1. Home
  2. Stories
  3. Kwadro Alas Book 2 Ch. 22 - Sadness
Lagablab

Kwadro Alas Book 2 Ch. 22 - Sadness

By supertoyantz ·

Chapter 22 - Sadness

Mabilis na lumipas ang panahon.

3rd year high school na ang Kwadro Alas kasama pa rin sina Krissia at Dannica.

Naging mas popular sila sa bawat sulok ng paaralan pati na sa mga kalapit na schools.

..

Ang pag riring ng cellphone ang gumising kay Dannica ng umagang iyon.

Nakapikit pa ang kanyang mga mata habang kinakapa ito sa paligid ng kanyang hinihigaan.

"Helloo.." garalgal na sagot ni Ekang.

Ngunit nanatiling walang sagot sa kabilang linya.

Napadilat ang dalaga.

Sinulyapan nya ang phone at napasimangot ng makitang unregistered number na naman ito.

"Randy? , for God's sake, anu na naman to ?. " tanong nya.

Pero wala pa ring sumasagot.

"Kapag hindi ka nagsalita within 5 seconds, i'll block you from my phone. " banta nya.

Ngunit wala pa rin.

"5 , 4 , 3 , 2, 1 !, that's it. Bye !. " asar na sabi ni Ekang.

Akmang ibababa na nya ang phone ng may marinig syang bulong.

"B-baby. " garalgal na boses ng lalaki ang nasa kabilang linya.

Napakunot ang noo ni Ekang.

"Baby ?, who are you ?. " tanong nya.

Pero di pa rin nagsalita ang lalaki.

Pilit na tinandaan ni Ekang ang boses dahil parang pamilyar sa kanya.

Hanggang sa matulala sya ng maalala ang nag iisang taong tumatawag sa kanya ng "Baby".

Mabilis nyang binalik ang phone sa tenga.

"D-dad ?, is that you?, Daddy !.. Please Dad answer me !. " sigaw nya.

Natawa ng mahina ang nasa kabilang linya.

"I still love you baby, no matter what. Please take care of yourself and you mother. We will see each other soon. Forgive me. " sabi ng nasa kabila.

Naiyak si Ekang.

"Daddy !, please !, umuwi na po kayo.. I terribly missed you !. " sigaw nya para maawa ang ama.

Alam ni Dannica sa sarili na ang ama ang nasa kabilang linya.

"Daddy !.. " pagtawag ni Ekang.

"S-sorry baby, di pa pwede. Always remember that you're my only baby. I love you so much !. " sabi ng lalaki at namatay na ang tawag.

Iyak ng iyak si Ekang.

Akala nya ay pinabayaan na sya ng ama.

Pero mukhang may problema ito, base sa tinig ng ama, nahihirapan din ito. Pero bakit ayaw nitong umuwi na lang sa bahay nila at alagaan sila ng kanyang mommy.

Sari saring emosyon ang nararamdaman ni Ekang ng mga oras na iyon.

Masaya sya at malungkot at the same time.

Masaya dahil tumawag ang ama.

Malungkot dahil hindi nito sinabi kung bakit di pa ito pwedeng umuwi.

..

Tahimik na nag aalmusal ang mag ina.

Iniisip pa rin ni Ekang ang ginawang pag tawag ng ama.

Di nya alam kung sasabihin nya ba ito sa ina o hindi na lang.

"Dannica. " tawag ni Dulce.

Ngunit tila walang narinig si Ekang.

Malalim nyang pinag iisipan ang dahilan ng ama kung bakit sya iniwan nito.

"Dannica !. " ulit na pagtawag ni Dulce.

Gulat na napalingon si Ekang sa ina.

"P-po ? ." tanong nya.

Umikot ang eyeballs ni Dulce.

"God !, ano bang nangyayari sayo ?. " tanong nito.

Napayuko si Ekang.

"S-sorry po. " sagot nya.

Napailing na lang ang ina.

"Anyway, ang sabi ko, ayusin mo na ang credentials mo, kasi after this school year, we're moving to Boston. ? " imporma nito.

Napaangat ang tingin ni Ekang.

"What ?. " di makapaniwalang tanong nya.

Tumango si Dulce.

"Yes, we're moving to Boston. Dun ka na mag aaral up to college. " sabi nito sabay uminom ng tubig..

Napanganga si Ekang.

"B-but Mom !. " nais nyang mangatwiran.

Ngunit natatakot sya sa ina.

"Wag ka ng umangal pa Dannica, it's for your own good. Mas maganda ang education sa ibang bansa. Kesa dito na wala ka ng ginawang iba kundi atupagin yang mga barkada mo. " sabi nito.

"Pero Mom !, di lang sila basta barkada, they're like family to me. !, mababait silang lahat. " katwiran ni Ekang.

Nagkibit balikat lang si Dulce.

"Basta ayusin mo na ang credentials mo. I don't want to hear any complains. " madiing sabi nito sabay tayo.

Naiwan si Ekang na tulala at binalot ng di maipaliwanag na lungkot.

..

Malungkot na naglalakad si Dannica papasok sa campus.

Sinasalubong sya ng mga ngiti ng ibang binata, habang iniismiran naman ng ibang mga babae.

Sanay na sya sa ganito.

Maraming boys ang laging nagpapalipad hangin sa kanila ni Krissing.

Pero kasabay din nito, marami ding mga babae ang umiirap sa kanila.

Di na nya kailangang tanungin ang dahilan.

Batid nyang ang apat na alas ang rason kung bakit marami silang haters ni Krissing sa panig ng mga babae.

Silang dalawa lang kasi ang nakakalapit sa Kwadro Alas.

..

"Sis !. " rinig na tawag ni Ekang.

Napalingon sya at napangiti ng makita si Krissia.

"Oh sis, nasan yung apat na unggoy ?. " tanong nya.

Napasimangot si Krissing.

"May away !, hinarang sila ng mga 4th year sa kabilang school !. " takot na balita nya..

Natulala si Ekang.

Bagama't sanay na silang dalawa ni Krissing sa mga ganitong pagkakataon, di pa rin nya maiwasang kabahan para sa kaligtasan ng apat. Higit sa lahat, para sa kaligtasan ni Tabar.

"B-baket ?, saan ?. " tanong nya.

Napaupo si Krissing sa gutter.

Nangingilid ang luha sa mga mata nito.

"Sis, ano bang nangyari ? . " tanong ni Ekang.

Niyakap ni Krissing ang kaibigan.

"Si Tabar at Rhoi kasi, narinig nilang pinag kukwentuhan tayo nung mga taga kabilang school. Ayun, napikon, alam mo naman yung mga yun. Konting pambabastos lang satin, parang mga torong nakakita ng kulay red na flag. " kwento pa ng dalaga.

Natouch si Ekang.

Pero di nito kayang pagtakpan ang kabang unti unting bumabalot sa kanyang katawan.

"T-tara, sunduin na natin sila. " aya nya.

Napasimangot si Krissing.

"Alam mong hindi pwede, magagalit yung apat kapag nakita natin silang nakikipag away. " katwiran nya.

Napasimangot din si Ekang.

"Ang titigas ng ulo !. Pero baka naman mapano na sila nyan. Sabi mo mga 4th year?, malalaki ba ?. " tanong nya.

Tumango tango si Krissing.

"Malalaki !, tsk. Nakakatakot yung mga mukha, pero alam mo namang di aatras yung apat na yon. " naiinis na sabi nya.

Napangalumbaba si Ekang.

"Ilang minuto naman daw matatapos yon this time ?. " tanong nya.

"20 minutes daw. " sagot ni Krissing.

Napabuntong hininga si Ekang.

Naalala nya ang sinabi ng ina.

"Sis, may sasabihin ako sayo. " bungad ni Ekang.

Napatingin si Krissing.

"Anu yun sis ?. " tanong nya.

Muling napahinga ng malalim si Ekang.

"S-si Mommy kasi. " sabi nya.

Nacurious si Krissing.

"What about your mom ?. " tanong nito.

Nag atubili si Ekang kung sasabihin ba ang sinabi ng ina.

Pero sa huli, naisip nyang kailangan nyang ipaalam ito.

"S-sabi nya, gusto nya daw pumunta ng US. " kwento nya.

Napangiti si Krissing.

"Wow !, dun kayo mag spend ng Christmas ?. " tanong nya.

Umiling si Ekang.

"D-dun na daw nya gustong tumira. " patuloy nya.

Natigilan si Krissing.

"Hala !, eh paano ka ?.. Ikaw na lang ang tao sa inyo kapag natuloy ang Mommy mo ?. " tanong nya.

Napatingin sa malayo si Ekang.

Huminga ng malalim at nangilid ang luha sa mga mata.

"S-sana nga ganun na lang ang mang yari, p-pero, she wants me to come with her. " bulong nya.

Nawala ang ngiti sa mga labi ni Krissing.

Natulala silang pareho.

Di alintana kahit daan daanan na sila ng mga tao.

..

Hanggang sa magsalita si Krissing.

"S-sasama ka ba?. " tanong nya.

Umiling si Ekang pero naglandas ang mga luha..

"Gusto ko dito. Dito kasama ninyo. Kayo na ang itinuturing kong pamilya. Pero alam mong hindi ako pwedeng tumanggi kay Mom. " naiiyak na sabi nya.

Nagyakap silang dalawa..

"So aalis ka talaga?, kelan ? . " tanong ni Krissing.

Nagpunas ng mga luha si Ekang .

"After this school year. Mag tatransfer daw ako sa Boston. " sagot nya.

Napaiyak din si Krissing.

"Sis !. " sabi nya sabay muli silang nagyakap.

..

Ilang minuto ang lumipas.

Nagpasya silang sunduin na ang mga kaibigan.

"Sis, bago ang lahat, yung sinabi ko sayo. Atin atin lang yun ah ?. " sabi ni Ekang.

Napatingin si Krissing.

"P-pero karapatan din nilang malaman yan. " sagot nya.

Tumango si Ekang.

"Ako na ang magsasabi." malungkot na sabit nya.

"S-si Darius. Paano nya tatanggapin yan ?. " tanong ni Krissing.

Napangiti ng malungkot si Ekang.

"I don't think na mahihirapan syang tanggapin, you see, ilang taon din akong nag mukhang tanga sa harap nya. But still, he treated me like his own sister, hanggang dun na lang siguro ang pagtingin nya sa akin. Kaya kahit na masakit sa loob ko, kailangan kong tanggapin na hindi nya akong kayang mahalin ng higit pa sa isang kapatid." malungkot na pahayag nya.

Natahimik din si Krissing.

Nais nyang tumutol sa sinabi ng kaibigan ngunit hindi naman nya alam kung ano ang tamang sasabihin dito.

..

Nadatnan nilang nagtatawanan ang Kwadro Alas habang nag mimiryenda sa isang tindahan.

Lumapit sina Krissing at Ekang.

"Oh anong nangyari ?. " tanong ni Krissing.

Nakangising inalok ni Rhoi ang bestfriend nya.

"Bes oh,. " inabot ni Rhoi ang isang plastic ng softdrinks.

Naupo si Ekang malayo kay Darius.

Ayaw nyang tingnan ang binata dahil baka maisiwalat nya pa ang hinanakit dito.

"Ekang oh. " inabot ni Darius ang sariling inumin sa dalaga.

Ngumiti si Ekang at umiling.

"No thanks, kakatapos ko lang mag breakfast. " sabi nya.

Napansin ni Ekang ang gasgas sa gwapong mukha ni Darius.

Nais nya itong gamutin ngunit natatakot syang baka lumabas pa ang nararamdaman nya.

"Ano bang nangyari ?, pakwento naman. " excited na tanong ni Krissing.

Tila nakalimutan na ang kinwento ni Ekang.

"Ayun, nakarami kami sa kanila, pero sila, hindi man lang nakatama ng puro sa kahit sino sa amin. " si Aldrin ang nagkwento.

Natawa ang iba.

"Bakit naman ?. " tanong ni Krissing.

Lalong nag bungisngisan ang Kwadro Alas.

"Si Romeo eh, tumimbre na pala sa mga Guards ng school." sagot ni Rhoi.

"Kaya pala nagmamadaling makipag suntukan eh, may paparating na palang mga gwardiya sibil. " naiiling na kwento ni Darius.

Nagtawanan sila.

"Ayos nga di ba?, sabi ko sa inyo banat na agad eh. Kita nyo naman , nagulat sila kaya nakatama agad tayo, pero di sila nakaganti ng puro kasi dumating na yung mga guards ng school natin.. Haha.. Eh di lamang tayo.. " natatawang sabi ni Romeo.

Maging si Krissing ay natawa sa mga kwento ng mga kaibigan.

Hanggang sa marinig nila ang bell ng sariling eskwelahan.

"Tara lets. " aya ni Romeo at nagpauna na ito papasok ng school.

..

Lumipas ang mga oras.

Katatapos lang ng last subject nila ng mapansin ni Darius ang pananahimik ni Ekang.

Nagtaka ang binata, dati rati ay naririnig nya ang bungisngis ng kaibigan pero ngayon ay tila nahuhulog ito sa malalim na isipin.

Kinalabit nya ang dalaga.

Napaigtad pa ito at takang tumingin sa kanya.

"Ekang ?, what happened ?. May problema ka ?. " pabulong na tanong nya.

Nagkandailing si Dannica.

Ngumiti sya ng pilit sa binata.

"W-wala. " nakangiting sabi nya.

Di muna sila lumabas ng room.

Inubos muna nila ang mga kaklase bago kanya kanyang ligpit ng mga gamit.

"Parang antahimik mo Eks, buntis ka ba ?. " tanong ni Romeo.

Napanganga si Darius at biglang binatukan ang kaibigan.

Ngumiti lang si Ekang.

"Oo nga Ekang, kanina ka pa walang kibo. Baka naman may sakit ka ?. " tanong ni Aldrin.

Napatingin na ang lahat sa kanya.

Naconcious si Ekang. Tinago nya ang lungkot sa pamamagitan ng pagtawa.

"Wala no !, kayo talaga, di na ba ako pwedeng magpaka EMO ?. " tanong nya.

Ngunit walang tumawa.

Napangiti si Ekang at napailing.

"Grabe, anu ba kayo , okay nga lang ako. " sabi nya.

"Labas sa ilong. " puna ni Darius.

"Labas sa pwet. " seguna ni Romeo.

Nagtawanan sila.

Ngunit hindi nila tinantanan ang dalaga..

Lumapit si Krissing at binulungan ang kaibigan.

"Sis, tell them. Karapatan nilang malaman. " bulong ni Krissing.

Napangiti ng malungkot si Ekang.

"O-okay. " sabi nya.

Natahimik ang lahat.

Kahit ang makulit na si Romeo ay tila kinakabahan sa maririnig.

Si Darius ay parang titig na titig sa dalaga.

"Guys, I want you to know that I love you all. Not just as friends , but also, as a Family. " nagsimula ng mangilid ang luha sa kanyang mga mata..

Naalarma ang Kwadro Alas.

"Tae !, may malubhang sakit si Ekang !. " sigaw ni Aldrin.

Ngunit tinamaan lang sya ng lumipad na ballpen galing kay Krissing.

"Di kaya mag aasawa na sya ?. " tanong ni Rhoi at maging sya ay nakatanggap ng lumilipad na pentel pen ..

Pumormang magsasalita si Romeo.

Pero mas hinawakan ni Krissing ang isang silya.

"Sige Rom, subukan mong mag comment ng walang kasusta sustansyang mga salita, kahit na hindi ko kaya to, lilipad to sayo. " banta ni Krissing.

Kaya nanatiling tikom ang bibig ni Romeo .

Si Darius ay lumapit sa dalaga.

"Ekang ?, ayos ka lang ?. " tanong nya.

Tumango si Dannica.

Napangiti sya ng maluwang pero mas lalong naglandas ang kanyang mga luha.

Naglabas ng panyo si Krissing ngunit inunahan sya ni Darius.

"Here, sshhh.. Don't cry. " pang aalo ni Tabar.

Lalong naiyak si Ekang sa gestures ng binata.

Batid nyang tanging pag tinging kaibigan lang ang inuukol nito para sa kanya.

"Go on Ekang. Tapusin mo na yan para di ka na mahirapan. " sabi ni Romeo.

Tumango ang lahat.

Napatango din si Ekang at huminga ng malalim.

"P-pupunta kasi kami ni Mom sa states. " kwento nya.

Napatanga ang lahat.

Pero maya maya ay tila nabunutan ng tinik.

"Ahaha, yun lang pala eh. Swerte mo nga at pupunta kayo sa states, oy Ekang pasalubong ko ha. " natatawang sabi ni Aldrin.

Sumunod si Rhoi.

"T-Shirt, medium size, Armani. " biro nya.

Nag isip si Romeo.

"Teka, States daw, sige sige, isang Virgin na Amerikana. Okay na sakin yon. Yung mabango at maganda ha !. " request nya.

Nagtawanan ang lahat.

"Oy !, Tabar anong gusto mong pasalubong ?. " tanong ni Aldrin.

"Syempre ano pa?, chocolates lang !. " pagsakay nya.

Lalo silang natawa.

Ngunit nanatiling tahimik ang dalawang babae.

Tumikhim si Krissing at hinagod ang likod ng kaibigan.

"Sis tuloy mo na. " sabi nya.

Natahimik ang lahat.

"B-bakit ba kasi ?. " tanong ni Darius.

Ngumiti si Ekang at lalong dumami ang mga luha na lumalabas mula sa kanyang mga mata.

"W-were going to States to live there. F-for good. " bulalas nya.

Natulala ang lahat.

Walang nakapagsalita.

Walang nakatawa.

Kanya kanyang isip ng biro.

Ngunit nangibabaw ang lungkot sa nalaman na paglisan ng kaibigan.

"W-wee?.. Joker na pala si Ekang ngayon ? . " sabi ni Romeo.

Pinilit nilang tumawa.

Pero nanatiling nakangiti ng malungkot si Ekang habang pinupunasan ang mga luha.

..

"B-bakit ?. " tanong ni Darius.

Nag kibit balikat si Ekang.

"Mom's decision. " nakangiting sabi nya.

Napapikit si Darius.

Tila hindi pa inaabsorb ng katawan ang narinig mula sa kaibigan.

Ayaw nyang maniwala.

Parang may biglang namatay na isang parte ng katawan nya.

Dinilat nya ang mga mata at tinitigan ang umiiyak na kaibigan.

Wala sa loob na niyakap nya ito.

Mahigpit.

Mahigpit na mahigpit na tila hindi na nya ito nais pakawalan pa.

"Mag iingat ka. " tanging nasabi ni Darius.

Lalong naiyak si Ekang.

Gumaya ang lahat at isa isa syang niyakap.

"Ingats na lang Eks, no matter what happens, kapatid ka pa rin namin. " sabi ni Romeo.

"Yeah, tama si utol Rom, kahit saan ka pa naroon, nasa puso ka lang namin Ekang. " malungkot na sabi ni Aldrin.

"May skype naman at fb , di naman siguro ganito kahirap yan. " sabi ni Rhoi.

Niyakap ni Krissing si Ekang ng mahigit at hinalikan sa pisngi.

"We Love you sis. " sabi nya.

Napangiti si Ekang at pinasalamatan ang mga kaibigan.

..

Bilang pagdamay sa kaibigan.

Hinatid nila ang kaibigan hanggang sa bahay nito.

Nais sana nilang magtagal pa pero nakita nila ang kotse ng Mommy ni Dannica.

Si Ekang na mismo ang nagtaboy sa mga kaibigan nya dahil ayaw nyang may masabing hindi maganda ang Mommy nya tungkol sa mga ito.

Saglit pang nag titigan sina Darius at Dannica.

Parang may nais sabihin ang dalawa, ngunit pinili na lamang itong itago.

..

Malungkot na pinagmasdan ni Ekang ang mga kaibigan habang naglalakad ang mga ito palayo sa bahay nila.

Naiiyak na naman sya.

Nais nyang sumama sa mga ito.

Nais nyang lumaki kasama ng mga ito.

Pero hindi pwede, dahil iyon sa desisyon ng ina.

Gusto nyang mag rebelde.

Pero batid nyang madidisappoint lamang si Darius at ang mga kaibigan nya.

..

Napahinga ng malalim si Ekang bago sya pumihit pabalik ng bahay.

Pagpasok nya sa loob ay dumiretso sya sa sala at binagsak ang katawan sa malambot nilang sofa.

Tila pagod na pagod ang kanyang sistema.

Parang na drain ang lakas nya dahil sa isiping aalis sila matapos ang school year.

..

Ilang saglit pa, nagpasya si Ekang na umakyat na sa kwarto at matulog na lang.

Hindi sya nakakaramdam ng gutom.

Lungkot at hinanakit ang nararamdaman nya.

Para sa ina.

Akmang bubuksan na nya ang kwarto ng makarinig ng hikbi.

Kinilabutan si Ekang ngunit napansin nyang mula ito sa kwarto ng mga magulang.

Taranta syang lumapit sa silid ng mga ito at dinikit ang tenga sa pinto.

"M-mom ?. " tanong nya sa sarili.

Binuksan ni Ekang ang pinto ng silid.

Madilim ang buong kwarto.

Kinapa nya ang switch ng ilaw at ilang saglit lang, bumaha ng liwanag sa paligid.

Ngunit wala ang kanyang ina.

Tinalasan ni Ekang ang pandinig.

Hanggang sa muli nyang marinig ang hikbi.

Diretso agad sya sa banyo.

Duon ay nagulantang si Ekang sa nasaksihan.

Nasa ilalim ng shower ang kanyang ina, naka office attire pa ngunit basang basa na ito ng tubig mula sa shower.

At kahit na sa malayo.

Alam ni Ekang na umiiyak ito.

Dali daling dinaluhan ni Dannica ang ina.

Pinatay nya ang shower at hinablot ang twalya na nakasabit sa gilid.

"Mom !. " tawag nya.

Umiiyak na yumakap si Dulce sa anak..

Para itong batang nakakita ng kakampi.

"A-anak. " naiiyak na tawag ni Dulce.

Kahit hindi naiintindihan ni Ekang ang nangyayari, mahigpit nyang niyakap ang ina.

Napapikit pa ang dalaga sa isiping napakatagal ng panahon mula ng yakapin sya ng ina.

Napakasarap pala.

Ngunit hindi maaalis ang katotohanang umiiyak ito.

Inangat ni Ekang ang mukha ni Dulce.

Pinunasan nya ito ng twalya.

"Mom, sa bed tayo. " aya nya.

Tumango ang ina.

Umiiyak pa rin itong sumunod sa anak.

Parang walang sariling pag iisip.

Naupo si Dulce sa kama.

Tulala.

Umiiyak.

Mahinang mahina.

..

Awang awa si Ekang.

Ngayon lang nya nakitang helpless ang ina.

Dahil dito.

Mabilis nyang pinagana ang pag iisip.

Tinaboy nya ang sariling kalungkutan para daluhan ang ina.

..

Nagtungo sya sa closet nito para mag hagilap ng mga bagong damit.

Ng makapili nya.

Dali dali nyang nilapitan ang ina at masuyong hinubaran.

Parang batang sunud sunuran lamang si Dulce sa anak.

Di nagtagal.

Napalitan na ni Ekang ang lahat ng damit ng ina ng kumportableng pantulog.

Inayos nya ang upo nito sa gilid ng kama at masuyong sinuklayan ang buhok.

"I love you Mommy. " bulong ni Ekang.

Napangiti ng malungkot si Dulce.

Napangiti din si Ekang.

Ito ang unang pagkakataon na nakita nya ang ina na ngumiti sa kanya.

"T-thank you anak. " taos pusong sabi ni Dulce.

Tila nabasag na ang matigas at mataas na pader sa pagitan nila.

Nagtataka man si Ekang, binalewala nya ito at niyakap ang ina.

Gumanti naman ng yakap si Dulce.

Namayani ang katahimikan sa kanila.

Hanggang sa basagin Mommy ni Ekang ang katahimikan.

"We're going to Boston." sabi nito.

Tumango si Ekang.

"Yes Mommy. " sagot nya.

Tinitigan ni Ekang ang anak.

"But I want it next week. " sabi nya.

Natulala si Ekang.

Di nya akalain na mapapabilis ang pag alis nila.

"M-mom. " tanging nasabi ni Ekang.

Nangilid na naman ang mga luha sa mata ni Dulce.

"I need you anak. " mahinang sabi nito.

..

Natahimik si Ekang.

Pinagmasdan nya ang mukha ng ina.

Tila tumanda ito ng ilang taon.

Kailangan nyang magpasya.

Kaligayahan nya ang kailangan nyang isakripisyo para sa ina.

At di na nya kailangan pang mag isip ng matagal.

Ngumiti ng malungkot si Ekang.

"I-im going with you Mom. " mahinang pag payag nya.

Unti unting napangiti si Dulce.

Tumulo ang mga luha nito.

"T-thank you anak. " sabi nya sabay yakap ng mahigpit sa anak.

Napangiti na lang si Ekang.

Kailangan nyang mag tiis.

Alang alang sa ina.

Kahit pa ang kapalit nito ay ang pag iwan nya sa mga kaibigan at kay Tabar.

ITUTULOY !!!