1. Home
  2. Stories
  3. Kwadro Alas Book 2 Ch. 37 - Acceptance
Lagablab

Kwadro Alas Book 2 Ch. 37 - Acceptance

By supertoyantz ·

Chapter 37 - Acceptance

Muling pumasok si Gustavo sa tahanan ng mga Guzman para bilinan ang hipag na si Alexa.

"Insan, saglit lang. " tawag nya.

Agad namang lumapit si Alexa.

"Oh bakit insan ? " tanong nya.

Saglit nyang nilingon sina Dulce at Annette na magkayakap.

Parehong namimighati dahil sa pagkawala ng mga anak.

Awang awa ang babae ngunit wala syang magawa.

"Wag dito insan, sa labas tayo." bulong nya.

Tumango si Alexa at nagpasimple silang nagtungo sa labas ng bahay.

..

"Ano ba yun ?. " tanong nya.

Huminga ng malalim si Gustavo.

"Umalis na sina Insan Primo at ang iba pa. Alam na nila kung saan matatagpuan ang dalawa. " sabi nya.

Nanlaki ang mga mata ni Alexa.

"Really ?. That's great. Sasabihin ko sa kanila !. " tuwang sabi nya pero agad syang inawat ng batikang detektib..

"No !, wait lang. Wag muna, mag aalala lang sila, lalo na sina Dulce at Annette. " sabi ni Gustavo.

Natigilan si Alexa.

"B-but, they have to know. Karapatan nilang malaman kung nasan na ang mga anak nila. Kailangan nila ng konting pag asa para naman kahit papaano, mabuhayan sila ng loob. " katwiran nya.

Napaisip din si Gustavo.

"I guess you have a point. Sige sige, sabihin mo na sa kanila na on the way na ang tropa, susunod din agad ako once na matanggap ko na ang eksaktong coordinates ng pinagdalhan sa kanila, kasama ko na rin ang mga pulis. " sabi nya.

Tuwang tuwang napatalon si Alexa.

"Yes !, thank God ! " sabi nya.

Ngumiti si Gustavo.

Pero biglang tumigil si Alexa sa pagtalon at kunot noong napatanong.

"But how did you know the place ?. " tanong nya.

Ngumisi si Gustavo.

"Sabihin na lang nating nabiyayan kayo ni Insan ng kakaibang anak." nakangising sabi nya.

Nanlaki ang mga mata ni Alexa at napanganga.

"Si Romeo ?. Oh God !, nasan na ang mga bata ?. D-dont tell me sumugod din sila ? " tangong nya.

Napangiwi si Gustavo ng alugin sya ni Alexa.

"T-teka insan, oo na, oo na, nauna pa nga sila dun sa mga tatay nila. " pag amin nya.

Mangiyak ngiyak na pinagpapalo ni Alexa ang detektib.

"Bakit nyo pinabayaan ?. Paano kung mapahamak sila ?. Paano kung maligaw sila ?. " sigaw nya.

"Mas nangangamba pa nga ako sa mga ama nila eh. " katwiran ni Gustavo.

Pero di pa rin nagpaawat si Alexa.

Tarantang naglabasan ang iba.

"Bakit yan sis ?. " tanong ni Chynna.

"Anong ginawa mo Gustavo kay Alexa ?. " tanong naman ni Alona.

Agad na yumakap si Alexa kay Alona at humagulgol na rin.

"Yung mga bata, sumugod !. " imporma nya sa pagitan ng paghikbi.

Napanganga sina Chynna at Alona.

"S-si Rhoi ko ?. " tanong ni Chynna.

"S-si Aldrin ko rin ?. " tanong din ni Alona.

Tumango si Alexa.

Nanlisik ang mga mata ng dalawa.

"Gustavo !, bakit mo sila pinabayaan ?. " gigil na tanong ni Alona.

Napanganga si Gustavo.

"Hala bakit ako ?. Dapat yung mga asawa nyo ang pagalitan nyo !. " pag iwas nya.

Pero mabilis syang tumakbo palabas ng bakuran nina Denzel ng habulin ng mga babae.

Biglang may bumusinang sasakyan.

Nahinto ang paghahabulan ng mga nanay at ni Gustavo.

Pumarada sa tabi ng daan ang sasakyan bago bumaba si Zackarias Hidalgo sa kotse at takang lumapit sa kaibigang detektib.

"Pare, anong nangyayari ?. Nasalubong ko yung kotse ni pareng Denzel ah, kasama ang buong tropa, saan sila nagpunta ?. at bakit di ka kasama ?. " tanong nya.

Tila nakakita ng kakampi si Gustavo at mabilis na nagtago sa likod ng batikang doktor.

"Pare, mamaya ko na ipapaliwanag sayo ang mga detalye, to make the story short, nakidnap si Darius at ang girlfriend nyang si Dannica. Sumugod na yung tatlong alas pati na ang tropa. Susunod na rin sana ako pero naghuhurumentado itong mga misis nila at ako ang kinukuyog eh. " sumbong nya.

Napanganga si Zack.

"Tang ina pare, tara sumunod na rin tayo !. " sigaw nya at muling bumalik sa sasakyan.

Agad namang sumunod si Gustavo.

Lumapit din ang mga babae at kinalampag ang kotse ni Zack.

"Hoy !, isama nyo kami !. " sigaw ni Alexa.

Gumaya ang iba.

Pati si Dulce at nakikihampas na rin sa kotse.

Nagkatinginan ang dalawa.

"P-paano to ?. " tanong ni Gustavo.

Napalunok ng laway si Zack.

"I-isama na lang natin. Sa itsura ng mga yan, sisirain nila ang kotse ko. Nagtransform na naman sila oh ." sabi nya.

Tumango si Gustavo.

"Mas gugustuhin ko pang makipambuno sa mga pusakal na kriminal kesa magka asawa ng ganyan. " iiling iling na sabi nya.

Natawa si Zack.

"TOMO !" tugon nya.

"Pero di tayo kaya dito. " sabi ni Gustavo.

Tila narinig ni Chynna ang pinaguusapan ng dalawa.

Kinatok nito ang salaming bintana ng kotse ni Zack.

Binaba ng doktor ang bintana.

"Isama nyo kami !. " sigaw ni Chynna.

Napangiwi si Zack.

"Delikado don !. " singit ni Gusatvo.

Pero lalong nagwala ang mga nanay.

"Mga kaligtasan ng mga anak namin ang nakataya dito insan !, sa ayaw at gusto nyo, isasama nyo kami !. " sigaw ni Alexa.

Napangiwi ang doktor at detektib.

Wala silang nagawa kundi ang bumaba ng sasakyan.

"Bahala na nga kayo, lipat tayo ng sasakyan. Iwan mo na muna itong sasakyan mo dito pareng Zack, kukunin ko lang yung van ko. " sabi ni Gustavo.

Lulugo lugong naglakad sya pauwi ng bahay pero nataranta sya ng sigawan ng mga nanay.

"BILISAN MO !. " sigaw ng mga ito.

Nataranta si Gustavo at mabilis na tumakbo pauwi.

..

Sa bahay ng mga Buenaflor.

Aligagang naghihintay si Aling Miding sa sala.

Sya lamang ang tanging naiwan sa bahay na ito mula ng umalis si Dulce at nagtungo sa katabing subdivision para magtanong tungkol sa anak nitong si Dannica.

Hindi pa kasi umuuwi ang dalaga.

Dis oras na ng gabi at hindi ang tipo ni Dannica ang gagawa ng ganito.

Talagang nag aalala na ang matandang katiwala.

"Lekat na. Nasan ka ba Cely. " gigil na sabi nya sa sarili.

Pati si Dolores ay mistulang bula na bigla ring naglaho.

Sinubukan nyang magtimpla ng gatas para payapain ang sarili.

Habang nagtitimpla, natigilan si Miding ng marinig ang telepono.

Agad nyang tinigil ang ginagawa para sagutin ang tawag.

"H-hello . " halata ang takot sa tinig ng matandang katiwala.

"Hello Nanay Miding, si Dulce ho ito. " boses nga ni Dulce.

Nakahinga ng malalim si Miding dahil sa wakas ay tumawag na ang amo.

Pero natigilan sya ng mahalata sa boses nito na tila umiiyak.

"B-bakit anak ?. anong nangyari kay Dannica ?. " tanong ng mabait na katiwala.

Sukat duon ay humagulgol si Dulce sa telepono.

"Nanay, si Dannica ho nakidnap !. " imporma nito.

Nabigla si Miding at mabilis na nag antada.

"Diyos kong mahabagin. Anong lagay nya ?. Diyos ko naman. " naiyak na rin ang katiwala.

"Nanay, pupuntahan na ho namin sya. Tumawag lang ho ako para ipaalam sa inyo. " sabi ni Dulce.

"Nasan daw ba sya ?. Baka mapahamak kayo. Diyos ko wala naman sanang masamang nangyari sa bata. " naiiyak na sagot ni Miding.

"Sana nga po Nanay. Nasa Baguio daw ho sabi ng mga kasama ko. Nanay ho ni Darius at ang mga kumare nya ang kasama ko. Wag nyo ho akong alalahanin Nanay. Kayo na ho muna ang bahala dyan sa bahay ha ? " bilin ni Dulce.

Tumango tango si Miding.

"Aba oo naman. Teka, saan sa Baguio eh anlaki laki non ?. " tanong nya.

"Basta malapit daw ho na 24 hours na bakery, yun lang ho ang alam ko. Sige na ho at nakikitawag lang ako. " sabi ni Dulce.

"Diyos ko, mag iingat kayo dyan. " bilin ni Miding.

"Kayo rin ho. " sagot ni Dulce.

Binaba na nila ang telepono matapos magpaalam sa isa't isa.

Tila hinang hinang napaupo sa sahig si Aling Miding dahil sa nalaman.

Pero bigla din siyang natigilan ng maalala ang isang tao.

"Kailangan nyang malaman ang nangyari sa anak nya. " biglang sabi nya at hinagilap ang sariling cellphone.

..

Napabalikwas ng bangon si Damian sa malambot na kama.

Aircon ang kwarto pero tagaktak sya sa pawis.

"Bangungot. " sabi nya sa sarili.

Nakarinig sya ng tunog.

Agad nyang hinagilap ang pinakatago tagong cellphone.

Mula ng umalis ang mag ina nya patungo sa ibang bansa, tumawag sya bahay para kamustahin si Miding.

Ang matandang katiwala na nagsilbing pangalawang ina nya.

Nuong una, nabigla ito ng malaman na sya ang tumatawag.

Nakatanggap sya ng sari saring mura at paninisi mula rito.

Pero hindi sya nakaramdam ng galit.

Batid nyang dala lamang ito ng pagmamahal sa kanyang pamilya kaya nakapagsalita ng ganuon ang matanda.

Ipinaliwanag nya ang kanyang sitwasyon sa pinakamabilis na paraan.

Nuong una ay hindi makapaniwala ang matanda, pero sa huli ay nakumbinsi nya itong maging mata at tenga sa sariling tahanan.

Kaya alam nya ang araw ng paguwi ng mag ina nya mula sa ibang bansa pabalik sa Pinas.

Alam din nyang nasa tahanan na si Dolores.

Agad na sinagod ni Damian ang cellphone.

Iisa lang ang taong nakakaalam ng number nya, at yun ang walang iba kundi ang matanda.

"Nanay Miding, ano hong balita ?. " tanong ni Damian.

Nagulat sya ng marinig ang paghagulgol ng kausap.

"Damian, ang anak mo. Si Dannica, dinukot. " agad na bungad ni Miding.

Nanlaki ang mga mata ni Damian sa narinig.

Halos mabitawan nya ang cellphone ng biglang magsalita ulit ang matanda.

"Ang asawa mo, si Dulce, alam na daw kung saan dinala ng mga dumukot ang anak mo. Papunta na sila kasama ang mga asawa ng sinasabi mong bagong mga kaibigan. " dagdag nito.

Napanganga si Damian.

"S-si Dulce ?. Alam na nya ?. Saan daw nanay ?. " tanong nya.

"Baguio daw, malapit daw sa 24 hours na bakery duon. " sagot ng matanda.

Natigilan si Damian.

Tiim bagang syang nagsalita.

"Alam ko ho yon Nanay, minsan kaming nagpunta duon ni Ramon para sa isang negosasyon. Sige ho, salamat at susunod ako. " sabi nya.

"Mag iingat kayo iho. May awa ang Diyos. Makakaligtas din kayo at mabubuo ang pamilya mo. " sagot ni Aling Miding.

Tumango si Damian.

"Salamat ho Nanay, pero hindi na ho ako naniniwala sa Diyos. " sabi nya.

"Diyos ko Damian, maghunus dili ka sa sinasabi mo !. " takot na sabi ni Aling Miding.

Pero di na nagsalita pa si Damian tungkol sa sinabi nya.

"Sige na ho at lalakad na ako. Mag ingat din kayo dyan. Sigurado akong wala si Dolores dyan sa bahay. " sabi nya.

Sukat duon ay natigilan si Aling Miding.

"W-wala nga. Kanina pa. " sabi nya.

"Sabi ko na nga ba. Sige na ho. Sayang ho ang oras. " sabi ni Damian.

Nagpaalam na sila sa isa't isa.

Hindi na nakuha pang mag ayos ni Damian, lumabas sya ng kwarto at hinanap ang mga pulis na nagbabantay sa kanya.

"Pare, pakikontak naman si Detective Valentine oh . " pakiusap nya.

"Pero sir, baka tulog na ho sya. " sabi ng pulis.

"Sigurado akong gising pa sya. Nakikiusap ako, importante to. " muling pakiusap ni Damian.

Tumango ang pulis at nag dial.

Ilang saglit lang ay may sumagot.

"Sir, kakausapin daw ho kayo ni Mr. Buenaflor. " sagot ng pulis.

Inabot nito kay Damian ang cellphone.

..

Sa van na minamaneho ni Zack.

Tumunog ang cellphone ni Gustavo.

Mabilis nya itong sinagot sa pag aakalang ang kaibigang heneral na ang tumatawag.

"Hello. " sabi nya.

"Sir, kakausapin daw ho kayo ni Mr. Buenaflor. " sabi ng nasa kabilang linya.

Natigilan si Gustavo at sinulyapan sa salamin si Dulce na nasandal sa balikat ni Annette.

"Sure sure, give the phone to him. " sabi nya.

Ilang saglit lang ay narinig nya ang boses ni Damian.

"Pare, alam ko na ang nangyari sa anak ko. " agad na bungad nito.

Natigilan lalo si Gustavo.

"P-paano ?." tanong nya.

"Wag ka na munang magtanong pare, nakikiusap ako. Kasama mo ba ang asawa ko ?. " tanong ni Damian.

Nagdalawang isip si Gustavo.

"Pero pare, di pa oras. " sabi nya.

"Pare !, wala ng tamang oras kundi ngayon !. " sigaw ni Damian.

Napatiimbagang si Gustavo at marahang tumango.

"Sige, anong gusto mong mangyari ?. " tanong nya.

"Sasama ako. Kung kailangang harapin ko ang galit ni Dulce ngayon, handa ako. Kailangan ako ng mag ina ko. " determinadong sagot ni Damian.

Natahimik si Gustavo at ngumiti.

"Sige. Ibigay mo sa kasama mong pulis. " sabi nya.

Ilang saglit lang ay muling nagsalita ang pulis na inutusan ni Gustavo na magbantay kay Damian.

"Sir. " sagot nito.

"Isama nyo si Mr. Buenaflor at magkita tayo sa NLEX. Move fast and cautious. Understood ?. " ma-awtoridad na utos nya.

"Clear sir. " sagot ng pulis at nagpaalam na.

Binaba ni Gustavo ang cellphone.

"Pare sino yon ?. " tanong ni Zack.

Ngumisi si Gustavo.

"New Friend pare, Makikilala mo sya mamaya. " sabi nya at pasimpleng nilingon si Dulce na nakatulog na ata.

..

NLEX.

Nagtaka si Zack kabilang na ang mga nanay kung bakit pinahinti ni Gustavo ang sinasakyan nila.

"Pare bakit ?. " tanong ni Zack.

Imbes na sumagot, bumaba ng sasakyan si Gustavo at sinalubong ang tatlong lalaking paparating.

Saglit na nag usap ang mga ito bago bumalik ang detektib kasama ang isang lalaki.

Ang dalawang lalaki naman ay bumalik sa isang sasakyan na naghihintay di kalayuan.

Binuksan ni Gustavo ang pinto at pinagmasdan ang natutulog na si Dulce.

"Uhm. Chynna sa likod ka muna. May kasama pa tayo. " sabi ni Gustavo.

Nagtataka man, lumipat sa likod si Chynna.

Tinawag ni Gustavo si Damian.

"Pare, dito ka . " turo nito sa tabi ni Dulce.

Alumpihit na napatingin si Damian kay Gustavo.

"P-pero pare. " sabi nya.

Ngumisi si Gustavo.

"Don't you missed her ?. Come on, di ka na teenager, nagmamadali tayo oh. " biro nya.

Napangiti ng kimi si Damian at pasimpleng tumabi na sa natutulog na si Dulce.

Nakasandal ang ulo nito kay Annette na nakatingin din sa kanya.

"H-hi guys. " nahihiyang bati ni Damian.

Sinara ni Gustavo ang pinto at pumasok na sa van.

"Gora na pare. " biro nya.

Ngumiti si Zack at tumango.

Muling pinaharurot ang sasakyan para maabutan ang mga kaibigan at tatlong alas.

..

"Guys, I want you to meet Damian Buenaflor. Long lost father ni Dannica at long lost husband ni Dulce. " pakilala ni Gustavo.

Napanganga ang lahat maliban kay Zack.

"Sige makikinig lang ako. Mamaya na ako magtatanong. Ako si Zackarias Hidalgo pareng Damian. Zack na lang. " pakilala nya.

Ngumiti si Damian at tumango.

"Damian pare. " sabi nya sabay abot ng palad.

Saglit na inabot ni Zack ang palad ni Damian bago muling binalik ang focus sa manibela.

Nagkatinginan naman ang mga babae.

"Husband ?. Kakakwento lang ni Mareng Dulce na iniwan daw sya ng asawa nya dahil sa pambababae. " sabi ni Annette.

Nanlisik ang mga mata ng mga babae kay Damian.

Mabilis na umawat si Gustavo.

"Oops, chismaks lang yon mga sisters. Ang totoo ay kinidnap si Damian. Ikaw na nga ang magkwento pare. " sabi nya.

Huminga ng malalim si Damian at tinitigan si Dulce na mahimbing na natutulog.

"Mahal na mahal ko si Dulce, hindi ko na magagawa pang maghanap ng iba. Inalay ko na ang buhay ko sa kanilang mag ina ko. " bungad nya.

Sumingit si Alona.

"Eh kung mahal mo nga sila, bakit mo sila iniwan ?. " mataray na tanong nya.

Sumegunda ang iba pang babae.

Muling pumagitan si Gustavo.

"Sshhh, wag kayong maingay. Baka magising si Dulce. " sabi nya.

Tumahimik naman ang mga babae pero masama pa rin ang tingin ng mga ito sa lalake.

Napangiti ng malungkot si Damian.

"Si Dolores ang may kagagawan ng lahat. Akala ko tapat syang kaibigan, pero ahas sya. Paulit ulit nya akong tinatawagan ng palihim. Sinasabihan na hindi daw kami magiging maligaya ni Dulce at ng anak naming si Dannica. Hindi ko sya pinatulan dahil sa matalik na kaibigan na sya ni Dulce bago pa man kami nagkakilala. Pero syempre, hindi ko sinara ang posibilidad na may gawin syang hindi maganda sa mag ina ko. Kaya palihim akong nagmatyag at gumawa ng paraan para protektahan silang dalawa. " kwento nya.

Sumingit si Alexa.

"Pero hindi pala sila ang dapat mong protektahan, kundi ang sarili mo mismo. " sabi nya.

Tumango si Damian.

"Akala ko, silang dalawa ang paghihigantihan ni Dolores, pero nagulat ako ng isang araw, tumawag sya at sinabing makipagkita daw ako sa kanya. Syempre nuong una di ako pumayag, pero makulit sya at paulit ulit na tumatawag, hanggang sa pinagbigyan ko na rin. " dagdag pa nya.

Matamang nakinig ang lahat.

Bagama't narinig na ito ni Gustavo, di nya parin maiwasang mapailing dahil sa klase ng pag iisip meron ang sinasabi nitong Dolores.

"Inilihim ko kay Dulce ang lahat. Sa kadahilanang ayaw kong pati sya ay mamroblema pa. Nakipagkita ako kay Dolores, pero pinagsisisihinan ko ang ginawa kong iyon. Sana pala ay itinakas ko na lang ang mag ina ko at namuhay kami sa ibang bansa. " naiiyak na bunyag ni Damian.

Nagkatinginan ang mga babae.

Napangiti ng mapait si Damian habang inaalala ang nakaraan.

"Nagbanta si Dolores na papatayin nya ang mag ina ko kapag hindi ako sumama sa kanya. Nuong una akala ko nagbibiro lamang sya, pero naglabas sya ng baril at may kasama pa sya. Kuya daw nya, tinutukan din ako ng kuya nya at binugbog. Wala akong magawa. Kaya kahit na masakit na masakit sa loob ko. " kwento ni Damian.

"Iniwan mo ang mag ina mo at sumama kay Dolores. " dugtong ni Alona.

Tumango si Damian.

Napatingin sya sa labas ng binata at pinagmasdan ang kadiliman.

Muling nanumbalik ang nakaraan.

"Birthdays, christmas, holidays. Marami akong tiniis. Nagmasid ako mula sa malayo at pinagmasdan ang mag ina ko na mamuhay habang wala ako sa buhay nila. Masakit na masakit. Minsan birthday ni Dannica ko, nakita ko syang nakatambay lang sya bintana ng kwarto nya, malungkot na nakatingin sa labas. Gusto ko syang sigawan at kawayan para sabihing nandito lang ako, pero hindi ko magawa. " naiyak na si Damian.

Nakatalikod sya at nakatingin sa labas ng bintana.

Dumilat si Dulce at dahan dahang bumangon.

Napanganga ang lahat pero sumenyas sya na wag maingay.

Nagsisimula na ring maglandas ang luha sa kanyang mga mata sa rebelasyon ni Damian.

Pinagmasdan nya ang lalaki.

Kapansin pansin ang ipinayat ng katawan nito.

Narinig nilang nagpatuloy si Damian sa pagkukwento.

"Nakiusap ako kay Dolores, lumuhod sa paanan nya na sana ay pagbigyan nya na kaming mamuhay ng payapa. Pero hindi nya ako pinayagan, ang sabi nya ay sa kanya lang daw ako at wala ng iba. Kapag tumakas daw ako ay papatayin nya ang mag ina ko. Sinali din nya ako sa sindikato ng kapatid nya para kung sakaling tumakas ako, may record na ako sa pulisya. Hindi na ako makakapamuhay ng maayos bukod pa sa nanganganid na seguridad ng mag ina ko. " dagdag pa ni Damian.

Naluluha na rin ang ibang babae.

Nagpatuloy pa sya sa pagkwento.

"Pero nitong huli, napansin kong nagbabago na si Dolores. Parang nakukonsensya na sya sa mga nagawa nya kaya nakahanap ako ng tyempo. Nuong nakaraang dalawang taon, nagawa kong makausap ang matandang katiwala namin sa bahay. Sya ang nagsilbing yaya ko nuong bata pa ako kaya alam kong mapagkakatiwalaan ko sya. Nagpagawa ako ng sulat, sinabi ko dito na umalis na si Dulce at isama si Dannica at magtungo sa states. Tinakot ko si Dulce na kukunin ko ang anak ko sa kanya. " napangiti ng malungkot si Damian.

Nakatingin pa rin sya sa bintana.

"Pakiramdam ko kalahati ko ang namatay ng malaman kong pumaibang bansa na nga sina Dulce kasama ang nag iisa naming anak. Masakit at malungkot talaga, pero sinabi ko sa sarili ko na para din ito sa kabutihan nila. Nuon nagsimulang magplanong tumakas. " malungkot syang napangiti.

Napahinga ng malalim si Damian.

"Magiging matagumpay na sana ang magtakas ko ng makatanggap ako ng tawag kay Yaya Miding, sya yung sinasabi kong matandang katiwala namin. Pabalik na daw ang mag ina ko para icelebrate ang debut ng anak ko. Natuwa ako syempre, masisilayan ko na naman sila. Pero nangamba ako sa kaligtasan ng dalawa. Kaya napaaga ang pagtakas ko. Pero nasundan ako ni Dolores at nauna pa sya sa bahay. Malawak ang organisasyon ng kuya ni Dolores na si Ramon, mabuti na lamang at natagpuan ako ni Romeo. " tiim bagang na sabi nya.

Nagulat si Alexa.

"Romeo ?. Romeo na anak ko ?. " tanong nya.

Tumango si Damian kahit na nakatalikod.

"Mabait na bata, pero maloko at nuknukan ng kuripot. Dinala nya ako sa opisina ng Daddy at Uncle nya. " nakangiting nilingon ni Damian si Gustavo.

Sumingit ang detektib.

"The rest was history, balak sana naming isorpresa si Dannica at Dulce sa debut ng bata, pero nagkaroon ng di inaasahang pangyayari. " sabi nya.

Nagkatinginan ang mga babae.

"Wala ka bang namagitan sa inyo ni Dolores ?. " tanong ni Chynna.

Umiling si Damian ng hindi tumitingin.

"Wala. Ginawa ko ang makakaya ko para kamuhian nya ako, pero hindi pa rin sya natitinag. Mahal nya pa rin ako kahit na halos duraan ko na sya sa mukha. Pero alam ng Diyos na walang namamagitan sa aming dalawa bukod sa kahibangan nya. " galit na sabi nya.

Sumingit si Alexa

"Mahal mo pa ba si Dulce ?. " tanong nya..

Ngumiti si Damian.

"Mas mahal ko pa sya sa buhay ko. Kung kailangan kong mamatay para masiguro ang kaligtasan nila, ikalulugod kong ialay ang buhay ko para sa kanya. " taos pusong sabi nya.

Kinilig ang mga babae.

Napangiti sina Zack at Gustavo sa narinig.

Biglang nagsalita si Dulce.

"Mahal na mahal din kita Damian. Walang iba. " sabat nya.

Nanlaki ang mga ni Damian at mabilis na lumingon.

Nagtama ang paningin nila ng babaeng kanyang minamahal higit pa sa kanyang buhay.

"D-dulce. " bulong nya.

Naiyak si Dulce at mabilis na dinamba ang lalake.

Nabigla man, napangiti na lang si Damian at mahigpit na kinulong sa mga bisig ang kabiyak.

"Mahal na mahal kita, patawarin mo ako mahal ko. " bulong nya.

"Ssshhh. Sapat na ang mga narinig ko. Nuon pa ako nangungulila sayo." ganti ni Dulce.

Nagtama ang kanilang mga mata bago walang hiya hiyang naglapat ang mga labi.

Napatingin sa ibang direksyon ang mga kasama nila sa loob ng van.

Di na nila pinansin ang dalawa.

"PBB Teens pare. " biro ni Zack.

Tumango si Gustavo.

"Kadiri. " bulong nya.

ITUTULOY !!!