1. Home
  2. Stories
  3. Kwadro Alas Book 2 Ch. 1 - Joker
Lagablab

Kwadro Alas Book 2 Ch. 1 - Joker

By supertoyantz ·

Chapter 1 - Joker

TOYANTZ !

Pinakamaangas na BARKADA ! ( KWADRO ALAS )

Inuulit ko.. Wag na po ninyong hanapin ang book 2 ng Zack and Sab..

Magmumukha lang po kayong Tanga..

Time Check:

December 15, 2012

12:11 PM

Saturday

Enjoy :)

Start of Chapter 1

3 Years After

Araw ng linggo..

Mabilis pa sa pagong na tumakbo si Darius patungong banyo nya..

Ito ang isa sa di nya malilimutang araw..

Kailangan nyang magmadali..

Kung hindi ay baka maunahan sya ng mga magulang..

Di na sya nag-abalang kuskusin ang lahat ng sulok ng katawan..

Matapos ang limang minutong pagkukunwaring naliligo..

Takbo agad sya sa drawers nya..

Kumuha ng brief na pwede ng gawing shorts ng ordinaryong bata.

Matapos makapagbihis.

Takbo agad sa harap ng salamin..

Nagsuklay at nagpapogi ng konti..

Ng masigurong wala ng dapat ayusin sa katawan..

Humarurot na sya palabas ng kwarto..

At kumatok sa kwarto ng mga magulang..

Nagising si Denzel sa mabining tunog ng pagkatok..

Dinilat nya ang isang mata para icheck ang orasan sa side table..

"Hon.. What's that noise ?.. " tanong ni Annette na nakadapa .

Niyakap ni Denzel ang kabiyak..

"I don't know either.. T-teka.. What day is it ?.. " tanong din nya.

Natahimik saglit si Annette.

Ilang saglit lang ay pareho silang napabalikwas ng bangon.

"Its Sunday !.. " sabay nilang bigkas..

Napangiti ang mag asawa ng makarinig muli ng mahihinang katok..

Hanggang sa ang ngiti ay naging tawa..

"Ahaha.. Ang lupit talaga ng anak mo.. Daig pa ang alarm clock at kalendaryo.. " natatawang bigkas ni Denzel.

Ngumiti si Annette at inabot ang roba.

Pinalibot nya ito sa katawan at binuhol..

"Get up na Honey.. Magagalit na ang anak mo nyan eh.. " utos ni Annette..

Napailing si Denzel sabay nag inat ng katawan..

"Hmm... Exactly 5AM in the morning.. 3 Years in a row na nyang ginagawa yan right Hon ?.. " nakangiting sabi nya..

Tumango si Annette..Inabot nya ang kanang kamay sa kabiyak..

Pero napatili sya ng hatakin sya nito pabalik sa kama at pupugin ng halik..

"Ayy !. Honey yung anak mo oh.. " angal ng babae pero nakangiti sya..

Dinampian ni Denzel ng mabining halik si Annette at tinitigan sa mga mata..

"I am so inlove .. With my Queen.. Queen of Diamonds.. " bulong nya habang tinitigan ang mga mata ng asawa..

Kinilig si Annette..

"And so do I with my King... My King of Diamonds.. " ganti nya..

Hanggang sa unti unting naglapit ang mga mukha nila para pagbigyan ang tawag ng pag ibig..

Pero naudlot ito ng muling nakarinig ng tatlong sunod sunod na katok..

Mas malalakas na ito kesa sa dati..

Natawa ang mag asawa.. Tinuloy nila ang halik pero dampi na lamang ito..

Magkahawak kamay nilang tinahak ang pinto para pagbigyan ang Ace of Diamonds sa pangungulit nito..

"Anak.. Let's go.. " aya ni Denzel sa batang si Darius..

Kasalukuyan silang nasa tapat ng isang puno sa park ng kanilang subdivision..

Kasalukuyan syang nakaupo at nakayuko sa isang maliit na hukay ..

"I missed him Dad.. " bulong ng bata..

Niyakap ni Annette ang kabiyak..

Kahit na tatlong taon na ang nagdaan..

Matindi pa rin ang epekto nito sa kanilang anak..

"We know anak.. " sagot ni Denzel.

Ilang saglit pa.

Unti unti ng nagsidatingan ang mga kapatid nyang alas.

"Ikaw pa rin ang pinakamaaga utol.. " bati ni Rhoi ..

Binaba nya ang pumpon ng pinitas nyang mga bulaklak sa kapitbahay nila at tumabi sa kaibigang si Darius..

Tumango ang bata..

Inakbayan ang kaibigan na tulad nya, namimighati rin ng mga oras na iyon..

Naramdaman nina Denzel at Annette ang pagtabi ng mag asawang Chynna at Vincent..

"Morning sis.. " malungkot na bati ni Chynna..

Niyakap nya ang kaibigan..

"Morning.. I hate this day.. " sabi ni Annette..

Tumango si Chynna..

Nag tapikan sa balikat sina Denzel at Vincent..

Ilang saglit pa ay lumapit na rin si Aldrin..

"Eto mga tol.. Sorry kasi niluto ko pa to.. Baka magreklamo si Joker kapag di natin sya dinalhan ng food.. " malungkot na biro ng bata..

Napangiti ang dalawa.

"Lapag mo na tol.. Baka gutom na si Joker.. " utos ni Darius..

Tumango si Aldrin at dahan dahang nilapag ang bandehado ng pinaghalong kaldereta at adobong manok.. Itsurang kanin baboy na ito.. Pero ito ang paborito ng paborito nilang alaga..

Si Joker..

Si Joker ay isang askal .. Ito ang asong nagdulot kay Darius ng nag iisang peklat nya sa binti..Naalala nya ang araw na muntik na syang lapain ng nasabing aso.. Pero sinwerte sya.

Akala nya katapusan na nya nuon..

Pero mukhang di pa naman..

Dahil din kay Joker..

Nakilala nya ang babaeng naging malapit sa kanyang puso.

Si Ekang..

Natigil ang pangangarap ni Darius ng makarinig ng mga yabag..

Sabay sabay silang napalingon sa paparating na bata.

Napangisi ang tatlo..

"As always.. Your late bro.. " reklamo ni Rhoi.

Ngumisi si Romeo..

"May baon ako eh.. " sabi nya..

Binaba ni Romeo ang dalang backpack at binuksan sa harap ng tatlo.

"Lemon Square ? .. " sabay sabay na bigkas nila..

Tumango si Romeo..

"I remember Joker ate my Lemon Square 3 years ago.. Natulala sya kaya for sure nasarapan sya.. Actually kung di dahil kay Joker.. Di ko to titikman.. Masarap pala sya infairness.. And nakakaadik.. " malungkot na biro nya..

Napangiti ang tatlo..

"Eh paano itong combo meal nya ?.. CaldeDobo ?.. " tanong ni Aldrin na ang tinutukoy ay ang pinaghalong Caldereta at Adobo .

"Kakainin nya yan.. Pero ito ang dessert nya.. May dala din akong mountain dew.." sabi nya..

Natawa ang tatlong alas..

Isa isa nilang sinalin sa dala ni Romeo na baso ang mountain dew..

Limang baso..

Isa isa para sa apat na alas..

Isa para sa loyal na si Joker.

Limang Lemon Square..

Tig iisa sa alas na alas..

Isa para kay Joker..

Pinalibutan nila ang puntod ng aso..

Nag cheers pa sila..

"Para kay Joker mga pare.. Happy 3 years of sleeping my Friend.. We will never forget you no matter what.. No matter what we do.. No matter where we are.. You will still live here.. " sabi ni Romeo at tinuro ang tapat ng kaliwa nyang dibdib..

Tumango ang tatlo..

"Cheers !.. " sabay sabay nilang pinagpingki ang mga baso..

Ilang saglit pa sumunod na rin ang mga magulang nina Romeo at Aldrin..

Nagyakap ang mga babae habang pinapanuod ang makabasag pusong ginagawa ng apat nilang anak..

"I really hate this day.. I remember Joker ate my Slippers.. Pero wala akong pakealam kasi aso sya ng apat na yan.. " nangingiti pero unti unti ng namumuo ang luha sa mga mata ni Annette..

Niyakap nya ang asawang si Denzel.

"I am so proud of those four.. Even at the young age.. They already know how to give respect for their friend.." proud na sabi ni Alexa na ina ni Romeo..

Tumango ang apat na tatay..

Ang orihinal na apat na hari.

Ang orihinal na apat na reyna..

Walang magawa kundi panuorin ang apat na alas na iselebra ang araw ng kamatayan ng kaibigan nilang aso..

"Joker is such a good dog.. Loyal talaga sya sa apat na nag ampon sa kanya.. Naalala ko pa kung paano nila ipaglaban ang karapatan ng aso.. Remember nung umalis yung amo nyang babae at nag migrate na sa US 3 years ago ?.. Naiwan sya.. Wala ng nagpapakain nuon kay Joker.. One day nagtaka na lang ako kung bakit isa isa silang nawawala... Kaya naman pala.. Sila na ang nag aalaga dun sa aso.. Such bravery.. Kahit na alam nilang kaya silang kainin ng ganyang kalaking aso.. Still, they give Joker home.." naiyak na si Alona..

"And Family.. " dugtong ni Chynna..

Tahimik ang apat na hari..

Maging sila ay namamangha sa ginagawang pagbibigay respeto ng apat sa namatay nilang kaibigan..

Bilang mga magulang.. Kahit anong gawin ng apat ay naka back-up sila lagi.. Madalas sa batang edad.. Napapaaway na ang mga ito..

Pero tiwala silang di ang apat ang nagsisimula ng away..

Busog sa pangaral ang apat na alas.

Sadyang malilikot lamang kapag magkakasama kaya takaw gulo talaga..

But still.. They already know what is the meaning of Respect..

And Friendship..

Walang nagturo sa kanila kung ano ang kahulugan ng mga salitang iyon.

Tanging ang apat na bata ang kusang nag explore ng mundo at hinanap ang kahulugan ng mga salita..

"They fit to each other.." puna ni Vincent..

Tumango ang iba..

"Yes.. They have each other's back.. " sagot ni Denzel..

"Parang dati lang yan parekoy.. " natatawang sabi ni Nestor..

Tumango si Primo..

"Karapat - dapat nilang tawagin ang isa't isa bilang Magkakapatid.. " bulong nya..

Pero narinig ito ng lahat at sinang ayunan..

ITUTULOY !