1. Home
  2. Stories
  3. Kwadro Alas Book 2 Ch. 11 - Ang Bodyguard kong Bubuyog
Lagablab

Kwadro Alas Book 2 Ch. 11 - Ang Bodyguard kong Bubuyog

By supertoyantz ·

Chapter 11 - Ang Bodyguard kong Bubuyog

Mabilis na lumipas ang panahon..

First day of class na nina Dannica ng araw na yon..

Excited sya..

High School na sila..

Bagong paligid na naman ang mararanasan niya kasama ang mga kaibigan.

Nasa kalagitnaan sya pag iimpake ng mga dadalhin ng makarinig ng katok ..

"Bukas po yan.. " sagot ni Ekang kahit di pa alam kung sino ang nasa labas..

Bumukas ang pinto..

"Hmm.. ang aga ah.. " bati ng ina..

Bumaling ng tingin si Ekang ..

Napangiti sya ng kimi at mabilis na lumapit sa ina para humalik sa pisngi nito..

"First impression Mama.. " nakangiti nyang sabi..

Tumango lamang si Dulce at pasimpleng tinitigan ang mukha ng anak..

Naglalaro sa isip ang isang imahe na pilit na nyang binubura sa kanyang isipan..

Pero kahit anong gawin nya..

Mayroon isang alaala na nagpapaalala sa kanya araw araw sa taong iyon..

Ay iyon ay ang kanyang nag iisang anak..

Sinikil ni Dulce ang damdamin ng isang ina para pagtakpan ang pangungulila na matagal na nyang gustong ibaon sa limot..

Mabilis syang nag iwas ng tingin sa anak at tumalikod na..

"Wag masyadong mag papagabi.. Mag aral kang mabuti.. " tanging nasbi nya at mabilis na naglakad palayo..

Napangiti na lang ng malungkot si Ekang..

Bagama't sanay na sya sa asta ng ina..

Di pa rin nya maitago ang sakit..

Mukhang kailangan nya pang dagdagan ang effort para mapansin ng ina..

Di sya dapat sumuko..

Huminga sya ng malalim, para ibalik ang sigla na kanina lamang ay nag uumapaw sa kanya..

Binalikan nya ang mga gamit pang eskwela..

..

"Ah suko na talaga ako sa taong yon !.. Anong oras ba nya balak pumasok?.. " inis na tanong ni Krissing..

Nagtawanan ang tatlong alas..

"Parang di ka na nasanay.. Mabuti pa nga siguro kung mauna na tayo.. Text text na lang.. " sabi ni Rhoi..

Tumango si Krissia ..

"Bye guys.." paalam nya ..

Tumango sina Darius at Aldrin..

Patalikod na sina Rhoi at Krissia ng makarinig ng sigaw..

"Wooooo !!!.. Good Morrninggg Mother Earth !.. " sigaw ni Romeo mula sa bintana ng kwarto nya..

Lalong nabwisit si Krissia ng makitang kagigising lang ng kaibigan..

"Kagigil ka talaga !!!.. Kanina pa kami nag hihintay sayo tapos kakagising mo lang ?.. ! .. " sigaw ni Krissing..

Nagtawanan din ang mga alas ..

"Oh my friends !.. Good to see you.. What a lovely morning isn't it ?.. " bati ni Romeo sa mga kaibigan..

"No it isn't !.. " sagot ng tatlong alas..

Nagtawanan sila..

Nainis si Krissing kaya akmang lalakad na sya ng pigilan ni Rhoi..

"5 minutes.. " sabi nya..

Napapayag naman si Krissing..

"Oy 5 minutes Rom.. Bilisan mo !.. " natatawang sigaw ni Darius..

Nanlaki ang mga mata ng binatilyo..

Walang sabi sabing pumasok muli sa kwarto..

Sa school gate..

Inip na palakad lakad si Ekang..

Napatigil sya ng may magsalita..

"Hi miss pretty.. Kami bang hinihintay mo ?.." tanong ng isang boses..

Napatingin si Ekang..

Akala nya ay ang mga kaibigan pero napaatras sya ng makitang may tatlong lalaking malapit sa kanya..

Biglang syang inatake ng nerbyos ng ngumisi ang mga ito at mag tinginan..

Sinulyapan nya ang guard..

Nakadama ng konting ginhawa ng makitang medyo malapit ito sa kanila..

Tinapangan nya ang loob..

Hinawakan ang reading glass na suot at tumikhim..

"A-ah.. Di po.. Mga friends ko po.. " magalang na sabi nya...

Nagtawanan ang mga lalaki..

Napansin ni Ekang ang suot nitong mga uniform..

Bukas ang unang dalawang butones at may mga hikaw sa magkabilang tenga..

Such lousy, sa isip isip ni Ekang..

"Ah.. Eh di pwede ba tayong maging friends?. Tsaka wag ka nang mag po kapag nakikipag usap ka samin.. Ako nga pala si Chris etong long hair si Jayson at itong kalbo ay si Ed.. Mga fourth year kami dito.. First year ka no ?.. Di mo kami kilala eh.. " maangas na pakilala ng mga ito..

Muling bumalik ang kaba ni Ekang ng unti unting lumapit ang mga ito..

Nais nyang tumakbo..

Pero baka bigla syang gawan ng masama ng mga ito kapag muli silang magkita..

Kaya tinipon na lamang nya ang lakas ng loob at pinilit na makipagtitigan sa mga ito..

"P-pasok na po ako.. " sabi ni Ekang..

Pero muntik na syang mapatili ng hawakan ng kalbo ang braso nya..

Nagtawanan ang mga ito..

Pero natigil din ng may tumapik sa braso ng kalbo..

"Anak ng putsa !.. Sino yon ?. " tanong nito sabay baling ng tingin..

Ang nakangising mukha ni Darius ang tumambad sa mukha nya..

"Ang angas nito dre.. ! Di ata kilala kung sino ang pinalo nya. !.. " pananakot ng long hair..

Mabilis na kumilos si Ekang at nagtago sa likod ni Darius..

"Sino tong mga to Ekang?.. First day of class may fans ka na ?.. And take note.. Ang papangit pa nila ha.. " pang aasar ni Tabar..

Natawa si Ekang..

"Di ko kilala yang mga yan Joweebee.. Bigla na lang akong nilapitan eh.. " sumbong nya..

Nagtawanan ang tatlong itlog ..

"Magsusumbong ka na lang sa Totoy pa.. At nag iisa pa.. " natatawang sabi ng Long hair..

Nagtaka din si Ekang..

"Nasan nga ba sila ?.. Bakit ikaw lang ?.. " tanong nya..

Nginuso ni Darius ang isang direksyon..

Pagtingin ni Ekang ay bigla syang natawa ng makita sina Romeo, Rhoi at Aldrin na sumasayaw..

"Go, go Darius.. Go go go Darius go !.. " sabay sabay na kanta ng tatlo..

Si Krissing ay hiyang hiyang nasa gilid lang at tinataboy ang mga nag uusyoso..

"Ang yabang neto mga dre.. Sarap bangasan ng mukha e.. " sabi ng kalbo.

Natawa si Darius..

"Wag naman.. Palibhasa wala ng ipapangit yang mukha nyo eh.. Anong tawag nyo sa sarili nyo ?.. The 3 Syongets?.. " sabi nya..

Napabungisngis si Ekang..

Naasar lalo ang mga binata ..

Akmang susugod ang mga ito pero sumipol ang guard..

"Anong kaguluhan yan ?.." tanong nito pero nakasalubong ang mga kilay sa mga panget..

Napakamot sa batok ang tatlo..

"Wala Chief.. Kinakamusta lang namin sila.. Mga first years eh.. Di ba ?.. " sabi ng isa..

Nagbago ang ekpresyon ng mukha ni Darius..

Naging kaawa awa..

"S-sila kuya Guard.. Inaapi nila kame.. Sabi nyang isang yan aabangan daw nila kame mamaya.. Huhuhu.. Sobrang natatakot po kame nitong kasama ko.. " nag iyak iyakan sya..

Nanlaki ang mga mata ng tatlo..

Di makapaniwala sa sinabi ni Darius..

"Totoo ba yon ?.." nagbabanta ang boses ng guard..

Umiling ang mga ito..

Pero gumatong pa si Dannica..

"Tinatakot ako nyan kuya.. Buti na lang dumating itong kaibigan ko.. Pero lalo lang nila kaming tinakot.. " pang uuto nya..

Napailing iling ang tatlo..

"Sumama kayo sakin tatlo.. Unang araw ng klase nang gugulo kayo ha.. Kilala ko kayo.. Takaw gulo kayo eh.. " inis na sabi ng guard..

Walang nagawa ang tatlo kundi sumama...

Pero humabol pa si Darius..

"K-kuya Guard.. " kunwaring natatakot na sabi nya..

Lumingon ang gwardya..

"Oh ?.. " tanong nito.

"B-baka po abangan nila kame.. " kunwaring nag aalala si Darius..

Umiling ang gwardya..

"Kapag ginawa nila yun.. Expelled na sila.. Marami ng atraso itong mga to eh.. " sabi pa nito..

Lalong natakot ang tatlo..

"M-may isa pa po.. " pahabol pa ni Darius..

Umangal na ang kalbo..

"Ano na naman ba ?.. Wala naman kaming ginawa ah ?.. " asar na sabi nito..

Kunwaring nasindak si Darius.

Pinitik ng gwardya ang tenga ng kalbo..

"Wag mong takutin.. Kita mo na oh.. Sige iho ano pa ba?.. " tanong nito..

Kunwaring nag atubili si Darius..

"Yung baon ko po.. Kinuha nila.. " mahinang sabi nya..

Natulala ang tatlo..

Nilahad ng gwarya ang palad nito..

"Ibalik nyo na... Magkano ba yon iho ?.. " tanong pa nito..

"100 pesos po.. " sagot nya..

Walang nagawa ang tatlo kundi mag ambagan para maibalik ang kunwaring kinuha nila kay Darius..

"Oh eto.. Naghati hati na pala sila eh.. Sige na pumasok na kayo.. Late na kayo eh.. At kayong tatlong itlog.. Sumama muna kayo sa akin sa guidance.." sabi ng guard...

Tumalikod ang gwardya..

Napangisi si Darius at binelatan ang tatlo..

Akmang susugurin sya ng mga ito pero mabilis na sumigaw si Ekang..

"Kuyaaaa !!.. " sigaw nya..

Lumingon agad ang gwardya at sinaway ang tatlo..

Walang nagawa ang mga ito kundi tumahimik at sumunod sa guard..

Lumapit ang tatlong alas pati na si Krissing..

"Azteegg pree.. " puri ni Romeo..

Natawa sina Aldrin at Rhoi..

"Stye ni Rom yon ah.. " natatawang sabi ni Krissia..

Nagtawan lang sila at nagpasyang pumasok na..

Nagpahuli sina Darius at Dannica..

"Azteg naman ng bodyguard ko.. " biro ni Ekang..

Natawa si Tabar..

"Haha.. Ako na bodyguard mo mula ngayon.. " sabi nya..

Ngumiti si Ekang..

"Sure ka ba?.. " tanong nya.

Tumango si Darius..

Naalala ang pangakong binitawan sa Yaya ni Ekang ..

"Maybe.. " landi nya..

Kinurot ni Ekang sa braso si Darius at nagpauna na sa paglalakad..

"Ang bodyguard kong bubuyog.. " kinikilig na bulong ni Dannica..

"Ano yon ?.. " tanong ni Darius..

Umiling si Ekang..

Hinubad ang suot na bag at binigay kay Darius..

"Lubus lubusin mo na.. " biro nya..

Napangiti na lang si Darius at umagapay na sila sa paglalakad sa mga kaibigan...

ITUTULOY !!!