1. Home
  2. Stories
  3. Lahat Na Lang
Filipino Sex Stories

Lahat Na Lang

By Asd123098 ·
"Matagal nang hiwalay iyang dalawa. Ewan ko kung sa anong dahilan. Itong si madam Clara ay hindi makapag-move on kaya lagi pa ring nakikisali sa mga negosyo ni sir Jorge."

"I want to have some lemonade, please!"

"Kung iyan ang desisyon mo, hija, hindi kita pipigilan. Pero nais ko lang sabihin sa iyo na malaki ang tiwala ko sa iyo sa kabila ng nangyari. Sana ay magbago ang isip mo dahil mahirap makahanap ng katiwala sa panahon ngayon."

Chapter 7

Dahil sa kulit ni Laila ay naikwento ko sa kaniya kung saan talaga ako nagtungo at kung gaano ako nasiyahan sa aking bakasyon. Pero hindi ko binanggit na may namagitan sa amin ni Jorge. Marahil may kuro-kuro ito pero natutuwa naman ako dahil hanggang sa kantiyaw lang ito na tinutugunan ko lang ng ngiti.

"Ikaw na talaga! Nakakainggit ka naman. Talagang eksklusibong-eksklusibo ang bakasyon mo ah!" Anito sa mapanibughuing tono.

"Hindi naman. Nagkataon lang na mayroong bahay-bakasyunan sila Jorge doon. At saka 'wag ka ngang maingay baka makarinig sina madam." Tukoy ko kay mayordoma.

"Uy. Pero alam mo bang naparito ang ex ni sir Jorge noong nakaraang araw?"

"Si-sino?" Tanong ko.

"Naalala mong sinabi ko sa'yo na dati niyang asawa?"

Naalala ko na may nasambit ito pero wala namang nabanggit na pangalan ang mga ito, maging si mayordoma na nagpaalala bago ako nagbakasyon.

Hindi pa rin ito nakumbinsi na naaalala ko kaya sinabi na nito ang pangalan. "Si madam Clara."

"Madam Clara?"

"Oo. Binisita nito sina sir Eric at palagay ko hindi naman talaga ang negosyo ang pakay nito kung 'di nag-uusisa lang kung nasaan talaga si sir Jorge."

"Bakit, hindi ba niya alam kung saan ito nagpunta? Ikwento mo na kasi sa akin."

"Tsk. Ito naman o. Ayaw ko sana maging pinanggalingan ng mga tsismis e."

Pinilit ko na nga ito at nakapagkwento nga.

"Matagal nang hiwalay iyang dalawa. Ewan ko kung sa anong dahilan. Itong si madam Clara ay hindi makapag-move on kaya lagi pa ring nakikisali sa mga negosyo ni sir Jorge."

"Ganoon ba? Bakit kasi ayaw pang lubayan nitong Clara si Jorge?"

"Aba! Ewan ko. Sa gwapo ba naman ni sir, e, kahit ba naman ako." At tumawa ito.

"Loka-loka ka talaga."

"'Wag kang magseselos, ah!" Kutya nito.

"Aba! Hindi ah. At saka wala naman talagang pakiramdam si Jorge sa akin. Gagawin lang naman..." Napahinto ako. Muntik ko nang masabi sa kanya ang dapat ay lihim ko lang.

"Ang ibig kong sabihin ay, gawain lang ni Jorge talaga ang maglibang at gusto laging may makasama."

"Hmmm. At ikaw talaga ang napili niyang isama." Pag-ismid nito sabay ng isang ngiwi ng bibig nito.

Pagkatapos ng kwentuhan namin ay nagpahinga na ako at nang makita ako ni mayordoma kinabukasan ay kinumusta ako at hindi na nag-usisa pa.

Dumaan ang ilang araw at puro trabaho lang ang inatupag ko. Wala naman akong natanggap na mga tawag o mensahe mula kay Jorge. Siguro ay natuon lang ang pansin nito sa trabaho na binanggit nito noong nasa biyahe kami pauwi.

O baka naman nagkabalikan sila ni madam Clara. Nanlumo ako. Pero tinatagan ko na lang ang sarili ko at hindi na ako nagpaapekto. Umiibig na ba talaga ako kay Jorge o dala lang din ng libog kaya ako nagpaubaya?

Habang nagmumuni-muni ay sabay ko ring tinapos ang mga pinupunasang muwebles nang dumating naman si mayordoma.

"Miriam, may mga bisitang darating. Ihanda mo ang salas at ang hapag. Dito na rin manananghalian ang mga tauhan ng amo."

"Sige po, madam." Sagot ko sa utos nito.

Maya-maya ay nagsidatingan naman ang mga bisita. Unang pumasok ang mga taga-opisina. Bumati ako sa isang babae na nakilala ko nang minsang pumunta kami ni Laila doon.

Ilang saglit lang ay umigkas ang puso ko ng makita si Jorge na sinundan naman ng kaba nang makita ko ang isang babae na umangkla sa mga bisig nito. Ito marahil si Clara. Tama, siya nga ito.

Ang akala ko ay hiwalay na ang mga ito. Pero bakit parang mahigpit pa rin ang kanilang relasyon?

Napatalikod na lang ako upang hindi ako mapansin. Nahihiya man ay pumasok ako sa kusina. Sakto namang nasalubong ko si mayordoma.

"O, kadarating lang ng mga bisita. Asikasuhin mo na sila at doon na raw sila sa meeting room."

"Me-may kukunin lang po ako sa kusina." Pagdadahilan ko. At siya rin namang pagdating ni sir Eric.

"Miriam. Maaari mo bang tulungan ang mga bisita natin na kunin ang kanilang gustong inumin?" Tanong nito.

Punyeta! Anang sa isip ko. Wala talaga akong kawala. Nagkunwari na lang akong masigasig sa hiling nito. Nakakahiya naman at ang amo ko pa ang nakiusap.

Pagpasok ko sa meeting room ay nagkatinginan agad kami ni Jorge. Agad naman akong umiwas at itinuon ang pansin ko sa kaibigang babae at nagpatulong magtanong. Buti na lang nag-uusap ang mga ibang miyembro sa loob ng silid.

Nakakaasiwa ang pangyayaring iyon at nang makuha ko ang mga kahilingan nila ay tumalikod ako.

"I want to have some lemonade, please!" Utos ng babae ng mapansin kong boses ni madam Clara noong paglingon ko. Nakatingin ito sa akin ng diretso at tikom ang napakapulang labi nito.

"Y-yes, madam." Malumanay kong tugon. At agad pinutol ang nakakakabang tingin nito sa akin at akmang aalis.

"Wait!" Sigaw nito sa akin. "What do want, darling?" Lumingon ito sa katabing si Jorge.

"Ah, I'm fine. Thanks." Maikling tugon nito.

Damdam kong naaasiwa din ito habang pinalipat-lipat ang tingin sa akin at kay madam Clara.

Umalis agad ako nang wala na akong narinig mula sa kanila. Habang inihahanda ang mga dadalhin sa loob ay dumating naman si Laila.

"Haaay! Napakamaldita talaga ng babaeng 'yon!" Pagtukoy nito kay Clara. "Nakita mo bang halos ipagtulakan na siya ni Jorge?"

"Na-nagkabalikan na ba talaga sila?" Usisa ko.

"Ahm, ewan ko lang. Pero ting'nan mo naman kung gaano kawalang-pakialam ni Jorge sa babae. Haha." Tumawa ito ng mapanuya.

Naabutan naman kami ni mayordoma, "O, 'wag muna kayong mag-tsismisan diyan. Laila umpisahan mo ng gayakin ang mga lulutuin."

Naputol ang aming usapang nang maraming inutos si mayordoma sa amin.

Nang matapos ang mga bisita na magpananghalian ay umupo muna ang mga ito sa terasa.

Lumabas muna ako saglit sa likod bahay at dumaan sa may palanguyan nang makita ko si Clara na nagyo-yosi. Akma namang babalik ako nang magsalita ito.

"So. Ikaw pala ang babae ni Jorge. Yuck! Isa ka lang pa lang katulong!" Pangi-insulto nito.

"N-nagkakamali po kayo." Depensa ko.

"Hindi ako nagkakamali. Ikaw nga 'yong nakita kong sumakay sa kotse ni Jorge noong isang gabi. Nakakagulat naman at dito lang pala kita makikita!" Pangaalipusta pa nito.

Hindi ako umimik at panay iling ko sa pagtanggi.

"Ano masarap ba ang asawa ko? Magkano ba ang ibinayad sa'yo?" Pagpapatuloy pa nito. "Let me tell you that - I. Am. The wife of Jorge!" Pagdidiin nito sa katagang iyon.

Sabay namang dumating si Jorge. "Ano'ng nangyayari dito?"

Sumisigaw na si Clara. "Is this the girl, Jorge? Ito ba ang puta mo habang wala ka dito sa Manila?"

Hindi nakasagot si Jorge. At pinapatigil nito ang paggawa ng eksena.

Umigkas naman ito. "No! I want to know! Ikaw ba, ha!? Ano'ng pangalan mo? Miriam!? Hoy! I'm telling you na asawa ko ang nilalandi mo! Walang hiya ka!"

Parang naiiyak na ako sa mga sandaling iyon. Sabay namang nagsidatingan ang ibang mga panauhin.

"Stop it, Clara!" Pagtitigil ni Jorge nang sasapakin ako ng babae.

Akmang lumapit si Clara at nahablot ang dulo ng buhok ko. Halos nabagsak ako sa sahig. Buti na lang at naawat ito ni Jorge at ng isa pang lalaki.

"Tigilan 'niyo 'ko! May araw ka ring malandi ka!" Sigaw pa nito at nagsisigaw palabas kasama si Jorge.

Tinulungan naman ako ni Laila at ng babae sa opisina. Pati si mayordoma ay nalilito sa gagawin ng dumating si sir Eric at nagtatatanong kung ano ang nangyayari.

Naunang umalis ang mag-asawa nang matapos ang pangyayari at naging parang maingay ang alingawngaw ng mga bisita nang masaksihan ang eksenang iyon.

Matapos kong ayusin ang aking sarili sa banyo ay tumungo na sa loob ng silid. Nahihiya ako sa eskandalong nangyari kani-kanina lang. Marahil ay alam na ng lahat ang nangyari sa amin ni Jorge.

Halos wala akong mukhang ihaharap kay sir Eric at nagpaumanhin ako sa mag-asawa ng malaman nila ang nangyari at kung bakit nagkaganoon. Alam kong galit sa akin si mayordoma pero mas pinili na lang nitong suportahan ako.

Lumipas ang ilang araw na parang walang nangyari. Si Laila naman ay tanong ng tanong kung ayos lang ba ako. Hindi ko na sinagot ang mga tawag at mensahe ni Jorge. Pinili ko na manahimik lamang at lubayan ito dahil kung inaasikaso ko ang aking mga amo ay nahihiya ako sa mga tingin nito.

Noong gabing iyon, matapos sabihin kay mayordoma ang aking desisyon, kinausap ko si sir Eric at malungkot na nagpaalam.

"Dahil ba sa nangyari kamakailan?" Tanong nito na sinagot ko ng tango. "Kung iyan ang desisyon mo, hija, hindi kita pipigilan. Pero nais ko lang sabihin sa iyo na malaki ang tiwala ko sa iyo sa kabila ng nangyari. Sana ay magbago ang isip mo dahil mahirap makahanap ng katiwala sa panahon ngayon."

Mahaba pa ang naging litanya ng pagpipigil sa akin si sir Eric bago ako nakaalis sa opisina na malungkot. Mahigit dalawang taon din ang inilagi ko sa malaking bahay na iyon at naging malapit na rin ako sa pamilya ni sir Eric, ngunit hindi ko kayang manatili kaya't nagdesisyon akong umalis na.

Buti na lang at marami-rami na rin ang naging kakilala ko sa Maynila, dahilan upang makahanap ulit ng mapapasukan.

Anim na buwan ang nakalilipas matapos ang biglaang pag-alis ko sa malaking bahay ay nanilbihan ako sa magkapatid na sina Alex at Mike.

Hindi masyadong malaki ang bahay na aking pinagtrabahuan sa San Mateo. si Alex ang nakasagot nang minsang tumawag ako sa numero na naibigay sa akin. Siya na rin mismo ang nagtanong tungkol sa mga bagay-bagay at kalaunan ay tinanggap ako kahit na panandalian lamang ang trabaho dahil sa kailangan lang nila habang naghihintay ang mga ito na makasunod sa ina nilang nasa Norway.

Si Alex na halos isang taon lang ang tanda sa akin ang panganay at kaka-graduate lang ng nurse na ngayo'y nagpa-part time sa isang real estate. Habang si Mike naman ay labing-walong taon naman at nag-aaral pa.

Hindi naman masyadong mabigat ang trabaho sa kanilang bahay at halos luto lang at linis ang ginagawa ko sa kanila. Alam ko na rin ang pag-uugali nila at parang kaibigan na rin ang turing nila sa akin.

Minsang umuwi ako galing ng palengke ng Lucban ay naisipan ko munang magpalit ng damit dahil sa pawis matapos lakarin ang palengke.

Hinubad ko muna ang aking bra upang gumaan ang aking pakiramdam. Bigla namang tumunog ang pinapakuluan kong tubig at sa pagmamadali ko ay hindi ko na sinuot ang blusa dahil ako lang naman ang tao sa bahay ng mga sandaling iyon.

Naisipan ko ring kunin sa taas ang mga sinampay kong damit. Nang makaakyat ay napansin kong bukas naman ang pinto ng isang kwarto.

Nakalimutan sigurong isara ito ni Mike, saad ng isip ko. Pero habang papalapit ako ay may naririnig akong munting ingay.

Laking gulat ko na lang nang makita ko si Mike na hawak-hawak ang titi nito at tinataas-baba. Agad ko namang tinakpan ang aking mga suso at nagtago.

Kinabahan ako at napagtantong hindi naman ako nito nakita dahil nakatalikod ito habang nakasuot ng headphone. Nakauwi na pala ito.

Sasawayin ko ba ito o kakatok? Hindi ko alam kung anong gagawin. Muli akong sumilip at nakitang nakatuon ang pansin nito sa pinapanood. Panay taas-baba ang babae at umuungol.

Natuon naman ang aking pansin sa matigas at tayong-tayo na titi ni Mike habang hinihimas nito. Hindi naman ito kalakihan ngunit sakto lang ang haba nito. Hindi ko alam na malibog pala ang batang ito, anang sa isip ko.

Nagsimula namang mamasa ang aking kaselanan ng nawala ang aking katinuan. Bago ko pa nahawakan ang aking puki ay lumingon ako at dali-daling umalis. Napansin siguro ito ng binata dahil parang nakita kong lumingon ito.

Hindi, ayokong magpatukso. Umiling-iling na lang ako nang masuot ang blusa sa kwarto. Nakakahiya naman. Sino kayang mahihiya ako o si Mike?

Lumabas ako ng kwarto at nagkunwaring hindi nakita ang tagpong iyon.