1. Home
  2. Stories
  3. Kwadro Alas Book 2 Ch. 25 - Textmate
Lagablab

Kwadro Alas Book 2 Ch. 25 - Textmate

By supertoyantz ·

Chapter 25 - Textmate

Sabik na binuksan ni Darius ang bagong cellphone.

Binuksan nya ang lumang cp at kinuha ang sim.

Bumukas ang pinto at pumasok ang kanyang ina.

..

"Nak, kamusta ang bagong phone ?. " nakangiting tanong ni Annette.

Napangisi si Darius at nag thumbs up.

"Aztig ka talaga Mom. " sabi nya.

Lumapit si Annette sa drawer ng anak at binuksan ito.

..

"Anak, ang gulo gulo ng damitan mo. Teka ano to ?. " tanong ng ina.

Napatingin si Darius at biglang nanlaki ang kanyang mga mata.

Mabilis syang tumalon mula sa kama at dinamba ang hawak ng ina.

Di nya napansin na tumalsik ang simcard nya sa kung saan.

..

"Mom, wait. " agaw ni Darius.

Nagtaka si Annette.

"Ano ba yan anak ?. " tanong nya.

Umiling si Darius.

"W-wala po. " sabi nya.

Pero di kumbinsido ang ina.

Nilahad nya ang kamay at tinaas ang isang kilay.

"Patingin nga." sabi ni Annette.

Pero umiling si Darius at tinago ang hawak.

"W-wala nga po ito. " nakangiting sabi nya.

Tumango si Annette. Pinalungkot ang mukha.

"May secret ka na sa Mommy. Di mo na ata ako love. " tampong sabi nya.

Napahinga ng malalim si Tabar.

Di nya kayang tiisin ang ina kapag ganitong nagpapacute sa kanya.

Kaya kahit na nahihiya, nilabas nya ang hawak.

Pinakita ito sa ina.

..

Napangiti si Annette at tinanggap ang inabot ng anak.

Umupo sya sa kama at tiningnan kung ano ba itong tinatago ni Darius.

..

Tahimik namang naupo si Tabar sa tabi ng ina..

Ilang saglit lang, napangiti si Annette.

"You have a diary ?, oowwww.. Sweet ng baby ko.. " gigil na pinisil ni Annette ang pisngi ng anak.

Napasimangot si Tabar.

"Wag nyong ipagsasabi kahit kanino Mom. " banta nya.

Natawa si Annette.

"Sa Dad mo. " sabi nya.

Pero nagkandailing si Tabar.

"Noo !!, lolokohin lang po ako ni Dad eh. " reklamo nya.

Napabungisngis si Annette at sinara ang diary.

Niyakap nya ang anak ng mahigpit.

"It's not bad to have a diary anak. Ako nga, naka 10 plus na ata akong diaries. It's fun actually, you are keeping important memories. You wrote them down para kahit na makalimutan mo man yon, maaalala mo pa rin balang araw when you look at your diary. " paliwanag nya.

Ngumiti ng kimi si Darius.

"But Mom, di ba nakakahiya kung may diary ang isang boy like me ?. " tanong nya.

Umiling si Annette.

"Bakit mo naman nasabi yan?, Sino bang nagsabi na babae lang ang pwedeng magka diary ?, baket ?, babae lang ba ang may important memories na gusto nilang alalahanin ?. " nakangiting paliwanag nya.

Napangiti din si Tabar.

Kahit papaano, di na sya mahihirapang itago ang diary nya.

..

"So, ano naman ang mga nakasulat sa diary mo ?. " tanong ng ina.

Muling nakaramdam ng hiya si Tabar.

"W-wala naman po gaano, yung mga adventures lang ng Kwadro Alas. " palusot nya.

Pero di pa rin kumbinsido si Annette.

"Ako ang Nanay mo. So alam ko kung di ka nagsasabi ng totoo or kulang ang sinasabi mo . " nakangiting sabi nya.

Napakamot si Tabar sa batok.

"Mom naman eh. " reklamo nya.

"Mom naman eh.. " panggagaya ni Annette.

Nagtawanan sila.

Napahinga ng malalim si Tabar at binuklat ang unang pahina ng diary nya.

..

Napangiti si Annette.

"Really ?, si Ekang pala talaga ang niligtas mo sa aso. " sabi nya.

Tumango si Tabar at pinakita ang nag iisang peklat sa kanyang binti.

"I will never forget that day. May alaala eh. " nakangising sabi nya.

Napangiti din si Annette at naglipat pa ng pahina.

Bigla syang natawa.

"Ahaha, pati pala yung ginawa naming pag iwan sa inyo ni Romeo sa simbahan, sinulat mo ?. " tanong nya.

Tumango si Tabar at natawa din.

"Wala kaya kaming kapera pera non, buti na lang dumating si Ekang. " sabi nya.

..

Ngumiti si Annette at pinagmasdan ang anak.

"Kamusta ang mga kaibigan mo, I mean, yung Kwadro Alas. ? . " tanong nya.

Ngumiti ng maluwang si Tabar.

"Ay nako Mom, sobrang saya. Lahat ng puntahan namin, nagiging teritoryo namin. Tapos walang talo talo, kapag nagustuhan na ng isa, wala ng magpapacute pa. Walang iwanan, walang laglagan. " kwento nya.

Ngumiti si Annette.

"Eh si Dannica ?, Kamusta naman sya ?. " tanong nya.

Nawala ang ngiti ni Tabar ng maalala ang dalaga.

..

"A-ayun po, nasa America na sya. Umaga sa kanila, gabi sa atin kaya di kami nagkakaroon ng pagkakataong makapag kamustahan man lang. " malungkot na sabi nya.

Inakbayan ni Annette ang anak.

"Mahal mo ba sya ?. " tanong nya.

Nagulat si Tabar at biglang tumawa ng malakas.

Pero halatang pilit lamang ang naging pagtawa nya.

..

Natahimik si Darius.

Muli, nakaramdam sya ng ibayong lungkot sa pagkakaalala sa dalaga.

Alam ni Annette na nalulungkot ang binata nya, kaya, malambing nya itong niyakap at hinalikan sa buhok.

..

"Bata pa kayo anak, kung kayong dalawa talaga ni Dannica ang para sa isa't isa. Kayo talaga ang magkakatuluyan. " sabi nya.

Natawa si Darius.

"Kung makapagsalita naman kayo Mom, parang apektado ako sa pag alis nya. " pag iwas nya.

Pero di nagsalita si Annette.

Hinayaan nya lang ang anak.

..

Napahinga ng malalim si Tabar.

"M-miss na miss ko na po sya. " pag amin nya sa ina.

Tumango si Annette.

"It's okay, Ilang beses ko ng nakita si Dannica, at masasabi kong napakabait nyang bata. Bukod pa sa talagang maganda. " tukso nya.

Napangiti si Tabar.

"Di naman po ganun kaganda si Ekang Mom, di tulad ni Ate Maxima at Krissing. Yun dalawang yon ang talagang pamatay ang ganda. " sabi nya.

Umiling si Annette.

"Wag kang magsalita ng tapos anak, si Dannica ay yung tinatawag na late bloomer type. Sila yung tipong late na lumalabas ang angking ganda. Watch out, baka kainin mong lahat ng panlalait mo sa kanya " banta nya.

Natahimik si Tabar.

Di maiwasang manabik sa kung ano ba ang magiging transformation ni Ekang sa mga susunod na taon.

Pero makikita nya pa kaya ang dalaga?.

..

Gabi.

Kasalukuyang nakatambay ang kwadro alas sa garden ng Bahay nina Romeo.

Kumakain sila ng baked grahams na ginawa ng ina ng binata.

..

Tawanan sila habang nagkukwento si Romeo.

"Tangna mo tol, ang sakit na ng tyan ko. " reklamo ni Rhoi.

Pati si Krissing ay halos malumpasay na sa damuhan.

..

Abala sila sa pagkukwentuhan ng biglang tumunog ang cellphone ni Rhoi.

Mabilis na dinukot ni Krissing ang cellphone ng binata para tingnan kung sino ang nag text.

Walang nagawa si Rhoi kundi pabayaan lang ang dalaga.

..

Natawa sina Romeo at Aldrin.

"Di pa man, nakikinita ko na ang mangyayari dito kapag umuwi ng late sa gabi. " biro ni Romeo.

"Yeah, baka kung anu ano ng gamit nila ang lumilipad. " pagsakay ni Aldrin.

Muli silang nagtawanan ng bigyan sila ng dirty finger ni Rhoi.

..

"Oy sinong nagtext . " tanong ni Darius.

Ngumisi si Krissing habang tinitigan ang binata.

..

"Oy, nasapian ka na ?." tanong ni Rhoi.

Nilapag ni Krissing ang phone ni Rhoi sa mesa para makita ng lahat.

..

Nanlaki ang mga mata ni Tabar ng mabasa ang text.

"Hi sis, it's me Dannica, wala na yung dti kong sim , di gumagna dito.Musta na kau jan ?. " sabi sa text.

..

Nagkatinginan ang kwadro alas pati si Krissing.

Lahat napako ang tingin nila kay Darius.

"Teka, bakit kay Rhoi nagtext ?, tapos sis ang sabi nya?. " tanong ni Romeo.

Napangiti sina Rhoi at Krissing.

"Nagpalit kame ng sim." sabay nilang sabi .

Tumango lang si Romeo at muling nagfocus kay Tabar.

..

"Oh bakit kayo nakatingin sakin ?. " tanong nya.

Natawa si Rhoi.

"Kunin mo na yung number, wag ka ng magpanggap. " sabi nya.

Magdadahilan pa sana sya pero batid nyang di naman sya makakapagtago pa sa mga kaibigan.

Kinapa ni Darius ang bulsa, pero wala ang cellphone nya.

"T-teka, naiwan ko ata sa bahay yung phone ko na nakacharge. S-saglit lang. " sabi nya at mabilis na tumalon sa bakod na nagsisilbing divider ng bahay nila at sa bahay ni Romeo.

Gamit ang imporvised na hagdan, inakyat ni Tabar ang sariling kwarto.

Matapos makapanhik, agad nyang hinanap ang phone.

Nuon nya naalala na hindi pa pala nya nalilipat ang sariling sim sa bagong phone.

Binuksan nya ang ilaw at muling naghanap.

..

Pero lumipas ang ilang minuto, bigo si Darius na makita ang sim.

Tanging mga baklas baklas na parte ng bagong phone at ng luma nyang phone ang natira sa kama.

Malamang na tumilapon ito ng dambahin nya kanina ang ina.

..

Malungkot syang bumalik sa mga kaibigan.

"Anyare? . " tanong ni Aldrin.

Napabuntong hininga si Darius.

"Nawawala yung sim ko, tang ina talaga. Itetext ko na sana agad eh. " sabi nya.

Nagtawanan lang ang mga kaibigan nya.

"Wag kang excited, bukas na lang. Bumili ka na ng bagong sim mo. " sabi ni Rhoi.

Tumango lang si Tabar.

..

"Tama na to, may pasok pa tayo bukas. " sabi ni Romeo.

Nagtayuan na ang lahat ..

"Ooops, san kayo pupunta ?. " awat ni Romeo sa tangkang pag alis ng mga kaibigan.

Napangiti ang tatlong alas.

"Uuwi na, sabi mo eh. " sabi ni Aldrin.

Nagdirty finger si Romeo at tinuro ang mga platito.

"Tangna nyo, akong mag isa ang magliligpit nito ?. " sabi nya.

Nagtawanan lang ang tatlong alas at tinulungang magligpit ang kaibigan.

..

Kinabukasan.

Napasarap ang tulog ni Tabar, kaya ang resulta.

Late sya.

Dali dali syang naligo at nagbihis.

Sumubo lang sya ng konting pagkain pagkatapos ay nagmamadali ng lumabas ng bahay.

Eksaktong paglabas nya ng gate, nakita nyang tumalon si Romeo sa bakod.

Nagkatinginan pa silang dalawa.

..

"Tangna mong baboy ka !, late ka na !. " sigaw ni Romeo sabay takbo palabas ng subdivision.

Sumabay si Darius at siniko ang kaibigan.

"Gago, mas nauna nga ako sayo ng 2 minutes. " biro nya.

Nagtawanan na lang sila at binilisan na lang ang pagtakbo.

..

Hapon.

Pauwi na ang kwadro alas kasama si Krissing ng masalubong nila si Randy.

Agad na pumorma si Tabar ng suntukan pero mabilis na tinaas ng binata ang kamay nito.

"T-teka Darius, di naman ako nagpunta dito para makipag away eh. " takot na sabi ni Randy.

Binaba ni Tabar ang mga kamay.

"Anong ginagawa mo dito ?. " maangas na tanong nya.

Napakamot si Randy sa batok.

"Tanong ko lang sana kung n-nasan si Dannica ?, Medyo matagal ko na kasi syang di nakikita eh. " sabi nya.

Ngumisi si Romeo.

"Nasa bahay nila Tabar, buntis kaya di na makakapasok dito. " biglang sabi nya.

Pinigil ng ibang alas na tumawa.

Pati si Krissing ay sinakyan ang biro ng binata.

..

Natulala si Randy.

"D-di nga ?.. B-buntis ?, s-sinong ama ?. " tanong nya.

Ngumisi si Tabar.

"Nasa bahay nga namin di ba?, malamang na ako. " sabi nya.

Gulat at nanlaki ang mga mata ni Randy.

Nilampasan na sya ng kwadro alas pero nananatili pa rin syang tulala.

..

Pauwi na silang ng maalala ni Darius ang bumili ng sim.

Huminto sya sa malapit na tindahan at napangiti ng makita si Manang.

"Manang, wazzup ?. " tanong ni Tabar.

Ngumisi ang matandang tindera.

"Yo fat kid, wazzup ?. " tanong nito.

"You have a simcard? . " tanong ni Tabar.

Tumango ang matanda at nilabas ang iba't ibang uri ng sim.

Kinuha ni Tabar ang globe.

"How much ?. " tanong nya.

"Nah, take it for free. " sabi ni Manang.

Natawa sina Aldrin at Rhoi.

"Pa load na rin Manang. " sabi ni Tabar.

Tumango ang matanda at saglit na hinintay ang load.

..

Matapos na makargahan ng load ang bagong sim ni Tabar.

Naglabas sya ng pambayad.

Pero muli, tinanggihan ito ng matanda.

Napanganga si Krissing.

Natulala si Romeo.

"T-teka, bakit ganyan yan ?. " tanong nya.

Pero inakay na sya ng mga kaibigan nya palayo.

..

Pagkauwi ni Tabar, di pa sya nakakapagbihis, agad nyang sinalpak ang sim.

Nuon nya naalala na wala pa pala sa kanya ang number ni Ekang kaya agad syang bumaba sa terrace para puntahan ang bahay nina Krissia.

..

"Krisssiinnggg.. " sigaw ni Tabar.

Di naman nagtagal at dumungaw ang dalaga.

"Oh ?. " tanong nito.

Ngumisi si Tabar.

"Number ni Ekang. " sabi nya.

Natawa si Krissing.

"Astig ah, excited ?, wala sakin yung sim ko di ba?. " sabi nya.

Napahampas si Tabar sa sariling noo.

"Ay oo nga pala. Sige salamat. " sabi nya sabay lipat sa bahay nina Rhoi.

..

"Rhhhhooiiii.. " sigaw ni Tabar.

Dumungaw si Rhoi.

"Oh ?. Liligawan mo ko? , ay kakakilig naman. " landi nya.

Pero pinakyu lang sya ng kaibigan.

"Number ni Ekang. " sabi nya.

Natawa si Rhoi at nagpacute pa.

"Kiss muna. " landi nya.

Napasimangot si Tabar.

"Muah muah tsup tsup. " pagbibigay nya.

Pero di pa nakuntento si Rhoi.

"Kanta ka. Lupang hinirang." sabi nya.

Asar na kumanta si Tabar.

Di pa sya nangangalahati ay pinatigil na sya ni Rhoi.

"Tama na tol, nasisira ang landscape ng lawn namin. saglit lang lilista ko. " sabi nya sabay pasok ulit sa loob.

..

Ilang saglit naghintay si Tabar bago lumabas si Rhoi at nagbato ng nilamukos na papel

Agad itong dinampot ni Tabar at binuklat.

Napangiti ng makita ang mga numerong kailangan.

Di na sya lumingon at mabilis na bumalik ng bahay.

Napailing na lang si Rhoi.

Paglingon nya ay natawa sya ng makita si Krissing na nasa terrace din ng bahay nito.

"Malala na yun bes. " sigaw ni Krissing.

Natawa si Rhoi at pumasok na sa bahay.

..

Mabilis na sinave ni Tabar ang mga numero.

Agad syang nag compose ng mensahe para sa dalaga.

Pero nag dadalawang isip sya kung ano ang sasabihin dito.

..

"Hello Dannica, si Darius to. musta na? " binasa ni Tabar ang text nya.

Pero mabilis nya ding binura ang mga ito at pinalitan.

"Hello, Dar to. kamusta ? " muli nyang binasa ang sariling text.

Pero talagang nakokornihan sya.

Hanggang sa ang mahahaba nyang text ay napalitan ng simpleng.

"Hi. " type ni Tabar at sinend na ang text.

Saglit syang naghintay kung magrereply ang dalaga.

Pero ilang minuto ang lumipas. Wala.

Ang mga minuto ay naging oras.

Nakatulog na si Tabar sa paghihintay.

Paggising nya.

Napatingin sya sa sariling relo.

"Alas sais na pala. " sabi nya.

Hinagilap ni Tabar ang phone.

Pagtingin nya ay nanatiling walang text.

Malungkot na bumangon si Tabar.

Nuon nya lang napansin na hindi pa pala sya nakapagpapalit ng damit.

Matamlay syang nagbihis at lumabas ng kwarto.

..

Nagkatinginan ang mag asawang Denzel at Annette.

"A-anong nangyayari sa anak mo ? . " pabulong na tanong ng ama.

Nagkibit balikat ang babae.

"Ewan ko nga eh. Baka may sakit. " sabi nya.

Walang ganang kumakain si Darius.

Bihira itong mangyari, kapag may sakit lang o di kaya ay may mas masarap na pagkain na paparating.

Pero ito nga.

Parang hirap na hirap na nagsasandok ng kanin ang binata.

Di nakatiis si Annette.

"Baby, what's the problem ?. " tanong nya.

Umiling si Tabar at ngumiti.,

"Nothing Mom. " sabi nya.

Mabilis na tinapos ni Darius nag pagkain at nagpaalam na sa mga magulang na babalik na sa kwarto.

Nagkatinginan na lang ulit ang mag asawa.

..

Muling hinagilap ni Tabar ang phone pagpasok nya ng sariling silid.

Pero muli syang napahinga ng malalim ng makitang wala man lang text na dumarating.

Dumungaw sya sa terrace.

Eksaktong nakaupo si Romeo sa balustre ng sarili nitong terrace at naglalaro ng PSP.

"Tol. " tawag ni Tabar.

Di lumingon si Romeo pero nagsalita ito.

"Oh,? . " tanong ni Romeo.

"Anong nilalaro mo ? . " tanong ni Tabar.

Napahinto si Romeo sa paglalaro at nilingon ang kaibigan.

"Anong problema mo ? . " tanong nya.

Natawa si Tabar.

"Ito naman, nagtatanong lang kung anong nilalaro mo, may problema na agad ? . " tanong nya.

Pero di natawa si Romeo.

"Gago, parang di mo ako kilala, ano ngang problema mo?. Bilisan mo na at busy ako. " nakasimangot na sabi nya.

Napailing si Tabar.

Matalas talaga ang radar ng kaibigan.

Nagpasya syang sabihin na dito ang problema.

"S-si Ekang kasi eh. Di man lang nag rereply. " sabi nya.

Napaisip si Romeo.

"Bakit ?, ano bang tinext mo ?, baka naman sinabihan mo ng kabastusan ?, o kaya minura mo? . " tanong nya.

Napangiti si Tabar.

"Gago, bakit ko naman sasabihan si Ekang ng ganon ?, Nag HI lang naman ako eh. " sabi nya.

Napaisip ulit si Romeo.

"Hmm.. Anong oras mo tinext ? . " tanong nya.

Napaisip din si Tabar.

"Alas dos ?. " tanong nya.

Natawa si Romeo at pinagpatuloy ang paglalaro ng PSP.

..

"Hoy !, sabi mo tutulungan mo ko ?. " tanong ni Tabar.

Huminto si Romeo sa paglalaro at tiningnan ang kaibigan.

"Nasan ba si Ekang ?. " tanong ni Romeo.

Nagtataka man, sinagot ni Tabar ang tanong ng kaibigan.

"Sa America. " sabi nya.

"Ilang oras ang pagitan ng oras nila sa oras natin ?,. Engot lang ?. " tanong ni Romeo.

Natulala si Tabar at biglang natawa.

"Oo nga !, kung kaninang alas dos ko sya tinext , malamang alas dos din ng madaling araw sa kanila, tulog si Ekang non !. " sigaw ni Tabar sabay tawa,.

Pinaikot ni Romeo ang eyeballs nya.

"Engot ka eh. Sabik ka kasi masyado. Di mo ko gayahin na relax lang. " pagyayabang nya.

Napangisi si Tabar.

"Balita ko, may boyfriend na si Ate Maxima. " sabi nya.

Natigilan si Romeo at nilingon ang kaibigan.

"You don't say that again. " banta nya.

Natawa si Tabar at pumasok na sa loob ng kwarto.

Tiningnan nya ang relos.

"Alas otso na. Dapat gising na sya. " sabi nya sa sarili.

Tamang tama, tumunog ang cellphone ni Tabar.

Tarantang tinalon ito ni Darius at mabilis na binasa ang text.

Ngising ngisi dahil galing nga ito kay Ekang.

"Hu u ?. " sabi sa text.

..

Ngumisi si Tabar at nagreply agad.

"Joweebee. " sagot nya.

.

Ilang saglit lang.

Muling tumunog.

"Weeee ?,, Musta na ? .. " agad na reply ni Ekang.

Napangiti ng maluwang si Tabar.

Para syang nakadrugs ng mga oras na yon.

Ang lahat ng kalungkutan nya kanina ay tila hindi na nya maalala.

..

Lumipas ang ilang oras.

Natawa si Darius ng magreply si Ekang.

Ekang : 12 PM na dito, 12 AM na din dyan sa inyo. di ka pa antok?

Tabar : Ayaw mo na kong katxt?

Ekang : Sinong nagsabi ? tara ! ^_^

Natawa si Tabar at sabik na nagreply.

Tabar : Okay ka na ba jan?

Ekang : :( Ang hirap mag cope up.

Tabar : Kung may magagawa lang sana ako.

Ekang : ^__^ may nagawa ka na.

Tabar : Ano ?

Ekang : Pinasaya mo na ko.

Tabar : =D

Ekang : Musta ka ?

Tabar : Not so okay.

Ekang : y?

Tabar : I'm missing sum1

Ekang : ^__^

Tabar : Bakit nakangiti ka ?

Ekang : I know her.

Tabar : Her ? panu mo nalamang babae?

Ekang : Ayyy.. Di ba :((

Tabar : =D pde din girl.

Ekang : :((

Tabar : Wag na sad.

Ekang : :((

Tabar : Please wag na sad. Pakilala kita sa kanya.

Ekang : Hmmp >.< wag na.

Tabar : Ayaw mo ?, ganda pa naman nun.

Ekang : ....

Tabar : Haha. Starts with letter D

Ekang : ?

Tabar : =D then A

Ekang : ?

Tabar : Ayusin mo naman txt mo. Parang ala kang gana eh.

Ekang : eh kainis ka eh, di mo nalng buuin eh.

Tabar : Xcited oh. Okay, IMY.

Ekang : ^_______^

Tabar : Haha, lawak ng ngiti. Alam mo ba meaning nyan ?

Ekang : Ano ba ?

Tabar : Secreettt

Ekang : Landi nito. I Miss You yan eh.

Tabar : ^__^

Ekang : Kita mo to, gaya gaya pa. Di nga ?, 22o ?

Tabar : ^__^

Ekang : Hmmp >.< bahala ka.

Tabar : I Missed You.

Ekang : ^__^ I Missed you too.

..

Kinilig si Tabar.

Di alam kung paano aalisin ang ngiti na kanina pa di maalis alis sa kanyang mga labi.

Sobrang saya pala ng pakiramdam ng ganito.

Kahit na sa text lang sila nagkakausap ni Ekang.

Parang katabi lamang nya ang dalaga.

..

Ekang : Joweebee.

Tabar : Yes my Queen.

Ekang : ^___^ ang sarap sa basahin.

Tabar : =D

Ekang : Joweebee, sleep ka na. Late na oh, 1 na jan.

Tabar : :( ayaw mo na ko ktxt ?

Ekang : Tangeks, baka may bukas pa ? paggising mo.

Tabar : ge ge, late nga ako kanina.

Ekang : Haha, wag kang laging magpapalate, wag mo gayahin si Rom.

Tabar : :) ingats ka jan.

Ekang : Yeah, para sayo, kaw din.

Tabar : Yes my Queen, sana ikaw mapanaginipan ko.

Ekang : Nightmare yon. Sige na sleep na My Ace.

Tabar : Sige, wala bang goodnight kiss?

Ekang : HhHmmmm :* :* :*

Tabar : Saraaapp,. lagi kong naiisip yung kiss natin.

Ekang : Ako rin, nagblush ako joweebee..

Tabar : Sana maulit yon.

Ekang : Sana nga.

Tabar : Sleep na ko.

Ekang : Sweetdreams.

..

Nag alangan si Tabar kung isesend ba ang salitang I Love you.

Pero sa huli.

Napangiti na lang sya at pinindot ang send button.

Pero bigla din syang napamura ng mag fail ang pag sesend ng text nya.

Agad syang nag buddy balance at lalong nagngitngit ng makitang wala na syang load.

..

Muling nag text si Ekang.

Ekang : Nakatulog na ata Ace ko, :* I love you.

..

Naguilty si Tabar ng mabasa ang text ng dalaga.

Nais nya itong replyan ng parehong mensahe.

Pero dahil sa dis oras na ng gabi, wala na syang makukuhanan pa ng load.

Kaya kahit na inis, minabuti na lamang nyang namnamin ang huling text ni Ekang.

"I love you too Ekang. " bulong nya at nilagay sa dibdib ang cellphone.

Iniisip na kayakap ang babaeng tinatangi ng puso.

ITUTULOY !!!