1. Home
  2. Stories
  3. Kwadro Alas Book 2 Ch. 23 - Farewell, My Queen
Lagablab

Kwadro Alas Book 2 Ch. 23 - Farewell, My Queen

By supertoyantz ·

Chapter 23 - Farewell, My Queen

Papasok na ang Kwadro Alas kasama si Krissing.

Nasa bukana pa lang sila ng gate ay napansin na agad nila ang paparating na magandang dalaga.

Si Bea.

"Hi Handsomes and Pretty ." nakangiting bati nito.

Napangisi ang Tatlong alas at sabay sabay na lumingon kay Aldrin.

"Musta ?. " tanong ni Potpot.

Ngumiti si Bea.

"Eto, ayos lang naman . " sabi nya.

..

Si Bea ay isa sa mga naging kaibigan ng apat na alas.

Mas matanda ito sa kanila ng isang taon at ito ang tinanghal na Miss Campus mula 1st year hanggang 3rd year.

Naunsyami nga lang ang pagkapanalo nito ngayong taon dahil sumali si Krissing.

Ngunit hindi ito naging hadlang para mapalapit ito sa kanilang grupo.

In fact, inireto pa ni Romeo sa kapatid nyang si Aldrin ang dalaga.

..

"Problema Bea ?." tanong ni Romeo.

Natigilan ang dalaga at pasimpleng tumabi kay Aldrin.

Sa apat na alas, kay Romeo talaga sya naiilang.

Pakiramdam nya ay nanunuot ang mga tingin nito kaya hangga't kaya nya, hindi sya sumusulyap sa mga mata nito.

Ngumiti sya ng matamis.

"I just want to congatulate Krissia for winning the Miss Campus award. Kung free kayo this afternoon, drop by kayo sa condo ko, uhm. If okay lang sa inyo. " sabi nya.

..

Nagkatinginan ang apat na alas.

Di pa sila nakakapag decide ng makarinig sila ng busina.

Paglingon nila ay napangiti si Tabar ng makita ang pababang si Ekang.

Sinalubong nya agad ito at inalalayan.

Ngumiti naman ng tipid si Dannica at nagpasalamat sa driver nila.

"Anong meron ?. " matamlay na tanong ni Ekang.

Sinulyapan nila si Bea.

"Si Bea sis, nag aaya ng bonding sa condo nya. Sama ka ?. " tanong ni Krissing.

Napaisip si Ekang.

"Uhm, di ko alam eh." malungkot na sabi nya.

..

Kinalabit ni Darius si Romeo.

"Tol, sama tayo. " sabi nya.

"Oo nga, wala naman tayong gagawin after ng school di ba?. " suhestyon ni Rhoi.

"Tama sila tol, sama tayo ha. " ungot ni Aldrin sabay ngiti ng matamis kay Bea.

Napaisip si Romeo.

Hinawakan nya ang baba at tiningnan ang mga kaibigan.

"Tara, wag na tayong pumasok. Ialay na lang natin itong araw na ito kay Ekang. " sabi nya.

Napangiti ang lahat at tumingin kay Bea.

"Well, if that's what you want. Game !. " sigaw nya.

..

Tulad ng napag usapan, hindi na nga pumasok ng araw na iyon ang Kwadro Alas, kasama sina Krissing at Ekang pati na si Bea.

Dumaan muna sila ng 7 / 11 para mamili ng mga kakainin .

Matapos nito ay nag commute na lamang sila patungo sa condo ni Bea.

..

Magkatabing naupo sina Darius at Dannica.

Wala silang imikan nuong una hanggang sa magpasya si Ekang na sabihin na ang pasya ng ina.

"Joweebee. " tawag ni Ekang.

Nakangiting lumingon si Tabar.

"Yes ?. " tanong nya.

Saglit na tinitigan ni Ekang ang binata .

"M-may sasabihin ako sayo. " sabi nya.

Nacurious si Tabar.

"Ano yon ?, sasagutin mo na ako ?. " biro nya.

Napangiti ng malungkot si Ekang.

Napatingin sya sa binatana ng bus.

"Kung nanliligaw ka ba eh. " bulong nya.

"Ano yon ?. " tanong ni Tabar.

"W-wala. " sabi nya.

"Anong sasabihin mo ?. " tanong ulit ni Tabar.

Napahinga ng malalim si Ekang.

Sinulyapan nya ang nakangiting binata.

"Mamimiss ko kayo. " malungkot na sabi nya.

Natigilan si Darius.

Nawala na sa isip nya ang nalalapit na pag alis ni Ekang sa katapusan ng school year.

Ngunit pinaglabanan nya ang lungkot.

"Ito naman oh, matagal pa naman tayong magkakasama. May ilang months pa tayo. Don't worry, gagawin namin ang lahat para magbago ang pasya ng mother mo. " palakas loob na sabi nya.

Pero ngumiti lang si Ekang.

Ni hindi ito umabot sa kanyang magagandang mga mata.

..

Napansin naman agad ito ni Darius.

"B-baket parang may sasabihin kang di namin magugustuhan?. " tanong nya.

Napalunok si Ekang at nagsimulang mangilid ang mga luha sa kanyang mga mata.

Tumingin sya sa binatana.

Pilit na pinaglalabanan ang nalalapit na pag iyak.

Pero kinalabit sya ng binatang katabi at pilit na pinahaharap.

"Ekang. Ano bang problema ? . " tanong nya.

Nagpahid muna ng luha si Ekang bago lumingon sa katabi.

Napangiti sya ng kimi at wala sa loob na hinaplos ang pisngi ni Darius.

..

Nagulat man, hindi sinaway ni Tabar ang ginagawang paghimas ni Ekang sa mukha nya.

Nakakakilig sa pakiramdam pero nagtataka sya dahil parang may kakaiba sa dalaga.

"Ano ba kasi yon ?. " giit na tanong nya.

Ngumiti si Ekang.

Nagpasyang ipagtapat na kay Tabar ang nalalapit na pag alis.

"H-hindi na ako aalis sa summer. " sabi nya.

Natulala si Tabar.

Unti unting ngumiti.

"Talaga? . You mean dito ka na lang ?. Ayos yun !. " tanong nya.

Pero nanatiling nakangiti ng malungkot si Ekang.

Nag sisimula na namang bumalong ang mga luha sa kanyang mga mata.

"N-no.. Di na ako aalis ng summer. K-kasi, sa Saturday na ako aalis. " bunyag nya.

Unti unting nawala ang ngiti sa gwapong mukha ni Darius.

Napailing iling sya at pilit na winasiwas ang kamay ni Ekang.

"Ano bang biro yan ?. " inis na sabi ni Tabar.

Pero umiling si Ekang at pilit na hinuli ang mga mata ng kaibigan.

"Aalis na ako sa darating na sabado, nagpasya na si Mommy. " sabi nya.

Nangilid ang mga luha sa mata ni Darius.

Marahas nya itong pinahid at hinawakan ang kamay ng dalaga.

"Pupunta ako sa inyo, kakausapin ko ang Mommy mo, sasabihin ko na wag ka na nyang isama kasi dito ka masaya !,. Hindi ka masaya sa states !. " sigaw ni Tabar..

Nagulantang ang mga kaibigan nila sa kalapit na upuan.

"Hoy ano yan ?. " tanong ni Romeo.

Ngunit nanatiling tikom ang dalawa.

Hanggang sa dumating na sila sa condo ni Bea.

Hindi sila nag-usap, ni tingnang ang isa't isa.

..

Masakit para kay Ekang ang iwan ang mga kaibigan.

Lalo na si Darius.

Para sa kanya, dito na ang bahay nya.

Kahit na sabihing lumaki syang kulang ang pamilya.

Masasabi nyang pinuno ng mga kaibigan ang kakulangan na ito.

Kaya naman talagang parang hinihiwa ang puso nya kagabi pa.

Kung hindi nga lang nya nakita ang ina sa ganuong kalagayan, talagang ipaglalaban nya ang karapatang manatili sa bansa.

Pero batid nyang mas kailangan sya ng ina.

Kaya kahit na sobrang sakit ng pakiramdam.

Pinili nyang sundin ang ina.

..

Di nagkikibuan sina Darius at Dannica pagpasok ng condo.

Kanya kanya silang pwesto sa mahabang sofa ni Bea.

"Feel at home, wag kayong mahihiya kung may gusto kayo ha. " sabi nya.

Napangisi si Romeo at Rhoi.

"Feel at home daw tol. Pwede kaya akong mag masturbate dito ?. " tanong ni Romeo.

Napaubo si Krissing pagkarinig ng sinabi ng kaibigan.

Dinampot nya ang unan at pinaghahampas ito.

"Bastos !, manyak !, walang manners !. " sunod sunod na panlalait nya.

Natawa si Romeo.

"Sundan mo ng pogi sa dulo. " request nya pero lalo lang syang pinagpapalo ni Krissing.

..

Lumipas ang ilang oras.

Abala na sa panunuod ang mga magkakaibigan.

Dumidilim na pero parang di pa rin sila nagsasawang mag bonding.

..

Nagpasya si Romeo na kontakin na ang mga magulang nila.

Saglit syang lumabas sa terrace ng condo at nilabas ang pinakatago tagong cellphone.

Tinawagan nya ang ama.

Ilang ring lang ay sinagot na nito.

"Oh bakit ?. " tanong ng amang si Primo.

"Ama ko !. " humihikbing tawag ni Romeo.

"Oh baket aking anak ?. " tanong ng ama.

"Ipagpatawad mo nawa ang aking nagawang kamalian. " pag arte ni Romeo.

Natigilan si Primo.

Napansin ito ni Alexa kaya inagaw nya ang telepono sa kabiyak.

"Anak ?, nasan ka ?. gabi na ah ?, yung gatas mo dito lalamig eh. " paalala ng ina.

Napangiwi si Romeo.

"Aking ina, mahal kong ina. Ako po ay may nais iparating sa inyo. " sabi nya.

Agad na kinabahan si Alexa.

"Ano bang pinagsasabi mo anak ko ? nasan ka ba?. Susunduin ka na ni Mama. " naiiyak na sabi nya.

Napabungisngis si Primo.

Pati si Romeo ay humagikgik.

"Dito lang me sa house ng friend ko Mama, sleep over kami kasama ng Kwadro Alas pati sina Krissing at Ekang. Don't worry about us. Kayo na rin po ang bahalang magsabi sa mga parents nila okay ?. " paalam nya.

Napasimangot si Alexa at kinurot ang tumatawang kabiyak sa tabi nya.

"Bwisit ka talagang bata ka !, akala ko nakidnap ka na. Hala sige at wag mong kalimutang magpalit ng brief ha . " paalala ng ina.

Napa troll face si Romeo.

"Whatever hitler. " bulong nya.

"Ano ?. " tanong ni Alexa.

"I love you mother earth and father earth. See you tomorrow !. " paalam nya.

Napabungisngis lang si Romeo at binaba na ang phone.

Akmang babalik na sya ng mapansin ang pag papartner partner ng mga kaibigan nya.

Si Aldrin at Bea.

Si Krissing at Rhoi.

Si Ekang at Darius.

..

Pero natigilan ang binata ng may mapansing kakaiba sa huling pares.

Parang may problema ang dalawang ito.

"Something's fishy. " sabi nya sa sarili at nagsimulang mag imbestiga.

..

"Guys, may wine ako dito. Dala ni Dad from London. Try natin ?. " nakangiting alok ni Bea.

Nagkatinginan ang mga alas.

"I prefer milk. " sabi ni Romeo.

Nagtawanan sila.

"Langya talagang to. " natatawang sabi ni Rhoi pero inirapan lang sya ng kaibigan.

Sinerve ni Bea ang alak.

Naglabas din sya ng cold cuts para magsilbing pulutan nila.

..

Ilang saglit lang.

Dahil hindi naman sila sanay uminom.

Mabilis na tinamaan ng pagkalasing ang lahat.

Maliban kay Romeo dahil nandadaya sya sa tagay.

..

Nasa kalagitnaan sila ng kwentuhan ng umiyak si Ekang.

Nagulantang ang lahat.

Tarantang hinagod nina Krissing at Bea ang likod ng dalaga.

"Sis, anyare ?. " tanong ni Krissing.

Tiningnan ni Rhoi at Aldrin si Tabar.

Wala itong ginagawa at nananatiling nakayuko.

"Tol, umiiyak si Ekang. " turo ni Aldrin.

Pero umiling lang si Tabar.

Nagulat silang lahat ng pag angat nya ng mukha, pati sya ay luhaan.

"Ano to ?. Iyakan portion ?. " tanong ni Rhoi.

Pinayapa nila ang loob ni Ekang.

Pinainom nila ito ng tubig at ng maayos na ang lagay ay tinanong nila ang kaibigan.

Duon na nagpasya ang dalaga na isiwalat ang pagbabago ng date ng pag alis nya.

Napanganga ang lahat maliban kay Bea.

Pero sya ang bukod tanging nagtanong.

"Why all of a sudden ?, we are in the middle of school year. " tanong nya.

Humihikbing kinwento ni Ekang ang nasaksihan nya.

Tahimik lamang ang lahat.

..

Biglang tumayo si Darius at lumabas ng terrace.

Sumunod si Ekang kaya naiwan ang iba.

Nagpasya na si Romeo na itigil na ang pag inom at matulog na silang lahat.

"Guys, I think it's enough, bukas na pala ang flight ni Ekang, We have to go with her sa airport. Ihahatid natin sya. " pasya nya.

Tumango ang lahat.

"I can't come. Darating sina Mommy tomorrow at walang tao dito. Sorry. " sabi ni Bea.

Napatango na lang ang iba.

..

Naglatag ng comforter si Bea para magsilbing tulugan ng Kwadro Alas.

"Dito kayo, dito sa isang room sina Krissia and Dannica while nasa tabing room lang ako. If you need anything, just go get it na lang ha ?. Medyo masakit na kasi yung ulo ko eh. " sabi nya.

Tumango sina Rhoi at hinatid nya ang bestfriend nyang medyo lasing na sa kwarto nito.

Nahiga na si Romeo.

Pero tinapik sya ni Aldrin.

"Sina Tabar at Ekang, nasa labas pa. " sabi nya.

Sumimangot ang binata.

"Di naman ako ang mga magulang ng mga yan. Matulog ka na at baka mag sex pa sila, you know, farewell.. Wag ka ng mamboso. " sabi nya sabay pikit.

Bumungisngis si Bea at Aldrin at sinunod na lang ang kaibigan.

..

Sa terrace.

Tahimik na nakatingin ang dalawa sa madilim na kalangitan.

Tumikhim si Tabar.

"Magpahinga ka na. " sabi nya.

Umiling si Ekang.

"Sabay na tayo. " aya nya.

Katahimikan.

Muling nagsalita si Tabar.

"Wag ng matigas ang ulo, nakainom ka. Mamaya sumakit lang ang ulo mo flight nyo. " concerned na sabi nya.

Ngumiti ng matamis si Ekang.

Dala ng kalasingan, nilapitan nya si Tabar at hinilig ang ulo sa balikat nito.

"I don't care, kung ang kapalit naman nito ay makasama ka ng ilang saglit pa. " bulong nya.

Natulala si Tabar.

Gumapang ang kiliti sa katawan nya sa sinabi ng dalaga.

Inakay nya ang dalaga sa isang upuan at pinagkasya nila ang sarili dito.

"Sorry kung masikip. " biro ni Tabar.

Pero nagulat sya ng yumakap si Ekang sa kanya.

Napangiti na lang si Darius at niyakap na rin ang dalaga.

"You know, masakit talaga sa akin ang iwan kayo. " bulong ni Ekang.

Amoy ni Darius ang alak sa hininga nito ngunit para lang itong pabango na humahalina sa kanya.

Umihip ang malamig na simoy ng hangin.

Hinapit ni Darius ang dalaga at niyakap pa ng mahigpit.

"Thanks for the wine. " bulong nya.

Bungisngis si Ekang.

"Why ? . " tanong nya.

"Kung di tayo nakainom, hindi mo ko yayakapin. " sabi ni Tabar.

Napangiti si Ekang.

"Kung hindi tayo nakainom, hindi mo ko tatabihan. " sabi nya.

"No, tatabihan pa rin kita. Kahit na hindi ako maglasing. " giit ni Tabar.

"At yayakapin kita, kahit hindi ako lasing. " sagot ni Ekang.

Natigilan sila pareho.

Unti unting nilingon ang isa't isa.

..

Pakiramdam ng dalawa ay tila naging romantiko ang paligid.

"Thanks sa wine. " sabi ni Tabar.

"Thanks sa wine. " gaya ni Ekang.

Nagtama ang mga mata nila.

Hinaplos muli ni Ekang ang matabang pisngi ni Tabar.

"Mamimiss kita. " matapang na pahayag ni Ekang.

Ngumiti si Tabar.

"May skype pa at YM. Gagawa tayo ng paraan para alisin ang pag kamiss ng isa't isa. " sabi nya.

"Promise ?. " tanong ni Ekang.

Tinaas ni Tabar ang isang kamay.

"I'll promise . " sagot nya.

Nagkangitian sila.

Hinilig ni Ekang ang ulo sa dibdib ng binata.

Kapwa pinagmasdana ng kalangitan na tila nakikiramay din sa nalalapit nilang paghihiwalay.

..

"You are my queen. " biglang salita ni Tabar.

Napangiti ng maluwang si Ekang.

Kinilig sya.

Alam nya ang kahalagahan ng ganitong salita para sa Kwadro Alas.

"Really ? . " tanong nya.

Ngumiti si Tabar.

"Yes. Definitely and Absolutely. " nakangiting sagot nya.

"Pero it's too early to decide. Baka magsisi ka. " pakipot na sabi ni Ekang.

Umiling si Tabar.

Kinuha nya ang isang kamay ni Ekang at dinala sa tapat ng kanyang dibdib.

"Hindi ako ang nagdecide, sunud sunuran lang ako dito. " sabi nya na ang tinutukoy ay ang puso.

Napangiti si Ekang ng kimi at muling hinilig ang kanyang ulo sa dibdib ng binata.

"N-nanliligaw ka ba? . " tanong ni Ekang.

"Yes. " dire diretsong sagot ni Tabar.

Lalong kinilig si Ekang.

Pero bigla syang nalungkot dahil alam nyang aalis na sya.

Ayaw nyang itali ang binata sa relasyong malayo sa isa't isa.

Kaya kahit na gustong gusto nya itong sagutin sa mga oras na yon, pinili ni Ekang na ibigay na lang kay Tabar ang pangakong maaari nitong panghawakan.

..

Tumingala sya sa binata.

Di na sya nagulat ng makitang nakatitig din ito sa kanya.

"J-joweebee." tawag nya.

"Yes, my Queen. " sagot ni Tabar.

Ngumiti si Ekang at dahan dahang pumikit.

Natulala si Darius.

Napalunok sya ng ilang ulit ng makita ang ginawang pagpikit ng dalaga.

"Kiss me. " utos ni Ekang.

Di na nagpatumpik tumpik pa si Tabar.

Dahan dahan nyang binaba ang ulo para ilapit ang mga labi sa nag aabang na labi ni Ekang.

..

Parang may kwitis na nagputukan sa langit.

Iyon ang pakiramdam ng dalawa ng magtama ang kanilang mga labi.

Pareho nilang unang halik.

At pareho sila ng nararamdamang tamis ng mga oras na yon.

Wala na silang paki alam kung may makakakita man sa kanila.

Para sa dalawa, walang ibang mas mahalaga kundi ang isa't isa at ang maipadama nila ang masidhing pag ibig.

..

Tama, pag - ibig nga ito sa isip isip ni Ekang.

Nuon pa man, hindi na sya nagdududa.

At nagpapasalamat syang ganuon din naman siguro si Tabar.

..

Gumalaw ang ulo ni Tabar.

Dahilan para maghiwalay ang mga labi nila.

Pero saglit lang.

Dahil hinawakan ni Darius ang likod ng ulo ni Ekang para muling pagdikitin ang kanilang mga labi.

Dahil dito, lumalim ang paghahalikan ng dalawa.

Ipinapadama ang masidhing pag ibig na matagal na nilang inipon sa kanilang mga puso.

..

Ilang sandali ang lumipas.

Kung hindi pa sila pangangapusan ng hininga, hindi pa sila maghihiwalay.

Nagyakap ang dalawa.

Mahigpit.

Parang sinasabi na kakayanin nila ang napipintong paghihiwalay.

Hindi pa man nagiging sila, nakatakda na silang maghiwalay.

Pero batid nilang makakayanan nila ito.

Hangga't nananatiling pareho ang kanilang nararamdaman.

"Farewell, My Queen. " bulong ni Tabar at pinikit nya ang mga mata para paglabanan ang lungkot na unti unting bumabalot sa kanyang puso.

Pumikit si Ekang at sumandal sa dibdib ng binata.

"Babalik ako my Ace. " sagot ni Ekang.

ITUTULOY !!!