1. Home
  2. Stories
  3. Kwadro Alas Book 1 - Ch.34 Revelation
Lagablab

Kwadro Alas Book 1 - Ch.34 Revelation

By supertoyantz ·

Chapter 34 - Revelation.

Dalawang bahay pa lamang ata ang nalalakad ni Romeo mula sa bahay ng mga Montefalco ng makarinig sya ng pagbukas ng gate..

Paglingon ng binata ay napakunot ang kanyang noo ng makitang papalabas ang isang magarang kotse mula dito..

Saglit na huminto si Romeo upang abangan ang paparating na kotse.. Sa isip sip ay ayos, libre pamasahe...

Huminto sa harap ni Romeo ang sasakyan at bumaba ang tinted na salamin sa drivers seat..

Ang nagpapanic na mukha ni Tatay Bert ang bumungad sa kanya..

"Kuya.. Pasabay." nag beautiful eyes pa si Romeo na binuksan ang pinto..

Pero nagulat sya ng makitang umiiyak si Cynthia sa backseat habang kalong si Hannah na walang malay..

"What.. What happened?.." sigaw ni Romeo..

Di na nakapagsalita si Tatay Bert at agad na pinasibad ang kotse..

"Cynthia !..Anong nangyari sa kanya?." tanong ng binata.

Tanging hikbi lang ang sinagot ni Cynthia bago nagkwento..

"Di ko alam.. Nakita ko na lang sya sa room nya na wala ng malay.. Natatakot ako.." umiiyak na sagot ng dalaga..

Sinalat ni Romeo ang leeg ni Hannah at medyo nakahinga ng maluwang..

"Akala ko dedo na.." sabi ng binata.

Bigla syang kinotongan ni Cynthia..

"Tado ka !.. Wag kang magbibiro ng ganyan !.." sigaw ng dalaga..

Natawa si Romeo at sumandal sa upuan.

"Dun na sa Ospital sa malapit manong.. May Kaibigan kaming Doctor don.." sabi ng binata..

Tumango ang matandang driver na kinakabahan na din..

Natawa si Romeo..

"Relax guys.. Nakatulog lang sya.. Malamang dahil sa antok at pag-iyak nya.." sabi pa nya..

Kinalabit sya ni Cynthia..

"Ano ba kasi nangyari?.. Kayo ang magkasama kanina eh.." kulit ng dalaga..

Natahimik si Romeo at nagtangis ang mga bagang..

"Mahabang kwento eh.. Hintayin natin syang magising at sya ang tanungin mo .. For the meantime.. Kumalma na muna kayo dahil di makakatulong ang pag hyhysteria nyo.." cool na sabi ng binata.

Tumango ang matandang driver at natawa ng mahina..

Tahimik nilang binagtas ang daan papunta sa nasabing Ospital.

Pagdating sa Ospital ay agad na inalalayan ni Tatay Bert ang dalaga..

Agad na pumasok si Romeo at ilang saglit pa ay may hatak na syang strecher kasama ang dalawang lalaking nurse..

Pati si Nurse Joy ay nakasunod sa binata at nag aalala din..

"Hala.. Sya ba yun Rom?.." tanong ni Joy.

Tumango ang binata..

"Oo Ate.. Paki asikaso naman o.. Nag text na ako kay Tito Zack. " imporma ni Romeo..

Mabilis na inasikaso ng mga staff si Hannah..

Agad itong naikuha ng kwarto at ilang saglit pa ay pumasok na si Doctor Zack..

Napangiti na tinapik ni Romeo ang tiyuhin at lumabas ng kwarto.

Nilabas nya ang cellphone at isa isang tinext ang mga kapwa alas ... Sa huli ay nag dalawang isip ang binata kung padadalhan din ba ng mensahe si Aldrin..

Pero nagbago ang isip nya at naisip na may karapatan ang kaibigan na malaman ang nangyari sa kasintahan..

Kasalukuyang pauwi na si Aldrin ng makatanggap ng text.

Agad syang nagtaka ng makita ang pangalan ni Romeo sa screen ng cellphone nya..

Hindi ugali ng kaibigan ang magtext.. Kadalasan ay mga importanteng pangyayari lamang ang tinetext nito kaya naman agad na binuksan ni Aldrin ang mensahe.

Halos mabitawan nya ang hawak na cellphone ng mabasa ang nilalaman ng text ng kaibigan..

Di na sya nakapag isip pa.. Mabilis syang pumara ng taxi at pinasibat ito patungo sa ospital na pinagtatrabahuhan ng tiyuhing doktor.

Kalahating oras ang lumipas ng marating ni Aldrin ang Ospital..

Galit na galit sya sa dalawang motoristang nagbanggaan na sanhi ng pagkakaipit nila sa mahabang trapiko..

Halos liparin nya na ang elevator ng maalala na di nya pa alam kung nasaan ang room ng nobya..

Muli syang tumakbo papunta sa Reception at nagpasalamat ng makilala ang naka assign na receptionist..

"Ate.." hingal na sabi ni Aldrin.

Tumango si Joy ..

"Alam ko.. Room 214.. Third Floor.. Dalian mo at nandun na silang lahat.." mabilis na imporma ng kaibigan nurse..

Agad nagpasalamat si Aldrin at muling tumakbo papuntang elevator..

Nanlaki ang mga mata nya ng makitang papasara na ito.. Bumangga pa ang binata pero sa malas ay di nya naabutan..Galit at Hingal na tinungo ni Aldrin ang hagdan..

Halos tagaktak na ang pawis nya sa kakatakbo pero kamangha manghang ni hindi pa sya nauubusan ng lakas..

Pagdating sa third floor ay isa isang dinaan ni Aldrin ang mga kwarto..

Pawang mga may kaya ang nakaconfine dito sa floor na ito..

Pero di nya makita ang nasabing silid..

Babalik na sana sya sa elevator para sana magpasama sa kaibigang nurse ng mahagip ng mga mata nya na naglalaro ng PSP si Romeo at nakaupo sa isang bench..

Agad tinakbo ni Aldrin ang kaibigan..

"Tol.." hingal na sabi nya..

Di nagsalita ni hindi tumingin si Romeo sa kanya..

Tinuro lang nito ang katapat na kwarto..

Bagamat nagtataka sa kalamigan ng pagtrato ng kaibigan sa kanya.. Napangiti si Aldrin ng makita ang hinahanap na kwarto..

"Thanks pre.. S-sige.." atubiling pumasok si Aldrin..

Napasandal sya sa pader sa tabi ng pinto ng magsalita si Romeo..

"Ano pang hinihintay mo?..Gising na sya.." sabi ng binata..

Nananatiling nakatutok ang mga mata nito sa nilalaro..

"Nahihiya ako pare.." sabi ni Aldrin..

Napaismid ang kaibigan nya..

"Pumasok ka na.. Wag mo ng dagdagan ang kasalanan mo.." sabi lang ni Romeo..

Nagtaka si Aldrin..

"A-anong kasalanan?.." tanong nya..

Nilapag ni Romeo ang PSP at tinitigan ang kaibigan..

"Talaga bang wala?.. Wag mo akong paglakuan pare.. Pumasok ka na.." seryosong sabi ng binata..

Nakipagtitigan si Aldrin sa kaibigan.. Pilit nyang nilalaban ang nanunuring tingin nito pero sa huli ay sya ang sumuko..

"S-sige pre.. " sabi nya..

Nakaharap lang sya sa pinto..Parang naestatwa na sya sa kinatatayuan..

Asar na tumayo si Romeo at pinagkakatok ng tatlong mamalakas na ulit ang pinto at muling naupo at naglaro.

Gulat pero napakamot na lang sa batok si Aldrin.

Ilang saglit lang ay bumukas ang pinto at tumambad sa kanya si Krissia.

Napasimangot ito ng makita ang binata.

"Bakit ngayon ka lang?.. " taray ng dalaga..

Tahimik na ngumiti ang binata at dahan dahang pumasok sa kwarto.

"Oy Rom.. Ano daw gusto mong miryenda?.." tanong ni Krissia..

"Lemon Square.. Cheese.. 3 Piesces.. 1 Diet Coke.. That would be all.." dire diretsong sabi ni Romeo..

"Sira ulo.. Parang nag order ka lang ah.. Walang lemon square dito.. Pumasok ka nga kase.. Ano bang ginagawa mo dyan?.." asar na tanong ni Krissia..

Natawa si Aldrin...

"Nag chichix hunt yan.. " sabi nya sa dalaga.

Pero sumimangot si Krissia at dinutdot ang dibdib ng kaibigan..

"Pumasok ka.. " utos nya..

Tumayo si Romeo at pumasok sa loob..

Sinara ni Krissia ang pinto at tinulak si Aldrin papasok..

Tumambad kay Aldrin ang mga kaibigan nya..

Kumpleto ..

Nagulat pa sya ng makita ang Ina..

"Mom?.." tanong ng binata.

Seryosong tumango lang ang ina ni Aldrin..

Kinabahan ang binata..

Isa isa nyang tiningnan ang mga kaibigan.. Parang malamig ang pakikitungo ng lahat sa kanya.. Nagtataka man ay unti unti ng nakakaramdam ng kaba ang binata...

Nilapitan nya ang kasintahan..

May luha sa mga mata ni Hannah ..Nagbaling ito ng tingin at iniwasang tingnan ang binata..

Sa di kalayuan ay sumandok ng spaghetti sina Romeo at Darius..

Tahimik lang silang kumain..

"Pre.. T-totoo ba?.." mahinang tanong ni Darius..

Tumango si Romeo..

Tumabi sa kanila sina Rhoi at Krissia..

Maging si Cynthia ay tumabi kay Romeo at nakitusok ng spaghetti ng binata..

Ngumiti lang si Romeo at kinindatan ang dalaga..

"Ano ba kasi ang buong kwento?.." tanong ni Krissia..

Lahat sila napatingin kay Romeo.. Na concious tuloy ang binata..

"Tangna nyo.. Wag nyo nga akong titigan kapag kumakain ako.." reklamo ni Romeo..

Natawa naman sila ng mahina..

"Ano ba kasi yon?.." landi ni Darius.

Tumawa si Romeo at uminom ng Coke..

Nilapag nya ang plato ng spaghetti at isa isang tiningnan ng seryoso ang mga kaibigan..

"Ganito kasi yon guys... Tara lapit kayo.." seryosong bulong ni Romeo..

Lahat naman nagsilapit sa kanya at halos magdikit na ang kanilang mga ulo..Biglang pinag uuntog ni Romeo ang mga kaibigan at tumawa ng malakas..

"Mga abnoy.." pang aasar nya..

Tumawa din sina Rhoi at Darius.. Sinakal nila ang kaibigan hanggang sa umamin ito at magkwento..

Nagpunas ng mga labi si Romeo..

Sumandal sa upuan at tinitigan si Aldrin na tahimik at hawak ang isang kamay ni Hannah..

"Di ko alam kung paano ko sasabihin sa inyo ito guys.. Ni hindi ko nga alam kung may karapatan ba ako para sabihin ito sa inyo.." sabi ng binata..

Nagseryoso ang mga kaibigan nya..

"Sige pre.. Kung masyadong maselan .. WAg na lang .." sabi ni Darius..

Umiling si Romeo.

Maging sya ay naguguluhan na..

Di nya maipagtagpi tagpi ang mga pangyayari.. Ang mga tauhan sa kwento.. Parang may mali ..

"Siguro naman di sasama ang loob sa akin ni Potpot.. Anyway guys.. You have to know something.. It's about Bea.." bungad ni Romeo..

Lalong na curious ang mga kaibigan nya.

"What about Bea pre?.." tanong ni Rhoi..

Lalong nag seryoso si Romeo..

"May anak sya.." dagdag nya..

Napaugnol si Darius at Rhoi..

"We both know that pare.." reklamo nila..

Pero umiling si Romeo..

"Yea.. Pero that's only the cover of the book.. Ang mahalaga ay yung nilalaman.. Bea claimed that Aldrin is the father of the son.. " mahinang kwento nito..

Parang sumakit ang ulo ng lahat.. Tulala at walang nakapagsalita.

"Serious pre?.." tanong ni Rhoi.

Tumango si Romeo at nagbaling ng tingin..

NAgtagis ang bagang ng tatlong alas..

Si Krissia at Cynthia nagsimula ng makaramdam ng awa para sa kaibigan nilang si Hannah..

"How about Hannah?.." humihikbing tanong ni Krissia.

Sumandal sya sa balikat ni Rhoi..

"Kailangan nilang mag hiwalay.. I guess.." sabi ni Darius.

Di nagkomento si Romeo..Nahulog sya sa malalim na pag iisip..

"We can work it out.. Tulad ng dati.." suhestyon ni Rhoi..

Pero umiling si Romeo..

"I don't think so.." bulong nito..

Napabuntong hininga na lang ang binata..

"That's fate pare.. Hinahadlangan sila ng Fate.." maasim na sabi ni Darius.

Humikbi na din si Cynthia at nagtakip ng mukha..

Awang awa sila para kay Hannah..

"Kaya nating labanan ang Fate..Di ba ikaw na ang nagsabi Rom?.. Tutulungan natin si Potpot.. " banat ni Darius.

Pero tahimik lang si Romeo..

"Right.. Kwadro Alas laban sa Tadhana.. O diba Bongga?.." pilit hinaluan ni Rhoi ng biro ang usapan..

Para naman kahit paano ay gumaan ang atmosphere..

"Are you sure na Kwadro Alas tayong Lalaban?.. Baka Trio Alas na lang.. " makahulugang sabi ni Romeo..

Napakunot noo naman sina Darius at Rhoi..

"What you mean pare?.." tanong ni Darius..

Ngumisi si Romeo..

"I have this feeling na sumuko na si Potpot.. I don't know.. Pero ramdam ko.. " sabi ng binata..

Lalong nanlumo sina Rhoi at Darius sa sinabi ng kaibigan.. Sinulyapan nila ang magkasintahan na di pa rin nagsasalita at nagpapakiramdaman lang.

Biglang tumayo si Romeo..

Nag-inat ng braso at uminom ng coke..

"Have to go.." sabi nya.

Nagulat ang mga kaibigan nya..

"Tae ka.. Kakarating lang naten.. Maaga pa.." awat ni Darius..

"Oo nga naman.. Langya to. Walang pakisama ampota.." banat ni Rhoi.

Ngumisi si Romeo.

"Actually mga pare.. Wala akong pakialam sa dalawang yan.. Nandito lang ako sa libreng miryenda.." banat ni Romeo..

Muli nyang sinulyapan ang magkasintahan..

"Tita.. Alis na po ako.. Salamat sa miryenda.. " paalam ni Romeo.

Tumango ang nanay ni Aldrin na tahimik na nakaupo sa kaliwang bahagi ni Hannah..

Tumitig lang si Aldrin sa kaibigan..

Nagsisintir ang kalooban nya dahil parang wala man lang pakisama ang kaibigan nya sa sitwasyon nila ni Hannah..

Ngumiti pa si Romeo bago buksan ang pinto at walang sabi sabing lumabas ng kwarto..

Napanganga lang sina Krissia at Cynthia..

"Grabe.. Ni hindi man lang nya tayo hinintay?.. " tanong ni Krissia..

"Tama ka sis.. GAnun ba talaga yon?.. WAlang pakisama?.. Ang sama pala talaga ng ugali nong kaibigan nyo.." nakasimangot na sabi ni Cynthia..

Tahimik lang na nagkatinginan sina Darius at Rhoi..

Walang nagsalita sa kanila laban sa kaibigan nila.. Batid nila na may dahilan ito.. Ayaw lamang ipaalam sa kanila..

Hinalikan ni Aldrin ang kamay ni Hannah.

Nanigas ang dalaga at pilit na binabawi ang braso sa binata..

"H-heart.. What happened?.." tanong nya.

Naiyak bigla si Hannah..

Nakakaunawang lumayo ang ina ni Aldrin at tumabi sa mga kaibigan ng anak..

"H-heart..Please.. Talk to me.." bulong ni Aldrin..

Humikbi si Hannah..

Masuyong pinahid ni Aldrin ang tumakas na luha sa mga mata ng dalaga..

Hinawakan nya ang baba ng kasintahan at dahan dahang hinarap sa kanya..

Hinaplos ng awa ang puso ng binata para sa nobya..

"H-heart.." untag ng binata..

Nagsimulang tumulo na parang gripo ang mga luha sa pisngi ng dalaga...

Nilabas ni Aldrin ang sariling panyo at masuyong pinunasan ang mga luha ng kasintahan..

"I-is it true?.." mahinang tanong ni Hannah..

Ni hindi man alam ni Aldrin ang direktang tinatanong ng dalaga pero may Idea na sya kung ano ito..

"A-alin Heart?.. " pag maang maangan ni Aldrin..

Napangiti ng malungkot ang dalaga..

"It's about the baby.." bulong nya..

Matagal bago tumango si Aldrin..

Bagamat kanina pa alam ni Hannah ang balitang iyon.. Nagulat pa rin sya sa pag amin ng kasintahan.. Parang may malamig at malalaking mga kamay ang dumaklot at pumiga sa puso nya..

Mabuti na nga sigurong ganoon.. Para huminto na lang sa pagtibok ang puso nya at di na maranasan ang pagkasawi ng pag-ibig..

"G-ganon ba?.." nakangiting tanong ng dalaga..

Pero batid ni Aldrin na pilit lamang ito para pagaanin ang sitwasyon..

Akala nya wala ng mas sasakit pa sa naramdaman nya nuong gabing malaman nya ang tungkol sa anak ni Bea.. Pero mali pala sya.

Ngayong nakikita nya ang paghihirap sa mukha ng pinakamamahal na kasintahan. Parang balewala ang naramdaman nyang sakit..

Doble o baka nga triple pa ang katumbas ng sakit na nararamdaman nya dahil sa nakikitang paghihirap ni Hannah..

Walang salitang lumabas sa bibig ng binata.

Wala syang ibang alam gawin kundi hagkan ang labi ng katipan at iparamdam dito na ito at ito lamang ang tangi nyang mamahalin..

Masuyong ginantihan ni Hannah ang halik ni Aldrin..

Sa isip isip nya ay maaring ito na ang huling pagdampi ng labi ng binata sa mga labi nya.... Susulitin na nya.

Parang disyertong matagal na di nauulanan ang labi ni Hannah.. Tanging labi lamang ng binata ang makakatighaw sa pagkauhaw nya.. Pero di ito yung natural na uhaw na nararamdaman ng bawat tao..

Ilang minuto bago nagkalas sa paghahalikan ang dalawa.

Di lumayo si Aldrin sa kasintahan.. Hinaplos nya ang pisngi nito..

Ganun din ang ginawa ni Hannah..

Bugso ng masidhing damdamin at pananabik sa isa't isa.. Muli nilang pinagsaluhan ang isang mahabang halik..

Nais nilang sa pamamagitan nito.. Maiparamdam nila ang pagmamahal na maari ng makulong na lang sa kani kanilang mga puso dulot ng masamang balita na hatid ni Bea.

Di nila alintana ang ibang laman ng kwarto..Pakiramdam nila ay napunta na sila sa ibang dimensyon.. Tanging sila lamang..

Pero kailangan nilang salubungin ang reyalidad..

Malungkot na ngumiti si Hannah..

"Heart.. Anong nangyari sayo?.." bulong ni Aldrin..

Hinaplos ni Hannah ang pisngi ng kasintahan..

"Nadulas lang ako Heart.. Di ko kasi napansin y ung nahulog kong cologne.. Nadulas ako. Sinubukan kong tumayo pero nahilo na ako tapos bumagsak ulit..Duon tumama sa study chair yung head ko.. " paliwanag ng dalaga..

"Ano ba kasi ginagawa ng cologne don?.. Bakit di mo nakita mahal?.." masuyong tanong ni Aldrin..

Ngumiti ng malungkot si Hannah..

"Nanlalabo mata ko mahal.. Umiiyak kasi ako that time.." bulong nya..

Nanliit sa hiya ang binata.. Lalong nagsikip ang puso nya at nakaramdam ng awa para sa kasintahan..

Naiiyak na niyakap ng mahigpit ni Aldrin ang nobya..

"Im sorry Heart.. Sorry talaga.." tanging nasabi ni Aldrin..

Tahimik na tumango si Hannah at ginantihan ng yakap ang kaibigan..

Ramdam ng mga nasa kwarto ang bigat ng sitwasyon...

..

Sa labas ng Ospital..

Nakatiim ang mga bagang ni Romeo..

Nilabas nyang muli ang cellphone at nag simulang mag dial ng numero..

Sa huli ay nagdalawang isip syang tumawag na lang..

Tumawid sa kabilang kalye ang binata at pumara ng jeep..

Seryoso ang mukha nya..

Galit ang nakabadha.. Pero di nya maiwasan ang matawa..

Naglalaman ng tatlong pasahero ang sinakyan nyang jeep..

Isang matandang babae at isang magandang babae na nakasuot ng asul na uniporme na karaniwang sinusuot ng mga therapist sa spa..

Nakasuot ito ng backpack ..

Nasa gitna ang babae.. Katapat ang matanda..

Nasa dulo ng jeep si Romeo.. Malapit sa pinto.

Patingin tingin sya sa magandang dalaga..

Di nya alam ang nararamdaman..

Oo nga at mahilig sya sa magaganda.. Pero ang di nya maintindihan ay kung bakit ayaw nyang tantanan ng titig ang nasabing dalaga..

Maraming magaganda na syang naging kasintahan.. Di pa kasama ang mga flirts ..

Pero iba talaga ang kabog ng dibdib nya..

Natatawa na lang sya sa sarili..

Ilang saglit pa ay lalong napangiti ng lihim ang binata..

Naglabas ng maliit na kahon ang dalaga mula sa backpack nito.

Akala ni Romeo gamit ito sa pagmamasahe o sa pananahi.. Kadalasan kasing sewing kits or kikay kits ang laman ng ganitong maliit na kahon pero natawa sya ng makita ang laman nito..

Kanin at Ulam..

Nagsimulang maglabas ng kutsara ang dalaga at walang sabi sabing sumubo ng kanin..

Tinago ni Romeo ang pagtawa..

Sa ugali nyang mapagmasid.. Masasabi nyang mahirap lang ang dalaga.. Base sa suot nitong lumang puting sapatos.. Lumang backpack.. at lumang uniporme na may tahi pa sa bandang ilalim ng kili kili..

Pero di sya mapangmata para ito ang punahin.. Ang kamangha mangha dito ay parang wala itong pakealam kung ano ang sasabihin ng makakakita dito.. Kumakain ito ng walang kyeme at poise..

Sa ikalawang pagkakataon.. Humanga si Romeo..

Matagal na panahon na din mula ng maramdaman nya ito sa babae...

Ngumiti na lang sya at tinandaan ang mukha ng dalaga..

Ilang minuto, bumaba si Romeo sa tapat ng isang subdivision..

Di ito tulad ng sa kanila na mamahalin pero masasabing malinis at tahimik naman..

Walang gwardya na nakatoka sa front gate kaya malayang pumasok ang binata..

Determinado ang mga hakbang na tinahak ang pakay..

Ilang saglit pa ay huminto sya sa tapat ng lumang gate na bakal at nag doorbell.

Ilang saglit din ang hinintay nya bago marinig ang pagbukas ng pinto..

"Saglit lang naman.." reklamo ng tinig sa kabila..

Asar na binuksan ng babae ang pinto pero nagulat sya ng makilala ang bisita.

"R-rom.." mahinang sabi ng dalaga..

Napangisi si Romeo ..

"Can I come in?.." tanong nya..

Matagal bago tumango ang babae..

Niluwagan nya ang daanan at pinapasok ang binata..

Tahimik nyang sinara ang gate at nagpauna sa pagpasok sa bahay..

Sumunod naman si Romeo sa babae..

Pagpasok sa bahay , unang napansin ng binata ang sanggol na nakahiga sa crib di kalayuan..

Tulog na tulog ito..

Lalong nagsalubong ang kilay ni Romeo..

"U-upo ka .." sabi ng dalaga..

Tumango si Romeo pero di sya naupo..

Lumapit sya sa sanggol at tinitigan ang mala anghel na mukha nito.

Nakaramdam ng takot ang dalaga..

Sa lahat ng alas.. Dito sya pinaka ilag..

"R-rom.. J-juice?." tanong ng babae..

Tumango si Romeo at ngumiti..

"Sige.. Bili ka din ng Lemon Square.." sabi nya..

Natawa ang babae..

"Kapal din eh no.. Di ka pa rin nagbabago.. Sige saglit lang.." sabi nya at lumabas ng bahay.

Naiwan si Romeo..

Pilit nyang minemorya ang mukha ng sanggol.. Naghahanap ng maaaring maging palatandaan na anak ito ng kaibigan nya..

Wala.. Pero di nakuntento si Romeo..

Alam nyang sanggol pa lamang ito at maaari itong maging kamukha ng kaibigan sa paglaki nito..

Yun ay kung anak nga talaga ni Potpot ang bata..

Tahimik na nilibot ni Romeo ang paningin sa buong bahay..

Di naman masasabing maliit pero di rin malaki ang tinitirhan ni Bea..

Nagtataka sya..Talagang nakapagtataka..

Maraming mali sa kwento..

At dito sya magsisimula..

Ilang saglit lang ay dumating si Bea dala ang apat na lemon square..

Nilapag nito sa mesa ang hawak at pumasok sa kusina para magtimpla ng juice.

Naglalaway na nilantakan ni Romeo ang nasabing pagkain..

Pagdating ni Bea dala ang juice at di nya maiwasan ang matawa ..

"Ngek. Nasan na yung dalawa?.. Apat yan ah.." natatawang sabi ni Bea.

Nagkibit balikat si Romeo..

"Wala akong alam.." biro nya..

Tawa ng tawa si Bea..

Nilapag nya ang baso ng juice at naupo sa harap ng binata..

Uminom si Romeo..

"A-anong atin Rom?.." tanong ng dalaga..

Nilapag ni Romeo ang juice at tinitigan ang dalaga..

Nagsimulang makaramdam ng kaba si Bea..Nagbaling sya ng tingin..

"Totoo ba?.." tanong ni Romeo..

Napatingin si Bea sa binata..

"A-ang alin?.." tanong nya.

Natawa naman ang binata ..

"Wag ka ng mag maang maangan Bea..Talk to me.." utos ni Romeo..

Nahindik si Bea at napatayo..

"Wala akong alam sa sinasabi mo.. " sabi nya..

Sumandal sa upuan ang binata..

"Really?.. Okay.. Kunwari sasakyan kita.. Ano naman daw ang purpose mo ?.. Bakit ngayon ka lang lumitaw?.. " tanong ni Romeo..

Napaupo si Bea..

"Wala kang pakealam Romeo.. Tulad ng sinabi ko kay Rhoi .. Di ito tulad ng mga dating laro ninyo.. " sabi ng babae..

"Sino ba ang naglalaro Bea?.. Kami nga ba o Ikaw?.. Or should I say na Kayo?.." tanong ni Romeo..

Nahindik si Bea .

.

"Anong kayo?.." tanong nya.

Ngumisi si Romeo.

"Sinabi ko na sayo..Kunwari sasakyan ulit kitang di ko alam ang iniisip mo.. Alam kong may purpose ka Bea.. Di ka ganyan.. Baket?.." tanong pa nya..

Nagbaling ng tingin si Bea at tinitigan ang sanggol na tahimik na natutulog sa crib..

Napatingin din si Romeo..

Unti unting nagliliwanag ang isip nya..

"The baby.. I know.. Di mo sya anak.. At lalong di sya anak ni Potpot.." biglang sabi ni Romeo..

Nanlaki ang mga mata ni Bea ..

"W-what are you saying?.. Baliw ka ba?.. " sigaw ni Bea..

Biglang nagising ang bata..

Tarantang kinarga ng babae ang sanggol at tinignan ng masama si Romeo..

"Di ka na nakakatuwa Romeo.. Kung di nakakasama sayo.. Umalis ka na.." mahinang utos ni Bea..

Tumango ang binata at tumayo.. Pinagpag nito ang pwet..

"Sige Bea.. Kung yan ang gusto mo.. Aalis ako.. Pero eto ang gusto kong isiksik mo sa kukote mo.." matigas na sabi ni Romeo..

Nakaramdam ng takot si Bea.

"Di dito natatapos ang problema Bea.. Ang baluktot na mga bagay ay di masosolusyunan ng paggawa ng isa pang kabuktutan.. Matuto kang mag isip.. Wag mong gamitin ang bata para sa pansarili mo lamang.. " madiing sabi ni Romeo.

Napatingin si Bea sa binata at umiling..

"Nagkakamali ka Rom.. Di ko sya ginagamit.. " mahinang sabi ni Bea.

Umiling si Romeo..

"Wag kang magtago sa inosenteng sanggol Bea.. Alam ko na ang lahat.. Walang nagsabi pero siguro ginagamit ko lang talaga ang utak ko.. Ikaw.. May sarili kang utak .. Gawin mo ang tama.. ! Di ka ganito.. Di ka masamang babae.. Pero pinili mong magpauto at magpailalim sa hangal na tao..Hahanapin kong mag isa ang utak sa likod ng kabaliwang ito Bea.. Pero sad to say.. Di ako naniniwalang anak ni Aldrin ang batang yan.. Pero dahil sa ginawa mo.. Maghihiwalay ang dalawang taong nagmamahalan.. Masasaktan ang dalawang nilalang dahil sa pansarili nyong mga kaululan... Alam kong matalino ka Bea.. Isipin mo ang kahihinatnan ng mga pangyayaring ito.. Sige.. Aalis na ako.." paalam ni Romeo.

Pero bago pa sya lumapit sa pinto ay nagsalita si Bea.

"R-rom.. S-sorry.." sabi nya.

Galit na lumigon si Romeo.

"Wag saken Bea.. Dun kay Hannah.. Sya, higit sa lahat ang lubos na nasaktan sa ginawa mo.. Ninyo !.. Alam kong di ka nag iisa.. Eto ang sinasabi ko sayo.. Kapag ako ang nakahanap sa kanya.. Patawarin ako ng Diyos Bea.. Pero idadamay kita.. Masama ang ugali ko .. Tandaan mo yan.." madiing paliwanag ni Romeo.

Napaiyak si Bea at niyakap ang sanggol..

"R-Rom.. !.." sigaw nya..

Naiyak na din ang sanggol na karga nya..

Tumitig si Romeo sa babae..

"S-si Stefen...Si Stefen ang may pakana nito..Sya ang nag utos na paghiwalayin ang dalawa.. Patawarin nyo sana ako.." paglalahad ni Bea..

Biglang tumawa si Romeo..

"Sino yon?.." tanong nya..

Ngumiti na din si Bea at kinuha ang bote ng gatas ng bata..Pero ayaw nitong tumigil...

Nagkibit balikat si Romeo at kinuha ang sanggol..

Kataka takang bigla itong tumigil sa pag iyak..

"Naks.. Galing ah.." puri ni Bea..

Tumawa si Romeo at hinalikan ang bata.

Tinitigan nya ng seryoso ang babae..

"Samahan mo ako..Ikaw ang magsabi sa kanila.." seryosong sabi ni Romeo.

Nanlaki ang mga mata ni Bea..

"Wag ka ng maarte.. Kasalanan mo ito.. Sige na.. Mababait naman sila.. Sasama na natin itong si tabachingching.. Teka.. Yung tanong ko kanina.." tanong ni Romeo..

"Ano?.." sabi ni Bea.

"Di mo ito anak.. Kaninong anak to..?.." tanong ng binata..

NApabungisngis si Bea at piningot ang tenga ni Romeo.

"Ang lakas mo talaga makaamoy eh no.. Tama ka.. Di ko anak yan..Kay Ate yan.." sabi ni Bea..

Kumunot noo ang binata..

"Sinong Ate?.." tanong nya.

Napangiti si Bea at malungkot na naupo sa sofa..

"Si Ate .. Nakalimutan mo na?.. Yung tinanong mo dati na kung nagmomodelling ba?..Di mo matandaan?.." nakangiting tanong ng dalaga..

Naupo si Romeo sa tabi ni Bea at nag isip.. Bigla syang tumawa .. Pati ang sanggol ay bigla ding tumawa..

"Si Ate Venice?.. Yung pinsan mo?..Anak nya to?.. Kamusta na nga pala sya?.. Sus.. Kaya pala ang ganda eh.. Sorry ah... Pero mas maganda ito sayo.." hinalik halikan ni Romeo ang bata..

Pero di nakapagsalita si Bea . Bigla itong humikbi..

"Oy.. Ano ka ba?.." tanong ni Romeo..

NAgpunas ng luha ang dalaga..

"P-patay na si Ate.. Namatay sya pagkapanganak dyan kay Veronica.." kwento ni Bea..

Natahimik si Romeo..

"S-sorry.. Wala ng tao dun sa condo na tinulugan natin dati?.." tanong ng binata..

Tumango si Bea..

"Yea.. Pinagbibili ko na nga.. Sa akin na nakapangalan yon eh.. Naisalin na sa akin ni Ate Venice.. Ewan ko ba.. Parang alam na nyang may mangyayaring masama sa kanya.. Bago pa sya manganak.. Binilin nya sa akin ang bata.. At may sinabi sya.." kwento ng dalaga..

Nacurious si Romeo..

"Ano daw?.. Na tomboy sya?.." biro ni Romeo..

Piningot ni Bea ang tenga ng binata..

"Di no.. Sinabi nya kung sino ang ama ng bata.." sabi ng dalaga..

"Sino daw?.." tanong ni Romeo..

Natahimik si Bea..

"Yung Kuya ni Stefen.. After nyang mabuntis si Ate.. Bigla na lang syang nawala ng parang bula.. Kaya nakita nyo ako sa bus non.. Hinahunting ko si Stefen dahil sya lang ang clue sa kinaroroonan ng kuya nya.. Masyado silang makapangyarihan sa lugar nila.. Ang totoo nyan, miyembro ng kilalang Fraternity ang kuya ni Stefen.. Puro mayayaman at baliw ang mga miyembro ng Frat nila kaya lalo silang naging mahirap banggain.. Ayaw kong magpakasiguro sa future ni Veronica.. Kaya sumugal ako.." sabi ng dalaga..

"Pumayag ka na makipagsabwatan kay Stefen.. Para kapag naging kampante na ang loob nya sayo.. Maaari mo ng malaman kung nasaan ang kuya nya.. Magkakapera ka pa..." si Romeo ang nagpatuloy..

Napangiti ng malungkot si Bea..

"Tama.. Nuon, Desidido na akong ibigay kay Kuya Steve ang bata.. Pero lately, sa twing napapatingin ako sa mga mata ni Veronica.. Parang nangungusap sya, parang nagsasabi na sa akin na lang daw sya.. Kaya ayan.. Gusto ko lang magka instant pera para sa future ni Veron.. Sorry kung di na ako nag isip.. Naging makasarili ako.." mahinang paliwanag ng dalaga..

Natahimik silang pareho.

Nilaro laro ni Romeo ang sanggol at tawa naman ito ng tawa..

"Ikaw .. malakas ka talaga sa girls eh.. Kahit gusto ka.." puri ni Bea.

Ngumisi si Romeo at nanlalaki ang butas ng ilong..

"Pogi ako eh..well.. Magbihis ka.. Time to correct some mistakes.. Ayusin natin ng sama sama ang problemang ito.. " sabi ni Romeo..

Napangiti si Bea..

Tumango sya at hinalikan sa pisngi ang binata..

"Akina si baby.. Sama natin sya di ba?.." sabi ng dalaga..

Tumango si Romeo at hinalinan ang sanggol.. Inabot nya ito sa babae at ngumiti..

Umakyat naman sa itaas ang dalaga kasama ang sanggol..

Nakangiting hinatid ng tanaw ni Romeo ang dalawa ..

Ng wala na sa pangingin nya ay nilabas nya ang cellphone at may tinawagan.

Ilang rings ang lumipas bago may sumagot.

"Yo !.." sagot ng lalake sa kabilang linya.

"Yo !.. Uncle Gustavo !.." sigaw ni Romeo..

Narindi si Gustavo sa kabilang linya..

"Putris ka.. Ano ba?..Hyper ka na naman !.." reklamo nya.

Tumawa si Romeo..

"Ano na daw nangyari dun sa Frat War na iniembestegahan mo?.. " tanong ng binata..

NAtawa si Gustavo sa kabilang linya..

"Wala pang clue. Nagtatago yung mastermind nung kabilang panig.. Pero pasasaan ba at lalabas din yon.. " sabi ng batikang imbestigador.

Napangiti si Romeo..

"Uncle.. Tulad ng dati.." sabi nya..

Sumimangot si Gustavo..

"Sus.. Sige sige.. Anong deal ngayon?.." tanong nya..

"10 Percent ng Ibabayad ng Client sayo.. Sa akin.." biglang banat ni Romeo..

Nanlaki ang mga mata ni Gustavo at nagkandailing..

"Ano ka hilo?.. Dati 5 percent lang ah !.. Bakit ka tumaas ngayon?.. Ang daya mo na !.. Ang bata mo pa magulang ka na !.." sigaw ni Gustavo..

"Wag ka ng magulo Uncle.. Bukas na bukas may Lead ka na.. Ayaw mo pa?.. Sige na.. Natural, tumataas na ang mga bilihin ngayon.. Sus naman , maliit na halaga lang yon.. If I know milyones na naman kikitain mo.. Plus Chix ka na naman nyang.." biro ng pamangkin..

Napaisip ang batikang imbestigador..

"Langya ka.. Sige.. Deal.. Pero sure ball yan ah.. Ayaw ko ng palpak.." sabi nito..

Tumango si Romeo..

"Sus.. Para saan pa at pamangkin mo ko.. Sige na Uncle.. Seeyah.. Nambababae ka na naman siguro.. Isusumbong kita kay Ate Camille.." biglang banat ni Romeo..

Nanlaki ang mga mata ni Gustavo..

"Hoy !.. Wag kang maingay. !.." sigaw nya..

Pero wala ng tao sa kabilang linya..

Nakangiting tumayo si Romeo at sinalubong ang dalawa..

"Let's Go?.." aya ni Romeo..

Tumango si Bea at inabot sa binata ang bata...

Masaya silang lumabas ng bahay ...

ITUTULOY !!!..