halos mapatalon ang gwardya sa pag iwas sa rumaragasang sasakyan..

Napadapa pa sya sa takot na mahagip nito..

Dire diretsong pumasok sa loob ang kotse at paikot ikot ito sa school grounds..

Binangga nito ang maraming sasakyan na nakapark pero di pa rin ito tumitigil..

Nagsigawan sa takot at gulat ang mga estudyante..

Kitang kita nila kung paano tumigil sa gitna ng malawak na quadrangle ng eskwelahan ang nasabing kulay rainbow na kotse..

Umusok ang unahan nito ..

Nagsilapitan ang mga usiserong mga estudyante..

Nangangamba sila na baka nasaktan na ang mga sakay sa loob..

Umuubong lumabas ang apat na binata mula sa loob..

"Putangna mo Joker..Muntik mo na naman kaming patayin !.." reklamo ni Rhoi..

Pinagsisipa ni Romeo at Darius magkabilang bahagi ng inosenteng sasakyan..

"Hayup ka !..Di pa nga nagagawa yung mga books namin papatayin mo na kame?.. " sigaw ni Romeo..

Biglang nakalas ang mga gulong..

Nagtawanan ang mga estudyanteng nakapalibot sa kanila..

Napangiti ang mga alas at nag pose..

"Azteg no?.." banat ni Romeo..

Pumatong sa bubong ng kotse si Aldrin at nilibot ng tingin ang malaking unibersidad.

Napasandal ang tatlong alas sa sirang kotse...

"Esttoooonnggggggg...!.." biglang sigaw ni Aldrin..

Nagkatinginan ang mga estudyante..

"Estong !.. Lumabas ka dyan..Putangna ka !.. Bakla!..." sigaw muli ni Aldrin..

May lumapit sa kanilang isang matangkad na lalake..Nakasuot ito ng jersey shirt at masama ang tingin sa kanila..

"Hoy..! Ang kakapal ng mukha nyo ah..Magsi alis nga kayo dito..At sinong Estong ang sinasabi mong unggoy ka?" sabi ng lalake..

Napasigaw ang mga estudyante ng biglang tadyakan ni Rhoi sa sikmura ang matangkad na lalake..

Napangisi si Aldrin at muling sumigaw..

"Estooong!.. Haraping mo ko!.. Di yung kung sino sino ang ginagamit mo !.." sigaw muli ng binata..

Nagkaroon ng tensyon ..

Maraming kalalakihan ang lumapit at inalalayan ang nakaluhod na matangkad na lalake.

Pinalubutan nila ang kotse..

Nagsilayuan na ang mga ibang ayaw madamay..

Tuloy sa pagsigaw si Aldrin..

Nagkagulo na sa gitna..

"Ang yayabang nyo ha !.." sumugod ang isang lalake.

Mabilis na kumilis si Darius at sinalubong ng suntok sa mukha..

Marami pang sumugod..

Akmang bababa si Aldrin pero nagalit si Romeo.

"Ituloy mo gago..!." sabi ng binata..

Binuksan nya ang likod ng kotse at nilabas ang tatlong baseball bat..

Hinagis nya ito sa mga kaibigan..

Ngumiti si Aldrin at tuloy na nagsisigaw..

Maraming lalakeng nakahilata na sa sahig..Wala ng naglalakas loob na lumapit pa dahil sa hawak nilang baseball bats..

Ilang saglit pa lumapit na ang mga security at pinagdadampot ang mga binata..

Nakangisi pa silang sumama dito pero pinaulanan muna nila ng asar ang mga nagtangkang sumugod..

Sa opisina ng Dean sinugod sina Aldrin pati na ang mga kaibigan nya..

Galit na kinompronta sila ng Dean ng eskwelahan..

"What the hell are you doing there?..Who are you anyway?.." sigaw nito..

Nakangisi ang apat na alas ..

"Wala man lang aircon.." reklamo ni Darius.

Napabungisngis silang apat..


Asar na nagdabog ang dean.

Nagdesisyon itong tawagin ang mga magulang nila..

Napangisi si Romeo..

Ilang saglit pa ay dumating na ang mga tatay ng mga alas..

Pero nanlaki ang mga mata nila ng makitang kasama ng mga ito ang kani kanilang mga nanay..

Napayuko at natameme ang apat..

Nakangisi lang ang mga tatay nila ..

Nakataas ang mga kilay ng mga nanay..

Walang nagsasalita sa apat na alas..

Kinausap ni Primo ang Dean at nakipagkasundo na babayaran ang mga danyos ng mga binata..

Tahimik na umalis ang mga ito..

Gamit ang Van nina Rhoi..Sama sama silang sumakay sa loob..

Walang makapalag sa apat na alas..

Tumatawa naman ng lihim ang mga tatay..

"Oh nasan ang pagkasiga nyo?.." biro ni Vincent ..

Pero tumikhim si Chynna ..

"At anong akala nyo?.. Ligtas din kayong mga tatay?.. " nakataas ang kilay ni Alona..

Umangal si Nestor pero pinandilatan lang sya ng mata ng asawa..

Tameme ang mga alas..Tameme ang mga hari..

Nakangisi ang mga orihinal na reyna..

"Palag?.." nakangising sabi ng mga nanay..

Takot na umiling ang mga tatay at mga anak..

ITUTULOY !!!