1. Home
  2. Stories
  3. Kwadro Alas Book 2 Ch. 31 - Girl Talk
Lagablab

Kwadro Alas Book 2 Ch. 31 - Girl Talk

By supertoyantz ·

Chapter 31 - Girl Talk

Tinulak ni Darius ang maliit na harang na nagsisilbing pinto ng kubo.

Nagpagpag muna sya ng sapatos bago pumasok sa loob.

Napatingin sa kanya ang mga kaibigan kabilang na si Ekang.

Napako ang paningin sa regalong dala nya.

..

"Tol, nakasalubong mo yung mga naghahanap sayo ?. " tanong ni Rhoi.

Tumango si Darius at nilapag sa lamesita ang hawak.

Akmang uupo sa sariling trono ng biglang sumingit si Ekang at ito ang naupo doon.

..

Napakamot sa batok si Tabar.

"Paupo naman. " reklamo nya.

Pero inirapan lamang sya ng dalaga.

Sinulyapan ni Aldrin ang relos.

"Oy tara na, may isang subject pa tayo. " paalala nya sa mga kaibigan.

Nag ayos na ng sarili si Rhoi at maging si Darius.

..

"Pasok muna kame, magpapanggap na nag aaral. " biro ni Aldrin.

Nagtawanan sila.

Nagtaka si Ekang ng makitang hindi kumikilos sina Krissing at Lelay.

"Sis, kayo ba wala ng pasok ?. " tanong nya.

Umiling ang dalawa.

"Wala na kaming subject for today, sila meron pang isa kasi sabay sabay silang nagpa enroll. " paliwanag ni Lelay.

Napangiti lang si Krissing.

"Alam mo na, mahal nila masyado ang isa't isa kaya ayaw nilang maghiwalay. " biro nya.

Natawa si Ekang at sinulyapan ang papalabas na tatlong alas.

Hinintay nyang mawala muna ang mga ito bago sya nagsalita.

..

"K-kamusta naman yung studies nya ?. " tanong ni Ekang.

Nagkatinginan sina Krissing at Lelay.

"Sinong "nya" ?. " tanong ni Krissing.

Namula ang mga pisngi ni Ekang at napatayo.

Dumungaw sya sa bintana at pinagmasdan ang tatlong alas na naglalakad patungo sa kung saan.

"Sya. " sagot nya ng hindi lumilingon.

Ngumiti lang ang dalawang dalaga.

Tinabihan nila si Ekang at pinagitnaan.

Sabay sabay nilang sinulyapan ang tatlong binatang laman ng kanilang puso.

..

"Okay naman. Wala namang nagpapabaya sa kanilang apat pagdating sa pag aaral. Hindi pa sila bumagsak kahit sa isang subject kahit na puro lang sila kalokohan sa room nung highschool. " kwento ni Krissing.

Napangiti si Lelay.

"Yeah, minsan sabay kaming gumagawa ng assignments at projects ni Potpot, and I must admit, mas magaling nga sya sa akin pero minsan tamad lang sya. Kaya kailangan nya talaga ng tagapag alala. " nakangiting salaysay nya.

Natahimik si Ekang.

Nakaramdam ng inggit sa dalawang dalawa sa tabi nya.

"S-si Tabar kaya?. Ayos lang ba sya?. " pabulong na tanong nya.

Narinig naman ito ng dalawa.

"Don't worry sis, masyadong maangas yang apat na yan. Ayaw nilang nagiging pabigat sa isa't isa kaya sigurado akong hindi nila nanaisin na maging kaawa awa sa paningin ng iba nilang kapatid. Kaya for sure, mag sisikap yang mga yan para di makakuha ng mababang grades. " katwiran ni Krissing.

Napatango ang dalawang dalaga.

..

"Sa tagal ko ng kilala yang apat, kampante ako na walang babagsak sa kanila. " sagot ni Ekang.

Napangiti si Lelay.

Binalingan nya si Ekang at tinitigan sa mukha.

"Love mo pa si Tabar ?. " biglang tanong nya.

Biglang napalingon si Ekang sa dalaga at marahas na umiling.

"Chismis yan ah. " agad na sagot nya.

Pero nagkatinginan lang sina Lelay at Krissing.

Nagkasundo sa pamamagitan ng tingin.

..

"Come on sis, tayong tatlo lang ang nandito. And come to think of it, tayo lang ang babae sa grupo kaya dapat share tayo ng feelings at problems tungkol sa kanila. For sure naman silang apat eh ganun din ang ginagawa. " katwiran ni Krissing.

Napangiti si Ekang.

"I don't think so. Masyadong mahiyain yung mga yon pagdating sa mga nararamdaman nila. Mas nanaisin pa nilang solohin ang problema kesa mandamay ng iba. Ganyan ko sila nakilala. " paalala nya.

Natahimik naman sina Lelay at Krissing.

Muli nilang pinagmasdan ang tatlong alas.

Malayo na ito sa kanilang paningin pero kilala pa rin nila ang lakad ng mga ito na parang hari ng daan.

Napangiti si Ekang ng malungkot.

"Mga sis, may tanong ako, pero sana wag nyo ng ipagsabi sa iba ha, lalo na sa apat na alas. " sabi nya.

Napatango ng mabilis ang dalawang dalaga.

..

Ngumiti si Ekang.

Kitang kita nya ang mga humahangang tingin ng mga kababaihan ng dumaan ang tatlong alas sa harap ng mga ito.

"I-ilan na ba ang naging girlfriend ni Darius mula ng umalis ako ?. " mahinang tanong nya.

Nagkibit balikat si Lelay.

"Pass ako, last year sem lang nila ako nakasama. " singit nya.

Napatingin sila kay Krissing.

Napaisip naman ang dalaga.

"Hmm, kung girlfriends ang itatanong mo, wala. Wala akong naaalala. " sagot nya.

Lihim na natuwa si Ekang.

Pero may dinagdag pa si Krissing.

"But. You know those four, napakaraming babae ang umaaligid sa kanila. Bata pa tayo sis alam na natin na gwapo sila at sadyang makukulit. Napakahirap nilang isnabin at tarayan. Kaya hindi ko masasagot yan sis. Kung girlfriends ang itatanong mo, sigurado akong wala syang naging GF, pero kung Flings, nakow, saksakan ng dami. " paliwanag nya.

Nakaramdam ng lungkot si Ekang.

Di nya maintindihan ang sarili pero parang naiinis sya na nalulungkot ng sabay.

..

"G-ganun ba?. Di pala sya loyal. " mahinang sabi nya.

Pero muli itong narinig ng dalawa.

"Bakit sis ?. May unawaan na ba kayo ni Tabar bago ka pa man umalis papuntang states ?." tanong ni Lelay.

Nacurious din si Krissing.

Namula naman ang mga pisngi ni Ekang.

Mabilis syang umiling.

"W-wala no. Imposibleng magustuhan ako ni Tabar nuon. " katwiran nya.

Umalis na si Ekang sa bintana at muling bumalik sa trono ni Darius.

Hinimas nya pa ang malambot na sandalan nito bago tuluyang naupo.

Gumaya naman ang dalawang dalaga at naupo din sa trono nina Aldrin at Rhoi.

Natahimik silang saglit.

..

Biglang pumasok si Romeo sa kubo na hinihingal.

"Mga baklaaa !, may last subject pa !, late na tayo !!.. " pambungad na sigaw nya.

Pero natulala si Romeo ng madatnan ang tatlong dalaga na nakatingin din sa kanya.

"Nasan ang mga sisters ko ?. " tanong ng binata.

..

Napahagikgik bigla ang tatlo.

"Siraulo !, kakapasok lang !, bilisan mo at late ka na naman !. " sigaw ni Lelay.

Nanlaki ang mga ni Romeo at mabilis na nagflying kiss sa tatlo.

Sinara nya ang pinto at kumaripas na ng takbo patungong classroom nila.

..

Napailing na lang ang tatlong dalaga.

"Siraulo talaga. " nangingiting sabi ni Krissing.

Napangiti naman si Ekang at napaisip muli.

Napansin ito ni Lelay.

"Sis, bakit mo nasabing hindi ka magugustuhan ni Tabar nuon ?, eh sa nakikita ko, ang ganda ganda mo. " tanong nya.

Nagkatinginan naman sina Ekang at Krissing.

Napangiti ng kimi si Ekang.

"Well, sabihin na nating natuto akong pahalagahan ang sarili ko duon sa States. Ikaw ba namang tumira sa lugar na walang ginawa kundi magparty at magbulakbol ang kabataan, natural na makikiuso ako ng konti. " biro nya.

Pero napailing si Krissing.

"Well sis, siguro yung pag aayos lang ang nakuha mo sa kanila, kasi kapag tinitigan kita nuon, lagi kon nakikita ang tago mong ganda. Di ko nga lang masabi sayo kasi baka isipin mo na napapangitan ako sayo nuon. " paliwanag nya.

Ngumiti lang si Ekang.

"Nambola pa. " sabi nya.

Pero muling umiling si Krissing.

"Nako sis, antagal na nating magkasama, bobolahin pa ba kita ?. Sabunutan kita dyan eh. " biro nya.

Nagtawanan sila.

..

"At masasabi ko namang gumanda ka din sis. " balik puri ni Ekang.

Nagtawanan ulit sila.

"Sige pa purihin pa natin ang isa't isa. " sagot ni Lelay.

Napangiti si Ekang.

Eto ang namiss nya nuong nagpunta sya sa states, ang mga kaibigan. May bonus pa dahil nadagdag si Lelay na naging girlfriend ni Aldrin.

Pinagmasdan nya ang dalaga habang masaya itong nakikipagkwentuhan kay Krissing.

Maganda ito walang duda, pero batid nyang hindi ito makakapasok sa Kwadro Alas at magiging Girlfriend pa ng Ace of Heart kung wala itong katangian na hinangaan ng lahat.

Wala naman syang duda sa desisyon ng mga kaibigan.

Napatingin si Ekang kay Krissing.

Sa tagal ng panahon na nagsama sila ng dalaga, alam na alam na nya ang ugali nito.

Pero batid nya ang isang bagay na maaaring hindi alam ni Lelay.

Ang lihim na pagtingin ng kaibigan sa isa sa mga alas.

At yun ay walang iba kungdi ang bestfriend nito na si Rhoi.

Napangiti si Ekang ng lihim.

Namiss nyang tuksuhin ang kaibigan kaya nag isip sya ng topic.

..

"Ay sis Kris, kamusta na kayo ni Rhoi ?. " biglang tanong nya.

Nawala ang ngiti ni Krissing at napatingin sa kaibigan.

"Ayos naman, bakit ?. " tanong nya.

Ngumisi si Ekang.

"Wala pa ring pagbabago ?. " tanong nya.

Nanlaki ang mga mata ni Krissing at inirapan ang kaibigan.

Binalingan nya si Lelay na nakatingin sa kanila.

"Ay sis Hannah, mall tayo sa Sunday ha?. Sama ka Sis. " aya ni Krissing.

Nagkatinginan sina Ekang at Lelay.

Napangisi sa isa't isa.

"Wala ba kayong date ng bespren mo ?. " tanong ni Ekang.

Natawa si Krissing at tumayo.

Nilapitan nya si Ekang at kinurot ang magkabilang pisngi nito.

"I don't know what you're talking about. Di ba book nyo to ni Tabar ?, Eh bakit ako ang kinukulit mo ?. " bulong nya.

Napabungisngis si Ekang.

"Namiss kasi kita. " sabi nya.

Nagtawanan sila at nagyakap.

"I really missed you too sis. Come here Lelay, group hugg. " aya ni Krissing.

Mabilis namang tumayo si Lelay at binuka ang kamay para yakapin ang dalawa.

..

Araw ng linggo.

Tulad ng napag usapan.

Nag date ang tatlong dalaga.

Sila lamang ang lumabas at itsapwera ang mga alas.

Katatapos lamang nilang mamili ng kung ano ano at kasalukuyan silang nagtatalo kung saan masarap kumain.

Biglang nakita ni Ekang ang matagal ng inaasam.

Napangiti sya at nginuso ang jollibee.

"Sis, dito na lang tayo. " aya nya at nagpauna ng pumasok sa loob.

Nagkatinginan na lang sina Krissing at Lelay.

..

Sama sama silang pumila sa counter para sa mga pagkain.

Di tulad ng mga alas, silang tatlo ay magkakasundo sa tahimik na paguusap.

"Look mo yung banda don sis, parang kanina pa nakatingin sa legs mo oh. " biro ni Lelay.

Napaismid lang si Ekang.

"Whatever. " sabi nya.

Ngumisi si Krissing.

"Nagbago ka na talaga sis, dati di ka mapapasuot ng short shorts, pero ngayon. Kabog kaming dalawa ni Lelay eh. " biro nya.

Natawa si Ekang.

"Eto kasi ang uso sa Texas. " katwiran nya.

Natahimik na lang sila ng malapit na silang umorder.

Natulala sina Krissing at Lelay ng biglang magtuturo si Ekang ng kung ano ano.

"Hala sis, kaya mong ubusin yan ?. " tanong ni Lelay.

Ngumisi lang si Ekang.

"Namiss ko kasi itong Joweebee. " biro nya.

Natawa si Krissing.

"Itong Joweebee ba o si Joweebee mismo ? " biro nya.

Di nakasagot si Ekang.

Nagtaka si Lelay.

"Sinong Joweebee? . " tanong nya.

Ngumisi si Krissing.

"Eh di sino pa ?, si Tabar !. " bunyag nya.

Kinilig naman si Lelay at naghagikgikan sila ni Krissing.

Inis na pinagkukurot ni Ekang ang singit ng mga kaibigan pero tawa lang sila ng tawa.

..

Dahil sa puno na ng customers ang loob ng fastfood, nagpasya ang tatlo na sa labas na pumwesto.

Habang kumakain, masaya nilang pinagpatuloy ang pagkukwentuhan.

Di nila alintana ang humahangang tingin ng mga kalalakihang dumadaan sa tabi nila.

Wala silang paki alam at enjoy lang na kumakain.

"So paano yung debut mo sis ?. " tanong ni Krissing.

Napahinto sa pagsubo ng fries si Ekang at napaisip din.

"Di ko nga alam kung paano sisimulan eh. Si Mama na lang siguro ang bahala don. " sabi nya na tila di interesado.

"Pero sis, 18th birthday mo yon !, you should be super excited !. " paalala ni Lelay.

Nagkibit balikat lang si Ekang at sinubo na ang fries.

"Well, excited naman ako, pero at the same time ay malungkot. " sabi nya.

Nagtaka ang dalawa.

"Why ?. " sabay pa nilang tanong.

Napatingin sa labas ng salamin na dingding si Ekang.

"Remember, I'm just on a vacation, and when my birthday ends, kailangan kong bumalik ng Texas the day after my birthday. " malungkot na sabi nya.

Nakaramdam din ng lungkot ang dalawa.

"Bakit kasi kailangan mo pang bumalik don?, dito ka na lang mag aral sis. " suhestyon ni Lelay.

Sumang ayon naman si Krissing.

Pero napailing si Ekang at muling sumagi sa isip nya ang ama.

Nangilid ang luha sa kanyang mga mata pero maagap nya itong pinigilan.

"W-well, I can't decide about that. Wag na nga nating isipin yon. Let's enjoy na lang no. Magpapa spa pa tayo after. " muli nyang pinasigla ang boses.

Nagkatinginan lang sina Krissing at Lelay at nagpasyang sundin na lang ang sinabi ng kaibigan.

..

Ilang saglitl ang ay may lumapit na lalaki sa tatlong lalaki sa kanila.

Napaangat ang tingin ng tatlong dalaga.

"Yes ?. " mataray na tanong ni Krissing.

Napataas din ang kilay nina Ekang at Lelay.

"Wow mataray pare, well, I'm Patrick and this are my friends Leo and Tyler. Naglalaro kasi kami ng Truth or Consequence and natalo ako, kaya I chose Consequence, eh inutusan nila akong kunin ang number nyong tatlo. " preskong sabi nito.

Di naman masisi ng tatlong dalaga ang binata dahil may itsura ito.

Sa mga ganitong pagkakataon, imbes na kabahan, nathrill pa ang mga dalaga na paglaruan ang tatlong binata.

..

"Well, no problem, sis bigay mo nga number ko. " sabi ni Krissing.

Tumango si Ekang.

"Where's your pen ?. " tanong nya sa nagpakilalang Patrick.

Di makapaniwala ang dalawang kasama nito dahil tatlong nag gagandahan ang kausap nila.

Mabilis na naghanap ng ballpen ang tatlo pero wala silang nakita.

Nilabas ng Patrick ang mamahalin nitong cellphone at nilapag sa mesa.

"Ikaw na ang magsave. " sabi nya.

Ngumiti si Ekang at kinalikot ang phone.

Ilang saglit lang ay muli nya itong inabot sa binata.

"Here. " sabi ni Ekang.

Nakangiting tinanggap ng Patrick ang phone at muling binulsa.

"Thanks pretties, uhm since na nabigay nyo na number nyo sa amin, pwede bang maki upo ?. " tanong nito.

Pero hindi na hinintay na maka oo ang tatlong dalaga, mabilis na humila ng upuuan at mesa ang dalawang kasama nito at dinugtong sa mesa nila Ekang.

..

Nagkatinginan ang tatlong dalaga.

Nilabas ni Krissing ang phone at pinakita sa dalawa.

"Ano sis?, medyo di ko na gusto ang ginagawa nitong tatlong to eh. Tawagan ko na yung rescue natin ?. " tanong nya.

Sadya nyang pinarinig sa tatlo para takutin sana ito.

Pero nagtawanan lamang sina Patrick.

"Kahit sino pang tawagin nyo, wala naman kaming ginagawang masama ah ?, nakikipagkilala lang eh. " katwiran nya.

..

Napangiti si Lelay.

"Oo nga naman sis, nakikipagkilala lang eh. So mga kuya, pwede bang umurong na kayo kasi nasisikipan na kami eh? " pakiusap nya.

Nagtawanan lang ang tatlo.

"Dito namin gusto. Sige na, kung gusto nyong kumain pa, sagot ko na. " mayabang na sagot ng isa.

Napatingin si Ekang sa mga lalake.

"Sure kayo ?, dyan lang kayo hanggang sa dumating ang mga boyfriend namin ?. " tanong nya.

Ngumisi lang ang mga lalake at tumango.

"Wala kaming paki alam kahit sino pang tawagin nyo. " sagot ng Tyler.

Nakaramdam ng pagkairita sina Ekang.

"No choice na tayo sis, sige na tawagin mo na sila. " sabi nya.

Akmang magtitipa na sa keypad si Krissing ng pigilan sya ni Lelay.

"Teka sis, si Romeo ba yon?. " tanong nya.

Napatingin ang tatlong dalaga sa labas ng dingding na salamin at nakaramdam sila ng tuwa ng makita si Romeo na naglalakad.

Pero nagulat sila ng makita ang suot nito.

"Grabe talaga ang apog nitong lalaking to, nasa Mall tapos nakaboxer ?. " natatawang puna ni Lelay.

Nagtawanan ang tatlong dalaga pero natigil sila ng umusog si Patrick sa tabi ni Ekang.

..

Inis na umurong ang dalaga palayo.

"Ano ka ba?. Dun ka nga ?. " taboy nya.

Pero tila wala itong narinig.

Asar na asar si Ekang kaya eksaktong pagdaan ni Romeo sa tapat nila ay tinawag nya ito.

"Sis nakakahiya. " awat ni Lelay.

Pero maging sya ay nagulat ng dumikit na rin sa braso nya ang braso ng isang lalake.

..

Napahinto si Romeo at nag isip.

"Teka bakit nga ba ako nandito ?. Ah oo nga pala, bibili ako ng Lemon Square. " sabi nya at muling naglakad patungo sa Department Store.

Nilampasan nya ang Jollibee na kinaroroonan ng tatlong dalaga.

Asar na tumayo si Ekang at sinigawan ang binata.

"Hoy Romeo !, bingi !. " sigaw na pagtawag nya.

Pero di pa rin lumilingon ang binata.

Patuloy lang ito sa paglakad palayo.

Nawalan na sila ng pag asa ng maalala ni Krissing ang password.

"Sis sigawan mo ng Pogi !. " paalala nya.

Napangisi si Ekang at huminga ng malalim.

Wala syang pake kung pinagtitinginan na sya ng ibang customers.

"Pogggiii !!!.. " sigaw nya.

Tulad ng inaasahan, lumingon ang binata.

Nakaramdam ng pagbubunyi ang tatlong dalaga.

..

Kumunot ang noo ni Romeo at naglakad palapit.

"Anong ginagawa nyo dito ?. At sino tong mga kolokoy na to ?. " tanong nya.

Tumayo ang tatlong lalake dahil sa sinabi ng binata.

"Ang angas mo ah !, sinong kolokoy ?. " sabi ni Patrick sabay tulak kay Romeo.

Nanlaki ang mga mata nina Ekang.

"Oh no, you're dead. " bulong ni Krissing.

"Lagot kaa.. " pananakot ni Lelay.

..

Nagulat si Romeo.

"Aray kuya yung nipple ko. Bakit ka ba nang aaway ?. " tanong nya.

Natawa sina Ekang.

"Kanina pa nga yan Rom eh, nang haharrass. " sumbong nya.

Napatingin si Romeo sa tatlong lalake.

"Totoo ba ang sinabi ng utol ko ?. " tanong nya.

Ngumisi si Patrick at tumango.

"Eh ano ?. Anong gagawin mo ?. " maangas na tanong nya sabay tulak ulit sa binata.

..

Hinawakan ni Romeo ang parteng nahawakan ng lalaki at humikbi.

"A-aray, masakit yon ah ?. BAD ka !!!.. " sigaw nya.

Natawa lalo ang tatlo pati na sina Ekang.

"Sira ulo pala to eh. " sabi ng Leo pero nagulat sya ng biglang sinikmuraan ni Romeo ang kaibigang si Patrick.

Napaupo sa sahig ang lalake.

Akmang tutulong ang dalawa nitong kasama pero dinuro lang sila ni Romeo.

"Tangna nyo, sige, tulungan nyo tong kasama nyo para may dahilan ako para basagin yang mga mukha nyo. " malumanay na sabi nya.

Nakaramdam ng takot sina Leo at Tyler.

Kinuha ni Romeo ang ketchup ng fries ni Ekang at binuksan.

"Anong gagawin mo dyan ?. " tanong ni Krissing.

Pero ngumiti lang si Romeo.

"Alam nyo naman siguro na artist ako, at kapag artist dapat magaling sa art, eh sa nakikita ko, walang ka art art ang mukha nitong isang to. Kaya lalagyan ko lang ng konting design. " nakangiting sabi nya sabay nilagyan ng ketchup ang pisngi ni Patrick.

Nagtawanan ang tatlong dalaga sa ginawa ng binata.

..

Akmang tatayo at gaganti si Patrick ng tawagin ni Romeo ang security guard.

"Koya koya, etong mga to, nang aaway oh. " sigaw nya.

Nakuha nila ang atensyon ng gwarya at mabilis itong lumapit.

"Anong problema dito ?. " tanong nya at tinulungang tumayo si Patrick.

Tinuro ng tatlong lalake si Romeo.

"Yan boss, bigla na lang nanununtok !. " sigaw ni Leo.

Pero naging maamong tupa na ang mukha ni Romeo at nilaro ang dibdib ng guard.

"Koya koya, itong mukha ko bang ito, gagawa ng masama ?. Di ba mukha akong inosente at virgin ?. " tanong nya.

Inis na inalis ng guard ang kamay ni Romeo at tinanong ang mga dalaga.

"Sinong nagsimula. " tanong nya.

Di na kailangan ng dalawang tanong, sabay sabay na tinuro nina Ekang ang si Patrick at ang mga kaibigan nito.

"Kayo pala ha, sige sumama kayo sa office namin. " sabi nito at hinawakan sa braso si Patrick.

Walang nagawa ang tatlo kundi sumama sa guard.

Bago ito umalis ay napalingon muna ito kay Romeo.

"Teka, bakit ka nakaboxer ?. " tanong ng guard.

Ngumiti si Romeo ng malandi.

"Sexy eh. Kita legs ko oh. " turo nya.

Inis na tumalikod na ang gwardya.

"Sira ata tuktok non. " bulong nya.

"TOMO." sang ayon ng tatlo.

..

Pag alis ng gwardya, nilabas na ng tatlong dalaga ang tinatago nilang pagtawa.

"Hahaha, grabe ka talaga Rom, halika pakiss nga. " sabi ni Krissing .

Tila diring diri si Romeo sa ideya.

"Eeewwwneess.. " sagot nya.

Pero gigil na pinaghahalikan na sya ng tatlong dalaga sa pisngi.

Umiwas si Romeo at dinuro ang tatlo.

"Hoy tatlong lukaret, akala nyo libre ang ginawa kong pagtatanggol sa inyo ?. " tanong nya.

Nagulat ang tatlo.

"Bakit ? wag mong sabihing magpapabayad ka ?. " tanong ni Ekang.

Napangisi si Krissing.

"Teka ano bang ginagawa mo ditong mag isa ?, at nakaboxer ka pa. Ang kapal mo rin eh no. " tanong nya.

Tinago ni Romeo ang legs at napanguso.

"Ewan ko nga kung bakit ako nandito eh, ang alam ko kanina naglalaro lang ako ng PSP tapos nagutom ako, pagpunta ko sa kusina wala ng . Ay oo nga pala, wala ng Lemon Square sa bahay, kaya kayong lukaret, ibili nyo ko ng dalawang plastic non kung ayaw nyong singilin ko ang mga boyfriend nyo. " pagbabanta nya sabay alis.

Napanganga lang ang tatlong dalaga at sinundan ng tingin ang binatang papalayo.

"Nasa normal na pag iisip ba yan ?. " tanong ni Lelay.

Nagkibit balikat si Ekang.

"Nilalagnat ata si Tita Alexa nung pinagbuntis sya. " sabi nya.

Napaisip din si Krissing.

"Baka kulang sa buwan ?, o baka sobra. Basta sure ako na hindi sya normal. " biro nya.

Nagtawanan silang tatlo at pinagpatuloy na ang pagkain.

..

Mula sa malayo.

Naluluhang nakatitig lamang ang isang lalaki sa tatlong dalagang kumakain sa labas ng fastfood.

Kitang kita nya kung paano harasin ito ng tatlong lalaki.

Nais nyang lumapit at tulungan ang tatlong dalaga.

Pero wala syang magawa dahil batid nyang may nagmamasid sa mga kilos nya.

Laking pasasalamat nya sa binatang nakaboxer na dumating.

Masuyong inalis ng lalaki ang luma nyang salamin para punasan ang nangilid na luha sa mga mata.

Muli nya itong binalik at sinulyapan ang tatlong dalaga na pinagpatuloy na ang pagkain at pagkukwentuhan.

Partikular kay Ekang.

"K-kamukhang kamukha mo sya Mahal ko. P-pero bakit pa kayo bumalik ?. " bulong nya.

Malungkot na tumalikod ang lalaki.

Lumabas na sya sa mall at pilit na kinalimutan ang nakita.

Pero di nya alam na nakatitig din sa kanya ang binatang nakaboxer.

Kunot ang noo nito.

Bakas ang pagtataka sa gwapong mukha.

ITUTULOY !!!