1. Home
  2. Stories
  3. Kwadro Alas Book 2 Ch. 19 - Cold War
Lagablab

Kwadro Alas Book 2 Ch. 19 - Cold War

By supertoyantz ·

Chapter 19 - Cold War

Maganda ang gising ni Ekang..

Kagabi ay katext nya si Randy at masasabi nya sa sarili na hindi naman ito masamang tao.

Hinagilap nya ang cellphone para tingnan sana kung anong oras na pero napangiti sya ng makita ang 4 na messages galing sa iisang tao.

Kay Randy lahat..

Mabilis nya itong binuksan at binasa..

Puro "Good Morning Pretty" lang ang nakalagay..

Aaminin ni Ekang na natotouch sya sa effort na pinapakita ng binata para maging okay sila at siguro ay makalimutan nya ang ginawa nito..

Aminado sya sa sarili na wala na sa kanya ang bagay na iyon..

..

Naisip ni Ekang na batiin din ng "Good Morning" si Randy bago sana maligo..

Pero ilang sandali lang ay muling tumunog ang phone nya at pagtingin nya ay pangalan ng binata ang nakalagay..

Di na lang ito pinansin ni Ekang at nagtuloy na sya sa banyo..

..

Sa eskwelahan..

Tuloy lang na gumulong ang klase.

Normal na araw iyon para kina Darius at sa mga barkada nya..

Pero kanina pa sya may napapansin..

Kada may pagkakataon ay nakikita nyang nagtetext si Ekang..

Nagtataka sya..

Sino kaya ang katext ng dalagita ?..

..

Lumipas ang mga oras.

Lunch time..

Kasalukuyan silang nagtatalo kung saan magandang kumain..

"Sabi ko nga sa inyo, joweebee na lang eh.. " sabi ni Ekang..

Tumango si Darius ..

"Well, kahit saan naman ako eh.. " sabi nya..

Natawa silang lahat..

"Alam na namin tol, di mo na kailangang ipagdiinan pa.. " sabi ni Rhoi.

..

"Ayaw ko.. " tanggi ni Romeo..

Napatingin ang lahat sa kanya..

"Problema mo ?.. di naman ikaw ang nagbabayad sa kinakain mo eh.. " sabi ni Darius..

Nagdirty finger si Romeo sa kaibigan..

"Ayaw ko nga sa fastfood.. Di ako nabubusog, nakakatatlong rice na ako pero bitin pa rin, sa turo turo na lang tayo.. " aya nya..

Napaisip ang lahat..

"Tangek, malayo pa yung karinderya dito, kung lalakarin lang natin malamang na konti na lang oras natin, malalate tayo sa next subject.. " sabi ni Rhoi..

Sumimangot si Romeo..

"Bahala kayo.. Di naman ako magbabayad eh.. " sabi nya..

Nagtawanan ang mga kaibigan nya.

Naglakad na sila palabas ng school..

Nang biglang mag ring ang phone ni Ekang..

"Kanina pa kita napapansin sis ah, mukhang busying busy ka sa katext mo.. " tukso ni Krissing..

Napangiti si Ekang..

"Oo nga eh, ang kulit kasi.. Ay guys !.. May sasabihin pala ako sa inyo.. " sabi ng dalagita..

Pero bago pa iyon ay may tumawag na sa pangalan nya..

"Dannica !.. " sigaw ng boses..

Napatingin ang kwadro alas pati ang dalawang babae..

Agad na nag iba ang aura ng apat ng makita nila si Randy kasama ang mga barkada nito..

..

Mula sa malayo ay nakita din ni Randy ang apat na lalaking kasama ni Dannica..

Nakaramdam sya ng kaba, nakalimutan nya na ang apat na ito..

..

Nagkatinginan ang kwadro alas..

Hanggang sa mapatingin sila kay Ekang..

"What's the meaning of this ?.. " tanong ni Darius..

Napayuko si Ekang..

Nuon nya naalala na sinugod nga pala ng mga kaibigan nya si Randy para kumprontahin sa ginagawa nitong panggugulo..

Nawala sa isip nya ang alitan ng mga kaibigan sa bagong kaibigan..

..

Di makalapit si Randy ..

Natatakot sya sa apat na lalaking kasama ni Dannica lalo na sa chubby na katabi nito..

Aaminin nyang naiinis sya sa apat..

Pero wala naman syang magawa dahil siguradong mapapasama ang tingin ni Dannica sa kanya oras na makipag away sya sa mga ito..

...

Tumikhim si Romeo.

"Di ko alam kung anong nangyari .. Pero mukhang naging magkaibigan na kayo ng isang yan Ekang.. " seryosong sabi nya..

Natahimik lalo si Ekang..

Tumingin si Tabar sa kanya pero di nya ito matingnan..

"Ano ba to Ekang ?... Bakit nandito yan ?.. Totoo bang kaibigan mo sya ?.. " mahinang tanong nya..

Alumpihit na napatango si Ekang..

"Wow !.. Di nasayang lang pala yung pinagpaguran natin ?.. " tanong ni Aldrin..

Tahimik lang si Dannica..

Nakaramdam ng tensyon si Krissing kaya dali dali syang sumaklolo sa kaibigan..

"Hey hey , don't be like that.. Siguro naman maipapaliwanag ito sa atin ni Dannica, wag nyo syang ganyanin.." awat nya..

Tumango si Romeo..

"Nagugutom na ako.. Tara na.. " aya nya at nagpauna na sa paglakad..

Sumunod si Rhoi at Aldrin..

Napatiim ang bagang ni Tabar at sumunod sa mga kaibigan nya..

Dinaanan nila ang barkada ni Randy ..

Napayuko lamang ang binata..

Huminto si Romeo at hinintay ang mga barkada nya..

Di sya nakatiis na magparinig..

"Di ko alam kung anong niluluto mo boy, pero binabalaan kita.. Di mo kami kilala.. " bulong nya..

Dumaan si Aldrin at pasimpleng binangga si Randy..

"Nagkakamali ka ng barkadang lolokohin mo iho, hindi mo alam ang pinapasok mo.. " bulong din nya..

Lumampas si Aldrin at sumunod si Rhoi..

Tinitigan nya mula ulo hanggang paa si Randy..

"Kahit siguro magpanggap na kaibigan mo ay hindi namin kayang gawin, mabigat ang dugo ko sa'yo.. Kaya dumista distansya ka.. " banta nya.

Di pa sya natatapos sa pagsasalita ay nakalapit na si Darius at dinikitan si Randy..

Kinwelyuhan nya ito sa gigil nya..

Nagsilapitan ang mga kaibigan ni Randy pero di sila nakaporma ng lumapit din sina Romeo at Aldrin..

"Di ko kayang magpanggap na mabait pagdating sa'yo.. Alang alang kay Ekang, di ka masasaktan.. Ligtas ka kapag nakikita ka nya, pero mag-ingat ka kapag nakatalikod na sya.. " sabi nya at sinalya si Randy sa mga barkada nito..

Dire diretsong tumawid si Darius patungo sa kabilang kalye..

Sumunod ang tatlong alas sa kanya..

..

Nahihiyang lumapit si Ekang kina Randy..

"P-pasensya ka na.. " sabi nya..

Galit man, pinilit ni Randy na pakalmahin ang sarili..

Kailangan nyang magpanggap na mabait sa harap ni Dannica para makuha nya ang loob nito..

Ngumiti sya ng matamis..

"No it's okay, ayos lang yon.. I understand them naman.. " sabi nya..

Ngumiti sya kay Krissing pero inirapan lang sya ng dalagita..

Asar na napatiim bagang lang si Randy.

"Kakain kasi kame.. " sabi ni Ekang..

Tumango si Randy at muling ngumiti..

"Tamang tama, di pa kami kumakain, sasabay na kami sa inyo, yun ay kung okay lang .. " sabi nya..

Naramdaman ni Ekang ang marahang pagpisil ni Krissing sa kamay nya..

Tiningnan nya ang kaibigan..

Nakangiti ito bagama't alam nyang hindi ito totoong masaya..

Nalungkot si Ekang..

Sinulyapan nya si Randy at marahang umiling..

"Maybe next time, mainit pa ang tropa eh.. Siguro naman naiintindihan mo .. " sabi nya..

Agad na tumango si Randy..

Ngumiti sya sa dalagita..

"Oh no it's okay, sige na .. 12 : 30 na oh.. Go.. Don't mind me.. " nakangiting sabi nya..

Ngumiti din si Ekang at nagpaalam na sa binatilyo bago sabay silang tumawid ni Ekang..

..

Hinatid ng tingin ni Randy ang dalagita.

Tinapik sya ng isang kasama sa balikat..

"Sino yung mga kasama ng bebot mo ?.. Akala ko ba syota mo na yon pare ?.. " tanong nito.

Nagtawanan ang mga kasama nya..

Naasar si Randy.

"Wala yon.. Mga asungot lang yung apat na yun.. " sabi nya.

"Maganda din yung kasama nya ha.. Akin na lang yun.. " sabi pa ng isa..

Ngumisi si Randy..

"Ah yun ba ?.. Ngayon ko lang nakita yon, pero tama ka , maganda nga... Pero di natin alam kung boyfriend nya yung isa dun sa apat na asungot.. " sabi nya..

Natawa ito..

"Pakelam ko kung may boyfriend ?.. Nagpigil lang ako kanina nung kwelyuhan ka eh, susuntukin ko na sana yung mataba.. Pero bakit di ka pumalag ?.. " tanong nito.

Napaubo si Randy..

Di alam ng mga barkada nyang ito ang ginawang pagsugod ng apat ..

At hindi nya sasabihin sa mga ito dahil siguradong uulanin sya ng asar..

"Yaan mo na, nagpapaimpress ako eh.. Kunwari mabait ako.. " nakangising sabi nya.

Nagtawanan sila..

"Basta siguraduhin mong magkakapera tayo dyan ha.. Pero mukha namang mayaman, ang kinis ng kutis eh.. " biro ng isa..

Napangisi si Randy..

"Akin yon, sa inyo na yung isang mataray.. " sabi nya..

Muli silang nagtawanan..

...

Tahimik ang buong grupo sa kalagitnaan ng pagkain..

Naguguilty si Ekang kaya nagpasya syang basagin ang katahimikan..

"Guys, I want to say sorry.. " sabi nya.

Natawa ng sarkastiko si Darius.

"For what ?.. For making us fools ?.. Sinugod namin yung eskwelahan ng mokong na yon para iganti ka, knowing na maaari kaming masaktan.. Then this ?.. Magkaibigan pala kayo ? .. Wow Ekang !. " di nakatiis na bulalas nya..

Napayuko si Ekang.

Aminado sya sa nagawa..

Pero naisip nya na hindi naman tamang magalit ng husto kay Randy..

Nilabanan nya ng titigan si Darius..

"Anong gusto mong gawin ko ?.. Nakipag kaibigan yung tao, nag sorry naman na sya, hindi ako ganun kasama Joweebee para hindi sya patawarin.. " katwiran nya..

Napatayo si Darius sa inis..

"Pero bakit ni hindi mo man lang sinabi sa amin ?.. FYI lang Ekang !, nagmukha lang naman kaming tanga oh .. " gigil na sabi nya..

Nagitla si Ekang sa taas ng boses ni Darius.

Pero di sya nagpatalo.

Napatayo din sya at nakipagsukatan ng titig dito.

"Sorry nga di ba ?.. Ginusto ko bang magmukha kayong tanga ?.. Anong gusto mong gawin ko ?.. Gusto mo pang lumuhod ako dito ?.. Stretch my arms and beg ?.. " sarkastikong sabi nya.

Nagpanic si Krissing ay hinawakan si Ekang.

Maging si Rhoi at Aldrin ay inawat si Darius.

"Tol si Ekang yan.. " bulong ni Rhoi..

Pero ayaw paawat ni Darius..

"Wow !, ikaw pa ngayon ang galit !.. Hiyang hiya naman kami sa friendship nyo ng Randy na yon Ekang !.. " sabi nya..

Napapatingin na ang mga taong kumakain kasabay nila.

Tinapik ni Krising si Romeo na patuloy lang sa pagkain na tila may sariling mundo..

"Hoy !, nag aaway na sila !.. " untag nya sa binata..

Ngumisi lang si Romeo at sumubo ng fries..

Di sya nakialam at nagpatuloy sa pagkain.

..

"Ano bang pinagpuputok ng butsi mo ?.. Ayos na naman sa kanila oh !, but it looks like na hindi ka maka move on .. Nag sorry na nga ako eh.. Ano pa ba ang gusto mong gawin ko ?.. " naiiyak na sabi ni Ekang..

Nanghihinang napaupo si Ekang at tinakpan ng mga kamay ang mukha nya..

..

Kinalabit ni Aldrin si Romeo..

"Tol, tangna mo.. Kumakain ka pa kita mo ng nag aaway na yung dalawa oh. " sabi nya..

Nanlaki ang mga mata ni Romeo at sumipsip ng coke..

"Hoy nag aaway kayo ?.. " gulat na tanong nya.

Nakatikim sya ng dagok sa mga kaibigan.

"Hayup ka, halos mapatid na nga yung litid ni Ekang kakasigaw tapos magtatanong ka kung nag aaway ba sila ?.. " asar na tanong ni Rhoi.

Natawa si Romeo..

"Eh sa nagugutom na ako eh, ayaw kong maging bastos sa harap ng pagkain.. Kung may alitan man kayong dalawa, sana mamaya nyo na lang yan pinag usapan o di kaya ay lumabas kayo.. " pangaral nya.

Natahimik ang lahat..

Sumubo si Romeo ng fries at tiningnan ang kaibigan si Ekang..

"We're not against sa ginawa mo Eks, ang amin lang, sana pinaalam mo agad nuong nagkaroon pa lang ng communication sa pagitan nyo ng Randy na yon, to tell you frankly, di ko vibes ang isang yon.. Pero syempre labas na dito ang opinyon ko dahil wala akong pakialam sa kanya.. Ang concern ko ay sa inyong dalawa ni Tabar.. " litanya nya..

Tiningnan ni Romeo si Darius..

"Ikaw naman, baka kulang pa yung ginawa mong pagsigaw sa kanya sa harap namin at sa harap ng ibang tao ?.. Gusto mo pa bang dagdagan ?.. " tanong ni Romeo.

Napayuko si Tabar..

"S-sorry Ekang.. " sabi nya..

Napalunok si Dannica at tinanggap ang sorry ni Darius..

"S-sorry din , sorry talaga.. " sabi nya..

Pero di sila nagtitinginan.

Natawa si Romeo at hinarap ang mga kaibigan..

"Kayo naman, nagpanic na agad kayo eh LQ lang yan.. Masanay na kayo.. " banat nya at muling pinagpatuloy ang pagkain..

Natawa din sina Aldrin at Rhoi pati na si Krissia..

Pero hindi nakuhang tumawa nina Darius at Dannica.

..

Natapos ang pagkain at muli na silang bumalik sa classroom..

Tuloy na gumulong ang klase..

Pero kapansin pansin ang hindi pag papansinan nina Tabar at Ekang.

Nag alala si Krissing pero inawat sya ni Rhoi at sinabing hayaan na lang ang dalawa na lumutas sa kung anu mang problema nila..

..

Lumipas ang mga araw..

Patuloy ang dalawa sa di pagpapansinan.

Tahimik lamang silang nakiki ride on sa barkada pero kapag naiiwan silang dalawa ay hindi sila nagsasalita..

...

Masakit kay Ekang ang mga nangyayari..

Nasa kwarto sya at yakap ang isang unan habang iniisip kung ano na ba ang nagaganap sa pagitan nila ni Tabar..

Di na nya kaya..

Gusto na nyang sumuko pero pride ang nangingibabaw..

Wala naman syang maisip na solidong dahilan kung bakit di sya pinapansin ni Darius..

Ayaw naman nyang sya ang unang pumasin dahil nahihiya syang magpakumbaba..

Kaya heto sya ngayon..

Malungkot at nag iisa na naman.

Biglang nagring ang phone nya..

Pagtingin nya ay pangalan ni Randy ang tumatawag..

"Ikaw ang dahilan kung bakit kami nag away ni joweebee.. " inis na pinatay ni Ekang ang phone..

Nahiga sya sa kama at niyakap ng mahigpit ang unan..

Mariing pinikit ang mga mata.

"I miss you joweebee.. " bulong nya..

Di pinigil ni Ekang ang mga luhang kanina pa gustong umagos palabas sa kanyang mga mata..

...

Di rin makatulog ng mga oras na iyon si Darius..

Kanina pa sya pagulong gulong sa kama.

Iniisip nya ang sitwasyon nila ni Ekang..

Ayaw man nyang aminin pero miss na miss na nya ang tawa at bungisngis ng dalagita..

..

Inis na bumangon si Darius at kinuha ang cellphone.

Dinial nya ang number ng kaibigan si Romeo pero sa huli ay nagpasya syang wag na lang ito istorbohin..

Muli syang bumalik sa kama at nahiga.

Yakap ang isang unan at iniisip itong si Ekang..

"Sorry na Ekang.. Nagseselos kasi ako.. " sabi nya pero nanlaki ang mga mata nya dahil nagulat sya sa nabitawang salita..

Inis na tinakpan ni Darius ang mukha at pinilit ang sarili na matulog..

ITUTULOY !!!