1. Home
  2. Stories
  3. Kwadro Alas Book 2 Ch. 18 - New Friend..
Lagablab

Kwadro Alas Book 2 Ch. 18 - New Friend..

By supertoyantz ·

Chapter 18 - New Friend..

Araw ng sabado, kasalukuyang nasa isang fast food resto si Ekang.

Kumakain syang mag isa habang hinihintay ang susunod na screening ng pelikula..

..

"Dapat talaga inaya ko na si Krissia eh.. " asar na sabi ni Ekang.

Sinubukan nyang tawagan ang kaibigan pero nakapatay ang phone nito..

Hanggang sa maubos ni Ekang ang kinakain..

Sinulyapan nya ang oras sa kanyang cellphone..

5 minutes na lang at magsisimula na ang movie..

Nagkibit balikat na lang sya at nagpasyang manuod mag isa..

..

Di na natapos ni Ekang ang palabas.

Tinamad na sya kaya nagpasya na syang lumabas na lang at mag window shopping..

"Hmm, may bago kaya si Toyantz ?.. " tanong ni Ekang sa sarili ..

Pumasok sya sa National Book Store at tinungo ang isang panig kung saan nakadisplay ang mga gawa ng paboritong author nya..

Pero sa kasamaang palad ay walang nakadisplay..

Nagtaka si Ekang, nilapitan nya ang isang babaeng nag-aayos ng mga libro sa isang shelf..

"Miss, pwede magtanong ?.. " tanong ni Ekang.

Lumingon ang babae at ngumiti..

"Ano po yun Ma'am ?.." magalang na sagot nito..

Ngumiti si Ekang at tinuro ang isang panig..

"Di po ba dun nakadisplay kadalasan yung mga gawa ni Toyantz ?.. yung sikat na writer ?.. bakit parang wala na ata ?.. " tanong nya.

Sinulyapan ng babae ang tinuro nya.

"Ah, si Toyantz po pala, favorite ko rin po yun eh, kaso last week pa po nag out of stock yung mga books nya.. Di ko po alam kung kelan magkakaroon ng display eh.. " sagot nito..

Nakadama ng panghihinayang si Ekang..

"Ganun ba ?.. Sayang naman.. Miss ko na kasing magbasa eh.. Anyway, thank you po.. " sabi nya..

Magalang na tumango ang staff at muling bumalik sa pag aayos ng mga libro..

Nagpasya na si Ekang na lumabas ng NBS at nag ikot ikot ulit..

Abala sya sa pagmamasid ng mga display na damit ng may bumangga sa kanyang lalaki..

Napaatras si Ekang at muntik ng ma-out of balance..

Buti na lang at maagap din ang nakabunggo sa kanya at mabilis syang nasalo.

"Oopss, sorry miss.. " sabi nito.

Gustong magtaray ni Ekang..

Pero magmumukha syang masama dahil nagsorry naman ang lalaki..

Kaya sa halip ay pinili na lamang nyang ngumiti..

"It's okay.. Aksidente naman eh.. " sabi nya..

Tumango ang lalaki..

Natahimik ito.

Napatingin si Ekang sa kanyang mukha..

Nagtataka..

"P-parang nakita na kita.. " sabi ni Ekang..

Napakamot sa batok ang lalaki..

Natawa..

"Yeah, ako yung nabangga mo last two weeks.. Sorry.. Mukhang napapadalas ang banggaan natin.. " biro nito.

Natawa si Ekang.

"Sino ba sa atin ang tanga. ?.. " biro din nya.

Ngumiti ang lalaki..

Lumabas ang pantay pantay na ngipin nito.

"Ako siguro, nakakatanga ka naman kasi.. Ang ganda mo eh.." pambobola ng lalaki.

Nagblush si Ekang..

Nahampas nya ang braso ng lalaki..

"Bolero ka ha, sige mauna na ako.. " paalam nya..

Pero humarang ulit ito..

"Uhm, sorry talaga, ako nga pala si Randy.. " pakilala nito sabay lahad ng palad.

Nagdalawang isip si Ekang.

Tinitigan nya ang palad nitong nakabitin sa ere pagkatapos ay ang nakangiti nitong mukha..

Tinantya kung mapagkakatiwalaan ba ito..

..

Natawa ito at nahihiyang binawi ang kamay.

"S-sorry, gusto ko lang namang makipagkilala .. " sabi nito..

Naguilty naman si Ekang kaya sya nilahad nya din ang palad..

"Sige, I'm Dannica.. " sabi nya..

Ngumiti ang lalaki..

Napakamot sa batok at tila alumpihit na tinanggap ang palad nya..

Nanginginig pa ito..

"Grabe, ang lambot ng palad mo.. " puri ni Randy..

Napangiti si Ekang..

"Thanks, tamad ako eh.. " biro nya..

Nagtawanan sila..

Pasimpleng binawi ni Ekang ang palad nya.

Ngumiti ulit ang lalaki at nginuso ang kalapit na restaurant..

"Chikahan muna tayo, maaga pa naman.. Mag isa lang kasi ako eh, ang boring.. " sabi nito.

Natigilan si Ekang..

Parehas nya ang lalaking ito..

Tinantya nya ang sitwasyon..

Bored din sya at kung uuwi sya sa bahay nila ay siguradong wala syang gagawin kundi ang tumunganga..

Kaya nagpasya syang tanggapin ang alok nito..

"Sige.. Pero saglit lang ha.. " sabi ni Ekang.

"YES !.. " sigaw ni Randy sanhi para pagtinginan sila ng mga tao.

Natawa si Ekang at nagpauna na sa resto..

..

Ilang saglit pa..

Masaya silang nagkukuwentuhan..

Pero biglang natahimik ang lalaki at tila nalungkot..

Nagtaka si Ekang..

"Hey, what happened ?.. Ayaw mo na ba akong kausap ?.. Uwi na ako .. " sabi nya..

Umiling ang lalaki..

"Nope, ang saya mo nga kasama eh, pero may kasalanan ako sayo.. Sana mapatawad mo ako.. " sabi ni Randy..

Nagtaka si Ekang..

"Kakikilala pa lang natin may kasalanan ka na agad ?.. " tanong nya..

Lalong nalungkot ang mukha ng lalaki..

"S-sorry talaga.. Pero habang nag uusap tayo, lalo kong napatunayan na mabait ka at down to earth.. Kaya nakakakunsensya kapag di ako umamin sayo.. " sabi ni Randy..

Kumunot ang noo ni Ekang..

"Di ko gusto ang tinatakbo ng mga sinasabi mo.. It seems na kilala mo na ako dati pa.. " nakataas ang isang kilay na tanong nya..

Tumango ang lalaki..

Naningkit ang mga mata ni Ekang at akmang tatayo pero nagmakaawa si Randy..

"Please, alam ko magagalit ka.. Pero pakinggan mo na muna sana ako, then after ng mga sasabihin ko, you are free to go.. Gusto ko lang talang mag confess sayo ng kasalanan ko.. " sabi nya.

Napaisip si Ekang..

Nacucurious sya kung ano ang sinasabi nitong kasalanan..

"Bakit ba ?.. Ano ba yon ?.. " tanong niya..

Huminga ng malalim si Randy..

Tumitig sya sa mga mata ni Ekang..

"A-ako yung prank caller mo.. " pag amin nito..

Nanlaki ang mga mata ni Ekang..

Di sya makapaniwalang nasa harap na nya ngayon ang sanhi ng ilang araw na pagkapuyat nya..

Natulala sya..

..

"D-dannica.. " tawag ni Randy.

Tumayo si Ekang..

At walang sabi sabing pinagpapalo ng bag ang kaharap.

Napatingin ang mga tao.

Pero di ito pinansin ni Ekang..

GIgil nyang pinaghahampas ang binata..

Hanggang sa mapagod sya at naglakad patungo sa pinto..

..

Nataranta si Randy.

Mabilis nyang binayaran ang kinain nila at sinundan ang dalagita..

"D-dannica.. " tawag nya..

Lumingon si Ekang na nanlilisik ang mga mata..

"Don't follow me or I'll scream !.. " banta nya..

Natigilan si Randy.

Huminto sya sa pagsunod sa dalagita.

Wala syang magawa kundi panuorin na lang itong maglakad palayo.

..

Lumipas ang ilang araw..

Muling namasyal mag-isa si Ekang..

Abala sya sa pag usisa sa mga bagong labas na damit ng biglang may pumainlanlang na musika sa paligid..

Di ito pinansin ni Ekang at tuloy lang sya sa pagmamasid ..

Ng biglang may magsalita..

"Dannica, I hope mapatawad mo pa ako.. " sabi ng boses..

Natigilan si Ekang ng marinig ang pangalan..

Napapikit sya ng mariin at nanalangin na sana ay hindi sya ang nabanggit..

"Dannica, please, humarap ka.. " makaawa ng lalaki..

Napadilat ng mga mata si Ekang..

"Noo.. " bulong nya.

Huminga muna sya ng malalim bago dahan dahang pumihit.

Para lamang mapanganga dahil nasa likod nya si Randy at nakaluhod..

May hawak itong bulaklak at plakard na may nakalagay na "I'm Sorry.. "

Nanlaki ang mga mata ni Ekang.

Nilibot nya ang mga mata sa paligid..

Pinagtitinginan na sila..

Mabilis syang nag isip..

..

Nanliit sya sa hiya..

Kailangan nyang makalayo..

Pero muling nagsalita si Randy.

"Patawarin mo na ako.. " sabi nito..

Naghiyawan ang mga tao.

Lalong nahiya si Ekang..

Di sya ganuon kasama para pabayaan na lang ang binata..

Kaya kahit labag sa loob nya..

Lumapit sya dito ..

Mabilis na tumayo si Randy at pinagpag ang pantalon..

Inabot nito ang bulaklak na dala..

ALumpihit na tinanggap ni Ekang ang bulaklak at pinilit ang sariling ngumiti..

"Anong kalokohan ito Randy ?.. " gigil na tanong ni Ekang pero nakangiti sya..

Ngumiti ang mokong.

Tila nahuhulaan na hindi sya makakapalag sa ganitong sitwasyon..

Sinamantala nya ang sitwasyon at inakbayan ang dalagita..

"Bati na tayo ha ?.. " lakas loob na sabi ni Randy..

Naghiyawan ang mga tao..

Lalong nag ngitngit si Ekang..

Ayaw nyang ipahiya ang binata kaya hinayaan nya ang pag akbay nito..

Pasimple syang lumayo sa mga tao..

Sumunod si Randy..

"Dannica.. wait naman.. " sabi nito.

Lumabas ng mall si EKang..

Dire diretso sa daan at mabilis na pumara ng taxi..

Hinintuan naman sya agad ng isa at mabilis na pumasok sa loob..

Pero mabilis din si Randy na nakasunod..

"Sa park manong.. " sabi ni Randy..

Tumango ang driver pero tumingin muna ito sa salamin..

Kunot noong nagtanong si Randy.

"Problema manong ?.. " maangas na tanong nya.

Ngumisi ang driver at umiling.

Pinaandar na nito ang sasakyan..

Tahimik lamang si Ekang ..

Pilit syang lumayo sa binata..

Nagpapasalamat at di naman ito lumapit sa kanya..

..

Ilang sandali ay nasa park na sila..

Mabilis na bumaba si Ekang..

Agad na binayaran ni Randy ang taxi at sumunod sa dalagita..

..

"Dannica wait.. " sigaw nya..

Humarap ang dalagita at biglang hinagis sa mukha ng binata ang bulaklak..

"Ang kapal ng mukha mo !.. Sino ka para ipahiya ako ng ganon ?.. " singhal nya..

Nagtila maamong tupa si Randy..

Lumungkot ang anyo nito ..

"S-sorry, di ko lang talaga alam kung paano ako hihingi ng sorry sayo.. Sana mapatawad mo ako.. " sabi niya..

Naningkit ang mga mata ni Ekang..

"Uuwi na ako.. At wag kang susunod !.. " sigaw nya..

Nataranta si Randy..

Humarang sya at muling lumuhod..

"Please !.. Kahit saglit lang.. Sana pakinggan mo kung bakit ko nagawa yon .. " sabi nya..

Nagdalawang isip si Ekang..

Gusto nyang marinig ang nais sabihin ng kaharap..

Kaya nagpasya syang maupo sa isang bench..

..

Napangisi si Randy..

Sa isip ay mabilis na gumagawa ng kwento para paniwalain ang dalagita..

Tumabi sya dito pero sinikap nyang panatilihin ang distansya..

Ayaw nyang matakot ang babae..

Kailangan nyang maging mabait..

..

"Bilisan mo ang pagkwento at gusto ko ng umuwi.. " pagtataray ni Ekang..

Napatango si Randy..

"Okay, unang una gusto ko ulit humingi ng tawad sa nagawa ko, alam kong mali pero di ko mapigilan eh, mula ng makita kita sa mall nung magkabangga tayo, di na ako napalagay.. Sorry talaga.. " sabi nya at naglungkot lungkutan.

Tahimik lang si Ekang.

"You see, nahulog mo ito.. " sabi ni Randy at inabot ang notebook..

Nanlaki ang mga mata ni Ekang at mabilis na inagaw ang gamit.

"Akin to ah !.. Na sayo pala to .. " taray nya..

Tumango si Randy.

"Yeah, ako ang nakapulot.. Nalaglag mo yan nung magbangga tayo nuon, di naman kita nahabol kasi ang bilis mong maglakad.. SOrry talaga.." sabi nya sabay yuko..

Natahimik si Ekang..

Sinilid nya sa bag ang notebook nya at muling nakinig..

"D-di kasi kita makalimutan eh, kaya tinawagan kita.. Sorry kung ganuong oras ako tumatawag, di ko alam kung ano ang pumasok sa isip ko.. Pasensya na talaga.. Sana mapatawad mo ako.. " sabi ni Randy..

Tahimik na tumango si Ekang..

"Pinapatawad na kita.. Wag mo na lang uulitin kasi malaking perswisyo ang ginawa mo sa akin.. " sabi nya..

Tumango si Randy.. Nakaramdam ng pagbubunyi.

"K-kamukha mo talaga sya.. " bulong nya.

Napatingin si Ekang..

Nagtama ang mga mata nila ng binata.

"Sino ?.. " tanong nya..

Ngumiti ng malungkot si Randy..

Tumingin sya sa malayo.

"Hoy !.. Sinong kamukha ko.. " pangungulit ni Ekang.

Ngumiti ang binata..

"Ang lola ko.. Kahawig mo, favorite ko kasi si Lola, may picture sya sa amin nuong dalaga pa sya.. Tulad mo, maganda din sya.. " sabi nya.

Nagblush si Ekang.

"B-bolero ka talaga... " tanging nasabi nya..

Umiling ang binata.

"Ewan ko, yun siguro ang dahilan kung bakit parang nahahatak akong titigan ka.. Pero nangangamba naman akong mailang ka kaya pasimple lang akong tumititig sayo.. Pero ewan ko ba.. Di ko mapigilan eh, lagi kong tinitigan ang picture mo dyan.. Nangangarap na sana , magkita tayo at magkausap .. " sabi pa nya.

Natouch si Ekang..

Mukhang mabait naman pala ang lalaking ito..

..

Tumagal ang pag uusap nina Randy at Dannica.

Nag enjoy si Ekang sa pagsama nya sa binata ..

Pakiramdam nya ay nagkaroon sya ng bagong kaibigan..

Inabot sila ng gabi sa park at nagpasya silang kumain sa isang fast food.

Duon nila tinuloy ang pag uusap..

Hanggang sa ihatid sya nito sa harap ng subdivision nila..

"Dito na lang ako Randy.. Salamat. " sabi ni Ekang..

Ngumiti ang binata..

"Ayaw mong ihatid kita hanggang sa loob ?.. Nakakahiya naman kung dito lang kita ihahatid no, baka malayo pa ang bahay nyo.. Maglalakad ka pang mag isa, kita mong gabi na eh.. " nag aalalang sabi ni Randy..

Napabungisngis si Ekang..

"Ito naman, safe dyan sa loob no, tsaka malapit lang bahay namin .. Don't worry.. " sabi nya..

Ngumiti si Randy..

"Sige, salamat talaga sa pang unawa mo.. " sabi nya.

Tumango si Ekang.

"It's okay, kung maayos lang sana ang naging approach mo.. Di sana di na tayo umabot sa ganito.. Salamat din sa oras at panlilibre.. " biro nya.

Natawa sila pareho..

"Sige pasok ka... " sabi ni Randy.

Tumango si Ekang..

"Ingat ka sa pag uwi.. " sabi nya sabay talikod..

Tumalikod na rin si Randy pero bigla syang humarap at tinawag ang dalagita.

"Dannica, uhm.. Favor naman oh.. " sabi nya..

Napalingon si EKang..

"Ano yon ?.. " tanong nya..

Alumpihit na ngumiti si Randy ..Napakamot sya sa batok..

"Uhm, p-pwede ko bang makuha ang number mo ?.. Wag kang mag alala, di na ako tatawag ng alanganing oras .. Promise !.. " nilagay pa nya ang kamay sa dibdib..

Napaisip si Ekang.

..

"Sige.. Pwede naman, pero wag mo ng uulitin yung ginawa mo ha ?.. " nakangiting sabi nya at sinabi ang number..

Natuwa si Randy..

"Promise !.. Salamat talaga.. Sige uwi na ko.. Text kita pag uwi ko ha ?.. " sabi nya.

Tumango si Ekang.

Pinagmasdan nyang maglakad palayo ang binata..

Pero natawa sya ng biglang tumalon ito at magsisigaw..

"Yoohoo !. bati na kame !.. ang bait nya !!.. " sigaw ni Randy.

Natawa si Ekang at naiiling na pumasok sa loob ng subdivision..

Napangiti sya ng makitang nakangiti din ang mga guard..

..

Lumakad palayo si Randy at pumara ng taxi..

Sinabi ang isang direksyon.

Di pa sya uuwi..

Pupunta muna sya sa tambayan nilang bar at ipagyayabang sa mga kaibigan ang nagawa nya.

Bati na sila ni Dannica..

Sa wakas..

"Sabi na, wala paring makakatakas sa karisma ko.. Humanda ka Dannica, uubusin ko ang yaman nyo.. " sabi nya sa sarili.

Ang ngiti ay napalitan ng ngisi..

Ngising demonyo ..

ITUTULOY !!!..