1. Home
  2. Stories
  3. Kwadro Alas Book 2 Ch. 38 - Domino
Lagablab

Kwadro Alas Book 2 Ch. 38 - Domino

By supertoyantz ·

Chapter 38 - Domino

Ang pagtama ng mainit na sikat ng araw ang gumising kay Darius.

Saglit syang nagnilay para isipin ang kanyang kinarorooan.

Medyo makati ang kanyang leeg, sinubukan nya itong kamutin ngunit nakapagtatakang hindi nya maigalaw ang kanyang mga kamay.

Natigilan si Tabar.

Mabilis nyang iginala ang paningin sa paligid.

May mga di kilalang tao ang nasa kanyang harapan, nakayukyok ang mga ulo sa mesa at mahimbing na natutulog.

Naalala ni Tabar ang dalaga sa likod nya.

"Ekang. " mahinang tawag nya kasama ang marahang pag alog sa ulo nito gamit ang kanyang sariling ulo.

Ilang saglit lang ay naagising na rin si Tabar.

"T-tabar. " tawag ng dalaga.

"Ayos ka lang baby ?. " tanong nya.

Tumango si Ekang.

"Yes baby, ikaw ?. " balik tanong nya.

"Ayos na ayos, kaya lang nagugutom na ko. " bulong nya.

Humagikgik si Ekang.

"Kaw talaga, pero infairness, gutom na rin ako, anong oras na kaya?. Alam na kaya sa atin na kinidnap tayo?. " tanong nya.

Nagkibit balikat si Tabar.

"Sure yon, naitimbre ko na rin kay Rom ang sitwasyon natin. " aniya.

"Pero nagets kaya ni Rom ang gusto nating sabihin ?. baka kasi di nya pansinin eh. " nag aalalang sabi ni Ekang.

Ngumisi si Tabar.

"Trust him, kahit ganun yon, nakapalaki na ng utang namin sa kanya. Si Rom ang naging tulay kina Lelay at Potpot. At aminin man natin o hindi, sya rin ang dahilan kung bakit tayo nagkakilala. " nakangiting sabi nya.

Napangiti din si Ekang.

"Yeah, sana talaga matunton nila tayo. " dasal nya.

"Tama ka baby, masasayang ang pinagpaguran namin kapag hindi tayo nakita dito. " sabi ni Tabar.

Nagtaka si Ekang.

"Anong pinagpaguran baby ?. " tanong nya.

Natigilan si Tabar at umiling.

"W-wala. " sabi nya.

"Baby naman, nandito na nga tayo't lahat, maglilihim ka pa ba sakin ?. " tila nagtatampong tanong ni Ekang.

Napangiwi si Darius.

"Pero baby, balato mo na sakin itong secret ko na to, remember nung sinabi ko nung binigay ko yang suot mong necklace?. " tanong nya.

Agad inalala ni Ekang ang gabing iyon, partikular sa mga sinabi ni Darius.

"Alin dun baby ?. " tanong nya

"Yung sinabi ko sayong simula pa lang yon ng mga regalo ko. " bulong ni Tabar.

Natigilan si Ekang.

Di nya maiwasang kiligin.

"Y-you mean may kasunod pa ?. " nananantyang tanong nya.

"Yeah baby. " sabi ni Tabar.

Napangiti na lang si Ekang.

"You don't have to shower me with gifts baby, ikaw lang ay sobra sobrang gift na. " sabi nya.

"Ah okay, so icacancel ko na lang yung gift ko. " biro nya.

"But on second though. " ganting biro ni Ekang.

Nagtawanan sila pero bigla din silang nagpigil sa pag aalalang baka magising ang goons sa harap nila.

..

"Hmm, kadiri pala dito. " puna ni Ekang.

Natawa si Tabar.

Malaki ang tiwala nya na sa mga oras na ito, gumagawa na ng paraan ang tatlong alas para hanapin at sagipin sya.

Pero hindi sya dapat maging kampante.

Dapat syang gumawa ng hakbang para makatakas sila ni Ekang.

Sinubukan nyang kalagin ang tali ng kanyang kamay, ngunit sa kasamaang palad, mahigpit itong nakapulupot sa mga kamay nila.

Pinagmasdan ni Tabar ang mga bagay na malapit sa pwesto nya.

Dahil sa umaga na, kitang kita na nya ang buong paligid.

Nuon napansin ni Tabar ang isang piraso ng basag na salamin.

Sinulyapan nya ang mga natutulog nilang bantay.

"Baby. " pabulong na tawag ni Tabar.

"Yes baby ?. " tanong ni Ekang.

"May piraso ng mga basag na salamin sa harap ko, sa tingin ko, maaabot ko to pero kailangan nating magtulungan." bulong nya.

Natigilan si Ekang.

"B-but baby, what if magising sila ?. " tanong nya.

"Ssshhh, don't be scared. We have to do something. Basta magtiwala ka lang. " sabi ni Tabar.

Kinabahan si Ekang.

"W-what am I gonna do ?. " tanong nya.

"Wag kang magpapabigat. Sabay tayong tumayo tapos hahakbang ako ng isa, gumaya ka. " sabi ni Tabar.

Saglit na nag atubili si Ekang bago sya marahang tumango.

"Go baby. " sabi nya.

Nagbilang muna si Tabar bago sila sabay na tumayo.

Dahil sa nakatali sila sa upuan, nag itsurang naka squat position sila.

"Hahakbang na ako baby, ready. Game. " bulong ni Tabar.

Sumunod si Ekang at tagumpay silang nakahakbang palapit sa basag na salamin.

Agad silang naupo at bumalik sa pwesto para tingnan kung gagalaw ba ang mga natutulog nilang bantay.

"YES !. " sabay na bulong ng dalawa.

..

Nakiramdam saglit si Tabar, bago inapakan ang salamin at dahan dahang inilapit sa paanan nya.

Muli, naging matagumpay si Darius.

"Ayos baby, but this time, medyo mahirap ang gagawin natin. " bulong nya.

"I know baby, we have to get that glass, kailangan nating humiga. " sabi ni Ekang.

Tumango si Tabar.

"I'm sorry baby, medyo marumi ang sahig but we have to try. " sabi nya.

Ngumiti lang si Ekang.

"It's okay baby." sagot nya.

Napangiti din si Tabar.

"But we have to make it fast. Kailangan nating makatayo agad bago may makapansin. " sabi nya.

Tumango tango si Ekang.

Hinanda nila ang sarili sa dahan dahang paghiga ngunit bigla silang napahinto ng makarinig ng mga boses.

..

"Tay, nasan na daw ba si Tita ?. " boses ni Randy.

"Parating na nga daw sya, alam mo namang maarte yang tyahin mo. Inabot lang ng gabi sa byahe, nag check in na. Katwiran nya baka daw makatulog pa sya sa daan. " boses naman ng lider.

Pero agad itong napamura ng makitang natutulog ang tatlo sa mesa.

"Punyeta !, anak kayo ng mga tatay nyo !. HOY !. " sigaw ng ama ni Randy.

Pinukpok nito ang mesa dahilan para mapabalikwas ng bangon ang tatlo.

Maging ang binata ay nabadtrip sa mga ito.

"Tangina kayo, tutulog tulog kayo eh kung tumakas itong dalawang to ?. " sigaw nya.

Napayuko ang tatlo.

"Sorry boss. " sabay sabay nitong sabi.

Napailing nalang si Randy at hinarap si Ekang.

"Hmm, good morning "MY Queen " " gagad nya sabay tingin kay Tabar.

Inirapan lang sya ng dalaga.

Samantalang si Tabar ay natawa.

..

Asar na hinarap ni Randy si Darius.

"Anong nakakatawa ?. " tanong nya.

Ngumisi si Tabar.

"May muta ka pa. " sabi nya.

Natigilan si Randy at mabilis na tumalikod para icheck ang sarili.

Pero napasimangot sya ng wala naman palang dumi sa kanyang mukha.

"Wala naman ah ? . " asar na tanong nya.

Napangiti si Tabar.

"Sorry. Kala ko muta, nunal pala. " biro nya.

Natawa ng malakas si Ekang.

Pero bigla syang napahiyaw ng suntukin ni Randy si Darius sa mukha.

"Tang ina mo ka. Nakatali ka na dyan ang angas mo pa rin. HOY !, akala mo ba ibabalik ka pa namin ng buhay sa pamilya mo pagkatapos naming makuha ang ransom para sayo ? ULOL !, pupugutan kita ng ulo at isasabit ko sa kwarto ko. " sigaw nya.

Nahindik si Ekang.

Pero ngumiti lang si Tabar.

Dinura nya ang dugo sa bibig bago nagsalita.

"Kita mo to, di mo na lang kasi sabihin na may gusto ka saken at hindi kay Ekang, pati ulo ko gagawin mo pang remembrance. Para ano? para araw araw mo kong makita ?. Siguro pagnanasaan mo ko gabi gabi no ?." pang aasar nya.

Natulala si Randy.

Rinig nya ang pigil na pagtawa ng mga alipores ng kanyang ama.

Marahas nya itong nilingon at pinandilatan ng mga mata.

"Anong nakakatawa ?, eh kung unahin ko kayo ngayon na pugutan ng ulo. ? banta nya.

Natameme ang mga ito.

Muling hinarap ni Randy si Tabar at sinabunutan.

"Gago ka. Naalala ko yung mga barkada mo. Tandang tanda ko pa yung sinabi ni Rom sa bakkada ko, tinanong nya ito kung handa baw ba si Rock na harapin ang konsekwenya oras na saktan nya si Rhoi, ngayon ako ang sasagot, oo, handa akong harapin ang konsekwensya. " sabi nya sabay sampal ng malakas sa pisngi ni Tabar.

Kahit nakatalikod, kitang kita ni Ekang ang pagtalsik ng dugo mula sa bibig ni Darius.

Wala syang magawa kundi ang umiyak na lang.

Si Tabar naman ay napayuko dala ng sakit, hindi dahil sa mga dinanas nya mula sa mga kamay ni Randy, kundi dahil sa wala syang magawa para patahanin si Ekang sa kanyang likuran.

..

Gigil na gigil na sina Romeo, Aldrin at Rhoi.

Kanina pa sila nagpipigil na sumugod.

"Tang ina tol, di ko na to kaya. " naluluhang sabi ni Aldrin.

Maging si Rhoi ay walang magawa kundi kagatin na lang ang ibabang labi.

Si Romeo naman ay naluluha na rin ngunit mas pinagtitibay nya ang loob.

Marahan nyang pinahid ang mga luhang nag aambang pumatak.

"We have to control ourselves. Mapapamahak sina Tabar kapag nagpadalus dalos tayo. May mga baril ang mga kalaban natin at hindi natin masasabi ang sitwasyon. Tiis lang mga tol. Tiis lang. Putang ina. Tiis lang. " bulong nya.

Pero batid nyang sa sarili nya mismo ito sinasabi.

Tiim bagang na muling nagmasid ang tatlo.

Nakakubli sila sa mga lumang drum at tanaw na tanaw nila si Tabar at Ekang.

Kanina pa sila kating kating sumugod, pero napigilan sila ng lumabas sina Randy at isang lalaki na tinawag nitong Itay.

Biglang natigilan si Romeo.

"Fuck. Fuck. " sabi nya.

Napatingin sa kanya sina Aldrin at Rhoi.

"Bakit tol ? . " pabulong na tanong ni Aldrin.

"Naalala ko yung sinabi ni Uncle Gus nung araw na dinala ko si Tito Damian sa office ni Dad, I remember him mentioning this certain name, Ramon Gubatton. Kung tama ang deductions ko, yan mismong ama ni Randy na yan ang tinutukoy ni Uncle Gus na hinahunting nyang smuggler ng mga baril. Kaya pala nagtataka ako kung bakit high caliber ang hawak nya eh dapat Military people lang ang may ganyan. Mas lumilinaw na ngayon ang kaso, isa na lang. " sabi nya.

Nagtaka ang dalawa.

"Ano yon tol ? " tanong ni Rhoi.

"Si Dolores. Nasan si Dolores Gubatton. At bakit parang malamig dito.? " tanong ni Romeo.

Pinigilan ng dalawang alas ang matawa.

Sabay nilang binatukan si Romeo.

"Gago, sino ba namang siraulo dito sa Baguio ang lalabas ng bahay na nakaboxer lang ?. Natural na lamigin ka tanga. Kami ngang naka T-Shirt at Pajama nilalamig, ikaw pang kita na singit ?. " pang aasar ni Rhoi.

"Di ko alam kung matalino ka ba o nagpapanggap lang eh. Buti hindi nahahanginan yang betlog mo ?. " sakay ni Aldrin.

Napangisi si Romeo at pasimpleng kinapa ang kayamanan.

"Buti naitanong mo tol, kanina pa nga walang imik tong si Jr. eh. Haha.. Oops, naririnig nyo ba yon ?. " tanong nya.

Natigilan ang tatlo at masusing nakinig.

..

"Ayan na ata yang tyahin mo, salubungin mo na nga. " utos ni Ramon.

Tumango si Randy.

Bago sya umalis ay iniwanan pa nya ng batok si Tabar na ikinatawa ng ama nya.

Tinungo nya ang harap at napangisi ng makita ang tyahin na may mga kasamang alipores.

"Tita !, long time no see. " bati ni Randy.

Ngumiti ng tipid ang babae at sinulyapan ang mga kasamang lalaki.

"Oh, anak yan ng magiging boss nyo. Pumasok na kayo sa loob para mautusan na kayo. Sayang ang ibabayad ko sa inyo kapag nakawala ang mga bihag. " mataray na bilin nya.

Ngumisi lang si Randy.

"Madami dami yan Tita ah, parang sasabak tayo sa gyera. " puna nya.

Umismid ang babae.

"Mas mabuti ng marami kesa malusutan, ilang araw lang naman nating sasahuran yang mga yan. " sabi nya.

Natawa si Randy.

"Tara sa loob Tita. " sabi nya.

Pero umiling ang babae at tinungo ang likod ng sariling kotse.

Nagtaka si Randy at sumunod sa tyahin.

Nagulat sya ng makakita ng babae sa likod ng kotse nito.

"Sino naman yan Tita ?. " tanong nya.

"Katulong yan sa bahay nila Dulce, narinig nyang nakikipag usap ako sa ama mo kaya hayan. Dinala ko na dito, baka mapurnada pa ang plano. " sabi nya.

Napangisi lang si Randy.

Naglakad na papasok si Dolores.

"Buhatin mo na yan at isama sa mga bihag. " utos nya.

Tumango lang ang binata at sinimulang buhatin ang natutulog na katiwala.

..

Pumasok na si Dolores sa warehouse.

Agad na bumungad sa kanya ang kalunos lunos na itsura nina Dannica lalo na si Darius.

Pinigilan nya ang maawa sa mga ito at binalingan ang nakatatandang kapatid.

"Sa wakas !, nandito ka na rin ! . " tuwang bungad ni Ramon.

Napaangat ang tingin ni Dannica at napanganga sya ng makita ang ninang.

"N-ninang? . " tanong ni Ekang.

Walang reaksyon ni Dolores.

Ngumisi si Ramon at binalingan ang dalagang nakatali.

"Anong masasabi mo ngayon ?, na ang nagpadukot sa inyo ay walang iba kundi ang pinakamamahal mong ninang ?. " tila nang aasar na tanong nito.

Di mapakapaniwalang napatingin si Ekang sa ninang nya.

"N-ninang ?. A-ano pong ibig sabihin nito ?. " tanong nya.

Tumitig si Dolores sa mga mata ni Ekang.

"Eto ang totoong ako iha. Sa maniwala ka o sa hindi. " sabi nya.

Nagsimulang tumulo ang mga luha sa mga mata ni Ekang.

"I can't believe this. All this time niloko nyo ko ?, niliko nyo si Mama ?. You betrayed us ?. For what reason ninang ?. " mapait na tanong nya.

Nagsimula na ring mangilid ang luha sa mga mata ni Dolores.

Pero marahas nya itong pinahid.

"Dahil sa ama mo !. Ako ang nag mamay ari sa kanya !. " sigaw nya.

Nagulat si Ekang.

"Si Dad ?. Matagal na nya kaming iniwan !. " ganting sigaw nya.

Nakangising sumabad si Ramon.

"Di nya kayo iiwan kung di sya tinakot ng ninang mo. Hahaha. " mala demonyo ang tawa nito.

Unti unting naintindihan ni Ekang ang sitwasyon.

"W-walang babae si Dad ?. " tanong nya.

Umiling si Dolores.

"Di na yon importante pa Dannica. Mas mabuting manahimik ka na lamang. " sabi nya at hinarap ang mga bagong alagad.

Isa isa nya itong inutusan.

"Umikot kayo at magbantay, talasan nyong mga mata nyo !. " sigaw nya.

Mabilis na nagsikalat ang mga goons maliban sa tatlong nauna.

Nagtatakang napatingin si Ramon sa kapatid.

"Bakit nagdagdag ka pa ?. At parang andami naman ata nyan ?. " tanong nya

Nilingon ni Dolores ang nakayukong si Darius.

"Mali tayo ng binangga, kailangan nating maghanda dahil siguradong hindi papayag ang mga yon na maagrabyado ang isa sa kanila. " tila kinakabahang sabi nya.

Nagtatakang pinaharap ni Ramon ang kapatid.

"Sinong sila ?. " tanong nya.

Tinuro ni Dolores si Darius.

"Ang Kwadro Alas. " sabi nya.

Ekasaktong pumasok si Randy bitbit ang nagwawalang si Cely.

Napatingin sa kanya ang lahat.

"Ano na naman yan ?. " inis na tanong ni Ramon.

Nilapag ni Randy sa tabi ni Ekang si Cely at nanghingi ng tali.

Agad namang tumalima si Ponso at nag abot ng lubid.

Sya na ang nagtali sa dalaga sa poste malapit kay Ekang, pero bigla syang natigilan ng mapansin ang pwesto nito.

"B-bakit parang umusog sila ?. Nandito yan kagabi ah ?. " tanong nya sa sarili.

..

Nagulat si Cely ng makita si Ekang.

"A-ate Dannica ?. " tanong nya.

"Cely, anong ginagawa mo dito ?. " tanong ni Ekang.

"S-si Ma'am Dolores ho, narinig kong may kausap at nagbabanta sa kaligtasan nyo, tatakas sana ako pero biglang may pumalo ng kung ano sa ulo ko kaya nawalan ako ng malay, paggising ko binubuhat na ako ng isang yon. " nguso nya kay Randy.

Lalong nakaramdam ng galit si Ekang para sa ninang nya.

"Grabe ka ninang !, pati ang walang malay na si Cely dinamay nyo pa !. " sigaw nya.

Walang reaksyon si Dolores.

..

Maya maya ay biglang dumura ng dugo si Tabar.

Napahiyaw si Ekang at Cely.

"Baby are you okay ?. " tanong ni Ekang.

Ngumisi si Tabar.

Kitang kita ni Dolores ang kalunos lunos na itsura nito, dahil siguro sa panggugulpi ng mga kasama.

Nakaramdam sya ng awa pero wala syang magawa.

Lumapit si Randy sa binata at sinabunutan ito.

"Kamusta ?. Ang hirap no ?. " tanong nya.

Pero bigla syang napangiwi sa sakit ng sipain ni Tabar ang kanyang pundilyo.

Bagsak si Randy sa sahig.

Gigil na sinuntok ni Ramon si Darius.

Halos matanggal ang mga ngipin ni Tabar sa lakas ng unday nito.

"T-tang ina ka talaga, may lakas ka pa pala. " impit na sabi ni Randy.

Kahit na halos pumikit na ang mga mata, pinilit ni Darius na ngumiti.

"Ulol ka eh. Mga bakla !. " sigaw nya.

Akmang susuntukin muli ni Ramon ang binata pero nagulat sila ng makarinig ng putok.

..

"Ano yon ?. " sigaw ni Ramon.

Lalong napangisi si Tabar.

"Sa wakas dumating din kayo. " bulong nya.

Nacurious si Ekang.

"S-sinong dumating baby?. " tanong nya.

Ngumisi si Tabar.

"Sino pa ?, the teletubbies. " biro nya at biglang napaubo dahil sa tinamong suntok.

Nagtataka man, mas pinili ni Ekang na wag ng pansinin ang sinabi ni Tabar.

"Ssshhh, wag ka na munang magsalita. " bulong nya.

Tumango si Tabar pero di parin naaalis ang ngisi sa mukha nya.

..

Ang putok ng baril ay nasundan pa ng dalawa.

Hanggang sa maging tahimik na ang paligid.

"Tang ina, ano yon ? tingnan nyo nga !. " utos ni Ramon sa tatlong goons na natira.

Mabilis itong kumalat at nawala.

Iinot inot na tumayo si Randy at sinabunutan si Tabar.

"Tang ina mo, may lakas ka pa ng loob na manakit !. Papatayin na talaga kita !, wala ng magagawa ang pinagmamalaki mong BARKADA !, " sigaw nya.

Sinampal nya ng malakas si Tabar.

Pero nakangisi pa rin ang binata.

Asar na asar na si Randy.

"Anong nginingisi ngisi mo dyan gago ka ?. KWADRO ALAS ka di ba?. nasan na yung tatlong mayayabang mo ring barkada ?, natulungan ka ba nila ?. hindi di ba?. PWE !. " sigaw nya.

Pinilit ni Darius na dumilat.

Tinitigan nya sa mga mata si Randy.

"Di nyo alam kung anong pinasukan nyo. Alam nyo ba ang DOMINO ? " tanong nya.

Nagkatinginan sina Dolores, Ramon at Randy.

Natawa ang mga ito.

"Anong pinagsasasabi mo ?. May pa Domino domino ka pang nalalaman !. " natatawang tanong ni Ramon.

Ngumisi si Tabar.

"Kapag ang magkakadikit na domito, ginalaw nyo, gagalaw na rin ang iba pa. Sunod sunod yan hanggang sa magalaw nyo na lahat. Kung hindi nyo pa rin maintindihan. Maghintay na lang kayo. " hirap man sa pagsasalita, binalaan nya ang mga kawatan.

Pero hindi inintindi ng tatlo ang sinabi nya.

Bagkus ay akmang babanatan na naman ni Randy si Tabar ng biglang may tumamang matigas na bagay sa ulo nya.

Bagsak sa sahig ang binata at kinapa ang ulo.

"D-dugo, sino yon !. " sigaw nya.

..

Naging alerto si Ramon at akmang ilalabas ang baril, pero natigilan sya ng may malamig na bagay syang naramdaman sa batok nya.

"I won't do that if I we're you. In tagalog, wag kang gagalaw. " sabi ng boses.

Napatingin si Ekang at Cely sa nagsalita at nanlaki ang mga mata ng makita si Romeo.

Akmang tatayo si Randy pero may pumigil sa kanya.

"Boy boy boy, malaki laki na ang atraso mo sa amin ah. Kala ko nalibing ka na, bumangon ka pa. " sabi ni Aldrin.

Nanlaki ang mga mata ni Randy.

Si Dolores naman ay natulala na lang.

..

"S-sino ba tong mga to ?. " takot na tanong ni Ramon.

Ngumisi si Romeo.

"Di mo ba narinig ?, Kami ang Teletubbies, di ka kasi nanunuod non eh. " sabi nya.

"Tangek, di nya naabutan yon tol. " singit ni Rhoi.

"Sabagay. Pero kahit na ganon, akina yang pengpeng mo kuya at nakakasakit yan. " sabi ni Romeo.

Labag man sa loob, dahan dahang inabot ni Ramon ang baril sa binata.

Pumorma syang pipiglas pero napangiwi ng biglang hatawin ni Rhoi ng baseball bat sa binti.

Napaluhod sa sakit ang lalaki.

Tinakot ni Romeo at Aldrin si Rhoi.

"Hala ka utol, pinaiyak mo oh. " pananakot ni Romeo.

Natawa si Rhoi at binigyan ng dirty finger ang kapatid.

Napatingin sya kay Dolores.

"Uhm, kasali kayo di ba?. " tanong ni Rhoi.

Tumango si Dolores.

"Anong gagawin mo sakin ?. Papaluin mo rin ng baseball bat ?. " walang reaksyong sabi nya.

Napatingin si Rhoi kay Romeo.

Umiling lang ang binata kaya nagkibit balikat lang si Rhoi at pinabayaan na ang ginang.

Lumaipit sya kay Ekang at sinimulang kalagan ito, sumunod si Cely.

Tumingin si Rhoi kay Aldrin at Romeo.

"Ano mga tol ?. Kakalagan ba natin tong baboy na to?. " nang aasar na tanong nya.

Nagtawanan ang dalawa.

Pati si Tabar ay di mapigilan ang matawa.

Kahit hirap, nakipag asaran sya sa mga kapatid.

"Bakit ngayon lang kayo ?. Hinintay nyo pang mabugbog ako eh alam ko namang kanina pa kayo nandyan. " tanong ni Tabar.

Sumimangot ang tatlo.

"Aba't demanding. Buti nga sinave ka pa namin, but come to think of it mga tol, iwan na lang natin to dito. Sina Ekang at Cely na lang ang isama natin. " biro ni Aldrin.

Nagtawanan sila.

Mabilis na niyakap ni Ekang si Rhoi bilang pasasalamat.

Pagkatapos ay lumipat sya kay Aldrin at huli kay Romeo.

"Salamat salamat, buti natunton nyo kami. Thank you talaga. " tuwang tuwang pasasalamat ni Ekang.

Ngumiti lang ang tatlo.

Umangal na si Tabar.

"Hoy mga unggoy !, kalagan nyo ko !. " sigaw nya.

Nagtawanan ang tatlong alas.

Si Ekang na ang nagkalag ng tali ni Darius.

Ngumisi si Tabar at sinikap na tumayo, pero dahil sa dami ng bugbog na natamo, umikot ang paningin nya at muling napaupo.

Tinawanan lang sya ng mga kapatid.

"Lasheng to pare. " biro ni Aldrin.

Natawa din si Ekang at Cely.

"Ene be nemen yen. " sabi ni Rhoi.

..

Napatingin si Tabar kay Randy na nakadapa sa lupa at inaapakan ni Aldrin.

"Pare, pakawalan mo yan. " sabi ni Tabar.

Napangisi si Potpot.

"Sure ka ?, di mo na nga kayang tumayo eh. " sabi nya.

Nag thumbs lang si Tabar.

Inalis ni Aldrin ang paa sa likod ni Randy.

Tinapik ni Tabar ang binata.

"Hoy, ngayon alam mo na. Sa susunod, ay hindi, baka wala ng susunod, pero kahit na ganon, wag na wag kayong babangga ng mga kabilang sa pamilya namin. Eto ang mapapala nyo. " maangas na sabi nya.

Napaismid si Randy at mabilis na tumayo.

Pumorma ito ng suntukan pero binatukan lang siya ni Aldrin..

"Tang inang to, nakuha mo pang mag kung fu. " biro nya.

Nagtawanan sila.

Inabot ni Romeo ang sariling baseball bat ni Tabar.

Sinalo naman ito ng binata at tinutok sa mukha ni Randy.

Takot na napatingin ang binata kay Tabar.

Natahimik ang lahat.

Maging si Ekang ay nais pigilan ang binata.

Batid nya ang nararamdamang galit ni Darius pero hindi ito dapat gumawa ng marahas na hakbang.

Inangat nya ang kamay para pigilan si Tabar pero inawat sya ni Rhoi.

Sumenyas ito na manuod na lang.

Napatingin na lang si Ekang sa binata at nanalangin na lang na wag itong gumawa ng karahasan.

..

Sa kakaunting lakas, pinilit ni Tabar na magsalita.

"Kayang kaya kong basagin ang bungo sa natitirang lakas ko. Sigurado ako, kung hindi ka malalagutan ng hininga, permante ka ng magiging lantay gulang. " bungad nya.

Napalunok si Randy.

Pinikit nya ang mga mata para tanggapin ang hatol ng Ace of Diamonds.

Pero ilang minuto ang lumipas, hindi sya nakaramdaman ng sakit.

Pagtingin nya ay nakatutok pa rin ang baseball bat sa kanyang mukha.

Napatitig sya sa mga mata ni Tabar.

..

"Pero syempre, hindi ako gagawa ng mga bagay na alam kong pagsisisihan ko lang bandang huli. Di ko sasayangin ang oras ko sa pagbasag ng mukha mo, bagkus. Gusto ko lang ipaalam sayo ang bagay na wala kayo na meron kami. " sabi ni Darius.

Napatingin sina Ramon, Dolores at Randy sa binata.

Binaba ni Darius ang baseball bat at inabot kay Aldrin.

Napangiti sina Aldrin at Rhoi pero kumunot ang noo ni Romeo.

Sinarili nya ang tanong na nabuo sa kanyang isipan sa pagbabago ng ugali ni Tabar.

..

"Anong sinasabi mo ?. " tanong ni Dolores.

Ngumisi si Darius.

Naramdaman nya ang paghawak ni Ekang sa kanyang balikat.

"Strong Family Ties. Bagama't hindi kami magkakadugo, alam naming pahalagahan ang isa't isa na higit pa sa magkakapamilya. Yun ang bagay na wala kayo. " sagot ni Tabar.

Napangiti ang lahat.

Natigilan si Dolores at sinulyapan ang mag amang Randy at Ramon na natahimik din.

Biglang may nagsalita sa likod.

"Taas ang mga kamay !. " boses lalaki.

Napatingin si Randy sa pinanggalingan ng boses at napangisi ng makita si Ponso na nakatutok ang baril kay Romeo.

Nanlaki ang mga mata ni Ekang at Cely.

Yung tatlong goons na kasamang dumukot sa kanila ay nasa likod nila at nakatutok ang mga baril.

Tinaas ni Romeo, Aldrin at Rhoi ang mga kamay.

Pinagpag naman ni Ramon ang nadumihang damit at binawi ang baril kay Romeo.

..

"Oh tapos na ang pabida ha ?. Eto na ang totoong buhay. " nakangising sabi ni Ramon.

Napakagat labi si Ekang at niyakap ng mahigpit si Tabar.

Tiningnan ni Dolores ang Kwadro Alas.

Nagtataka sya kung bakit tila hindi ito natatakot.

Di nya napigilang magtanong.

"Bakit parang hindi man lang kayo nasindak ?. Mga normal ba kayo ?, nakakaramdam ba kayo ng takot ?. " tanong niya.

Ngumisi ang Kwadro Alas.

"Ako takot akong iwan ni Lelay. " biro ni Potpot.

"Me too, ayaw kong iwan ko Ekang. " inangat ni Tabar ang mukha at tiningala si Ekang sa likod nya.

Napangiti si Ekang, at masuyong hinaplos ang pisngi ni Tabar.

"Di kita iiwan baby. " bulong nya.

Napangiti din si Tabar.

"Takot ako kay Krissing. " nakangiwing sabi ni Rhoi.

Nagtawanan sila.

Napatingin kay Romeo.

"Hmm, takot ?. Kelan ba ako huling natakot ?. Sa nanay ko lang naman ako natatakot. " biro nya.

Napangiwi ang tatlo pang alas ng maalala ang mga nanay nila.

Siguradong katakut takot na pingot ang aabutin nila oras na magkita sila.

..

Kinumpas ni Ramon ang kamay sa ere at napapalatak.

"Ah, anong takot takot, dito siguradong matatakot kayo, wala na kayong kawala. " sindak nya.

Pero nanatiling cool pa rin ang Kwadro Alas.

Nuon nagsalita si Cely.

"A-ate, sila ba yung dahilan ng putukan kanina ?, eh parang wala naman silang baril ah? at parang imposibleng matalo nila yung ganun karaming goons kanina di ba ?. " pabulong na tanong nya.

Nacurious din si Ekang kaya tinanong nya ang tatlo.

"Guys, yung narinig naming putok ng baril kanina , sinong may pakana non ?. kayo ba ?, at anong nangyari sa maraming bad guys kanina ?. Natalo nyo ba ?. " tanong nya.

Napatingin din sina Ramon, Randy at Dolores sa tatlong binata.

Ngumisi lamang ang tatlo.

"Well, sabihin na lang natin na we've got company. Tulad ng sinabi ni Tabar kanina, Domino effect na to. " sabi nya.

Nagtaka sina Ramon.

Tinutukan nya ng baril si Romeo.

"Tapos ka na. " nakangising sabi nya.

Nanlaki ang mga mata ni Ekang at Cely.

Napapikit sila ng mariin.

..

Pero walang nangyaring putok.

Dahan dahang nag alis ng takip ng mukha ang dalawa at nanlaki ang mga mata sa nakita.

"T-tito Primo !. " sigaw ni Ekang.

Hawak ni Primo ang kamay ni Ramon at seryosong nakatingin sa mga mata nito.

"Ang lakas ng loob mong tutukan ng baril ang anak ko." madiing sabi nya.

Tatakas sana si Randy pero nagulat sya ng may humarang sa kanyang daan.

"San ka pupunta boy ?. " tanong ni Nestor.

Nilingon ni Romeo si Ponso sa likod nya at napangisi ng makitang hawak na ito ng Tito Vincent nya.

"Thanks tito. " sabi ni Romeo.

"You're welcome nak. " sagot ni Vincent.

Nilapitan ni Denzel ang anak.

"Anak, are you okay ?. " tanong nya.

Ngumisi si Darius.

Kita ang nagdudugo nitong gums.

"O-okay lang Dad. " mahinang sabi nya.

Tiim bagang na tumango si Denzel bago tumayo at nilingon sina Ramon at Randy.

"Tang ina nyong mag ama. Pareng Primo, balato mo na sakin yang dalawang yan. " galit na sabi nya.

Nagkibit balikat si Primo at umatras.

Nanlaki ang mga mata ni Randy.

"P-pati ho ako ?. " tanong nya kay Denzel.

Tinulak ni Nestor si Randy palapit sa kaibigan.

Takot na napayuko si Randy, akmang sasaktan na sya ni Denzel pero umawat si Darius.

"D-dad. wag na sya, di nya kaya ang lakas nyo. " pakiusap nya.

Muling kumunot ang noo ni Romeo.

Napansin ito ng amang si Primo.

"Bakit anak ?. " tanong nya.

Napailing si Romeo.

"I just don't know it Daddy, pero parang nagbago na si Tabar, parang si Potpot, dati rati kami ang nangunguna pagdating sa ayaw. Pare parehas kaming walang patawad pero nagugulat ako sa mga sinasabi nila. Di ko na sila maintindihan. " naiiling nasabi nya.

Napangiti si Primo at inakbayan ang anak.

"Someday, kapag nakita mo na ang babaeng magpapatahimik sayo. Maiintindihan mo na rin ang mga kaibigan mo. Ganyan din ako sa nanay mo. " sabi nya sabay tawa.

..

Sinunod ni Denzel ang kahilingan ng anak.

Pinitik na lamang nya ang tenga ni Randy at hinarap na si Ramon.

"Ano pare ? Tara, mga bata lang ba ang kaya mo ?. " aya nya.

Umiling si Ramon.

"Ayaw ko. " sabi nya.

Ngumisi si Denzel at pinitik ang ilong nito.

"Tang ina mo, bakla ka pala. Patuli ka muna bago ka mangidnap. " sabi nya.

Nagtawanan sila.

Narinig na nila ang sirena ng paparating na pulis.

Nanlaki ang mga mata ni Ramon at mabilis na nag isip.

Naalala nya na may balisong nga pala sya sa bewang.

Pasimple nya itong hinugot at walang sabi sabing kinalawit sa leeg si Denzel.

Nabigla ang lahat.

"Walang gagalaw !, kundi mamamatay tong isang to, bitawan nyo si Randy, tara Dolores, sa likod na tayo dumaan ." sabi ni Ramon.

Pero hindi kumilos si Dolores.

Malungkot lang syang napatingin kay Ekang.

"Tama na kuya, sumuko na tayo. " sabi nya.

Napamura si Ramon.

"Ano bang sinasabi mo ?. Ano bang nangyayari na sayo ?. " sigaw nya.

Napahinga ng malalim si Dolores.

"Napapagod na akong tumakbo kuya. Di ka ba naiinggit sa kanila ?. Matatag ang pamilya nila. " turo nya sa pamilya ng Kwadro Alas.

Lalong nanggalaiti sa galit si Ramon.

"Punyeta ka !, bahala kang mabulok sa kulungan. Tara na Randy. " tawag nya sa anak.

Pero bago pa man makakilos si Randy, naagaw na ni Denzel ang balisong na nakatutok sa leeg nya.

Sya naman ang tumutok sa leeg ni Ramon.

"Bakla ka talaga. Gusto mo lang yata akong mayakap eh. " pang aasar ni Denzel.

Nagtawanan sila.

..

Napalingon ang lahat ng nagmamadaling pumasok si Gustavo.

Kasama nito ang kaibigan nilang si Zackarias.

"Mga bakla, nandyan ang mga sundo nyo. !. " sigaw ng detektib.

Kumunot ang noo ng mga hari pati na ang mga alas.

Pero bigla silang napanganga ng makitang isa isang pumasok ang mga asawa nila.

"B-bakit mo sila sina insan ?. " napalunok ng laway si Primo.

"Insan, nanggugulpe sila. Puro sabunot at kurot ang inabot namin ni Zack. " sumbong ni Gustavo.

Napatingin sila kay Zack.

Tumango naman ang butihing doktor.

"Malulupet talaga ang mga misis nyo pare. " takot na sabi nya.

Nagkatinginan ang Tatlong Alas.

Alam ni Tabar na lusot sya kaya kampante syang sumandal kay Ekang.

"Hayaan mo sila baby, mga takot sa asawa yang mga yan eh. " bulong nya.

Napabungisngis na lang ang dalaga.

Nagsimulang humakbang paatras ang tatlong alas, pero napangiwi sila ng makarinig ng sipol mula sa mga ina.

"San kayo pupunta ?. " nakataas ang kilay na tanong ni Chynna.

Natigil ang pag takas nila at napakamot na lang sa batok.

"Practice lang Mommy. " biro ni Rhoi.

..

Pero hindi lang ang mga asawa nila ang pumasok.

Nanlaki ang mga mata ni Ekang ng makita ang ina.

"Ma ! . " sigaw nya.

Patakbong lumapit si Dulce sa anak at mahigpit itong niyakap.

"Ayos ka lang ba anak ?. " tanong nya.

Tumango si Dannica.

"Okay lang ako Ma. " sabi nya.

Napatiim ang bagang ni Dulce ng makita si Dolores.

Kumalas sya ng yakap kay Ekang at nilapitan ang kaibigan.

Napayuko naman si Dolores.

..

"I trusted you. To think na ginawa pa kitang ninang ng anak ko. Ikaw na akala kong tatayong pangalawang ina. " mabagal pero madiin na sabi nya.

Umangat ang palad ni Dulce para sampalin ang kaibigan.

Pero maagap itong napigilan ni Ekang.

"Ma !, stop it na po. " makaawa nya.

Huminga ng malalim si Dulce at muling niyakap ang anak.

"Pasalamat ka sa inaanak mo. " sabi nya

Tahimik lamang na naiyak si Dolores.

Napangiti si Ekang at mahigpit na niyakap ang ina.

Pero natigilan sya ng makita lalaki sa likod nito.

Kahit na sa matagal na panahon, hinding hindi malilimutan ni mukha ng sariling ama.

"D-daddy ?. " bulong nya.

Ngumiti ng malungkot si Damian.

"Anak. " tawag nya.

Unti unting bumaha ang galit sa mukha ni Dannica.

Hindi na sya nakapag isip, mabilis syang tumakbo sa ibang direksyon, patungo sa masukal na gubat.

Nataranta ang lahat maging si Damian.

Nais sanang habulin ni Tabar ang dalaga pero napangiwi sya ng maramdaman na ang pinagsama samang sakit.

Lumapit si Damian sa asawa.

"Susundan ko sya. " sabi nya at mabilis na sumunod kay Dannica.

..

Hindi naman gaanong nakalayo si Ekang.

Hindi na nya matiis ang pagluha kaya naupo sya sa isang gilid at tumangis ng malakas.

Ramdam nya ang galit para sa ama.

Nais nya itong sumbatan para sa ilang taong pagkawala nito sa kanilang pamilya at sa pagsama sa ibang babae.

Naghirap ang loob ng kanyang ina.

Naalala nya pa ang sulat ng kanyang ama kaya pakiramdam nya ay hindi pa sya handang harapin ito.

..

Ilang minuto ding nakayuko si Ekang habang umiiyak ng makarinig ng mga yabag.

Pag angat nya ng mukha ay nagulat sya ng makakita ng lalaki sa kanyang harap.

Napatayo si Ekang at takot na humakbang paatras.

"S-sino ka ?. " tanong nya.

Ngumiti ang lalaki.

"Estranghero. " sabi nito.

Kumunot ang noo ni Ekang.

"A-anong ginagawa mo dito sa gubat ?. " tanong nya pa.

Napasimangot ang lalaki.

"Kanina nasa highway ako, tapos nakarinig ako ng tunog ng baril, eh chismoso ako, kaya tiningnan ko kung ano at saan galing. Hanggang sa naligaw na ako. Hayz. " nag buntong hininga pa ito.

Tinantya ni Ekang kung nagsasabi ba ng totoo ang lalaki.

Mabilis nyang pinagmasdan ang itsura nito.

In fairness naman, gwapo ang lalaki.

Hawig ito ng isang kakilala nya.

"Bakit ka umiiyak ?." tanong ng lalaki.

Sumimangot si Ekang.

"Pake mo ?. " tanong nya.

Natawa ang lalaki at nagkibit balikat.

"Sige kung ayaw mong magkwento, aalis na lang ako. Sana wag akong abutin ng dilim dito sa gubat. Parang nakakatakotttt.. " bulong nito.

Naawa naman si Ekang kaya tinuro nya ang sa tingin nya ay daan palabas.

"Lakarin mo yon, makakakita ka ng warehouse, may mga pulis don, magpahatid ka nalang ." sabi nya.

Ngumiti ng matamis ang lalaki.

Natigilan si Ekang.

"M-may kamukha ka. " sabi nya.

Kumunot ang noo ng lalaki.

"Sino ?. Sigurado gwapo yon. " biro nito.

Di maiwasang mapangiti ni Ekang.

Nagsimula ng maglakad ang lalaki.

Pero bigla itong lumingon sa kanya.

"Uhm, maikli lamang ang buhay ng isang tao. Maswerte ka na kung aabot ka ng 100 years old. " sabi nya.

Si Ekang naman ang napakunot ang noo.

"Oh tapos ?. " tanong nya.

Ngumiti ang lalaki.

"Masyadong maiksi ang buhay ng isang tao para sayangin lamang nya ito sa mga walang kwentang bagay. Tulad ng galit at poot sa kapwa. Matuto tayong magpatawad. Masarap ang walang kaaway at kagalit. Masarap ang maraming nagmamahal. Bago ka magalit sa iba, pakinggan mo muna ang paliwanag nya. Minsan dahil kasi galit na yan, hindi na natin napapansin ang magagandang katangian ng kapwa natin. Malay mo, bukod sa paghihirap mo, doble pala ang paghihirap na dinanas nya. " kumindat pa ito.

Napanganga si Ekang sa narinig.

"A-anong sabi mo ?. " tanong nya.

Ngumisi ang lalaki.

Napasinghap lalo si Ekang.

"K-kamukha mo si Rom !. " sigaw nya.

Nagkibit balikat ang lalaki.

"So paano ?, aalis na ako. Happy birthday na lang ha ?. " bati nito at tuluyan ng naglakad palayo.

Napangiti si Ekang.

"Salamat. Mag ingat ka !. " kumaway pa sya at pinagmasdang mawala sa paningin ang estranghero.

Pero biglang napanganga si Ekang.

"B-binati nya ko ?. A-alam nya ang birthday ko ?. " gulat na tanong nya.

Kinilabutan si Ekang at ginala ang paningin sa paligid.

Tila nanayo ang balahibo nya.

Dali dali syang tumakbo palayo dahilan para may mabangga syang katawan.

Nagsisigaw si Ekang dahil sa takot.

"Anak ako to. " boses ni Damian.

Huminto si Ekang sa kakapiglas at tumingala.

Nagulat sya ng makita ang ama.

"D-dad ?. Nasan na po yung lalaki ?. " tanong nya.

Kumunot ang noo ni Damian.

"Sinong lalaki ?. Pagtakbo mo dito, sumunod agad ako. " sabi nya.

Napanganga si Ekang.

Ngumiti si Damian at lumuhod sa harap ng anak.

"A-anak, gusto ko sanang humingi ng tawad sayo. " sabi nya.

Kinapa ni Ekang ang sarili.

Wala na ang galit.

Natira na lamang ang pangungulila sa isang ama.

Salamat sa estranghero.

Pinatayo ni Ekang ang ama at mahigpit na niyakap.

"Pinapatawad ko na po kayo Dad. Mahal na mahal ko po kayo. " sabi nya.

Nagulat man sa mabilis na pagpapatawad ng anak, ngumiti si Damian at tumingala sa langit.

"S-salamat po. " sabi nya.

..

Masayang bumalik ang mag ama.

Napangiti ang lahat ng makitang magkayakap sila at nakangiti.

Nakita ni Ekang si Darius na inaasikaso ni Zack.

"Dad, I want you to meet my future boyfriend. gusto ko pong kilatisin nyo sya ." bulong nya.

Napangiti lang si Damian.

Di na sya nagulat.

"Si Darius ba ?. Okay na okay sakin anak. " sabi nya.

Nagulat si Ekang.

"Dad ?. Okay lang sa inyo .?. " tanong nya.

Napatingin si Damian kay Darius.

Nagkindatan ang dalawa.

"Oo naman. Malaki ang tiwala ko sa baboy na yan. " biro nya.

Kinurot ni Ekang ang ama.

"Dad !. " saway nya.

Nagtawanan sila at tuluyan ng lumapit sa mga kaibigan.

..

Sama samang lumabas ng warehouse ang lahat.

Lumapit si Gustavo sa mga pulis.

"Oh yung iba, nakatali daw dun sa isang sulok. Pakidampot nyo na lang. " utos nya.

Tumango ang mga ito at mabilis na pumasok.

Natigilan si Denzel.

"Patay, wala na tayong sasakyan. " sabi nya.

Natigilan din ang lahat.

"Paano yan ?. Birthday ng anak ko ngayon, debut pa nya mga pare ?. " tanong ni Damian.

Natahimik sila at nagkanya kanya ng isip.

Hanggang sa mapangisi si Denzel.

"I have a plan, may hotel kami dito sa Baguio. If you want iha, dito ka na magcelebrate ng debut mo. Sagot ko ang handaan. " sabi nya.

Lahat napatingin kay Dannica.

Namula ang pisngi ng dalaga at nagtago sa likod ni Tabar.

"Anywhere po, basta kumpleto ang family natin. " sabi nya.

Napangiti ang lahat sa sinabi ng dalaga.

..

Napansin ni Alexa ang anak na kanina pa tahimik at yakap ang sarili.

"Anak, problema mo ?. " tanong nya.

Ngumiwi si Romeo.

"Lamig Mom. " sabi nya.

Nuon lamang nya napansin ang suot ng anak.

Napailing na lang si Alexa at niyakap ang anak.

"Sa susunod na susugod kayo sa ganitong lugar, be sure na magpapants ka na ha ?. Lagi ka nalang kasing nakaboxer. " sita nya.

Natawa na lang ang binata at gumanti ng yakap sa ina.

..

"Well, let's wait for the hotel service. Tawagan nyo na ang lahat ng tatawagan nyo. Kahit na biglaan ang debut na ito, sisiguraduhin nating bongga ang celebration. Pasasalamat na rin sa pagkakaligtas ng mga bata. " sabi ni Denzel.

Napangiti ang lahat at tumango.

Nagkatinginan na lamang sina Tabar at Ekang.

Lalong humigpit ang pagkakakapit ng mga kamay nila.

ITUTULOY !!!