1. Home
  2. Stories
  3. Kwadro Alas Book 2 Ch. 14 - Adobo ni Manang..
Lagablab

Kwadro Alas Book 2 Ch. 14 - Adobo ni Manang..

By supertoyantz ·

Chapter 14 - Adobo ni Manang..

Araw ng linggo..

Masiglang gumising si Dannica..

Nakangiti syang nag inat..

"Mmmmmoooorrrnnnniinnnnggg.." mahabang bati nya sa paligid..

Ilang saglit na pag muni muni..
.

Maliwanag ang paligid..

Mula pa pagkabata, hindi na sya nagpapatay ng ilaw kapag matutulog..

Sa kadahilanang ayaw na nyang alalahanin pa..

.
Unti unting bumadha sa muka ni Ekang ang lungkot..

Kinapa nya ang mesa katabi ng kama para kunin ang kanyang salamin at ng madampot ay kanyang sinuot..

Napangiti ng malungkot si Ekang..

Kahit na pilit nyang iwasan ang mga bagay na naghahatid sa kanya ng di maipaliwanag na lungkot, sadyang di nya magawa..

Dahil kahit saang anggulo ng kwarto nya sya tumingin..

Naaalala nya ang nag iisang lalaking kanyang pinakamamahal..

Ang kanyang ama..
.

Muling nanariwa ang mga alaala sa isip ni Ekang..

Tanda nya pa ang araw na nagisnan nya ang ama na umiiyak..

Ng tanungin nya ito kung bakit, iniba naman nito ang usapan..

Hanggang sa muli syang makatulog..

At sa paggising nya nga..

Wala na ang kanyang Papa..

.
Nangilid ang luha sa mga gilid ng mga mata ni Ekang..

Mabilis nya itong pinahid dahil sabi ng kanyang Papa ay wag na daw syang iiyak..

Kaya hangga't maari. Hindi na sya iiyak pang muli..

Kahit na sa mga pagkakataong pakiramdam nya ay wala syang kakampi..

Pinipilit nyang maging matapang..

Batid nyang babalik ang ama..

Kung hindi man ito babalik..

Sya ang hahanap dito sa tamang panahon..

.

Dahil sa determinasyong muling nabuo sa kanyang isip..

Dahan dahang nabuo ang ngiti sa mga labi ni Ekang..

Marahan syang bumaba mula sa kama at pinatay ang ilaw..

Pagkatapos ay binuksan ang kurtina at sinalubong ang mainit na sikat ng araw..

Tumama ito sa kanyang mukha..

Lalong napangiti si Ekang..

Saglit nyang ninamnam ang init ng sikat ng araw ..

Tila nanghihingi dito ng kaunting lakas para ipagpatuloy pa ang araw na iyon..

.
Isang oras ang lumipas..

Handa na si Ekang para magsimba..

Suot ang simpleng damit, lumabas sya ng kwarto at dumiretso sa silid ng ina upang magpaalam..

Kumatok sya ng marahan..

Tatlong beses tulad ng normal na pagtawag..

Saglit syang naghintay ng tugon..

Ngunit ilang minuto ang lumipas..

Walang sumagot..

Napakunot ang noo ni Ekang..

Kilala nyang early bird ang ina..

Kahit pa sabihing araw ng linggo, lagi itong maagang gumigising..

Kaya nakapagtatakang ni hindi man lang ito sumagot sa pagkatok nya..

"Ma, " pagtawag ng dalagita..

Sinundan nya ito ng tatlong mararahang katok muli..

Ngunit tulad ng mga nauna..Bigo syang makakuha ng tugon..

Talagang nakapagtataka sa parte ni Ekang dahil bihirang mangyari na tanghaliin ito ng gising..

Kaya kahit na maaaring magalit, dahan dahan nyang pinihit ang seradura para mabuksan ang pinto..

Nagbabakasakali lamang syang hindi ito nakalock..

At nakahinga sya ng maluwag ng hindi nga..

Pinasok ni Ekang ang ulo sa siwang na ginawa..

Madilim ang paligid..

Kabaligtaran ng kanyang kwarto..

Tila nagluluksa ang may ari nito..

Bihira syang makapasok sa silid ng ina..

Kilala nyang mahigpit ito pagdating sa mga personal na mga gamit, lalo na sa kwarto..

Katunayan.. Hindi ito pumapayag na iba ang maglinis ng sariling silid..

Tanging ang ina lamang ang nakakapasok sa kwarto nito at ng papa nya..

.
Nagdalawang isip si Ekang kung tutuloy ba na pumasok..

Tinantya nya ang sitwasyon sa loob..

Tahimik..

Sinilip nya ang hallway..

Tamihik din..

Maaga pa kasi..

Alas sais pa lamang..

.
Unti unting bumilis ang tibok ng puso ni Ekang.

Ito ang unang pagkakataon na makakapasok syang muli sa silid ng mga magulang..

Matagal na syang pinagbawalan na makapasok dito..

Sa di nya malamang dahilan..

.
Eto na ang pagkakataon nya..

Lumabas ang pagiging normal na bata ni Ekang.

Nanabik syang muling mahiga sa kama ng mga magulang..

Kaya kahit na pinagbabawalan..

Dahan dahan syang pumasok sa loob..

Tinungo ang malaki at malambot na kama ng mga ito.

Nahiga si Ekang..

Napapikit..

Sinaisip ang itsura ng isang masayang pamilya..

Di naman sya nabigo..

Mabilis nyang naimagine ang larawan ng isang ama .. isang ina at isang anak na babae na masayang naghaharutan sa isang malaking kama..

Di namalayan ni Ekang ang oras.

Umaagos na pala ang luha sa kayang mga mata..

Mabilis nya itong pinahid sabay tayo at diretso sa pinto..

.
Pilit na winaksi sa isipan ang kakulangan sa kanyang pagkatao..

Dire diretso sya sa hagdan at bumaba..

Nasalubong nya si Aling Miding na paakyat din sana..

Nagkagulatan pa sila ng mabait na kasambahay..

"Oh.. Gigisingin na sana kita , kala ko di ka magsisimba eh.. " nakangiting sabi nito..

Napangiti ng kimi si Ekang..

"Wala po ba kayong ipabibili Yaya ?.. " tanong nya.

Umiling ang matanda..

"Koww.. Isama mo na lang ako sa panalangin ha iha?.. Mamaya na ako sasaglit sa simbahan.. Pagtapos ng mga gawain ko dito.. Maiintindihan naman ako ni Papa J eh.. " biro nito..

Natawa si Ekang..

"Papa J talaga ?.. Sige po yaya.. Alis na po ako.. " paalam ni Ekang sabay halik sa pisngi ng matanda..

Palabas na sya ng pinto ng may maalala.

Pumihit sya at hinarap ang mabait na katiwala..

"Uhm.. Yaya.. Si Mama po ?.. " tanong nya.

Napawi ang ngiti ng matanda..

"Kakaalis lang iha.. May lalakarin daw syang importante.. Hindi na nga nag almusal eh. " sabi nito sabay iling..

Napatango tango si Ekang..

"Ah ganon po ba ?.. Sige po.. Alis na po ako.. " sabi nya sabay talikod at labas ng pinto..

Nakaramdam ng matinding awa ang matandang katiwala para sa alaga..

Nakaramdam din sya ng kaunting galit sa mga magulang nito..

"Napakabait na bata ni Dannica, para ganituhin nila.. " malungkot nyang sabi sa sarili..

Wala na syang nagawa kundi ihatid ng tanaw ang dalagita palabas ng bakal na gate..

..

"Eto na naman !.. Iniwan na naman nila tayo !.. " reklamo ni Romeo sa kaibigan si Darius..

Natawa ang binatilyo..

"Sus.. Parang di ka na nasanay sa mga gurang na yon.. Halika na nga , nagugutom na ako eh.. " aya nya sabay tayo..

Napangiwi si Romeo..

"Langya ka talaga.. Kakakain lang natin kanina ng pancakes , tapos gutom ka na naman .?.. Sabi ko na nga ba at may butas yang tyan mo eh.. " biro nito..

Nagtawanan sila..

"San tayo tol ?.. " tanong ni Romeo.

Napaisip si Darius..

"Sarado pa Joweebee.. Dun na lang sa karinderya.. " aya nya..

Tumango si Romeo..

Nilakad nila ang isang malapit na karinderya kung saan medyo suki na rin sila..

Galing silang dalawa sa pagsisimba kasama ang mga magulang..

Pero sa kasamaang palad, iniwan na naman sila ng mga ito para magkanya kanya ng date..

Ayos lang sana..

Kung nag iiwan ng pera.. Pero ni singko ay walang pera ang dalawa..

Bagay na kanina pa nila pinagrereklamo..

"Alam mo tol.. Minsan nagtataka na ako sa parents natin eh.. Parang tuwang tuwa sila na naghihirap tayo.. Kita mo.. Nuong isang linggo.. Ganito din ang ginawa sa atin.. Anong nangyari ?. Kung hindi ka pa hinintuan ng bading na nakakotse.. Malamang na tagaktak ang pawis kahit sa itlog natin ng mga araw na yon.. " litanya ni Romeo..

Napangiwi si Darius..

"Gago.. Ikaw ang hinintuan ang bading na yon .. Wag mo na ngang ipaalala at baka mawala ang gana ko sa pagkain.. " sabi nya..

"Wow.. Hiyang hiya naman ako sa gana mo tol.. Kahit nga sa tabi ng basurahan , kumakain ka eh.. " biro pa ni Romeo..

Muli silang nagtawanan..

..

Mula sa park na pinanggalingan..

Kailangang tumawid nina Romeo at Darius sa kalsada..

Hindi naman mahirap ang gagawin nila..

Maliit lamang ang kalye..

Pero may sakit ang dalawa na hindi kayang alisin ng kahit anong gamot..

Ang pagiging maharot..

Nagtitili ang dalawa habang tumatawid ng mabagal.

"Aaaayyyyyyy.. .Manoonnggggg.. Dahaaan daaahaaannn.. " landi ni Romeo..

Pumailanlang ang mga busina mula sa iba't ibang sasakyan..

Tila naging shooting ng pelikula ang kalye..

Napatingin ang karamihan at di maiwasang matawa sa dalawang binatilyo..

..

Kasalukuyang bumibili ng sampaguita si Ekang ng makarinig ng sunod sunod na busina..

Kahit nakatalikod..

Di nya maiwasang mapangiti.

"Wag naman sanang sila na naman.. " sabi nya sa sarili sabay dahan dahang lumingon..

Nanlaki ang kanyang mga mata..

Napanganga.

Sina Romeo at Darius, tila slow motion ang pagtawid..

Holding hands pa ang mga mokong..

Walang inaksayang oras si Ekang..

"Ate saglit lang po.. May ililigtas lang po akong mga sintu - sinto sa kalye.. " natatawang sabi nya sabay mabilis na nilapitan ang dalawa..

Napahinto sa slow motion sina Romeo at Darius ng makita si Ekang..

"Hi Eks.. " bati ni Romeo..

"Yo !.. " bati ni Darius..

Pinaikot ni Ekang ang eyeballs nya at hinatak ang dalawa.

"Tara na.. Dito pa kayo nagkamustahan sa gitna ng kalye.. Mga abnormal talaga kayo.. " nag galit galitan sya kunwari sabay hatak sa dalawa.

Tila mga batang paslit na sumunod sina Romeo at Darius sa dalagita..

"Ano na namang pakulo yan ha ?.. " taray ni Ekang ng nasa gilid na sila ng bangketa..

Naging tila maamong tupa ang dalawa.

Parang dalawang paslita na walang gagawing masama..

NAtawa si Ekang..

Sa gigil nya..

Di nya maiwasang pingutin ang ilong ni Romeo at Pisngi ni Darius..

"Sa uulitin na maglalaro kayo.. Please lang.. Wag naman yung ganito.. Nakakahiya sa mga nakakakilala sa inyo eh.. " pangaral nya..

Tumango ang dalawa..

Nakangiwi dahil sa higpit ng pagpingot ni Ekang..

"Hmmmm.. San nyo balak pumunta ?.. " tanong nya..

Nagkangitian ang dalawa..

Nanlaki ang mga mata ni Ekang..

"OH no !.. No , no no no no ! .. Don't tell me na inabanduna na naman kayo nina Tito at Tita ?.. " tanong nya..

Dahan dahang tumango ang dalawa.

Napatapik si Ekang sa noo..

"Sabi ko na nga ba.. Ano pa nga ba ang bago.. Kung sira ulo ang mga anak.. Saan pa ba mag mamana ?.. Anyway .. Tara na uwi na tayo.. " sabi nya..

Pero umiling si Darius..

"Gutom ako mami !.. " nagboses bata sya..

Pati si Romeo gumaya..

"Gutom din ako.. " sabi ni Romeo sa boses bata..

Natawa ang mga nakarinig..

Di maiwasang mainis ni Ekang..

"Sige na sige na, nakakahiya kayo.. Saan nyo gustong kumain ?.. Ay sarado pa yung Jollibee eh.. " sabi nya..

Ngumiti ang dalawa..

"Dun !.. " sabay nilang turo sa isang maliit na karinderya..

Napahinto si Ekang..

Di pa nya nararanasang makakain sa mga ganitong lugar..

Nahulaan naman agad ng dalawa ang iniisip ng dalagita kaya natawa sila.

"Malinis dyan Eks.. Di naman kami kakain sa alam naming marumi.. " sabi ni Romeo..

Napatingin si Ekang kay Darius..

Tumango ang binatilyo..

"Gawin na lang natin ang gusto nya.. " pabulong na sabi nito..

Napangiti si Ekang..

"Hmmp.. If I know ikaw ang may gustong kumain don.. " sabi niya..

Natawa si Darius..

..

Ilang saglit pa..

"Anong ulam po ?. " tanong ni Romeo..

Sumagot ang matandang tindera..

"Kayo na naman.. Hala sige at magsi-upo na kayo. " sabi nito..

Napakunot noo si Ekang..

"Kilala kayo ? .. " tanong nya..

Tumango ang dalawa..

"Kahit siguro sinong makakakita sa amin.. Iisipin na artista kame.. Kaya mahirap kaming makalimutan.. " seryosong sabi ni Darius..

Di maintindihan ni Ekang kung matatawa sya o maaangasan..

Pinili nya ang huli..

"Angas mo .. Kala nyo kung sino kayong mga pogi.. " sabi nya.. Pero batid nya na alam na nya ang isasagot ng mga ito.

Tanging ngiti lamang..

.
Tinaas ni Ekang ang mga kamay bilang pagsuko..

"Sige na sige na. Pogi na kung pogi, Order na kayo .. " sabi nya..

Mabilis na tumayo ang dalawa at nagtuturo..

"Manang.. May Creamy Latte kayo ?.. " tanong ni Romeo..

Natawa si Ekang.

"Tangek tol.. Wala yan ... Uhm.. Isang omellette nga po manang.. " banat ni Darius..

Nanatili lamang na tahimik si Manang.

Kinalabit ni Darius si Romeo..

"Englishin mo tol." bulong nya..

Napangisi si Romeo ..

"Ahem ahem, I would like to have your specialty on the house.. Make it for three .. Then, I also would like to have 1 bottle of fresh and cold mountain.. Thank you.. " pagyayabang nya sa tindera..

Di maitago ni Darius at Ekang ang pagtawa..

Nakangisi si Romeo na naupo at tumabi sa dalawa..

..

Ilang saglit pa..

Lumapit si Manang..

Dala ang isang tatlong platito ng adobo..

Napakunot ang noo ng tatlo.

"Eto na yon manang ?.. Wala na ibang ulam ?.. " tanong ni Darius..

Tumikhim si Manang..

"Sorry sir... I thought this young man here would want to have our specialy of the house.. So I present to you my favorite dish, Adobong Manok.. This famous Filipino cuisine that I cooked is undoubtedly delicious.. Cooked gourgeously with an enough amount of fire, and take note.. We used special kind of wood for it's fire.. And the chicken, as you can see, it's soft and tender meat will slowly melt to your tongue.. And for the drinks, ofcourse, 1 bottle of cold and sweet Mountain Dew, as this young man detailed to me earlier.. Is there anything else that I can do for you before you start to eat?.. " dire diretsong sagot niya.

Natulala ang tatlo..

Tila tumigil ang pag-ikot ng mundo..

Hanggang sa makaalis si Manang na nakangisi ..

Ilang segundo ang dumaan bago sila nakarecover..

"S-sa susunod.. Mamahalin ko na ang sarili kong wika.. Di na ako mag eenglish .. " sabi ni Romeo.

Nagkatinginan sila hanggang sa magkatawanan..

..

Sa kabiglaan nila..

Masarap nga ang adobo ni Manang..

Naparami ang kain nilang tatlo..

Unang natapos si Romeo..

Tumayo sya at nag inat..

"Oy san ka pupunta ?.. " tanong ni Tabar..

"Iihi sama ka ?.. " taray ni Romeo..

NAgtawanan sila..

Pero napaisip si Romeo..

"May Cr kaya sila manang?.. Nakakahiya ng magtanong.. Baka biglang mag Spanish naman eh.. Taob na naman ang beauty ko.. " malungkot na sabi nya..

Napabungisngis si Ekang..

"Sige na kase.. Ang angas mo , ayan napala mo.. Hala at magtanong ka na.. " sabi nya..

Alumpihit si Romeo na lumapit sa matandang tindera..

"M-manang. " tanong nya..

Tumingin ito taas ang isang kilay..

"Yes ?.. " sagot nito..

Napangiwi si Romeo.

"Pa Cr po.. " pakiusap nya..

Ngumiti ang matanda..

"From here, go left then. last door.. That's our comfort room.. You have to pay 2 pesos for urinating.. " sabi nito sabay ngiti..

Pinaikot ni Romeo ang mga eyeballs nya ..

"Dapat makilala nyo si Uncle Rigor.. " bulong ni Romeo..

"What ?.. " tanong ng matanda..

"Oh whatevah !.. " sagot ni Romeo..

Bungisngis lang sina Darius at Dannica..

Nagkatinginan sila..

"Ubusin mo na yan Ekang.. " sabi ni Darius..

Tumango ang dalagita..

Sumubo sya ng kanin kasama ang ulam..

Nginuya..

Pero ilang saglit lang..

Napawi ang ngiti nya ng may makagat na kung ano..

Mabilis nya itong nilunok at uminom ng mountain dew..

Nag alala si Darius ..

"Problema?.. " tanong nya..

Ilang segundo pa ang lumipas bago nawala ang anghang sa dila ni Ekang..

"Whhheewww.. Ang anghang.. Nakakagat ako ng paminta.." sabi nya..

Nilabas nya ang dila..

Natawa si Darius..

Ipinagpatuloy ang pagkain..

"Joweebee.. Alisin natin yung pepper.. " sabi ni Ekang sabay inalis ang nakitang paminta..

"Okay lang yan.. " sabi ni Darius..

Umiling si Ekang..

"Bakit kasi kailangang may Paminta pa eh.. Pwede namang wala.. " inis na sabi nya.

Natawa si Darius..

"Alam mo.. Ayon sa kakilala ko.. Kailangan talaga ng mga ganyan para pasarapin ang buhay.. " sabi nya..

Napakunot ang noo ni Ekang..

"Anong kokek ?.. " tanong niya..

Nagpunas si Darius ng bibig at tinitigan si Ekang..

"Ang paminta ay maihahalintulad sa mga trials natin sa buhay.. Kailangan natin ang mga ito para patatagin ang karakter ng ating pagkatao.. Parang paminta.. Kaya sya inilalagay sa adobo ay dahil sa isa sya sa nagpapasarap nito.. Kung aalisin mo yan, malamang na hindi na kasingsarap ng natikman natin ang adobong yan.. Ganyan sa buhay.. Parang ang dull ng buhay natin kapag walang trials.. Walang mga pagsubok na hahasa sa pagkatao natin.. " paliwanag nya..

Napangiti si Ekang sa binatilyo..

"Sino naman daw nagsabi sayo nyan ?.. " tanong nya..

Ngumiti si Darius..

"Itago na lang natin sya sa pangalang, young man.. " biro nya..

Nagtawanan silang dalawa at nagtitigan..

"Uhm.. D-darius.. why ?.. " tanong ni Ekang dahil nakatitig si DArius sa mukha nya..

Nagkibit balikat si Tabar..

"I don't know.. Pero parang ang sarap titigan ng mukha mo. " wala sa loob na sabi nya.

Napalunok si Ekang..

"E-ekang.. " tawag ni Darius..

"J-joweebee ?.. " sagot ni Ekang.

Napalunok din si Darius..

"N-naalala ko lagi yung near kiss natin.. " bulong nya..

Nagulat si Ekang..

Akala nya ay sya lang ang nakakaalala nuon..

Hindi pala..

Pati para si Darius ay di ito nakalimutan..
.

Gumapang ang kilig sa kanyang pagkatao..

Naubo sya para itago ang biglaang pagngiti..

Nakipagtitigan sya kay Darius..

"M-matagal na yon ah.. " sabi ni Ekang..

"K-kahit pa.. Di ko yon makalimutan.. " sagot ni Tabar..

Napalunok si Ekang..

Napansin nya ang unti unting paglapit ng mukha ni Darius..

"T-teka.. Anong gagawin mo ?.. " tanong ni Ekang.

Ngumiti si Darius..

"Itutuloy ko na.. " sabi nya..

Napapikit ng marahan si Ekang..

Bahala na..

"E-ekang.. " bulong ni Darius sabay pikit ng mga mata..

"J-joweebee.. " sagot ni Ekang..

Konting distansya na lang ang kailangan nilang tawirin...

Ng biglang may magsalita..

"Di ko alam kung iiwan ko pa ba kayo sa susunod.. Umihi lang ako, magtutukaan na kayo.. baka dito na rin kayo mag sex.. Mahiya naman kayo kay Manang.. Nakakalibog kayo ah.. " bulong ni Romeo..

Nandilat ang dalawa..

Umahon ang inis..

Parehas nilang piningot ang tenga ni Romeo..

Napangiwi ang binatilyo.

"A-araaayyyy... Manangg.. Helllpppp.." sigaw nya..

Pero di narinig ni Manang ang kanyang panaghoy..

Paglingon ni Romeo ay nakaheadset pala ang matanda..

At nakikinig ng Fliptop..

ITUTULOY !!!