1. Home
  2. Stories
  3. Kwadro Alas Book 1 - Ch.3 First Sight
Lagablab

Kwadro Alas Book 1 - Ch.3 First Sight

By supertoyantz ·

Chapter 3 - First Sight

Lunes ng umaga.. Tulog na tulog si Aldrin.. Puyat sya pagkat halos umaga na sila nakatulog ng mga kaibigan nya..

Tahimik na binuksan ni Nestor ang kwarto ng anak.. Napatingin sya sa relos at napailing.. Dahan dahan syang lumapit sa anak ng nakanganga pa habang natutulog..

Paglapit nya dito ay di nya mapigilan ang impit na pagtawa sa kalokohang naisip nya.. Hinawakan nya ang kuston ni Aldrin at buong pwersang tinaob sabay sumigaw ng sunog!..

"Mommy !!,, Daddy !!.." sigaw ni Aldrin sa ilalim ng kutson..

Di napigilan ni Nestor ang sarili at sumabog na sa katatawa.. NApahangos si Alona sa kwarto ng anak at nagulat sa itsura ng kwarto..

"Labs!." sigaw ni Alona at napaupo na si Nestor sa kakatawa..

Gumapang si Aldrin palabas sa kutson at nagsalubong ang kilay dahil sa kalokohan ng ama..

"WAaaaaaa!.." atungal ni Aldrin sabay takbo sa Ina..

Tawa ng tawa si Nestor pero si Alona ay nagalit sa asawa..

"Kita mo tong ginawa mong lalake ka!.." sigaw ni Alona pero di pa rin tumitigil si Nestor sa kakatawa..

"Mommy... Akala ko kung anu na nangyari.." sabi ni Aldrin at inirapan ang ama..

Pati si Alona natawa na rin kaya lalong umatungal si Aldrin..

"May conspiracy dito.. Akala ko same team tayo Mommy !.." sigaw ni Aldrin at talagang natawa na ang mag asawa..

"Joke lang anak... Anung oras na kasi.. Kanina ka pa namin ginigising eh.." lambing ni Alona sabay pigil sa tawa..

"Sows.. " ungol ni Aldrin..

"Hala sige na.. MAmaya andito na yung mga tropa mo at magpapaenroll kayo kamo di ba?.." sabi ni Alona..

"Bukas na Mom.. Antok pa ko." sabi ni Aldrin ..

"Oh no... Its your fault .. Nagpaschedule na kami ng Daddy mo sa dean ng skul nyo..Now nila kayo inaasahan .." sabi ni Alona at nagulat si Aldrin.

"Wow ah.. Close kayo ng Dean?.." tanong ni Aldrin at natawa si Nestor..

"Anak naman.. Syempre sikat tayo eh.. Priority kayo don ng friends mo..Astig no?.." sabi ni Nestor kaya natuwa si Aldrin..

"Talaga Dad?.. Eh di kami ang siga don?.." sabi ni Aldrin at kinurot sya ng nanay nya..

"Baket?.. Kahit naman wala kayong kilala sa isang lugar kayo pa rin ang siga eh.." sabi ni Aldrin at nagtawanan silang mag ama..

Naasar si Alona at piningot ang mag kabilang tenga ng mag ama nya..

"A-aray naman Labs." angal ni Nestor at pati si Aldrin at umaaray na rin..

"Sinong mas siga?.." maangas na tanong ni Alona..

"Ikaw po.." sabay na sabi ng ama at tumawa ng mala gangster si Alona..

Alas nuwebe ng umaga.. Parang mga zombie ang apat..Si Krissia lang na tanging babae sa grupo ang maayos at masigla.. Palibhasa pare parehong puyat kaya maiinit ang ulo.. Konting bangga lang sa kanila ay hahamunin na agad ng suntukan pero agad na nagpapaumanhin si Krrisia..Lumalayo na lang ang ibang estudyante sa kanila..

Bago pa sila nakarating sa registrar ay may napansin si Rhoi..

"Mga tol.. Look oh.." puna nya sabay turo sa isang direksyon..

Nanlaki ang mga mata nung apat at parang isang utak na sabay sabay nagpunta sa tinuro ni Rhoi..

Sa gitna ng oval shape na field ground ay may parteng elevated.. Nagkatinginan ang apat na lalake at napangisi sa isa't isa..

"Kelangan nating kausapin ang Dean.. Kelangang mapasa atin ang pwestong yan!.." matigas na sabi ni Darius at sumang ayon ang tatlo pa.. Si Krissia napahawak na lang sa ulo at hinila na si Rhoi..

"Ako muna ang magpapaenroll bago ikaw!.." sabi lang nya at napakamot nalang si Rhoi na kumaway sa tatlong kaibigan nya..

"Susulat ka friend.." sigaw ni Aldrin at nagtawanan silang tatlo..

"Oh paano.. Mamaya na yung Dean.. Pa enroll na tayo para matapos na to.." sabi ni Romeo at nagsi ayon naman ang dalawa..

Nag kanya kanya na sila ng building pagkat iba iba sila ng kinuhang course..Napagusapan na nilang iisang schedule lang ng PE ang kukunin nila at NSTP para magkakasama pa rin sila..

Naiinip na si Aldrin.. Di na sya sanay pumila pagkat nung highskul pa lang sila ay sila lagi ang nauuna..PEro iba na ngayon.. Kailangan na nilang mag seryoso sa pag aaral at nangako sya sa Mommy nya na iiwasan na ang gulo ..

Dalawang tao pa bago sya.. Nakaramdam na ng gutom si Aldrin pero tinitiis nya ang pila.. Maya maya may isang babae ang bumangga sa harap nya at sumingit sa mismong likod ng taong nagbabayad.. Agad na uminit ang ulo ni Aldrin at kakalabitin nya na sana ang babae pero may tumawag dito..

"Sis!.. Bilisan mo at baka iwanan tayo !.." sabi nung babaeng nakaitim..

Natawa si Aldrin pagkat sinagot nung babae na sumingit yung babaeng tumawag sa kanya ng dirty finger..

"Azteegg." bulong ni Aldrin sa sarili..

Lalo syang natawa ng naiinip na ang babae at kinatok na yung salamin..

"Anu ba?.. NAkatulog na yata kayo dyan ah?.." sigaw nung babae..

Napatingin yung matandang babae sa loob ng registrar at di na lang pinansin yung babae..

"I like her na.." bulong ni Aldrin..

Pagkabayad nung lalake at agad na naglabas ng pera yung babae.. Minamadali nya ang officer sa loob at talagang natatawa si Aldrin sa pagkasiga nya..

Nakaisip ng kapilyuhan si Aldrin at kunwaring tinulak yung nasa harap nya.. DAhilan para mabunggo ang pwet nung babaeng nagbabayad..

Agad lumingon yung babae at natulala si Aldrin sa nakita..

"Fuck!..bastos ka ah !.." sigaw nung babae sabay sampal ng malakas sa nakasunod sa kanya..

NAgmura din yung lalake at gagantihan sana yung babae pero hinawakan ni Aldrin yung kamay nya..

"Pare.. Babae yan.. Ako na lang.. Pero di ako nangangako na di ako gaganti ah.." sabi ni Aldrin sabay ngisi..

Napamura ng mahina yung lalake at umalis na lang.. Natuwa naman si Aldrin at umusog.. Tiningnan sya nung babae at tumaas ang kilay nito..

"Baka isipin mo na mag tha-thank you ako?.." sabi nito pero ngumisi lang si Aldrin..

"Yun talaga dapat ang sabihin mo.." sabi ni Aldrin pero maging sya at binigyan ng dirty finger nung babae...

Humarap na ito sa registar at inabot ang pera..

"Di dito ang bayaran miss.. Dun sa accounting...Fourth window.." sabi nung babae sa loob..

"Eh anu ba pagkakaiba nyan?..PAre pareho lang naman kayo eh.. Sige na ate.. Nagmamadali ako eh.." sabi nung babae at talagang naaaliw na si Aldrin..

"Di pwede miss.. Sige na at maraming nakapila.." sabi lang nung babae at napamura ng mahina yung babae..

Umalis na ito pero saglit nyang tiningnan si Aldrin.. Si Aldrin naman ay nag beautiful eyes pa pero nagsimangot lang yung babae... Pumila na ito sa pang apat na bintana upang mag bayad..Tulala lang si Aldrin pero nakarinig sya ng mga katok galing sa babae sa loob..

"Hoy..!" sigaw nung babae..

"Ay.. Sorry madam.. " sabi lang ni Aldrin at tumawa.. Di nya pa rin nilulubayan ng tingin yung babae..

Nakabayad na si Aldrin at hinahanap nya yung babae.. Pero sa malas ay nalibot nya na ang buong campus pero wala pa rin ito..

Mula sa Law Building ay nakita nya si Romeo na may kausap na babae..Nagulat sya pagkat maganda yung kausap nito pero sumabog sya sa tawa ng bigla itong sinampal .. Umalis ang babae at lumapit si Aldrin.

"Naks.. Still holding the record of most sampal ha.. Enrollment pa lang naka isa ka na.." asar ni Aldrin at natawa rin si Romeo..

"Eh panu nagpakilala.. Ang ganda no?.." sabi ni Romeo at nagtaka si Aldrin..

"Nagpakilala?. Bakit ka sinampal?.." tanong ni Aldrin..

"Eh sabi ko kasi bakat nipples nya eh.." sabi ni Romeo at nagtawanan sila..

Bumaba na sila ng Law Building pero malikot pa rin ang mga mata ni Aldrin..

"Tol baket?.. " tanong ni Romeo..

"Tangna tol.. May nakita ako kanina dun sa registrar building ng accountancy.. Astig.. Parang gangster nga eh.. Pero grabe ang ganda..Hayup !.." kwento ni Aldrin at natawa si Romeo..

"Wow.. For the first time yan ah.. Panu na si special someone mo?.." biro ni Romeo..

Napasimangot si Aldrin at napabuntong hininga..

"Syempre special pa rin sya.. Pero for the meantime.." putol ni Aldrin at pareho silang natawa ng malakas..

Nakarinig sila ng bulungan at bumalik yung dalawa..

"Anung binubulong bulong nyo?.." nakangiting tanong ni Romeo..

"Oo nga share naman oh.. Baka kasi nilalait nyo na kame eh.. At least we know.." sabi ni Aldrin at ngumiti din sya..

Nagkatinginan yung apat na lalake at isa isang umalis... Pero nagpahabol pa si Aldrin..

"Tandaan nyo face namin ah.. Pag ready na kayo i share isipin nyo lang yung mga mukha namin and we will be there.. " pahanol ni Aldrin..

"Promiseee.." landi nilang dalawa at nagtawanan na naman sila..

Pagdating nila sa canteen ay nadatnan nila si Darius na nakapila na..Tahimik yung kaibigan nila at nakatitig sa mga naka display na pagkain at parang na popossess na..

Pumuwesto sa magkabilang tuhod si Aldrin at Romeo at sinuntok yung likod ng tuhod ni Darius dahilan para mapaluhod ito bigla..

Tawa ng tawa yung dalawa pero galit na galit naman si Darius at pinagsusuntok sila sa braso..

"Tado kayo.. Nagulat ako !.." sigaw ni Darius at lalong natawa yung dalawa..

"Panung di ka magugulat eh sinapian ka na naman ng espiritu ng katakawan.." sagot ni Aldrin at lalo silang natawa..

"Gago.. !.. Humanap na kayo ng pwesto at kailangan ko ng mag recharge.." sabi ni Darius at napossess na naman sya sa mga pagkain..

Tumatawa yung dalawa na naghanap ng mauupuan.. Eksaktong dumating si Rhoi na kasama si Krissia na tumatawa..

"Isipin mo na pinagkamalan na naman tayong mag syota?.." sabi ni Krissia at natatawa na rin si Rhoi..

"Okay lang.. Pabor pa nga sayo yon.." sabi ni Rhoi at sinuntok sya ni Krissia sa braso..

"Ulol !.." sabi lang ng dalaga at pareho silang natawa..

Nakatayo sa gitna ng malaking canteen sina Aldrin at Romeo at nag dedesisyon kung saan uupo..

"Tulad ng dati.. Dapat yung pwesto natin ay kita ang lahat ng pumapasok.." sabi ni
Romeo at sumang ayon si Aldrin..

Nakisali na rin si Rhoi at pati sya nag hanap ng pwesto habang si Krissia lumapit kay Darius at inalog ito..

"There.." sabi ni Aldrin sabay turo sa pwesto sa tabi ng bintana..

Napatingin yung dalawa at napangisi sila..

"Good.. Nice spot.. Come come.." sabi ni Rhoi at lumapit na sila sa mga kumakain..

Sa tinurong mesa ni Aldrin ay may nakaupong apat na lalake at tatlong babae na nagtatawanan habang kumakain.. Tumayo sa harap nila yung tatlo na todo smile..

"Hi Hi.." sabay sabay na sabi nung tatlo at napatigil sa kwentuhan yung mga nakaupo..

"Yes?.. " sabi nung isang babae at lalong napasmile yung tatlo..

"Tapos na ba kayo?.." tanong ni Aldrin..

Nagkatinginan yung mga nakaupo at nagsimangot yung mga babae..

"Di nyo ba nakikita na nakapwesto pa kame?.." mataray na sabi nung babaeng mataba..

"Nakikita naman.. Kaya nga nagtatanong kung may balak pa ba kayong tapusin yan eh.." sabi ni Romeo at napatayo yung apat na lalake..

"Aba !.. Ang angas nyo ah !.." sabi nung lalake at tinulak si Aldrin..

"Wow... Ang bad nya ate oh.." sabi ni Aldrin at nag bakla baklahan..

"Oo nga.. Bakit ang bad mo.. Ask lang naman sister ko eh.. Iiyak yan.." sabi ni Rhoi..at humikbi na si Aldrin..

"Hala.. !.. Lagot kayooo.." sabi ni Romeo at nanakot pa sya..

Di malaman nung mga tao kung matatawa o magagalit sa tatlo.. Pero dumating si Krissia dala ang pagkain nila at humingi ng patawa sa mga naka pwesto..

"Sorry.. May mga sira lang talaga sa tuktok tong mga toh.. KAyo na ang bahalang mag pasensya ha?.." sabi ni Krissia at pumayag naman yung mga lalake at babae..

Pumwesto na lang sila sa ibang lamesa ..

"Gusto ko don.. ! " matigas na sabi ni Rhoi pero tiningnan lang sya ng masama ni Krissia..

"Maybe pagtapos nila.." bawi ni Rhoi at nagtawanan yung tatlo..

"Tangna.. Kung anung tigas sa away syang lambot kay Kris.." bulong ni Darius kay Romeo..

Bumungisngis yung tatlo at tinignan sila ng masama nung dalawa..

"Baket ?.." inis na tanong ni Rhoi..

"Baket ?.." sabay sabay na tanong nung tatlo at nagtawanan na lang silang apat..

Si Krissia napailing nalang sa kalokohan nung apat at pinagpatuloy na ang pagkain..Binabantayan ni Rhoi ang bibig ni Romeo pagkat alam nyang sumisimple lang ito ng asar ..

Tapos na silang lahat mag paenroll at pauwi na sila ng may mahagip ang mata ni Aldrin..

"Shet !.." sigaw nya at napatingin ang apat sa kanya..

"Shet ka rin !.." sabi ni Darius sabay tawa..

"GAgo.. Rom.. Ayun o.." sigaw ni Aldrin at natulala na naman sya..

Nilingon nung apat ang tinuturo nung kaibigan nila at nakita nila ang grupo ng mga ewan na nakatambay sa parking area..

"May nakaaway ka dyan pre?.. Tara.. Sino ba dyan..?.. Oh sige lahat na.." sabi ni Rhoi at nauna ng naglakad pero napabalik sya ng hatakin ni Krissia ang tenga nya..

"Aray naman eh.." galit na sabi ni Rhoi..

"Baket?.." mataray na balik ni Krissia at naging maamong tupa muli si Rhoi..

"Anu ba kasi yun?.." tanong ni Darius at lahat sila napatingin kay Aldrin na tulala..

"Sya yun.. Yung naka violet..Grabeh..Tinitigasan ako.." sigaw ni Aldrin at natawa pero binatukan sya ni Krissia..

"Alam mo Rhoi kung minsan naiisip ko na mas siga pa to satin eh.." angal ni Aldrin sabay turo kay Krissia pero binatukan lang sya ulit nito..

Nagtawanan lang ang tatlo at sinundan ng tingin ang tinutukoy ni Aldrin..

Nakita nila yung tinuturo nyang babae at maging sila ay napahanga din..

"Naks oh.. Big boy na si Potpot.." asar ni Romeo at nagtawanan sila..

"GAgo.. Azteg noh pre... Kaso nag yoyosi.. Kadiri yan.. " sabi ni Aldrin at nanghinayang sya..

"Eh ano kung nag yoyosi?.. As if papatulan ka nya?.." asar ni Krissia at tumawa.. Sinabayan sya nung tatlo kaya naasar si Aldrin..

Kinawayan niya yung babae at napatingin ito sa gawi nila..Namangha yung apat ng ngumiti kay Aldrin yung babae..Pero sumabog sila sa tawa ng bigla itong mag dirty finger..

"Oh loko.. " sabi ni Krissia at parang napangisi lang si Aldrin..

"That's my girl..You will be mine !.." sabi ni Aldrin sabay tumawa ng parang demonyo..

ITUTULOY !!!