1. Home
  2. Stories
  3. Lahat Na Lang
Filipino Sex Stories

Lahat Na Lang

By Asd123098 ·
"Ang cute mo pala kapag natakot!"

"Ipapasyal kita ngayon. Buti na lang at maaga kang nagising. Sigurado ako mapaparami tayo..."

"Ah. May bisita pala na dumating," saad ko sa sarili at dali-daling naglakad.

Chapter 4

Hinalikan ako ni Jorge sa pisngi pagkakita namin. Namula naman ako sa iniasta nito at nasabik ng araw na 'yon dahil sa wakas ay makakapagbakasyon din. Iba naman ngayon ang dala nitong sasakyan kaysa noong dati kaming gumala. Malaki ito at may magkarugtong na apat na bilog na tatak at napansin kong may Q7 na nakaukit sa likod ng pinto. Maluwang pala ito sa likod anang sa isip ko pagkalagay ng dala kong bagahe na sinuksok sa ibang bagahe na dala din nito.

Pinagbuksan agad niya ako ng pintuan at sumakay. "Sigurado akong magugustuhan mo doon. Presko ang hangin at malinis ang paligid." Pagpapaliwanag nito sa lugar na pupuntahan namin.

"Talaga? E, hindi pa kasi ako nakapunta sa ibang lugar ng Pilipinas." Nakanguso na wika ko. "Alam ko maraming tanawin at pasyalan sa buong bansa kaya isa din sa mga pangarap ko ang makapunta sa iba't-ibang lugar."

"Kawawa naman." Pakikramay nito na nakanguso din. "Kaya nga panahon na para mag-galugad at tuklasin ang ating mundo." Saad nito na may makahulugan na titig bago ibalik ang tingin nito sa daan.

Mahigit isang oras din ang biyahe namin at habang nasa daan kami puro kung anu-ano ang mga pinag-usapan namin. May mga berdeng biro din si Jorge na sinabayan ko na ikinatuwa naming dalawa. Kalaunan ay napansin kong pamilyar ang binabaybay namin hanggang sa nakarating kami sa pier ng Batangas. Hanggang dito lang ang binanggit kong lugar kay Laila na babakasyunan ko pero ang hindi niya alam ay sumama ako kay Jorge sa bahay-bakasyunan nito.

"Awww... buti ka pa uuwi na." Inggit na sabi nito habang abala akong nag-impake ng mga gamit. "Ibati mo na lang ako sa mama mo at kapatid mo ha?"

Naipakilala ko na kasi noon pa si Laila sa inay ko at kahit hindi pa man nagkita ng personal ay malapit na rin ito sa isa't-isa sa telepono.

"Oo naman. Atsaka ilang oras lang naman ang Batangas noh."

"Sigurado ka bang ayaw mo na magpahatid?"

"Hindi na. Atsaka magta-taxi na lang ako papuntang terminal. Konti lang naman dala ko." Wika ko.

Nagpaalam na ako at gaya ng dati paglabas ko ng malaking bahay ay naglakad ulit ako ng ilang hakbang at sa may hintayan ng taxi ko hinintay ang sundo ko.

Sa pier kami tumambay matapos makabili ng tiket ng barko. Tatawid pala kami papuntang Mindoro. Dati ko pang naririnig na maganda nga daw doon lalo na ang mga baybayin. May bahay-bakasyunan kasi sila Jorge sa isang isla doon at may taga roon daw na nag-aalaga nito. Naikwento pa nito na may mga engkanto at espiritong namumugad sa bahay na ikinatakot ko.

"Huh!? Bakit naman?" Gulat at nanlaki ang mga mata ko sa sinabi nito.

"Hahaha! Biro lang. Ang cute mo pala kapag natakot!" Tawang malakas nito.

"Ikaw talaga!" Pag-iirap ko. "Matatakutin pa naman ako sa mga ganyan." Sabay kurot ko sa tagiliran nito.

"Aray! Oo na, pasensya na po!" Sabay agbay sa akin na ikinatuwa ko habang hinihintay namin ang barkong maghahatid sa Puerto Galera.

Para kaming bagong kasal kung titingnan at naghaharutan. Hindi ko alam kung anong klaseng relasyon mayroon kami. Hindi ko naman masabi na kami pero natutuwa ako sa atensyong ibinibigay nito. Nagpaubaya na rin ako sa sitwasyon at hindi ko muna inisip ang mga katanungan sa utak ko. Kitang-kita ko ang inggit sa mga mata ng ibang mga babae sa paligid.

Ilang oras ang nakalipas ay nakatawid na rin kami sa wakas. Buti na lang at maganda ang panahon at hindi masyadong maalon. Pagkalabas ng kotse mula sa barko ay tinahak na namin ang daan papuntang timog ng Mindoro kung saan lima hanggang anim na oras ang layo.

Pagkarating namin sa bayan ng San Jose ay sinalubong kami ng magbabangka dahil sasakay na naman kami patawid sa isa na namang isla. Malaking bangka ito na pwedeng ikarga ang isang sasakyan at ilang pasahero. Buti na lang at mahangin at hindi na masyadong mainit ang araw ng hapong 'yon.

Bandang alas-nuwebe na ng kami ay nakarating sa bahay-bakasyunan nila sa isla ng Ilin. Naramdaman ko agad ang lamig at simoy ng dagat pagkababa namin. Sinalubong kami agad ng isang medyo may edad na na lalaki na tagapag-alaga ng bahay na iyon at tinulungan kami sa pagkuha at pagpanhik ng mga gamit. Nagtanong pa ito kung naghapunan na ba raw kami na agad namang tinanguan ni Jorge. Saad pa ng matanda na na-imbak na ito ng mga pagkain at gamit sa kusina na itinawag pa ni Jorge noong nakaraang araw.

Medyo luma na nga ang bahay. Hindi man kalakihan pero bongga ang pagkakagawa mula sa kahoy at puno ng niyog. Sa loob nito ay may mga lumang pinta at larawan sa kuwadro na nakasabit sa mga dingding.

"Mga kamag-anak namin sa panig ng mama ko ang iba sa mga riyan." Sabay abot nito ng kopa na naglalaman ng alak na galing sa ubas. Itinuro pa nito ang iba pang mga larawan bago ang isa pang larawan. "Heto naman mga pinsan ko."

"Ah. Nasaan na pala sila?"

"Sa ibang bansa na sila nakatira. Sa Amerika na rin nakabase ang mga pinsan ko at ang ibang kamag-anak namin."

Kinuha nito ang aking kamay at dinala ako sa taas kung saan may terasa. Kahit napapaitan ako sa lasa ay inubos ko na agad ang baso bago kami pumanhik at nilapag sa may lamesita sa gilid. Pagbukas nito ng pinto ay siya namang pagpasok ng malamig na hangin mula sa dalampasigan sa labas.

"Brrr... grabe! Ang lamig!" Sambit ko.

"Maganda ang tanawin mula rito bukas." Wika nito.

"Mukha nga, kaso madilim na." Nanginig ako sa lamig. Naramdaman kong niyakap ako nito mula sa likod at saka pinalingon.

"Ano gusto mo na magpahinga?" Tanong nito nang makitang naghikab ako.

"Oo sana. Hindi mo naman sinabi na ganito pala kalayo ang pupuntahan natin."

Tumawa lang ito, "di' ba sabi ko sa'yo magro-road trip tayo? Pero nag-enjoy ka naman ba sa biyahe?"

"Oo naman. Sulit nga, e. Hindi pa kasi ako nakagala ng ganitong malalayo. At ang tahimik pala ng lugar dito."

Pagkasara ng pinto ng terasa ay itinuro pa nito ang mga pasikot-sikot at ang kusina bago kami pumasok sa kwarto. Umupo ako sa malaki at malambot na kama at nahiga. Grabe ang lambot-lambot ng kama at ang sarap humiga. Inunat ko ang mga braso ko saka humikab ulit, marahil epekto din siguro ng ininom ko. Bumangon ako at nagtaka kung saan kaya matutulog si Jorge.

Nang lumabas ito ng banyo ay agad naman akong nag-usisa. "Ang dami namang kwarto dito. Malaki din pala ang loob ng bahay na 'to. Akala ko maliit lang. Saang kwarto ka ba matutulog?"

Napangiti ito. "Dito. Bakit ayaw mo ba?"

"Ah. Hindi naman. Diyan na lang ako sa sopa matutulog." Pagtuturo ko ng makita ang upuan.

"Nahihiya ka ba?" Pagtatanong nito.

"Hindi. Ahm. Kuwan." Hindi ko masabi ang dahilan.

"Sige ka, gusto mo bang may 'ibang' tumabi sa'yo mamayang hatinggabi?" Pananakot nito.

"Hah!?" Gulat ko. "'Wag mo naman akong takutin ng ganyan. Heto nga o kasya tayong dalawa." Umurong ako para ipakita na puwang pa.

Tumawa ito sabay hubad ng suot nitong damit at tumambad ang mabubuhok na dibdib pababa sa makorteng tiyan nito.

Parang hindi gumana ang aking mga mata ng mga sandaling iyon at nakatutok sa magandang katawan nito at bumalik lamang ang aking ulirat ng parang may umihip sa aking mukha.

Dali-dali akong tumayo at pumasok ng banyo at hindi nagpahalata. Pagkatapos kong magbanlaw at nagpalit ng damit ay sumilip muna ako at lumingon-lingon, pagkalabas ay dumiretso na ako sa higaan. Lumabas pala ng kwarto si Jorge, siguro upang ting'nan at suriin ang paligid. Nakatulog naman agad ako pagkahiga ko.

Malamig at maginaw ang paligid ng gabing iyon at mahimbing ang aking pagkakatulog. Sa aking pagkahiga ay pilit akong sumuksok sa mainit na bahagi ng aking likuran at hindi pa ako nakuntento at bumaling ako paharap. Naramdaman ko na lang na may dumantay sa akin at yumakap.

Sa sobrang higpit ng yakap nito'y mas lalong nagpasarap sa aking pagkakatulog. Ilang saglit lang ay may lumapat na napakainit na labi sa ilong ko pababa sa aking labi. May humahalik sa akin. Tulog ang aking katawan ng mga sandaling iyon ngunit gumigising naman ang aking kaluluwa sa masarap na sensasyon.

Ilang sandali lang ay tinugunan ko ang mainit na halik. Mahinang kagat sa umpisa hanggang sa kinuha na ng isang bibig ang buong dila ko at ito ay sinupsop. Halos hindi ako makahinga at napasinghap. Napaungol naman ako sa sarap at tanda ng pagkagising ng aking diwa. Napapadilat ang aking inaantok na mata at kita ang dilim ng kwarto ngunit ang anino ng mukha ng aking katabi ay aninag ko mula sa ilaw ng buwan.

Muli akong sinibasib ng halik. Ngayon lang ako nakahalik ng ganito katagal, segundo hanggang sa naging hindi mabilang na minuto ang lumipas ngunit parang ayaw naming matapos. Tumihaya ako habang hindi napuputol ang aming halikan at sinabayan din nito ng pagpatong at dagan sa akin.

Napadilat ng bahagya ang aking mga mata at unti-unting rumehistro sa aking diwa ang nangyayari. Si Jorge.

Nagkatitigan kami pagkatapos maghiwalay ng aming mga labi. Kita ko sa kanyang magandang mukha ang mga mapanuring mata na umaakma-akmang hahalik. Banayad na sumubsob naman ito sa aking leeg at dahil sa napukaw ang aking sensasyon ay itinaas ko ang ulo ko upang bigyang daan ito.

Nakakakiliti sa umpisa hanggang sa nakasanayan ko na ang kiliting dulot nito. Unti-unti namang bumababa ang halik nito at naramdaman ko na lamang ang kaliwang kamay nito na gumapang paloob sa aking damit at pilit kinakapa ang aking hinog na dibdib. At nang mabangga ng mga daliri nito ang aking mala-seresang utong ay pinabilog-bilog naman nito na nagdulot ng kiliti.

Napabangon ako nang inalis niya ang aking damit at mas naging mapusok ang aming halikan. Bumigay na ako sa pagkakataong iyon at tinanggap ko ang mangyayari sa pagkakataong iyon dahil alam kong segurado ako sa nararamdaman ko.

Humalinghing ako sa sarap nang ito ay humalik sa aking dibdib. Pabaling-baling ang aking ulo ng sinipsip nito ang aking utong at buong inangkin ng mabigoteng bibig nito ang aking mga suso nang tining'nan ko ito. Napahawak na lamang ako sa maalon-alon nitong buhok.

Animo'y parang batang gutom ito at sa sobrang kakaibang sensasyon at pansin ko ay namamasa na ang aking kaselanan. Siguro ay nakuha nito ang pahiwatig ko ng aking pinakurba ang katawan at agad naman itong tumayo at hinubad ang suot nitong sando at dahan-dahang hinawakan ang laylayan ng aking saplot. Dahan-dahan niyang binababa ito habang nakatingin sa akin at wala akong pagtututol dahil tuluyan ng nalunod ang aking sarili sa sensasyon at pumikit.

Ilang sandali pa ay naramdaman ko na lang ang init na hininga nito sa aking mala-perlas na hiyas at pinataas-baba ang napakainit nitong dila. Ngayon lang ako nakaramdam ulit ng ganito kasarap na pakiramdam. Parang nahihiya pa ako't tinitiklop ko ang aking mga hita at hinaplos-haplos naman nito ang aking binti atsaka pinabuka. Nagpaubaya na lang ako.

"Aaah...," tanging halinghing na namutawi sa aking bibig ng pinasok ang isang daliri nito. Ilang ayuda pa ay naging tatlong daliri na ang pumasok. Kahit saan ko na pinagbaling ang aking ulo sa sarap at halos matastas na ang kumot sa sobrang higpit ng aking pagkahawak dulot ng sarap at kiliti.

"Ho-Jor... ang sarappp." Pabulong kong bigkas. Lumiyad ulit ako sa sobrang sarap at namalayan ko na lamang ang mainit nitong dila sa aking bukana at sinisipsip ang aking puke. Parang naasiwa pa ako noong una dahil sa hindi ko pa naaahit ang mga pinong balahibo ko sa baba at medyo nahiya pa ako. Pero dahil sa sarap ay hinayaan ko na dahil sa pabilis na ng pabilis ang pagnamnam ng mga labi nito.

Maya't-maya ay, ''Aaah!" Napasigaw ako sa unang pagkakataon ng marating ko ang rurok. Ngayon lang ulit ako nakadama ng ganito at ngayon lang din ako nakaranas ng ganito katinding libog. Habol ko ang aking hininga at napapikit sa sarap.

Paglapat ng aking likod sa higaan ay hinalikan ulit ako. Sa pagkakataong iyon ay parang may sariling isip ang aking mga kamay at hinaplos ang mabalbon na dibdib ni Jorge na agad naman nitong kinuha at pinahawak sa kung ano mang matigas na bagay.

Nakaalis na rin pala ang saplot nito sa baba at nagulat ako sa sobrang taba ng ari nito. Pinapataas baba nito ang aking mga kamay na agad ko namang sinunod. Halos hindi ko matiklop ang buong kamay ko sa taba habang banayad ko namang pinipisil ito. Namamasa na ang dulo at umungol naman ang may-ari nito.

Maya't-maya ay itinutok na nito ang titi niya sa aking bukana pagkaalis ng aking mga kamay na itinaas niya sa aking ulunan. Hawak nito ang aking mga kamay na parang animo'y ginagapos.

Nakatingin ng diretso sa akin si Jorge nang minsan dumilat ang aking mga mata habang idinidiin nito ang matabang ari nito. Nagtatanong ang mga mata nito na para bang humihingi ng pahintulot. Sa sarap at kiliting dulot ng ginagawa nito ay ginanahan ako at napaungol.

Agad namang idiniin papasok ang titi nito nang makita ang aking ekspresyon. "Ohhh!" Mahinang halinghing ko. Hinugot nitong muli at saka tinutok.

Pinigilan ko ang aking hininga para ihanda ang sarili sa malaking panauhin. Idiniin pa nitong muli at pilit na ipinasok ngunit hindi ito nagtagumpay. Umayos ito at pinabukaka pang maigi ang aking mga hita. Mas lalong bumuka ang aking pwerta nang pinabuka nito ang aking puke gamit ang mga daliri niya.

Sa pagkakataong iyon ay ipinasok niya ang matabang ulo sa aking butas. Huminga akong malalim at napasigaw nang isinaksak nito ang titi nito.

"Aaah! Aaahwww! Ahhh." Akala ko ay simpleng sakit lang ngunit hindi ko inasahang ganoon katindi ang hapdi gawa ng paghiwa nito sa aking kaselanan. Napaluha ako sa sakit at napahawak sa ibabang bahagi ng dibdib ni Jorge. Gusto ko siyang itulak palabas ngunit ninais kong mangyari ito.

Habang tinitiis ko ang sakit ay napansin nito ang lalim ng aking paghinga. "Shhh...," pag-alo nito at siniil ako ng halik at pinisil ng banayad ang aking mga suso. Bumaba naman ang halik nito sa aking leeg at umayos ng bahagya upang sakupin ng labi nito ang buong suso ko.

Ilang sandali naman ay nakaramdam na ako ng kiliti at hindi ko namalayan na unti-unti na palang nawawala ang sakit sa aking puke. Kumilos ito at idiniin ng bahagya at saka hinugot ang titi nito. Naramdaman kong muli ang kirot ngunit sa pagkakataong iyon ay naging iba na ang pakiramdam.

"Ohhh... ahhh." Tanging mga ungol lamang ang namutawi sa aking bibig. Sunod-sunod na bayo at diin sa loob ko na aking ninanamnam sa pagkakataong iyon. Pakiramdam ko ay naaabot ng ulo nito ang pinakalooban ng aking puki ng minsang idiin pa nito ang baywang sa akin. Napabuka lalo ang aking mga hita at kitang-kita ko ang aming katawan na ngayo'y naging isa.

Habang patuloy sa paglabas-masok ang ari ni Jorge sa akin ay narinig ko ang pagbilis ng ungol nito. Damang-dama ko ang katawan ng titi nito sa bawat sulok ng aking puki at sa sikip ay aakalain mong sinasakal ko ito tuwing ito ay nakadiin sa loob.

"Mmmiriam... Aaah," ungol na tawag nito sa pangalan ko.

Napasabay na rin ako ng ungol, "aaah!" Hindi ko napigilan ang sarili ng bumilis ang paglabas-masok nito. Nangisay ako sa ikalawang pagkakataon ng marating ulit ang sukdulan. Mahigpit na nakakapit na ngayon ang aking mga binti sa gilid ng katawan ni Jorge. Pati ang kama ay sumabay na rin sa pag-iingay gawa ng malalakas na paggalaw ni Jorge sa ibabaw ko.

Ilang sandali pa ay napasigaw si Jorge at naramdaman ko ang ulo nito na sumagad sa aking kailaliman. Pumintig pintig ito habang bumubuga ng mainit na likido. Isa hanggang sa anim na malalakas na pulandit ang pumuno sa aking puki.

"Ohhh...," sabay na ungol namin tanda ng napakasarap na pagniniig. Habol naman namin ang aming hininga at bumagsak ito sa ibabaw ko at hinalikan muli ang aking labi.

Nabunot ang titi nito mula sa loob ko nang tumihaya ito. Kusa namang nagtiklop ang aking puki at sa sikip ay walang nailabas sa pinaghalong katas namin. Punong-puno ako ng mga oras na 'yon.

Hubo't-hubad ang aming mga katawan na magkayakap at nakatulog muli.

Pagkagising ko ay wala na si Jorge sa aking tabi. Bumangon ako tining'nan ang bakas ng aming pagniniig. Gumalaw ako ng bahagya at naramdaman ang konting kirot sa kaselanan ko. Napangiti na lang ako sa sarili.

Naamoy ko na lang ang masarap na ginisang bawang at sibuyas na galing sa kusina. Sigurado akong naroon na siya sa baba. Niligpit ko na ang kama at nag-ayos sa banyo. Pinili kong magsuot ng komportableng bestida.

Napalingon si Jorge na nakasuot ng tapis habang nagluluto ng pinihit ko ang upuan.

"'Gandang umaga!" Bati nito at ngumiti.

Nakangiti akong tumitig sa kaniya. "Magandang umaga din."

Lumapit ito sa akin at hinalikan ang noo ko. "Nakatulog ka ba ng maayos, hmmm?"

"Ang sarap nga ng tulog ko, e." Tugon ko at pilyang sinundan, "parang hindi 'yata ako makakalakad."

Tumawa lang ito. "Ipapasyal kita ngayon. Buti na lang at maaga kang nagising. Sigurado ako mapaparami tayo..." Tumingin muna ito habang naglalagay ng pritong itlog, hotdog at bacon sa plato ko at nagpatuloy, "ng gala ngayon."

Tinugunan ko naman ito ng mapanuyang ngiti.

Buong araw kaming namasyal sa bayan at sa liwasan. Bumili rin ako ng ilang pampasalubong at mga katutubong bag na pwedeng panggala ng minsan kaming pumunta ng palengke.

May mga ilang tao rin kaming nasalubong at may nakakakilala pa rin kay Jorge. Kilala pala ang pamilya nila sa bayang iyon.

Pagkadating namin ay naisipan kong maligo sa dagat. "Hindi mo ba ako sasamahan?" Tanong ko.

"Bukas na kita sasamahan. Naghihintay na kasi si manong sa'kin. Tutulungan ko lang siyang ayusin ang likod ng bahay, lumalaki na raw kasi ang ugat ng mga kahoy at kailangan daw baklasin ang ibang bahagi." Wika nito.

Hila-hila ko ang braso nito sabay sambit ko. "Sayang naman. Ting'nan mo ang laki ng dagat ngayon, o, hindi rin masyadong maalon.".

Bilang tugon ay humalik ito sa noo ko at ngumiti.

"Sige na nga, magpapasama na lang ako sa mga bata doon." Naisip ko na lamang na samahan ang mga batang taga-roon na masayang naghahabulan sa dagat.

Dala-dala ang mga napulot kong ilang bato ay naisipan kong tumungo na upang makauwi at maingat na umakyat sa mabatong hagdanan dahil malapit ng magdilim. Pag-angat ko ng aking mukha ay may nakita akong isang babae sa balkonahe. Nakangiti at akmang tumalikod.

"Ah. May bisita pala na dumating," saad ko sa sarili at dali-daling naglakad. Pagkapasok ko ng bahay ay nagtungo muna ako sa kusina upang ilagay ang mga napulot sa dalampasigan.

Pagkalabas ko ng kusina upang batiin ang bisita ay nagulat ako ng may mabunggo ako at napasigaw, "aray!" Nagkatitigan kami. Sabay namang may kung anong nabasag sa ikalawang palapag.