1. Home
  2. Stories
  3. Kwadro Alas Book 1 Epilogue
Lagablab

Kwadro Alas Book 1 Epilogue

By supertoyantz ·

Epilogue..

Mabilis na lumipad paakyat ng langit si Totoy..Nakangiti sya at di maitatangging masaya ang nararamdaman....

Naupo sa isang tumpok ng ulap ang anghel at naglabas ng tablet..

Binuksan ni Totoy ang tablet nya na may tatak ng mansanas na may kagat sa likod nito.

Ilang saglit pa ay umilaw na ang tablet..Napangiti ang anghel at nagswipe patungong applications..

Dinutdot dutdot.. Hanggang makarating sa pakay..

Apat na mukha ng binata ang nakahantad sa harap nya..

Bawat isa ay may simbulo ng baraha sa harap..

Pinindot ni Totoy ang mukha ng Ace of Hearts at nagkaroon ito ng isang malaking Check..

Napahagikgik pa sya ng makita ang susunod na simbulo..

Ang Ace of Diamonds..

Nag swipe si Totoy..

Pinaglapit nya ang Ace of Diamonds at ang Queen of Diamonds..Umilaw ang Tablet ng binata..

Ngumiti ang anghel at muling pinatay ang gadget..Nilingon nya ang lupa at kumaway..

"See yah..Magbubeauty rest muna ko.." landi ni Totoy..

Muling lumabas ang pakpak nya at lumipad paitaas..


Sa kalagitnaan ng party sa bakuran ng mga Montefalco..

Tahimik na ngumangasab ng pagkain si Darius..

Mabilis nyang sinusubo ang bawat madagit ng kamay.

Kailangan nyang magmadali at baka abutan sya ni Romeo..Mapurnada pa..

Nasa kasarapan na sya ng paglamon ng mapansin ang pagtunog ng kung ano..

Uminom ng juice ang binata at pinunasan ang nangingintab na bibig..

Hinanap ang pinanggalingan ng tunog.

Nakita nyang cellphone pala ito ni Krissia..

Nagkibit balikat ang binata..Nag aatubili kung sasagutin ba o hindi ang tawag..

Nilingon nya ang paligid..Hinanap ang kaibigang babae..

Pero bigo sya..

Nagkibit balikat na lamang sya at sinagot na ang tumatawag..

Halos marindi ang binata sa tili mula sa kabilang linya..

"Aaaaaahhh...Sis !...Finally..Im going home !..." sigaw ng babae sa kabilang linya..

Nagtaka si Darius..

Sinulyapan ang cellphone..Nagbaka sakaling may pangalan ang tumatawag..Pero unregistered number..

"Oy sis..Ay oo nga pala..Bagong number ko..Roaming..Sis si Dannica to !.." muling tumili ang babae..

Halos mabilaukan si Darius sa sinabi ng babae..

Bumilis ang tibok ng puso nya at namawis ang mga palad..

"Sis?..Anong nangyari sayo?.. " takang tanong ng babae sa kabilang linya..

Lumunok si Darius ng laway at naglakas loob na nagsalita..

"E-ekang?.." tanong ng binata..

Yun lang at naputol ang tawag..

Tulala lang na nakatayo ang binata ..

Bigla syang kinilig at ngumisi..