1. Home
  2. Stories
  3. Kwadro Alas Book 2 Ch. 36 - Randy's Revenge
Lagablab

Kwadro Alas Book 2 Ch. 36 - Randy's Revenge

By supertoyantz ·

Chapter 36 - Randy's Revenge

Ang marahas na pagtapik sa braso ang nagpagising kay Darius.

"Hoy baboy !, gising !. " untag ng isang lalaki.

Napabalikwas si Tabar. Dahilan para magising din si Ekang.

"Nasan na tayo ?. " tanong ni Tabar.

Natawa ang mga goons.

"Tanga ka pala eh, eh kung sinabi namin kung nasan tayo, eh di nasuplong mo kami ?. boboness. " maangas na sabi ng isa.

Nag apiran ang mga lalaki.

Maya maya, huminto ang van.

Maging ang leader ng grupo ay nakatulog din kaya marahan itong ginising ng driver.

"Boss, nandito na tayo " paggising nito.

Dahan dahang nagmulat ng mga mata ang leader.

Pinagmasdan nya ang paligid, pagkuwa'y nilingon ang mga bihag sa likod.

"Kamusta ang mga panauhin ? " tila nang aasar na tanong nito.

Ngumiti si Tabar.

"Mahina ang aircon. Panget ang mga kasama at higit sa lahat, ang oily na ng face mo. " sunod sunod na sabi nya.

Nawala ang ngiti sa mukha ng leader at mabilis na tiningnan ang mukha sa salamin.

"Oo nga. " bulong nya sa sarili.

Pero mabilis syang nakabawi at muling nilingon si Tabar.

"Gusto mo na talagang mamatay no ?. " tanong nito.

Mabilis namang sumagot si Tabar.

"Of course not, ibalik ko kaya sa'yo ang tanong mo?, gusto mo na bang mamatay ?. " tanong nya.

Napaisip ang leader.

"Of course not. " mabilis nitong sagot.

Umismid si Tabar.

"See?. So wag mong gawin sa kapwa mo ang ayaw mong gawin sa'yo. " taray nya.

Napayuko ang leader.

"S-sorry. " sagot nya.

Pero mabilis na bumalik ang bangis sa kanyang mukha.

"Niloloko mo talaga ako. Hala at ibaba yang mga yan. Itali nyo yang dalawa, yang baboy nya yan, pati bibig lagyan ng tapal, nakakabwisit !. " asar na utos nito.

Agad namang sumunod ang mga goons at binuksan ang pinto.

Unang pinababa si Tabar.

Mabilis nyang ginala ang paningin sa paligid.

"Maganda ang lugar na to ah, maraming puno. " puna nya.

Inalalayan nyang makababa si Ekang.

"Are you alright baby ?. " tanong ni Tabar.

Nanigas si Ekang at napatingin sa binata.

"A-ano kamo ?. " tanong nya.

"Are you alright baby ?. " tanong ulit ni Tabar.

"U-ulitin mo nga. " ani Ekang.

"Are you alright baby ?. " ulit ni Tabar.

Nainis si Ekang.

"Yung tinawag mo saken. " inis na sabi nya.

Ngumisi si Tabar.

"Secreeetttt.. " landi nya.

Pero nakielam ang isang goon.

"Tinawag ka nyang baby. " tila kinikilig na sabi nito.

Napasimangot si Tabar at kinurot ang braso ng nagsalita.

"You're so epal. " kurot nya.

Natatawang umiwas naman ang lalaki pero umayos din ito ng sitsitan at pandilatan ng leader.

..

Pumasok sila sa loob ng tila warehouse na matagal ng na-abanduna.

Tinanong ni Darius ang leader.

"Kuya, bakit sa ganitong lugar nyo napiling maghide out ?. Di ba masyado ng obvious ?, I mean, dapat sa ordinaryong bahay lang para kung sakaling masukol kayo ng mga pulis, mahihirapan silang paputukan kayo kasi maraming sibilyan. " suggest nya.

Napaisip ang leader.

Lumapit ang driver at bumulong.

"May points sya boss. " sabi nito.

Huminto sa paglalakad ang leader.

"P-pero di ba ito yung dapat na hideout ?. Marumi at luma, yung walang tao at malayo sa mga bahay. Ito yung mga napapanuod ko sa pelikula eh. " tanong nya.

Nagkibit balikat si Tabar.

"Just a suggestion. At least may idea na kayo sa susunod na gagawa kayo ng krimen di ba?. " sabi nya.

Napatango ang leader at nginuso nito sa mga alagad ang isa parte ng warehouse.

"Dun nyo sila itali. Parating na yung anak ko. " sabi nito.

Kumunot ang noo nina Ekang at Tabar.

"Anak ?. " tanong nila sa isip.

..

Tulad ng sinabi ng pinuno, tinali sina Ekang at Tabar sa isang panig ng warehouse.

Magkatalikod silang dalawa na nakatali sa upuan.

Maya maya, nag ring ang phone ng leader.

Agad nitong sinagot ang tawag.

"Punyeta ka !, nasan ka na ?. " sigaw na tanong nito.

Saglit na nakinig ang pinuno sa kausap bago ito ngumisi.

"Good, magaling anak, oo, nandito sila. " sabi nito.

Muling tumango ang leader.

"Dalawa sila, sumama yung boypren. Bakit? , may problema ba ?. " tanong nito.

Tumingin ang leader kay Tabar.

Pagkuwa'y ngumisi ito.

"Sige sige, bilisan mo at mag iingat ka." sabi nito sabay baba ng phone.

Napansin ng pinuno na naglabas ng alak ang isa nyang alagad.

"Hoy, mamaya na kayo tumoma, mga tinamaan kayo ng lintek, bantayan nyo tong mga bihag !. " sigaw nito.

Nataranta naman ang mga ito at mabilis na tinabi ang alak.

"Sorry boss. " sabi ng isa.

Naglabas ng pera ang leader.

"O pangkain nyo, aalis muna ako at may sasalubungin lang ako dyan sa bayan. Alerto kayo ha !. , kapag gumawa ng kalokohan yang dalawang yan, lalo na yang matabang yan, gulpihin nyo, pero wag nyong patayin kasi di pa tayo nakakakuha ng ransom. Malaking pera pala ang masusungkit natin dahil dyan sa mokong na yan eh. " tumatawang turo nito kay Tabar.

Nagtawanan ang mga goons.

Hinatak nito ang isa.

"Halika samahan mo ko, wala akong kausap sa daan. Boring. Baka may makasalubong akong Igorot, mapatay ko pa. " sabi nito.

Humabol si Tabar.

"Mag ingat ho kayo ." bilin nya.

Ngumiti ang leader.

"Thanks. " sagot nito sabay umexit na sa warehouse.

Narinig na lang nila ang andar ng sasakyan.

..

Naiwan ang tatlong goons.

Muling nilabas ng isa ang alak.

"Oh bumili ka dun ng pulutan ." utos nito sa isa.

"Bakit ako?. " reklamo nito.

"Eh kasi ikaw ang pinakabago sa grupo. Kami beterano na. Kumbaga trainee ka pa lang. Bilhin mo yung specialty nila ha. " katwiran nito.

Napakamot sa batok ang inutusan.

"Ako na naman. " bubulong bulong na sabi nito sabay hablot ng pera.

Sumunod ito sa dalawang naunang lumabas.

..

"Joweebee. " untag ni Ekang.

"Oh ?. " tanong ni Tabar.

Alumpihit na nagsalita ang dalaga.

"Ano kasi, nawiwiwi ako. " sabi nya.

Tiningnan ni Tabar ang mga dalawang goons na abala sa pagchichismisan.

"Mga sir. " tawag nya.

Agad na tumingin ang dalawa.

"Oh bakit ?. " maangas na tanong ng isa.

"May sasabihin daw sya. " sabi ni Tabar.

Napatingin ang dalawa kay Ekang.

Napangiti ng kimi ang dalaga.

"Eh k-kasi po, nawiwiwi ako. " sabi nya.

Nagkatinginan ang dalawa.

"Baka naman style mo lang yan ah ?. Sige ka, baka di na kayo sikatan ng araw. " banta nito.

Mabilis na umiling si Ekang.

"Di po. Promise po babalik ako agad. " sabi nya.

Muling nagkatinginan ang dalawa.

"Ano pare ?, pagbigyan ba natin ?. " tanong ng isa.

"Wala naman tayong magagawa, kesa dyan pa magkalat yan, papanghi lang tayo. " sabi ng pangalawa.

Muli nilang nilingon sina Ekang.

"Sige, pero bilisan mo ha ?, kapag tumakas ka, yari itong syota mo. " banta nito kay Tabar.

Mabilis na tumango si Ekang.

Lumapit ang isang goon para kalagan ang tali ng dalaga.

Ng maalis ang tali, mabilis na tumakbo si Ekang sa isang sulok.

Tinantya nya ang distansya mula sa kinaroroonan ni Tabar patungo sa kanyang lugar.

Sapat na ito para hindi mapansin ng dalawa ang gagawin nya.

..

Mabilis na nilabas ni Ekang ang cellphone sa bulsa at agad na tumipa.

Sinend nya agad ito sa kanyang ina.

Naupo sya sa sahig at nagkunwaring umiihi habang hinihintay ang pagsend ng message.

Pero dahil nasa tagong liblib na lugar sila, hindi naging madali para kay Ekang ang magpadala ng text.

"Oh God, oh God, pleaseee, mag send ka na. " makaawa nya sa cellphone.

Ngunit minalas si Ekang dahil nag fail ang pagpapadala nya ng mensahe sa ina.

"NOooo. " bulong ni Ekang.

Narinig nya ang mga yabag palapit sa kanyang kinaroroonan kaya naman agad nyang tinago ang phone.

Umakto si Ekang na katatapos lang umihi.

Eksaktong dumungaw ang ulo ng lalaki.

"Tapos ka na ba ?. Antagal mo ah ?. " tanong nito.

Napasimangot si Ekang.

"Eto na nga o. As if naman na makakatakas ako eh hawak nyong boyfriend ko. " sagot nya.

Ngumisi lang ang lalaki.

"Malay ko ba ? , eh akala ko uunahin mo ang sarili mo kesa sa kanya eh. " sabi nito.

Inirapan lang ni Ekang nag lalaki at nilampasan.

Muli syang tinali ng isang goon sa likod ni Tabar.

..

Maya maya ay kinalabit ni Dannica si Darius.

"Psst, Joweebee. " pabulong na tawag nya.

"Oh ? " tanong ni Tabar.

"Kanina, di naman talaga ako nawiwiwi, sinubukan ko lang mag text kay Mama." bulong nya.

Natigilan si Tabar.

Nuon nya naalala ang bagay na iyon.

Napangiti sya.

"Galing mo baby, so okay na ?. " tanong nya.

Saglit na kinilig si Ekang sa pagtawag ni Tabar ng baby sa kanya.

"S-sorry, pero di ko na send, walang signal yung phone ko dito." inis na bulong ni Ekang.

Sinitsitan sila ng isang goon.

"Hoy !, anong pinagbubulungan nyo dyan ?. " tanong nito.

Inis na sumagot si Tabar.

"Bakit ?, di na ba kami pwedeng mag usap ?, di nyo ba alam ang salitang PBB Teens ?. " singhal nya.

Natameme ang lalaki.

"S-sorry, sige tuloy nyo lang. " sabi nito.

Inirapan ni Tabar ang lalaki at pinagpatuloy ang pakikipag usap kay Ekang.

"Pano yan ?. " tanong ni Tabar.

Nalungkot din si Ekang. Nangilid ang luha sa kanyang mga mata.

"Sorry baby, I'm so useless. " sabi nya.

Natigilan si Tabar.

"Ulitin mo nga ?. " tanong nya.

"I'm so useless. " ulit ni Ekang.

Natawa si Tabar.

"Hindi yung una mong sinabi. " sabi nya.

Napangiti din si Ekang kahit na naluluha.

"Alin ?, yung sorry ?. " biro nya.

Napangiti si Tabar.

"Sige na, ang sarap pakinggan eh. " lambing nya.

Kagat labing sumagot si Ekang.

"B-baby ?. " ulit nya.

Tila idinuyan sa alapaap si Tabar sa narinig mula sa dalaga.

"Yeah, baby, dati nakokornihan ako sa mga callsign or endearments na yan, but when I hear the word coming from you, it's just. Ewan, I can't explain. Ang sarap sa pakiramdam na yung taong mahal mo ang tatawag sa'yo ng ganyan. " bulong nya.

Napangiti si Ekang.

"Mahal mo ba talaga ako ?. " tanong nya.

Natawa si Tabar.

"Grabe, ilang beses ko na bang nasabi sa'yo ?. Pero sige, uulitin ko pa rin, Mahal kita Ekang. Mahal na mahal. " taos pusong pag amin nya.

Di nakapagsalita si Ekang.

Kahit na nasa bingit ng peligro, nag uumapaw ang kanyang damdamin para kay Tabar.

Nais nyang sabihin sa binata ang katumbas na mga salita pero nag dadalawang isip pa rin sya sa mga oras na ito.

"P-parang ang hirap paniwalaan Joweebee, kung maaalala mo dati, ako ang naghahabol sa'yo. Lagi akong nakasunod kung saan ka magpunta, kahit na magmukha akong tanga, okay lang, basta makita at makasama lang kita. Ilang babae na ba ang pinagselosan ko ?, ilang pagkakataon na gusto kitang sigawan at sabihin sa mukha mo na , Hoy Tabar !, andito ako oh !, pansinin mo naman ako ! , Pero syempre, babae ako, kaya kahit papaano, pinipigilan ko ang sarili ko na malagay sa ganap na kahihiyan. " malungkot na rebelasyon nya.

Natahimik si Tabar.

Akala ni Ekang nagalit sa kanya ang binata pero bigla itong nagsalita.

"Ham and Bacon Sandwich, with a little bit of cheese. " tila wala sa sariling sabi ni Tabar.

Natawa si Ekang.

"Nasa panganib na nga tayo, pagkain pa rin ang iniisip mo. " naiiling na sabi nya.

Ngumiti si Tabar.

"No baby, yun ang baon mo nuong una tayong magkita. Remember nung kinder tayo ?, nasa likod ka at kumakain. Nakatitig lang ako sa'yo non, pero bukod sa pagkain, ikaw ang tinititigan ko. " kwento nya.

Natulala si Ekang.

Pilit na pinagana ang isip at binalikan ang nakaraan.

"N-naalala mo pa ? . " manghang tanong nya.

Ngumisi si Tabar.

"Hinding hindi ko malilimutan ang araw na yon, yung araw na may isang batang babae na kulot ang buhok, may lunchbox na Powerpuff girls at backpack na Hello Kitty. " siwalat nya.

Nabigla si Ekang.

Hindi nya akalaing natatandaan pa pala ni Tabar ang araw kung kailan sila nagkakilala.

Di nya alam kung ano ang dapat sabihin sa mga oras na iyon.

Nais nyang yakapin at halikan ang binata, pero di nya magawa dahil nga sa sitwasyon nila.

Pilit kinalma ni Ekang ang sarili.

"Baby. " malambing na tawag nya.

Napangiti is Tabar.

"Sarap talaga pakinggan. " sabi nya.

Natawa si Ekang.

"Kapag nalampasan natin ang pagsubok na ito, hahalikan kita hanggang sa di na tayo makahinga. " kagat labing sabi nya.

Lalong napangiti si Tabar.

"You better prepare your lips baby, I'm sure na malalampasan natin to. " tiwalang sabi nya.

Napangiti si Ekang.

"Anong gagawin natin ?. " pabulong na tanong nya.

Sinulyapan ni Tabar ang dalawang goons na abala sa paglalaro ng baraha.

"Can you reach my left pocket ?, nandyan yung phone ko. " bulong nya.

Napatingin si Ekang sa dalawang lalaki at sinubukang abutin ang bulsa ni Tabar.

Ngunit masyadong masikip ang pagkakatali sa kanya.

"I can't baby. " malungkot na sabi ni Ekang.

Napaisip si Tabar.

"Try ko yung ginawa mo baby. " sabi nya.

..

"Uhm mga sir, baka pwede din akong umihi ?. " tanong ni Tabar.

Natigil ang paglalaro ng dalawa.

"Ayusin mo na nga yan para matapos na. " asar na utos ng isa.

Padabog namang tumayo ang inutusan at nilabas ang baril.

Tinutukan nito si Ekang sa sentido.

"Tangna mo, kapag gumawa ka ng kalokohan, sabog ang utak nitong syota mo. " sabi nito.

Tiim bagang na tumango si Tabar.

"Hindi. Iihi lang ako, alisin mo yang baril mo. " seryosong sabi nya.

Napangisi ang lalaki.

"At bakit ?, anong gagawin mo ?. " tanong nito.

Naningkit ang mga mata ni Tabar.

Pero sinaway sya ni Ekang.

"Stop na baby, mag wiwi ka na para maging kumportable ka na. " utos nya.

Tumango si Tabar.

Natawa ang lalaki.

"Under ka pala boy eh. " pang aasar nya.

"Respeto lang kuya. " katwiran ni Tabar.

Iiling iling na kinalagan ng lalaki si Tabar at mabilis na dumistansya.

Tinutok nito ang baril sa binata.

"Hala bilisan mo. " sigaw nito.

Tinitigan ni Tabar ang lalaki, pero tinulak na sya nito sa isang sulok.

Walang nagawa si Darius kundi ituloy na lang ang pagpapanggap.

Pumwesto sya sa kita ang upper body nya at nakatago ang ibabang parte.

Pasimple nyang nilabas ang phone.

..

Saglit na nag isip si Tabar.

Kapag text ang ginawa nya, malamang magaya lang sya kay Ekang na mag message sending failed dahil sa lokasyon nila.

"Sinong tatawagan ko ?. " sabi nya sa sarili.

Unang pumasok sa isip nya ang mga kaibigan.

Si Aldrin ay siguradong kausap si Hannah.

Si Rhoi ay malamang na kakwentuhan si Krissing.

Biglang napangisi si Tabar.

"Siguradong gising pa yung mokong na yon. " bulong nya.

Mabilis na hinanap ni Tabar ang numero ni Romeo.

Pero bigla din syang napaisip.

"Hindi nga pala nya ginagamit madalas yung phone nya. Fuck. Sana malapit lang sa kanya yung phone. Sana, sana. !. " panalangin ni Tabar.

Tinawagan ni Tabar si Romeo.

Nakailanga ring pero wala pa ring sumasagot.

Nagsisimula ng makahalata ang lalaki sa likod nya.

"Hoy !, antagal mo ah !. " sita nito.

No choice, kinansel ni Tabar ang tawag at muli itong tinawagan.

Di na nya hinintay na sagutin ng kaibigan, nilagay nya sa garter ng brief ang cellphone at nagkunwaring sinasara ang zipper.

Nakasimangot na bumalik si Tabar at nilampasan ang lalaki.

Muli syang naupo sa likod ni Ekang.

Sumunod naman ang lalaki at mabilis na tinali ang mga kamay ni Tabar.

..

Bigla silang nakarinig ng kaluskos.

Naging alerto ang dalawa at hinanda ang kanya kanyang baril.

"Hoy tingnan mo nga. " utos ng isa.

Di na nagreklamo ang inutusan, kinasa nito ang hawak na baril at marahang naglakad patungo sa isang sulok.

"Sino yan ?. " sigaw nito.

"Si Nonong to. " sagot ng isa.

Nakalma naman ang dalawa ng malamang ang kasama pala nila ang dumating.

May mga dala itong plastic.

Binaba nito ang mga dala sa mesa at pagod na naupo sa bakanteng silya.

Hinalungkat nila ang dalang pagkain ng kasama.

"Ano to ?. Bakit puro tinapay at palaman ?. " asar na tanong ng isa.

Minasahe ng lalaki ang paa nya bago sumagot.

"Pagkain. " papilisopong sagot nito.

"Alam kong pagkain, pero bakit ito ang binili mo ?, sabi ko pulutan di ba?." asar na tanong ng isa.

"Parang kakasya yung binigay mo ha !, anong gusto mong bilhin ko ?, calderata ?. eh isang daan lang ang binigay mo, at saan mo ko paghahanapin ng pulutan sa ganitong lugar ?, buti nga may bukas na bakery dyan sa malapit eh. !. " ganting sigaw nito.

Umawat na ang isa.

"Hayaan mo na pare. Pwede na to. " sabi nito.

Nakalma naman ang isang lalaki at binuksan na ang alak.

Nagsimula na silang mag inuman at hindi na inintindi ang dalawang bihag.

..

Pasimpleng kinalabit ni Ekang si Tabar.

"Anong nangyari baby ?. " tanong ni Ekang.

Napangiwi si Tabar.

"I called Romeo, nag ba-vibrate pa itong phone sa brief ko, meaning di pa nya sinasagot. Let's pray na sagutin nya. Sya na lang ang pag asa natin. " bulong ni Tabar.

Pinilit pagaanin ni Ekang ang sitwasyon.

"Well, at least nakatawag ka. I know na sasagutin ni Rom yan. " aniya.

Natawa si Tabar.

"Si Romeo ang taong hangga't maaari, hindi gagamit ng phone. Samsung S3 ang phone non pero di nya ginagamit na pang text o pangtawag, pang Games lang. For sure gising pa yon ng ganitong oras, nagdodota or naglalaro ng PSP. Mamaya pang 3am ang tulog non. " natatawang kwento nya.

Natawa din si Ekang.

"Kabisadong kabisado ah. " puna nya.

Nagkibit balikat si Tabar.

"Can't help it, oops wait. Tumigil na baby yung pagring baby. Sinagot na nya. " bulong ni Tabar.

Nakaramdam sila ng pag asa.

..

"Kukulangin ata itong alak natin, sana pala nagpabili ka pa ng isa. " sabi ng isang lalaki.

Agad na umiling ang kaning inutusan.

"Oh baka ako na naman yan ah, nakakapagod na. Kung bibili kayo, bumili na kayo, habang bukas pa yung bakery don sa kanto. " sabi nito.

Nilabas ng lalaki ang perang pangkain nila.

"200 na lang to, magkano ba litro ?. " tanong nito.

"Sandaan ata, wala na tayong pang almusal bukas, sabi ni boss bukas pa daw sya babalik. " sagot ng isa.

Napailing ang dalawa.

"Bwisit na buhay to, anong kakainin natin nyan ?. Alangan namang tumunganga lang tayo magdamag dito ? Di naman tatagal yang isang bote na yan, dito pa lang kay Ponso taob na yan eh." reklamo ng isa.

Napangisi si Tabar.

"Boss, dito sa likod ng bulsa sa pantalon ko, may apat na libo, sa inyo na. " sabi nya.

Napatingin sa kanya ang tatlo.

Tila tinatantya ang motibo ni Tabar sa pag aalok ng sarili nitong pera.

Maging si Ekang ay nagtaka sa kinikilos ng binata.

..

Lumapit ang isang lalaki at kinapa ang sinasabing ni Tabar.

Nakadukot nga ito ng dalawang tig iisang libo at apat na liman daan.

Natuwa ang tatlo.

"Ayos pala to, mayaman talaga. " sabi ng isa.

Pero napaisip ang isa pa.

"At ano naman ang niluluto mo ha ?. bakit mo kami binibigyan ng pera ?. " tanong nito.

Napangisi si Tabar.

"Anong gagawin ko dyan ?, kesa masayang, eh di sa inyo na lang. Pero may request ako. " sabi nya.

"Ano ?. " maaskad na tanong ng isa.

"Pakibilhan nyo rin kami ng pagkain, bumili na rin kayo ng pang almusal natin bukas para di na kayo mapagod lumabas, tutal mukhang malayo pa yung pinagbilhan ni kuya nyang mga tinapay ." sabi ni Tabar.

Nagkatinginan ang tatlo.

Tumango ang naatasang maging lider pansamantala.

"Sige, tutal marami pang matitira dyan. Bumili ka na rin ng alak Ponso. " utos nito.

Nahindi ang nagngangalang Ponso.

"Oh bakit ako ?. " tanong nito.

"Alangan ako ?. " tanong ng isa.

"Alangan din ako ?, eh nakakapagod kayang maglakad. Bilisan mo Ponso baka magsara na yung bakery. " utos ng lalaking naunang bumili.

Sumingit si Tabar.

"Eh wala na bang ibang tindahan na malapit sa bakery ?, parang nakakaumay naman kung puro tayo tinapay. " singit nya.

Sumang ayon ang isa.

"Tama itong si Taba, parang napansin kong may maliit na karinderya bago yung bakery na yon eh. Mag masid masid ka muna baka may mas masarap na tsibog sa malapit, kesa mapurga tayo sa tinapay. " utos nito.

Napakamot si Ponso.

Alumpihit itong sumunod sa utos.

Nagalit na ang pansamantalang lider ng tatlo.

"Tangina Ponso !, nagugutom na ako !, wala pa akong hapunan !. " sigaw na sabi nito.

"Ano bang problema mo at bakit ayaw mo pang umalis ?. " tanong ng isa.

Napangiwi si Ponso at napakamot sa batok.

"K-kasi, kaninang pagakyat natin dito, andilim ng dadaanan, tapos may balete pa dun sa dulo ng kalsada. " mahinang sabi nya.

Bumunghalit ng tawa ang dalawa.

"Hayup ka !, gurang ka na't lahat takot ka pa rin sa multo? . Sa tao ka matakot hoy !, wag sa multo. Walang magagawa sayo ang multo multo na yan, pero ako meron. " sabi ng pansamantalang lider sabay tutok ng baril kay Ponso.

"P-pare naman. Lalakad na nga eh. " sabi nya sabay kipkip ng pera sa bulsa.

Labag man sa loob, tiniis nya ang takot at lumabas ng warehouse.

Sumigaw ang isang lalaki.

"Takbo Ponso !, may multoo ! " sigaw nito.

Tarantang napatakbo si Ponso.

Tawa ng tawa ang dalawa.

..

Napansin ni Tabar ang cellphone sa ibabaw ng mesa.

"Boss, baka may TV o radyo yang cellphone mo, makinig naman tayo, nakakabagot eh. " sabi ni Tabar.

Napaisip ang pansamantalang lider.

Sinilip nya ang cellphone.

"May TV, nga to. Teka nga masubukan. " sabi nito sabay bukas ng TV sa phone.

Bumukas nga ang TV pero walang palabas sa mga oras na iyon kundi ang pag awit ng Lupang Hinirang.

Napamura ang lalaki ng biglang mamatay ang cellphone nya.

"Putangna, lowbat !, kita mong ginawa mo Abner kakalaro mo ng games eh !. " reklamo nito.

"Grabe ka naman !, para naglaro lang eh. Ikaw ba namang bumyahe ng walong oras, di ka mabagot. Palibhasa sa NLEX pa lang natulog ka na. Etong cellphone ko, baka tumawag si boss, lipat mo yung sim mo. " sabi nito.

Ginawa naman ng lalaki ang sinabi ng kasama.

Umepal pa si Tabar.

"Kuya patikim nga ng palaman na yon !, mukhang masarap eh. Di ko pa ata natitikman yan. " sabi nya.

Tila tinatamad na kumilos ang maliit na tinawag na Abner.

"Ang takaw mong baboy ka. " asar nito.

Ngumiti lang si Tabar.

"Ano ba yang palaman na yan ?. " tanong nya.

Binasa ng lalaki ang nakalagay sa palaman.

"Strawberry jam. " sabi nya.

Tumango tango si Tabar.

"Mukhang specialty nila yan dito. Malamang na masarap yan. " sabi nya.

Nagkibit balikat ang lalaki, matapos lagyan ng palaman ang isang tinapay, lumapit ito kay Tabar at sinubo.

Kumagat ng isa si Tabar. Pero bigla nya rin itong dinura.

"Pwe !, ayaw ko ng lasa. Wag na lang. " sabi nya.

Natawa ang lalaki at ito na ang umubos sa tinapay.

..

Natahimik si Tabar.

Kailangan nyang magsalita para balaan si Romeo na seryoso ang mga narinig nito.

"Romeooo !, ang pogii pogii mooo !!. " sigaw nya.

Nagulat ang dalawang lalaki, maging si Ekang.

"Sino yon ?. " tanong ni Abner.

Ngumisi si Tabar.

"Kaibigan ko boss, gwapo eh. Nakakabakla. Naalala ko lang. " sabi nya.

Nagtawanan ang dalawang lalaki.

"Bakla pala to, sayang ka iho, gwapo ka rin sana. " sabi ng pansamantalang lider.

Ngumiti lang si Tabar.

Naramdaman nya ang pagkalabit ni Ekang.

"Baby ?. Bading ka ?. Bakit mo sinabihan ng pogi si Rom ?. " tanong nya.

Ngumiti si Tabar.

"Sshh, it's a code. " sabi nya.

Bagama't naguguluhan. Nagtiwala na lang si Ekang sa binata.

..

Ilang oras ang lumipas.

Nakarinig sila ng tunog ng sasakyan.

Agad na naging alerto ang dalawa pero mabilis din nilang tinago ang mga baril ng marinig ang boses ng amo.

"Oh easy mga bata. Kami to. " natatawang sabi nito.

Napatingin sina Darius at Dannica sa pinto ng warehouse at nanlaki ang mga mata nila ng makita si Randy.

"R-randy ?. " tanong ni Ekang.

Ngumisi ang binata.

"Yes it's me sweetheart. " sagot nito.

Naningkit ang mga mata ni Tabar.

"Kasabwat ka. " sabi nya.

Nagtaka ang lider.

"Magkakilala kayo ?. " tanong nito.

Tumango si Randy.

"Dapat magiging manugang nyo na itong babaing ito Itay, pero may epal sa pag iibigan namin. " sabi nito sabay titig kay Tabar.

Ngumisi ang lider.

"Ah ganun ba ?. Eh ano pang ginagawa mo dyan ?. Eh di gawin mo na ang matagal mo ng gustong gawin. " utos nito.

Ngumisi si Randy.

Tumango sya at lumapit sa dalawa.

Hinaplos nya ang pisngi ni Ekang.

Diring diring umiwas naman ang dalaga.

"I hate you !, akala ko mabait ka na, nagtiwala ako sa'yo !. I thought we can be friends !" sigaw ni Ekang.

Natawa si Randy.

"Friends ?, friends lang ? eh ayaw ko eh. Gusto ko lovers. " sabi nya sabay halik sa labi ng dalaga.

Mabilis na umiwas si Ekang kaya sa pisngi tumama ang mga labi ni Randy.

Gigil na inatras ni Tabar ang ulo nya dahilan para tumama ito sa ulo ng binata.

Hilong bumagsak sa lupa si Randy.

Inalalayan ito ng mga goons para itayo.

"Tang ina ka talaga Darius, matagal na akong init sa'yo, ngayon lang ako makakabawi !. " sigaw nya.

Buong pwersang sinuntok ni Randy ang mukha ni Tabar.

Gigil na gigil sya at walang habas na inundayan ng sipa at suntok ang binata.

Napasigaw si Ekang.

"Tabar !. Hayup ka Randy !, akong harapin mo !. " sigaw nya.

Pero tila walang narinig ang binata.

Natumba ang inuupuan ni Tabar pero tuloy pa rin sa pagsipa si Randy sa kanya.

"Tang ina ka !, tang ina ka !, para to sa mga kahihiyang dinulot mo nung mga bata pa tayo !. " sigaw nya.

Dahil sa pagkakatumba, nalaglag ang cellphone ni Tabar.

Agad itong nakita ni Abner at pasimpleng kinuha.

"Ayos, mamahaling cellphone. " bulong nya sabay bulsa ng gadget.

..

Ilang minuto din bago nagsawa si Randy sa pambububog kay Tabar.

Lanyang gulay na ang binata na nakahandusay sa sahig.

"Ano ?. wala kang magawa di ba ?. " pang aasar nya.

Muli nyang sinuntok sa mukha si Tabar bago pumagitan na ang ama nito.

"Tama na yan Randy, magpahinga ka na at malayo pa ang binyahe mo. " utos nito.

Tumango si Randy.

Sinulyapan ng lider ang mga tauhan nya.

"Bakit dalawa lang kayo ?. Nasan si Ponso ?. " tanong nito.

Eksaktong pagkakasabi ng lalaki ay hangos na dumating si Ponso.

"Puta, walang kwenta yung mga tinda dun sa sinasabi nyong bakery, !. May kasamang langaw !, Bukas na lang. 24 hours naman daw yon sabi nung isang bumibili din. Para naman mainit init di ba? . " humihingal na sabi nya.

"San ka galing ? . "tanong ng lider.

"Dyan lang boss sa bakery, bibili sana ng pagkain. " sabi nito.

"Eh ano tong mga to ?. 300 daan lang naman yung binigay ko sa inyo ah ?. " tanong ng lider.

Nagkatinginan ang tatlo.

"I-inabonohan ko boss. " sabi ni Abner.

Nagkibit balikat na lang ang liber bago inakbayan ang anak nitong si Randy.

"Pahinga na muna kami ha, alerto kayo. " utos nito.

Tumango ang tatlo.

..

Marahang binaba ni Romeo ang cellphone.

Sapat na ang narinig nya.

Akala nya ay nagbibiro lamang ang kaibigan, pero may sinabi ito na nakapagpabago ng isip nya.

Nakarinig sya ng katok sa pinto.

"Anak gising ka pa ba ?. " boses ng ama.

Mabilis na kumilos si Romeo.

Binuksan nya ang pinto at tumambad ang mga magulang.

"Po ? " tanong nya.

"A-anak, si Darius at Dannica, di pa raw umuuwi. " takot na imporma ng inang si Alexa.

Napatingin si Romeo sa amang si Primo.

"Oo anak, nandyan si Tito Denzel mo sa baba. Hinahanap ka. " sabi nito.

"Tara Dad. " aya ni Romeo.

Sabay sabay na bumaba ang mag anak.

Nasa salas nga si Denzel, kita sa mukha nito ang pagkabahala.

"Romeo, wala bang nasabi si Darius sayo ?. wala pa kasi sila eh. " agad na bungad nito.

"W-wala Tito. Sina Pot at Rhoi ?. " tanong ni Romeo.

Umiling si Denzel.

"Wala rin anak eh. Nasan na kaya yung batang yon ?. " nag aalalang tanong nito sa sarili.

Inakbayan ni Primo ang kaibigan.

"Relax pare, baka naman nanuod lang ng concert yung dalawa. " sabi nya.

"Pero pare, di naman ugali ng anak ko na di mag paalam lalo na kung gagabihin, alam nyang nerbyosa ang nanay nya eh. " sabi ni Denzel.

Natahimik si Primo.

"Teka, mahal ko tawagan mo nga si Gustavo, pakisabi emergency. " utos nya sa kabiyak.

Mabilis na kumilos si Alexa at umakyat sa kwarto.

Maya maya ay bumalik ito.

"On the way na daw mahal ko, Diyos ko, nasan na yung mga batang yon. " sabi nya.

"Pare, balik muna ako sa bahay, nandun si Dulce kausap ni misis eh. " sabi ni Denzel.

Tumango si Primo.

"Sige pare sasama kami ni Romeo. Tara anak. " aya nya.

"Sasama ako " singit ni Alexa.

Tumango si Denzel at nagpauna na sa labas.

Kasunod nya ang pamilya Di Carprio.

..

Sa bahay ng mga Guzman nagtipon ang lahat.

Maging ang ibang pamilya ay nanduon na rin.

"Ano pareng Primo ?. " tanong ni Nestor.

Umiling si Primo.

Nawalan ng pag asa ang lahat.

"B-baka nakidnap na sila !. " naiiyak na sabi ni Dulce.

Pinayapa sya nina Chynna at Alona.

"Relax lang mare, wag ka munang mag isip ng ganyan. " sabi nila.

"Tama sila mare, tinawagan na namin ang mga pulis. Mahahanap din natin sila. " pang aalo ni Alexa.

Nagpulong ang mga tatay.

"Ano pare? wala ba talaga tayong magagawa ? . " tanong ni Vincent.

"Damn pare, kinakabahan ako !. " bulong ni Denzel.

"Wag pare, baka marinig ka ng misis mo. " awat ni Nestor.

"Tama si pareng Nestor, alam ko ang nararamdaman mo pare, pero dapat kang magpakahinahon para sa asawa mo . " saway ni Primo.

Natahimik si Denzel at hinilamos ang palad sa mukha.

..

Tinabihan ni Rhoi at Aldrin si Romeo.

"Ano tol ? sa tingin nyo, nasan si Tabar ?. " tanong ni Rhoi.

"Ewan ko, ang alam ko, may Date sila ni Ekang ngayon. " sabi ni Aldrin.

"Tang ina, kinakabahan na rin ako. " sabi ni Rhoi.

Nanatiling nakikinig lang si Romeo.

Hanggang sa makarinig sila ng pagbukas ng gate.

Humahangos na pumasok si Gustavo.

"Pare, tinimbre nyo na ba sa mga pulis ?. " tanong nito.

Tumango si Primo.

"Tapos na insan. " sabi nya.

"Saan ba magsusuot yung mga anak nyo sa ganitong oras. Di kaya nagtanan na yung dalawa ?. " tanong ni Gustavo.

Umiling si Vincent

"Parang di mo alam yung mga bata pare, alam naman nila na tatanggapin natin ang mga desisyon nila. Hindi nila kailangang magtago di ba?. " tanong nya.

Napatango si Gustavo.

"Pero nasan sila. Wala ba silang cellphone ?. " tanong nito.

Napaangat ang mukha ni Annette.

Basang basa na ang mukha nito sa luha.

"Honey, tawagan mo si Darius !. " sigaw nito sa kabiyak.

Mabilis na kumilos si Denzel.

Nilabas nya ang phone at nagsimulang magdial.

Pero biglang nagsalita si Romeo.

"Wag po Tito !. " sigaw nya.

Napatingin ang lahat sa kanya.

"Bakit ?. " tanong ni Denzel.

Huminga ng malalim si Romeo.

"Nakidnap sila. Kapag oras na tinawagan nyo ang phone ni Tabar at marinig ito ng mga kidnapper, siguradong mawawalan na tayo ng koneksyon sa kanya. " sabi nya.

Napanganga ang lahat.

Naiyak sina Dulce at Annette sa sinabi ng binata.

"Bakit mo nasabi ?. Sigurado ka ?. " tanong ni Primo.

Tumango si Romeo.

"Tumawag sakin si Tabar kani kanina lang bago kayo kumatok sa kwarto ko Dad." sabi nya.

Lumapit si Denzel sa binata.

"Anong sabi nya ?. " tanong nito.

"Wala. " sabi ni Romeo.

Nagtaka ang lahat.

"Please iho, diretsahin mo na kami !. " sigaw ni Dulce.

Tumango si Romeo.

"Walang sinabi si Tabar. Tinawagan nya lang ako, para iparinig siguro ang mga nasa paligid nya. At sapat na ang narinig ko para malaman na nakidnap nga sila. Sangkot si Randy dito. " sabi nya.

"R-randy ?. " tanong ni Gustavo.

"Yes Tito, Randy Gubatton. " sabi nya.

Nagkatinginan sina Gustavo at Primo.

"Ano pa iho ?. " tanong ni Denzel.

"Base sa narinig ko, ligtas sila. " pag iwas ni Romeo.

Dahil sa kalagayan ng mga magulang ng dalawa, pinili nyang wag sabihin na narinig nyang ginugulpi si Tabar.

"Nasan na ang anak ko.. " humagulgol na si Dulce sa balikat ni Chynna.

Awang awa ang lahat.

Pero wala silang magawa kundi hintayin ang tawag ng mga kumidnap.

..

"Daddy, Tito Denzel. " tawag ni Romeo.

Mabilis na lumapit ang mga tatay.

"Ano yon anak ?. " tanong ni Primo.

"Ano yon iho ?. " tanong ni Denzel.

"Sa tingin ko alam ko kung saan sila dinala." nilabas ni Romeo ang phone ng ina.

Narinig nila ang pag awit ng binata.

Di nila maiwasang matawa.

"Tol, kumakanta ka ?. " natatawang tanong ni Aldrin.

Tumango si Romeo.

"Naisip kong kumanta ng pusong bato kanina, nirecord ko, papakinggan ko sana yung boses ko gamit ang phone ni Mommy, alam nyo naman na games lang ang habol ko sa phone ko, eh kanina pa ako naglalaro, palowbat na kaya naisip kong kunin yung phone ni Mom, habang nagrerecord ako, di ko napansin na tumatawag pala si Tabar, naka isang misscall na sya, akala ko nagbibiro lang pero tumawag pa ang ungas, di ko pinansin, pero napansin kong parang hindi nya pinuputol yung tawag, so naisip ko na baka seryoso nga. Ayun, pagsagot ko, walang nagsalita. syempre nagalit ako, pero may ibang nagsalita at alam kong hindi yon boses ni Tabar. " sabi nya.

Tumigil nga ang pag awit ni Romeo ng pusong bato sa phone at narinig nla ang sinasabi nitong pag uusap ng mga di kilalang lalaki.

Ilang saglit lang, natulala si Denzel ng marinig ang tila panggugulpi ng isang lalaki kay Darius.

"Putang ina, putang ina, putang ina nilaaa. " gigil na bulong nya.

Pero inawat sya ng mga kaibigan.

"Relax pare, walang magagawa kung magagalit ka. Mag isip tayo ng paraan para malaman natin kung saan ba nila dinala ang mga bata. " sabi ni Primo.

"As I was saying Daddy, alam ko na kung nasan sila. " sabi ni Romeo.

Napatingin sa kanya ang mga tatay.

"Saan ?. " tanong ni Denzel.

"To make it short, nasa Baguio sila. Paano ko nalaman ? . 8 hours from NLEX, Strawberry Jam na palaman at Igorot, dun pa lang, malaking clue na yon." sabi nya.

Napangiwi si Gustavo.

"Pero malaki ang Baguio, paano natin sila agad makikita ?. " tanong nya.

Ngumiti si Romeo.

"Bibili ta'yo ng Tinapay sa kanto." sabi nya.

Nagkatinginan ang mga tatay pagkuwa'y napatingin sila kay Gustavo.

Tumango ang binata.

"Sige sige, alam ko na ang gagawin ko. " sabi nya sabay labas ng phone.

Nag dial si Gustavo, ilang saglit lang ay may sumagot na.

"This is Detective Jack Valentine, I need you to do me a favor General Ramirez. Yes, yes, this is an emergency. I need to know the locations of all 24 hours bakery in Baguio. " dire diretsong sabi nya.

Saglit na nakinig ang Detective bago ito nagpasalamat at nagpaalam sa kausap.

"Okay na, ilang minuto mula ngayon, ipapadala na nila ang mga impormasyong kailangan natin. Nagpadala na rin ako ng cellphone tracker para sa phone nina Darius. Everything will be fine pare. " sabi nya sabay tapik sa balikat ni Denzel.

Napansin ni Nestor na wala na ang mga binata.

"Nasan na sila ?. " tanong nya.

Di pa nakakapagsalita ang iba, nakarinig na sila ng tunog ng makina ng kotse

Agad na lumabas ang mga tatay.

Nakita nila ang tatlong alas na nakasakay kay Joker.

"Saan kayo pupunta ?. " tanong ni Vincent sa anak na si Rhoi.

"Sa Baguio. " si Aldrin ang sumagot.

"Alam nyo na ba ang lokasyon ?. " tanong ni Nestor.

"Hihintayin pa ba namin yun Tito ?. Habang naghihintay tayo ng balita sa mga pulis, ginugilpi na ang kapatid namin, di namin kayang pakinggan yon Tito, aalis na kami, tawagan nyo na lang po kami kung may balita na. " seryosong sabi ni Romeo.

Natameme si Nestor at Vincent.

Natawa si Primo.

"Pare, alis na dyan, nakaharang ka. " sabi nya.

Nakita nilang binubuksan na ni Gustavo ang gate nina Denzel.

"Mag iingat kayo. " isa isa nyang tinapik sa balikat ang tatlo.

Pagbukas na pagbukas ng gate, pinabarurot palabas ni Rhoi si Joker.

Naiwan ang mga ama sa garahe.

Napatingin si Primo kay Denzel.

"Ano pare ?. matitiis mo ba na ang mga bata ang gumawa ng paraan para sa atin ?. Di ba natin sila tutulungan ? . " tanong nya.

Ngumisi si Denzel at mabilis na tinakbo ang sasakyan.

Agad namang sumakay sina Vincent, Nestor at Primo.

Naiwan si Gustavo.

"Insan, susunod ako. Bibigyan ko kayo ng instructions maya maya. " sabi nya.

Tumango si Primo.

"Sige insan, asahan ka namin. " sabi nya sabay pinabarurot na rin ni Vincent ang sasakyan at sinundan ang tatlong alas.

..

Sa bilis ng pagpapatakbo ni Rhoi, naiwanan nya ang mga tatay nila na sumusunod sa kanila.

Inabot na sila ng umaga sa kalye ng ihinto nya ang sasakyan.

"Saan tayo Rom ?. " tanong nya.

Nilingon ni Romeo ang paligid.

Napangisi ng makita ang hinahanap.

"Sa balete, tumbukin mo yung kalsada, pero wag kang dadaanan dyan, sa gubat tayo. " sabi nya.

Tumango si Rhoi at pinasibad na si Joker..

Ilang saglit lang.

Nakatingin na sila sa isang abandunadong warehouse.

Bumaba ang tatlo sa sasakyan.

"Eto na kaya ?. " tanong ni Aldrin.

"Ewan ko, pero mag ingat kayo. " bilin ni Rhoi.

Umikot si Romeo sa likod at binuksan ang trunk ng kotse.

Isa isa nyang nilabas ang mga baseball bat ng bawat isa.

Pumwesto sila at tiim bagang na nakatingin sa warehouse.

"Ready ?. " tanong ni Romeo kay Aldrin.

Ngumisi ang Ace of Hearts.

"Anytime. " sabi nya.

Tiningnan ni Romeo si Rhoi.

"Ikaw ?. " tanong nya.

Naningkit ang mga mata ng Ace of Clubs.

"Hell yeah. " sagot nya.

Tiim bagang.

Napangiti ang Ace of Spades.

"Let's Rock. " sabi nya sabay takbo papasok sa loob ng warehouse.

Hindi naman nagpaiwan ang dalawa at mabilis na sumunod sa likod nya.

ITUTULOY !!!