1. Home
  2. Stories
  3. Kwadro Alas Book 2 Ch. 16 - Don't Mess with my Queen..
Lagablab

Kwadro Alas Book 2 Ch. 16 - Don't Mess with my Queen..

By supertoyantz ·

Chapter 16 - Don't Mess with my Queen..

Ang pagtunog ng cellphone ang nagpagising kay Dannica sa umagang iyon..

Agad nya itong kinapa dahil baka kung sino ang tumatawag..

Nasa side table ang cellphone kaya kahit na nakapikit, inabot nya ito gamit ang kaliwang kamay..

.
Ng akmang makukuha na ni Ekang ang phone ay eksaktong nawala din ito..

Duon ay napadilat sya ng mata.

"Don't tell me na ikaw na naman ?.. " nandidilat nyang sabi..

.
Kinuha nya ang phone para tingnan kung sino ang tumawag, pero unregistered number ito.

Agad na nagtext back si Ekang ..

"Who's this ?.. " ang text nya..

Naghintay ng ilang saglit, ng di nakatiis ay sya na ang tumawag dito..

Nakailang ring na rin sya ngunit walang sumasagot..

Kaya asar na binaba ni Ekang ang phone at binalik sa side table.

.
Sinulyapan nya ang alarm clock.

Quarter to four..

Kay agang nambwisit ng kung sino man yon..

Pangatlong araw na nitong nanggugulo..

At talagang bwisit na bwisit na sya..

Sa asar, dinampot ni Ekang ang isang unan nya at itinakip ito sa mukha..

Pinilit na kunin muli ang antok, ngunit naging mailap na ito sa kanya.

Trenta minutos syang nagpagulong gulong sa kama..

"Hay !.. Kainis !.. " gigil nyang sabi sabay baba mula sa kama at dire diretsong pumasok sa banyo..

..

Nakasimangot si Ekang sa loob ng classroom..

Napansin ito ni Krissing kaya ng hindi nakatingin ang kanilang guro ay pasimple nya itong kinalabit..

Pasimple ding lumingon si Ekang..

"Problema mo sis ?.. " tanong ni Krissing..

Napahinga ng malalim ang dalagita..

"Masama lang gising ko sis.. " sabi nya..

Napatango si Krissing..

"You have ?..Parang lagi ka na lang bad mood lately ah. " tanong nya..

Umiling si EKang..

"Wala naman.. Kaso may nambwisit sa akin kaninang madaling araw.. Ang aga ko tuloy nagising tapos di na ako nakatulog.. " sabi nya..

Muling nanunumbalik ang inis na kanina lang ay pilit nyang inaalis sa kanyang sistema..

Nakaramdam si Krissing na bad mood nga ang kaibigan..Kaya nagpasya syang wag na muna itong istorbohin..

..

Lunchbreak.

Kasalukuyang nakapwesto ang kwadro alas kasama na sina Krissing at Ekang sa harap ng classroom nila..

Nagpapasya sila kung saan ba kakain..

"Nakakasawa na sa canteen.. Puro pare parehong mukha ang nakikita ko.. " reklamo ni Romeo.

"Tingnan muna natin kung anong ulam nila tol.. " suggestion ni Darius..

Napaismid sina Rhoi at Aldrin..

"Langya ka.. Di ka naman tumitingin sa ulam eh.. Lahat sayo nakakain eh. " sabi ni Rhoi..

Napabungisngis si Krissing..

Pero nananatiling tahimik si EKang..

Napansin ito ni Tabar kaya pasimple nyang nilapitan ang dalagita..

"Hoy !.. " sita nya..

Napaigtad si Ekang.

"H-hoy !.. " ganting sita nya..

Napakunot noo si Darius..

"May sakit ka ba ?.. " tanong nya.

Nacurious ang lahat.

"Oo nga Eks.. Three days ka ng ganyan ah.. " sabi ni Romeo..

Nanlaki ang mga mata ni Darius..

"OO nga no. Nabilang mo yon pre ?.. " tanong nya.

Napangisi si ROmeo..

"Masyadong madali para sa akin ang obserbahan ang mga taong gumagalaw sa paligid ko.. Lalo na kayo na lagi kong nakakasama.. Kaya alam kong may gumugulo kay EKs.. Sige na ineng.. Pachismis kame.. " biro nya.

Napangiti ng kimi si EKang..

Nilapitan sya ni Krissing at tinitigan.

"Come on sis.. Alam mong higi sa lahat.. Silang apat lang ang makakatulong sa atin sa mga ganitong problema.. Kaya wag ka ng mag pacute pa.. " bulong nya..

Dahan dahang tumango si Ekang at tinitigan ang apat na alas na kasalukuyang seryoso ang mga mukha..

Di nya maiwasang matawa dahil hindi sya sanay sa nakikita nya..

"Ahahaha.. Grabe.. Mukha nyo pa lang tanggal na problema ko.. " sabi nya..

Napasimangot ang apat..

"Ganun na ba ang panahon ngayon ?.. Kung sino yung mga gwapo yun pa ang nakakatawa ?.. " tanong ni Rhoi..

Napangiti silang lahat ng marinig ang malutong na pagtawa ni Ekang kaya sumabay na rin sila..

"BWAHAHAHAHAHAH BWAHAHAHAHAHA.. At isa pang BWAHAHAHAHAHAHAHA... " sigaw ng apat na alas sa buong corridor..

Ng humupa ang tawanan..

Muling inungkat ni Darius ang problema ng kaibigan..

"Ano ba kasi yon ?.. " tanong nya.

Alumpihit na nagkwento si Ekang..

"Ganito kasi yon.. Nung Monday, around 3 to 4 AM in the morning, may anonymous na caller ang tumawag sakin.. Syempre nataranta ako dahil sino ba naman ang tatawag ng ganung oras.. Kokonti lang naman ang nakakaalam ng number ko bukod sa inyo.. Kaya nagtataka ako kung sino yon.. " sabi nya..

Umepal si Darius.

"Teka Ekang.. Wala pa akong number mo.. " sabi nya..

Nagkatitigan sila..

"Oo nga pala.. Wala pa rin pala akong number mo.. " sabi ni Ekang..

Tumango sila sa isa't isa.

.
May biglang naalala si Krissing..

"Teka teka.. " awat nya dahil ang pagkakaalam nya ay naibigay nya na sa kanilang dalawa ang number ng isa't isa.

Napatingin sa kanya ang lahat..

Sumingit si Romeo.

"Ano ba yan, sa lahat ng ayaw ko yung nabibitin ako sa suspense.. Sige na Eks.. Tuloy mo na wento mo basta may wenta ha ?.. Kinikilig na ako eh.. " singit nya..

Natawa ang lahat at binalewala na ang sasabihin ni Krissing..

.
"Yun nga. Three days in a row.. Straight na akong ginugulo ng bwisit na caller na yon.. Kung sino man sya.. " inis nyang sabi..

Napaisip ang lahat..

"San na yung number nya ?.. " tanong ni Darius..

Nilabas ni Ekang ang phone at pinakita ang unregistered number..

"Ayan oh... Smart yan di ba ?.. Eh Globe ako eh. " sabi nya..

Sumagot si Tabar..

"Globe din ako.. " singit nya..

Umepal si Romeo.

"Sun ako... Ang cute no ?.. " biro nya at muli silang nagtawanan.

...

"Dali, anong gagawin natin dyan ?.. Tadtarin ng text ?.. " tanong ni Rhoi..

Napaisip sila..

Tumingin kay Romeo.

..

"Oh baket ?.. " reklamo nya.

Ngumisi ang tatlong alas..

"Anong gagawin natin ?.. " tanong nilang sabay sabay.

Sumimangot si Romeo.. Pero napaisip din sya..

"Hmm.. Hayaan muna natin.. For the meantime.. Off mo muna cp mo Eks bago ka matulog.. " suhestyon nya.

Umiling si EKang..

"Eh kung may emergency ?..Kung magpalit na lang kaya ako ng number ?.. " sabi nya.

Tumango ang ilan..

"Tama .. Change number ka na lang para di ka na nya magulo pa.. " sabi ni Darius...

Sumang ayon ang lahat maliban kay Romeo.

"Nope.. Kailangang mahuli yan.. Mali yung unang sinabi ko Ekang na patayin mo muna Cp mo.. Hayaan natin syang tumawag.. Akong bahala.." sabi nya..

Umangal si Krissing..

"Rom... Baka mapaano si Ekang eh.. Magchange number na lang sya , mas safe yon.. " sabi nya..

Sumingit si Rhoi..

"Tama si Rom.. Niloko nya si Ekang.. So makikipaglokohan tayo sa kanya.. Di pwede yung basta basta na lang syang manloloko ng kapwa.. To think na si Ekang pa.. " gigil na sabi nya.

Tumango si Aldrin..

"Yeah tol.. Turuan natin ng leksyon yan, ang tanong ngayon.. Paano natin malalaman kung sino sya ?.. " tanong nya..

Napatingin sila kay Romeo.

"Akong bahala.. May tatanungin lang akong tao, then babalitaan ko na lang kayo.. For sure dedo yan.. " sabi nya..

Natahimik silang lahat at kahit papaano ay nakampante..

Pero nabasag ang katahimikan ng magreklamo ang sikmura ni Darius.

"Ooopss.. Yung bell ko, tumutunog na.. " biro nya sabay tawa.

...

Kinagabihan..

Nakatanggap si Ekang ng text..

Mula ito kay Romeo..

..

Romeo : Eks, Dito kami sa labas ng subdivision nyo.. Papasok na kami ha ?..

Agad na nagreply si Ekang..

Dannica : Sige sige, wait ko kayo sa gate namin...

..

Agad na nagsuot ng robe si Ekang at pasimpleng sinilip ang kwarto ng ina..

Tahimik ito..

Mukhang natutulog na..

Kaya, dahan dahan syang lumabas ng bahay at hinintay ang mga kaibigan sa tapat ng gate nila..

..

Di naman sya nainip dahil ilang saglit lang at may pumaradang motor..

Pagtingin ni Ekang ay di nya maiwasan ang mamangha..

"P-paano kayo nagkasya dyan ?.. " tanong ni EKang..

Natawa ang Kwadro Alas.

"Ganon talaga.. Anyway, asan na ang phone mo ?.. " tanong ni Darius.

Napapitik si Ekang sa hangin.

"T-teka.. Nasa taas.. Saglit lang.." sabi nya sabay takbo..

Ilang saglit pa..

Bitbit ang phone, binigay nya ito kay Darius.

Binigay naman ni Darius ang phone kay Romeo.

"ANo tol ?.. Sa tingin mo matatrace kaya natin ?.. " tanong ni Aldrin.

Tumango si ROmeo..

"Siguro.. Kapag hindi ay dun tayo sa plan B.. " sabi nya at walang sabi sabing binaklas ang phone ni Ekang..

Nanlaki ang mga mata ni Dannica sa ginawa ng kaibigan..

"Romeo Di Caprio !.. " sigaw nya..

Napangiwi si Romeo ng marinig ang buong pangalan..

Natawa naman ang mga kaibigan nya.

"Wag kang mag aalala Ekang. Alam ni Romeo ang ginagawa nya.. " sabi ni Darius..

Walang nagawa si Ekang kundi ang pagmasdan ang cellphone na kalikutin ni Romeo.

Ilang saglit pa.. Muli ng ibinalik ni Romeo ang phone kay Ekang..

Agad naman itong binawi ng dalagita..

"Ano bang ginawa nyo sa phone ko ?.. " tanong nya

Pero di na sumagot si Romeo at sumakay na sa nag iisang motor..

Sumunod sina ALdrin at Rhoi..

Si Darius ay nagpaalam kay Ekang..

"So paano.. Kapag tumawag ang caller.. Hayaan mo lang.. Kami na ang bahala.. " sabi nya..

Tumango si Ekang at napatitig sya sa mukha ni Tabar..

Tumitig din si Darius sa mukha ni Ekang .

Tila naging romantiko na naman ang paligid sa kanilang dalawa..

Pero binasag ng pag arangkada ng makina ng motor ang magandang background music nila..

Asar na pumihit si Darius at sumakay na sa likod ni Aldrin..

Si Rhoi ang nagmamaneho ng nag iisang motor, sa likod nya si Romeo kasunod si ALdrin at pang huli ay si Darius.

..

Natulala si Ekang kung paano nagkasya ang apat na alas ..

Tanging nagawa na lamang nya ay kumaway ng umandar na ito paalis..

- - -

Alas tres ng madaling araw..

Muli, tumunog ang cellphone ni Ekang..

Pero di na sya nagising dahil nakasilent ito..

Tuloy tuloy na ang tulog nya at pinaubaya na lamang sa kwadro alas ang pagpapasya..

..

Sa classroom..

Agad na binalita ni Ekang sa mga kaibigan na tumawag ng muli ang caller..

Dali dali silang nag-ipon ipon sa isang tabi..

"So, tumawag na naman sya, pero di ko na sinagot kasi nakasilent yung phone ko tulad ng inutos nyo sakin.. " imporma ni Ekang..

Tumango tango si Darius..

"Ekang, akina yung phone mo.. " sabi nya..

Inabot naman agad ni Dannica ang phone nya kay Darius..

Kinalikot ito ng binatilyo..

May kinuhang kung ano..

"Oh Rom, sa tingin mo narecord yung tawag ?.. " tanong nya..

Namangha sina Krissing at Ekang..

"Talaga ?.. Recorder yan ?.. Paano ?.. Pa explain naman sa amin.. " tanong ni Krissia..

Inabot ni Romeo ang maliit na device na kinuha ni Darius mula sa phone ni Ekang..

"Hmm, mukhang sablay tayo mga tol.. " sabi nya..

Nagtaka ang lahat..

"Bakit ?.. Sabi mo gumagana yan ?.. Akala ko kay Uncle Gus yang gadget na yan ?.. Sabi mo yan ang ginagamit kapag may sinusurveilance silang tao ?.. " sunod sunod na tanong ni Darius..

Napangiwi si Romeo..

"O-oo nga.. Pero baliktad ang pagkakalagay ko.. " sabi nya..

Napamulagat ang lahat..

Sinakal ni Darius si Romeo..

"Langya ka !!!.. Andami nating ginawa kahapon tapos babaliktarin mo lang ?.. " gigil na sabi ni Aldrin..

Pinagkukurot nila si Romeo..

Natatawang lumayo ang binatilyo..

.
Napanganga si Ekang.

"Ay ?. So paano yan ?.. Wala pa ring solusyon ?.. " tanong nya..

Napatingin silang lahat kay Romeo..

...

Naguilty ang binatilyo..

Tumalikod sya at inilagay ang kanang kamay sa baba..

Nag isip.

Hanggang sa ilang saglit lang ay napangisi na sya..

"We do it again, pero this time, sa CP ni Krissing.. " sabi ni Romeo..

Nagtaka ang lahat..

Napailing si Krissing at tumanggi..

"Ayaw ko.. Mamaya ako naman ang kulitin nyan, baka marinig ng parents ko tapos ako pa mapagalitan eh.. " pagtanggi nya..

Umiling si Romeo at lumapit.

"No, hindi na natin kailangang umuwi at maghintay na tumawag sya, tayo na ang tatawag sa kanya.. After class, tambay tayo kina Ekang, Okay lang ba sa inyo Eks ?.. " tanong ni Romeo..

Agad na tumango si Dannica..

"Good, so we are settled then, time for the next issue.. Kailangan nating ma solve ito guys kundi mawawala ang future natin.. " dagdag pa ni Romeo.

Nagtaka ang lahat..

"Ano yan tol ?.. May iba pa bang problema ?.. " tanong ni Rhoi..

Nagseryoso si Romeo.

"Malamang kayo wala, pero ako meron, " pa suspense na sabi nya.

Nacurious ang lahat.

"Ano nga kasi ?.. " tanong ni Aldrin..

Nagbago ang ekspresyon ng mukha ni Romeo.

Naging kaawa awa.

"W-wala pa akong assignment sa Filipino at English.. Pakoppyaaaaaa !!!.. " makaawa nya..

Napanganga ang lahat sabay tawa..

..

..

After class, diretso silang lahat sa bahay nina Ekang.

Di nila kasama si Romeo dahil may dadaanan pa daw itong tao na makakatulong sa ginagawa nila..

..

Nagtuloy sila sa malawak nilang hardin kung saan pinakapaboritong spot ng dalagita..

"Sis ang ganda dito.. " humahangang sabi ni Krissing.

Napangiti si Ekang.

"Thanks sis, alaga ko yang mga yan, actually, kay D-dad yan.. " nakaramdam sya ng konting lungkot.

Agad itong napansin ni Darius kaya pasimple syang umeksena..

"Uhmm.. Nasan na yung miryenda ?.. Nagugutom na ako Ekang.. " singit nya.

Natawa ang lahat..

"Tangnang to.. Kelan ka ba huling kumain? .. Parang wala kang kabusugan ah .. " biro ni Rhoi.

Sumingit si Aldrin.

"Ang tanong dapat dyan ay, kelan ka hindi kumain ?.. Malamang na hindi nya kayang sagutan yan ,.. Ahaha. " tatawa tawang sabi nya..

Nagtawanan silang lahat..

..

Matapos ma iserve ang miryenda..

Inungkat na ni Ekang ang issue..

"Oy so paano na to ?.. " tanong ni Dannica.

Natahimik ang lahat..

"Wala pa si Rom.. Ano kayang plano non ?.. " tanong ni Rhoi..

Tumango si ALdrin..

"Alam nyo, nahihiwagaan ako dyan sa kapatid nyong yan eh.. Sanay na sanay trumabahong mag isa, " biro ni Krissing.

Natawa ang tatlong alas..

"Pero aminado ako na napapalagay ang loob ko kapag nandyan lang sa tabi si Rom.. " pag amin ni Ekang..

Nakaramdam ng konting selos si Darius, hindi nya alam kung bakit at kung saan ito nanggaling..

Basta ayaw nya ng ideya na kay Romeo at hindi sa kanya napapanatag ang loob ni Ekang..

Natahimik na lang sya at nag isip kung paano matutulungan ang dalagita..

..

"Ahm, sis, pa CR nga.. " sabi ni Krissing..

Tumango si Ekang..

Tinuro nya ang direksyon ng CR pero umepal si Darius.

"Frome here, lakarin mo yung papunta sa living room then turn left, nandun yung CR sa kitchen.. " sabi nya..

Natawa sina Aldrin at Rhoi..

"Hanep, kabisado ?.. taga dito ka ?.. " pang aasar nila..

Napangisi si Darius..

"Nag live - in na kami ni Ekang eh.. " biglang banat nya..

Nanlaki ang mga mata ni Dannica at pinagkukurot si Darius.

"Anong sinasabi mong live-in ?.. Para saglit ka lang dito ah ?.. " tanong nya.

Natawa si Krissing..

"Sis, samahan mo ko.. " sabi nya..

Agad na tumayo si Ekang at inirapan ang tumatawang mga alas..

Diretso sila sa CR..

"Naks, tama ang sinabi ni Tabar. " tukso nya..

Muli nag init ang mga pisngi ni Ekang.

"Che !, mag cr ka na nga !.. " biro nya sa kaibigan..

Natatawang pumasok si Krissing pero nagpahabol pa ito..

"Ang mga pisngi, parang kamatis, pulang pula na oh.. " tukso pa nya sabay pasok sa banyo..

Natigilan si Ekang at mabilis na naghagilap ng salamin..

Ng makakita ay di nya maiwasang mapangiti ng malawak..

Pulang pula nga ang mga pisngi nya..

..

"Senyorita, may bisita po kayo, yung kaibigan nyo po.. " sabi ng kasambahay na si Cely..

Agad na lumapit si Ekang at nakita nyang tuloy tuloy ng pumasok si Romeo..

"Oy nasan sila ?.. " tanong nito..

Napabungisngis sya ..

"Andun sa garden, hanep ah, dire diretso na lang ah.. " biro nya.

Nagkibit balikat lang si Romeo..

"Ganun din yon, papapasukin pa rin naman ako.. " sabi nya sabay nagpunta sa garden..

Muli syang bumalik sa CR para hintayin si Krissing..

Ilang saglit lang ay lumabas na ito..

Nagkatinginan sila at maiwasang ngumiti sa isa't isa..

..

"Hoy mga unggoy, nandito na ang pinakapogi sa inyo.. " bungad ni Romeo.

Nilapag nya ang isang parang lalagyan ng cellphone..

"Oh ano yan ?.. " tanong ni Rhoi..

"Mas matindi yan, tracker na yan mga tol.. Ninakaw ko sa bahay ni Uncle Gustavo, langyang yon.. Aztig pre, may bago na namang chix sa bahay nila.. " kwento nya..

Natawa ang tatlo..

"Galing ka sa bahay ni Uncle Gus ?.. " tanong ni Aldrin pero nakatikim sya ng batok kay Romeo..

"Boboness, sinabi ko na ngang nagnakaw ako sa bahay nya tapos tatanungin mo kung galing ba ako duon ?.. Where's your brain my brother ?.. " pang aasar nya.

Natawa sila.

"Anyway, ano yan ?.. " tanong ni Darius..

Pinaikot ni Romeo ang mga eyeballs nya tanda ng pagkairita..

"Sinabi ko ng tracker !.. Ano ?.. Ikaw Rhoi ano pang uulitin mo sa mga sinabi ko ?.. " tanong nya kay Rhoi..

Nagtaas ng kamay si Rhoi at tumawa..

"Ahaha.. ganun ang uso ngayon tol, inuulit ang mga tanong kahit na obvious na.. " sabi ni Rhoi sabay tawa.

Natawa na rin sila..

Nilabas ni Romeo ang mga dala nya..

"Eto, sinisingit yan sa ilalim lalagyan ng battery , tapos meron ditong special simcard , ginagamit ito ng military to trace the location of their subject. " paliwanag nya.

Namangha sila..

"Wew, seryoso na to ah, di ba bawal maglabas ng mga ganyang gamit ?.. " tanong ni Rhoi..

Tumango si Romeo.

"Eh bakit may ganyang gamit si Uncle Gustavo ?, di naman sya military , police - detective sya di ba ? " tanong ni Aldrin..

Nagkibit balikat si Romeo..

"Maraming sikretong nasasagasaan si Uncle Gus, malamang na isa ito sa mga sikreto nya, ayaw nga akong sagutin kapag nagtatanong ako kung magkano ang sweldo nya at kung paano nya nasusustentuhan ang kabi kabilang mga chix nya eh.. " biro nya.

Nagtawanan silang apat.

"Seriously, nakakamangha si Uncle Gus minsan, akala mo kung sinong tambay lang sa kanto kapag nakikita ko, pero malupit na detective pala, for sure maraming kontaks yon.. " namamanghang puna ni Darius..

"Actually, apat ang phone ni Uncle Gus, and hindi nya ito kabisado, wala syang kabisang numbers sa amin nina Daddy, ang katwiran nya kasi, kapag nalagay sya sa alanganing sitwasyon, di nya kami maikakanta, which is I found weird kasi bobo talaga sya pagdating sa kantahan and take note yung sakit nya.. " kwento pa ni Romeo..

Tumango ang tatlong alas.

"Makakalimutin si Uncle Gustavo.. " natatawang banat ni Rhoi..

Nagtawanan silang muli..

..

Mula sa banyo, naririnig na nila Krissing at Ekang ang tawanan ng mga alas..

Napapangiti sila sa twing maririnig ang malakas na pagtawa ng mga ito..

Tila walang problema at sarap na sarap sa kwentuhan..

Pasimple silang lumapit at pinagmasdan lamang ang apat na gwapong binatilyo na kaibigan nila..

"Sa tingin mo sis, maswerte ba tayo ?.. " tanong ni Krissing..

Napangiti si Ekang..

"Yeah, alam ko ang tinutukoy mo, and I'm sure na ito ang tingin sa atin ng mga ka-schoolmate natin.. Ang di nila alam, saksakan ng gulo ang mga yan." sabi nya..

Natawa si Krissing.

"Haha, akala nila swerte tayo kasi napapalibutan tayo ng apat na gwapo, pero di nila alam, parusa ito, araw araw kailangan nating magtiis, dapat mas mahaba kesa sa kahapon ang pasensya natin ngayon dahil panigurado, makakaisip sila ng mas malalang trip.. " naiiling na sabi nya..

Nagtawanan sila ng mahina..

Pero natahimik din ng tumahimik ang kwadro alas.
.
..

"Back to our project, yes, tatawagin ko na itong project, Project Hulihin ang rapist.. " sabi ni Romeo..

Pinagbabatukan sya ng mga kapatid nya..

"Gago, rapist agad ?.. Di ba pwedeng manyak lang muna, anyway, sa tingin nyo, ano nga kaya ang purpose ng panggugulo nya ?.. " tanong ni Aldrin..

Napaisip si Darius..

"Well, baka secret admirer lang yan.. " sabi nya..

Napatingin si Romeo kay Darius..

Napangisi..

Napansin ito ni Rhoi at Aldrin kaya napangisi din sila..

"Uhm, bakit mo naman masasabing secret admirer ?.. Di naman maganda si Ekang.. " panunubok ni Romeo..

Napatayo si Darius at hinampas ang kamay sa mesa..

"Sinong nagsabi sa'yo nyan ?.. Bulag ka ba ?.. Ang ganda kaya ni Ekang !.. " paimpit na sigaw nya..

Pero sya din ang napahiya dahil nakangisi lamang sa kanya ang tatlong alas..

"A-ang ibig kong sabihin.. M-may itsura si Ekang, a-ah, I mean, Kasi ano, hindi naman sa nagagandahan ako sa kanya, pero syempre kaibigan natin sya eh.. Tapos ano pa, yung ano.. " wala na syang matapos na sentence sa kadedepensa sa sinabi nya..

..

Sa loob ng bahay..

Natulala si Ekang sa sinabi ni Darius..

Kung di pa sya kurutin ni Krissing ay baka mamaya pa sya matauhan.

"Uyyy , anong nangyari sa inyo nung natulog si Tabar dito ?.. May something ah.. " panunukso ni Krissing.

Naggalit galitan si Ekang pero di nya maitago ang pagngiti kaya sa huli ay sumuko na sya..

"W-wala nga sis eh " pag amin nya.

Napangiti si Ekang..

"Dalawa lang tayong babae sa grupo sis, natural na sa lahat, ikaw ang pinaka close ko, tulad nila, kapatid din ang turing ko sayo.. " bungad ni Krissing..

Nagtaka si Dannica sa tinutungo ng salita nito..

"W-what you mean ?.. " tanong nya.

Ngumiti si Krissia..

"Pwede mong sabihin ang sikreto mo sa akin, well, di naman talaga sya totally na secret, kasi obvious na sa akin nung bata pa tayo.. " sabi pa nya..

Nag-iwas ng tingin si Ekang..

"A-ano bang sinasabi mo ?.. " mahinang tanong nya.

Hinarap ni Krissing si Ekang..

Tinitigan sa mga mata pero nag iiwas ng tingin si Dannica.

"Sis, babae din ako, at matagal na tayong magkasama, since mga kids pa lang tayo.. Kaya alam ko ang nararamdaman mo para kay Darius.. " nakangiting bunyag nya..

Namula ang mga pisngi ni Ekang..

Nais nyang kontrahin ang sinabi nito..

Pero batid nyang magmumukha lamang syang tanga..

Kaya di nya maiwasan ang mapangiti..

"See ?.. I can see it in your eyes my dear sister, you can't deny it anymore, and besides, mas mabuti na yung dalawa tayong nakakaalam, mahirap kasi magtago ng sikreto kapag mag isa ka lang.. Nakakaturete.. " tila may lamang sabi ni Krissing..

Napangiti si Ekang..

Napansin nya ang pasimpleng pagtingin ni Krissing sa kaibigan nilang si Rhoi.

"It looks like double meaning ang sinabi mo sis.. " nakangiting sabi nya..

Tila natauhan si Krissing at nagtaka.

"What you mean ?.. " tanong nya..

Napangiti pa ng mas malawak si Ekang..

"Gusto mo si malunggay ?.. " tanong nya..

Natulala si Krissing..

"A-anong ibig mong sabihin ?.. " tanong nya..

"Uulitin ko, gusto mo si malunggay ?.. " tanong pa ni Ekang ..

Napasimangot si Krissing at nagkandailing..

"Di ko maintindihan ang mga sinasabi mo.. Tara na nga !.. " sabi nya sabay hatak sa kamay ng kaibigan..

Walang nagawa si Ekang kundi sumunod na lamang..

..

Sa garden..

Sa pangunguna ni Romeo..

Pinagplanuhan nila ang gagawin.

"Ready ?.. Tatawag si Krissing, sunod si Rhoi, sunod si Aldrin at panghuli ay si Darius.. Di na natin pwedeng gamitin ang phone ni Ekang since na alam nya ang number nito, malamang na di yun sasagot.. Basta dapat sunod sunod ang ring.. Tig lilimang rings lang kayo, kung sino ang sagutin, sumenyas lang para ma - on ko na agad yung tracker.. Understood ?.. " tanong ni ROmeo..

Tumango ang lahat.

"Anong silbi ng special sim na yan tol ?.. " tanong ni Aldrin..

Ngumiti si Romeo at inabot kay Ekang ang special sim na dala nya..

"Specified sim.. Si Ekang ang last call .. Kapag ang isa sa inyo ay sinagot nya, pilitin nyong pahabain ang conversation sabay tatawag si Ekang sa same number , boom !.. Lalabas ang coordinates nung tinawagan ni Ekang gamit ang sim na binigay ko sa kanya.. Ganun kasimple.. Kailangan kasi nasa ginagamit ng subject ang phone nya para matrace ng tracker natin, kaya kailangan nating makipag usap sa kanya..Kapag hindi naman nya sinagot kahit isa sa inyo, uulit tayo mula kay Krissing hanggang kay Tabar hanggang sa magsawa sya at sagutin or patayin na ang phone nya.. Kapag pinatay nya naman, we do it the next time or the next day.. Kailangang mahuli na yan kasi hindi na biro ang panggugulo nya, hindi na lang basta ordinaryong citizen ang pinili nyang guluhin kundi isa sa mga reyna ng kwadro alas.. " makahulugang pahayag ni Romeo..

Natulala si Ekang ..

"Anong ibig mong sabihin ?.. " tanong nya.

Pero di na sya pinansin ni Romeo at sinimulan na ang proseso...

Unang tumawag si Ekang.

Limang rings bago nya ito tinigil , nag dial agad si Rhoi..

Ganon ng ganon pero hindi sumasagot ang nasa kabilang linya..

Hanggang sa dumating kay Darius..

Nakalimang ring na sya pero wala pa ring sumasagot .

Akmang ibababa na sana nya ang phone ng biglang may magsalita..

"Sino to ?.. " bigkas ng nasa kabilang linya.

Agad na sumenyas si Darius kay Romeo..

Tumango ang kaibigan nya..

"Kausapin mo tol.. " bulong ni ROmeo..

In-on na ang tracker at sinenyasan na si Ekang nag tumawag na rin..

Tumango ang dalagita..

..

Napansin ni Romeo na napahigpit ang paghawak sa phone ni Darius..

Kita nya rin na naggagalawan ang mga muscles sa panga nito tanda ng panggigigil..

Kaya hinawakan nya ang balikat ng kaibigan sabay iling..

"Stay calm, I know what you feel, you love Ekang.. " bulong nya..

Muntik ng mabitawan ni Darius ang phone.

Napabungisngis si Romeo sabay layo at tinabihan si Ekang..

..

"Uhm, pwede ba kay Demetrio Batungbakal ?.. " tanong ni Darius..

Natawa ang iba..

"Sinong Demetrio Batungbakal ?.. Walang Demetrio dito !.. Istorbo !.. " sigaw ng nasa kabilang linya..

Nanggigil si Darius at napatingin sya kay Romeo pero umiling ang kaibigan nya at sumenyas na manatiling kalmado..

Tumango si Darius at huminga ng malalim..

"Ah.. Kaibigan nya kasi ako.. Baka nandyan lang sya , tinatago mo lang ?.. " tanong pa ni Darius.

Gumulong ang ilang minuto at nagtagumpay si Darius na panatilihin ang pakikipag usap sa kabilang linya..

Hanggang sa sumenyas si Romeo na itigil na ang pakikipag - usap.

Huminga ng malalim si Darius..

Di nya napigilan ang gigil kaya..

"Tangna ka !.. Bilang na ang mga araw mo !, kung ako sa'yo , sirain mo na yang simcard mo pati na yang phone mo dahil mamaya lang , nandyan na kame !.. " gigil na sigaw nya.

Binaba nya ang phone at akmang ibabato pero naagapan sya ng tatlong alas..

"Pare, iPhone 3 mo, wag mong ibato.. " pigil ni Aldrin.

"Tama si utol Aldrin, kung ayaw mo, amin na lang.. " awat ni Rhoi.

Natawa na lang sina Krissing at Ekang.

..

"So, confirmed na ang location, sugurin ba natin ?.. " tanong ni Romeo..

Tumango si Aldrin,

Sumang ayon si Rhoi.

Gigil na umoo si Darius.

Napangisi si Romeo.

"Fine, we have to go.. Mag gagabi na oh, manunuod pa ako ng T3 eh .. " sabi nya..

Palabas na sila ng gate nina Ekang ng matigilan si Romeo at mapangisi..

Kinalabit nya si Darius..

"Tol, call our 5th member.. " sabi nya..

Napaisip si Darius sabay ngisi..

Nilabas nya ang phone at tinawagan ang ama..

"Dad, kita po tayo sa labas ng subdivision.. We need joker.. " sabi nya at binaba na ang phone..

Nasa likod sina Ekang at Krissing..

Parehong kinakabahan sa kahihinatnan ng lakad ng mga alas..

"Guys, wag na lang kaya.. Magpapalit na lang ako ng number.. " sabi ni Ekang..

Pero umiling si Darius..

..
Nakaramdam ng kaba si Krissing kaya nilapitan nya ang best friend nya..

"Bes, wag na lang.. Samahan mo na lang ako sa mall.. " pang uuto nya..

Pero umiling si Rhoi...

"Bes, next time na lang.. " tanggi nya..

Naggalit galitan si Krissing.

"Bes !.. " sigaw nya..

Pero nagbago ang ekspresyon ng mukha ni Rhoi..

"It's been decided, we agreed to it.. No one can stop us, even you bes.. You have to understand us, or should I say , you must !.. I cannot leave my brothers alone.. " bulong ni Rhoi ng may diin..

Namangha si Romeo sa isang tabi..

"English lahat ng sinabi nya ?.. " puna nya..

Natulala si KRissing..

Di na nya kilala ang kaibigan..

Napaatras sya ng ilang hakbang sa takot na naramdaman..

..

Lumapit si Ekang kay Romeo..

"Rom, tama na.. Ayos na nga ako eh.. " sabi nya..

Pero umiling ang binatilyo..

"Hindi ako ang may hawak ng huling salita sa mga oras na ito, kundi si Darius, ipinagtatanggol nya ang karapatan mo, kaya wag mo kaming paandaran Ekang.. Marami ng winasak na tahanan, marami ng matang pinaluha, marami ng pusong sinugatan.. T-teka.. Kanta yon ah.. " biro nya para pagaanin ang nararamdaman ng dalawang babae..

Nagtawanan ang lahat sa sinabi ni Romeo....

"We have to go,.. " sabi na lang nya..

Tumango sina Aldrin at Rhoi..

Naglakad na sila palabas ng subdivision pero humabol pa si Krissing at niyakap ang kaibigan..

"Bilisan nyo, samahan mo akong magpa manicure mamaya.. Kailangan mong umuwi !.. Ayaw kong may sugat o kahit anong galos ka !.. " utos nya..

Tumango si Rhoi at binaklas na ang yakap ni Krissing..

Naglakad palayo pero tinapik sya ni Aldrin..

"Tol.. Nanlalaki ang butas ng ilong mo.. Halatang tuwang tuwa ka sa yakap ni Krissing.. " bulong nya at nagtawanan sila ng mahina..

Sumunod na sina Romeo at Darius..

Malayo na sila ng mapansin ni Romeo ang pananahimik ni Tabar.

"Natatae ka tol ?.. " tanong nya..

Natawa si Darius, napailing ay sa isa pang pagkakataon, nilingon nya si Ekang..

"They can't just mess with my Queen.. " bulong nya sabay lumakad palayo..

Natigilan si Romeo..

"Ang taray.. " tanging nasabi nya..

ITUTULOY !!!...