1. Home
  2. Stories
  3. Kwadro Alas Book 2 Ch. 20 - HKHMN
Lagablab

Kwadro Alas Book 2 Ch. 20 - HKHMN

By supertoyantz ·

Chapter 20 - HKHMN

Mabilis na lumipas ang mga araw..

Matamlay na bumangon si Darius isang umaga..

Kulang na kulang ang tulog nya dahil anong oras na syang dinalaw ng antok..

Halos dalawang oras lang syang nakatulog dahil sa kakaisip kung paano nya gagawan ng paraan na hindi maging malapit sina Dannica at Randy..

..

Iinot inot syang tumayo at nagtungo sa bintana..

Hinawi nya ang kurtina para lamang masilaw sa tama ng sikat ng araw..

Tiniis ni Darius ang sakit..

Bakit nga naman..

May mas sasakit pa ba sa kanyang nararamdaman ?..

"Hell.. " tanging nasabi ni Darius..

Parang gusto nyang ibalik ang panahon na magkasundo pa sila ng dalagita.

Ayaw nya ang pakiramdam na binabalewala sya nito..

Para syang invisible kung ituring ni Ekang..

..

Matamlay na nagtungo sa banyo si Darius..

Matapos ang ilang saglit, nagbihis na sya at humanda sa pagpasok.

Sa iilang pagkakataon sa buhay nya..

Tumanggi syang mag almusal ..

Wala syang gana..

..

..
..

Sa klase, papalit palit ang tingin ni Romeo kina Darius at Dannica..

Kanina pa sya nabubwisit sa inaakto ng dalawa..

Titingin si Ekang kapag hindi nakatingin si Tabar at titingin si Tabar kapag hindi nakatingin si Ekang..

Di sya makatiis..

Gusto nyang pag untugin ang dalawa sa inaasal ng mga ito..

"Kapag nahuli ko pang magtinginan ang mga to, promise, makekelam na ko.. " gigil na bulong ni Romeo sa sarili..

Di na sya nakinig sa tinuturo ng guro..

Bagkus, pinanuod nyang magpakiramdaman ang dalawa..

"Come on, tingin na Ekang.." bulong nya at di nga sya nagkamali...

Sumulyap si Ekang ng minsang malingat si Tabar..

"Good, now ikaw naman Tabar, nakawan mo ng tingin si Ekang.. Sige naaaaa.. " muling bulong ni Romeo..

Di naman sya naghintay ng matagal..

Yumuko si Ekang para magsulat, at nahuli nyang tumingin si Tabar..

Sa tuwa ni Romeo..

Napasigaw sya ng wala sa oras dahilan para para magulat ang lahat..

"Alright !.. " sigaw ni Romeo.

Nabitawan ng guro ang hawak nitong chalk..

Maging ang iba nilang kaklase ay nagulat sa binatilyo..

..

Napahawak sa puso ang guro at pinandilatan si Romeo..

"For goodness Romeo, what's happening to you ?.. " inis na tanong ng guro..

Bumungisngis sina Rhoi at Aldrin..

"Di ata nakainom ng vitamins Ma'am.. " sabi ni Rhoi..

"Sabi ko naman sa'yo utol, magpapaturok ka kay Tita para di ka ganyan.. Kita mo.. Sinusumpong ka na naman ng sakit mo.. " natatawang sabi ni Aldrin..

Pero wapakels si Romeo at tinuro sina Ekang at Tabar..

"Eto kasi Ma'am.. Nakakairita eh.. " sabi nya..

Kumunot ang noo ng teacher nila..

Maging sina Darius at Dannica at nagtaka..

"Baket kame ?.. Ungas ka, mandadamay ka pa sa trip mo ?.. Nananahimik ako eh. " sabi ni Darius..

"Lalo na ko noh !.. " singit ni Ekang..

Nagkatinginan silang dalawa ni Tabar pero agad din silang nag iwasan..

Lalong natawa si Romeo.

"Look nyo ?.. Kalibog di ba ?. " biglang banat nya..

Nagtawanan sina Rhoi at Aldrin..

Pero si Ekang ay hindi makasabay..

"Pwede pashare ?.. Ano bang nangyayari ?.. " tanong nya..

"Oo nga naman Romeo.. Since na ginulo mo na din ang klase ko, you better explain or else.. kukurutin kita sa singit.. " banta ng teacher..

Napangiwi si Romeo at muling tinuro ang dalawa..

"Kasi ganito yan Ma'am and dear classmates.. " panimula nya..

Matamang nakinig ang lahat..

"Nasa kasarapan ako ng pakikinig ng mga gintong aral na itinuturo ng ating butihin at magandang guro ng mapasulyap ako sa parteng kaliwa, duon ay nahagip ng aking magagandang mga mata na may malalantik na pilik ang pasimpleng ginawa ng aking nasa kaliwa.. At iyon ay walang iba kundi si Darius, kitang kita ko mga minamahal kong kaklase at guro.. Ninanakawan nya ng tingin ang nasa bandang kanan ko naman na walang iba kundi si Dannica. " bunyag ni Romeo..

Natulala si Darius..

Di nya akalaing pinagmamasdan pala sya ni Romeo kanina pa..

Gusto nyang umangal, pero umugong na ang hiyawan..

"Uuuyyyyy !!!.. " sabay sabay na sabi ng mga kaklase nila..

Inis na binalingan ni Darius si Romeo at sinakal..

"Siraulo ka talaga !.. Wala ka na namang magawang matino ?.. " sabi nya..

Tawa ng tawa si Romeo..

Napangiti ng lihim ang guro, bagamat di nya ito pinapahalata sa kanyang mga estudyante..

..

Nagulat si Ekang sa sinabi ng kaibigan..

Di nya akalaing tulad nya, sinusulyapan din pala sya ni Tabar ng palihim..

Inatake sya ng di maipaliwanag na kiliti..

Gusto nyang ngumiti ngunit nahihiya naman sya ..

Isa pa ay magkagalit sila ni Darius..

Baka isipin nito na gusto nya ang nangyayari..

Sumimangot sya tanda ng pagkairita..

Pero sa loob loob nya ay unti unti ng bumibilis ang pagtibok ng kanyang puso..

Malas lang ni Darius at nabuking sya ni Romeo..

Kung sya ang nasa katayuan nito, di nya alam ang gagawin...

Hinding hindi nya ipagsasabi na sinusulyapan nya rin ang binatilyo..

Pero hindi na pala nya kailangang sabihin ang bagay na iyon..

..

"Ahaha, teka lang tol, patapusin mo ko.. " natatawang iwas ni Romeo kay Darius..

Sumimangot si Tabar at naupong muli sa kanyang pwesto..

Tumikhim si Romeo at muling napunta sa kanya ang atensyon ng lahat..

"But wait, there's more.. Hindi naman magtatagumpay ang isang love story kung tanging bidang lalaki lamang ang magpapakitang gilas.. " nakangising sabi nya.

Nanigas ang likod ni Ekang..

Ayaw nyang tumingin sa kaibigan dahil sigurado syang nakatingin ito sa kanya..

..

"Tama po mga minamahal na kaklase at guro.. Maging ang ating bidang babae ay nahuli kong nagnanakaw ng tingin sa ating bidang lalaki. In short, nagnanakawan sila ng tingin.. Kapag hindi nakatingin ang isa, susulyap ang isa.. Ganun din ang ginagawa ng isa pa.. Nakakalibog di ba ?.. Kaya di ako makafocus sa tinuturo ni Ma'am dahil sa kahalayan ng dalawang ito.. Kayo na ang humusga.. " nakangising sabi nya sabay upo sa silya..

Tulad ng inaasahan..

Umugong ang panunukso..

Kinalabit ni Krissing si Ekang para kumpirmahin ang sinabi ni Romeo pero..

Pero bigla syang kinilig ng biglang yumuko si Ekang at itago ang mukha..

Ngunit kahit na ganuon, kita ni Krissing ang pamumula ng leeg ng kaibigan tanda na nag ba-blush ito..

Sapat na ebidensya para kumpirmahin ang sinabi ni Romeo..

..

Tumikhim ang guro..

Di nya maiwasan ang kiligin pero pilit nya itong tinatago..

"Alright alright.. Napaka observant mo talaga Romeo.. Pero may isa kang problema iho.. Nahihirapan kang kuntrolin ang excitement mo.. Back to lessons na tayo.. Mamaya na yan pag bell.. " sabi ng guro pero bigla din syang natawa ng tumunog ang bell...

Nagtawanan din ang mga estudyante.

"Okay okay, wala na, bukas na lang.. I hope na hindi ka na manggugulo Romeo.. Di naman ako nagagalit pero may oras tayo para dyan.. " nakangiting sabi ng teacher..

Ngumiti si Romeo at nag thumbs up..

"Sureness pretty.. " banat nya..

Napailing na lang ang guro at sininop na ang mga gamit nya..

Paglabas nya ng pinto ay di na sya nagtaka ng biglang tumili si Romeo..

Magkatulong syang sinakal nina Ekang at Tabar..

..

Sa canteen..

Tahimik ang aura..

Di pa rin nagpapansinan sina Darius at Dannica..

Maging sina Rhoi at Aldrin ay nakelam na..

"Ano ba naman kayo ?.. Parang di kayo magkaibigan nyan eh.. " sabi ni Rhoi..

Umismid si Ekang..

"Ayaw ko naman talagang maging friend yan.. " bulong nya..

Pero narinig ito ni Tabar..

"As if na gusto kitang maging friend.. " sabi nya..

Nagkatitigan na naman sila at nagsukatan ng tingin..

Pumagitna si Krissing..

"Hephep.. Di pa kayo titigil.. Andyan na yung food oh.. " sabi nya..

Tulad ng sinabi ni Krrisa, hinatid ng serbidora ang pagkain na inorder nila..

Bago sila kumain ay nagsalita si Romeo..

"Hindi ko madalas ginagamit ang salitang Please, pero nakikiusap ako, mamaya na kayo magbangayan kapag tapos na kayong kumain.. " sabi nya at nagsimula ng kumain..

Tumango ang lahat..

Nagkasundo na kumain na lang sila..

..

Tapos na ang klase..

Nakatambay na lang ang barkada sa ilalim ng puno at kasalukuyang nagpapahinga..

Masaya silang nagkukwentuhan ng biglang magbago ang mood ng lahat ng dumating si Randy at ang mga barkada nito..

Agad na nagngitngit si Darius at tinitigan ng masama ang binata..

Nakaramdam ng takot si Randy, pero naisip nyang mas marami sila kaya tinatagan nya ang loob at ngumiti sa dalagita..

"Hi Dannica.. " bati ni Randy..

Ngumiti si Dannica pero saglit lang ..

Di nya gusto ang paghawak ni Randy sa braso nya na parang boyfriend nya ito..

"Hatid na kita.. " sabi ni Randy..

Tumaas ang isang kilay ni Romeo at tumingin kay Tabar..

Tumingin din sa kanya ang kaibigan..

"Ano ?.. " tanong ni Tabar..

"Gago !.. Do something .. " utos ni Romeo..

Umiling si Darius..

..

Napatingin si Dannica sa mga kasama nya..

"G-guys, dito lang ba muna kayo ?.. " tanong nya..

Gusto nyang tumanggi sa alok ni Randy pero sa nakikita nyang malamig na pakikitungo ni Darius sa kanya, parang nais na nyang sumama..

..

"Ikaw sis, gusto mo na bang umuwi ?.. Sabay na kami nitong mga to.. " sabi ni Krissing..

Napangisi ang isang kasama ni Randy at lumapit kay Krissia..

"Rock is my name, and love is my game.. " maangas na bati nito..

Napa "yeah" ang mga back up nilang kasama.

Nanindig ang balahibo ni Krissing, tinitigan nya mula ulo hanggang paa ang lalaki at umirap..

Nagtawanan at nag-apiran ang mga kasama ni Randy sa ginawa ng dalagita..

"Mataray ang isang ito pare, yun pa naman ang type ko.. Eto ang number ko miss.. " sabi ni at nagrecite ng number..

Natawa si Krissing..

"Aanhin ko yan ?.. Magpapa-pasa ka ng load ??.. " tanong nya..

Napanganga ang lalaki ..

"Wow.. wag ka nang magpakipot.. Kunin mo na.. " sabi lang nya.

Pero ngumiti si Krissing..

"No thanks, saka na kapag makinis na yung mukha mo.." pang aasar ni Krissing.

Napaubo si Ekang dahil pinigil nyang matawa..

..

Biglang umepal si Rhoi..

"Ano ka ba bes ?.. Ang sama mo naman, di mo ba nagets kung bakit rock ang nickname nya ?.. " biro nya..

Nagtawanan ang kwadro alas..

Asar na kinwelyuhan ni Rock si Rhoi..

"Tangna mo ah, ang angas mo ah .. Kabata bata mo palang tapos ang yabang mo na ?.. " paninindak nya.

Naalarma si Ekang.

Aawat sana sya pero hinawakan ni Darius ang kamay nya..

"Don't .. Kaya ni utol yan.. " sabi ni Tabar..

Natameme si Ekang..

Hindi ang sinabi ni Tabar ang nakapagpatahimik sa kanya, kundi ang paghawak nito sa kamay nya..

Pakiramdam nya ay biglang nag init ang paligid..

Parang pinagpawisan ng malapot ang katawan nya..

Kinilig sya ..

Walang dudang kinikilig sya sa simpleng holding hands nila ni Tabar.

At wala syang balak bawiin ang kamay nyang ito..

..

Maging si Tabar ay natahimik sa kanyang ginawang paghawak sa kamay ni Ekang..

"Anlambot.. " sa isip isip nya..

Magkaroon man ng lindol..

Hinding hindi nya bibitawan ang kamay na ito..

Kinapalan na lang nya ang mukha at pinanuod ang mga kaibigan.

..

Pinandilatan ni Rock si Rhoi..

Alam nyang ang mga ganitong edad ay madaling masindak..

Konting taas lang ng boses ay uurong na ito at magpapasakop sa kanila..

Pero nagulat sya ng biglang bumahing si Rhoi..

"Haaaattttsssingg !!.. " bahing nya..

Nagtalsikan ang mga laway nya sa mukha ni Rock na ikinatawa ng mga barkada nya..

Napangiwi si Rhoi..

"S-sorry, di ko napigilan, para kasing biglang bumaho eh, t-teka .. I-ikaw ata yon kuya.. " sabi nya.

Lalong nanggalaiti sa galit si Rock at akmang susuntukin si Rhoi pero biglang nagsalita si Romeo..

"Alam mo ba ang konsekwensya ng gagawin mo kuya ?.. " tanong nya..

Napatingin sa kanya si Rock..

"Ano bang pinagsasasabi mo ?.. " tanong nito..

Ngumisi sina Aldrin at Darius.

Si Rhoi ay ni hindi man lang natinag kahit na muntik na syang masuntok..

Tumayo si Romeo at nag-inat ng katawan..

"HHmmm.. Kakangalay umupo.. Anyway, tulad ng sinabi ko.. Alam mo ba ang konsekwensya ng gagawin mong pagsuntok sa kapatid ko?.. " muling tanong nya..

Tumawa lang si Rock.

"At sa tingin mo may pakelam ako ?.." singhal nya..

Nagkibit balikat si Romeo..

Nagsimula na ring tumayo sina Aldrin at Darius..

Si Tabar ay hindi pa rin binibitawan ang kamay ni Ekang..

..

"Tama ang sinabi nya kuya, oras na dumampi ang kamao mo sa mukha ko.. Handa ka na ba sa magiging kapalit nito ?.. " seryosong tanong ni Rhoi..

Nag-iba na ang aura ng kwadro alas.

Kanina ay lahat sila nakangiti.

Ngayon, lahat sila nakaseryoso na ..

Tila lahat handa na sa pakikipagbasag ulo..

..

Napalunok si Rock..

Naramdaman nyang lumapit si Randy..

"Pre, iba yang mga yan.. W-wag muna ngayon.. Sa susunod na lang .. " sabi nya..

Dahan dahang binitawan ni Rock ang kwelyo ni Rhoi at umatras..

Ngumiti ang kwadro alas..

Nagbagong muli ang ekspresyon ng mukha nila, bumalik sa pagiging maharot..

..

"See ?.. Mas masarap ang walang kaaway kuya.. Promise talaga.. " landi ni Romeo at humalakhak na parang babae..

Sinabayan sya ng tatlo pang alas..

..

Nagsintir ang loob ni Randy..

Binalingan nya si Ekang at muling tinanong..

Pero natulala sya ng makitang magkaholding hands ito at ang matabang binatilyo..

Pinili nyang wag pansinin ang mga kamay nitong magkahugpong..

"D-dannica.. Tara na.. " sabi nya..

Napatingin ang lahat kay Dannica..

..

Di alam ni Ekang ang gagawin..

Ayaw nyang maging bastos kay Randy dahil naging mabait ito sa kanya..

Di nya alam kung paano tatanggi sa binata..

Pero di na nya pala kailangang magsalita..

"Don't bother yourself.. Ako ang maghahatid sa kanya.. " biglang singit ni Darius..

Napanganga si Ekang sa sinabi ng binatilyo..

"T-talaga ?.. " tanong nya..

Tumango si Darius..

..

"Totoo ba yon Dannica ?.. " tanong ni Randy..

Alumpihit na tumango si Ekang..

"O-oo eh, sorry. " sabi nya..

Kahit na naiinis, pinilit ni Randy na ngumiti..

"M-maybe next time.. " sabi na lang nya..

Ngunit si Tabar ang sumagot..

"There will be no next time, since na araw araw ko na syang ihahatid.. " sabi nya..

Nagulat ang lahat..

Di makapaniwala si Ekang..

Kinikilig sya pero di pa rin sya makapaniwala..

..

Ilang saglit din silang natahimik nang magsalita si Romeo..

"Oh ano pa ang hinihintay natin mga tol ?.. uwi na tayo.. Di daw sasabay si Tabar since na ihahatid nya pa si Ekang .. Tara na.. Let's move out.. " sabi ni Romeo..

Tumango ang mga kapwa nya alas..

Magkahawak kamay na nilampasan ni Darius at Dannica ang barkada nina Randy..

Dire diretso silang naglakad..

"Aaaaawwww.. Kainggit sila bes.. " lambing ni Krissing..

Hinawakan din ni Rhoi ang kamay ng kaibigan..

"Tayo din.. " sabi ni Rhoi at inirapan si Rock..

Napabungisngis si Krissing sa ginawa ng bestfriend nya..

Naiwan sina Romeo at ALdrin pati sina Randy at ang mga barkada nya.

..

Nagkatinginan sina Aldrin at Romeo..

Nag beautiful eyes sa isa't isa..

"Sister.. " landi ni Romeo..

"Yes sister ?.. " ganti ni Aldrin..

Nagbeso sila..

"Gora na tayo.. " aya ni Romeo..

"Aaaayyyy Type !.. " landi ni Aldrin..

Ngumiti silang dalawa ng matamis kina Randy at sa mga barkada nito..

"Sisterette.. Let's do the HKHMN.. " sabi ni Romeo..

Napaisip si ALdrin..

"What's that sisterette ?.. " tanong nya..

Ngumisi si Romeo at pinalo sa pwet ang kaibigan..

"Hawak Kamay Habang Malanding Naglalakad.. HKHMN.. " malanding sabi nya..

"Aaaayyyy, ang taray nyan sister, bet ko yan.. Let's go.. " sabi ni Aldrin..

Nag-api sila na parang mga bakla..

Nagholding hands pa sila at kumemkembot na sumunod sa mga kaibigan..

Naiwang tulala sina Randy at ang mga barkada nya..

ITUTULOY !!!..