1. Home
  2. Stories
  3. Lahat Na Lang
Filipino Sex Stories

Lahat Na Lang

By Asd123098 ·
"The best ka talaga Mira! Grabe ngayon lang ako nilabasan ng ganito. Hindi ka naman ba nagsisisi?"

"Naku. Ang mahal naman po nito. M-maganda ba? Hindi po ba siya... masyado po yatang seksi?"

Chapter 3

"Oh shit! Shit! Ah!" Todo giling ko sa ibabaw ni Robert. Baon na baon ang titi nito sa aking puki. Puno ng ungol at sigaw ang loob ng kwarto ng hotel.

"Grabeh! Ang sarap mo talaga, Mira! Ah...! Hi- Hinding-hindi ako magsasawa sa'yo... oh!" Halinghing nito. "Heto pa!"

"Ganito ba, Robert? Ganito ba?" Sabay diin at giling ko sa kanya. Hindi kalakihan ang burat nito pero ayos na rin dahil ang importante ay ang mapaligaya ko siya at susulitin ang ibinayad nito.

"Ohhh, oo! Ganyan nga! Ganyan nga! Ahhh."

Nag-iba ako ng anggulo ng pagkaupo at itinukod ko ang aking mga paa pati mga kamay sa likod ko at sinulyapan ang naglalabas-masok na titi nito sa aking puki. Dahan-dahang nagtaas-baba ako sa mabulbol na burat nito. Pilit kong sinisikipan ang pagkakapit ng puki ko sa burat niya.

Basang-basa na ng laway at likido ang aming kaselanan. Halos mawala na rin sa katinuan si Robert. Nakakaaliw siyang ting'nan na nababaliw sa sarap. Binilisan ko na ang pagtaas-baba sa kanya.

"Oh! Ahhh! Sandali lang Mira... lalabasan na ako!" Ungol nito at bigla akong niyakap. "Sandali lang." Pagtigil nito at sabay tanggal sa burat nito sa aking kalooban habang hinahabol ang hininga.

Nagtaka man ay hinalikan niya muna ako at maya't maya ay pinatalikod. Nakuha ko naman ang ibig niyang sabihin. Lumuhod naman si Robert sa aking likuran at ipinasok muli ang kanyang burat sa puki ko.

"Ahhh!" Halinghing niya na sinabayan ko rin. Isa kasi ito sa mga paborito kong posisyon. May kakaibang dulot kasi ito sa loob ng aking puki. May natatamaan na kung saan ito ang daan upang mabasag ang tangke ng libog ng isang babae.

"Sheeet, Robert, sige pah!!! Idiin mo pa!" Pagmamakaawa ko.

"Ipuputok ko na!"

"Sige, iputok mo lang! Ahhh!" Nalasing na rin ako sa libog at panay kalikot ko sa matambok na ibabaw na parte ng aking puke.

*Plok! Plok! Plok!*

Tunog ng aming maiinit na balat na nagsasalpukan at ilang sandali lang ay naramdaman ko ang pagkislot ng titi nito sa loob ko. Panay kadyot nito sa likod ko na para akong tinutulak.

"Ahhh!" Sigaw nito.

Malapit na sana akong labasan ngunit hindi na umabot. Huminto na kasi ito sa pag-giling. Hindi man ako nilabasan sa ikalawang pagkakataong iyon ay napailing na lang ako. Ang lilibog niyo talagang mga lalaki anang sa isip ko.

Hindi siguro ito pinapaligaya ng asawa niya kung kaya ay ganito na lang ang lakas ng libog nito. Pangatlong tagpo na namin ito pero hinding-hindi pa rin ito nauubusan ng lakas.

Maya-maya ay nahugot agad ang maliit na burat nito. Umurong ito at nahiga sa tabi ko.

"The best ka talaga Mira! Grabe ngayon lang ako nilabasan ng ganito." Usal nito habang hinihingal at naghalikan kaming dalawa. "Hindi ka naman ba nagsisisi?" Tanong nito dahil sa nagpupumilit ito na makipagtalik ng walang kondom. Iba raw kasi ang pakiramdam ng walang nakaharang.

Noong una kasi naming pagniniig ay hindi ako pumayag dahil delikado at kinakabahan ako dahil na rin sa pagbabanta ni Amanda. Pumayag na rin ako kalaunan dahil sa pangako nitong magbibigay ng malaking halaga at mukhang malusog naman ito.

"Sa dami ng inilabas mo ngayon tiyak magkakaanak na tayo ng kasing-cute at kasing-singkit ng mga mata mo." Pabiro ko na ikinatuwa naman ng loko. "Gusto mo ng satisfaction, 'di ba? Ibibigay ko sa'yo, basta 'yong kasunduan natin?" Paglalambing ko.

"Oo naman, ikaw pa! Jackpot ako sa'yo." Wika nito.

Anim na oras ang inilagi namin ni Robert sa hotel. Hindi na ako nagpahatid at nauna na akong sumakay ng taxi.

Bumalik ako sa bar kung saan ako ngayon nagtatrabaho bilang isang eskort. Nakita ko si Amanda na nakangiti habang tumayo ito mula sa pag-akbay ng kustomer nito.

"Babe!!! Kumusta ang lakad kasama ang big time na Intsik?" Pag-uusyoso nito.

"Naku, babe! Parang ginagahasa ako lagi e. Grabe ang powers! Sa susunod ikaw naman ang irereto ko."

"Ay naku! Love at first sight nga raw sa'yo 'yun noh! Pero aminin mo, big time magbigay noh?"

"Kuripot nga e. May kasunduan kami pero iilan lang dinagdag." Pagsisinungaling ko.

"Ay, sus! Kunwari pa!" Pag-iirap sa'kin ng matalik kong kaibigan.

"O siya, sige. Magbibigay muna ako kay Mr. C para makauwi na." Pamamaalam ko.

Isa kasi sa mga panuntunan sa pinasukan kong bar ay kapag nailabas ka ng mga kustomer ay magbibigay ka ng cuarenta y porsyento ng iyong kita. At kung wala naman ay trabaho mong kumita at maglako ng inumin ng bar para magkabenta. Ang mga baguhan naman ay pinapamasid muna ng isang buwan, pinapasayaw hanggang sa pwede na itong ilabas. Ito kasi ang utos ni Mr. C ang baklang matanda na namamahala sa pinapasukan ko ngayon.

Alak ang nagbibigay lakas loob sa amin na humarap na nakangiti sa kung sinu-sino. At may kani-kaniyang dahilan kami kung bakit ito ang aming paraan.

Pagkauwi ko ay tinamad na akong maligo. Nakaligo na ako kanina sa hotel kung kaya ay hindi na ako nag-abala pang maghilamos at ako'y antok na antok na.

Nakatitig ako salamin habang tinatanggal ko na lamang ang kolorete sa aking labi. Habang nakatitig ako sa mukha ko naisip ko na lamang na ito ang dahilan upang makapang-akit sa lahat makuha ang aking inaasam-asam. Ilang sandali ay tumayo ako para mahiga at magpahinga at bago 'yon ay tinanggal ko ang bra ko at iyon ay isinampay.

Nakaraan.

Tinanggal ko sa sampayan ang mga tuyong damit at inilagay sa buslo. Utos kasi ni mayordoma na patuyuin sa hangin ang mga maseselang damit ng amo namin. Minsan kasing may inilagay sa pantuyong makina ay natastas ang sinulid ng isang mamahaling damit kung kaya ay maingat na niya itong pinapalabhan.

"Ikaw na magplantsa nito at siguraduhin mo na hindi masyadong mainit at banayad lang pagdiin." Pagtuturo ko sa baguhang katulong at patuloy sa aking pag-instruksyon, "...at kami na ni Laila ang bahala na maghanda sa hapunan."

Halos mahigit isang taon na akong naninilbihan sa malaking bahay. Marami na rin akong nakilala at naging kampante na rin ako, buwan-buwan ay nagpapadala na ako sa inay at kapatid ko. Nang minsang kinumusta ko sila ay ibinalita nito na nakapasok na ito sa pampublikong paaralan na lubos ko namang ikinatuwa.

Minsan ay naisip ko na umuwi sa amin at magbakasyon dahil na rin sa suhestiyon ni Laila para naman daw makita ako ng inay ko at matagal na rin akong nawala sa amin. Napagtanto ko na panahon na rin at inuudyok rin ako ni inay, kahit sandali lang naman daw.

*Krrring!* Tunog ng aking telepono.

"Hello!" Wika ko.

"Hi! Miriam?" Tinig ng lalake sa kabilang linya.

"Sino 'to?"

"Si Jorge 'to."

Shet! Sa isip ko. "Ah sir, opo. Bakit po?" Usisa ko.

"Huwag mo na akong tawaging sir. Ikaw naman."

Paano kaya nito nakuha ang numero ko? At nahulaan siguro nito ang tanong sa isip ko. "Ah, naiwan mo kasi 'yung telepono mo sa sasakyan ko noong sumabay kayo sa akin. Naalala mo naghatid kayo ni Laila ng mga papeles sa opisina ni sir Eric?" Wila nito.

"Ah, e opo nga. Oo. Naalala ko na, binigay nga ng guwardiya, akala ko e naiwan ko kung saan sa silid hintayan."

Huminto ito ng dalawang segundo. Bakit kaya napatawag ito?

"Bakante ka ba ngayon? Pwede ba kitang ipasyal." Pangingimbita nito.

"Naku, e, sa Sabado pa po ako walang gagawin."

"Ayos 'yun! Bakante ako ng Sabado. Pwede kitang ipasyal."

"Hala! E, nakakahiya naman po." Pag-iilang ko sa suhestiyon nito.

Pagkatapos kasi ng unang tagpo namin ni Jorge sa may palanguyan ay naging palakaibigan na ito sa akin maging kay Laila. Tuwing bumibisita ito sa aming amo ay sumisimple ito sa kusina at kunwaring hihingi ng tubig kahit may pitsel naman na inihanda sa mesa.

Humingi ito ng paumanhin sa nangyari. Hindi raw nito sinasadya na asiwain ako noong una kaming nagkita at natutuwa lang daw ito sa akin.

Naging malapit na rin kami sa kaniya at lalo na sa akin sa hindi maipaliwanag na dahilan at panay naman kantiyaw ni Laila at pag-babala nito. Napaka-imposible daw na magkakagusto ito sa'kin.

"Ouch! Ang sakit mo naman magsalita. Ganoon na ba ako kapangit?" Saad ko kay Laila.

"Basta, sinasabi ko sa'yo. Ingat ka diyan sa lalaking 'yan. Naku 'pag nalaman ni mayordoma 'yan!" Sabi ni Laila.

"O e, bakit ba?" Usisa ko. "Bawal ba kaming lumabas? Ikaw na lang bahala magdahilan kay mayordoma." Saad ko.

"Alam mo, ganito, hindi pwede ang katulong na tulad natin sa mga mayayamang tulad nila. Panauhin pa naman ni sir Eric 'yan. Baka magkagulo tayo dito at sugurin tayo ni ma'am..." agad pinutol nito ang sasabihin.

"Nino? Sino'ng ma'am?"

"Tama na nga 'yang kakatanong. 'Yun na 'yun. Pakinggan mo na lang mga sinasabi ko sa'yo." Pagtatapos nito. Makulit talaga minsan 'tong si Laila at maraming mga sinasabi. Pero sigurado ako na susuportahan naman ako nito kung ano man ang desisyon ko.

Naisipan ko lang kasing paunlakan ang pangingimbita ni Jorge sa'kin tutal mabait naman ito at mabuti ang pakikitungo. Pananahon na rin siguro para makagala ako. Libre din naman nito.

Sabado. Alas onse ng umaga ay naghanda na ako. Dahil lagi naman kaming maaga gumigising nakasanayan ko na rin bumangon ng maaga pero tila parang hindi ako mapakali ng mga sandaling iyon. Bago pa man ang lahat ay nahirapan pa akong maghanap ng maisusuot.

Nakakalungkot naman at wala pala akong mga baging damit. Wala naman kasi akong oras para gumala-gala kahit na marami akong naririnig na magandang pasyalang lugar. At hindi rin naman kami magkasabay ng araw ng pahinga ni Laila. Minsan lang kaming nagkakasabay gumala tuwing may mga pinapautos ngunit ilang sandali lang at ang paborito naming libangan ang ukay-ukay.

Matapos kong mag-ayos ay dali-dali akong lumabas ng malaking bahay. Buti na lang at wala si mayordoma Naglakad ako ng ilang hakbang nang may huminto na isang itim at makintab na kotse sa harapan ko na may nakatatak na magkarugtong na apat na bilog.

"Miriam!" Si Jorge, na mukhang nabigla pagkababa ng bintana nito.

Napangiti ako. Ang gwapo pala nitong si Jorge kapag nakapang-ordinaryong damit. Lagi kasi itong nakasuot na pormal tuwing pumupunta sa malaking bahay.

"Jorge, ikaw pala 'yan."

"Ba't dito ka naghihintay?"

"Ah e, mainit kasi doon. Naisip kong dito na lang sa ilalim ng kahoy maghintay." Pagdadahilan ko.

"Bueno." Bumaba ito at umikot sa kabila para pagbuksan ako ng pinto. "Halika na."

Napaka-gentleman pala nitong Jorge. Mabango na at gwapo pa. At sumakay na nga at umupo sa napakalambot at napaka-modernong loob ng kotse nito.

Pagkaalis naman ay nagtanong ito kung nagugutom na ba raw ako na tinanguan ko lang dahil medyo nahihiya pa ako at naaasiwa ako sitwasyon. Hindi ko alam kung nasaan na kami hanggang sa binabaybay na namin ang daang may mga matataas na gusali at pumarada.

Dumiretso kami sa isang restawran sa Uptown Mall at nag-tanghalian muna. Grabe. Noon lang ako nakatikim ng ganoong mga pagkain. Natuwa naman si Jorge sa'kin nang makitang kumislap ang aking mga mata sa dami at sarap ng pagkain. Pero syempre hindi ako nagpahalata na masyado akong naatat.

Marami kaming napag-usapan ni Jorge habang kumakain kami. Naikwento ko ang mga pinagdaanan ng pamilya ko at kung saan ako napadpad. Napamangha nga ito sa desisyon ko nang magtungo ako ng Maynila mag-isa hanggang sa kinupkop ako ni Laila.

"Nami-miss ko na nga po mama ko at ang kapatid ko, sir, e." Na sinabayan ko ng malungkot na mukha.

"Teka. Tawagin mo na nga lang akong Jorge." Ngiti nito. "Kanina ka pa 'sir' ng 'sir' diyan e. Mukha na ba akong matanda? Ha?" Pagtutuloy nito na ikinangiti ko sabay iling.

"Opo, sige po. Ho-Jorge." Pag-iilang na bigkas ko sa Espanyol na pangalan niya.

Kalahating Portuges at kalahating Pinoy pala itong si Jorge. Kaya naman pala sobrang gwapo nito at iba ang awra at tindig. Nabanggit din nito na magkatulad pala ang kompanya nila ni sir Eric kaya naman lagi itong pumaparoon sa malaking bahay upang pag-usapan at maglusad ng mga bagong teknolohiya sa abono. Marami pa itong natukoy ngunit hindi ko na ito naintindihan.

May mga pilyong biro din ito na hindi ko maisip na may ganitong pag-iisip pala ito na ikinatuwa ko naman. Hanggang sa nagkagaanan kami ng loob.

Pagkatapos naming kumain ay nag-ikot ikot kami sa loob at pumasok sa tindahan ng mga damit.

"Ito bagay 'to sa'yo." Pagpipili niya ng damit sabay abot sa akin.

"Naku. Ang mahal naman po nito." Pagtutol ko sa iniabot na magandang blusa.

"Isukat mo na. Alam kong bagay 'yan sa'yo." Pagdidiin nito.

Wala na akong nagawa kundi sumunod na lang sa kaniya. Iba kasi siya makatitig. 'Yong tipong parang nagmamakaawa ang mapupungay at malalalim niyang mata.

Paglabas ko ng silid palitan ay ipinakita ko ito sa kanya at umikot-umikot. Medyo nahihiya ako at namumula dahil talagang hapit na hapit ang mahabang asul na damit sa aking baywang at ang harapan naman nito ay parang hindi masyadong natatakpan sa sobrang awang nito.

"Perfeito!" Usal nito habang lumapit ito sa akin.

"M-maganda ba?" Nauutal kong tanong. "Hindi po ba siya... masyado po yatang seksi?"

Tumalikod ako at kunwaring nagsalamin dahil sa sobrang lapit na nito sa akin. 'Yon pala ay sinasara nito ang isper sa likod ng blusa ko. Napansin ko namang inilalapit nito ang mukha nito, akmang aamuyin ang aking leeg.

Nahiya ako ng mga sandaling 'yon. "Ah, sige po. Gusto ko nga 'tong damit na 'to." Pagdadahilan ko. Nakita ko itong ngumiti at humakbang patalikod.

Pagkasara ko ng pinto ay kung anong kabog ng aking dibdib. Hindi ko malaman kung kikiligin o mahihiya sa nangyari. Kakaibang sensasyon ang aking naramdaman ng sandaling iyon na nagpangiti sa akin.

"Nobyo 'nyo po ba 'yung dayuhan na 'yan?" Sabay turo ng isang babaeng kawani kay Jorge minsang tumulong ito sa pagkuha ng sukat ng damit.

"Ah, e hindi po." Buti na lang at abala si Jorge sa kabilang dako.

"Weh? Ikaw na talaga, ate! Ang swerte mo." Inggit na sabi nito sa'kin.

Natuwa na lamang ako sa reaksyon ng mga ito. Kaya pala ay panay tingin ang ibang mga tao sa amin.

Marami pa kaming inikutan na mga tindahan pagkatapos. Nagkunwari at nagpatay-malisya na lamang ako. Hindi na naulit ang tagpo sa silid palitan at nagkunwari na lamang ako na gusto ko agad ang mga napili nito. Inayawan ko na ang ibang mga suhestiyon nito sa dami ng mga ipinamili nito. Nahihiya man ay laking pasasalamat ko sa mga iniregalo nito sa'kin.

Bago kami umuwi ay nanood pa kami ng sine na labis ko naman ikinasiyahan dahil sa tagal na ring hindi ako nakapasok. Habang nasa loob ay paminsan-minsan nahuhuli kong nakatingin ito sa akin at umakbay pa sa dahil nanginginig ako sa lamig sa bagong nabiling blouse na isinuot ko agad, medyo kita kasi ang balikat ko. Hinayaan ko na lang at ikinagalak ang pagpapanood bago natapos at lumabas ng sinehan.

"Ang galing nga e." Kwentuhan namin habang papauwi na. "Akalain mo 'yon, nakuha nila lahat ng ginto. Tapos ang cute-cute pa ng mga kotseng ginamit nila at isa-isa pa sila."

"Sa tingin mo pwede kaya nating gawin 'yon?" Suhestiyon nito.

"Sira! Imposible kaya 'yon." Tumawa ako sa biro niya.

Pagkarating namin sa malaking bahay habang nasa kotse ay tinanong niya ako kung nasiyahan ba ako.

"Oo naman! Sobrang salamat sa'yo, Jorge. Nakakahiya naman. Ang dami mong binili o."

"Walang anuman 'yun. Ikaw pa. Dapat lagi mong bigyan ng oras ang sarili mo." Pangangaral nito. "Kita mo, mas lalo kang gumaganda kapag nakangiti ka palagi." Pagtutuloy nito.

Yumuko ako at biglang namula ang aking mukha at ngumiti. Paglingon ko upang magpaalam ay biglang lumapit ito at siniil ako ng halik. Sa tatlong segundong iyon ay nagitla ako. Ramdam ko ang lambot ng labi at ang kiliti dulot ng bigote nito.

"Salamat, Miriam at pumayag kang sumama sa akin ngayon." Ngumiti ito. Nabasa siguro nito ang ekspresyon sa mukha ko at nagtuloy. "O, baka hinahanap ka na nila. Tulungan na kita magbitbit nitong mga bagahe."

"Ah. Hi-hindi na. Ako na... konti lang naman ang mga 'to. S-salamat, Jorge." Pagmamadali ko dahil sa pagkaasiwa.

Buti na lang at madilim na sa labas at nagtungo na ako sa loob ng malaking bahay. Buti na lang at wala si mayordoma sa likod ng bahay kung saan kami laging dumaraan.

Pagkapasok ko ng kwarto ay todo kutya naman itong si Laila at nangumusta sa lakad. Nagulat naman ito sa dami ng mga binili ni Jorge sa akin. Sa daming gustong ibili sa akin ni Jorge ay kumuha ako ng mga damit na sukat ni Laila para naman may maibigay ako nitong huli. Hindi ko na idinetalye ang iba pang pangyayari upang makaiwas sa daming itatanong nito.

Pagkahiga ko ay inisip ko lahat ng napag-usapan namin at ang mga nangyari. Kinilig naman ako at bago pa man ako nakatulog ay sinariwa ko ang huling tagpo sa loob ng sasakyan kung saan hinalikan niya ako. Kanina lamang ay kung anong kaba ang aking naramdaman tila ngayon lang ito nagbigay ng kiliti sa aking dibdib. Agad naman namasa ang aking kaselanan at hindi ko wari maintindihan kung ano ba itong nararamdaman ko. Hanggang sa pagtulog ko ay dala pati ang ngiti at saya.

Kinaumagahan ay agad na akong kumilos at mabilis ko namang natapos ang mga gawain na masaya. Habang ako ay nagliligpit sa kusina ay nakita ko si mayordoma na papalapit.

"O, hija. Kumusta naman ang lakad mo kagabi?" Tanong nito na hindi ko na ikinagulat. Tutal alam naman nito lahat hindi lang ang pasikot-sikot kundi ang mga nangyayari sa loob at labas ng malaking bahay.

"Mabuti naman po." Tipid kong sagot.

"Mabait talaga 'yang si Jorge. Maalaga at maasikaso." Paghahambing nito. "Bago lang din namin nakilala 'yang batang 'yan. Naalala ko noong isang araw pinadalhan kami ng sorbetes dito kahit may sorbetes naman sa loob. Nagdahilan pa na galing ibang bansa pa daw 'yon kaya gusto nga nitong ipatikim sa amin lahat dito." Pagtutuloy nito na nakangiti sa alaala.

Ikinuwento ni mayordoma ang mga katangian ni Jorge at sumang-ayon naman ako sa iba at nagkwento din ng tungkol sa gala namin.

"Pero, ang pagkakaalam ko ay hiwalay na ito sa asawa nito. Alam mo ba 'yon, hija?" Pag-aalala ni mayordoma.

"Ah." Napatanong ang isip ko sa sinambit ni mayordoma. "Hindi ho."

"Bueno, huwag ka munang magpadalos-dalos, hija. Hindi naman sa tinututulan kita pero pakitunguhan mo lang ng maayos si Jorge." Iniba ni mayordoma ang usapin at inutusan ako sa mga iba pang gagawin.

Hindi ko maintindihan ang huling sinabi nito. At kung maaalala ko ay pareho rin ng pagbabala sa akin ni Laila kahapon. May itinukoy itong tao pero hindi ko naman matandaan.

Lumipas naman ang ilang linggo at paminsan-minsan ay nagpapadala ng mensahe si Jorge na nangungumusta at nagpapahiwatig na sana maulit muli ang gala namin. Ito naman ay abala sa kompanya nito dahil mas dumami ang aasikasuhin.

Hindi ko na muna masyadong pinagkaabalahan ang mga pahiwatig nito marahil ay may mga tanong pa sa isip ko. Nabanggit ko rin sa kanya na nagpaplano akong magbakasyon dahil magda-dalawang taon na rin akong hindi nakakauwi sa amin. Agad naman itong tumugon at sinabing tama lang naman at balak nga rin nitong gawin din iyon buhat ng wala na itong oras na magpahinga dahil maraming dapat tapusin.

At nagtanong ito kung papayag ba ako sa suhestiyon nito noong nag-usap kami sa restawran. Nahihiya man ay tinanong ko din kung ayos lang ba sa kanya na sinang-ayunan naman. At sa huling pagmensahe nito ay nagpadala pa ito ng dilaw na madamdaming larawan na nakahalik.