1. Home
  2. Stories
  3. Kwadro Alas Book 2 Ch. 7 - Brotherhood
Lagablab

Kwadro Alas Book 2 Ch. 7 - Brotherhood

By supertoyantz ·

Chapter 7 - Brotherhood..

Pasensya na kung natagalan ha ?..

:)

-tOyantz..

Start..

Tinanghali ng gising si Darius kinabukasan..

Wala na ang mga magulang nya at mukhang nakaalis na ito sa patungo sa opisina..

Dali dali syang naligo at nagbihis..

Mabilisan lang syang kumain na ikipagtaka ng mga kasambahay nila..

Matapos masigurong wala ng naiwan..

Humarurot na sya palabas ng bahay..

Alas otso na..

Late na late na sya..

Pero batid nyang di sya nag iisa ..

Meron syang kakilalang late din na kagaya nya...

"Romeo !.. " sigaw ni Darius sa labas ng bahay ng kaibigan..

Tama ang hinala nya..

Humahangos ding palabas ang kaibigan nya..

May kagat kagat pa itong sandwich..

Nagulat si Romeo ng makita ang kaibigan..

Tumalon ito sa bakod at di na sya inantay..

"Anak mag iingat kayo !.. " sigaw ni Alexa..

Kumaway lang sina Darius at Romeo sabay takbo palabas ng subdivision..

Mabils na pumara ng jeep patungo sa eskwelahan nila.

Ng makasakay.

Duon lag nagsuot ng polo si Romeo at nagsuklay..

Natawa si Darius..

"Lufet mo talaga tol.. " biro nya..

Natawa din si Romeo at nginuso ang driver..

Napasimangot si Darius..

Kusang loob na syang naglabas ng wallet para magbayad para sa kanilang dalawa..

"Sa susunod i-search mo sa Google ang salita "HIYA" ha ?.. Wala ka non pare since birth.. " singhal nya..

Natawa ang ilang pasahero..

Hinati ni Romeo ang kinakaing sandwich sabay abot sa kaibigan..

Di naman nagpakipot si Darius at mabilis na tinanggap ang binibigay ni Romeo..

"Bakit ka late?.. " tanong ng binata..

Di maiwasang mapangiti ni Darius..

Bakit nga ba naman ?...

Ano ba ang dahilan ng late na paggising nya sa araw na iyon..

"Si Flora kase.." pag amin nya..

Kumunot ang noo ni Romeo at binatukan ang kaibigan..

"Taksil ka kay Ekang.. Dapat sayo sunugin sa plasa habang vinivideohan tapos i-send sa mga paaralan para wag ng pamarisan.. " gigil na sabi nito..

Natawa si Darius at tumagilid ng upo..

Dinama nya ang paghampas ng malamig na simoy ng hangin sa kanyang mukha..

Tumabi sa kanya si Romeo at inalog ang balikat..

"Hoy.. Sino ba si Flora ?.. " tanong nito..

Napangiti si Darius..

"Textmate pre.. Bago lang.. " pag amin nya..

Si Romeo naman ang natawa..

Napatingin si Darius..

"Oh baket ?.. " tanong nya..

Umiling si Romeo..

"Wala.. Nakokornihan ako sa mga ganon.. Parang di mo naman alam yon.. " sabi niya..

Napatango si Darius..

"Manong para po !.. " sigaw nya sa Driver..

Pero tila wala itong narinig..

Nagkatinginan sina Romeo at Darius..

Nagsabay sila ng sabi..

"Manong PARAAAAAAA!!!!.." maarteng sigaw nila.

Natawa ang iba..

Tumingin ang driver sa rearview mirror at kumunot ang noo..

"May bababa? .. " tanong nito..

Pinaikot nina Romeo at Darius ang mga eyeballs nila at sumimangot..

"Kelan pa naging tanda ng PAGSAKAY ang salitang PARA manong ?.. Kapag sinabi ng pasahero na PARA... Ang ibig sabihin non NAGUGUTOM sya !.. " biro ni Darius..

"O pwede ding NATATAE.. PARA MANONG !.. NATATAE KASE AKO.. " pagsakay ni Romeo..

Nagtawanan ang mga pasahero sa dalawa ..

Asar na hininto ng matandang driver ang jeep para pababain ang dalawang kumag..

Di pa nakakababa sina Darius ng bumarurot na ito ng takbo..

"Wooo.. Highblood si Manong.. Ang aga aga eh.." sigaw ni Romeo..

"Baka may DATE pre.. Late na siguro sya.. " pagsakay naman ni Darius..

Pero napahinto sya ng mabanggit ang salitang "Late" ..

Nagkatinginan sila at napalunoki sa isa't isa..

"P-pare Late ka na ah.. " sabi ni Romeo..

"Gago.. Magkaklase tayo.. " sabi ni Darius..

Napangiwi sila pareho..

"Anong araw ngayon ?.. " tanong nya..

Bago sumagot..

Nilabas ni Darius ang cellphone nya para makasiguro..

"T-thursday tol.. " bulong nya..

Lalo silang napalunok..

"PE natin pala.. " sabi nila pareho..

Terror ang PE Teacher nila..

Matandang dalaga ito at mukhang wala galit sa mundo dahil laging mataas ang tono ng boses..

Napatingin sila pareho sa covered court..

Pagkuwa'y sa isa't isa..

"Di ka naka PE Uniform.. Lagot ka.. " pananakot ni Romeo..

Natawa si Darius.. Pero halatang plastik..

"Gago ka .. Magkaklase nga tayo.. " sabi nya..

Natahimik si Romeo..

"Pasok na tayo ?.. " tanong nito..

Tumango si Darius..

Naghawak kamay sila at tinungo ang covered court dahil duon ginaganap ang PE subject nila..

Di pa man nakakalapit ang dalawa..

Napatingin na sa kanila ang mga kaklase nila..

Naghagikgikan sina Rhoi at Aldrin ng makitang holding hands pa sina Romeo at Darius ..

Dahan dahan itong lumalapit at halatang ingat na ingat na di mapansin ng matandang guro..

Kung natatawa ang dalawang alas sa itsura ng dalawa..

Kabaligtaran ang pakiramdam nina Krissia at Dannica..

Natatakot sila para sa mga kaibigan dahil paniguradong sesermunan ito..

Di nga sila nabigo sa hinala..

Dahil pumangibabaw na ang matinis na boses ni Ms.Semilla..

"Guzman at Di Caprio !.. " tili nito na umabot na halos sa buong campus.

Napangiwi ang mga estudyanteng nakakita at nakarinig..

Maging sina Darius at Romeo ay nangilo sa tinis ng boses nito..

Kinalikot ni Romeo ang tenga nya..

"Tol.. Ayos pa ba eardrum mo ?.. Parang nagkaroon ng crack yung saken.. " biro nya.

Natawa si Darius sabay siko sa kaibigan..

"Ready ka na ba ?.. Ano kaya ang ipapagawa satin nito ?.. " tanong ni Darius kay Romeo..

Nagkibit balikat lang ang binatilyo..

Humigpit ang paghoholding hands nila at nilapitan ang guro..

Nakataas ang isang kilay ni Ms.Semilla ng makalapit ang dalawang binatilyo sa harap nya..

Isa isa nya itong sinuyod ng tingin ..

Mula ulo hanggang paa at pabalik..

"Hmm.. You have the guts to attend in my class with that school uniform ?... Did'nt you know that it's Thursday ?.. " mahinahong tanong nito ..

Pero batid nilang nagtitimpi lamang ang guro..

Tahimik lamang ang dalawa..

Napangiwi si Darius ng makaramdam ng kakaiba sa tyan..

Siniko nya ang kaibigan si Romeo..

"T-tol.. " sabi nya.

Tumingin ang kaibigan nya ..

Nasa mukha nito ang pagtataka..

Ngumisi si Darius at hinimas ang tyan..

Nanlaki ang mga mata ni Romeo.

Dahan dahan syang umatras ..

Eksaktong distansya ..

Limang hakbang paatras..

Tamang pagitan lang sa tingin nya para makita nya pa ang pagsikat ng araw bukas..

Nagtaka ang guro ng makita ang pag atras ni Romeo..

Sisitahin nya sana ang binatilyo pero tila namanhid ang pakiramdam nya..

4 na segundo lang ang lumipas ..

Bago nya naamoy ang amoy na hindi nya pa naaamoy at hindi na nya nanaising maamoy pa sa nalalabing araw ng kanyang buhay..

Napatingin sya kay Daruis..

Halos tumirik tirik pa ang mga mata nito tanda na ito nga ang salarin..

Di na nakatiis si Ms.Semilla..

Humakbang sya paatras para lumanghap ng sariwang hangin bago pinanlisikan ng mga mata si Darius..

Nagtaka ang mga estudyante nya..

Pero walang ng nakapagtanong ng humalo na sa hangin ang smoke grenade ni Tabar..

"Pakshet ka tol.. ! Abot hanggang sa Quiapo yan ah !.. " natatawang biro ni Romeo..

Nagtawanan sina Rhoi at Aldrin sa pila nila..

"Di ka na naman kasi jumerbaks bago ka pumasok eh.. " paalala ni Rhoi..

"Kadiri ka tol !.. " sigaw ni Aldrin...

Napangiti na lang sina Dannica at Krissing..

Hindi sila nandiri sa kaibigan..

Sanay na sila dito..

Mababaw na dahilan ito para iwanan nila ang binatilyo..

Sa halip na umatras..

Nanatili sila sa pwesto dahil hindi naman ganuon kabaho ang dating nito sa lugar nila..

Nabasag ang katahimikan ng klase..

Wala silang ginawa kundi tumawa na lang ng tumawa..

Inis na nag walk out saglit ang guro para kumuha ng malinis na tubig sa canteen..

Pagbalik nya..

Nagtatawanan na ang mga estudyante nya sa pangunguna ng apat na magkakaibigan..

"Trending yon tol.. Binasag mo ang katahimikan sa pamamagitan ng tahimik mo ding sandata.. " biro ni Aldrin..

Natawa si Darius..

Nagtatawanan sila ng lumapit ang guro at nakatingin sa dalawang naiiba..

"Back to your line.. Sino ang nagsabi sa inyo na magkwentuhan kayo dyan ? .. " mataray na sabi nito..

Mabilis na nag form ng linya ang mga estudyante..

Akmang pipila na rin sina Romeo at Darius ng tawagin sila ng guro..

"Come here in front.. " pagtawag nito..

Nagkatinginan sina Romeo at Darius..

Dahan dahan silang lumapit sa teacher..

"Dahil sa late kayo.. Dapat di ko na kayo pasasalihin sa activity.. Pero since na mabait ako.. " sabi nito..

Nagbulungan ang dalawa at nagsikuhan..

"Mabait naman daw pala tol eh.. " gagad ni Darius..

Napabungisngis si Romeo at siniko din ang kaibigan..

"Will you stop what your doing ?.. " sigaw ng guro..

Mabilis na umayos ang dalawa..

"So..Since na mabait nga ako.. I will let you two join the activity... But.. You two will lead.. " sabi nito sabay ngisi..

Napangisi sina Romeo at Darius..

"A-ano po bang gagawin mam ? .. " tanong ni Romeo..

Ngumisi ang guro at inabot ang isang maliit na kwaderno..

"Here.. Follow the instruction of certain exercises ... Gawin nyo yan.. Kapag di nyo nakabisado bago matapos ang week na ito.. Di ko kayo papaexamin lahat !.. As in lahat kayo sa section nyo !.. " banta nito..

Napaungol ang iba..

Tiningnan nina Romeo at Darius ang nasabing mga exercises

Napangisi si Darius ng makita ito..

"Sisiw dre.. " bulong ni Darius..

"Gago.. Sayo lang kasi marunong kumembot.. Eh paano ako ?.. " asar na sabi ni Romeo..

Natawa si Darius ..

Di nya maimagine si Romeo na kumekembot..

"Pero anong gusto mong gawin natin ?.. Kesa bumagsak tayo.. Konting kahihiyan lang yan tol.. " pang uuto ni Darius..

Tumango si Romeo ng pilit..

"Labag man sa loob ko.. Gagawin ko.. Ayos lang sakin na di mag exam kasi sobra sobra na yung grades ko.. Pero syempre nangangamba ako sa inyo .. Kawawa naman kayo eh.. " biro nya..

Binatukan sya ni Darius at tumingin sa guro..

"Okay po Ma'am. " lakas loob na sabi nya..

Ngumisi ang guro..

"And.. One more thing for you Mr.Guzman.. Since na ikaw ang dahilan ng 4 seconds stoke ko.. I want you to discuss the next lecture in English sa Monday.. I will tell your teacher na ikaw ang mag didiscuss.. Sinabi ko sa kanya na nag volunteer ka.. " nakangising sabi nito..

Nagulat si Darius at Romeo sa narinig..

"Can I help him Ma'am ? .. " tanong ni Romeo..

Umiling ang guro..

"No.. " maiksing sabi nito sabay nagpaalam na sa klase..

Agad na lumapit sina Rhoi at Aldrin sa dalawa..

"Anong problema tol ?.. Anong sabi ni Ma'am at mukhang natahimik ka ?.. " tanong ni Aldrin kay Darius..

Si Romeo ang sumagot..

"Sya daw ang mag lelecture sa English sa Monday.. Sinabi ni Ms. Semilla kay Mrs. Dizon na nagvovolunteer daw sya.. " imporma nito na ang tinutukoy ay ang English Teacher nila..

Nagulat ang lahat..

Nakaramdam sila ng awa para kay Darius..

Lumapit sina Krissing at Ekang sa mga kaibigan..

"Help kita Jowebee.. " sabi ni Ekang..

Ngumiti ng malungkot si Darius..

"Di daw pwede.. Ako lang daw mag isa.. " sabi nya..

Tinapik ni Rhoi ang balikat ng kaibigan..

"Kaya mo naman yan tol eh.. " pilit nyang pinalakas ang loob nito..

"Alam mong mahina ako sa English.. " malungkot na sagot ni Darius..

Lahat sila natahimik..

Kanya kanyang isip kung paano matutulungan ang kaibigan sa problema nito..

Last subject nila ang English..

Nagulat daw si Mrs. Dizon ng mag volunteer si Darius ..

Natuwa daw ito..

Pero tulad ni Ms.Semilla.

Tila kabaliktaran ang nais nitong sabihin..

Parehas lang ito ng PE Teacher nila ..

Terror..

Mahilig magpahiya ng estudyante..

Pakiramdam ng mga ito na ito na ang pinakamagaling sa buong mundo..

Kaya maraming ilag sa dalawa..

Maging mga kapwa teachers ng mga ito..

Nagbell na ..

Tanda na tapos na ang klase para sa araw na iyon..

"So.. Tomorrow.. Your classmate Darius will discuss about the next topic.. I hope na may matutunan kayo.. " pasaring nito..

Tinapunan pa nito ng tingin ang binatilyo..

Nais ng sumagot ni Romeo pero naramdaman nya ang paghawak ni Rhoi at Aldrin sa balikat nya..

"Easy tol.. Respeto sa matanda.. " pagpapaalala ng dalawa..

Kinalma ni Romeo ang sarili at tinabihan ang kaibigan na kanina pa tahimik lang..

"Tol.. Anong pwede naming gawin ?.. " tanong ni Aldrin..

Ngumiti si Darius at umiling..

"Di na lang siguro ako papasok sa Monday mga tol.. " malungkot na sabi nya..

Napalapit si Ekang sa binatilyo..

Napaisip ang lahat..

Tinitigan ni Romeo si Darius.

"Stop being helpless and start do think Taba.. Wag mong hayaang ikahiya ka namin.. " biglang banat nito..

Nanlaki ang mga mata nina Ekang at Krissing sa sinabi ng binatilyo..

Inawat ni Rhoi at Aldrin ang kaibigan..

"Pare naman.. Namomoroblema na nga tapos ganyan ka pa.." sermon ni Rhoi..

"Para ka namang walang puso nyan Rom eh.. Oo alam namin na matalino ka.. Pero di naman sapat yon para ganyanin mo si Taba.. Kapatid natin yan baka nakakalimutan mo.. " dagdag ni Aldrin..

Napayuko si Darius..

Tinabihan sya ni Ekang at hinagod ang likod..

"Magdahan dahan ka naman ng pananalita mo Romeo.. Di porke ikaw ang Ace of Spades sa grupo.. Lagi mo ng patutunayan.. May mga oras na hindi mo dapat nilalabas sa amin ang pagiging Spade mo.. " singhal ni Krissia..

Nanatiling poker face si Romeo..

Hindi sya tumitingin sa iba maliban kay Darius na nananatiling nakayuko..

Nagkaroon ng tensyon sa loob ng classroom..

Ang mga estudyanteng naiwan ay isa isang lumabas..

Napahinto ang iba ng marinig ang pagtaas ng boses ni Krissing..

Naiwan silang anim sa loob ng classroom..

Naging maalinsangan sa loob..

Maraming napahinto sa labas para makinig ng palitan ng mga salita ng mga Alas...

Galit na tumayo si Darius at niligpit ang mga gamit..

Tinapunan nya ng tingin si Romeo bago walang sabi sabing lumabas ng silid..

"Dar wait !.. " sigaw ni Ekang..

Mabilis nyang sinamsam ang mga gamit nya at tiningnan ng masama si Romeo bago sumunod sa binatilyo..

Nahawi ang mga tao sa labas ng dumaan ang dalawa..

Tumayo si Romeo at sumilip sa isang bahagi ng bintana kung saan kita ang malawak na Parking Area ng school nila..

"Kung sa tingin nyo bobo si Taba.. Makikita nyo na lang.. " bulong nya..

"Ano ?.. " mataray na tanong ni Krissia..

Natawa si Romeo ng mahina..

"Hindi na bata yang pinagtutulungan nyong tulungan.. May sarili yang mga paa at utak.." banat nya..

Natahimik ang lahat..

"Hindi ako mangingiming pagsabihan ng masasamang salita si Darius.. Kung ang kapalit nito ay ang paggalaw nya sa sarili nyang paraan.. Kasehodang sumam ang tingin nyo saken.." seryosong sabi ni Romeo..

Humarap si Romeo at isa isang tiningnan ang mga kaibigan nya..

"Sa tingin nyo ba hindi kaya ni Darius ang pinapagawa sa kanya ?.. " tanong nya..

Sumagot si Rhoi..

"Kayang kaya nya yon .." sagot nya..

"Pero ?.. " tanong ni Romeo..

Napangiti si Aldrin..

"Natatakot syang mabigo at mapahiya sa iba.. O higit sa lahat, sa ating mga kaibigan nya.. Dahil siguro sa takot nyang baka bumaba ang tingin natin kapag mangamote sya sa Lunes.. " sabat nya..

Ngumisi si Romeo..

"Sino ba ang ayaw na tumulong sa kanya ?.. Kahit ako.. Nanginginig ang mga tuhod ko na samahan sya sa report nya.. Pero napaisip ako at nanliit dahil parang minaliit ko na din si Darius at the same time.. Kahit na ang intensyon ko ay tumulong.. Naisip ko rin na hindi na pala nya kailangan.. " litanya nya..

Unti unting napangiti si Krissing..

"S-sorry.. Na carried away lang.. " pacute nya...

Nagtawanan sila..

Pero tumayo si Rhoi..

"Paano yan Rom ?.. Ang sama ng tingin sayo ni Darius.. ? .. " nag aalalang tanong nya..

Bumaha ang pag-aalala sa mukha ni Romeo..

Napatalikod sya para itago ang lungkot sa mukha nya..

"Mauunawaan nya rin yon .. I know... I hope.." bulong nya..

Di na nakatiis si Krissing at mabilis na hinabol ang dalawang umalis..

"Rhoi .. Pakiuwi na lang mga gamit ko .. " bilin nya sa bestfriend nya..

Sa labas..

Naabutan ni Ekang si Darius..

Galit na galit ang binata sa kaibigan..

Nais nyang sapakin si Romeo pero batid nyang mali iyon..

Gusto nyang patunayan dito na mali ang akala nito..

Kaya nyang gawin ang report nya iyon ng walang tulong ng mga kaibigan lalo na ni Romeo..

"Joweebee.. " tawag ni Ekang..

Natigilan si Darius at dahan dahang lumingon..

Nakita nya ang malungkot na ngiti sa mukha ni Dannica..

"I'm Okay Ekang.. Bumalik ka na sa kanila.. " malungkot na sabi nya..

Umiling si Ekang at nilapitan si Darius..

Tinapik nya ito sa balikat..

"Hayaan mo na si Rom.. " sabi nya..

Tumiim ang mga bagang ni Darius..

Kinuyom nya ang mga kamao ..

"I hate this feeling... I feel so weak.. " sabi nya sa sarili..

Nalungkot si Ekang sa nakikita nya sa binatilyo..

Nais nya itong yakapin kung hindi nga lamang sya natatakot na baka kung anong isipin ni Darius..

"I'm here.. I will help you.. " sabi na lang ni Ekang..

Umiling si Darius..

"No.. I will prove to Romeo na kaya kong gawin yon ng mag-isa.. Umuwi ka na Ekang.. " sabi nya sabay pumihit ulit ng lakad pabalik..

NAgtaka si Ekang..

"Where are you going ?.. " tanong nya..

"To the library.. " mabilis na sagot ni Darius.

Napangiti si Ekang sa narinig..

Akmang hahabulin nya si Darius ng makita nya si Krissing na papalapit sa kanya..

"San yon pupunta ?.. " tanong nito..

Ngumiti si Ekang..

"Sa library daw.. Gagawin na ata yung report.. " sabi nya..

Napangiti din si Krissing sa narinig..

"So Romeo was right.. " sambit nya..

Sumimangot si Ekang..

"Wag mo na nga muna banggitin yung pangalan nung mayabang na yon .. I can't believe na kahit kapatid nya ay papakitaan nya ng masamang ugali nya.. " asar na sabi nito..

Hinawakan ni Krissing sa kamay si Ekang..

"Sis.. Romeo did that to push Darius to do surpass his limits.. Takot si Darius na gawin yon ng mag isa kasi natatakot syang mapahiya sya at bumaba ang tingin natin sa kanya.. So.. Kung dudumugin natin sya ng tulong.. Magagawa nya yung report pero still , sa mga susunod na pagsubok nya ay hahanapin nya lagi tayo to help him out.. " pangaral nito..

Natameme si Ekang..

Napaisip..

"Really ?.. " tanong nya..

Tumango si Krissing at ngumiti..

Napalingon sya sa likod ng kaibigan ..

"There they are.. " bulong nya.

Lumingon si Ekang at nakita nya ang tatlong alas na paparating..

Talagang malalakas ang aura ng mga ito ..

Napapatingin ang mga dumadaan sa ngas ng dating ng tatlo..

Partida..

Tatlo pa lang yan..

Paglapit ng nila ay tahimik lng na tumabi si Ekang kay Romeo ..

"Rom.. Sorry .. " bulong nya..

Ngumiti si Romeo at inakbayan si Ekang..

"Don't .. You don't have to.. Where's my brother pig ?.. " biro nya..

NAtawa si Ekang at nginuso ang building kung saan nanduon ang malawak nilang library...

Nanlaki ang mga mata ng tatlong alas..

"Wow.. Amazing isn't it ?.. " biro ni Rhoi..

NAgtawanan sila..

Pinalo ni Romeo sa balikat si Ekang ..

"Baket ba ? .. " taray nya..

"Sundan mo si Taba para may kasabay syang umuwi.. For sure na di yon sasabay samin.. Pero di muna kami uuwi.. " sabi ni Romeo..

Ngumiti si Ekang at tumango.

Hinalikan nya sa pisngi ni Krissing bago nagpaalam sa lahat para sumunod kay Darius..

Makalipas ang dalawang oras..

Nakangising nag inat ng mga braso si Darius..

"Success !.. " sigaw nya..

"Quietttt !!!!.. " sigaw ng librarian..

Agad na tumiklop si Darius at tumawa ng malandi..

"Makikita mo Rom !.. " gigil na sabi nya..

Tiningnan ni Ekang ang ginawa ng binatilyo at maging sya ay namangha..

"So.. Kaya mo naman pala eh.. " sabi ni Ekang..

Napangisi si Darius..

Bumalik ang dating angas sa katawan matapos ang panlalait ni Romeo..

"Syempre !.. " mayabang na sabi nya..

Napangiti si Ekang..

Kahit na sabihin pa na kampi sya kay Darius.. Ayaw nyang masira ang pagkakaibigan ng apat na alas kaya nagpasya syang sya na ang magsiwalat ng sinabi ni Krissing..

"So.. Anong feeling ? .. " tanong ni Ekang..

Ngumisi si Darius at nag thumbs up..

"Heaven !.. " sagot nya..

Tumango si Ekang..

"Nakabuti pala ang ginawa syo ni Rom.. " panunubok nya..

Napahinto si Darius at napaisip.

"Gagong yon.. Ang yabang !.. " gigil na sabi nya..

Nakuyom nya ang kamao..

Hinawakan ni Ekang ang mga kamay ni Darius at unti unting binuka ang kamao nito..

"Think about what happened to you Joweebee.. Dahil sa panlalait ni Rom..Nagawa mo ang di mo akalaing magagawa mong mag isa.. No one helps you but yourself.. And you have to admit it na kung hindi ka nilait ni Rom.. Hindi mo yan gagawin and you will just let us help you.. " marahang sabi ni Ekang..

Natigilan si Darius..

Napaisip sya..

Hanggang sa unti unting tumango at napangisi..

"So utang ko pa pala yun kay Rom ?.. " tanong nya ..

Tumango si Ekang at napangiti..

Nagkangitian silang dalawa sa isa't isa..

"It's late .. Salamat sa pagsama mo sakin Ekang.. " taos pusong pasasalamat ni Darius..

Ngumiti si Ekang at umiling..

"Anything for you Joweebee.. So, uwi na tayo ?.. " tanong nya..

Tumango si Darius at isa isang niligpit ang mga kinalat nya..

Magkasabay silang bumaba ng library..

Halos wala ng estudyante sa campus..

Medyo naghahati na rin ang dilim at liwanag sa langit..

"Hatid na kita.. " sabi ni Darius..

Tumango si Ekang..

Napangiti sya at nakaramdam ng kilig sa katawan..

Nag abang sila ng tricyle sa waiting shed..

Pero laging puno ang mga dumaraan kaya inabot sila ng 30 minutos sa paghihintay..

Hanggang sa magpasya si Darius na lakarin na lang ang distansya..

"Lakad lakad na lang. ." sabi nya..

Tumango si Ekang ..

Mas pabor ito dahil mas romantic..

Inabot na sila ng alas syete sa daan ng magpasya silang huminto para bumili ng makakakain sa 7/11..

Matapos makabili ay naupo pa sila sa park di kalayuan at nilantakan ang mga nabili nila..

"Ginabi na tayo.. " natatawang sabi ni Darius...

Ngumiti lang si Ekang..

"Di ka ba pagagalitan sa inyo ? .. " tanong pa ng binatilyo..

Natigilan si Ekang ng maalala ang ina..

"D-di naman siguro.. " sabi nya..

Nasense ni Darius na kinakabahan ang dalagita kaya tumayo na sya at inaya itong umuwi..

Nasa kalagitnaan sila ng paglalakad ng may masalubong silang mga binata..

Halatang lasing ang mga ito at malalakas ang mga salita..

Napahinto sila..

Inamoy ng isa si Ekang at natawa ito..

"Bango pards.. " sabi nito..

Nandidiring winasiwas ni Ekang ang lalake at sumiksik sa binatilyo..

Isa isang binilang ni Darius ang mga kalalakihan..

Walo..

Tagilid sya ..

Pero di sya nakakaramdam ng takot para sa sarili kundi para sa dalagitang kasama..

Nakaramdam ng takot si Ekang .. Di nya napigilang mapahawak sa braso ni Darius..

"Joweebee.. Natatakot ako.. " sabi nya dahil masama ang tingin ng isa sa kanya..

Napalunok si Darius..

Inilabas nya ang cellphone at inabot kay Ekang..

NAgtaka si Ekang..

"Anong gagawin ko ? .. " tanong nya..

Ngumiti si Darius at kinalas ang hawak ni Ekang..

"Go.. But before that.. Text my brothers.. Tell them exactly what I'm going to tell you .. Park sa harap ng 7 / 11.. Walo !.. " sigaw ni Darius sabay suntok sa isa at tumakbo sa madilim na parte ng parke..

Bumulagta ang sinuntok ni Darius..

Pero mabilis itong nakabangon at galit na sumigaw..

"Anong tinatayo tayo nyo ?.. Habulin nyooooo !!!... " sigaw nito sabay nagpauna na sa pagtakbo..

Napasigaw si Ekang ng makita nyang hinabol ng lahat si Darius..

Naiwan sya sa bench na nanginginig sa takot..

Nalaglag ang cellphone na dala nya kaya napahinto sya sa pagiyak..

Naalala nya ang bilin ni Darius..

Kaya kahit na nanginginig ang mga kamay..

Pinili nyang isantabi ang takot para sa binatilyo at isa isang tinext ang mga kapatid nitong Alas..

Hindi pa nakakakapagbihis si Romeo ng tumunog ang cellphone nya..

Napangiti sya ng makitang si Darius ang nag text..

"Oh loko.. Eh di hindi mo rin ako natiis .. " tatawa tawang sabi nya..

Binuksan nya ang text..

Pero nawala ang ngiti nya ng mabasa ang mensahe..

"Park sa harap ng 7/11.. Walo.. " pagbasa nya..

Di na sya nag-isip pa..

Binuksan nya ang bintana na at binaba ang hagdan..

"Pare.. " humahangos na lumabas ng bahay si Aldrin..

Dala nito ang customized baseball bat..

Di pa sya nakakasagot ng lumabas ng bahay nina Krissing si Rhoi..

Kasunod nito ang dalagita..

"Tol.. " humahangos na lumapit si Rhoi sa dalawa..

"Bilisan mo.. " utos ni Romeo..

Tumango si Rhoi at mabilis na pumasok sa bahay..

Diretso sya sa kwarto at mabilis na nilabas ang sarili nyang baseball bat..

Tinalon na rin nya ang bintana..

Bumalik sya sa mga kaibigan pero si Aldrin na lang ang natira..

"Si Rom ?.. " tanong nya..

"Pumasok sa room ni Tabar.. " sagot ni Aldrin..

Saglit lang at lumabas na rin si Romeo dala ang baseball bat ni Taba..

"Tara !.. " sabi nya sabay takbo palabas..

"Saglit !.. " sigaw ni Krissing..

Iyak ng iyak si Ekang..

Paralisado syang nakasalampak sa lupa ..

Di sya makakilos dahil sa takot at pag aaalala kay Darius..

Ilang saglit pa..

Nakita nyang palapit na sina Rhoi, Aldrin at Romeo kasama si Krissing..

"Sis.. Anong nangyari ?.. " tanong ni Krissia..

"P-pinagtripan kami ng mga lasing.. Si Darius nagpahabol dun.. !.. " turo ni Ekang sa madilim na parte ng parke..

Nagkatinginan ang tatlong alas at walang sabi sabing tinahak ang tinuro ni Ekang..

"Haha.. Wala ka palang sinabing gago ka eh !.. " sabi ng isang lasing sabay sipa sa tyan ni Darius..

Hawak ng dalawang binata ang magkabilang kamay ng binatilyo para panatilihin itong nakatayo habang ginugulpi nila..

Pero imbes na matakot..

Tumawa pa ang binata sa kabila ng natamong bugbog..

"W-wala na bang ilalakas yan kuya ?.. " biro nya..

Pero napangiwi sya ng may sumipa sa sikmura nya..

Halos mawalan na ng malay si Darius sa sakit na natatanggap..

Pero ayaw pang sumuko ng isip nya..

Nakuha nya pang ngumisi at duruin ang pinakamatangkad na sa tingin nya ay pinuno ng mga ito..

"K-kung ako sa inyo.. A-alis na ako bago pa dumating yung mga kapatid ko.. " banta nya..

Nagtawanan ang mga ito..

"Kita mo to.. Lantang gulay na nga nakukuha pang manakot ?.. " sigaw nito sabay pumorma ng tadyak pero di nya nagawa dahil napaluhod sya sa sakit.

Bagsak ito sa lupa at namilipit sa aray..

"Punyeta.. sino yon ?.. " sigaw nito..

Pero ito rin ay muling tumumba..

Gigil na pinalo ng baseball bat ni Rhoi ang isang may hawak ng sa kamay ni Darius habang tinalon ni Aldrin ang isa pa..

Napasadlak si Darius sa lupa..

Tumatawa sya habang pinapanuod kung paano gulpihin ng mga kapatid ang mga kalalakihan..

Pumormang aalis ang pinaka lider..

Pero nakaharang si Romeo..

Galit ang nasa mukha nito..

"Mga hayup kayo.. Nakuha nyong saktan ang kapatid ko ?.. " mahina pero madiing sabi nito..

Nakaramdam ng takot ang lider..

Pumihit sya para sa kabila tumakbo pero si Aldrin ang nakaharang..

Nanlilisik ang mga mata nito at dinuro ng baseball bat ang mukha ng lider..

"Walang kapatawaran ang ginawa nyong ito kuya.." gigil na sabi ni Aldrin..

Napaupo ang lider sa takot..

Gumapang sa paatras at palayo kay Aldrin..

Pero nabangga nya ang tuhod ni Rhoi..

Galit na kinwelyuhan ng binatilyo ang lider ng grupo at sinalya sa harap ng nakaupong si Darius..

Nagpupunas ng dugo ang binatilyo..

Napangiti sya ng makitang nakahandusay sa harap nya ang kaninang gumugulpi sa kanya..

"Ano ba kasing sinabi ko sayo kuya ?.. Sabi ko umalis na kayo habang may oras pa.. " biro nya..

Pinilit nyang tumayo..

Inalalayan sya nina Aldrin at Rhoi..

"Salamat mga tol.. " sabi ni Darius.

Tumango ang tatlo..

Hinagis ni Romeo ang baseball ball ni Darius.

Nasalo naman ito ng binata..

"Ni hindi ko na makuhang tumayo.. Pero may lakas pa ako para sa huling palo ko.. Para sayo na lang ito kuya.. With Love.. Sana paggising mo bukas.. Matandaan mo ang mga mukha namin.. " sabi ni Darius..

Buong pwersa nyang pinalo sa mga binti ang nasabing lider..

Napasigaw ito sa sakit..

"Tama na mga tol..Baka abutan tayo ng mga pulis.. " sabi ni Romeo..

Pero nataranta sila ng mabitawan ni Darius ang baseball bat at bumbagsk sa balikat ni Rhoi..

ITUTULOY !!!