1. Home
  2. Stories
  3. Kwadro Alas Book 2 Ch. 32 - Mystery Man Revealed
Lagablab

Kwadro Alas Book 2 Ch. 32 - Mystery Man Revealed

By supertoyantz ·

Chapter 32 - Mystery Man Revealed

Nagmamadaling iniwan ni Romeo ang mga kaibigan.

Wala syang kaide ideya kung bakit sya nandito sa mall na tanging T-Shirt at boxers lang ang suot.

Naka tsinelas lang din sya.

Ramdam nya ang mga matang kanina pa nakatingin sa kanya.

Di nya akalaing makakaramdam sya ng pagkailang sa tingin ng iba, akala nya ay sanay na sya na nagiging sentro ng atensyon pero di nya malaman kung bakit tila hiyang hiya sya sa kanyang itsura sa mga oras na ito.

..

Palabas na sana sya ng mall ng may mahagip ang kanyang mga mata.

Bata pa lamang ay ugali na nya ang pagiging mapagmasid.

Bilang anak ng isang abugado, naituro na ng kanyang amang si Primero Di Carprio ang pagiging mapagmatyag sa paligid.

..

Nahinto sa paglabas sana sa mall si Romeo.

Ang mga mata ay nakapako sa may edad na lalakeng nakatulala sa isang direksyon.

Nilingon nya ang pinagmamasdan nito at lalong kumunot ang kanyang noo ng makitang ang nakatitig ito sa kanyang mga kaibigan dalaga.

Napatiim ang mga bagang ni Romeo.

Mabilis na gumana ang kanyang imahinasyon tungkol sa dahilan ng lalake.

May sinabi ito na kung anong salita pero dahil sa distansya nila at sa dami ng taong dumaraan, hindi narinig nya ito narinig.

Pinilit nyang basahin ang buka ng mga labi nito pero bigo sya dahil sa mga papasok at papalabas na tao.

"Baka phedopile. " bulong ni Romeo.

Pero mabilis itong napawi ng makita nyang inalis nito ang lumang salamin para punasan ang mga mata.

Nagtaka ang binata at napahawak sa baba.

Mannerism nya na namana sa ama kapag nahuhulog sa malalim na pag iisip.

"Problema mo tatang. Bakit ka naiiyak sa pagkakatitig sa mga kaibigan ko. " bulong nya.

Muli nyang pinagmasdan ang mga kaibigang dalaga.

Masaya pa rin itong nag kukwentuhan na parang walang problema sa mundo.

Mabilis na binalik ni Romeo ang paningin sa matanda.

Nakita nyang muling sinuot nito ang salamin, muling sumulyap sa mga kaibigan nya at pagkatapos ay tumalikod na at naglakad palabas ng mall.

Saglit na nagtalo ang isip ni Romeo sa mga nasaksihan.

Ito ang isa sa pinakapangit na ugali nya.

Madali syang macurious sa mga bagay bagay at hindi sya titigil hangga't hindi nakakahanap ng kasagutan sa kanyang mga katanungan.

Ito ang madalas na magpahamak sa kanya.

Pero kahit anong pagtatalo pa ang gawin ng kanyang kalooban, nananaig pa rin ang pagiging pakialamero nya.

Buo ang loob ni Romeo na sinundan ang lalake palabas ng mall.

..

Hapon.

Masayang nakauwi si Ekang sa kanilang tahanan.

Katatapos lang nilang mag shopping nina Krissing at ni Lelay kaya talagang masaya sya.

Eto ang pakiramdam na hinahanap hanap nya sa ibang bansa.

Yung feeling na kahit anong gawin mo at may sasakay sa trip mo.

..

Nakangiting pumasok si Ekang sa kanyang kwarto.

Nilapag nya ang mga pinamili at muling lumabas para hanapin ang ina.

Nakasalubong nya pa si Aling Miding sa hagdan.

"Oh pababa ka na pala, mag miryenda ka muna iha. " nakangiting sabi ng kasambahay.

Ngumiti din si Ekang at kumapit sa braso ng matanda.

"Uhm, samahan nyo po ako, ay oo nga po pala, may binili ako para sa inyo ni Cely. " imporma nya.

Natawa ang matanda.

"Kuu, itong batang to, kung ano anong pinamimili. " sagot nya.

Ngumiti lang si Ekang.

Naupo sila sa salas at nagkwentuhan.

"Nasan po si Mama ?. " tanong nya.

Kumunot ang noo ni Aling Miding.

"Ha?, akala ko magkasama kayo ?. Eh kanina ko pa nga ding hindi nakikita, hindi naman sya dito nananghalian eh. " sabi nito.

Nagtaka si Ekang.

Napaisip sya kung saan pupunta ang ina at kung bakit hindi man lang ito nagpasabi.

Pero hindi na pala nila kailangang maghanap, dahil nakarinig sila ng ugong ng sasakyan.

Nagkatinginan sina Ekang at Aling Miding.

"B-baka ang Mama mo na yan. " sabi ng katiwala.

Tumayo si Ekang at sinilip ang bintana.

May isang itim na pajero ang kasalukuyang nagpapark sa garahae nila.

Nagtaka sya, wala silang ganuong sasakyan.

..

Nanatili si Ekang sa likod ng mga kurtina at hinintay ang pagbaba ng mga sakay ng pajero.

Una nyang nakita ang isang lalake na malamang driver ng sasakyan.

Mabilis itong nagtungo sa likuran at binuksan ang pinto.

Lumabas si Dulce na ina ni Ekang.

Napakunot noo ang dalaga.

"Anong ginagawa ni Mama dyan ?." tanong nya sa sarili.

Akala nya ay ang ina lamang at ang driver ang sakay ng sasakyan, pero may isa pang lumabas.

Nanlaki ang mga mata ni Ekang.

Dali dali nyang tinungo ang pinto at binuksan ito.

Huminga sya ng malalim at ubod ng lakas na tumili.

"Ninaaaangggg!!!.. " sigaw ni Ekang.

Nagulat sina Dulce at ang bagong dating sa boses ng dalaga.

Tinakbo ni Ekang ang distansya patungo sa babae at mahigpit itong niyakap.

Napangiti si Dulce at inawat ang dalawa.

"Hoy mamaya na yan anak, pagpahingahin mo muna si Ninang mo at kakarating nya lang galing Cebu. " nakangiting saway ni Dulce.

Tumango si Ekang at mabilis na inakay ang babaeng bagong dating papasok sa bahay nila.

Naiiling na lamang si Dulce at sumunod na rin sa dalawa.

..

Pagpasok sa loob ay inakay ni Ekang ang ninang nya sa salas.

Dumiretso naman si Dulce sa kusina para hanapin ang kasambahay.

"Ah, Aling Miding, pakihandaan nga po ng miryenda si Dolores. " nakangiting utos nya.

Tumango si Miding.

"Matagal tagal ko na ring di nakikita yang kaibigan mo ha. " sagot nya.

Binuksan ni Dulce ang ref at nilabas ang ilang pagkain.

"Ah oho, nakakuha na nga po sya ng bahay sa Cebu di ba?. Nagulat na nga lang ako ng tinawagan ako kaninag umaga, nakaluwas daw sya dahil may hinahanap, ayaw namang sabihin kung ano para matulungan, tapos ayon, naalala nya na birthday ng inaanak nya. Kaya eto nga ho, ininvite ko, eh di ko naman akalain na pupunta agad agad. " natatawang kwento nya.

Natahimik ang katiwala.

"Wag mo sanang mamasamain Dulce, para na kitang anak. Hindi ba si Dolores ang dahi- " naputol ang pagsasalita nya ng awatin ng amo.

Ngumiti si Dulce sa tapat na katiwala.

"Aling Miding, salamat po sa pag aalala. Matagal na ho ang pangyayaring iyon at pilit ko ng kinalimutan. Hayaan na ho natin syang magbago, at isa pa, kailangan nyang bumawi sa inaanak nya. Marami raming taon na ring walang aguinaldo si Dannica ko. " nakangiting sabi nya.

Saglit na natahimik ang matanda. Nagkatitigan sila ng among babae pero sa huli ay din ang nagbawi ng tingin.

Napangiti na lang din si Miding sabay taboy kay Dulce palabas ng kusina..

"Hala ako na dito, asikasuhin mo na yung bisita mo. " pagtataboy ni Aling Miding.

Nakatinging tumango lamang si Dulce at binalikan na ang anak at kaibigan.

..

Mula sa dirty kitchen, lumabas si Cely.

"Nanay Miding, sino daw po yung bisita ?. " tanong nya.

Gulat na napalingon ang matanda sa dalagang kasambahay.

"Ah yun ba?, lekat kang bata ka !, bakit ka ba nanggugulat ?. " inis na kinurot ni Aling Miding ang bewang ni Cely.

Tumatawang umiwas naman ang dalaga at pasimpleng sinilip ang salas.

"Nanay, sino ba yon ?. " tanong nya.

Natahimik si Aling Miding at pilit na iniba ang usapan.

"Asikasuhin mo na ang juice. Tapos ilabas mo yung mga babasagin na baso. " utos nya.

Mabilis na sumunod ang dalaga pero hindi pa rin nito tinatantanan ng tanong ang matanda.

"Nanay, sino nga po ulit yung bisita ?. " pangungulit nya.

Napahinga ng malalim si Aling Miding at napatitig sa hinihiwang cake.

"Kaibigan yon ng Ma'am Dulce natin, ninang sya ni Dannica. Di mo nga pala yan kilala kasi bata ka pa non at wala ka pa dito. Dating tumira yan dito sa bahay nina Damian. " putol nya.

Seryosong nakikinig si Cely.

Pero napanganga sya ng hindi na nagdugtong pa ang matanda.

"Ano pa ho ?, yun lang ?. " tanong nya.

Pero pinandilatan na sya ni Aling Miding.

"Ano ka ba !, baka naiinip na yung mga yon tapos nag titsismisan lang tayo dito !. " impit na sigaw nya.

Bubulong bulong na sumunod naman sa utos ang dalaga.

Pero ang isip ay hindi na kuntento sa sagot.

..

Masayang nagkukwentuhan ang mag ninang.

"Talaga Ninang ?, dito kayo mag stay hanggang matapos ang debut ko ?. " nangingiting tanong ni Ekang.

Hinaplos ni Dolores ang pisngi ng dalaga.

"Ikaw talaga, wala ka bang tiwala sa akin ?, kailan ko ba sinira ang pangako ko sayo ?. " tanong nya.

Napatango si Ekang.

Binalingan nya ang ina na nagmamasid lamang sa kanila.

"Ma, ano po bang balak nyo sa birthday ko ?. " tanong nya.

Natawa si Dulce.

"Aba't bakit ako ang tinatanong mo?, ako ba ang mag dedebut ?. " tanong nya.

Natawa din si Dolores.

"Oo nga naman iha, ikaw ang mag bi-birthday, so dapat ikaw ang umisip ng concept para dyan. " nakangiting sabi nya.

Napanguso si Ekang.

"Hmmp, okay lang naman sa akin kahit ano. Parang di ko nga gustong dumating ang debut ko. " nabahiran ng lungkot ang boses nya.

Nagtaka ang dalawang babae.

Hinaplos ni Dolores ang buhok ng inaanak.

"Oh bakit naman iha ?, sa lahat ata ng mag dedebut, ikaw itong malungkot. Bakit ayaw mong sumapit ang kaarawan mo ?. " tanong nya.

Napatingin si Dannica sa ina.

Nagets agad ni Dulce ang iniisip ng anak kaya wala syang nagawa kundi tumungo na lamang.

Ramdam nya ang lungkot na nararamdaman ni Dannica pero wala syang magagawa.

..

"Kasi po, after ng debut ko, babalik at babalik naman agad kami sa states, eh di useless lang kung magsasaya ako dito tapos pagbalik ko iiyak na naman ako ng bongga kasi sobrang daming maiiwan ko. " pinilit nyang magpatawa pero pumiyok ang boses nya.

Nagkatinginan ang mag kaibigan.

"Mare, ano ba itong sinasabi ng anak mo ?. " tanong ni Dolores.

Ngumiti ng malungkot si Dulce.

"Three weeks lang ang bakasyon na nakuha namin. Kailangan na naming bumalik sa states after nyang mag debut. " malungkot na sagot nya.

Lumatay ang lungkot sa mukha ni Dolores.

"Aaawww, kawawa naman ang inaanak ko. Di ba pwedeng magawan ng paraan yan mare ?. " tanong nya.

Natahimik lang si Dulce at hindi nasagot ang tanong ng kaibigan.

..

Malayo layo na ang nalakad ni Romeo bago sa wakas ay huminto na rin ang sinusundan nya.

Nangangalay na ang kanyang mga paa sa kasusunod dito.

Kung saan saan na sya sumuot wag lang mapansin nito ang pagsunod nya.

Kasalukuyan silang nasa isang mataong palengke.

Pilit nyang tinatalasan ang mga mata upang hindi makaligtas sa kanyang paningin ang sinusundan.

Ilang saglit lang ay tumigil si Romeo.

Tumigil din kasi ang sinusundan nya sa isang tindahan ng prutas.

Saglit itong nag usap at ang tindera na tila matagal ng magkakilala.

..

Dahil sa dami ng taong paroo't parito sa palengke, nahihirapang mapanatili ni Romeo ang pagsunod ng palihim.

Napakaraming obstacles ang kanyang nilampasan manatili lamang ang distansya nila ng lalakeng kanina pa nya sinusundan.

Pilit inaninag ni Romeo ang tinderang kausap ng lalakeng sinusundan nya, pero dahil nga sa dami ng tao, hindi nya ito makita.

Hanggang sa manlaki ang mga mata nya ng lumakad na ang lalaki matapos nitong makuha ang tila biniling isang plastic ng hinog na mangga.

Dali daling sumunod ang binata.

Paiwas iwas sa mga naglalarong bata na tila hindi natatakot na masagasaan ng mga paroo't paritong mga sasakyan.

Dahil sa hindi sanay sa mataong lugar, unti unti ng nararamdaman ni Romeo ang senyales ng kanyang sakit.

May hika sya, at nahihirapan syang huminga kapag maraming taong nakapaligid sa kanya.

Pero kailangan nya itong paglabanan para makuha ang sagot sa tanong na kanina pa gumugulo sa utak nya.

..

Dahil sa focused sa pagsunod sa lalake, hindi sinasadyang may kung anong madulas na bagay na natapakan ang binata.

Dire diretso syang natalisod patungo sa isang bilao ng hinog na mangga.

Napasigaw ang mga tao.

Pero walang tatalo sa tili ng tindera mismo.

"AAaaahhh !!!, yung mga paninda koooo !!!!. " sigaw ng babae.

Mabilis na nakabawi si Romeo at agad na inayos ang sarili.

Taranta nyang binalik ang bilao at isa isang dinampot ang mga manggang nahulog sa sahig.

Pero nagulat sya ng bigla syang pagpapaluin ng kung sinong nilalang.

..

Sinalag ni Romeo ang braso at pilit na umiwas sa mga paghampas.

Pero mukhang desidido ang ang nilalang na nananakit sa kanya na sya ay saktan.

Dahil sa unti unting sakit na nararamdaman, tumalon ang binata patungo sa likod ng matandang tindero naman ng mga gulay.

"T-teka lang, pasensya na kasi, di ko naman sinasadya eh !. " sigaw ni Romeo.

Pilit nyang hinanap ang may gawa ng mga paghampas hanggang sa mapadako ang kanyang paningin sa isang kamay.

May hawak itong pamaypay na may mukha ng kung sinong kandidato.

"P-pasensya na po. " nakayukong paghingi nya ng tawad.

Biglang nagsalita ang babae.

"Anong patawad ?, nakita mo bang ginawa mo sa mga paninda ko?, paano ko na mabebenta yan ?, eh halos nagkulay putik na yung mga prutas ko sa ginawa mo ?, tanga ka ba?, di mo ba nakikita yang dinadaanan mo ?. Haa !!.. " sunod sunod na litanya nito.

Napangiwi si Romeo sa bilis magsalita ng babae.

Sinulyapan nya ang paligid at lalo syang napangiwi ng makitang dumadami na ang mga taong nakikiusyoso sa kanila.

Dahan dahan nyang inangat ang mukha para humingi ng dispensa sa may ari ng mga prutas na nadaganan nya.

Pero pareho silang natulala sa isa't isa.

"I-ikaw ?. " bulong ni Romeo.

"I-ikaw rin ?. " bulong ng babae.

Parehong naumid ang dila nila at walang nakapagsalita.

Ito ang babaeng nakasabay nya sa jeep.

..

Matagal na oras ang lumipas bago sila nakabawi.

Kung hindi pa nila narinig ang panunuso ng mga tao ay hindi pa sila kakalas sa pagtititigan.

Napalunok si Romeo.

Unti unting bumibilis ang pagtibok ng puso nya, pero batid nyang hindi ito dahil sa kanyang hika.

Pilit nya itong winaksi at alumpihit na nilapitan ang babae.

"P-pasensya na miss, babayaran ko na lang yang mga natapakan ko. Kung gusto mo papakyawin ko na pati yung mga ibebenta mo bukas at sa susunod na isang linggo. " bulong nya.

Nanlaki ang mga mata ng babae.

Biglang may batang nagsalita sa tabi nito.

"Ate, sige na, pabayaran mo na sa kanya. Mukha namang mayaman eh. " pabulong na sabi nito.

Saglit na nag isip ang babae bago nito nilahad ang kamay.

"Sige, akina ang bayad mo. " mataray na sagot nito.

Nakangiting kinapa ni Romeo ang bulsa pero natulala sya.

"T-teka, wala akong dalang pera. " sabi nya.

..

Nagsalubong ang mga kilay ng babae.

"Paano mong babayaran kung wala kang pera ? " singhal nito.

Natigilan si Romeo at tinitigan ang babae.

Unti unti na syang napangisi.

Nawala na ang pagkagulat nya, napalitan na ito ng pagkamangha.

"Hmm, eh kung sumama ka sa bahay ko tapos dun na kita bayaran ?. " suhestyon nya.

Nanlaki ang mga mata ng babae.

"Ha !, ano ka abnoy ?, eh kung gahasain mo ko !. " sagot nito.

Pero ngumisi lamang si Romeo at pinagmasdan ang kabuuan ng babae.

Sira sira ang suot nitong pantalon na pinatungan ng apron.

Halatang luma na rin ang suot nitong T-Shirt.

Pero hindi nito kayang itago ang isang katotohanan.

Napakaganda ng babaeng kaharap nya.

..

Maya maya ay may nagsalita.

Natigilan si Romeo ng makita ang lalaking sinusundan nya.

"Anong nangyayari dito iha?. " tanong nito sa babae.

Dinuro ng babae si Romeo.

"Eto ho Mang Damian eh, sukat ba namang dinaganan yung mga panindan ko, ayan ho oh, may ebidensya pa. " mataray na kwento nito.

Napatingin ang lalake sa binata at nagulat ito.

"I-ikaw ?. " tanong nito.

Nagtaka si Romeo.

Pero mabilis din syang nakarecover ng maalala ang sitwasyon kanina sa Mall.

Ngumisi sya at tumango.

"Ako nga ho. " sabi nya.

Natigilan ang lalake at napaisip.

"A-anong ginagawa mo dito ?. " tanong nya.

Diretsong tumingin si Romeo.

"Sinundan ko kayo. Para tanungin ng isang katanungan na alam kong alam nyo na. Pero tatanungin ko pa rin, pero syempre, gusto ko ng pribadong pag uusap. Hindi yung may nakikinig na parang machine gun ang bibig. " pang aasar nya sa babae.

Nanlaki ang mga mata ng babae at akmang magsasalita pero inawat ito ng lalake.

"Iha, time out muna ang katarayan. Hindi natin kilala yang sinusungitan mo. Hinay hinay naman. " natatawang awat nya.

Natigilan at napahiya ang babae.

Pairap nitong tiningnan si Romeo bago isa isang pinagdadampot ang mga panindan.

..

"Sundan mo ako iho. " sabi ng lalake.

Tumango si Romeo.

Sumunod sya dito pero saglit nyang nilingon ang mataray na babae.

"Miss Machine Gun, wag kang mag alala, babalik ako at babayaran kita. " nakangising sabi nya.

Pero inirapan lang syang muli ng babae.

Imbes na maasar, tila kinilig pa si Romeo sa inakto nito.

Nakangiti syang sumunod sa lalake palabas ng palengke.

..

Matagal tagal din silang naglakad.

Kung saan saang eskinita sila nagsuot suot bago huminto ang lalake.

Napatingin si Romeo dito.

"Dito na ho ba?. " tanong nya.

Tumango ang lalake at binuksan ang pinto.

Nagulat si Romeo dahil di nya akalain na bahay pala ang hinintuan nila, akala nya ay bodega.

Napangiti ang lalake at tiningnan ang binata.

"Sa nakikita ko, galing ka sa mayamang angkan. Pagpasensyahan mo na itong bahay ko, kung ayaw mo naman dito, pwede tayong mag usap sa labas na lang. " sabi nya.

Pero umiling si Romeo.

"Wala ho akong pakealam sa bahay nyo, ang mahalaga ay kung paano nyo ako tatanggapin. Paano po?, papasok na ako ah. " sabi nya at nagpauna na nga sa pagpasok sa maliit na tahanan.

Natigilan saglit ang lalaki.

Napahanga sya sa sinabi ng binata.

Nakangiti syang sumunod dito at sinara ang pinto.

..

Mabilis na nilibot ni Romeo ang paningin sa maliit na tila silid.

"Bahay ho ba to o kwarto ?. Ano hong itatawag ko sa inyo ?. " tanong nya.

Naupo ang lalake at sinindihan ang maliit na bentilador.

"Damian, ako si Damian. at oo bahay na ito iho, dito ako nakatira. " nakangiting sabi nya.

Tumango tango si Romeo at kinalikot ang kung ano ano.

"Nasan ho ang banyo nyo ?. " tanong nya.

Ngumiti ang lalake at nginuso ang isang direksyon.

"Aba eh nakiki banyo na lang ako sa kapitbahay. Kasama naman yun sa upa ko eh. " sabi nya.

Tumangong muli si Romeo.

Muli nyang nilibot ang paningin sa ibang direksyon.

"Eh saan kayo kumakain?, sa nakikita ko wala kayong lutuan. " diretsong sabi nya.

Napangiti muli ng matanda.

"Dyan sa turo turo. Sus naman itong batang to, ay sya nga pala, anong gusto mong kainin ?. " tanong nya.

Ngumisi si Romeo.

"Combo number 2. " sagot nya.

Kumunot ang noo si Damian.

"Anong combo number 2?. " tanong nya.

"Isang cheeseburger at Tropicana. Yung maraming Pulp para enjoy. " sagot ni Romeo.

Napanganga ang lalake at pasimpleng dumukot sa bulsa.

Natawa si Romeo.

"Hindi na ho kailangan Mang Damian. O Tito Damian na lang siguro ang itatawag ko sa inyo. Busog pa ho ako. " sabi nya pero ang totoo ay nagugutom na sya kakasunod dito.

Napangiti si Damian at sumandal sa pader.

Nagkatinginan sila ni Romeo.

..

Saglit na katahimikan ang namagitan sa pagitan nila bago nagsalita nag binata.

"Alam ko na ho ang sikreto nyo, pero bilang pag galang, nais ko po itong marinig mula sa mga bibig nyo. " diretsong sabi nya.

Nanlaki ang mga mata ni Damian.

Di sya makapaniwala sa naririnig.

Diyata't may taong nakakaalam ng totoo nyang katauhan.

Natahimik sya at napayuko.

"A-anong sinasabi mo iho. " sabi nya.

Natawa si Romeo.

"Wag nyo na ho akong paglihiman pa, ibahin nyo po ako sa mga nakilala nyo. Mayabang po ako pero masasabi ko ring marunong akong makinig. Sige na ho. Para matapos na po itong adventure ko. " sabi nya at kampanteng naupo sa sahig.

Natahimik si Damian.

Muling inalala ang nakaraan hanggang sa unti unting mangilid ang mga luha sa kanyang mga mata.

..

Nagulat si Romeo.

Dahan dahang inalis ng lalake ang salamin nito at inilapag sa tabi.

Sinandal ang ulo sa pader at pinikit ang mga mata.

Dahil sa ginawa nito, tumulo ang isang butil ng luha.

"Buking na pala ako. Pero sana wag mong ipagsasabi ang malalaman mo mula sa akin iho. " mabagal na sabi nya.

Buo ang loob na tumango si Romeo.

"Go lang Tito, nakikinig aketch. " biro nya.

Natawa si Mang Damian at napatingin sa kawalan.

"Bago ang lahat, kaano ano mo yung mga dalagang tinulungan mo sa tapat ng Jollibee kanina ?. Girlfriend mo ba ang isa doon o kamag anak ?. " tanong nya.

Ngumiti si Romeo.

"Kapatid ko pong lahat yon. " mabilis na sagot nya.

Nagulat si Mang Damian.

"K-kapatid ?, kapatid mo si Dannica ?. " tanong nya.

Tumango si Romeo at nagtaka.

"Bakit ho ?. wag mo pong sabihin na anak nyo sya at kayo ang nawawalang tatay nya ?. " biro nya.

Napanganga si Mang Damian.

"A-akala ko alam mo na yan ?. " biglang sabi nya.

Natigilan silang pareho.

"A-akala ko po stalker kayo o kaya DOM . Hala may mas malalim pa pala.. Ahihi, it's so exciting. " biglang sabi nya.

Biglang sinabunutan ni Mang Damian ang binata.

"Walanghiyaaa kaaaa !, akala ko pa naman alam mo na ang lahat, ! kung maka acting ka wagas !!, bwiseeettttt.. I hate you !" sigaw nya.

Di naman nasaktan si Romeo sa paraan ng pagsabunot nito.

Wala syang nagawa kundi tumawa na lang.

"Ahaha, ganun ho ba?, di ko na kasalanan yon. " malanding tawa nya.

Nanghihinang napasandal sa dingding si Mang Damian.

"May sayad ka atang bata ka, napasakay mo ko sa pag arte mo . Bwisit ka. " asar na sabi nito.

Nangingiting sumandal si Romeo sa dingding na kahoy at tiningnan ang matanda.

"Wala na ho kayong magagawa kundi ipagtapat sa akin ang katotohanan. At don't worry, hindi ko ho tunay na kapatid si Ekang o si Dannica, kapatid lang ang trato namin sa isa't isa dahil simula pagkabata, kami na ang magkakaibigan. Pero ang alam ko ay matagal ng iniwan si Ekang ng tatay nya, kayo ho pala yon. " biglang nagbago ang mukha ni Romeo.

Nakaramdam sya ng galit sa kaharap.

"Iniwan nyo ang kapatid ko at sumama sa ibang babae, tama ho ba ako?. " galit na tanong nya.

Napalunok ang lalake.

"G-ganun ba ang kinwento nya?. " tanong nya.

Natigilan si Romeo.

"W-what you mean?." tanong nya.

Ngumiti si Damian at muling tumingin sa kawalan.

"Di ko alam kung maniniwala ka sa akin. Pero sige, dapat ko na nga sigurong ikwento sayo ang mga ito." panimula nya.

Pero biglang inawat ni Romeo ang matanda.

Nagtaka si Damian.

"Ano na naman ang trip mo?. " tanong nya.

Ngumiti si Romeo at tumayo.

Nag inat sya at inalok ang kamay sa lalake.

"Wala akong karapatan para pakinggan ang mga sasabihin nyo, sumama po kayo sa akin. " sabi nya.

Napakunot ang noo ni Damian.

"S-saan ?. " tanong nya.

Ngumisi si Romeo.

"Saan pa, eh di kina Ekang. Dun na kayo magkwento. " sabi nya.

Pero takot na umiling si Damian.

Di ito nakaligtas sa paningin ni Romeo.

"D-di maaari iho. " sabi nya.

Nagtaka si Romeo.

"And why not ?." tanong nya.

Ngumiti ng malungkot ang lalake.

"Di mo na maaaring malaman pa, baka madamay ka lang. " sabi nya.

Lalong na curious si Romeo.

"Hmm, mukhang may mas malalim pang dahilan ang pag alis nyo bukod sa kwentong nambabae lang. Pero may sasabihin ho ako sa inyo para mapanatag ang inyong kalooban." sabi nya.

Napatingin si Damian sa binata.

"Ano yon ?. " tanong nya.

Ngumiti si Romeo.

"Pupunta po tayo sa Daddy ko, abugado po sya at siguradong matutulungan nya tayo. " sabi nya.

Nakaramdam ng pag asa si Damian. Napatayo sya sa sinabi nito.

"T-talaga? . " sabi nya.

Tumango si Romeo.

"At isa pa po, may gusto akong ipakilala sa inyo. " sabi nya.

Nagtaka si Damian.

"S-sino ? . " tanong nya.

Ngumisi si Romeo at inakbayan ang matanda.

"Yung magiging manugang nyong baboy. " nakangiting sabi nya.

Napanganga na lang si Damian.

ITUTULOY !!!