1. Home
  2. Stories
  3. Kwadro Alas Book 2 Ch. 30 - Changes
Lagablab

Kwadro Alas Book 2 Ch. 30 - Changes

By supertoyantz ·

Chapter 30 - Changes

Maagang nagising si Darius.

Exited syang di mawari dahil batid nyang malapit na lamang sa kanya ang babaing iniibig.

Tama.

Tinanggap na nya sa sarili na mahal nya pa rin si Ekang.

Hindi ito nawala sa paglipas ng mga taon, tila lalo pang yumabong.

..

Nakahanda na ang almusal ng bumaba sya sa kusina.

Nadatnan nya ang ina na naghahanda ng pagkain kasama ang isa nilang kasambahay.

"Oh anak, ang aga ah. " nakangiting bati ni Annette.

Napangiti din si Tabar.

Hinalikan sa pisngi ang ina at nginitian ang kasama nitong kasambahay.

"Medyo maaga kasi akong nakatulog kagabi Mom. " katwiran nya.

Tumango si Annette at mabilis na pinagtimpla ng gatas ang anak.

"Milk mo. " sabi nya.

Agad namang ininom ni Darius ang inabot ng ina.

Kaswal silang nagkwentuhan habang pineprepara nito ang almusal.

Ilang saglit lang ay bumaba na rin si Denzel at nagulat ito ng makita ang anak.

"Himala, babagyo siguro ngayon Hon. Ang agang nagising ng anak mo eh. " biro nya.

Napanguso si Darius habang kinurot naman ni Annette ang asawa.

"Ikaw talaga, syempre nagmamature na yung anak mo. " puri nya at inabot ang kape ng kabiyak.

Napangiti si Denzel.

"Anak, anong meron ?. Parang masaya ka ha. " puna nya.

Napangisi si Tabar.

"Wala po Dad. Maganda lang po siguro gising ko. " sagot nya.

Humigop ng kape si Denzel at inabot ang isang hotdog.

"Parang inspired ka ngayon ah. " tukso pa nya.

Napangiti si Annette.

Napakamot naman sa ulo si Darius.

"Nagising lang ng maaga, inspired na agad ?, di ba pwedeng maaga lang nakatulog. " sagot nya.

Natawa si Denzel.

"Siguro nga, pero may nabalitaan ako eh. " kwento nya.

Nacurious si Annette.

"Ano yon Hon ?. " tanong nya.

"Oo nga po, ano po yon Dad?. " tanong ni Darius.

Ngumisi si Denzel.

"Balita ko dumating na daw yung girlfriend mo. Ano nga ulit pangalan non?, ay oo nga pala, Dannica. " nakangising sabi nya.

Nanlaki ang mga mata ni Darius.

Napangiti naman si Annette at nilapitan ang anak.

"Is it true baby ?, wow. Invite mo sya dito minsan ha ?. " alok ng ina.

Napayuko si Darius.

Gusto nya ang ideya na makakasama nyang kumain ang dalaga kasabay ng mga magulang nya.

Pero di nya alam kung papagayag ba ito.

..

"Hoy, nagdaydream ka na. " untag ni Denzel sa anak.

Natawa si Annette.

"Nak, baunin mo itong ginawa kong dessert, bigay mo kay Dannica ha. " excited na sabi nya sabay kuha sa ref ng nasabing pagkain.

Natawa si Denzel.

"Kita mo yang nanay mo, ang galing talaga pagdating sa suhol eh. " parinig nya.

Binelatan lang sya ng ina at pinagpatuloy ang paglalagay sa malinis na baunan ang pagkain.

Napangiti si Tabar.

Bagama't nais nyang solohin ang pagkain na hinanda ng ina, naisip nyang maganda ngang ibigay nya ito kay Ekang.

Mabilis nyang pinagpatuloy ang pag aalmusal.

..

Alas nuwebe ng Umaga.

Kasalukuyang nakapwesto si Tabar sa sariling trono nya sa kubo ng mga alas ng pumasok si Romeo at Aldrin.

Agad napansin ng dalawa na tahimik si Darius.

"Himala, dati ako ang nauuna dito o kaya yung mag bestfriend kuno, pero look who's here. " puna ni Aldrin.

Tahimik lang na pumasok si Romeo at naupo sa sariling trono.

Ganun din ang ginawa ni Aldrin.

Maya maya ay eksaktong dumating na rin sina Lelay at Krissing na nagtatawanan habang nakasunod si Rhoi dala ang mga gamit nila.

"Hi Heart. " bati ni Lelay sabay halik sa labi ni Aldrin.

Kumandong agad sya sa binata at yumakap dito.

Kanya kanya na sila ng upo ng mapansin nilang parang tahimik si Tabar.

"Anyare dito sa baboy na to?. " puna ni Rhoi.

Natawa si Aldrin.

"Kanina pa tahimik yan. Di pa siguro kumakain. " biro nya.

Ngumisi lang si Darius.

"Wag nyo kong pakelaman. Mga uripon. " ganting biro nya.

Nagtawanan sila ng biglang may kumatok sa pinto ng kubo.

Siniko ni Krissing si Rhoi para tingnan kung sinong tao.

Sumunod naman ang binata at sumilip.

..

Nakita ni Rhoi na may tao nga sa labas.

"Ano yon?, yelo?. Wala di pa matigas eh. " biro nya.

Nagtawanan ang mga nasa loob.

Napakamot na lang ang lalaki at tinuro ang isang puno.

"May naghahanap kasi sa inyo, ayun oh. " sabi nito.

Sinundan ni Rhoi ang tinuro ng lalaki at napangiti ng makita si Ekang.

Agad syang kumaway sa dalaga.

"Hoy !, dito !. " sigaw nya.

Agad namang napatingin si Ekang sa direksyon nya at napangiti.

Dali dali itong lumapit sa kubo pero di agad pumasok.

Humahangang nilibot ni Ekang ang paningin sa kabuuan ng kubo.

Napapailing na lang sya at dire diretso ng pumasok sa loob.

..

Biglang napatili sina Krissing at Lelay ng makita ang dalaga.

"Eewwww.. Sis !. " sigaw ng dalawa at sinalubong ang bagong dating.

Nagyakap ang mga babae.

"Kamusta kayo dito?, infairness ang ganda ng tambayan. Parang nung highschool lang tayo ah. " puri ni Ekang.

Napangisi lang si Krissing.

"Alam mo naman itong mga to, di makukuntento hangga't hindi nagkakaroon ng tambayan. Anyway, anong ginagawa mo dito sis ?. " tanong nya.

Napangiti si Ekang.

"Masama bang dalawin ang mga friends ko ?. " nakangiting sabi nya.

Pilit nyang iniignora si Darius na kanina pa nakatingin sa kanya.

"Hey sis upo ka muna, psst Heart alis ka dyan. " taboy ni Lelay.

Napakamot sa batok si Aldrin at tinuro si Darius.

"Don sya Heart, psst hoy tabar !, paupuin mo nga si Ekang oh. " sigaw nya.

Agad namang kumilos si Darius at inalok ang pwesto.

Pinagmasdan ni Ekang ang trono ni Tabar.

Di nya maiwasang mapangiti ng makita ang iba pang mga trono.

Kanya kanyang disenyo at kulay.

Hugis puso at kulay pula para kay Aldrin, clubs at green naman kay Rhoi, itim at spade para kay Romeo habang Asul na Diamond naman para kay Darius.

"Tsk tsk, parang di kayo tumatanda, mga isip bata pa rin kayo. " puna ni Ekang at naupo sa trono ni Tabar.

Nagtawanan ang mga babae.

"Sis, kumain ka na ba ?. " tanong ni Krissing.

Umiling si Ekang.

"Di pa eh." sabi nya.

Agad na naalala ni Darius ang pinabaon na cake ng ina, pero di nya alam kung paano ito ibibigay sa dalaga.

Nahihiya sya.

At hindi nya ito maintindihan.

Kinipkip nya ang bag, dahan dahang binuksan at kinapa ang nasabing pagkain.

Sinulyapan nya ang dalaga na abala sa pakikipagkwentuhan kina Krissing at Lelay.

..

"Ekang, may ibibigay ata sayo si Tabar. " biglang sabi ni Romeo.

Nahinto sa pag-uusap ang mga dalaga at napatingin kay Tabar.

Napapikit si Tabar at minura sa isip si Romeo.

"Ano yan Tabar ?. " tanong ni Lelay.

"Hmm, mukhang may gift ka kay sis ah. Eeeww,. kakakilig naman. " tukso ni Krissing.

Ngumisi si Romeo at sinuot ang itim na shades.

Nacurious sina Rhoi at Aldrin kaya lumapit sila sa kaibigan at inagaw ang bag nito.

Pero mahigpit na niyakap ni Darius ang bag nya.

"Oo na, saglit lang kasi. " asar na sabi nya at pinakyu si Romeo.

..

No choice si Tabar kundi ilabas ang baunan na naglalaman ng cake.

Nanginginig ang kamay na inabot nya ito sa dalaga.

Naghiyawan ang mga kaibigan nya.

Nakangiti namang inabot ni Ekang ang binigay ni Tabar.

Binuksan nya ito at tumambad sa lahat ang cake.

Saglit na tinitigan ng dalaga ang pagkain pagkatapos ay muli itong tinakpan at sinoli sa binata.

"Sorry, I don't eat sweets. Masisira ang teeth ko. " tanggi nya.

Natahimik ang lahat.

Nabigla si Darius.

Nangibabaw ang tensyon sa loob ng kubo.

Pakiramdam ni Tabar ay namula ang buong katawan nya dahil sa pagkapahiya.

Pinilit nyang ngumiti at dahan dahang inabot ang cake.

"A-ah ganun ba?, s-sige ako na lang ang kakain. F-favorite ko kasi ang bake ni Mom eh. S-sabi ko kasi sa kanya na baka makain ko na ito bago ko maibigay sayo pero nagalit sya, sabi nya dapat daw makarating sayo. " utal na paliwanag ni Darius.

Nanigas si Ekang ng marinig ang sinabi ng binata.

Nais nyang bawiin ang cake pero mabilis na kinain ni Darius ang pagkain.

"Tol, tara bili tayo ng drinks. " aya ni Romeo at inakay na palabas ang kaibigan.

Nagkatinginan sina Aldrin at Rhoi.

Lumapit si Potpot sa girlfriend na si Lelay.

"Heart, parang gusto ko din ng mountain dew, anong gusto mo ?. bibili muna kami ni utol Rhoi. " pagdadahilan nya para lang makasunod sa dalawa.

Tumango si Lelay.

"Sige heart, kahit ano na lang. " sabi nya.

"Kaw bes?, ano sayo ?. " tanong ni Rhoi.

"Kahit ano na rin bes. " sagot ni Krissing.

Natawa sina Aldrin.

"Siguro si Ekang kahit ano na rin. " sabi nya.

Kiming ngumiti lang si Ekang at tumango..

Ang isip ay nakatuon kay Tabar.

..

Hindi sa canteen dumiretso sina Romeo at Darius.

Lumabas sila ng eskwelahan at nagtungo sa pinakamalapit na jollibee.

"Hoy, tangna mo, libre mo nga ako. " utos ni Romeo.

Napangiti na lang si Tabar at tumango.

Tila nawalan sya ng ganang makipagtalo.

Matapos umorder, naupo na sila sa bakanteng mesa.

Tahimik silang kumain.

Ilang saglit pa, nagsalita si Romeo.

"Tol, patikim nga ng cake " sabi nya.

Dahan dahang nilabas ni Darius ang pagkain at nilapag sa mesa.

Pero tinitigan lang ito ng dalawa.

"Oh kala ko ba kakainin mo?. " tanong ni Tabar.

Umiling si Romeo.

"Mauna ka muna. " sabi nya.

"Sige na kumain ka na. " sabi ni Darius.

"Ayaw, mauna ka muna. " sagot ni Romeo.

Naasar si Tabar at binuksan ang baunan, kinuha nya ang plastic na kutsara at kumuha ng kapiraso bago mabilis itong sinubo.

Sumunod si Romeo.

Kumuha din sya ng kapiraso at pagkatapos ay sinubo.

Gumaya si Darius hanggang sa maubos nila ang cake.

Hinimas ni Romeo ang tyan at sumandal sa upuan.

"Haayz, ang sarap tol. Magbaon ka nga ulit bukas. " sabi nya.

"Ulol, di na ko magbabaon kahit kailan, uubusin ko na agad sa bahay pa lang. " inis na sabi nya.

Natawa si Romeo.

"Grabe, penge naman kami. " biro nya.

Pero umasim lalo ang mukha ni Tabar.

"Tangna, kung alam ko lang na mapapahiya ako , di ko na sana sya inalok, ikaw kasi eh, gago ka talaga since birth eh no. " sabi nya sabay batok sa kaibigan.

Natatawang umiwas si Romeo.

"Haha, eh totoo naman di ba?, para yan kay Ekang pero di ko naman akalain na harapan nyang tatanggihan, pero infairness, gumanda nga ang teeth nya ngayon. Di ba yun yung inaayawan mo dati ?, sabi mo sungki sungki ang ngipin nya, tingnan mo naman ngayon, perfect set na. " sabi nya.

Umiling si Tabar.

"Di lahat , nandun pa rin yung sungki nya. " puna nya.

Napangisi si Romeo.

"Talagang napansin mo pa yon ?. " pang aasar nya.

Napahinga ng malalim si Tabar at binalik sa bag ang lalagyan ng cake.

"Maraming nagbago sa kanya. " puna nya.

"Tulad ng ? " tanong ni Romeo.

Napatingin si Tabar sa labas ng salamin na dingding.

"Bukod sa di na sya nahihiyang tumabi sa akin, parang di na nya talaga ako gusto. " mahinang sabi nya.

Natahimik si Romeo.

Nagpatuloy si Tabar.

"Yung pagkilos nya at pananalita, wala na yung dating mahiyain na Ekang. " malungkot na dagdag ni Tabar.

"Pero gumanda sya, di ba sabi mo dati napapangitan ka sa kanya ?, ayan na, maganda na sya ngayon. " sabi ni Romeo.

Pero natahimik lang si Tabar.

"D-di ko alam, p-parang di ko na sya kilala, ni hindi nga nya ako tinitingnan kanina. " mahinang sabi nya.

"Some people change pare, constant na yon sa mundo. Ang pagbabago. " sagot ni Romeo.

Natahimik ang dalawa at pinalipas ang mga oras.

..

Sa kubo.

Bumalik na sina Aldrin at Rhoi galing sa canteen dala ang mga nabiling pagkain.

"Oh nasan yung dalawa ?. " tanong ni Krissing.

Nagkibit balikat si Rhoi at nilapag sa mesa ang mga pinamili.

"Ewan ko, wala naman sa canteen, malamang na lumabas yon." sagot nya.

Tahimik lamang na nakinig si Ekang.

Dinadama nya ang lambot ng trono ni Darius.

"Sis, magkwento ka naman, kamusta ang buhay mo sa States ?. " tanong ni Krissing.

Napangiti si Ekang at nagkwento.

"Mahirap, lalo na kapag mag isa ka lang, wala akong kaibigan at kausap. Puro english speaking ang lahat. " biro nya.

Natawa naman ang lahat.

Nagpatuloy si Ekang.

"Pero kailangan naming magpatuloy ni Mama, kahit naman sya kailangan nyang mag adjust ng malaki. Buti nga ako eskwela at bahay lang ang inaatupag, pero si Mama, kailangan nyang makipagmeeting sa iba't ibang tao para lang magkaroon ng shares sa isang kompanya don. Ang hirap talaga, minsan umaabot na ng ala una ang meeting nila." malungkot na kwento nya.

Nalungkot din ang lahat.

"Pero kailangan eh, wala kaming choice kundi magpatuloy. So ayon, pinilit kong labanan ang lungkot sa pamamagitan ng pag aaral. " kwento nya.

Biglang may kumatok sa pinto ng kubo.

"Yes ?. " tanong ni Lelay.

Napansin nyang may dalawang estudyanteng nasa labas .

Pero halatang hindi ito galing sa eskwelahan nila.

Nagtutulakan ang mga ito.

"I-ikaw na k-kumausap. " sabi ng isa.

Nagkandailing naman ang isa.

"I-ikaw na, baka tarayan ako eh. " sagot nito.

Dumungaw sina Rhoi at Aldrin sa bintana.

"Anong meron ?. " tanong ni Rhoi.

Nagkatinginan ang dalawang estudyante.

"R-rhoi. " sabi ng isa.

Ngumiti si Rhoi.

"Kilala nyo ko ?. " tanong nya.

Tumango ang dalawa.

"S-si Aldrin ka di ba?. " tanong naman ng isa.

Napangisi si Potpot.

"Paano nyo kami nakilala ? . " tanong nya.

Namula ang mga pisngi ng dalawang babae.

"S-sikat kasi kayo sa school namin eh. " sagot ng isa.

Nanlaki ang mga butas ng ilong nina Rhoi at Aldrin.

"Talaga?, anong maipaglilingkod namin sa inyo?. " tanong ni Rhoi.

Nilabas ng isang babae ang tinatago nito sa likod.

Isang regalo.

"P-pakiabot naman to. " sabi ng babae.

Sumenyas si Lelay kay Krissing.

"Sis oh. " nguso nya.

Agad na tumayo si Krissing at dumungaw din sa bintana.

"Ano yon ?., " nakangiting tanong nya.

Ngumiti din ang dalawang dalaga.

"M-may ibibigay lang kami kay Darius. N-nandyan po ba sya ? " tanong ng isang babae.

..

Pagkarinig sa pangalan ng binata, agad na dumungaw si Ekang.

"Ano yan sis? . " tanong nya kay Krissing.

Nagkibit balikat ang dalaga.

"Suitors malamang, para daw yon kay Tabar. Ikaw na nga ang tumanggap sis. " sabi ni Krissing at bumalik sa pwesto.

Lumabas si Ekang ng kubo at hinarap ang dalawang dalaga.

"Ano ba yan?. " tanong nya.

Nagkatinginan ang dalawang babae.

"R-regalo lang. Para kay Darius. " sabi ng isa.

Nakaramdam ng ngitngit si Ekang.

"Para saan ?, di naman nya birthday ah. ?. " taray nya.

Nasindak ang dalawa.

"A-alam naman namin ang birthday nya, gusto lang namin syang bigyan. W-wala naman sigurong magagalit kasi wala syang girlfriend ngayon di ba?. " tanong ng isa.

Inis na hinawi ni Ekang ang buhok.

Ngumiti sya ng peke sa mga babae.

"Dati yon, pero hindi na ngayon. " sabi nya.

Nagtaka ang dalawang babae.

"B-bakit ?, wala naman kaming nababalitaan na nagkagirlfriend na sya ulit. " tanong ng isa.

Ngumisi si Ekang.

"Well, hindi na namin kailangan pang i-announce ang relasyon namin. Kaya if I we're you, aalis na ako dahil masama akong magalit. " galit na bulong ni Ekang sabay talikod at muling bumalik sa kubo.

Naiwan ang dalawang babae na tulala.

..

Pabalik na sina Romeo at Darius.

"Tol, ano sa tingin mo ang dapat kong gawin ?. " tanong ni Tabar.

Nagkibit balikat si Romeo.

"Di ko alam, alam mo namang mahina ako pagdating sa babae, naisip ko ngang ipakonsulta ang sarili ko sa mga eksperto kasi baka may sakit ako. " drama nya.

Binatukan lang sya ni Darius.

"Ulol, babaero, chickboy, playboy, pabling, lahat lahat na. Tangna ka, pusit ka pare, ano na nga kasi. " inis na sabi nya.

Pero bigla silang natigilan ng may masasalubong na dalawang dalaga.

Dahil sa pagiging babaero nilang pareho, kabisado na nila ang mga magagandang babae sa sariling teritoryo, kaya alam nilang hindi ito nagmula sa kanilang eskwelahan.

Mabilis na nag ayos ang dalawa bilang instinct kapag nakakakita ng chix.

..

Natigilan ang dalawang babae ng mapansing masasalubong nila ang dalawang miyembro ng sikat na Kwadro Alas.

Kinabahan ang mga ito at kinilig.

"Sis, si Darius at Romeo. " sabi ng isa.

Tumango ang isa pero nalungkot.

"Taken na pala si Darius. " sabi ng isa.

Nalungkot din ang isang dalaga.

"Oo nga eh, pero anong gagawin natin sa gift, ibigay na rin natin. " sabi nya.

"Paano yung girlfriend nya daw ?. " tanong naman ng isa.

"Hayaan mo silang mag away. Ayan na sis, palapit na sila !. Shet ang gagwapo talaga. Pero wag ka dyang lalapit kay Romeo kasi sobrang babaero nyan. " bulong nito.

..

Nagpacute ang dalawa.

Diretso lang silang naglakad at hindi tinapunan ng tingin ang dalawang dalagang nag aabang sa gilid.

"H-hi Darius. " bati ng isang babae.

Huminto sina Romeo at Darius para batiin din ang mga ito.

"Hi pretties. " bati ni Romeo.

Kinilig ang dalawa pero pilit nilang inignora ang Spade dahil sa kumakalat na imahe nito pagdating sa mga babae.

Pinili nilang pansinin si Darius na nakatingin sa kubo.

"D-darius, for you. " sabi ng isa sabay abot ng regalo kay Tabar.

Ngumiti lang si Darius at inabot na ang regalo.

"Salamat. Sige ha, may kailangan lang kaming puntahan. " paalam ni Darius.

Nagulat si Romeo sa inakto ng kaibigan.

"Hindi lang si Ekang ang nagbago. Pati ikaw Tabar. Kung dati si Ekang ang nahihiyang dumikit sa'yo, ngayon ikaw na ang nahihiya, meaning, inamin mo na sa sarili mo na mahal mo nga sya. Eewww, exciting ang tinatakbo ng storya. " bulong nya sa sarili.

Akmang susunod ang dalawang babae pero mabilis na humarang si Romeo.

"Oops. " awat nya sa tangka nitong pagsunod sa kaibigan.

Inakbayan nya ang dalawang dalaga.

Natulala ang mga ito.

"Ladies, hayaan nyong ako ang maging tour guide nyo palabas ng campus. " swabeng sabi nya.

Pero biglang hinimatay ang isa.

Nataranta si Romeo at inamoy ang sarili.

"Aba, ang bango ko kaya. " sabi nya at mabilis na inalalayan ang babae.

ITUTULOY !!!